KITANG kita ni Princess ang nagmamadaling si Luna at Selene paalis sa kanilang hide out. Napabuntong hininga nalang siya dahil sa naging reaction ni Selene sa kaniya. Napatingin siya sa boyfriend na nakangiting nag kukwento sa kaniya at mayroong itinuturo pa sa isang parte ngunit wala doon ang atensyon niya. Simula ng magkausap sila ni Luna kanina sa banyo ay hindi na siya mapakali at nababagabag ang loob niya. Mayroon siyang itinatago sa kaniyang boyfriend at iyon ang unang beses na ginawa niya ito kay Prince. “Hey love, are you okay?” alalang tanong ni Prince sa kaniya. Dahil alam na ‘rin ng lahat na mag boyfriend at girlfriend sila ay nagpasya na ‘rin silang ipakita sa mga ito ang totoo. Sa nakalipas na mga taon ay sinubukan nilang maging lowkey at walang ibang maka-alam ngunit syempre hindi sekreto ang relasyon nila. Nag-uusap sila in public, sweet kung minsan ngunit hindi madalas kaya noong naglaban lang si Prince at Luna doon lang nakumpirma ng lahat ang totoo. “Yes, may n
“ANONG nangyari?” tanong ni Selene ng makapasok sila sa kotse at nagmaneho si Luna paalis doon. “Nahuli si Lisa, isama mo pa na pabagsak na ang kumpanya ni Sebastian.” “Pabagsak?!” nanlalaking matang tanong ni Selene ng marinig iyon kay Luna. Masamang tingin ang ipinukol nito kay Selene dahil tila wala itong alam. “Saang lupalop ka ba nanggaling at hindi mo alam ang nangyayari sa pamilya mo ate Selene?” Dahil sa sinabing iyon ni Luna ay dali-daling hinanap ni Selene ang kaniyang cellphone. Nang makita niya ito ay dali-dali niya itong binuksan dahil pinatay niya iyon bago siya umalis para sa kaniyang mission. Nag scroll siya sa kaniyang social media at tama nga si Luna. Malaki na ‘rin ang pinagbago ng itsura ni Sebastian simula ng huli niya itong makita. “A-anong nangyari?” hindi makapaniwala nitong tanong. “Kumalat ang balitang hindi ako anak ng tumayo kong magulang. Naging dahilan ‘yun para kwestyunin ng mga share holders niyo ang pagiging girlfriend ko kay Sebastian. Isa-isa
“BAKIT kayo nandito?”Hindi makapaniwalang tanong ni Luna habang nakatingin sa kaniyang mag-ama. Natahimik naman ang dalawa dahi sa tanong niya na iyon habang si Celine ay napatingin sa ama.Sandaling katahimikan ang pumalibot sa kanilang lima dahil mukang alam na nila ang rason kung bakit naroroon ang lalaki.“Uhmm, siguro mas mabuti na mag-usap muna kayong dalawa. Celine, halika sama ka muna samin ni tita Selene mo.”Agad na sabi ni Riri na ikinasunod naman ng bata sa tita-ninang niya at ganon ‘din si Selene. Ngumiti pa ito sa kaniyang kapatid ng madaanan niya ito at niyakap sandali.“Magiging ayos ‘din ang lahat.” Bulong ni Selene kay Sebastian na ikinangiti lang nito ng kaunti at tumango sa ate.Nang mawala ang tatlo sa kanilang paningin ay nagpasya ang dalawa na maupo nalang muna sa sofa. Inaantay ni Luna na magsimula ang lalaki sa sasabihin nito ngunit mukang hindi alam ng boyfriend kung paano siya magsisimula.“Wala ka bang balak ipaliwanag sakin ang lahat? Bakit niyo tinago s
NAPATANGO si Sebastian dahil sa sinabi ni Luna at ipinatawag na nila agad ang tatlo para mag-usap usap sila. Ngayon ay naroroon na sila sa isang private room kung saan naroroon ang ilang mga makabagong gamit ni Luna sa organization nila.Hindi iyon ang kanilang hide out ngunit ginagawa niya iyong alternative kapag importante ang kaniyang gagawin dahil na ‘rin medyo malayo doon ang kanilang hide out.“So ganito ang plano. Si ate Serene at Riri, kayong dalawa ang aasahan ko sa pagligtas kay Lisa. While kami ni Sebastian ay uuwi sa Pilipinas para ayusin ang gulong nangyayari doon.”Napatango ang mga ito dahil sa sinabi ni Luna hanggang sa magtaas ng kamay si Celine.“How about me mommy!”Nagkatinginan silang apat dahil sa sinabing iyon ni Celine. Alam ni Luna na hilig iyon ng kaniyang anak. Hindi niya agad naisipan ng dapat gawin ito kung kaya nag-isip siya ng maaari nitong gawin.“Are you sure you want to join us, anak?” alalang tanong ni Sebastian.“Daddy anong tingin mo saakin weak? G
