KANINA pa hindi mapakali si Celine sa kinauupuan nilang mag-ina. Paalis na sila ng bansa at kasama nila si Lisa papuntang Canada. Hindi niya alam kung paano niya tatawagan ang daddy. Mayroong telephone sa airport pero hindi naman niya kabisado ang number nito. Pangako niya talaga sa kaniyang sarili na kakabisaduhin na niya ang number nito para kapag may emergency tulad ngayon ay matatawagan niya ito. Konting oras nalang at lilipad na ang eroplano na sasakyan nila. Saktong 11am ang alis ng eroplano kaya lalong hindi mapakali si Celine. “Celine kung ano ‘man ang naiisip mo ‘wag mo ng ituloy.” Napatingin siya sa kaniyang tito Lisa at napasimangot. Hindi niya akalain na sobrang mapagmasid pala nito at halos bas anito lahat ng kilos niya. Ang kaniyang ina naman ay busy sa cellphone nito sa pagbibilin kay Caroline ng mga dapat nitong gawin. Ilang minuto ang lumipas napatingin si Celine sa screen ng TV na naroroon ay nakita niya ang breaking news. Nanlaki ang mata niya at nakita ang
BAGSAK ang balikat ni Sebastian ng pumunta siya sa ospital kung saan ngayon naka-confine ang kaniyang ina. Hindi niya naabutan sina Luna at Celine. Pakiramdam niya ay nawala ‘din ang kalahati ng kaniyang pagkatao dahil umalis ang mga ito ng bansa. Ngayon nagsisisi na siya kung bakit hindi nalang sana niya sinabi kay Luna ang lahat para hindi na umabot sa ganoon. Napatingin naman sa pintuan sina Selana, Rocky at Vince ng bumukas iyon. Nang makita nila si Sebastian ay agad na napatayo ang dalawang kaibigan niya. “Ian!” sabay na sabi ng mga ito. “I was late.” Malungkot na sabi nito na ikinatahimik nilang lahat. Si Selana naman ay nalungkot ‘din dahil sa narinig mula sa anak pero alam niya na mas malungkot ito. Naglakad ang anak nyia palapit sa kaniya at naupo sa upuan na nasa kaniyang tabi. Yumuko si Sebastian sa kaniyang hinihigaan kung kaya hinimas niya ang buhok ng anak. “’Wag kang mag-alala anak, sigurado akong magkikita ulit kayo ng mag-iina mo.” Pagpapagaan niya ng loob
MATAPOS ang nakakaiyak na tagpo ng mga ito ay naging masaya sila dahil nagkaroon ng bagong dagdag sa kanilang pamilya. Si Sebastian ay hindi akalain na magkakaroon pa siya ng kapatid matapos mawala ng kaniyang ate kung kaya ipinangako niya sa sarili niyang hinding-hindi niya pababayaan si Caroline. Mabait na tao si Caroline, noon pa ‘man na nakita niya itong kasama ni Luna ay kitang-kita na niya ito. Ang totoo nga ay nakikita niya ang ugali ng kaniyang ate dito pero this time siya ang mas matanda kung kaya sisiguraduhin niyang aalagaan niya ito. Kung paano siya alagaan ng kaniyang ate Selene ay ganoon niya ‘rin ito aalagaan. ‘Ate Selene, nakikita mo ba kami? Mayroon na tayong bagong kapatid. Kung nandito ka lang sana sigurado akong matutuwa kang makilala ka dahil hindi naglalayo ang ugali niyo.’ Mahinang bulong ni Sebastian sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang mommy at kay Caroline na masayang nag kukwentuhan. Hinayaan na muna nila ang dalawa dahil nag paplano sila nil
AGAD na pinunasan ni Sebastian ang kaniyang luha at sumeryoso. Hindi dapat siya magpadala sa pinapakita nito sa kanila ngayon. Sa buong buhay niya ngayon lang naging ganito ang trato ng ama sa kaniya kaya nakakapagtaka iyon. Baka isa nanaman iyon sa mga plano nito at may gawin na kakaiba sa kaniya. “Hindi kami magtatagal dito. Uulitin ko, sumama ka saamin dahil mayroon gustong makita ka.” Seryoso niyang sabi habang ang mga kaibigan niya ay kumakain ng cookies dahil hindi nila akalain na masarap iyon. Ngunit imbes na pansinin ang sinabi niya ay hindi nito pinakinggan iyon at nagsalita. “Job well done, Sebastian. Sabi ko na nga ba at kaya mong pabagsakin ang pamilya Eve na iyon.” Napatigil sa pagkain ang dalawa at sabay sabay silang napalingon kay Ricci ng sabihin niya iyon. “Kaya ko inilapit sa’yo ang pamilya Eve para tignan kung ano ang kaya mong gawin para sa pamilya mo. Hindi ko akalain na magiging katulad ka saakin Sebastian. Hindi mo dapat inuulit ang pagkakamaling gina
