Chapter 17 (4) Give Up
(Angie POV)
Sampal, sabunot at tadyak ang inabot ko kay Dra. Sharmaine. Mas pinili ko na hindi manakit, kundi protektahan nga ang tiyan ko na hindi nito masaktan. Ngunit ang hindi ko inaasahan bigla itong tumigil, at nagulat na lamang ako ng para siyang natulak ng bumagsak sa sahig.
“Ano ang nangyayari dito?!” At lumingon ako ang Chairwoman. Agad din na tinitigan ako nito ng masama dahil nga si Dra. Sharmaine nasa damuhan. “Hangang dito pa naman sa pamamahay, di na mo na nirespeto ang lugar na ito?!” Napa-iling ako.
“Ouch! Aray… Grabe ka sa akin Angie! Pasalamat ka buntis ka at di kita mapatulan! Oo na! Kasalanan ko na kung bakit nakukulong ngayon si Sayruz! Kasalanan ko na kung Ipinagtangol ko ang aking sarili sa kamanyakan niya! Kasalanan ko na kung hindi ko na nakayanan na hindi magsalita laban sa kanya?! Hindi ko inaasahan na sasabunutan at sasaktan mo
Chapter 17 (5) Give Up (Angie POV)Kanina nagsidatingan ang mga taong nakatira dito sa maliit na bahay. Marami sila. Ngunit masayang-masaya sila. Masaya naman silang nakilala ako. Saka napakabait ng ina ni Mayvic. Kinausap ng masinsinan ni Mayvic ang kanyang ina sa pagkawala niya ng trabaho saglit. Saglit… Dahil umaasa siya na babalik pa kami ni Mr. Choi sa pamamahay nila. Magagawa bang ipaglaban ni Mr. Choi ang kanyang karapatan at patunayan ang paninira ni Sharmaine sa kanya?Nakatitig ako ngayon sa kisame. Dito sa ikalawang palapag natutulog si Mayvic, kasama sana niya dito ang kanyang Nanay, at ampon na batang babae, ngunit ngayon, ako itong kasama niya. Tulog na tulog na si Mayvic. Ang himbing ng tulog nito. Napaupo bangon ako. Saan ba ako di makatulog? Dahil sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan? Mga naglalasing sa may kalsada? Ang hindi ko maintindihan na amoy ng paligid… O ang isipan ko… Iniisip ko s
Chapter 18 Losing Hope (Trisha POV)Ni isang pisong kusing wala akong dala ng bumaba ako sa bus at sinalubong ako ng mga batang nagtitinda ng sampaguita. Inutang ko na nga lang yung pamasahe ko sa uto-uto kong co-worker na naniwalang na promote ako. Kailangan ko lang ng perang kunti, para bayaran yung taxi na sinakyan ko. Yun pala, tatakbuhan na din ito.“Magsilayas nga kayo sa harapan ko! Shooo!”“Mura lang naman ito Ate.”“Wala akong paki-alam kung mura lang yan. Wala namang silbi ang tinitinda niyo. Magsi-alis kayo. Shoo!”Ang iniisip ko, kung handa na ba ang tenga ko na muling mapakingan ang sermon araw-araw ni Mama. Saka wala akong inuwing lalaking mayaman na yun ang gusto niyang maging pasalubong ko. Kung pumatol na lang daw kaya ako sa foreigner? Tsk. Sa di ko alam kung paano ba magpa-ikot ng isipan ng mga lintik na foreigner na yan.Di rin alam ni Mama na u
Chapter 18 (2) Losing Hope (Angie POV)Lumabas ako ng bahay. Nag-iwan ako ng sticky note sa tabi ni Mr. Choi, para hindi siya mag-alala sa paghahanap sa akin. Sisiguraduhin ko naman na makaka-uwi ako ng wala namang mangyayaring masama sa akin. Maghahanap lang ako ng trabaho na maaring dalhin sa bahay. Yung paghahabi. Yun kasi ang ginagawa namin noon ni Mama. Yung kamay ko nangangati nang gawin ulit ang simpleng trabaho na yun. Nakakawili at di naman kailangan masyado pag-isipan ang proseso.Sa labas pa lang ng bahay nang may ari ng habihan ng abaka, kaagad nang nagsilingunan sa akin ang ilang babae na abala sa ginagawa nilang paghahabi. Kaagad naman lumapit sa akin yung isang binatilyo na sa tingin ko siya yung batang lalaki noong kumukuha pa kami ng abaka dito na i-hahabi namin sa bahay.“Nariyan ba ang Nanay mo?”“Opo. Tuloy po kayo.”Tumuloy na nga ako. Di maalis ang titig ng ilan
Chapter 18 (3) Losing Hope (Sayruz POV)“Tin.” Kuha ko ng pansin nang magkapatid na nagyayakapan sa harapan ng tarangkahan nila. Kagigising ko lang at kanina ko lang din nabasa yung sticky notes ni Angie. Di ko sadya na marinig ang pinag-uusapan ng magkapatid. “Sino naman ang nagparating ng balitang yan sayo? Wala ka bang tiwala sa bayaw mo? Sus. Wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi nila, lalo na kung hindi naman galing sa amin ng Ate mo. Sino ba at mapuntahan ko yan?”“Kuya Sayruz, galit na galit ang Lola niyo ng umalis kami sa Mansion. Tapos pati kayo nadamay dahil sa pangyayari na hindi ko alam kung bakit kami pinagbibintangan. Yung Urn na nabasag, pagpunta ko doon, basag na po talaga yun. Di ko lang alam kung bakit muling may natagpuan sa aking bulsa. Katulad din ng sisidlan ng lason… Lason na kamuntikan ng may mangyaring masama sa dinadala ng ate ko. Wala po talaga akong ideya kun
