Rifle
"Let's party!" Bawat tugtog sa maingay na lugar na kinalalagyan ko ay sinasabayan ko habang mayroong hawak na bote ng alak, tumitingin ng magandang babae na babagay sa kagwapuhan ko.
Ang mga kaibigan ko ay mga walang kwenta dahil sa hindi nila pagsama sa akin sa bar. Palibhasa walang gwapong taglay sa katawan at madidismaya lang sila dahil walang mauuwing babae. Bawat babae na nakikita ko na sobrang sexy at ganda ay nilalapitan ko para makasayaw.
"Hi, cutie!" bulong ng babae sa akin habang sumasayaw kami sa gitna ng dance floor. "What is your name?"
Tinignan ko ang babae na naka-red dress. Hinawakan ko ang bewang n'ya para sabihin sa lahat na I got mine. "Rifle Winchester, Babe," mapang-akit kong tugon sa babae.
Pinalupot n'ya ang kamay n'ya sa leeg ko at alam kong sinabi n'ya ang pangalan sa akin, pero dahil sa lakas ng music sa bar ay hindi ko narinig at wala na akong balak na tanungin pa ulit.
"Wanna go to the quiet place?" she whispered.
I gave her a smirked as I wasn't prepared that fast. "Heaven?" I whispered back.
Magkadikit na ang katawan namin habang patuloy sa pagsasayaw.
"I'll give you heaven."
Lalo akong napangiti dahil sa narinig ko.
"Let's go to heaven!" sigaw ko.
Patuloy ang pagsayaw habang naglalakad na kami papunta sa second floor nitong bar dahil mayroong mga room doon na pwede kaming magsaya.
"Shit!"
Nasa gitna pa lang kami ng hagdan ay bigla s'yang tumigil sa paglalakad kaya taka kong tinignan nag babae.
"Why?" kunot-noo kong tanong.
"My boyfriend," she answered.
Lalong kumunot ang noo ko sa sinagot n'ya. Tinignan ko ang direksyon ng tingin n'ya at napabitaw ako sa pagkakahawak sa kan'ya ng makita ko ang tatlong lalaki na nagmamadaling pumunta sa kinatatayuan ko.
"Let go of me!"
Wala akong idea na tumingin sa babaeng kasama ko. Hindi ko na s'ya hawak, pero umaarte pa s'ya.
"Baby!"
Para akong masisiraan ng bait ng tumakbo ang babae sa boyfriend n'ya sabay yakap at akala mo ay inapi ko s'ya.
"Pinipilit n'ya akong sumama sa kan'ya, Baby!" pagpapanggap ng babae.
Natawa naman ako dahil sa kalokohan n'ya sabay palakpak dahil napapahanga na ako sa acting n'ya.
"Grabe! Baka Manalo ka ng award, bitch!" seryoso kong saad.
"Anong sabi mo?!" galit na tanong ng boyfriend n'ya.
Sinigawan n'ya ba ako? Hinawi ko ang buhok ko na tumatakip sa noo ko dahil mukhang hindi n'ya yata nila kilala kung sino ang kaharap nila, inayos ko ang sleeves ng damit ko dahil matagal na rin akong hindi nakakasapak sa mukha eh. Walang takot akong naglakad papunta sa harapan nila at matalim kong tinignan ang babae.
"Malandi 'yang girlfriend—"
Isang malakas na suntok ang tumama sa gwapo kong mukha. Napapikit ako inis dahil sa lahat ng ayoko ay magasgasan ang mukha ko.
"Fuck!" sigaw ko na nakakuha ng attention ng maraming tao.
Agad akong sumugod para bumawi ng suntok dahil hindi matatapos ang gabi na ito na walang masisira ang mukha. Nagpalitan kami ng suntok kasama ang dalawang kasama ng boyfriend ng babae; hanggang sa awatin na kami ng mga tauhan ng bar.
"Rifle, remember my name!" sigaw ko sa kanila.
Hinid pa rin ako tumitigil hanggang sa nilabas na nila ako sa bar at balak ko ulit pumasok dahil hindi pa ako tapos sirain ang mukha nila, pero ayaw na akong papasukin.
