In between our kisses he whispered something, “Are you sure love?” Napatigil ako at bahagyang binuksan ang mata ko tsaka ngumisi ang labi ko. “We’re not doing anything wrong yet, what are your worries? Hmm?” Hinaplos ng hinlalaki ko ang mukha niya at tsaka hinalikan ang labi niya. “I don’t want to disrespect you,” napagod ako kakahalik kaya kami tumigil dalawa. Magkayakap. “Thank you for staying beside me, every time.” I hugged him tighter. “My pleasure.” Mahinang tugon niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Ever since that day, I admitted that I was really attached to him. Seeing him completes my day, and having an argument with him makes it hard for me. It’s been so long and I got an award in recognition for being the first this 4th year of my course. May party mamayang gabi, buong school ‘yon. Ganito talaga every year, pupunta naman si Yeon dahil invited rin siya dahil isa siyang magandang halimbawa ng estudyante noong nag-aaral pa siya rito. Halo ito, lahat ng cou
Nang medyo tipsy na ako ay natigilan ako nang makita si Yeon na naglalakad at may dalang paper bag, ngunit nasulyapan ko rin si Yuno na nakatingin sa akin kahit nakaupo siya. Nang makalapit si Yeon ay tumitig lang ako sa kaniya, “Congratulations.” Malambing niyang sabi at inabot sa akin ang paper bag. “Good evening Mr. Villamos.” Bati ng lahat, nang mapalingon si Yeon sa gawi ni Yuno ay awtomatikong nangunot agad ang noo niya. “Good evening.” Bati niya pabalik. “Lasing ka na?” Napakurap ako nang maupo si Yeon sa tabi ko, matipid akong ngumiti tsaka ko basta-basta na itinago ang mukha ko sa dibdib niya dahilan para mahina siyang matawa. Inakbayan niya ako at bahagya pang ginulo ang buhok ko. “Sorry, she’s just clingy when she’s drunk.” I heard Yeon, it made me pout my lips. Lumayo na ako at hinanap si Amaya, ngunit napatingin ako may Yuno kaya ngumuso ako. “When did you come back?” Tanong ni Yeon kay Yuno. “Kanina lang, they invited me here. Sakto naman tapos ko na yung p
Gusto kong sabihin ‘yan ngunit hindi na lang, “I asked for a chance—“ “And after that you left without a word! You were drunk that night paano ako maniniwala?” Bumuntong hininga siya. “I left a letter, I left a letter saying that I’ll come back for you.” Nangunot ang noo ko tsaka natawa. “Wala akong natanggap.” Seryosong sabi ko. “H-How is that possible? I am confident to go back since I left you a letter and I know you’ll wait for me.” Ngumiwi ako. “If you’re confident enough then you should’ve told me directly.” Masungit na sabi ko at tinalikuran na siya ngunit natuod ako sa kinatatayuan ko nang yumakap siya mula sa likuran ko. “Sierah,” huminga ako ng malalim. Pinigilan ko ang sariling gumawa ng panibagong kasalanan kung kaya’t kinalas ko ang pagkakayakap niya kahit na nakakagaan ‘yon ng nararamdaman ko. Naguguluhan ako. “Enough of this Yuniko. I-I’m already okay even without you.” Nanlulumo kong sabi. “P-Paano ako?“ Napakurap ako sa tanong niya. “A-Anong paan
