Maraming salamat sa mga nagbabasa! Bukas po ulit! Comment down kimmi'es nagbabasa po ako!
“IAN!” Tawag na sabi ni Rocky at Vince kay Sebastian ng dumating ito sa kanilang hide out. Ngunit hindi nag-iisa ang kanilang kaibigan kaya natigilan ang dalawa hanggang sa matauhan sila at sumigaw. “Celine!” mabilis na lumapit ang dalawa kay Celine at niyakap ito. Napatawa naman si Celine dahil sa reaction ng dalawa niyang mga tito. “Miss na miss niyo ako tito, tito-ninong ah?” “Syempre naman! Ang tagal ka naming hindi nakita!” masayang sabi ni Rocky na ikinatango naman ni Vince. “Pero anong ginagawa mo dito? Kasama mo pa ang daddy mo, akala ko bag alit ka ‘din sa kaniya tulad ng mommy mo?” Hindi agad nakasagot si Celine sa tanong na iyon ni Vince at napatingin sa kaniyang ama. Tumango naman si Sebastian sa kaniya at sinabihan ang mga ito na maupo muna sila para mas maipaliwanag nila ng maayos ang kanilang plano. Nagtataka ‘man ang dalawa ay sumunod sila dito at naupo sa may mahabang table na naroroon kung saan sila nag-memeeting. “Magkasabwat kayong dalawa?!” sabay na sabi ni
KAAALIS lang ni Caroline sa kwarto ng kaniyang ina na ang tunay nitong pangalan ay Selena. Sa kaniya kinuha ang pangalang Selene ng kanilang panganay na anak ni Ricci Anderson. Ilang taon na ‘rin silang kasal ng kaniyang asawa tyaka niya lang nalamana ng katotohanan na isa itong mafia. Noong una ay hindi niya matanggap ang katotohanan na iyon pero kalaunan ay natanggap niya ‘rin lalo na’t ipinagbubuntis niya ng panahon na iyon ang kanilang bunsong anak na si Sebastian. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mayroong sumugod sa kanilang bahay. Kapapanganak palang niya ‘nun at kadarating palang ng kaniyang doktora dahil sa bahay na siya inabutan sa panganganak. Kapuputol palang ng cord ni Sebastian ng biglang may sumugod sa kanila at dahil ayaw mapahamak ni Selena ang anak ay itinago niya ito sa ligtas na lugar. Kaya ang ending siya ang kinuha ng mga ito. Nagawa naman niyang makatakas ngunit nabagok ang kaniyang ulo kaya nawalan siya ng ala-ala. Mayroong tumulong sa kaniya kaso
NAPAKUNOT ang noo ni Vince ng makita ang tinitignan ni Sebastian. Tila familiar sa kaniya ang muka nito ngunit hindi niya lang ito mamukaan. Pero matapos nitong banggitin ang salitang ‘mommy’ ay kusang nanlaki ang mata niya ay doon niya naalala kung sino ang familiar na muka na iyon. “Tita?!” gulat ‘din na sabi ni Vince ngunit hindi napuputol ang titigan ni Sebastian at Selena. Hindi na napigilan ni Selena ang pagtulo ng luha niya dahil ang sanggol na kalalabas lang sa sinapupunan niya ngayon ay malaki na at kamuka ng kaniyang asawa. Nanginginig ang kamay niya at hindi alam ang sasabihin. Habang nasa taxi siya kanina ay nakaplano na ang gagawin niya ngunit ngayon na nasa harapan na niya ang anak ay hindi na niya mahanap ang salitang nais niyang sabihin. “H-hindi… impossible… nawala ka noong pinanganak mo ako…” hindi makapaniwalang sabi ni Sebastian na siyang ikinailing ng sunod-sunod ni Selana. Tahimik na ngayon ang buong paligid at nakatingin na sa kanila ngayon. Marami ang nagta
KANINA pa hindi mapakali si Celine sa kinauupuan nilang mag-ina. Paalis na sila ng bansa at kasama nila si Lisa papuntang Canada. Hindi niya alam kung paano niya tatawagan ang daddy. Mayroong telephone sa airport pero hindi naman niya kabisado ang number nito. Pangako niya talaga sa kaniyang sarili na kakabisaduhin na niya ang number nito para kapag may emergency tulad ngayon ay matatawagan niya ito. Konting oras nalang at lilipad na ang eroplano na sasakyan nila. Saktong 11am ang alis ng eroplano kaya lalong hindi mapakali si Celine. “Celine kung ano ‘man ang naiisip mo ‘wag mo ng ituloy.” Napatingin siya sa kaniyang tito Lisa at napasimangot. Hindi niya akalain na sobrang mapagmasid pala nito at halos bas anito lahat ng kilos niya. Ang kaniyang ina naman ay busy sa cellphone nito sa pagbibilin kay Caroline ng mga dapat nitong gawin. Ilang minuto ang lumipas napatingin si Celine sa screen ng TV na naroroon ay nakita niya ang breaking news. Nanlaki ang mata niya at nakita ang
