Share

Ten

Author: Gemorya
last update Last Updated: 2024-03-25 18:23:54

So, this is the day I am waiting for. At bukas ay kasal na agad namin ni Javier. Ang bilis ng pangyayari!

Si Javier ang nagmaneho, hindi siya nagdala ng guards at driver at nasa front seat din ako nakaupo. Ito ang unang pagkakataon na siya ang magmamaneho at kaming dalawa lang ang magkasama. Pakiramdam ko ito na rin ang unang beses na palaging hindi ako magiging komportable.

“Ang tahimik mo,” panimula niya nang ilang minuto na ang katahimikan sa aming dalawa. Wala naman akong sasabihin kaya hindi ko rin alam kung ano ang bubuksan kong topic.

“You too, Javier. Kanina ka pa tahimik, ayaw ko naman maunang magsalita dahil wala rin naman akong sasabihin,” sagot ko.

Rinig ko ang pagbuntonghininga niya, traffic sa daan kaya tumigil pa ang kotse. I can feel that he looked at me kaya bumaling din ako sa kanya na sana hindi ko na lang ginawa. Bakit ba ganoon? Simpleng tingin niya lang ay para na akong nakukuryente.

“Are you sure na ayos lang sa’yo pumunta tayo ngayon sa bahay ng pamilya ko?”
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Bride From Auction (Tagalog)   Eleven

    Hanggang sa pag-uwi ko hindi ko na naman alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na kinausap si Javier dahil nag-iisip ako kung paano ko ayusin ang gusot na ito. Bukas na ang kasal namin ni Javier at gustong makita ng Lolo niya ang pamilya ko? No, hindi pwede. Hindi ko naman sinabi sa kanila, hindi ko pa nga alam kung kumusta na sila, nagpalit ako ng sim card para hindi muna nila ako ma-contact. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko sa pamilya ko pero ayaw ko silang madamay sa kung anong buhay ang pinasok ko. “Hey, you should sleep early. Maaga tayo bukas…”Hindi ko pinansin si Javier, humiga na lang ako sa kama na hindi siya tinitignan. Hanggang sa ilang oras ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog. Bumangon para tignan si Javier, natutulog siya sa couch. God, hindi ko na alam! Hindi pa naman nagsisimula ang trabaho ko talaga pero nahihirapan na ako. Siguro magpapalusot na lang ako sa pamilya ni Javier bukas, bahala na!Kinabukasan, nagising ako na parang ayaw kong bumangon at umalis

    Last Updated : 2024-03-25
  • The Bride From Auction (Tagalog)   Twelve

    At the reception, nasa isang kwarto ako kasama ang pamilya ko at si Javier. Hindi ako makatingin sa pamilya ko o kahit kay Javier. Gusto ko na lang isipin na isa itong bangungot. “Maiwan ko muna kayo…Janiyah.” Tumango ako kay Javier. Nang makalabas siya sa kwarto, tumingin na ako sa pamilya ko. Ang kaninang pinipigilan kong luha ay hindi ko na napigilan na lumabas. Kanina ay dumiretso kami ni Javier sa reception at sa isang private room kung nasaan kami ngayon kasama ang pamilya ko. Ang akala ko ay kaming dalawa lang ni Javier ang mag-uusap pero nagkamali ako dahil bumukas ang pintuan at pumasok ang pamilya ko.“Anong nangyayari?” unang nagsalita si Liam. Yumuko ako, hindi ko pa rin silang kayang tignan. “Janiyah, dalawang linggo kang nawala at malalaman namin na ikakasal ka pala kay Javier na pinakilala mo sa amin na boss mo?” si nanay, bakas sa boses niya na nahihirapan siyang magsalita. Her voice broke.“Mom, Dad, Liam… I’m sorry kung tinago ko ang tungkol—”“Bakit mo nga ba tina

