Xyra
Papasok pa lang ako sa loob ng mall na pinagtratrabahuhan ko ng hinarang ako ng guard. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa ginawa ni Kuyang guard. Magkakilala na kami ni Kuya Robert dahil matagal na ako sa mall na ito.
"Bakit po, Kuya Robert?" taka kong tanong.
"Akala ko ay alam mo na."
Napataas ang dalawang kilay dahil sa hindi ko alam ang sinasabi ni Kuya Robert. "Ang alin po?"
"Banned ka na dito," sagot n'ya sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Paanong nangyari? Eh, kahapon lang nagtrabaho pa ako sa loob at wala akong alam na ginawang mali," nagtataka kong maliwanag kay Kuya Robert.
"Hindi ko rin alam, Xyra. Tinawag lang kami ni Sir Ronnie para sabihin na wag ka ng papasukin sa loob," sagot ni Kuya Robert.
"Anong dahilan?"
Umiling si Kuya Robert sa akin at lalo akong naguluhan dahil maayos naman akong natratrabaho dito bilang sales lady.
"Si Sir Ronnie na lang ang tanungin mo, Xyra."
Napakamot ako ng ulo dahil sa kaguluhan ng nangyayari, iniisip ko kung ano ang ginawa kong mali para mawala sa trabaho. Kailangan ko pa naman ng pera dahil sa tuition ng kapatid ko next month at mga bills namin sa bahay ay kailangan ng bayaran.
"P'wede ba akong pumasok? Kakausapin ko si Sir Ronnie."
Matamblay na tingin lang ang binigay ni Kuya Robert sa akin. "Sa oras daw na makapasok ka ay tatanggalin kami," paliwanag ni Kuya Robert.
"Anong kalokohan 'yan?!" inis kong tanong.
"Hays! Sa daan pa talaga kayo nag-uusap?!"
Napalingon ako sa likuran ko ng isang boses ng lalaki ang nagreklamo. Tatabi na lang sana ako dahil tama naman s'ya na nakaharang ako sa entrance, pero hindi ko natuloy ng makita kung sino ang lalaking iyon. Bigla kong naalala ang lahat ang nangyari kagabi at ang lalaking ito ang nagsabing wag na ako pumasok ngayon. Akala ko ay lasing lang s'yang nawawala sa sarili dahil parang may tama ang utak n'ya.
Tinignan n'ya ako sabay tanggal ng shades n'ya at isang nakakairitang ngiti ang binigay sa akin.
"Anong ginawa mo?!" inis kong tanong sa kan'ya.
"'Yung sinabi ko ang ginawa ko," sagot n'ya sa akin.
"Hindi kita kilala!"
Bigla s'yang natawa na hindi ko alam kung nang-iinis ba or nababaliw na talaga ang isang ito.
"Kasalanan mo iyan," sagot n'ya sa akin. "Sa susunod na makita mo ang gwapo kong mukha—"
"Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo," putol ko sa kan'ya. "Kailangan ko ng trabaho kaya kausapin mo na 'yung kinausap mo para ibalik—"
"Shhhh! Wala akong pakialam kung kailangan mo ng trabaho," putol n'ya sa akin.
Pero nagkaroon ng nakakalokong ngiti ang labi n'ya sabay lapit ng mukha n'ya sa tenga ko. "Pero kung gusto mong bumalik sa ay puntahan mo ako sa condo ko," bulong n'ya sa akin. "Satisfy me at bibigyan pa kita ng bonus— shit!"
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa bastos na lalaking ito. Gulat ang lahat ng nakakita sa ginawa ko at isang matalim na tingin ang binigay sa akin ng mayabang na lalaking ito, pero ang hindi ko inaasahan ng biglang lumabas si Sir Ronnie at tinulak ako dahilan ng paglayo ko sa kanila.
"Hindi mo ba kilala si Sir Rifle!" sigaw sa akin ni Sir Ronnie.
"Wala akong oras na makilala ang isang bastos na lalaki!" sagot ko.
Napaangat ang kamay ko dahil balak akong sampalin ni Sir Ronnie sa pagsagot ko sa kan'ya, pero napatingin ako sa bastos na lalaki ng hawakan ang kamay ni Sir Ronnie.
"Don't do physical sa babae," seryosong saad ni Rifle. Masama ang tingin n'ya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ayoko na s'yang makikita sa lugar na ito kung hindi tatanggalin ko kayong lahat!" saad ni Rifle habang nakahawak sa mukha n'ya.
"Hit everything, pero wag ang gwapo kong mukha." Tinalikuran n'ya ako at umalis na habang ako ay iniisip kung ano na ang gagawin ko ngayon. Ni wala s'yang balak pumasok sa mall at gusto lang n'yang alisin ako sa trabaho.
Pumunta ako sa gilit ng kalsa ilang metro lang ang layo sa mall na pinagtratrabahuhan ko. Ang dami ko ng problema tapos lumalala pa dahil sa mahangin na lalaking iyun. Namomoblema na ako dahil sa dami kong kailangan bayaran, pero isang hindi makatarungan pa ang nangyari sa akin.
