Share

CHAPTER 1.4

Author: Hxnnxhssi
last update Last Updated: 2020-08-05 16:36:51

Xyra's POV

"Ate saan ka ba galing pa?!" Nagmamadali akong naghubad ng sapatos. Tinignan ko ang bunso kong kapatid na si Jane na nag-aalala akong sinalubong.

"Naligaw kasi ako Jane eh, saka inubos ko muna ang mga paninda ko bago ako umuwi!" Sagot ko kay Jane.

"SINO YAN, JANE?!" Napaayos ako ng tayo ng marinig ko si Nanay na galit na galit ang boses.

"Sige na pumasok ka na." Utos ko kay Jane. Nandito ako sa tapat ng bahay namin nakatayo at lumabas si Nanay na galit na galit na.

"Ate!" Nginitian ko si Jane para iparating na ok lang ako.

"Nay! Naman gabing gabi na nakakahiya sa mga kapit bahay!" Awat ni Jason kay nanay. Ang pangalawa kong kapatid.

"TUMAHIMIK KA! IKAW BABAE ANONG ORAS NA BA? BUTI AT UMUWI KA PA?!" Napayuko ako sa sigaw ni Nanay.

"Patawad po, Nay! Naligaw lang po ako sa lugar na pinuntahan ko kaya ako ginabi. Saka ito ang napagbentahan ko ng mga kakanin." Inabot ko lahat ng kinita ko sa nanay ko at hinablot n'ya yun sa akin.

"SABIHIN MO GUMALA KA LANG BABAE KA!" Napapikit ako sa sigaw ng nanay ko. Sanay naman na ako sa kanya. Ang hindi lang ako sanay ay sa lugar na nilipatan namin.

"Ok ka lang ba ate?!" Niyakap ako ni Jane para pagaanin ang loob ko. Inayos ko ang buhok n'ya at inipit ko sa dalawa n'yang tenga.

"Kailan ba hindi naging ok si ate?!" Nakangiti kong balik sa kan'ya.

"Ikaw naman kasi ate Xyra nagpapagabi ka pa! Alam mo naman na ayaw ni Nanay ng ganiyan!" Sabi sa akin ni Jason. Naligaw lang talaga ako kaya ako late na kauwi.

"May pasalubong ako sa inyo!" Mahina kong bulong dahil baka marinig ni Nanay magalit na naman iyon. Lumapit sila sa akin kaya nilabas ko na ang pasalubong ko goya.

"Wow chocolat-" Tinakpan ko ang bibig ni Jason dahil nag-ingay ito.

"Wag kang maingay!" Suway ko sa kanya. Tig-isa lang sila dahil iyon lang ang nakayanan ko. Mura lang ito sa seven eleven na nadaanan ko kanina. Naalala ko agad sila ng makakita ako ng chocolate pero iyon na ang pinakamura kaya iyon lang ang nabili ko.

"The best ka talaga ate!" Napangiti ako sa sinabi ni Jason. Ginulo ko ang buhok nya, sya lang ang nag-iisang lalaki sa amin. 16 years old palang ito at high school student. Si Jane naman 14 Years s'ya ang bunso namin at halos ako na ang nagpalaki sa dalawang ito.

Malaki ang agwat namin dahil 22 years na ako.

"Sige na sa kwarto n'yo na yan kainin!" Pinapasok ko ng ang dalawa kong kapatid at pansin ko na hindi pa rin nasisilong ang nilaban kong damit kaya kinuha ko na iyon.

Pagpasok ko ay nakatambang ang hugasin. Wala na rin dito si Nanay siguro ay nasa kwarto na s'ya at nagpapahinga.

"Sorry, Ate hindi ko na nahugasan ang pinggan gumagawa kasi ang ng assignment ko!" Umiling ako kay Jane.

"Ok lang basta atupagin mo lang ang pag-aaral mo! Sige na matulog ka na maaga pa ang pasok mo bukas!" Tumango s'ya akin at pumasok sa loob ng kwarto naming tatlo.

Hinarap ko ang mga hugasin at sinumulan 'yung hugasan. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nagligtas sa akin kanina.