BAGSAK ang balikat ni Sebastian ng pumunta siya sa ospital kung saan ngayon naka-confine ang kaniyang ina. Hindi niya naabutan sina Luna at Celine. Pakiramdam niya ay nawala ‘din ang kalahati ng kaniyang pagkatao dahil umalis ang mga ito ng bansa. Ngayon nagsisisi na siya kung bakit hindi nalang sana niya sinabi kay Luna ang lahat para hindi na umabot sa ganoon. Napatingin naman sa pintuan sina Selana, Rocky at Vince ng bumukas iyon. Nang makita nila si Sebastian ay agad na napatayo ang dalawang kaibigan niya. “Ian!” sabay na sabi ng mga ito. “I was late.” Malungkot na sabi nito na ikinatahimik nilang lahat. Si Selana naman ay nalungkot ‘din dahil sa narinig mula sa anak pero alam niya na mas malungkot ito. Naglakad ang anak nyia palapit sa kaniya at naupo sa upuan na nasa kaniyang tabi. Yumuko si Sebastian sa kaniyang hinihigaan kung kaya hinimas niya ang buhok ng anak. “’Wag kang mag-alala anak, sigurado akong magkikita ulit kayo ng mag-iina mo.” Pagpapagaan niya ng loob
MATAPOS ang nakakaiyak na tagpo ng mga ito ay naging masaya sila dahil nagkaroon ng bagong dagdag sa kanilang pamilya. Si Sebastian ay hindi akalain na magkakaroon pa siya ng kapatid matapos mawala ng kaniyang ate kung kaya ipinangako niya sa sarili niyang hinding-hindi niya pababayaan si Caroline. Mabait na tao si Caroline, noon pa ‘man na nakita niya itong kasama ni Luna ay kitang-kita na niya ito. Ang totoo nga ay nakikita niya ang ugali ng kaniyang ate dito pero this time siya ang mas matanda kung kaya sisiguraduhin niyang aalagaan niya ito. Kung paano siya alagaan ng kaniyang ate Selene ay ganoon niya ‘rin ito aalagaan. ‘Ate Selene, nakikita mo ba kami? Mayroon na tayong bagong kapatid. Kung nandito ka lang sana sigurado akong matutuwa kang makilala ka dahil hindi naglalayo ang ugali niyo.’ Mahinang bulong ni Sebastian sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang mommy at kay Caroline na masayang nag kukwentuhan. Hinayaan na muna nila ang dalawa dahil nag paplano sila nil
AGAD na pinunasan ni Sebastian ang kaniyang luha at sumeryoso. Hindi dapat siya magpadala sa pinapakita nito sa kanila ngayon. Sa buong buhay niya ngayon lang naging ganito ang trato ng ama sa kaniya kaya nakakapagtaka iyon. Baka isa nanaman iyon sa mga plano nito at may gawin na kakaiba sa kaniya. “Hindi kami magtatagal dito. Uulitin ko, sumama ka saamin dahil mayroon gustong makita ka.” Seryoso niyang sabi habang ang mga kaibigan niya ay kumakain ng cookies dahil hindi nila akalain na masarap iyon. Ngunit imbes na pansinin ang sinabi niya ay hindi nito pinakinggan iyon at nagsalita. “Job well done, Sebastian. Sabi ko na nga ba at kaya mong pabagsakin ang pamilya Eve na iyon.” Napatigil sa pagkain ang dalawa at sabay sabay silang napalingon kay Ricci ng sabihin niya iyon. “Kaya ko inilapit sa’yo ang pamilya Eve para tignan kung ano ang kaya mong gawin para sa pamilya mo. Hindi ko akalain na magiging katulad ka saakin Sebastian. Hindi mo dapat inuulit ang pagkakamaling gina
“MAY pag-asa pa ba na mawala ang sakit niya?” “Hindi pa sigurado Ian. Sa ngayon inaantay lang ‘din namin ang result ng test niya sa hospital.” Iyan ang huling usapan nila ni Edwin bago siya tuluyang umalis sa kanilang bahay. Naiwan si Vince sa kanilang bahay habang si Rocky naman ay kasama na niya pabalik sa ospital.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Sigurado siya na malulungkot ito sa ibabalita niya dito. Kahit pa na alam na nila ang masayang balita na buhay ang kaniyang ate Selene ngunit kaakibat naman nun ay ang pagkakaroon ng sakit ng kaniyang ama. “Kuya Ian!” Masayang bati ni Caroline ng makita niyang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kapatid. Kahit na bago iyon kay Caroline ay masaya siya’t tila isang normal na bagay iyon sa kaniya, ang tawagin itong kuya. Walang nakagisnan na kapatid si Caroline at lumaki siyang naging pasanin ang lahat ng responsibilidad kung kaya pinangarap niya ‘rin ang pakiramdam ng magkaroon ng nakakatandang kapatid. Ngayon na ibinig