Dinala ako ni Yeon sa condo ko dahil alam na rin naman niya ang passcode ng condo ko, humilata kaagad ako sa kama at inalis niya naman ang mataas na takong ko. “Love, your makeup.” He reminded and made me sit again, inalalayan niya ako sa banyo dahilan para mag-maktol ako ng husto. He even brushed my teeth, “Say ah.” “Ih love, say ih.” Sinusunod ko siya kaya matapos no’n ay pinag-gargle niya ako using my mouthwash. “Sleep ka here?” Nakangusong sabi ko, pinaghilamos niya muna ako bago sagutin ‘yon. Halos mapatili ako nang mahina nang buhatin niya ako paupo sa sink. He wiped my face with a cotton towel, damp it gently and wiped my neck as well. “Hmm, you smell good na.” He smiled innocently that made me smile and reached his lips for a kiss. Napapikit siya at hinalikan ako pabalik ngunit mabilis lang ‘yon, “Love.” Maktol ko. “I’ll brush my teeth first, I smoked kanina.” Ngumiti ako sa sinabi niya, “You’re being conscious na ha, you still taste well love.” He just shook h
I watched him fix his eyeglasses before drinking his juice, “You don’t eat chicken ‘no, love?” Pagpansin ko at nasulyapan ang manok sa sandwich ko. “Hmm, I don’t like chickens.” I chuckled at his remarks, “Do they look weird?” “Yeah.” Natatawang sagot niya. “Why do you like me then? I also look weird.” Natigilan siya sa pag-nguya tsaka ako tinitigan. “You don’t look weird to me, you look pretty unique.” Sa banat niya ay pinigilan ko ngumiti, “Bola.” Matapos kumain ay umalis na rin siya, ako naman ay nagpapahinga dahil wala akong pasok ngayon. Si Amaya medyo busy, si Yeon naman may work. Wala naman akong ginagawa sa condo kaya naisipan ko munang umuwi para makasama sila lola at Zian na rin. Bakasyon naman. Baka pumunta rin akong Palawan to be with our parents, nasa bahay ako ngayon at tamad na tamad ako sa totoo lang. Nakadapa ako sa sofa habang nagb-browse sa cellphone ko, si Zian naman ay naka-headphones habang tutok sa cellphone niya kahit na naglalakad siya at hindi
Magsasalita sana ako pero tumawag si Yeon kaya sinagot ko ‘yon, “Love, I’ll go to your condo. What do you want?” Napatikhim ako. “I’m not in the condo, at the moment. I’m with my brother at our house.” Kalmadong sabi ko sa kaniya. Tumikhim siya sa kabilang linya. “Can I go there, love?” Malambing man ang boses niya ay malalim pa rin ‘yon kaya ang cute. “Sure, may visitors naman kami kaya pwede ka pumunta. Don’t bring anything na lang, para hindi hassle.” Nakatingin lang ako kay Yuno na pinanonood ako. “Hmm, you’re not using our endearment? Is there something wrong? Are you mad, love?” Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. “I am not mad, love.” Sinabi ko ‘yon at umiwas tingin kay Yuno. “Alright, see you in a minute, love.” Paalam niya. Namatay na ang tawag kaya naman tinignan ko si Yuno, “You’re not sweet at all, unlike when you were mine.” Sa kaniyang sinabi ay awtomatikong umikot ang mata ko. “Shut up, at least he didn’t make me feel like a second choice.” Panr-realt
Ilang oras ang nakalipas ay bumaba na kami, nakabalik na rin si Kuya Laze ngunit nandito pa rin si Yuno.“Good afternoon, Yeon.” Bati ni Kuya Laze.“Good afternoon, Laze.” Pormal na bati ni Yeon, nawaglit sa isip ko na mas matanda pala siya sa kanila.After that, later on ay uuwi na rin si Yeon kaya naman hinatid ko siya sa mismong gate namin. Hindi ko inaasahan na sasabay na rin pauwi si Yuno.Humaba ang nguso ko at tsaka ako bumuntong hininga. “I’ll see you again tomorrow, love.” Paalam ni Yeon.Ngumiti ako at tumango, “I’ll see you.” Kumaway ako ngunit tumikhim si Kuya Laze at napaiwas tingin nang lumapit si Yeon upang halikan ako sa noo.“Ingat.” Paalam ko at kumaway pa ulit nang maglakad siya papalapit sa sasakyan niya.“Si Yuno ‘di mo pag-iingatin? Baka mamatay ‘yan sa daan makonsensya ka—““Gago mo, Architect.” Seryosong sabi ni Yuno.“Ingat.” Mahinang sabi ko rin sa kaniya tsaka ako tumalikod na at iniwan sila doon.Three days later ay babyahe na ako, to Palawan with Zian, we’