    Last Updated : 2024-03-25
  • The Bride From Auction (Tagalog)   Thirteen

    Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Javier na masama ang tingin niya sa kanyang pamilya. Rinig ko na ang mga bulungan at iba’t ibang reaksyon mula sa mga tao. Curious.“Auction Club? Ano ang ibig mong sabihin, Lolo?” tanong ni Hannah. Napayuko ako at pinikit ang mga mata, hindi pwedeng malaman ng mga tao ang trabaho ko noon. “Yes, nalaman ko kasi na si Janiyah, ang asawa ni Javier ay mahilig sa mga auction. Mag-bid. In fact, iyon nga ang nagustuhan ko kay Janiyah dahil ganoon din ang pamilya niya. Malalaki ang mga binibigay nilang donation sa iba’t ibang organisasyon…: paliwanag ng Lolo ni Javier.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko na rin pinansin ang pagsagot ng mga tao, ang mga palakpakan nila na para bang bilib na bilib sa ginawa ko dahil lang sa sinabi ng Lolo ni Javier. Kahit ang pamilya namin ni Javier ay nagtataka sa ginawa niya.“Dad, what are you doing?” tanong ng father ni Javier. Hindi siya sinagot ng Lolo ni Javier, bagkus nagsalin siya ng wine sa wine glas

    Last Updated : 2024-03-25
  • The Bride From Auction (Tagalog)   Fourteen

    Hindi ako makagalaw sa ginawa niya, nanlaki ang aking mga mata at ramdam kong humina ang mga tuhod ko. As I understand what really happened, lakas loob ko siyang tinulak palayo sa akin at sinampal. Hindi niya ako hinalikan sa labi noong kasal namin, he just kissed me sa pisngi kaya nagulat ako sa ginawa niya ngayon. Ramdam ko na rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Gaya ko, nanlaki rin ang ang mga mata niya, pero hindi ko alam kung sa pagtulak ko ba o sa ginawa niya. Umiwas siya ng tingin, ginulo ang buhok na tila ba nahihirapan. “I’m sorry…” Nauutal niyang sabi. Tumingin siya sa akin. “Janiyah, hindi ko sinadya. I’m sorry… magpahinga ka na.” Pinagmasdan ko lang siyang tinalikuran ako at lumabas ng kwarto. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinakatayuan ko. I can’t even compose myself again to fix it. Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi sa labi ko. Damn it! Hindi pwede ito. Trabaho ang pinunta ko rito, hindi pwedeng magkaro

    Last Updated : 2024-03-25
  • The Bride From Auction (Tagalog)   Fifteen

    Sinama ako ni Javier sa mall dahil bibili muna kami ng damit namin at ibang gagamitin. We stayed at one room, ang sabi niya ay saglit lang kami rito sa mall dahil may pupuntahan siya at sigurado ako na maiiwan ako sa hotel kung saan kami nag-stay. “Pick anything you want, iyong komportable kang suotin. I’ll wait for you over there.” Tinuro niya couch sa likod ko. Uupo lang siya? Hindi siya maghahanap ng damit na para sa kanya?“Hindi mo ako sasamahan maghanap ng damit? Ako na ba maghahanap ng damit na para sa’yo?” tanong ko. Tumahimik siya at tinignan ako ng seryoso. “Hahanapan mo ako ng damit para sa akin?” tanong niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagtatanong lang naman ako. “I am just asking, Javier—”“Sasama na ako… uupo lang sana ako dahil ikaw lang sana ang maghahanap ng damit na para sa’yo pero dahil naisip mo ang idea mong hahanapan ako ng damit, sasama na ako…” paliwanag niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sabay iling ng dalawang beses. Hindi ko siya m

    Last Updated : 2024-03-25
  • The Bride From Auction (Tagalog)   Sixteen

    Everything is like a blur to me. I can’t think straight. My body is betraying me. Every kiss, every touch that I'm getting from him weakens me. “Javier…” That wasn't supposed to be a moan but it came out of my mouth which made him even more eager to do it. This kissed me on my cheek, down to my neck while his hands were exploring every part of my body. At habang ginagawa niya iyon, wala akong ibang iniisip kung ano ang mangyayari pangkatapos nito. Pero hayaan na, kahit ngayong gabi ay pagbibigyan ko muna ang katawan kong sumusuko sa kanya. Napaliyad ako nang maramdaman ang labi niya sa t’yan ko. “Javier, what—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil mas lalong niyang hinalikan ang t’yan ko. Halos hindi ko na rin makilala ang boses na lumalabas mula sa bibig ko, hindi ko alam kung ako pa ba ito. Dapat umalis na ako, dapat tinulak ko na siya para hindi mangyari ito pero bakit ako pumayag?At ang hindi ko maramdaman bakit nagugustuhan ko ang mga pinaparamdam niya sa akin gamit lang