NAKATINGIN siya ngayon sa muka ni Luna na mahimbing na natutulog. Napangiti siya at mas itinaas ang blangket na kumot nito at tumayo sa kaniyang kinauupuan.Naglakad siya papunta sa pwesto ng anak at kita niya itong nakatulog na kaka-laptop.“Anak nga kita,” iling na bulong ni Sebastian sa sarili dahil sa pagiging hard working nito.Pinatay niya ang laptop at itinabi iyon pagkatapos ay kinumutan ang anak. Hinalikan niya ito sa noo nito bago siya tuluyang naupo sa solo na sofa na naroroon at mayroong lamesa sa harapan.“Ako naman ang kikilos para sa pamilya ko.”Tinignan pa niya ang mag-ina niya sa huling pagkakataon at agad na tinipa ang kaniyang keyboard matapos iyon.***NANG makarating sila sa pilipinas ay kaagad na sumeretsyo ang mga ito sa bahay nila Sebastian kung saan alam nilang naroroon ang magulang nito.“Lola! Lolo!”Napalingon ang dalawang matanda dahil sa sigaw ni Celine at agad na napangiti ang mga ito dito. Saglit lang nilang hindi nakita si Celine ngunit na-miss nila a
Doon ay kinuwento ni Luna ang buo sa mga ito. Hindi sila makapaniwala na isang Moon pala ang kasa-kasama nila lalo na is Caroline. Tinawanan pa ng ani Rocky at Vince ang mga ito dahil ganoon ‘din ang naging reaction nila noon. Nang matapos iyon ay sinabi na niya ang tunay na plano nila na bukas gaganapin. Pinag-asikaso agad ni Luna si Vince ng isang malaking event at dahil malaki ang event na iyon ay pinatulong na niya si Caroline dito dahil bukas na bukas ay mag sasanib pwersa na ang Moonlight C.B. at ang Anderson Company. Nagulat sila sa planong iyon ni Luna, kahit si Sebastian noong malaman iyon ay nagulat. Ni minsan ay hindi niya naisip na gamitin ang nobya para lamang bumalik sa dati ang kanilang kumpanya pero dahil nag insist si Luna at sinabi na magagalit siya kapag hindi siya pumayag ay wala siyang magawa. Kay Rocky tinoka ni Luna na ipakalat sa social media ang pagiging mag partner ng Moonlight C.B. at Anderson Company. Lalo na at puro hotels and beverages ang sakop ng kum
SUNOD-SUNOD ang flashes ng camera ng lumabas na si Sebastian para sa gaganaping contract signing na mamagitan sa Anderson Company and Moonlight C.B. Nakasuot siya ng isang tuxedo na kulay sky blue at nasa ilalim niyon ang puting polo at necktie na kulay dark blue.Bagay na bagay kay Sebastian ang kaniyang kasuotan na lalong nagpalabas sa kagwapuhan nito dahilan para mamangha at mag tilian ang mga kababaihan na naroroon.“Please welcome, Mr.Sebastian Anderson. The CEO of Anderson group of companies.”Nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanila at naupo na si Sebastian sa kaniyang kinauupuan. Nagsalita pa ang emcee patungkol sa gaganapin sa araw na iyon. At syempre ang tungkol sa pagdating ng may ari ng Moonlight C.B. kasabay ng araw na ‘yon ay ang pagdiriwang ng pagpunta sa itaas ng kumpanya bilang nangungunang clothing line sa bansa.Tila mas lalong dumami ang kanilang supporters dahil na ‘rin sa balitang mag sasanib pwersa na ang dalawang malaking kumpanya. Lahat naka-abang at lahat ay
“GOOD day, everyone. I want to thank all of you of attending this contract signing…” panimulang sabi nito at tumingin sa paligid.“Mukang masungit.”“Baka ganon talaga siya, seryoso masyado sa buhay.”“Ikaw ba naman humawak ng malaking kumpanya dika ma-stress e.”“Shh ingay niyo nakikinig ako!”Samu’t saring usapan ng nasa paligid matapos magsalita ni Seera.“But since I am here, I would like to us this opportunity to tell you’ll the truth.”Nagsimulang magbulungan ang paligid dahil doon. Sino bang hindi? Kalalabas lang nito at kakikilala lang sa kaniya ay mayroon agad itong sasabihin sa kanila na katotohanan? Ibig sabihin mayroong mal isa mga nangyayari.“I am not the real owner of Moonlight Clothing Boutique. I am just the face of our company. My boss, the real owner of Moon or Moonlight C.B. is here and I’m very much honored to introduce her to all of you.”“What? Hindi siya ang tunay na may-ari?”“Ibig sabihin may iba pa?”“Ano kayang itsura niya?”“Sino kaya siya?”Mas umingay an