"Kaibigan ko ang may-ari ng bar na ito! Papasukin n'yo ako kung gusto n'yong manatili sa trabaho!" galit kong sigaw.
Para lang akong nagsalita sa hangin dahil wala akong natanggap na sagot. Kinapa ko ang bulsa ko para tawagan si Snipe at ipapatanggal ko itong walang kwenta n'yang tauhan. Napasabunot na lang ako sa sarili ko ng maalala ko nasa loob ang phone ko. Sinubukan ko pa rin pumasok, pero ayaw talaga.
"I'm Rifle Winchester, kaibigan ako ni Snipe, ang may-ari ng lugar na iyan!" inis kong explain.
Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa inis. Paanong hindi nila ako nakilala?
Pumunta ako sa kotse ko, pero napasipa ako sa gulong ng maalala ko na naiwan ko rin sa loob ang gamit ko.
"Snipe, pasalamat ka at bar mo iyan kung hindi sinunog ko na!" inis kong sigaw.
Tinignan ko ang paligid at saktong mayroon akong nakitang babae na naglalakad habang mayroong phone na ginagamit. Naglakad ako palapit sa kan'ya at hinarang s'ya. Napakunot ang noo n'ya ng makita ako.
"Masyado akong gwapo at alam ko iyon, kaya pahiram ako ng phone," saad ko.
Hindi pa s'ya pumapayag, pero inagaw ko na ang phone n'ya para tawagan si Snipe.
"Ibalik mo sa akin iyan!" sigaw ng babae sa akin.
"Magkano ba ito? Bibilhin ko!"
Balak n'yang kuhanin sa akin, pero tinaas ko ang kamay ko para hindi n'ya makuha.
"Name your price."
"Kailangan ko ng umuwi kaya ibalik mo na ang phone ko!"
Tinulak ko ang babae palayo sa akin dahil ayoko ng abala ngayon.
"Umuwi ka, hindi kita pinipigilan." Dinail ko ang number ni Snipe para tawagan, pero mayroong tumama sa ulo ko ng kung ano dahilan para lingonin ang babae. Tinignan ko ang Seryoso n'yang mukha at ang walang sapatos n'yang isang paa.
"B-binato mo ako?" hindi makapaniwalang tanong sa babae.
Naglakad s'ya palapit sa akin at mabilis na kinuha ang phone n'ya sa kamay ko.
"Dapat lang sa'yo dahil isa kang bastos na lasing!" sagot n'ya sa akin.
"B-bastos?!" hindi makapaniwalang tanong.
Balak n'yang umalis sa harapan ko, pero hinawakan ko ang kamay n'ya para hindi makaalis.
"Alam mo bang kaya kitang bilhin?!" Napaunot ang noo ko ng tinignan lang n'ya ako na parang wala lang ang sinabi ko sa kan'ya.
Nalipat ang tingin ko sa suot n'yang I.D kaya tinignan ko ang pangalan n'ya.
"Xyra Cy?!" basa ko sa pangalan n'ya.
"Wala akong presyo! Kaya bitawan mo na ako dahil kailangan ko ng umuwi," seryoso n'yang saad.
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kan'ya dahil nasira na ang gabi ko at walang babaeng pwedeng bumastos sa akin.
"Kilala ko ang may-ari ng mall na pinagtratrabahuhan mo," banta ko sa kan'ya.
"Anong gagawin mo?"
Natawa ako dahil nakita ko na ang pag-aalala sa mata n'ya. "Wag ka ng pumasok bukas dahil ngayon pa lang ay wala ka ng trabaho."
"Rifle Winchester, the hotsome!"
Lahat ng may Asset name sa chapter title (ASSET: CHAPTER 01) ay revised po, marami pong mababago sa story kaya basahin n'yo lang po 'yung may ASSET. Thank you mga Human!