    Last Updated : 2024-03-25
  • The Bride From Auction (Tagalog)   Seventeen

    Kinabukasan nagising akong masakit ang buong katawan, nahihirapan akong bungon. Pakiramdam ko galing ako sa matinding laban. Ang matindi nga ang naging laban ko kagabi. “Good morning…”Agad akong bumaling sa nagsalita, it was Javier holding a tray with foods. “Nagising ba kita? I’m sorry, nag-door bell ang inorder kong lunch for us.”Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lunch? Anong oras na ba? Bakit lunch na? Mahaba ba ang tulog ko.“Anong oras na pala?” tanong ko. “It’s already 1:00 P.M. Hindi na kita ginising dahil alam kong napagd ka….uhm, kagabi…” Umiwas siya ng tingin, umiwas din ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang nangyari sa aming dalawa kagabi.Iyong mga boses namin na hindi ko na makilala, mga ungol na nagmumula sa bibig ko. As in, buong pangyayari. Nahihiya akong humarap sa kanya kaya hindi ako tumingin sa kanya nang umalis ako sa kama. He was about to come to me pero pinigilan ko siya gamit ang isa kong kamay, hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.“I’m f

    Last Updated : 2024-03-25
  • The Bride From Auction (Tagalog)   Eighteen

    Umalis si Javier pagkatapos namin mag-usap, gusto ko lang sana manatili sa hotel pero wala akong ibang makikita kundi puting gusali at magandang view mula sa building. He gave me a pocket money para kung may gusto akong puntahan ay magagamit ko. Natatakot naman ako mag-isa dahil hindi ko kabisado ang lugar ng Hong Kong kaya binigyan niya rin akong map na nasa phone ko lang, isa siyang application. Kaya niya rin daw akong hanapin gamit ang application na iyon.Gusto niya rin sana akong ihatid pero ang sabi ko ay hindi na dahil gusto kong matutunan mag-isa. At habang naglalakad ako sa labas, masayang pinagmasdan ang mga tao kahit nag-uusap lang naman sila ay masaya sa pakiramdam nang makitang nakangiti sila. Pero ang akala ko ay magiging masaya nga ang buong gabi ko pero hindi dahil kanina pa ring nang ring ang phone ko. Si Javier lang naman ang makakatawag sa akin dito.“What?” I asked him, frustrated. “Where are you? Ayos ka lang ba d’yan?” Umirap ako sa tinanong niya. Kanina pa siy

    Last Updated : 2024-03-25

Latest chapter

  • The Bride From Auction (Tagalog)   124

    Natahimik ang linya, nag-aantay si Lara na sumagot si Angela pero hindi pa rin. Nagkatinginan naman sina Angela at Javier nang marinig lahat ng sinabi ni Lara. “Lara…” Angela spoke. “Thank you for telling me this. I appreciated and I am so sorry na nasama kayo sa gulo namin. Thank you. Don’t worry, pinapatawad ko na kayo and I will see you soon after everything,” mahabang sabi ni Angela.“Thank you, Angela. Please go faster…delikado ang mga taong kasama ni Janiyah ngayon,” Lara said at binaba na ang tawag. Bumalik siya kay Aaron. Tinignan siya ng masama ni Aaron.“What did you do?!” galit na sigaw ni Aaron.“I just did what I need to do and that is the right thing do you, Aaron. This must be end. Hindi pwedeng habang buhay kang sumusunod sa gusto ng mga taong walang ginawa kundi sirain ang buhay mo…” seryosong sabi ni Lara at tinalikuran si Aaron. ***“We need to hurry, Javier. Baka nakatakas na sila. Lara said kasama nila si Janiyah and they are planning to escape!” nag-alalang sab

  • The Bride From Auction (Tagalog)   123

    Lumabas silang tatlo sa security room at sinimulan ang paghahanap maliban kay Periyah dahil bumalik siya sa kwarto ni Liam at sinabi niya na rin ang lahat ng nangyayari. Liam insisted to hel Javier and Angela to find Janiyah pero pinigilan siya ni Periyah. “Tutulong tayo kung maayos ka na—”“I am find now, Periyah. My sister needs me. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang habang ako ay nandito, nakahiga. I need to do something, I need to help them!” he shouted. Nagpalit siya ng damit mula sa hospital gown to a simple shirt and pants at nagmamadaling lumabas. Wala na ring nagawa si Periyah kundi sumunod kay Liam. “How can we find them kung hindi natin alam kung saan sila pupunta, Javier?” tanong ni Angela nang makasakay sila sa kotse ni Javier. Si Javier ang nagmamaneho at si Angela naman ang nasa front seat.“I alreay asked for a help from my team. You’ve mentioned about the girl who is with you. Her name is Jessa, right? Do you have someone we can rely on for helping that woman?”

