Share

Chapter 94: Issues

That night we both ate our dinner and he stayed here, he stayed for a sleepover. After that we went back to our normal routine.

Work, OJT.

But then, I went to my OJT in the morning. Suddenly my friends came up to me, “Sis, ginawan ka issue.”

“Ano?” Naguguluhan kong panimula, ibinaba ko ang bag sa desk ko tapos ay hinarap sila.

“Pinost sa bulletin, sis. Pati sa page ng company.” Kinuha ko kaagad yung cellphone ko at hinanap ‘yon.

Nang makita na tungkol pa sa amin ni Yeon ang issue ay nanlumo ako, sabi ko na nga ba nakita talaga ng babae na ‘yon.

Napaupo ako sa desk ko at tinitigan ang comments doon, ang ibang empleyado ay alam ang relasyon namin ngunit ang iba ay hindi. Kaya may masasabi talaga sila, kaya pala ganoon na lang nila ako tignan.

“Ano na gagawin mo sis?” Tanong nila sa akin.

“Hayaan na, huhupa rin siguro.” Sagot ko na lang.

Maya-maya ay nagpaparinig sa akin yung ibang kasama namin sa OJT. “Tamang kapit sa patalim, baka kasi hindi siya confident sa kakayahan niya?”

Ngumuso
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status