Chapter 16 (8) The Great Lost
(Sayruz POV)
Sa tingin ko hindi maganda kung ililihim ko pa itong nangyayari sa pagitan namin ni Grandma sa asawa ko.
“Shall I take my leave, Sayruz?” Napatango ako kay Senen. Kaya bumangon ito sa kinaka-upuan niya.
“A-ano, naistorbo ko ba kayong dalawa? A-akyat na lang ako ulit.”
“Hindi Angie. Kailangan niyo atang mag-usap ni Sayruz. Saka kailangan ko magpahinga ng maaga. Halos ilang oras na lang ang tulog ko nito. Ikaw na ang bahala sa asawa mo.”
Nang mawala na sa paligid si Senen… “Have a seat, Angie.” Na itinabi ko ang ilang bote ng alak.
“Baka naistorbo ko kayo. Sorry kung bigla na lang ako sumasabat at kinuha ang attention niyo.”
“No. It’s fine. May kailangan din naman tayong dalawa pag-usapan.” Natahimik si Angie. “At tungkol ito sa divorce na narinig mo kanina.”
Chapter 16 (9) The Great Lost(Trisha POV)Kaagad naman ako kumilos para nga punasan ng panyo si Manager Peng, ngunit umiwas ito sa akin. Mga mata niya parang minamaliit ako. Dahil dito ang panyong kinuha ko sa aking bag, inis kong itinapon ito sa mukha niya. “Ang arte-arte mo. Baka nakakalimutan mo Manager Peng kung sino ang pumasok sa akin dito sa kompanya. Tsk. Dapat sayo sinusupalpal. Kala mo kung sino na nagrereyna-reynahan sa department namin. Binibigyan na nga kita ng panyo, nag-iinarte ka pa. Tss. Wag kang mag-alala hindi ka naman niyan mamatay. Pero sa tingin ko mamatay ka sa ingit kapag napromote ako. Wag sana sa kinatatayuan mo ako mapunta.”Ngisi ko na tinitigan ko ito mula ulo hangang paa. Mas maganda ngang mawala na ang mangkukulam na’to. Saka ko siya tinalikuran. Siguradong sinusundan ako nito ng paningin hangang elevator. Sa pepe nga si Manager Peng kapag harapan at diretsahan mo siyang sinagot
Chapter 16 (10) The Great Lost(Trisha POV)Kinaladkad ako hangang palabas nga ng tarangkahan. Mga masunuring mga kuting! Tsk! Sayang ng porma ko kung gaganituhin lang nila ako. May pa-limousine pa akong nalalaman para ganituhin lang nila ako. Mga ingitera! Lalo na yung Manager Peng na yan. Bakit hindi na lang niya aminin na naiingit siya sa akin ng husto?! Lintik lang eh.Ngunit kaagad ko naman inayos ang aking sarili dahil ano na lang ang sasabihin ng makakita sa akin. Alam ko naman na makakabalik ako. Saka di naman alam ng lahat na ganito ang nangyari sa akin. Kung kahihiyan lang naman sa pangalan ko, ayokong maging trending. Tss.Nang tumigil sa harapan ko ang isang bus. Salamat naman at di na ako maghihintay dito para lang mapahiya. Ngunit may pababa na sanang isang empleyado at base sa mukha niya nag-aalala siya na baka late na siya. Hindi siya makakapasok ngayon. Sasama siya sa akin, since nga superior niya ako.
Chapter 17 Give Up (Sayruz POV)Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko tungkol sa akin. Talaga bang naging masama akong kapatid kay Sharmaine upang sirain niya ng ganito ang pangalan ko, at gumawa ng kwentong wala namang katotohanan. F*ck! Ni minsan hindi ko pinagnasaan ang isang kagaya niya. Over my dead body. Bulsh*t!“Sino ang may sabi na mayroon pang karapatan na pumasok siya sa gusaling ito?!” Biglang nagsilingunan ang mga taga-media, at nakahinga ako dahil si Grandma. Ngunit hindi ko nais ang narinig ko. Talaga bang gagawin ito sa akin ni Grandma?“Grandma, wala akong ginawang masama kay Sharmaine. Maari natin ito pag-usapan ng maayos. Di ko alam kung ano ang sinabi niya sa inyo. Ngunit sa tingin ko, lahat ng yun walang katotohanan.” Kampante kong sinabi. Ngunit umismid lamang si Grandma sa akin. Tuluyan na bang nabilog ang ulo niya? Tuluyan na bang tumigas ang puso ni Grandma? Ayos lang sa akin, basta wag niyang damayin dito si Angie. Nagdadalang tao siya.Nang Sumenyas si