Hindi ko alam kung manyak o masamang tao din iyon pero ngayon nakokonsyensya ako dahil sa pagsampal ko sa kanya. Naamoy ko kasi na amoy alak ito at iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat.

Ang alak kung bakit nawala ang tatay ko, dahil sa mga lasingero sa dati namin tinitirahan. Napagtripan lang ang tatay ko at dahil sa mga utang na naiwan ni tatay ay kailangan namin lumipat sa manila para pagtaguan at para na rin kalimutan ang masasakit na ala ala.

Pagkatapos kong maghugas at naligo ako saglit bago pumasok sa kwarto namin. Nadatnan ko si Jason at Jane na mahimbing ng natutulog. Inayos ko ang mga kumot nila at hinalikan sa noo.

Makita ko lang silang ayos nila nanay ay nawawala ang pagod ko. Kinuha ko ang phone ko na mayroon ng basag, nag iipon pa kasi ako para makabili ng bago nito.

Chineck ko ang pinasa kong Application letter sa Arme Company. Hindi ako sigurado kung papansinin nila ako dahil malaking kompanya ang Arme at hindi lang sa pilipinas sikat ito kung hindi sa ibang bansa din.

Sinubukan kong magpasa ng Application letter at nag exam na rin ako para sa requirement ng Company. Hinihintay ko na lang ang sagot nila.

Pangarap ko talagang makapasok sa Company na 'yun. Bukod sa hilig ko ang mga pen pangarap ko din na makapagdesign ng sarili kong pen.

Bukod duon ang gwapo din ng president nila. Lagi nga s'yang ang laman ng headline ng news at mga article dahil sa mabilis nitong pagkilos. Ang galing n'yang magpatakbo ng business.

Si Snipe Swaggerty ang president ng Arme Corporation ay marami ng nagawang pen na s'ya mismo ang gumawa. Tulad ng Love pen na nakalock lang iyon at hindi magsusulat ka pag hindi mo sinabi ang salitang I love you.

Kaya gusto ko ng maging part ng Company na yun, para maipakita ko na rin ang kakayahan ko sa kanila.

Inoff ko na ang phone ko at tumabi kay Jane para matulog. Maaga pa akong magtitinda bukas.

"Gumising ka nang babae ka!" Naalipungatan ako sa ingay na lagi namang gumigisi sa akin. Dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin si Nanay na nakapamewang.

"Kung matino ba isip mo, magpapakasarap ka sa pagtulog diyan at ang mga kapatid mong nag-aaral ay walang makain na agahan dahil sa katamaran mong babae ka!" Bumangon na lang ako at inayos ang hinigaan naming magkakapatid.

"Pasyensya na po, Nay!" Sabi ko at lumabas sa kwarto. Sa kusina agad ako pumunta para ipagluto ng agahan ang mga kapatid kong papasok ngayon.

"Ako na ate!" Napalingon ako kay Jane. Basa ang buhok at nakasuot ng uniform ito. Nastunned ang tingin ko sa necktie nyang hindi ayos ang pagkakasuot.

"Dapat laging maayos ang suot mo!" Nakangiti kong sabi sa kanya at inayos ang necktie nito pati na rin ang buhok nya.

"Lagi ka na lang sinisigawan ni Nanay!" Naningkit ang tingin ko sa kanya.

"Sanay na ang ate kaya umupo ka na duon ipaghahanda ko kayo ng pagkain!" Binigyan nya muna ako ng yakap bago umalis.

Sinimulan ko ng magluto ng itlog at sinangag na kanin para sa kanila. Wala naman na akong iba pang maluluto kung hindi iyun lang.

"Grabe ang ganda ng damit na ito!" Inilapag ko sa table ang fried rice at egg sa table. Napansin ko ang hawak ni Jason ang phone n'ya at nakalagay duon ang isang magandang Tshirt.

"Kumain na kayo!" Sabi ko sa kanila at pumunta ako sa banyo para maligo. Babalik pa ako sa pwesto ng amo ko para magbenta ng kakanin duon.

"Itlog na naman!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang reklamo ni Nanay. Masamang tingin ang binigay n'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya.

"Mamaya po bibili ako ng karne." Masaya kong sabi kay Nanay pero inirapan n'ya lang ako.

