Home / All / The Broken Magnate / Chapter 1 : The Magnate

Share

Chapter 1 : The Magnate

Author: TheDarkPrince
last update Last Updated: 2021-04-05 15:43:12

Chapter 1

The Magnate

***

Pagkaparada ko ng aking kotse sa parking lot ng Santillan Corporation ay agad kong isinukbit sa balikat ko ang sling bag na dinampot ko mula sa passenger's seat bago bumaba. Agad naman akong sinalubong ni Laarni, ang assistant ko.

"Good morning, sir," bati niya sa akin saka inagaw ang bag na dala ko. Naroon ang laptop ko at iba pang mga mahalagang dukumento ng kompanya.

"Good morning, Laarne," tugon ko. "Kumusta ang love life?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Naku, sir. 'wag mo nang itanong dahil zero pa rin hanggang ngayon." Tumawa siya sa sarili niyang biro.

Tumawa na lang din ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakabuntot naman siya sa akin.

"Good morning, Sir Rojan," halos sabay namang bati sa akin ng dalawang guwardiya na naka-assign sa entrance ng Santillan Building. Sabay din nilang binuksan ang magkabilang pinto na yari sa salamin upang malaya akong makadaan sa gitna. Malawak ang ngiti nila na bumagay sa asul nilang unipormi at itim na slacks.

"Mang Toni, kumusta si misis? Nanganak na ba?" baling ko sa mas nakakatanda sa dalawa.

Buntis ang asawa niya kaya todo kayod siya ngayon para makaipon. Mabait na tao si Mang Toni, isa iyong dahilan kaya tumagal siya sa trabaho niya. Magmula noong si daddy pa ang namumuno dito, dito na siya nanibilbihan sa Santillan Corporation magpahanggang ngayon.

"Hindi pa po, sir. Baka ho bukas,"   masigla naman niyang tugon.

"Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka. 'Wag kang mahiya," ani ko saka ngumiti.

"Salamat, sir," tugon naman niya na abot tainga pa rin ang ngiti.

"Ikaw, Mario. Kailan ka kaya sasagutin ni Laarni," biro ko sa kasama ni Mang Toni.

"Naku po! Paano ko naman sasagutin, eh, torpi naman," sabat naman ni Laarne sa likuran ko.

Nagtawanan na lang kami sa inasal ni Laarni. Laman kasi sila sa tuksuhan sa Santillan Corporation dahil napapansin namin ang paggiging malapit nila sa isa't isa. Mukhang gusto nila ang isa't isa ngunit walang umaamin.

"Hayaan mo, kapag nakapag-ipon na ako, idi-date kita kahit saan mo gusto," palaban na tugon ni Mario.

Napansin kong umirap si Laarni at nilagpasan si Mario. "Che, aasa lang ako sa 'yo," pag-inarte niya.

"Kunwari ka pa, kinikilig ka naman," ani ni Mario na ngayon ay sobrang pula na ng mukha.

Pinaikot lang muli ni Laarni ang mga mata niya at nauna na sa akin. "Tara na, Sir. Wala akong mapapala diyan," nakasimangot niyang ani.

Natawa na lang ako sa dalawa. Parang mga teenager kung umasta. Daig pa ang bangayan at asaran ng mga paborito kong loveteam sa TV.

Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa paghakbang.

Nang tuluyan na akong makapasok ay agad akong dumeretso sa opisina ko. Umupo ako sa upuan at agad na binuksan ang laptop.

Mukha ng babaeng mahal ko ang naroon. Si Marjorie de Guzman. Apat na taon na kaming magkasintahan. Marami mang hadlang sa relasyon namin ay aming napagtatagumpayan.

Napapangiti ako at hinawakan ang pisngi niya sa screen. "I love you," bulong ko doon. Para na akong tanga, kahit hindi niya ako naririnig ay kinakausap ko siya. Ganoon ko siya kamahal.

I have everything. Looks, wealth, friends a loving family, and a supportive girlfriend. I am a businessman and a magnate.

It's because of being a top businessman in the country. I have a lot of achievement at age of twenty seven. Simula noong nag-retire si daddy sa kompanyang pinaghirapan niya— Ang Santillan Corporation, ako ang namuno dito. Ako ang ginawa niyang CEO upang ipagpatuloy ang legacy na nasimulan niya. Wala akong kapatid kaya walang ibang susunod sa mga yapak niya kundi ako lang at kailangan kong mag-work hard upang itaguyod ang kumpanyang pinaghirapan niya.