Chapter 17 (2) Give Up (Angie POV)“Anong ginagawa mo dito Angie?!” Hindi ko pa nga magawang tumugon sa obvious naman niyang tanong, bigla itong natawa. “Ahahaha. Di mo talaga aakalain na muling mag-kucross ang landas natin ulit sa bus ulit. Naalala mo pa ba noong una tayong nagkakilala. Katulad noon, pasensya na…” Bumaba ang boses niya. “Meron ka pa bang pera dyan. Yung susunod ko kasing bus na sasakyan, wala na akong pamasahe. Pwede ba maki-hiram sayo? Tsk. Ang swerte mo nga bruha ka at dapat lang na sa akin magpasalamat dahil ako ang dahilan kung bakit kayo nagkatuluyan ni Mr. Choi. Opss… Hindi pala dapat na bangitin ang pangalan niya, dahil mainit masyado ang pangalan niya ngayon. Sorry.”Kailangan ko ba talagang magpasalamat sa kanya? Na kamuntik na niya akong sirain kay Mr. Choi… Kamuntik nang… Napabuntong hininga ako.“So, Angie, pahingi ng pera. Yung halaga na reasonable ha. Kundi bigay mo sa akin yung card na unlimited ang laman. Samahan kita magwithdraw. Ano sa tingin mo, b
Chapter 17 (3) Give Up (Sharmaine POV)“Manong sa tingin ko may nakasunod sa atin, at yun ay walang iba kundi si Sayruz!”“Siya nga po Madam. Anong gagawin natin.” Ngumisi ako dito.“Gumawa ka ng paraan na maaksidente ang sasakyan natin dahil sa kanya. Ngayon din! Wag kang mag-alala manong hindi naman ata tayo mamatay sa mangyayari. Malaki ang matatangap mo sa aking bonus kapag nagawa mo ito ng maayos.”At nangyari nga ang nais kong mangyari. Kumagat sa bitag ko si Sayruz. Nakangisi akong lumabas ng sasakyan. Ahas na kung ahas. Ngunit sa ahas na ito mapupunta ang lahat ng pinagpaguran ng pamilyang Choi. Akin ang Choi Corporation! Akin! Lagot ka ngayon Sayruz Choi. Pinatunayan mo lang naman na ang lahat ng paratang ko sayo ay totoo. Malaking issue na naman ito para sa mga taga-media, ang thanks to me. Tinutulungan ko na sila sa kanilang trabaho.Aba naman! Tignan mo
Chapter 17 (4) Give Up (Angie POV)Sampal, sabunot at tadyak ang inabot ko kay Dra. Sharmaine. Mas pinili ko na hindi manakit, kundi protektahan nga ang tiyan ko na hindi nito masaktan. Ngunit ang hindi ko inaasahan bigla itong tumigil, at nagulat na lamang ako ng para siyang natulak ng bumagsak sa sahig.“Ano ang nangyayari dito?!” At lumingon ako ang Chairwoman. Agad din na tinitigan ako nito ng masama dahil nga si Dra. Sharmaine nasa damuhan. “Hangang dito pa naman sa pamamahay, di na mo na nirespeto ang lugar na ito?!” Napa-iling ako.“Ouch! Aray… Grabe ka sa akin Angie! Pasalamat ka buntis ka at di kita mapatulan! Oo na! Kasalanan ko na kung bakit nakukulong ngayon si Sayruz! Kasalanan ko na kung Ipinagtangol ko ang aking sarili sa kamanyakan niya! Kasalanan ko na kung hindi ko na nakayanan na hindi magsalita laban sa kanya?! Hindi ko inaasahan na sasabunutan at sasaktan mo
Chapter 17 (5) Give Up (Angie POV)Kanina nagsidatingan ang mga taong nakatira dito sa maliit na bahay. Marami sila. Ngunit masayang-masaya sila. Masaya naman silang nakilala ako. Saka napakabait ng ina ni Mayvic. Kinausap ng masinsinan ni Mayvic ang kanyang ina sa pagkawala niya ng trabaho saglit. Saglit… Dahil umaasa siya na babalik pa kami ni Mr. Choi sa pamamahay nila. Magagawa bang ipaglaban ni Mr. Choi ang kanyang karapatan at patunayan ang paninira ni Sharmaine sa kanya?Nakatitig ako ngayon sa kisame. Dito sa ikalawang palapag natutulog si Mayvic, kasama sana niya dito ang kanyang Nanay, at ampon na batang babae, ngunit ngayon, ako itong kasama niya. Tulog na tulog na si Mayvic. Ang himbing ng tulog nito. Napaupo bangon ako. Saan ba ako di makatulog? Dahil sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan? Mga naglalasing sa may kalsada? Ang hindi ko maintindihan na amoy ng paligid… O ang isipan ko… Iniisip ko s
Chapter 18 Losing Hope (Trisha POV)Ni isang pisong kusing wala akong dala ng bumaba ako sa bus at sinalubong ako ng mga batang nagtitinda ng sampaguita. Inutang ko na nga lang yung pamasahe ko sa uto-uto kong co-worker na naniwalang na promote ako. Kailangan ko lang ng perang kunti, para bayaran yung taxi na sinakyan ko. Yun pala, tatakbuhan na din ito.“Magsilayas nga kayo sa harapan ko! Shooo!”“Mura lang naman ito Ate.”“Wala akong paki-alam kung mura lang yan. Wala namang silbi ang tinitinda niyo. Magsi-alis kayo. Shoo!”Ang iniisip ko, kung handa na ba ang tenga ko na muling mapakingan ang sermon araw-araw ni Mama. Saka wala akong inuwing lalaking mayaman na yun ang gusto niyang maging pasalubong ko. Kung pumatol na lang daw kaya ako sa foreigner? Tsk. Sa di ko alam kung paano ba magpa-ikot ng isipan ng mga lintik na foreigner na yan.Di rin alam ni Mama na u
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon