Kabanata 3
"I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Hey Miss, I told you we will meet again." With a smirk on his face.
"Just set aside the questions for now Adi, ikaw na gumamot sa isang 'yan kanina pa 'yan." Inis na utos ni Doc sa'kin.
"Po? H-Hindi po ako-" Hindi ako pinatapos nitong lalaking duguan sa kama.
"Nauubusan na ako ng dugo, Miss, ayaw mo naman siguro makakita ng pasyenteng mamatay sa harap mo?"
Nanakot pa siya. Bago ako makapag salita ulit ay nilagay na ni Dr. Alcantara sa kamay ko 'yong gagamitin para sa sugat niya at iniwan na ako kasama 'nong lalaki. Lintik na walang ganti. Ba't ba ako nandito?
"Anong nangyari sa'yo? Kailangan kong i-check kung saan 'yong sugat mo at mapigilan ko 'yong pag-agos ng dugo." Propesyonal ko na sabi.
Doktor pa rin ako at pasyente siya ngayon. Papaliguan ko 'to ng mga tanong mamaya. Kung 'di lang talaga nawawalan ng dugo 'to 'di ko 'to inasikaso.
"D-Dito s-sa g-gilid." Tila nahihirapan na siyang magsalita.
Fuck. Kinakabahan na rin ako 'di ko lang pinapahalata. Namumutla na siya.
May saksak siya sa tagiliran. May kalakihan 'yong saksak. Saksak ng kutsilyo 'to. Mukhang may na kaaway 'to sa labas.
Nilagay ko 'yong malinis na tela sa may saksak niya para hindi na dumugo 'yong sugat niya. Tinahi ko na rin 'yong bakas ng saksak pagkatapos.
Nakita ko siyang nakatulog dahil sa sakit at anesthesia na nilagay ko. Mukhang kay Doc na lang ako magtatanong tungkol sa kanya. Humihinga pa naman. Buhay pa 'to. Muntikan na 'yon.
Pagtingin ko sa paligid ko ay nakita ko 'yong kalat. Mga bakas ng dugo na tumutulo sa higaan pati sa sahig. Hinay-hinay ko na rin nililinis 'yon habang hinihintay siya magising para mapunta na sa mas maayos na higaan.
Nang matapos nako sa paglilinis ay mapansin ko na mas namumutla 'yong mukha 'nong lalaki. Hinawakan ko 'yong mukha niya. Ang lamig niya.
Pucha. Ngayon lang sumagi sa isip ko. KAILANGAN NIYA MASALINAN NG DUGO.
"Hello, Doc, anong blood type nitong lalaki? Kailangan niya salinan ng dugo ngayon. Namumutla na siya Doc."
"What the heck. Ako na bahala sa dugo. Check every minute kung may pagbabago na naman sa kanya."
"O-Okay, Doc."
Tinignan ko siya ulit ayon maputla pa rin siya. Tinatapik-tapik ko lang 'yong screen ng cellphone ko habang naghihintay kay Doc.
Ngayon pa lang ako naka encounter ng ganitong pasyente. Pediatrician nga kasI ako 'no? So basically mga bata halos pasyente ko eh hindi naman 'to bata eh. Hindi naman kase umaabot sa ganitong sitwasyon 'yong mga naging pasyente ko.
Hindi ko alam kung bakit ako 'yong pinatawag ni Doc na marami namang pwedeng gumamot sa kanya. Ang daming tanong sa isip ko ngayon. Sa doctor pa talaga ng mga bata lumapit na pwede naman i-diretso ito sa OR.
Dumating na rin si Doc at siya na rin nagsalin ng dugo do'n sa lalaki. Habang ako ay tahimik lang na tumitingin sa kanilang dalawa.
"Doc, pwede na po ba akong magtanong?" Kanina pa talaga ako na cucurious. Ang daming tanong sa isip ko.
Curiousity kills the cat at kung pusa ako ay matagal na akong patay. Jusmiyo marimar.
"Go on, ask me I'm willing to answer it with full honesty." Aniya pa ni Doc.
"W-What is he? I mean w-who is he? Why is he here? On a private ER? At bakit ako po 'yong nandito? Ba't 'di ikaw 'yong nag-asikaso sa kanya kanina?" Dire-diretso kong tanong kay Dr. Alcantara.
"Isa-isa lng, Adi" Natatawa niyang sabi sa'kin
"Okay, here it goes. He's Tyler John, one of my closest friends in the medical industry. As you can see earlier, he has a stab wound. He was attacked by one of his rivals in the industry. Pinadiretso ko siya dito sa private ER dahil ayaw niyang may makakita sa kanya baka sundan siya ng gumawa sa kanya at siya na mismo nagrequest na ikaw ang gumamot sa kanya." Sabay ngisi ng nakakaloko ni Doc sa huling sinabi niya.
Ang hirap pala talaga 'pag mayaman, maraming ka kompetensya. Pero mali pa rin 'yong kailangan pa gumamit ng dahas para lang mapabagsak ang kaaway. Just do your best and God will do the rest, that's it.
Teka lang, siya nagrequest na ako gumamot sa kanya?
"Uhhh..uhhh." gumising na 'yong lalaki este Tyler pala.
"Ty, h'wag ka munang masyadong gumalaw baka dumugo 'yong sugat mo." Sabi ni Doc akmang babangon siya sa higaan niya.
"Where is she? I hope I didn't hallucinate earlier."
She? Ako ba ibig sabihin niya? Malamang wala namang ibang babae dito.
Natabunan kase ako ni Doc kaya siguro 'di nya ko makita.
"Don't worry she's the one who stitches your wound and you're not hallucinating."
"Then, where the hell is she?!" Hala galit na siya.
"Uh, hi?" Sabay ngiti ng peke saka tinaas ng konti ang kamay para makita niya ako.
Hindi ko kase alam anong kailangan nitong lalaking ito. Syempre nahihiya ako. Hindi naman makapal mukha ko. Very slight lang.
"Iwan ko muna kayong dalawa. Aasikasuhin ko na muna 'yong lilipatan mong kwarto." Paalam ni Doc.
No'ng naka alis na si Doc ay sobrang tahimik namin. Ni isa walang nagsalita ng ilang minuto. Hindi rin naman siya nagsalita. Awkward naman kasi.
"Miss/Hey." Sabay naming banggit.
"Ikaw na/Ikaw na muna."
"Hindi ikaw na/Ikaw na."
Sabay rin kaming tumahimik. Nagsenyas ako sa kanya na siya na muna ang magsalita.
"Thank you for saving me earlier." Sabay ngiti sa'kin ng matamis
"No problem, doctor ako pero sana sa susunod na mangyari 'to ulit hopefully 'di na maulit kay Dr. Alcantara kana magpagamot o sa mga doctor na maaring tumahi ng sugat mo." Seryoso kong ani sa kanya at may biglang tumawag sa cellphone ko.
Ashley Leigh
"Excuse me sagutin ko lang." Paalam ko sa kanya saka tumalikod.
"Hello, Ash, napatawag ka?"
"Saan ka na Addison? Magdidinner na tayo."
"Gutom na ako Adi/Dalian mo please." Mukhang sila Addison at Eli 'yong nagsasalita.
"Kayo nalang muna kumain may pasyente pa 'ko dito. Bukas nalang ako sasabay."
Ayaw ko pa kase iwan 'to dito habang 'di pa siya nililipat sa ibang kwarto."Okay Ads, h'wag magpapalipas ng kain ha? Love you." Sabay end ng tawag.
"H-Hindi ka pa ba kumain?" Tanong niya sa'kin na kinagulat ko rin.
"Kailangan ka pa ilipat sa mas maayos na kwarto. Hindi muna kita iiwan dito baka anong gawin mo at bumukas 'yang sugat mo. H'wag kang mag-alala, may test ka pa sa katawan para ma check kung may organ na nadamay sa saksak." Explain ko sa kanya.
Maya't-maya ay dumating na si Dr. Alcantara dala na niya 'yong stretcher. Dahan dahan namin siyang inalalayan pahiga sa strecher. Medyo nahirapan kami ilipat siya dahil mabigat at dalawa lang kami na umaalalay sa kanya.
Habang papunta kami sa room niya ay nagkasalubong namin si Ashley.
"Hindi naman dito papunta morgue, ha?" Ashley
Sino ba naman mag-aakalang buhay tung nililipat namin na nakatabon 'yong katawan ng puting tela. Hindi ko alam anong trip nitong lalaking 'to. Naapektuhan siguro utak nito no'ng sinaksak siya.
"Hindi, ililipat lang namin sa private room 'to." Sagot ko naman sa tanong niya.
"Bakit nakatabon 'yan? Inakala ko tuloy patay na." Sabay kamot sa ulo niya.
"Request ng pasyente 'yan, una na kami, Ash kailangan niya na magpahinga." Tulak sa stretcher papuntang private room niya.
Nang nahiga na namin siya ay inusisa ulit ng ibang doctor 'yong sugat ni Tyler saka na ako umalis ng kwarto niya at pumunta sa canteen para kumain. Tumutunog na alaga sa tiyan ko.