Nagpalipas lang ako ng ilang oras sa gilid ng kalsada at umuwi na ako sa bahay namin. Hindi ako pwedeng tumunganga lang maghapon dapat ay maghanap na ako ng ibang trabaho. Pumasok ako sa loob ng maliit naming bahay at tinignan ang loob kung nandito ba si Nanay.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napaayos ako ng tayo dahil sa gulat ng magsalita si Nanay mula sa likuran ko. Tumingin ako sa kan'ya ay mayroon itong hawak na timba na mayroong laman na damit.
"Tulungan na kita, Nay," prisinta ko.
Hindi ko alam kung paano ko sa sabihin kay Nanay na natanggal ako sa trabaho dahil ako lang ang inaasahan sa amin. Iniwas n'ya ang timba sa akin at masama ang tingin ni Nanay. Bata pa lang ako ay alam ko na nag pagkakaiba ng trato n'ya sa bunsong kapatid ko at sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?!" inis n'yang tanong.
Napayuko na lang ako dahil sa kaba at nahihiyang sabihin sa kan'ya ang totoo, pero wala naman akong magagawa na.
"Natanggal po ako sa trabaho," nahihiya kong sagot.
Napapikit na lang ako ng marinig ko ang pagtama ng timba at floor namin at nakarinig na nakakabinging katahimikan.
"Hindi ka siguro nag-iisip kaya ka natanggal!"
Hindi ako p'wedeng sumagot kahit na gaano kasakit ang maririnig ko dahil lalo lang lala ang lahat.
"Paano ang mga bayaran?!" sigaw n'ya sa akin.
Humarap ako kay Nanay at ngumiti kahit na kinakabahan ako. Ayokong ipakita na natatakot or nanghihina ako. "Ako na ang bahala doon, Nay; ako na po ang mayroong problema doon kaya wag na po kayong magalit at gagawan ko ng paraan," nakangiti kong paliwanag.
"Siguraduhin mo lang!"
Ngiti lang ang sagot ko kay Nanay kahit hindi ako sigurado kung saan ako kukuha. Sinipa n'ya ang timba na puno ng damit at tumapon sa floor.
"Labhan mo lahat iyan!" inis n'yang utos sa akin.
Mabilis naman akong kumilos para hindi na tuluyang magalit si Nanay.
Rifle"Bakit gan'yan ang mukha mo?"Nilipat ko ang maganda kong mata sa kaibigan kong si Uzi. Nandito kami sa isang pag-aari n'yang bar at nasabi ko na rin sa kan'ya ang lahat ng nangyari sa isa n'yang bar."Anong meron sa mukha ko? Bukod kasi sa kagwapuhan ay wala na akong alam na nakikita sa mukha ko," tanong ko sa kan'ya.Tinawanan n'ya lang ako sabay inom ng alak na hawak n'ya. Hinawakan ko ang mukha dahil hindi ko makalimutan na sinampal ako ng isang babae. Isa siguro s'yang mahirap at mahina ang utak kaya hindi n'ya kilala ang isang gwapong kagaya ko."Mukhang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Uzi sa akin.Napa-smirk naman ako dahil sa itsura ng katabi n'ya. Si Snipe isa rin sa kaibigan kong napakaseryoso sa buhay simula ng iwan ng ex-girlfriend n'ya. Napasandal ako sa couch at tinuro ko si Snipe gamit ang hawak kong baso."Mayroon pa bang maslalalim sa kan'ya?" natatawa kong tanong."May bago ba?" tanong naman ni Uzi sa akin.Natawa ako dahil hindi ko inaakala na mababaliw ang kai
Rifle's POV"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa aki-" Muli na naman akong napahinto dahil hindi sa pag-alis nya dahil sa bigla nitong pagsampal nya sa akin."Ayoko sa lahat ang amoy alak!" Hinila nya ang braso n'ya mula sa pagkakahawak ko at na muling na naman tumalikod sa akin saka naglakad na."Fuck!" Inis kong sabi at tinapat ko ang airsoft sa kan'ya dahil sa inis ko, pero sinipa ko na lang an
Xyra's POV"Ate saan ka ba galing pa?!" Nagmamadali akong naghubad ng sapatos. Tinignan ko ang bunso kong kapatid na si Jane na nag-aalala akong sinalubong."Naligaw kasi ako Jane eh, saka inubos ko muna ang mga paninda ko bago ako umuwi!" Sagot ko kay Jane."SINO YAN, JANE?!" Napaayos ako ng tayo ng marinig ko si Nanay na galit na galit ang boses.
Rifle's POVKinuha ko ang isang unan sa gilid at tinakip ko sa mukha ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Aish bwisit na araw na ito.Bumangon ako para isarado ang kurtina ng kwarto. Bakit kasi lagi kong nakakalimutan ko iyan tuwing gabi. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig.Kumuha ako ng isang itlog and bread para lutuin. Binuksan ko ang kalan at inilagay ko ang itlog duon.