  • The Bride From Auction (Tagalog)   122

    “Janiyah?” Nagtatakang tanong ni Javier nang makabalik siya sa ward room ni Janiyah at nakita niyang wala si Janiyah sa kama nito.Agad siyang nagmamadaling hanapin sa loob ng comfort room pero walang kahit anino ni Janiyah ang naroon. Nakaramdam na siya ng kaba, wala rin naman siyang napansin na may lumabas kanina sa kwarto ni Janiyah. “Damn it!” galit niyang sigaw. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Angela dahil si Angela lang ang pwede niyang asahan sa ngayon sa kadahilanan na hindi pa rin nagigising si Liam. “Where are you? Nariyan ba si Janiyah sa condo mo?” tanong ni Javier kay Angela.“What?” Kunot noong tanong ni Angela. “What are you talking about? Bakit naman siya pupunta rito kung nariyan siya sa hospital—”“She’s missing!” sigaw ni Javier dahilan para maputol ang sinasabi ni Angela.“What?” nanlaki ang mga mata ni Angela nang marinig niya ang sinabi ni Javier. “Papunta na ako riyan. Baka nasa garden lang o pinuntahan si Liam sa kwarto nito,” sabi naman ni Angel

  • The Bride From Auction (Tagalog)   121

    FLASHBACKS***“Samuel, anong gagawin natin sa bata? May tama siya ng baril…” Umiiyak na sabi ni Laura habang bitbit ni Samuel ang batang babae na nakita nila kanina lang. Noong una ay umiiyak ang batang babae at hinahanap ang magulang niya, nagkagulo sa park kung saan naroon ang pamilya niya at sa hindi inaasahang pangyayari, nawalay ang batang babae mula sa magulang niya. And the couple saw the little girl. Pero habang kausap nila ang batang babae na umiiyak, napansin ni Laura na may dugo sa gilid ng tiyan ng batang babaae. “Dadalhin natin siya sa hospital. Hindi ko alam kung paano niya tiniis ang sakit ng bala sa katawan niya…” hinihingal na sabi ni Samuel. Nagtagumpay naman silang madala ang batang babae sa hospital. Binantayan at inalagaan nila ang batang babae hanggang sa magising ito. “Anong pangalan mo?” mahinahong tanong ni Laura sa batang babae. Nakatingin lang ang batang babae sa kanilang dalawa, walang naiitindihan sa nangyayari. Hindi niya rin masagot ang tanong ni La

  • The Bride From Auction (Tagalog)   120

    “Oh God, please wake up.. Please please…” Umiiyak na sabi ni Angela habang hawak niya ang kamay ni Janiyah.Dumating din naman agad ang ambulance na tinawagan ni Angela. Hindi niya rin magawang tawagan si Javier dahil nanginginig ang kamay niya. She is holding her phone sa isa niyang kamay habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ni Janiyah na walang malay at duguan. The medic team assisted them.“How is she? May pulse pa ba siya?” Kinakabahang tanong ni Angela sa nurse. “Hindi pa namin mahanap ang pulse niya but don’t worry malapit na tayo sa hospital,” sagot ng nurse. Mas lalong umiyak si Angela sa sinabi ng nurse. Gulat namang bumaling si Angela sa phone niya na hawak niya lang nang biglang tumunog. Tumawag si Javier. Dahan-dahang sinagot ni Angela ang tawag, kinakabahan pa rin siya dahil nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.“Angela…why did you call? Hindi ko nasagot ang tawag dahil nasa meeting ako kanina. May problema ba? Nagkita na ba kayo ni Janiyah? She said sh