Chapter 18 (3) Losing Hope (Sayruz POV)“Pasensya na Sayruz. Ngunit ayoko lang maipit sa gulo ninyo. Pinaabutan na kami ng babala ng Grandma mo na wag kang tulungan. Pasensya na talaga. Sana maintindihan mo.”“Tinatalikuran mo ako? Si Grandma ba ang tumulong sayo noong nangangailangan ka?”“Sayruz, yung tulong na inabot mo sa akin, impluwensya yun ng pamilya mo. Kaya hindi ako directly may utang na loob sayo, kundi sa pamilya mo. Yan kasi, bakit gusto mong sumagip ng isang Cinderella. Hindi ka naman si Prince Charming. Saka nakakatawa ka. Hindi naman maganda yang napangasawa mo, bakit di ka na lang sumang-ayon sa Chairwoman na bumalik kay Sarah? Ano ba ang nakita mo riyan at nagpapaka-martyr ka? Dati rati naman patay na patay ka kay Sarah. Ano ginayuma ka ba ng asawa mong yan? Tsk. Tsk. Baka galing pa yan sa pamilya ng mangkukulam.”“Tss. Dyan ka nagkakamali. Lumapit ako s
Chapter 18 (4) Losing Hope (Sayruz POV)“Master Sayruz, tatangapin lamang ng Chairwoman ang phone na ito kung ang pag-uusapan ninyo ay ang tungkol sa divorce settlement ng inyong asawa.”“Kung yan ang hangad ni Grandma, oo, yan nga ang pag-uusapan namin.” Na ang boses ko bigla na lang gumargal.“Ipapaabot ko Master Sayruz.” Saka nga ito nawala sa linya.Ilang minuto ako naghintay. Niyayakap na ako ng lamig sa aking paligid. Hindi ko gustong hiwalayan ang asawa ko, ngunit kailangan. Kailangan ng tahimik na paligid ni Angie at ng magiging anak ako. Maibibigay ko lamang yan, kung wala nga ako sa paligid nila. Gustong-gusto ko na makapiling silang dalawa. Pero hindi nga ata sa akin ibibigay ito ng tadhana. Wala pa nga, labis ng nadudurog ang puso ko.Nagising ako sa pagkatulala ng tumunog at naramdaman ko nag-vibrate ang aking phone. Nang sagutin ko, sa screen makikita ang mu
Chapter 18 (6) Losing Hope (Sayruz POV)“Bakit kasi sa dinami-daming tao dito sa mundo, ako pa talaga ang dinapuan ng sakit na ito. Di ko tuloy alam na ang ginagawa ko sa tuwing inaatake ako ng aking sakit. Hayaan mo iho, makakahanap ako ng paraan para nga makuha ang hinihinging halagang pera sa hospital. Ma-ooperahan din ako. Hindi ko pa nais iwan ang pamilya ko, gusto ko pang mabuhay at makita man lamang ang apo ko sa inyo ni Angie.”“Pa…” Si Angie kasama ang kanyang ina na palapit sa amin. Kaagad na lumapit si Angie sa kanyang ama at niyakap ito. “Pasensya na ho kung—.”“Shhh. Wag kang ganyan Angie. Tignan mo mawawalan ka sana ng asawa dahil sa pag-aalala mo sa akin.” Pinigilan na lamang ni Angie ang kanyang sarili. “Marami ang nangako sa akin na tutulungan ako sa operasyon ko. Natutuwa nga ako kahit paano, dahil naalala nila kami. Saka sabi ng mga kumpare ko dahil malapit na ang eleksyon, maari akong makahingi ng tulong sa mga tatakbong politiko. Kaya wag niyo nang isipin. Angie,
Chapter 18 (7) Losing Hope (Angie POV)“Angie anak, sa tingin ko sa pagkakataon na ito, kailangan na natin magtiwala sa mga sinasabi ng mga nakapaligid sa atin. Syempre, kahit ako… nahihirapan na din pakalmahin ang tatay niyo kapag nagagalit siya.” Masinsinan na sinabi sa akin ni Mama.“Siguro nga Mama… Ngunit…” Ngumiti si Mama sa akin. Nakuha niya ang ibig sabihin ng mukha kong, napakahopeless.“Nangako naman sila na tutulungan tayo ng mga taong nakapaligid sa atin, Angie.”“Si-sigurado po ba kayo?” Dahil sa totoo lang ilang beses na kaming napaasa at napasubo dahil sa mga pangakong binibitawan ng ibang tao sa amin. Tumango si Mama bilang tugon, at may kasama pang ngiti. Nakikita ko sa kanyang mga mata na naniniwala siyang may tutulong sa amin.Wala na kaming nagawa kundi isa-ilalim na nga lang sa operasyon si Papa. Hindi na nga namin dapat siguro hintayin na may masaktan pang ibang tao si Papa. Yun ang kinakatakutan namin mangyari, hindi lang kami kundi ng mga taong nasa paligid na
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon