Hi Kimmie's! Sorry kung halos sampung araw na maiiksi ang update ko, ang dami po kasi naming bisita sa bahay nitong holy week kaya sobrang busy. Pero dahil tapos na balik tayo sa kwento! Kapit lang po at marami pang pasabog na pangyayari! Maraming salamat sa mga nagbabasa, comment down po magbabasa na ulit me ng comments! Sana 'wag po kayong magalit saakin, na-busy lang po sa personal life ko hehe.
“MOMMY?” Napalingon si Luna sa kaniyang anak na kagigising lang at kabababa mula sa itaas. Maaga kasi siyang nagising at bumangon para maghanda ng umagahan ng anak. “Good morning, my daughter.” Ngiting sabi niya at lumapit dito’t hinalikan ito sa noo. “Come, seat here.” Aya pa nitong sabi sa kaniya at pinag hila pa siya ng upuan nito. Di makapaniwala si Celine sa kaniyang nakikita. Kagabi lang ay tila wala sa sarili ang ina at gulong-gulo dahil sa kaniyang mga nalalaman pero ngayon ay tila hindi na niya makita ang gulong-gulong ina kagabi. “Mommy, ayos lang po ba kayo?” Napahinto sandali si Luna sa kaniyang paghahanda para sa breakfast ngunit kalaunan ay ngumiti ‘din at lumingon dito sandali. “Oo naman, bakit magiging hindi?” at muli itong bumalik sa kaniyang ginagawa and then inilagay na niya sa ibabaw ng lamesa ang mga pagkain. “Wow, sakto pala dating ko. Sorry na late ako ng bangon napuyat kasi ako.” Biglang dating na sabi ni Lisa na ikinalingon pareho ng mag-ina dito.
PAGKARATING ni Luna sa kaniyang opisina ay puro trabaho agad ang kaniyang inatupag. Si Caroline ay halatang halata niya na gusto siya nitong kausapin ngunit hindi lang nito ginagawa. Sa ngayon ay wala muna siyang pakialam doon, ang mahalaga ay matapos niya ang mga bagay na dapat niyang tapusin lalo na’t marami siyang ibibilin kay Caroline mamaya. Sa pagkabusy niya ay nawala na sa isip niya ang mga nangyari maging ang lunch ay nakalimutan na niya. Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Caroline ay hindi pa siya kakain. Sa ngayon ay nagpapahinga siya dahil katatapos niya lang kainin ang inihandang pagkain ni Caroline ng biglang bumukas ang pinto ng office niya. “Sir, hindi ka po pwede dito!” pigil pa na sabi ni Caroline ngunit wala na itong nagawa dahil pumasok na ito ng tuluyan sa loob. “I want to talk to you Luna.” Seryosong sabi ni Ivan. Napatingin si Luna kay Caroline at tinanguan niya ito tanda na hayaan na ang lalaki. Alangan pa si Caroline kung iiwan ba niya ang amo kasama an
NANG makarating siya sa kaniyang opisina at nagtrabaho na muli siya at katulad kaninang umaga ay nawala nanaman siya sa track ng oras. Mabuti nalang talaga at anjan si Caroline para paalalahanan siya lagi. At dahil pauwi na sila ay sinabi na ni Luna ang kaniyang plano kay Caroline. “A-aalis na po kayo?” gulat na sabi nito na ikinatango ni Luna. Nalungkot si Caroline sa kaniyang nalaman pero naiintindihan naman niya ang kaniyang amo. Sa daming nangyari dito sa nakalipas na araw ay hindi na dapat siya magulat sa sinabi nito. “Nakakalungkot po pero nakapag desisyon na po kayo, support ko kayo Ms.Luna.” “Salamat, Caroline.” Ngiting sabi ni Luna. “Pero Ms.Luna, pwede po ba kayong sumama sakin ngayon? Gusto ka po kasi makausap ni mama.” Ngayon nalang ulit naalala ni Luna ang ina ni Caroline. Tutal ay paalis naman na sila ay pumayag siya dito para na ‘rin makapagpaalam siya bago sila umalis. “Sure sige,” Magkahiwalay sila ng sasakyan dahil gamit ni Caroline ang kotse na nangga
“ARE you sure mommy you will go there in your own?” tanong muli ni Celine bago ito tuluyang bumaba ng kotse ng kaniyang ina. Ngayon ang araw na magkikita si Luna at ang kaniyang tunay na ina. Ayon kay Celine ay iyon ang sinabing araw at oras ng kaniyang tita Isabel. Ang hindi alam nito ito ang kaniyang tunay na lola na alam niyang gusto nitong makilala lalo na’t alam ‘din nito na ampon lang siya. “Yes anak ano ka ba, may pasok ka pa kaya sige na. Baka ma late ka,” Walang nagawa si Celine kundi ang tumango sa ina at naglakad na palabas ng kotse. Lumingon pa ito kay Luna na nasa loob ng kotse kung kaya kinawayan lang ito ni Luna upang ipakita dito na ayos lang ang lahat. Alam niya na nakakaramdam ng kakaiba ang anak lalo na’t kanina pa ito tanong ng tanong tungkol sa pagkikita nila ng tita Isabel nito. “I’m sorry anak pero hindi ko hahayaan na ma-involve ka dito ngayon.” Sabi ni Luna at binuksan na ang kaniyang salamin at inilabas ang kaniyang contact lenses. Maayos na nasiayos
KATULAD ng normal na araw ay puro trabaho si Luna. Kinamusta na ‘rin niya ang ina ni Caroline at ayon dito ay maayos naman na ang lagay nito at hindi na umiiyak ngunit nag-aalala pa ‘rin ito dahil tulala na itong muli. Maging siya tuloy ay nag-alala dito kaya sabi niya ay dadalawin niya ito kapag may time siya. Mabilis ang oras hanggang sa dumating ang time ng kaniyang meeting sa labas ng opisina. Hindi na siya nagpasama kay Caroline dahil marami pa itong ginagawa lalo na’t iniwan niya dito ang mga trabaho dito. Nang makarating siya sa meeting place nila ay wala pa doon ang kaniyang ka-meeting kung kaya naghintay pa siya ng ilang sandali doon. Ang hindi alam ni Luna ay tumakas sa eskwelahan ang kaniyang anak na si Celine. Alam ni Celine na mayroong kakaiba sa ina kaya gusto niyang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nito o kung anong tinatago nito sa kaniya. Ramdan niya ‘rin kasi na mayroon itong tinatago at kung hindi nito sasabihin ay siya mismo ang gagawa ng paraan para malam
WALANG pinagsabihan si Luna tungkol sa pag-uusap nila ni Loisa sa meeting na iyon. Ang alam ni Caroline ay business man ang kausap niya pero ang totoo ay hindi dahil si Loisa iyon. Sinabi nalang niya na hindi naging maayos ang pag-uusap nila kaya walang deal na nangyari sa kanila at mag move on na sila. Kinausap na ‘rin ni Luna sa Caroline tungkol sa mga bagay na aasikasuhin niya sa oras na umalis sila doon. O kung aalis pa ba talaga sila? Dahil sa kaniyang nalaman mula kay Loisa ay nagdadalawang isip na siya. Isama mo pa ang sinabi sa kaniya ni Lisa na katulad na katulad na sinabi ni Loisa, maging si Ivan ay ganon ‘din ang sinabi sa kaniya. Na ang lahat ng iyon ay hindi ginusto ni Sebastian. Kaya nga ngayon ay gulong-gulo ang kaniyang isipan. Hindi naman siguro iyon coincidence nalang dahil tatlong beses na. Nang makauwi siya sa kanila ay normal lang ang ipinakita niya kila Lisa at Celine. Tinanong pa siya ng anak kung Kamusta ang araw niya lalo na ang pakikipagusap nito sa tita
NAKAHINGA ng maluwag si Celine ng marinig niya ang yapak ng ina paalis sa silid na iyon at ang pagsara ng pinto. Hindi niya kasi inaasahan na darating na ang mommy niya, dapat doon siya sa loob ng silid kung nasaan ang daddy niya at si Loisa kaso hindi siya umabot doon. Sabagay sabi ‘din ng daddy niya ay ‘wag siya doon. Dapat talaga sa penthouse nila gaganapin ang lahat pero ayaw ng daddy niya doon kasi alam nito na papatayin ni Loisa ang CCTV na meron sa building na iyon. Sa bahay nito ay control niya, kahit patayin ito ni Loisa ay mag-aautomatic na mabuhay ang back up CCTV ng bahay nila. Kaya makakakuha pa ‘rin sila ng evidence laban kay Loisa. Nang malaman iyon ng daddy niya ay galit na galit ito, kung hindi niya lang pinigilan ang ama ay baka nasugod na nito si Loisa. Walang ibang nakakaalam na magkausap sila kundi silang dalawa lamang kaya kahit sina Vince at Rocky ay magugulat kung sakaling malalaman na magkasabwat silang dalawa. Naiwan ng mommy niya na bukas ang ilaw kung
“IAN!” Tawag na sabi ni Rocky at Vince kay Sebastian ng dumating ito sa kanilang hide out. Ngunit hindi nag-iisa ang kanilang kaibigan kaya natigilan ang dalawa hanggang sa matauhan sila at sumigaw. “Celine!” mabilis na lumapit ang dalawa kay Celine at niyakap ito. Napatawa naman si Celine dahil sa reaction ng dalawa niyang mga tito. “Miss na miss niyo ako tito, tito-ninong ah?” “Syempre naman! Ang tagal ka naming hindi nakita!” masayang sabi ni Rocky na ikinatango naman ni Vince. “Pero anong ginagawa mo dito? Kasama mo pa ang daddy mo, akala ko bag alit ka ‘din sa kaniya tulad ng mommy mo?” Hindi agad nakasagot si Celine sa tanong na iyon ni Vince at napatingin sa kaniyang ama. Tumango naman si Sebastian sa kaniya at sinabihan ang mga ito na maupo muna sila para mas maipaliwanag nila ng maayos ang kanilang plano. Nagtataka ‘man ang dalawa ay sumunod sila dito at naupo sa may mahabang table na naroroon kung saan sila nag-memeeting. “Magkasabwat kayong dalawa?!” sabay na sabi ni