"Ahh, thank you Lord." Sambit ko pagkatapos kong kumain.
Iba talaga sa feeling 'pag nakakain na. Mas nagiging ganado ako sa trabaho 'pag busog, syempre 'pag may sapat rin na tulog. Hindi mawawala sa routine ko ang kain at tulog.
Naglakad-lakad muna ako sa emergency para icheck kung may pasyente ba ako. Nang matapos ko nang magcheck ay bumalik na muna ako sa opisina. Masyado nang marami ng nangyari ngayong araw. Nagkita ulit kami nang lalaking naka usap ko sa park. Hindi rin ako nag-expect na magkikita kami na may saksak at duguan siya.
I never thought that an unexpected meeting of ours will change my life.
-----
After a week ay na discharge na si Tyler at huli kong kita sa kanya ay no'ng nilipat namin siya sa private room. Hindi na rin ako bumalik pa sa room niya. Si Dr. Alcantara na nag-asikaso sa kanya at hindi na ako nakialam pa sa kanya.
Day off ko ngayon kaya na isipan ko na pumunta ng mall para i-pamper ang sarili ko. Wala nama kase akong ibang paggagastuhan maliban sa rent sa condo at sa sarili ko.
Ang buong mall ay napapaligiran ng mga christmas decorations. Malapit na kase pasko kaya madaming decorasyon. Magpapasko na naman ako na mag-isa. Psh. 'Di na bago sa'kin ang mag-isa sa pasko. Minsan sa hospital pa ako nagcecelebrate o 'di kaya kung saan nagcocountdown.
Pumila ako para bumili ng movie ticket. Gusto kong manood ng magandang pelikula. Maliban sa kain at tulog, stress reliever ko 'yong panonood sa sinehan lalo na kung horror 'yong genre, weird right?
"Excuse me maam, wala na pong seat available para Eerie po na movie."
Tinignan ko ulit kung anong available na mga pelikula.
Hello, Love, Goodbye. #Jowable . Miracle in Cell No. 7
Romance 'yong isa pero ayoko ng romance, nakakairita at nasestress ako lalo. 'Yong isa naman drama, ayokong umiyak sa sinehan, ang pangit ko umiyak sa totoo lang.
"'Yang #Jowable nalang Miss isang seat sa taas please. Thank you."
Comedy naman daw 'yon so okay na siguro.
Pumasok na ako sa loob ng sinehan at hinanap ko na 'yong upuan ko. Ilang minuto lang ay may tumabi sa'kin na lalaki. Nakita ko lang from my peripheral view.
Tahimik lang ako na nanonood while 'yong katabi ang ingay habang kumakain. Na didistract ako sa kanya. Pinagsawalang bahala ko na lang 'yong ingay nya at nagconcentrate na lang sa pelikula.
Nang matapos na ang pelikula ay isang pangungusap lang 'yong masasabi ko.
She's just a desperate girl who wants to have a boyfriend eventually got pregnant by some stranger.
"What can you say about the movie Miss?" Wait parang familiar 'yong boses niya paglingon ko ay nakita ko kung sino 'yong katabi kong lalaki.
"Ikaw na naman?" Tumayo ako at sabay lakad paalis sa sinehan.
Sinusundan ba ako ng hinayupak na'to? Pati ba naman dito sa sinehan.
"Hey, Miss." Hinahabol niya ko.
"Sinusundan mo ba ako?" Paratang ko sa kanya.
"It was the destiny that leads us to these moments."
"There was no such thing as destiny, so stop uttering bullshit."
Natahimik siya sa sinabi ko. Kaya nagsimula na naman akong naglakad palayo sa kanya. Pero nasesense ko parin na sinusundan niya ako.
"What do you want?" Sabay lingon ko sa kanya sa likod ko
"I just to be with you." Seryoso niyang sambit.
"Okay, do whatever you want." Wala rin naman akong magagawa. Kahit na itaboy ko siya susundan niya pa rin ako ayaw niya rin naman magpaawat.
Umupo na ako sa may food court at umupo rin siya sa harapan ko.
"What do you wanna say?" Pang basag niya sa katahimikan naming dalawa.
"Ba't ka ba nandito? as far as I remember dapat nagtatrabaho ka sa hospital mo." Naalala ko kasi 'yong una naming pagkikita.
"Relieving some stress I think." Parang iniisip niya pa anong isasagot niya sa tanong ko.
"Now can I ask you a question Addison?" Nagulat ako sa tanong niya. Ba't niya alam pangalan ko, sa pagkakaalam ko hindi ko ito nabanggit sa kanya.
