Chapter 16 (6) The Great Lost
(Sayruz POV)
Kamutik nang saktan si Angie ng isa sa tauhan na magliligpit ng gamit namin kung hindi nga ako dumating. Si Senen naman ang umagaw ng pamalo dito, at kagaya ko na di din nagustuhan ang nadatnan pinalipad ni Senen kung saan ang pamalo. Nangyari itong kamuntikan ng masaktan si Angie, dahil pinaghinalaan ng asawa ko na kinuha nito ang aking relo. Tsk. Hindi importante ngayon ang mga material na bagay, ang importante sa akin ngayon, ang maging ligtas at maayos lang ang mag-ina ko.
Sa nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Grandma, heto bang ginawa kong pag-protesta sa kanya, ay mas lalong ginalit ko siya? Mali ba ako sa aking ginagawa para sa aking asawa?
Grandma, totoong wala na akong nararamdaman kay Sarah. Di ko namalayan ang may-ari na pala ng puso ko ay ang babaing ito. Kaya mahirap na ipagpilitan niyo ako sa bagay na hindi ko naman panindigan.
“Talaga bang sa oras n
Chapter 16 (7) The Great Lost(Sharmaine POV)Sinubukan ko ng ilang ulit na tawagan si Senen, pero hindi niya sinasagot. Naunahan ba ako ni Sayruz na bilugin ang ulo nito? Hindi maari! Hindi. Kaya naman lumabas ako sa silid na nagmumukhang tuliro. Kailangan ko maka-usap si Senen, at tungkol nga sa pagpapatira nito sa mag-asawa sa kanyang flat na hindi maari!“Si Grandma?” Tanong ko sa katulong na nakasalubong ko. Alam kong hindi makakapagpahinga ng maayos ang matandang yun. Kahit ganito nga ang nangyayari, nilalamon parin siya ng pag-alala para sa nag-iisa niyang biological grandson at lalo na sa asawa nito.“Nasa may sala po.” Sinasabi ko na nga ba.Kaya kaagad ako bumaba ng hagdan. “Grandma.” Tawag ko sa kanya na ikinalingon nito sa akin. Malungkot ang mukha nito mas lalo na ang kanyang mga mata. Umiyak ito kanina.“Nag-aalala po ba kayo sa apo niyo? Sinabi ko nama
Chapter 16 (8) The Great Lost(Sayruz POV)Sa tingin ko hindi maganda kung ililihim ko pa itong nangyayari sa pagitan namin ni Grandma sa asawa ko.“Shall I take my leave, Sayruz?” Napatango ako kay Senen. Kaya bumangon ito sa kinaka-upuan niya.“A-ano, naistorbo ko ba kayong dalawa? A-akyat na lang ako ulit.”“Hindi Angie. Kailangan niyo atang mag-usap ni Sayruz. Saka kailangan ko magpahinga ng maaga. Halos ilang oras na lang ang tulog ko nito. Ikaw na ang bahala sa asawa mo.”Nang mawala na sa paligid si Senen… “Have a seat, Angie.” Na itinabi ko ang ilang bote ng alak.“Baka naistorbo ko kayo. Sorry kung bigla na lang ako sumasabat at kinuha ang attention niyo.”“No. It’s fine. May kailangan din naman tayong dalawa pag-usapan.” Natahimik si Angie. “At tungkol ito sa divorce na narinig mo kanina.”
Chapter 16 (9) The Great Lost(Trisha POV)Kaagad naman ako kumilos para nga punasan ng panyo si Manager Peng, ngunit umiwas ito sa akin. Mga mata niya parang minamaliit ako. Dahil dito ang panyong kinuha ko sa aking bag, inis kong itinapon ito sa mukha niya. “Ang arte-arte mo. Baka nakakalimutan mo Manager Peng kung sino ang pumasok sa akin dito sa kompanya. Tsk. Dapat sayo sinusupalpal. Kala mo kung sino na nagrereyna-reynahan sa department namin. Binibigyan na nga kita ng panyo, nag-iinarte ka pa. Tss. Wag kang mag-alala hindi ka naman niyan mamatay. Pero sa tingin ko mamatay ka sa ingit kapag napromote ako. Wag sana sa kinatatayuan mo ako mapunta.”Ngisi ko na tinitigan ko ito mula ulo hangang paa. Mas maganda ngang mawala na ang mangkukulam na’to. Saka ko siya tinalikuran. Siguradong sinusundan ako nito ng paningin hangang elevator. Sa pepe nga si Manager Peng kapag harapan at diretsahan mo siyang sinagot
Chapter 16 (10) The Great Lost(Trisha POV)Kinaladkad ako hangang palabas nga ng tarangkahan. Mga masunuring mga kuting! Tsk! Sayang ng porma ko kung gaganituhin lang nila ako. May pa-limousine pa akong nalalaman para ganituhin lang nila ako. Mga ingitera! Lalo na yung Manager Peng na yan. Bakit hindi na lang niya aminin na naiingit siya sa akin ng husto?! Lintik lang eh.Ngunit kaagad ko naman inayos ang aking sarili dahil ano na lang ang sasabihin ng makakita sa akin. Alam ko naman na makakabalik ako. Saka di naman alam ng lahat na ganito ang nangyari sa akin. Kung kahihiyan lang naman sa pangalan ko, ayokong maging trending. Tss.Nang tumigil sa harapan ko ang isang bus. Salamat naman at di na ako maghihintay dito para lang mapahiya. Ngunit may pababa na sanang isang empleyado at base sa mukha niya nag-aalala siya na baka late na siya. Hindi siya makakapasok ngayon. Sasama siya sa akin, since nga superior niya ako.