I did everything in the company dahil ayokong mapahiya kay daddy. So far, in my first year as a CEO of Santillan Corporation, I did a great job. I received a lot of positive feedback from our clients and tumaas ng 15% ang stocks namin.

May mga nagsasabing na super successful na daw ako. Siguro! Maybe! But I'm not sure. Dahil sa pagyakap ko sa Santillan Corporation ay nabago ang buhay ko pati na ang kumpanyang pinapalago ko. Santillan Corporation is now leading and top real state company in the Philippines and now started expanding it all over the world. Masaya ako dahil sa na-achieved kong success.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon. Pumasok si Laarni. "Sir, nandito na po si Mr. Cheng."

Tumango ako sa kanya. "Sige, susunod ako," ani ko at inayos ang aking sarili bago tumayo at lumabas sa pinto.

Nasa kalagitnaan ako ng meeting with Mr. Cheng nang tumunog ang cellphone ko.

Huminto ako sa aking mga sinasabi at sinilip kung sino ang tumawag. "I'm sorry," ani ko nang makita ang pangalan sa screen. Pinatay ko ito at nagpatuloy sa discussion.

Masaya akong natapos ang meeting na matagumpay. Nakuha namin ang Cheng Metals as our new client.

Nang makabalik ako sa aking opisina, saka ko lang muling binuksan ang aking cellphone. Tatlong magkasunod na text messages ang pumasok at lahat galing kay Marjorie.

"Roj, can we talk?"

"Please aswer the call. I'ts very important."

"Magkita tayo mamaya sa Calle Santiago Resto, pagkatapos mo sa trabaho."

Napakunot ang noo ko mula sa mga nabasa. Agad ko d-in-ail ang numero niya at agad naman niya itong sinagot.

"Marj, what's up? Sorry for not aswering your call kanina, nasa gitna ako ng meeting."

"It's okay. I understand," tugon niya sa kabilang linya.

"Ano pala ang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Magkita na lang tayo mamaya sa Calle Santiago Resto."

"Okay, I love you..." napahinto ako sa aking sasabihin ng binaba na niya call.

Napabuga ako ng hangin. May kakaiba kay Marjorie ngayon na hindi ko maintindihan. Ang weird lang.

Hindi ko na lang pinansin iyon. Pagkatapos ko sa mga ginagawa ko ay agad akong nagtungo sa lugar na sinasabi niya. Pasado alas cinco na ng hapon ng tingnan ko ang aking orasan. Inayos ko muna ang suot na coat bago pumasok sa Calle Santiago Resto. Maraming tao roon. Halos puno ang mga mesa. Sikat kasi ang restaurant na ito lalo na sa tema nilang vintage na patok na patok ngayon sa masa.

Inilibot ko ang aking mga mata. Napangiti ako nang mahagip ng tingin ko si Marjorie, she's pretty with her simply looks today. Isang navy blue cocktail dress ang sout niya at nakalugay lang ang buhok niya. Agad ko siyang nilapitan. Hinalikan ko siya sa labi bago ako umupo sa tapat niya.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya bago tumawag ng waiter.

"Kakarating ko lang din. A minute ago," tugon niya na tila ba wala sa mood makipag-usap.

Wala siyang gana at malalim ang iniisip. Wala akong nakitang kislap sa mga mata niya. Hindi katulad dati na kapag nagdi-dinner kami ay makikita ko talaga sa mga mata niya ang tamis at ligaya na nadarama niya. Iba ngayon, nakakapanibago at mukhang hindi siya masaya.

"Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling siya. "No! May sasabihin lang sana ako sa 'yo. Sana mapatawad mo ako."

Kumunot ang noo ko. "What is it?"

Pagkatapos makalipas ang nakakabinging katahimikan ay muli na siyang nagsalita. "Itigil na natin 'to, Roj. Hindi na ako masaya sa relasyon natin."

Natahimik ako. Hindi agad rumehestro sa utak ko ang mga sinasabi kiya. Kumurap ako bago nagsalita. "What?"

"Ayoko na, ayoko nang magpanggap na masaya ako kapag kapiling ka. Ang hirap magkunwari." tuluyan nang bumagsak ang luha niya sa mata na kanina pa niya pinipigilan.

"Tell me that you're just kidding,"

Umiling siya. Dahil doon ay naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa dibdib ko. Nahirapan akong huminga.

Ano ang nagawa kong kasalanan kung bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Bakit niya ginawa sa akin 'to?

Tumayo siya, hinabol ko siya hanggang makarating kami sa parking lot. Nagbangayan kami doon hanggang sa naiwan akong walang kalaban-laban and the rest of the story, nawalan ako ng malay.

Written by Thomas Esguerra

  


Related chapters

  • The Broken Magnate   Chapter 2: Hurting Heart

    [2]Hurting Heart***Nagising na lang ako sa isang malawak at puting kwarto. Malawak na ngiti ni Mommy ang bumungad sa akin na tila ba natutuwa dahil nagising na ako."How are you, Son?" Tanong niya agad sa akin.Hindi ko muna siya sinagot. Nilibot ko muna ng tingin ang buong silid upang tingnan kung nasaan ako. Napabuga na lang ako ng hangin nang ma-realized na nasa hospital pala ako."May nakakita sa 'yo sa parking lot ng isang restaurants malapit sa office mo. Wala ka raw malay kaya agad ka nilang itibakbo dito sa hospital," paliwanag niya. Sa tuno pa lang ng pananalita niya ay alam kong nag-wo-worry siya sa akin. That's my mom, she's always care for me. "Mabuti't kakilala natin ang doctor na naka-duty kaya agad niya akong tinawaga

    Last Updated : 2021-04-08
  • The Broken Magnate   Chapter 3: Isla Santillan Resort

    [3]Isla Santillan Resort***Sabi nila, love is the most powerful thing in life. Ito rin daw ang pinakamasayang bagay sa buhay natin. Siguro totoo ang mga iyon dahil simula no'ng nakilala ko si Marjorie ay nagbago ang lahat. Nagbago ang buhay ko pati ang mundong ginagawalawan ko. Binigay ko ang lahat sa kanya at masasabi kong masaya naman ako. Pero ang akala ko ay puro saya lang. Nagkakamali ako, laging kakambal na ng salitang love ang pain. Kapag nagmahal man tayo, mararanasan din natin ang masaktan. Iyon ang naranasan ko.Sabi nila, I have everything. Nasa akin na ang lahat. Family and wealth. Yes that's true, buo ang pamilya ko at isa akong CEO ng Sant

    Last Updated : 2021-04-08
  • The Broken Magnate   Chapter 4: Encounter

    [4]Encounter***Dahil siguro sa matinding pagod sa mahabang byahe ko kanina ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nagulat na lang ako nang maalimpungatan kong madilim na pala ang kapaligiran."Shit! Napasarap ata ang tulog ko." Anas ko sa sarili. Bumangon ako at tumingin sa aking wrist watch, quarter to 9 na ng gabi."Kaya pala, kumakalam na ang sikmura ko." Wika ko sa sarili nang makaramdam ng gutom.Tumayo ako at mabilis na nag-shower to fresh'n up. Pagkata

    Last Updated : 2021-04-08
  • The Broken Magnate   Chapter 5: Pagkakamali

    [5]Pagkakamali***"Hoy, gising!"Napapitlag ako sa sobrang gulat nang gisingin ako ni Sir Rojan. Shet!Nakatulog pala ako dito sa sofa. Dahil siguro sa pagod ko kanina kaya 'di ko namalayang nakatulog ako.Napatayo ako bigla nang mapansing nasa harap ko pa pala ang tigre. Nakaramdam ako ng matinding pagkabog ng aking dibdib dahil sa nakita kong hitsura niya. Nagliliyab sa galit ang mukha niya habang ang mga mata naman ay nanlilisik. Hin

    Last Updated : 2021-04-09
  • The Broken Magnate   Chapter 6: Text Messages

    [6]Text Message***Kahit maganda ang pakikitungo at ang ipinakita ni Sir Rojan sa akin ngayon, 'di ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Dahil sa katangahan ko, malaki ang mawawala sa kanya sa pagsira ko ng proposal niya. Kaya hindi ko maiwasang makonsensiya.Tumayo ako at lumapit sa kanya upang itanong kung galit pa ba siya sa akin. Gusto ko rin humingi ng tawad dahil sa kasalanang nagawa ko. "Uh, Sir," panimula ko upang makuha ang atensiyon niya.Bahagya siya bumaling sa akin. "Yes?" Tanong niya.Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Gusto ko po sanang humingi ng tawad dahil sa nangyari kagabi," mahina lang ang boses na tama lang

    Last Updated : 2021-04-09
  • The Broken Magnate   Chapter 7: Awa

    [7]Awa***Kinabukasan, kinausap ako ni Aling Melly tungkol sa nangyari kagabi. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit nasabi at nagawa ko iyon kay Apple kagabi. Dala lang siguro iyon sa matinding kalasingan. Naka-anim na bote rin kasi ako ng beer kaya medyo malakas ang tama sa akin.Nandito kami ngayon sa may veranda habang kumakain ng tanghalian. Kasama namin ang asawa nitong si Kuya Nestor. Naisin ko mang umiwas sa mga tanong nila ngunit hindi ako nakaligtas. Alam kong nakakahiya pero wala akong magagawa. Isa si Ap