Rifle's POV"Paki alam mo! Hindi ikaw ang kailangan namin si Jane!" Napaayos ako ng tayo at natawa na lang sa sigang maliit na ito. Nakapamewang pa sila na nakaharap sa amin. Halatang nambubully ang mga ito."Hoy Jane wag ka nga magtago sa lalaking 'yan!" Sabi naman ng pangalawang bata. Ganito na ba talaga katatapang ang mga bata ngayon. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa suot ng batang nasalikudan ko.
Xyra's POV"Ilalako ko na po ito aling Alice!" Paalam ko kay aling Alice. Tumango lang s'ya nilang sagot kaya nagsimula na akong mag-lakad lakad habang dala ang bag na may lamang iba't ibang kakanin.Hapon na at malapit ng mag gabi kaya kailangan ko na ito maubos bago pa ako abutin ng gabi ulit. Panigurado na magagalit na naman ang nanay pag nagkataon.Siguro mga sampung piraso na lang naman ito. Sab
Xyra's POV"Sa susunod na magkita pa tayo, ibabaon ko ang tingga nito sa mga ulo n'yong walang laman!" Paatras itong pumunta sa akin kaya nailang ako ng tumabi s'ya sa akin."Nasaktan ka ba?!" Hindi ako makapagsalita agad dahil sa hawak nitong baril."Wag mong mas'yadong tignan ang mukha ko, alam kong gwapo na ako!" Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.
Rifle's POVI drank all liquid in my glass shot. Sumandal ako sa couch na inuupuan ko at hindi ko mapigilan ang mapaisip dahil sa babae kanina. Ok lang kaya s'ya.Hindi na ako nakialam dahil tinawag n'ya ng nanay ang nakakatakot na babaeng nanakit sa kan'ya."Kanina ka pa tulala d'yan!" Tinapik ako ni Uzi, kaya bumalik ang gwapo kong pag-iisip sa lugar kung nasaan ako.
Third point of viewMayroong lalaking pumasok sa isang kwarto kung saan nandoon ang matandang lalaking nakaupo sa swivel chair. Mayroong bote ng alak sa harapan n'yang table, hawak nito ang basong may lamang yelo at alak.Napatingin ang matandang lalaki sa pumasok sa kan'yang office. Napangiti ito ng makita n'ya ang lalaking pumasok.
Rifle's Point of view"Hintayin po kita sa kotse young master."Tinignan ko si Luke at tumango ako sa kan'ya bilang sagot ko. Nagbow s'ya sa akin bago ako iwan mag-isa sa cemetery kung saan nakalibing ang katawan ni Mama at Papa, ngayon ay na dagdagan na pati ni Lolo Ramond.
Rifle's Point of view"Ahhh!" daing ko ng idiin ni Luke ang bulak sa sugat ko sa binti."Tiisin mo na lang, kesa makita ka pa nila President Snipe at Director Uzi na gan'yang ang itsura mo," paliwanag ni Luke.
Rifle's Point of view"Rifle Winchester," sabi ko at nilahad ko ang kamay ko sa kan'ya.Agad n'yang tinanggap iyon. Napatingin ako sa suot n'ya na handa ng matulog. Pansin ko na rin na hindi s'ya mahilig sa pink.
Rifle's Point of viewDinilat ko ang mata ko ng marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Lolo Ramond. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga, wala dito sa loob si Xyra. Tumayo na ako at agad kong ni-lock ang pinto.Pumasok ako sa bathroom, naghilamos ako ng mukha. Tinignan ko ang sarili ko sasalamin. Napayukom ang kamao sa galit.
Xyra's Point of viewTinignan ko si Rifle na nakapatong ang ulo sa balikat ko. Kanina pa s'ya tahimik. Pagtingin ko ay nakapikit na ito. At mukhang tulog na.Tumayo ako, pero hawak ko pa rin ang ulo ni Rifle. Kahit sobrang bigat ni Rifle ay hinila ko s'ya papuntang kama. Tinignan ko ang mukha n'ya mayroon pang luha sa gilid ng mata n'ya.
Rifle's Point of viewMalapit na kami sa bahay ni Lolo Ramond ng marinig ko ang ilang putukan ng baril."A-anong nangyayari?" tanong ni Xyra.
Xyra's Point of viewNagluluto ako ngayon sa kusina ni Rifle. Marami naman s'yang stock dito na mukhang hindi n'ya nagagalaw. Gusto n'ya yata mapag-isa kaya hinayaan ko muna s'ya sa kwarto n'ya.Hindi ako pabor sa gusto ni Rifle. Sobrang delikado ang ginagawa n'ya. Na-exprienced ko na iyon ng ilang beses. At bawat segundo ay doble ang kaba ko dahil hindi ko
Rifle's Point of viewDinilat ko ang mata ko ng mayroon akong naramdaman sa tabi ko. Nararamdaman ko na rin ang pangangalay ng braso ko dahil sa mayroong nakadagan.Napangiti ako ng makita ko si Xyra sa harapan. Iba talaga pag gwapo ang katabi mapapahimbing ang tulog. Pinagmasdan ko si Xyra na tulog pa rin sa tabi ko.