"Talaga ate?" Tumango ako kay Jason.

"Wow kaya favorite kita eh!" Napangiti ako sa sinabi ni Jason.

"Maganda na masipag pa." Banat ni Jane.

"Tumahimik nga kayo d'yan at tapusin nyo ang pagkain ninyo dahil malalate na kayo! Kung masipag yang babae na yan hindi tayo naghihirap ngayon!" Napahinga ako ng malalim at hindi na pinansin ang nanay.

Kumuha ako ng damit na Tshirt at pants para isuot. Nagsuklay lang ako bago ako lumabas sa kwarto.

"Aalis na po ako!" Paalam ko kay nanay. Wala na rin sila Jason at Jane baka pumasok.

"Gumala ka ulit!" Nagbow ako kay nanay bago ako lumabas. Pasok sa kabilang tenga labas naman sa kabila. Sanay na ako sa kan'ya pero hindi ko naman sinasabi na hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi nya sa akin at pagturing n'ya sa akin.

Baka kasi namimiss n'ya lang ang tatay dahil sa bigla nitong pagkawala.

Sumakay ako ng jeep patungo sa pwestong babantayan ko. Kailangan kong sipagan ngayon para makabili ako ng karne sa kanila.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako agad duon. Saktong nagbubukas na nagtindahan si Aling alice.

"Goodmorning po!" Masigla kong bati kay Aling Alice. S'ya ang may ari ng pwesto na ito.

"Ang aga mo yata ngayon, Xyra?" Nakangiti n'yang balik sa akin. Tinulungan ko syang mag-ayos ng mga kakanin at iba pang paninda nya dito.

"Para po dumami benta natin!" Sagot ko kay aling alice.

"Sige, kumain ka na ba?" Ngumiti ako sa kan'ya at dahan dahan na umiling. Sapat lang kasi kila nanay ang niluto ko kanina kaya hindi na ako nakisalo pa.

"Ito pandesal at cheese kumain ka muna!" Lumawag ang ngiti ko at hindi ko na tinanggihan pa iyon. Kumukulo na rin kasi ang t'yan ko.

"Salamat po!" Masaya kong sabi at kumain na ako ng pandesal.

"Magkano ang biko?" Napatayo ako ng merong isang  customer.

"15 pesos po per slice!" Sagot ko.

"Sige tatlong slice!" Tumango ako at kumuha ng plastic para ilagay ang biko.

"Balik po kayo!" Bumalik ako sa pwesto ko para kunain. Kinuha ko ang wallet ko at nilagay duon ang 15 pesos at ang 30 pesos ay nilagay ko sa kaha ng pera ni Aling alice.

Sa bawat kakanin kasi may tubo ako, 10 pesos ang original price nito kaya pinatungan ko ng 5 pesos para sa akin. Sobrang bait ni aling Alice kaya s'ya pumayag.

"Kamusta ka naman?" Tinignan ko si Aling Alice ng tinanong n'ya ako.

"Mabuti naman po!" Sagot ko agad at kumagat ng pandesal.

"Nakikita ko ang anak ko sayo. Kung buhay pa si Alicia kaedad mo na yun!" Biglang nalungkot ang mukha ni Aling Alice dahil sa naalala n'ya ang anak nito.

"Masaya na po ang anak n'yo dahil wala na s'yang nararamdaman na sakit pa!" Hinimas ko ang likod ni Aling Alice. Simula ng mag-umpisa ako dito ay lagi na lang n'yang binabanggit ang anak nitong si Alicia na namatay dahil sa cancer.

Iniwan s'ya ng asawa nya at sumama sa ibang babae tapos ay nagkaroon pa ng malubhang sakit ang anak n'ya hanggang sa hindi nito nakayanan.

"Namimiss ko lang s'ya. Lagi kong kasabay kumain ng agahan si Alicia!" Niyakap ko si Aling Alice.

Minsan talaga kung kelan mo pa sila kailangan saka duon sila nawawala. Gaya ng nangyari sa tatay ko. S'ya lang ang nakakapagtanggol sa akin kay Nanay pag mainit ang ulo nito sa akin pero nawala na rin ito.