    Last Updated : 2021-04-09
  • The Broken Magnate   Chapter 8: Forgiveness

    [8]Forgiveness***"Bakit po kayo nandito, sir?" Tanong ko kaagad sa kanya.Wala akong idea kung bakit siya nandito. Nakakagulat lang ang pagsulpot niya na wala man lang paalam. Sana nakapaghanda ako. Naabatan niya pa akong walang ayos at ang hagard ng hitsura ko.Ano ba ang ginagawa niya dito? Paano niya nalaman at natunton itong bahay namin?Nandito kaming ngayon sa balcony ng bahay namin. Iniwan kami ni mama upang makapag-usap kami ng maayos. Marami rin akong gustong itanong sa kanya kung bakit siya naparito. Hindi ko talaga inaasahan ito."Bakit po kayo nandito? At paano niyo natunton itong bahay namin?" Pag-uulit ko ng tanong sa kany

    Last Updated : 2021-04-09
  • The Broken Magnate   Chapter 9: Hottest Moment

    [9]Hottest Moment***Gustong mag-relax ni Sir Rojan dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa kanyang hindi maganda. So much stress equals depressed. Kaya gusto niyang mamasyal sa lugar kung saan mas mare-relax siya. 'Yung tipong masaya at kakaibang adventure na seguradong makakatanggal ng lungkot niya.Gaya nang napagkasunduan namin as his "Stress Reliever" kuno, sasamahan ko siya lage saan man siya magpunta. Dapat kong sundin kung ano man ang iiuutos niya sa akin.Kaya ito ngayon, pupunta kami sa Underground river ng Puerto Princesa. 'Di na rin ako nagdalawang isip na tumanggi kasi gustong gusto ko rin makapunta sa lugar na iyon.Bukod kasi sa kakaibang adven

    Last Updated : 2021-04-09

Latest chapter

  • The Broken Magnate   Final Chapter

    Final Chapter***Nakasilip ako sa siwang ng bintana habang pinagmamasdan ang matamlay na paglalakad ni Rojan palayo. Bagsak ang balikat nito at mabagal ang mga hakbang na tila ba natalo ng malaking halaga sa isang sugal. Wala itong gana at nanghihina.Nasasaktan ako sa nakikita ko. Napapasandal na lang ako sa likod ng pinto at hindi mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.Aaminin ko, sobra akong nasaktan kay Rojan noon. Sa pagsisinungaling at panloloko nila ng pinsan niya sa akin pero hanggang doon lang 'yun.Naka-move on na

  • The Broken Magnate   Chapter 40: Reunited

    [40]Reunited***I was in the office nang biglang pumasok si daddy. "Uh, Rojan. Free ka ba this weekend? Baka pwedeng ikaw na lang muna ang mag-asikaso ng expansion natin sa Cebu," untag niya sa akin.Tinatanong niya ako tungkol sa itatayong restaurants branch sa Cebu which are the expansion ng Santillan Group sa Cebu City."Since hindi pwede si Kuya Kheno mo, ikaw na lang. Hindi kasi pwedeng i-cancel ang flight niya sa US," dugtong niya.Bilang CEO ng kumpanya, malaki ang responsibilidad ko dito. Maybe ako ang nakikita ni daddy

  • The Broken Magnate   Chapter 39: Chase or Move On

    [39]Chase or Move on?***Dinampot ko ang white envelope na nakapatong sa upuan at binuksan ito. Isa itong liham. Liham na mula kay Apple. Agad ko itong binasa.Dear Rojan,Una sa lahat, gusto kong magpasalat sa 'yo sa lahat ng tulong na nagawa mo sa akin at sa pamilya ko. Tinatanaw ko iyong utang na loob. Gusto ko lang maging honest sayo, mahirap magkunwari. Mahirap magpanggap. Kahit ako mismo, parang niloloko ko na ang sarili ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagkaroon ng Amnesia. Ginawa ko lang 'yu

  • The Broken Magnate   Chapter 38: The White Envelope

     [38]The White Envelope *** Kahit malalim na ang gabi, hindi pa rin ako makatulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang maamong mukha ni Apple ang aking nakikita. Naisipan kong bumangon na lang. Bumaba ako at nagpunta sa wine cellar namin saka kumuha ng wine. Agad kong tinungo ang balcony upang doon magpalipas ng oras. Favorite spot ko ito dito sa bahay dahil malamig ang simoy ng hangin dito. Maganda pa ang tanawin dahil nakaharap ito sa pool at sa garden na si mommy mismo ang nag design.