I waited for his reply, but he replied after 15 minutes. @ygavril.villamos: Are you alright? @ygavril.villamos: Are you safe, love? What happened?@ygavril.villamos: Did you fall asleep? Are you sick?@ygavril.villamos: Love, okay ka lang? Napangiti ako at tsaka ako tumayo na, dinala ko ang food at pasalubong ko sa kaniya. Naglakad na ako papunta sa condominium niya, nang malapit na ako sa pinto niya ay tumawag siya kaya sinagot ko.“Love, what the fuck? What happened?” Ngumiti ako sa natatarantang tono ng boses niya.“Love.” Mahinang tawag ko sa pangalan niya, narinig ko ang mahinang mura niya sa kabilang linya.“What? Anong nangyari?” Kagat ko ang ibabang labi tsaka ako kumatok sa pinto niya upang marinig niya rin sa call.“What the fuck?” Rinig kong sabi niya at yumabag ang paa niya kaya kumatok ako ulit.“Someone’s knocking—“ Pagkabukas niya ay nagulat siya nang makita ako.His cheeks were a bit red, nakalagay pa ang cellphone niya sa tenga niya habang hawak niya kaya ngumiti a
=Sierah’s Point Of View= AFTER A FEW YEARS… Nasapo ko ang noo habang nakatitig ng matalim kay Yeshua na alanganing nakangiti at nagkakamot ng kanyang kilay. He is already 18 and damn it, ang tigas ng ulo! “Anong bilin ko sa’yo, Yeshua?!” gigil na singhal ko. “Mom… I aced my exam and dad allowed me to have a party at our house naman po…” magalang na paliwanag niya at nahihimigan ng lambing. Nabasag lang naman ng mga kaibigan niya ang sliding door sa pool area dahil sa nalasing ang mga kasama niya. “Pero hindi ganito, Yeshua! I-Iyang ulo mo talaga, napakatigas! Nawala lang ako saglit dahil bumisita ako sa Palawan at eto ka oh, ito ka na naman! Kanino ka ba nagmana, ha?” sermon ko at halos paluin siya sa pwetan ngunit malaki na siya para doon. “Mommy, sorry na…” nakalambing na hingi ng tawad ni Yeshua kaya nasapo ko ang noo. Sinubukan kong magpasensya sa anak ko. “Fine… Get someone to fix that glass door or else I’ll marry you off to your dad’s daughter!” sermon ko pa at dahil doo
=Third Person’s Point Of View=MATAPOS ang lahat ng preparasyon…Nakatayo si Sierah Garcia sa harap ng salamin, ang puso niyang mabilis na tumibok habang pinagmamasdan ang masalimuot na detalye ng kanyang wedding gown. Ang tela ay akmang-akma sa kanyang katawan, ang lacework ay kumikislap sa malambot na liwanag ng silid. Hindi siya makapaniwala na ngayon na ang araw na siya ay pakakasalan si Yeon Gavrill Villamos, ang lalaking nagpaligaya sa kanyang mundo sa kanyang alindog at walang kondisyong suporta.Habang maingat niyang inaayos ang belo na bumabagsak sa kanyang likod, bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala—ang kanilang unang pagkikita, ang hindi mabilang na mga pag-uusap sa gitna ng gabi, at ang mga sandaling nagbukas sa kanila ng mas malalim na koneksyon. Ang bawat alaala ay tila isang mainit na yakap, at hindi niya maiwasang ngumiti sa pag-iisip ng kanilang hinaharap na magkasama.“Handa ka na ba, Sierah?” ang boses ng kanyang ina ay nagpagambala sa kanyang pagninilay, puno n