"You look shocked."
"Kakapalan ko na mukha ko, are you stalking me?"
"First, we only met first in the park. Second, bakit mo alam na doon ako nagtatrabaho? Third, ba't alam mo doctor ako? Lastly, ba't alam mo pangalan ko?" dire-diretso kong sagot sa kanya.
"Before I answer your questions let's grab some coffee, don't worry, my treat."
Tahimik lang akong sumunod sa kanya papunta sa isang coffee shop. Siya rin naman magbabayad so no worries.
"What do you want to drink?"
"Ahm, may caramel macchiato kayo, Miss?" Tumango naman 'yong waitress.
"'Yon na lang akin, salamat." Tapos nag-order na rin siya ng kanyang inumin.
"Okay now let me answer your questions."
"First, yeah I know we first met in the park and it was just a coincidence. To answer your 3 remaining questions....."
And I was shocked by that revelation.
Now everything makes sense to me.
----------
Read.Vote.Comment
© michiekelssKabanata4".... I am the owner of the hospital you are working with. I was checking the file of each department's doctor in my office and unexpectedly I saw your resume and that's where I got your name. I know you're a pediatrician but that time you're the only one that I can trust that time except for Alcantara of course."And I was shocked by that revelation.Now everything makes sense to me."Eh? Bakit hindi si Doc 'yong pinatahi mo sa sugat mo? Alam mo naman na malapit ka ng maubusan ng dugo at pinatakbo mo pa ako ng malayo." Irap sa kanya habang ininom na 'yong inorder na kape."We were just strangers that night&
Kabanata5Nagmamadali na akong magdrive papuntang hospital. Nagsisimula na daw 'yong meeting pero mukhang hindi pa daw na oopen 'yong tungkol kay Dr. Alcantara 'yon ang huling sabi sa'kin ni Eli sa tawag niya kanina.Pagdating ko sa hospital ay tahimik lang akong pumasok sa auditorium at naghanap ng bakanteng upuan.Mukhang hindi lang mga heads ng department ang nandito mukhang pati 'yong mga board members. Kaloka buong board yata ang nandito pero wala pa rin si Tyler at si Dr. Alcantara. Hindi ko pa sila nakikita sa upuan nila."...... the CEO will be the one announcing the main purpose of this abrupt meeting but before that let us welcome the CEO of Anderson Medical Cente
Kabanata 6Ilang araw na rin lumipas no'ng ipinakulong na si Dr. Alcantara, nawalan na rin siya ng lisensya bilang doktor. Kinaumagahan no'ng araw na 'yon ay tahimik lang ang department namin. Doktor man o nurse ay walang sumubok na magsalita tungkol kay Doc o tungkol sa ginawa niya.Naging usap-usapan rin sa ibang department ang department namin dahil sa Pediatric Department galing si Doc. Hindi naman mawawala ang chismis sa hospital pero mas pinili namin na manahimik na lang at magpasawalang kibo na lang.Ngayong wala na si Doc ay may ipinalit na supervisor agad-agad. Dra. Olivia Vianna Alvarez, Dra. V kung tatawagin. Wala lang sa kalahati niya 'yong kasungitan ni Dr. Alcantara. Laging masungit parang araw-araw dinudugo.