  • The Broken Magnate   Chapter 37: She said I love you

    [37]She Said 'I love you'***Nababakas ko ang tuwa sa mukha niya habang pinagmamasda ang paglubong ng araw. Sabi ko na nga't magugustuhan niya dito. Tama lang na dito ko siya dinala. Kahit papaano ay nabawasan ang dinadala niyang lungkot. The cold breeze wind, the romantic view and the golden orange color of the sky makes her smile and relax. Napapangiti na lang din ako to see her joyfully.Nang makaramdam kami ng pagod, umupo kami sa mga sinadyang mga upuan na nakapwesto sa lilim ng mga punong kahoy. Ramdam mo ang bawat paghampas ng malamig na hanging nagmula sa dagat. Kaya hindi maiwasang mapapayakap si Apple sa sarili. Tinanggal ko ang suot na leather jacket at isinukbit sa kanya."Thank you,

  • The Broken Magnate   Chapter 36: Memories

    [36]Memories***Mabuti na lang at hindi nagalit si amin si tita, dahil sa nakita niya kanina. Pero sa totoo lang, nakakahiya na makita niya kaming nasa gano'ng sitwasyon. Mabuti na lang, naniwala siyang dahil lang iyon sa ipis.Gaya ng sabi ni tita, doon na ako nag-lunch sa kanila. Ayaw kasi pumayag ni tita na aalis akong 'di kumakain. Kaya naman pinagbigyan ko na siya dahil hindi rin ako makakatanggi sa kanya.After naming kumain ay nagpaalam na ako kaagad dahil susunduin ko pa si Sab sa school niya. Padating ko sa school ay ag

  • The Broken Magnate   Chapter 35: Pangamba

    [35]Pangamba***Gaya ng sabi ni Apple, hayaan ko raw muna sila ng nanay niya habang hindi pa bumabalik ang mga alaala niya.Pero hanggang kailan ba? Hanggang kailan ako maghihintay na darating ang araw na iyon? Tatlong araw pa nga ang lumipas para na akong mababaliw. Eh, kailan pa?Syempre, hindi pa rin maalis ang pangamba sa isip ko. Natatakot ako na baka hindi na niya ako maalala, na baka tuluyan na niya akong makalimutan. Natatakot akong mangyari 'yon, kaya kailangan kong gumawa ng paraan.Saglit kong pinagmasdan ang ap

  • The Broken Magnate   Chapter 34: Starting Over Again

    [34]Starting Over Again***Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa hospital upang sunduin si Apple. Abot tainga ang ngiti ko dahil sa labis na excitement.Naabutan ko siyang nakatuon ang mga mata sa hawak na sa cellphone. Hindi ko alam kong ano ang tinitingnan niya pero parang nagulat siya nang dumating ako. Mabilis niya itong itinago sa ilalim ng unan niya saka ibinaling ang mga mata sa akin."Bakit ka nandito?" Tanong niya na nakataas ang isang kilay."Ako na ang maghahatid sa inyo sa condo." Tugon ko saka nginitian siya. "Kumusta ka na pala?"Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi mo na kailangan gawin 'yun. Kasama ko naman si nanay. Kaya na naming umuwi kahit wala ka." Mariin niya

  • The Broken Magnate   Chapter 33: Pagpapaubaya

    [33]Pagpapaubaya***Dahil sa nangyari ay nagsitakbuhan ang apat na lalaking naka-engkwentro ko. Pati sila ay nagulat sa nangyari at sa ginawa nila. Ramdam kong gumagamit sila ng ipinagbabawal na droga kaya nila nagawa iyon."Mga duwag pala kayo, eh!" Sigaw niya sa mga ito."Okay ka lang, dude?" Tanong niya sa akin.Hindi ko siya sinagot. Tumango lang ako kahit alam kong hindi ako okay dahil sa natamo ko. Pero mas nakadama ako ng awa sa kanya. Umaagos ang dugo sa tagiliran niya na ngayon ay hawak niya."Kuya! Pumunta tayo ng hospital." Sabi ko sa kanya."Sus, okay lang ako. Malayo ito sa bituka." Nakuha pa niyang magbiro sa kabila ng kalagayan niya."Bakit mo ba

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status