"Nandito naman po ako!" Alam kong hindi permanente na nasatabi n'ya ako pero handa naman akong pasayahin s'ya.

"Salamat!" Yumakap s'ya pabalik sa akin. Umangat ang tingin ko dahil bigla kong naalala ang tatay.

"Isa ngang mahablangka!" Napaayos kami ni Aling Alice ng mayroong customer. Tumayo ako para pagbentahan ang babae. Sana maraming bumili para makabili ako ng masarap na ulam mamayang hapunan.

                                                                         //END OF CHAPTER  01//

Comments (2)
goodnovel comment avatar
joyav
hoy bakit inaapi si xyraa
goodnovel comment avatar
Olivia
sama naman ugali ng nanay nya kawawa si xyra
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 2.1

    Rifle's POVKinuha ko ang isang unan sa gilid at tinakip ko sa mukha ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Aish bwisit na araw na ito.Bumangon ako para isarado ang kurtina ng kwarto. Bakit kasi lagi kong nakakalimutan ko iyan tuwing gabi. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig.Kumuha ako ng isang itlog and bread para lutuin. Binuksan ko ang kalan at inilagay ko ang itlog duon.

    Last Updated : 2020-08-05
  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 2.2

    Rifle's POV"Paki alam mo! Hindi ikaw ang kailangan namin si Jane!" Napaayos ako ng tayo at natawa na lang sa sigang maliit na ito. Nakapamewang pa sila na nakaharap sa amin. Halatang nambubully ang mga ito."Hoy Jane wag ka nga magtago sa lalaking 'yan!" Sabi naman ng pangalawang bata. Ganito na ba talaga katatapang ang mga bata ngayon. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa suot ng batang nasalikudan ko.

    Last Updated : 2020-08-05
  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 2.3

    Xyra's POV"Ilalako ko na po ito aling Alice!" Paalam ko kay aling Alice. Tumango lang s'ya nilang sagot kaya nagsimula na akong mag-lakad lakad habang dala ang bag na may lamang iba't ibang kakanin.Hapon na at malapit ng mag gabi kaya kailangan ko na ito maubos bago pa ako abutin ng gabi ulit. Panigurado na magagalit na naman ang nanay pag nagkataon.Siguro mga sampung piraso na lang naman ito. Sab

    Last Updated : 2020-08-05
  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 2.4

    Xyra's POV"Sa susunod na magkita pa tayo, ibabaon ko ang tingga nito sa mga ulo n'yong walang laman!" Paatras itong pumunta sa akin kaya nailang ako ng tumabi s'ya sa akin."Nasaktan ka ba?!" Hindi ako makapagsalita agad dahil sa hawak nitong baril."Wag mong mas'yadong tignan ang mukha ko, alam kong gwapo na ako!" Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.

    Last Updated : 2020-08-05
  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 3.1

    Rifle's POVI drank all liquid in my glass shot. Sumandal ako sa couch na inuupuan ko at hindi ko mapigilan ang mapaisip dahil sa babae kanina. Ok lang kaya s'ya.Hindi na ako nakialam dahil tinawag n'ya ng nanay ang nakakatakot na babaeng nanakit sa kan'ya."Kanina ka pa tulala d'yan!" Tinapik ako ni Uzi, kaya bumalik ang gwapo kong pag-iisip sa lugar kung nasaan ako.

    Last Updated : 2020-08-05
  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 3.2

    Rifle's POV"Hindi ko alam kung kailan s'ya babalik." Napasandal ako sa malamig at medyo lasing n'yang boses."Snipe!" Seryoso kong tawag dito. Tinignan n'ya ako ng seryoso kaya napa buntong hininga na ako. Namumula ng ang mukha n'ya at halata na ang tama ng alak dito."How's your work?!" Tinignan ko si Uzi. Lasing na nga ito nagtatanong na pero alam kong alam n'ya pa rin ang pina

    Last Updated : 2020-08-05
  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 3.3

    Xyra's POVInaayos ko ang mga paninda ng makarecieved ako ng isang message. Kinuha ko ang phone ko sa para tignan iyon. Wala akong idea sa nagtext.Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang laman ng text. Napahawak ako sa bibig ko at hindi makapaniwala sa natanggap ko."Please open your email!" Iyan ang sabi sa text pero galing sa Arme Corporation. Dali dali kong binuksan ang email ko at lalo akong natuwa