Xyra Papasok pa lang ako sa loob ng mall na pinagtratrabahuhan ko ng hinarang ako ng guard. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa ginawa ni Kuyang guard. Magkakilala na kami ni Kuya Robert dahil matagal na ako sa mall na ito. "Bakit po, Kuya Robert?" taka kong tanong. "Akala ko ay alam mo na." Napataas ang dalawang kilay dahil sa hindi ko alam ang sinasabi ni Kuya Robert. "Ang alin po?" "Banned ka na dito," sagot n'ya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Paanong nangyari? Eh, kahapon lang nagtrabaho pa ako sa loob at wala akong alam na ginawang mali," nagtataka kong maliwanag kay Kuya Robert. "Hindi ko rin alam, Xyra. Tinawag lang kami ni Sir Ronnie para sabihin na wag ka ng papasukin sa loob," sagot ni Kuya Robert. "Anong dahilan?" Umiling si Kuya Robert sa akin at lalo akong naguluhan dahil maayos naman akong natratrabaho dito bilang sales lady. "Si Sir Ronnie na lang ang tanungin mo, Xyra." Napakamot ako ng ulo dahil sa kaguluhan ng nangyayari, iniisip ko kung a
Rifle"Bakit gan'yan ang mukha mo?"Nilipat ko ang maganda kong mata sa kaibigan kong si Uzi. Nandito kami sa isang pag-aari n'yang bar at nasabi ko na rin sa kan'ya ang lahat ng nangyari sa isa n'yang bar."Anong meron sa mukha ko? Bukod kasi sa kagwapuhan ay wala na akong alam na nakikita sa mukha ko," tanong ko sa kan'ya.Tinawanan n'ya lang ako sabay inom ng alak na hawak n'ya. Hinawakan ko ang mukha dahil hindi ko makalimutan na sinampal ako ng isang babae. Isa siguro s'yang mahirap at mahina ang utak kaya hindi n'ya kilala ang isang gwapong kagaya ko."Mukhang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Uzi sa akin.Napa-smirk naman ako dahil sa itsura ng katabi n'ya. Si Snipe isa rin sa kaibigan kong napakaseryoso sa buhay simula ng iwan ng ex-girlfriend n'ya. Napasandal ako sa couch at tinuro ko si Snipe gamit ang hawak kong baso."Mayroon pa bang maslalalim sa kan'ya?" natatawa kong tanong."May bago ba?" tanong naman ni Uzi sa akin.Natawa ako dahil hindi ko inaakala na mababaliw ang kai
Rifle's POV"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa aki-" Muli na naman akong napahinto dahil hindi sa pag-alis nya dahil sa bigla nitong pagsampal nya sa akin."Ayoko sa lahat ang amoy alak!" Hinila nya ang braso n'ya mula sa pagkakahawak ko at na muling na naman tumalikod sa akin saka naglakad na."Fuck!" Inis kong sabi at tinapat ko ang airsoft sa kan'ya dahil sa inis ko, pero sinipa ko na lang an
Xyra's POV"Ate saan ka ba galing pa?!" Nagmamadali akong naghubad ng sapatos. Tinignan ko ang bunso kong kapatid na si Jane na nag-aalala akong sinalubong."Naligaw kasi ako Jane eh, saka inubos ko muna ang mga paninda ko bago ako umuwi!" Sagot ko kay Jane."SINO YAN, JANE?!" Napaayos ako ng tayo ng marinig ko si Nanay na galit na galit ang boses.
Rifle's POVKinuha ko ang isang unan sa gilid at tinakip ko sa mukha ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Aish bwisit na araw na ito.Bumangon ako para isarado ang kurtina ng kwarto. Bakit kasi lagi kong nakakalimutan ko iyan tuwing gabi. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig.Kumuha ako ng isang itlog and bread para lutuin. Binuksan ko ang kalan at inilagay ko ang itlog duon.
Rifle's POV"Paki alam mo! Hindi ikaw ang kailangan namin si Jane!" Napaayos ako ng tayo at natawa na lang sa sigang maliit na ito. Nakapamewang pa sila na nakaharap sa amin. Halatang nambubully ang mga ito."Hoy Jane wag ka nga magtago sa lalaking 'yan!" Sabi naman ng pangalawang bata. Ganito na ba talaga katatapang ang mga bata ngayon. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa suot ng batang nasalikudan ko.