=Sierah’s Point Of View= Ngayon ay sobrang tahimik namin ni Yeon, walang imikan. Parehas lang kaming nakaupo sa bawat dulo ng sofa niya. Nakatitig sa TV na nakapatay naman. “Aren’t you going to apologize?” mahinang sabi niya kaya pasimple akong umirap at nilingon siya. “Edi sorry,” bulong ko. “So insincere,” ngiwi niyang sabi halatang nadidismaya. “Paano ba mag-sorry?” maktol ko. “Ayan.. Panay kasi pride ang pinapataas mo, hindi ‘yang konsensya mo. Noon pa lang talaga ma-attitude ka n—” Natigilan siya nang umusod ako at yumakap sa kanya, mariin akong napapikit dahil alam ko sa sarili ko na sobra ko siyang namiss. Ang tagal kong nagtiis at nagpanggap na maayos na ako. “Damn it...” rinig kong sobrang hinang bulong niya at inayos ang mga braso upang makasandal ako sa kanyang dibdib. His hands were on my back, gently tapping it. “I’m sorry,” sobrang hinang bulong ko at hinigpitan ang yakap sa kanyang bewang. Humigpit rin ang yakap niya at naramdaman ko ang kanyang labi sa aking
“We had a lot to talk to, Sie.. After our son’s party,” mariing sabi niya at ramdam ang pagbabanta.Dahil doon ay naging balisa ako buong party, natatakot ako sa galit na nararamdaman ni Yeon. Mapapatawad niya pa kaya ako?Matapos ang birthday party ay nakatulog kaagad si Yeshua at si Yeon ang bumuhat sa kanya papunta sa kama. Pagkatapos no’n ay halos mabigla ako nang hablutin ni Yeon ang aking pulsuhan at tangayin sa kung saan.Nang dalhin niya ako sa condo niya mismo ay wala akong nagawa kundi manahimik. “Now... Tell me, w-what’s the point of hiding my son from me?” salubong na kilay niyang sabi, nagpamewang sa aking harapan.Bumuntong hininga ako. “Y-You’re married, you have your own family. M-May iba pa bang dahilan—”“Kasal? Ako? Saan mo naman napulot iyang balita na ‘yan, Sie?” nagtataka niyang sabi dahilan para noo ko ang mangunot.“Tanga ka ba o sadyang bingi ka lang huh?” gitil ko. “Kalat na kalat sa articles ang rumor na iyon! N-Ni hindi mo nga nagawang i-deny sa harapan ko
I licked my lips due frustration before smirking. “If it’s your child, wouldn’t you know better?” Napipikon ako pero hindi ko lang pinahahalata sa kanya.He gawked. “That’s why I was asking, even before..”“It’s not your child.” I looked away and faced my desk as I pretend I’m fixing the papers.“Makakaalis ka na, Mr. Villamos—”“Once I find out, Sie. Once I find out, I’ll make you regret it.”“You’re not gonna find out anything, Yeon. Dahil wala naman talaga,” I flawlessly lied before giving him a once-over before staring him at his hazel eyes.“Alis na,” taboy ko pa dahilan para nakangisi siyang tumalikod at naglakad na parang ang bigat ng sapatos niyang itim dahil sa tunog na nagagawa nito.Nang makaalis siya ay basta-basta na lang akong napaupo sa swivel chair ko habang kapa-kapa ang dibdib dahil sa kabang naiparamdam niya.‘Lintek na Yeon, ang lakas makiramdam!’A few weeks later.. Yeshua’s birthday is around the corner, wala akong imik habang may inaayos sa event ng anak ko. Bu
“Who do I look like then po?” My innocent son asked, hindi ako nakasagot, hindi rin naka-imik si Yuno. The question was for Yeon. It was his to begin with..“Why don’t we ask your mom?” ngising sabi ni Yeon dahilan para samaan ko siya ng tingin.“Stop it. You’re confusing my son,” masungit kong sabi.“Hmm, he asked me to come. I guess you’ll have to bear my presence. Can you handle it?” That was an annoying question, I’m sure he somehow found out I was avoding him.“Just come if you want, if you’re that shameless. I guess nothing’s new?” pabulong na sabi ko. Tumaas ang kilay niya at pigil na napangisi. “I’m really shameless..” pabitin niyang sabi bago sinulyapan si Yuno at Yeshua na naglakad papalayo sa amin. “Yeshua looks exactly just like me, don’t you agree?” he sarcastically added which made me roll my eyes before leaving him behind and walking away.Sumama talaga si Yeon sa amin sa restaurant, tuwang-tuwa naman sa kanya ang anak ko. I’m afraid to admit that Yeshua really looked