  • The Bride From Auction (Tagalog)   119

    Tumawa ng malakas si Jessa na tila ba natutuwa siya sa reaction ni Angela dahil sa sinabi niya. “You did not expect that to happen?” Jessa asked, still laughing.Hindi na maipinta ang mukha ni Angela dahil sa naramdamang galit nita kay Jessa. Gusto niyang saktan si Jessa pero tila ba pinipigilan siya ng kanyang nanghihinang katawan. Hindi niya lang din mapigilan ang pagtulo ng luha niya. “Papatayin kita sa ginawa mo…” gigil na sabi ni Angela at dahan-dahan siyang lumapit kay Jessa, atras naman nang atras si Jessa, hindi pa rin natatakot sa posibleng gawin ni Angela sa kanya. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pag-traydor sa akin at sa pagpatay kay Lawrence,” dagdag ni Angela. Jessa smirked, “hindi ko naman hinihingi ang kapatawaran mo, Angela. I just came here to tell you that you made me do it. You made me kill your brother.” Simpleng sabi ni Jessa na tila ba wala lang sa kanya ang lahat. Mas lalong nakaramdam ng galit si Angela. Her right hand Jessa betrayed her, hindi niya i

  • The Bride From Auction (Tagalog)   118

    “Doctor, what happened to my son? What happened to him? Bakit siya nagkaganoon?” sunod-sunod na tanong ni Laura.“Mataas ang lagnat niya at kailangan niya pang magpahinga but the good thing is nagising na siya. From time to time, we need to check on him,” paliwanag ng doctor at nagbigay pa siya ng mga instructions para kay Liam kung ano ang mga dapat gawin bago siya magpaalam at umalis ng kwarto kasama ang tatlong nurses. Lumapit si Laura kay Liam. “Ang init niya,” she said nang hawakan niya ang noo ni Liam at ang kamay. Tumutulo na rin ang mga luha ni Laura, hindi niya na mapigilan ang umiyak. ‘Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya kung bakit siya nilagnat ng ganito kataas. Kahit minsan hindi ko hinayaan na may manakit sainyong mga anak ko, kahit lamok ay hindi ko hinayaan na dumampi sa balat ninyong tatlo. Makakapatay ako ng tao kapag nalaman kong sinasaktan nila ang mga anak ko….” mahabang sabi ni Laura, huminto siya saglit sa pagsasalita at pinunasan ang luha sa pisngi

  • The Bride From Auction (Tagalog)   117

    `Pagkatapos nina Periyah at Javier sa puntod ni Hillary, hinatid na ni Javier si Periyah sa kanila at agad na rin siyang bumalik sa hospital. Saktong pagkarating niya sa ward room ni Liam, nandoon na rin ang magulang ni Liam at si Lucy na nakatayo na, wala na siya sa kanyang wheelchair.“Javier…” banggit ni Janiyah nang makita niya si Javier na kakapasok lang sa loob ng ward room. “Hey…” Ngumiti naman si Javier sa kanya at lumapit sa kanya. Binati niya rin ang magulang ni Liam. Umiiyak si Laura at sinisisi ang kanyang sarili dahil sa nangyari kay Liam. Bago pa lang sila makarating sa hospital, umiiyak na si Laura dahil sa nalaman na may nangyari kay Liam. Si Janiyah mismo ang tumawag sa kanila para ipaalam ang tungkol kay Liam at nang nasa hospital na sila, si Janiyah na rin nagsabi kung ano ba talaga ang ginagawa ni Liam noong nasa ibang bansa si Liam. Nagulat ang pamilya ni Liam kaya sinisi ni Laura ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay napabayaan niya si Liam.“Mom, si Liam

  • The Bride From Auction (Tagalog)   116

    Bumuntong hininga si Periyah at saka tumango sa kanilang dalawa. “Promise me na ako ang una ninyong tatawagan kapag nagising siya, okay? I will just take a rest, change and anything pero babalik kaagad ako rito pagkatapos,” paliwanag naman ni Periyah.“We promise,” Janiyah said at niyakap ng mahigpit si Periyah. “Thank you for loving my brother. Ang swerte niya sa’yo,” she added.Hindi alam ni Periyah kung ano ang mararamdaman niya dahil sa sinabi ni Janiyah. Naalala niya lang si Liam at si Angela dahil sa sinabi ni Janiyah.“Thank you…” Periyah said to Janiyah at nagpaalam na.Hinatid na siya ni Javier dahil ang dala niya namang ko

DMCA.com Protection Status