Xyra's POV"Ilalako ko na po ito aling Alice!" Paalam ko kay aling Alice. Tumango lang s'ya nilang sagot kaya nagsimula na akong mag-lakad lakad habang dala ang bag na may lamang iba't ibang kakanin.Hapon na at malapit ng mag gabi kaya kailangan ko na ito maubos bago pa ako abutin ng gabi ulit. Panigurado na magagalit na naman ang nanay pag nagkataon.Siguro mga sampung piraso na lang naman ito. Sab
Xyra's POV"Sa susunod na magkita pa tayo, ibabaon ko ang tingga nito sa mga ulo n'yong walang laman!" Paatras itong pumunta sa akin kaya nailang ako ng tumabi s'ya sa akin."Nasaktan ka ba?!" Hindi ako makapagsalita agad dahil sa hawak nitong baril."Wag mong mas'yadong tignan ang mukha ko, alam kong gwapo na ako!" Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.
Third point of viewMayroong lalaking pumasok sa isang kwarto kung saan nandoon ang matandang lalaking nakaupo sa swivel chair. Mayroong bote ng alak sa harapan n'yang table, hawak nito ang basong may lamang yelo at alak.Napatingin ang matandang lalaki sa pumasok sa kan'yang office. Napangiti ito ng makita n'ya ang lalaking pumasok.
Rifle's Point of view"Hintayin po kita sa kotse young master."Tinignan ko si Luke at tumango ako sa kan'ya bilang sagot ko. Nagbow s'ya sa akin bago ako iwan mag-isa sa cemetery kung saan nakalibing ang katawan ni Mama at Papa, ngayon ay na dagdagan na pati ni Lolo Ramond.
Rifle's Point of view"Ahhh!" daing ko ng idiin ni Luke ang bulak sa sugat ko sa binti."Tiisin mo na lang, kesa makita ka pa nila President Snipe at Director Uzi na gan'yang ang itsura mo," paliwanag ni Luke.
Rifle's Point of view"Rifle Winchester," sabi ko at nilahad ko ang kamay ko sa kan'ya.Agad n'yang tinanggap iyon. Napatingin ako sa suot n'ya na handa ng matulog. Pansin ko na rin na hindi s'ya mahilig sa pink.
Rifle's Point of viewDinilat ko ang mata ko ng marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Lolo Ramond. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga, wala dito sa loob si Xyra. Tumayo na ako at agad kong ni-lock ang pinto.Pumasok ako sa bathroom, naghilamos ako ng mukha. Tinignan ko ang sarili ko sasalamin. Napayukom ang kamao sa galit.
Xyra's Point of viewTinignan ko si Rifle na nakapatong ang ulo sa balikat ko. Kanina pa s'ya tahimik. Pagtingin ko ay nakapikit na ito. At mukhang tulog na.Tumayo ako, pero hawak ko pa rin ang ulo ni Rifle. Kahit sobrang bigat ni Rifle ay hinila ko s'ya papuntang kama. Tinignan ko ang mukha n'ya mayroon pang luha sa gilid ng mata n'ya.
Rifle's Point of viewMalapit na kami sa bahay ni Lolo Ramond ng marinig ko ang ilang putukan ng baril."A-anong nangyayari?" tanong ni Xyra.
Xyra's Point of viewNagluluto ako ngayon sa kusina ni Rifle. Marami naman s'yang stock dito na mukhang hindi n'ya nagagalaw. Gusto n'ya yata mapag-isa kaya hinayaan ko muna s'ya sa kwarto n'ya.Hindi ako pabor sa gusto ni Rifle. Sobrang delikado ang ginagawa n'ya. Na-exprienced ko na iyon ng ilang beses. At bawat segundo ay doble ang kaba ko dahil hindi ko
Rifle's Point of viewDinilat ko ang mata ko ng mayroon akong naramdaman sa tabi ko. Nararamdaman ko na rin ang pangangalay ng braso ko dahil sa mayroong nakadagan.Napangiti ako ng makita ko si Xyra sa harapan. Iba talaga pag gwapo ang katabi mapapahimbing ang tulog. Pinagmasdan ko si Xyra na tulog pa rin sa tabi ko.