Chapter 17 Give Up (Sayruz POV)Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko tungkol sa akin. Talaga bang naging masama akong kapatid kay Sharmaine upang sirain niya ng ganito ang pangalan ko, at gumawa ng kwentong wala namang katotohanan. F*ck! Ni minsan hindi ko pinagnasaan ang isang kagaya niya. Over my dead body. Bulsh*t!“Sino ang may sabi na mayroon pang karapatan na pumasok siya sa gusaling ito?!” Biglang nagsilingunan ang mga taga-media, at nakahinga ako dahil si Grandma. Ngunit hindi ko nais ang narinig ko. Talaga bang gagawin ito sa akin ni Grandma?“Grandma, wala akong ginawang masama kay Sharmaine. Maari natin ito pag-usapan ng maayos. Di ko alam kung ano ang sinabi niya sa inyo. Ngunit sa tingin ko, lahat ng yun walang katotohanan.” Kampante kong sinabi. Ngunit umismid lamang si Grandma sa akin. Tuluyan na bang nabilog ang ulo niya? Tuluyan na bang tumigas ang puso ni Grandma? Ayos lang sa akin, basta wag niyang damayin dito si Angie. Nagdadalang tao siya.Nang Sumenyas si
Chapter 17 (2) Give Up (Angie POV)“Anong ginagawa mo dito Angie?!” Hindi ko pa nga magawang tumugon sa obvious naman niyang tanong, bigla itong natawa. “Ahahaha. Di mo talaga aakalain na muling mag-kucross ang landas natin ulit sa bus ulit. Naalala mo pa ba noong una tayong nagkakilala. Katulad noon, pasensya na…” Bumaba ang boses niya. “Meron ka pa bang pera dyan. Yung susunod ko kasing bus na sasakyan, wala na akong pamasahe. Pwede ba maki-hiram sayo? Tsk. Ang swerte mo nga bruha ka at dapat lang na sa akin magpasalamat dahil ako ang dahilan kung bakit kayo nagkatuluyan ni Mr. Choi. Opss… Hindi pala dapat na bangitin ang pangalan niya, dahil mainit masyado ang pangalan niya ngayon. Sorry.”Kailangan ko ba talagang magpasalamat sa kanya? Na kamuntik na niya akong sirain kay Mr. Choi… Kamuntik nang… Napabuntong hininga ako.“So, Angie, pahingi ng pera. Yung halaga na reasonable ha. Kundi bigay mo sa akin yung card na unlimited ang laman. Samahan kita magwithdraw. Ano sa tingin mo, b
Chapter 17 (3) Give Up (Sharmaine POV)“Manong sa tingin ko may nakasunod sa atin, at yun ay walang iba kundi si Sayruz!”“Siya nga po Madam. Anong gagawin natin.” Ngumisi ako dito.“Gumawa ka ng paraan na maaksidente ang sasakyan natin dahil sa kanya. Ngayon din! Wag kang mag-alala manong hindi naman ata tayo mamatay sa mangyayari. Malaki ang matatangap mo sa aking bonus kapag nagawa mo ito ng maayos.”At nangyari nga ang nais kong mangyari. Kumagat sa bitag ko si Sayruz. Nakangisi akong lumabas ng sasakyan. Ahas na kung ahas. Ngunit sa ahas na ito mapupunta ang lahat ng pinagpaguran ng pamilyang Choi. Akin ang Choi Corporation! Akin! Lagot ka ngayon Sayruz Choi. Pinatunayan mo lang naman na ang lahat ng paratang ko sayo ay totoo. Malaking issue na naman ito para sa mga taga-media, ang thanks to me. Tinutulungan ko na sila sa kanilang trabaho.Aba naman! Tignan mo
Chapter 17 (4) Give Up (Angie POV)Sampal, sabunot at tadyak ang inabot ko kay Dra. Sharmaine. Mas pinili ko na hindi manakit, kundi protektahan nga ang tiyan ko na hindi nito masaktan. Ngunit ang hindi ko inaasahan bigla itong tumigil, at nagulat na lamang ako ng para siyang natulak ng bumagsak sa sahig.“Ano ang nangyayari dito?!” At lumingon ako ang Chairwoman. Agad din na tinitigan ako nito ng masama dahil nga si Dra. Sharmaine nasa damuhan. “Hangang dito pa naman sa pamamahay, di na mo na nirespeto ang lugar na ito?!” Napa-iling ako.“Ouch! Aray… Grabe ka sa akin Angie! Pasalamat ka buntis ka at di kita mapatulan! Oo na! Kasalanan ko na kung bakit nakukulong ngayon si Sayruz! Kasalanan ko na kung Ipinagtangol ko ang aking sarili sa kamanyakan niya! Kasalanan ko na kung hindi ko na nakayanan na hindi magsalita laban sa kanya?! Hindi ko inaasahan na sasabunutan at sasaktan mo