Sunod na araw ay isinama ko na lang rin sa opisina si Yeshua, mabuti at natitignan siya nang assistant ko.Habang kumakain sa office ay tulog si Yeshua dahil sa kakalaro niya. Pumasok ang assistant ko at napangiti nang makita si Yeshua na tulog.“Ma’am, kung hindi niyo po mamasamain.” Dahan-Dahan siya lumapit kaya nginitian ko siya.“Ano ‘yon?”“K-Kahawig niya po si Mr. Villamos,” napalunok ako at mahinang natawa.“Pinaglihi ko yata sa kanya,” pagsisinungaling ko.Ngumiti ito, napansin na umiiwas ako sa usapan. Kalaunan ay wala akong choice kundi makaharap si Yeon dahil sa isang project na bagong establish kasama ang ibang investor.“Your dad signed this when he was handling your company, you didn’t change your mind, do you?” He sat and glanced at Yeshua who’s sleeping peacefully.“I didn’t change my mind since it will benefit my company, based on my dad malaki ang balik because it’s in demand right?”“Yes, your father is right. Anyway, we’ll have a board meeting and I’m telling you
Papunta elevator ay hindi ko na naman inaasahan na makakasabay namin si Yeon, tahimik siya at hawak ang susi niya na nilalaro niya sa daliri. “Mister..” Natigilan ako nang tawagin siya ng anak ko, hindi ko maawat si Yeshua dahil baka magtaka at magduda si Yeon kung bakit iwas na iwas ako. “Hmm?” He softly respond, ang tibok ng puso ko ay hindi mabilang sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito. Ang amoy ni Yeon ay mabilis na kumalat sa kung saan man siya naroroon, amoy na amoy ito. “We met before, didn't we?” Tumikhim ako. “He’s just like that, I hope you don’t mind him.” Paghinging sorry ko kay Yeon. “It’s okay, he reminds me of someone.” Yung anak niya siguro sa asawa ang tinutukoy. “I don’t think we did, little guy.” “Mm, I really think it was you, big guy.” Sa pag-gaya ni Yeshua sa tono ng pananalita ni Yeon ay hindi ko mapigilang mangiti. “Yeshua, that's bad.” I unconsciously said which made Yeon glanced. “Yeshua huh?” Tumikhim ako sa tinuran niya. “His father
Sierah’s Point Of View. Mabilis na lumipas ang buwan hanggang sa isilang ko ang lalakeng anak, tulad ng ama niya ay sobrang gwapo niya rin. Madalas na nakuha niya ay ang hitsura ni Yeon. Nanatili naman si Yuno sa tabi niya at hindi niya ako pinilit na mahalin siya. Sa tingin ko ay mas mahal niya na ang anak ko kumpara sa akin. “Yeshua anak,” Lumapit si Yuno rito dala-dala ang paper bag. “Huwag mo i-spoil Yuno,” Sita ko dahil lagi na lang siyang inaasahan ni Yeshua na may pasalubong. Tatlong taon pa lamang si Yeshua ngunit kahit na ganoon ay tingin ko batid niyang hindi niya tunay na ama si Yuno. “Ito naman, yung bata na nga lang iniisip ko, papansin ka pa. Inggit ka ‘no?” Sa asar ni Yuno ay pairap ko siyang siniringan. Maya-maya ay nagulat kami sa biglaang pag pasok ni daddy sa kwarto, “D-Dad nakakagulat ka naman.” “Well, this is urgent anak. Yung kumpanya mo sa city, inatake na naman ng virus.” “What!?” Gulat na tanong ko. “Hindi na naman na-back up?” inis na sam