    Last Updated : 2020-08-05
  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 3.4

    Xyra's POV"Ok na ba ito!" Mayroon s'yang nilabas na 1000 pesos sabay ngiti."Gusto ko pinaghirapan ko!" Aalis na ako ng pigilan na naman n'ya ako."Samahan mo akong kumain ibibigay ko na sayo ito!" Napaisip ako sa alok n'ya."Wag ka ng mag-isip!" Bigla na lang n'yang nilagay

    Last Updated : 2020-08-05

Latest chapter

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 20

    Third point of viewMayroong lalaking pumasok sa isang kwarto kung saan nandoon ang matandang lalaking nakaupo sa swivel chair. Mayroong bote ng alak sa harapan n'yang table, hawak nito ang basong may lamang yelo at alak.Napatingin ang matandang lalaki sa pumasok sa kan'yang office. Napangiti ito ng makita n'ya ang lalaking pumasok.

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 19.2

    Rifle's Point of view"Hintayin po kita sa kotse young master."Tinignan ko si Luke at tumango ako sa kan'ya bilang sagot ko. Nagbow s'ya sa akin bago ako iwan mag-isa sa cemetery kung saan nakalibing ang katawan ni Mama at Papa, ngayon ay na dagdagan na pati ni Lolo Ramond.

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 19.1

    Rifle's Point of view"Ahhh!" daing ko ng idiin ni Luke ang bulak sa sugat ko sa binti."Tiisin mo na lang, kesa makita ka pa nila President Snipe at Director Uzi na gan'yang ang itsura mo," paliwanag ni Luke.

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 18.2

    Rifle's Point of view"Rifle Winchester," sabi ko at nilahad ko ang kamay ko sa kan'ya.Agad n'yang tinanggap iyon. Napatingin ako sa suot n'ya na handa ng matulog. Pansin ko na rin na hindi s'ya mahilig sa pink.

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 18.1

    Rifle's Point of viewDinilat ko ang mata ko ng marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Lolo Ramond. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga, wala dito sa loob si Xyra. Tumayo na ako at agad kong ni-lock ang pinto.Pumasok ako sa bathroom, naghilamos ako ng mukha. Tinignan ko ang sarili ko sasalamin. Napayukom ang kamao sa galit.

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 17.2

    Xyra's Point of viewTinignan ko si Rifle na nakapatong ang ulo sa balikat ko. Kanina pa s'ya tahimik. Pagtingin ko ay nakapikit na ito. At mukhang tulog na.Tumayo ako, pero hawak ko pa rin ang ulo ni Rifle. Kahit sobrang bigat ni Rifle ay hinila ko s'ya papuntang kama. Tinignan ko ang mukha n'ya mayroon pang luha sa gilid ng mata n'ya.

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 17.1

    Rifle's Point of viewMalapit na kami sa bahay ni Lolo Ramond ng marinig ko ang ilang putukan ng baril."A-anong nangyayari?" tanong ni Xyra.

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 16.2

    Xyra's Point of viewNagluluto ako ngayon sa kusina ni Rifle. Marami naman s'yang stock dito na mukhang hindi n'ya nagagalaw. Gusto n'ya yata mapag-isa kaya hinayaan ko muna s'ya sa kwarto n'ya.Hindi ako pabor sa gusto ni Rifle. Sobrang delikado ang ginagawa n'ya. Na-exprienced ko na iyon ng ilang beses. At bawat segundo ay doble ang kaba ko dahil hindi ko

  • The Broker Series #2: ASSET   CHAPTER 16.1

    Rifle's Point of viewDinilat ko ang mata ko ng mayroon akong naramdaman sa tabi ko. Nararamdaman ko na rin ang pangangalay ng braso ko dahil sa mayroong nakadagan.Napangiti ako ng makita ko si Xyra sa harapan. Iba talaga pag gwapo ang katabi mapapahimbing ang tulog. Pinagmasdan ko si Xyra na tulog pa rin sa tabi ko.

DMCA.com Protection Status