“MAY pag-asa pa ba na mawala ang sakit niya?” “Hindi pa sigurado Ian. Sa ngayon inaantay lang ‘din namin ang result ng test niya sa hospital.” Iyan ang huling usapan nila ni Edwin bago siya tuluyang umalis sa kanilang bahay. Naiwan si Vince sa kanilang bahay habang si Rocky naman ay kasama na niya pabalik sa ospital.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Sigurado siya na malulungkot ito sa ibabalita niya dito. Kahit pa na alam na nila ang masayang balita na buhay ang kaniyang ate Selene ngunit kaakibat naman nun ay ang pagkakaroon ng sakit ng kaniyang ama. “Kuya Ian!” Masayang bati ni Caroline ng makita niyang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kapatid. Kahit na bago iyon kay Caroline ay masaya siya’t tila isang normal na bagay iyon sa kaniya, ang tawagin itong kuya. Walang nakagisnan na kapatid si Caroline at lumaki siyang naging pasanin ang lahat ng responsibilidad kung kaya pinangarap niya ‘rin ang pakiramdam ng magkaroon ng nakakatandang kapatid. Ngayon na ibinig
“THEY already leave the Philippines.” “What?!” tayong sabi ng kausap ni Ivan ng ibalita niya dito ang bagay na iyon. “What did Ian do?” “Hindi niya inabutan sila Luna, umalis na nag eroplano at hindi nalaman ni Luna ang totoo.” “Stupid.” Inis na sabi ng babae at agad umalis mula sa kaniyang kinalalagyan. “Saan ka pupunta?” pigil na sabi ni Ivan dito. “Canada. Sigurado ako na doon pupunta si Luna, kailangan ko siyang kausapin.” Napakunot ang noo ni Ivan dahil sa sinabi nito at hinarap ito ng maayos. “For what? Siguradong pupuntahan ni Ian ang mag-ina niya, hayaan mo siya ang umayos ng gusot na ginawa niya.” “Sinong nagsabi na gusot ng kapatid ko ang aayusin ko? Alam mong bukod doon ay may isa pa akong mission.” Seryosong sabi ni Selene na ikinabitaw ni Ivan sa kaniyang braso. Bakit nga ba niya nakalimutan ang bagay na iyon? Yes, alam na ni Ivan na buhay ang babaeng pinakamamahal niya. Noong araw na makita niya itong nakamasid sa kaniya ay hindi siya nagdalawang isip na huluhi
“WELCOME to Canada!” Iyan ang sumalubong kina Celine, Luna at Lisa ng nakarating sila sa kanilang destinasyon. Pagod pa ang mga ito sa mahabang oras ng byaheng itinagal nila sa eroplano kaya balak ng mga ito na magpahinga sa oras na makarating sa kanila. “Luna! Celine!” Masaya silang sinalubong ni Riri ng makalabas sila sa airport. “Tita-ninang!” masayang sabi ni Celine at niyakap ito na ikinatawa ni Riri. “Miss na miss mo ako ah?” Sunod-sunod namang tumango si Celine dito na ikinagulo lang ni Riri sa buhok ng inaanak. Matapos nilang magyakapan ay si Luna naman ang niyakap ni Riri. “Kumusta bruha ka kahit na alam kong hindi ka okay?” “Alam mo naman pala ba’t pa kailangan magtanong?” irap na sabi ni Luna na ikinatawa nito. “Buti nga kinamusta pa kita e,” Napailing nalang si Luna dahil sa sinabi ng kaibigan at hinarap si Lisa upang ipakilala ito sa kaibigan. “Riri, meet Lisa. Lisa, si Riri matalik kong kaibigan.” “Nice to finally meet you Lisa! Nakwento ka saakin
SINAMPAL ng katotohanan si Luna matapos niyang marinig ang side ni Celine. Pinagalitan pa siya ng anak na hindi nakikinig sa kaniya dahil makailang ulit na itong sumubok sabihin sa kaniya ang totoo. Pero kahit na ganon ay naiintindihan pa ‘rin naman ni Celine ang ina lalo na’t nasaktan lang ito. “Ano nahimasmasan ka na ba?” tanong na sabi ni Riri matapos siyang painumin ng malamig na tubig. Tumango ng marahan si Luna at napayuko. “I’m sorry guys… masyado lang akong nagpakain sa pain na naramdaman ko.” Umiling si Celine sa isinabi ng kaniyang ina at hinawakan nito ang kamay niya. “Mommy, it’s okay. Siguradong maiintindihan ka ‘rin ni daddy lalo na’t alam niya ‘rin na nasaktan ka namin. Nang sabihin samin ni tito-ninong ang tungkol sa nararamdaman mo ay sasabihin na sana namin ang totoo kaso ayun na nga po. Alam ko naman po na mali ‘din ang plano namin ni daddy kaso tapos na po, wala na tayong magagawa.” Sunod-sunod na tumango si Lisa at Riri sa sinabi ni Celine na ikinangiti