Kabanata7"Adler Bartolome""Anong ibig sabihin nito? Nandito siya? 'Yong kapatid mo?" Sabi ni Eli habang hawak 'yong folder.You heard it right. Nandito 'yong kapatid ko na dapat nasa probinsya siya kasama ang mga magulang ko.Alam nilang tatlo kung anong nangyari sa amin ng pamilya ko kaya gan'yan 'yong mga reaksyon nila no'ng nalaman nila na nandito 'yong kapatid ko.For god's sake, he is still minor. Paano siya napunta sa isang orphanage na malayo sa probinsya namin? Anong nangyari no'ng panahon na wala ako?"Siya 'yong batang malala ang natamo sa sunog kagabi at
Kabanata86years old AdeNandito ako ngayon sa kwarto ko naglalaro lang sa mga laruan ko. Hinihintay ko lang si Ate Adi para maglaro kami dito mamaya. Excited na ako. Lagi kasi kaming naglalaro ni Ate pagtapos ng klase niya.Nasa school pa kase si Ate ilang oras na lang ay uuwi na siya. Sa susunod na pasukan ay pwede na akong mag-aral sa eskwelahan. Pareho na kami ni Ate Adi na mag-aaral.No'ng narinig ko ang pagbukas ng gate sa labas ay tumakbo ako agad para salubungin si Ate pero iba 'yong sumalubong sa'kin. Nagtago lang ako sa gilid at tahimik lang tinignan silang dalawa ni Mama.Nakita ko si Mama na sinampal
Kabanata9"No'ng nagising ako ay nandito na ako sa hospital."Wala akong masabi sa kwento niya. Hindi pa naprocess ng utak ko 'yong nangyari sa kanya."I spend how many years in the orphanage para lang hanapin ka. Unexpectedly, nagkita tayo dito. Blessing in disguise na rin siguro 'yong nangyari sa akin. Kung hindi dahil dun hindi tayo magkikita."Nagtitigan lang kaming dalawa ng ilang minuto bago ako nagsalita ulit."Thanks God at okay ka na. I'm so proud of you." Proudly smiling at him.I'm so amazed how he survived for how many years finding me. Mas nakakaproud 'yong
Kabanata 10I'm on my way patungo sa orphanage para sunduin si Ade. He texted me last night to fetch him up in the orphanage.Simula ngayong araw magsasama na kami ni Ade.Pagdating ko sa orphanage nakita ko sila sa labas tila hinihintay 'yong pagdating ko."Hi Ade, okay na?" Pagkasabi ko sa mga salitang 'yon ay nakita ko ang mga mata ng mga bata na nanunubig. Parang ayaw nila paalisin si Ade."Kids, listen first kay Ate Adi niyo ha? H'wag kayo malungkot na aalis si Kuya Ade bibisita naman siya dito 'pag weekends. Okay ba 'yon?" mUupo ako sa harap nila para magkapantay kami.Tumang
Author's Note:This chapter contains two flashbacks. Naubusan na talaga ako ng ideya sa isusulat. So bear with me.----------Kabanata 11It's been a week since it happened. Hanggang ngayon wala pa rin ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang sasabihin o irereact ko sa sinabi niya.Hindi mawala sa ulo ko.Damn it.Bakit ba iba 'yong epekto ko sa kanya?"Adi, h'wag mo namang molestyahin 'yong pagkain." EliTinignan ko 'yong pagkain ko na hindi na halos makilala. 'Yong pagkain ko nagmumukhang
Wakas (Last Part)Five years later and our marriage is still going strong. Kahit na may away ay mas nangingibawbaw ang pagpili nami sa isa't isa. Wala namang nagbago sa amin maliban sa meron na kaming isang bubwit at makulit na bata na babae. Nahirapan man kaming dalawa sa kanya ay sulit naman ang saya na kanyang binibigay sa aming dalawa.Our marriage is not just about rainbows, laughs, and happiness. The biggest obstacle of our marriage has come. It is an inevitable event, no one predicted it, and no one knows about it. There's no hint, just being in that scenario is so saddening.Gusto kong masolo ang mag-ina ko ngayong araw. Kita naman sa mga mata ni Theresa na nag-enjoy siya sa pagswimming, Theresa is our little pretty daughter. Nang inilagay ko si Theresa sa baliakt ko ay biglang nag-iba ang itsura ni Adi. Bigla siyang namutla at tumalon sa swimming pool. Agad ko namang ibinaba si Theresa, "Baby, call manang and tell her to call a doctor, okay?" Kita naman sa mukha niya ang pag
Wakas (Part 3)It was Christmas Day when I confess again my feelings. My feelings after hearing what she told me in El Salvador."I like you since we were young, and eventually that feeling of mine grew until now and it's still there. I can't stay mad at you for too long it will make me crazy. I just need an answer, Adi, whether your intention that night was to leave me or not, I will still forgive you. Because I love you, Adi. After all those years, it's still you, my heart is still beating for you."Marupok na kung marupok pero mahal ko talaga si Addison at hindi na 'yon mababago pa. Ngayong magkasama na kami ay hindi ko na aaksayahin pa ang panahon na magkasama kaming dalawa.Hindi talaga mawawala na hahamunin ulit ako ng tadhana. Hahamunin ulit kami ng tadhana. Nagkaroon ako ng aksidente at naapektuhan sa nangyaring pagsabog ng bomba at hindi lang 'yon nagkaroon rin kami ng malaking away dahil sa hindi ko pag-intindi sa trabaho niya. Mas pinairal ko ang kagustohan kong makasama si
Wakas (Part 2)Days have passed. Napansin ko na nagbago ang pagtrato sakin ni Addison. She's being distant and awkward whenever we see each other. I guess this is the consequence of mine, after confessing my feelings to her. I'm just giving her space, for now, if she wants to talk then we will talk.Pasakay na sana ako sa elevator nang makita ko si Adi sa may pader na nakahawak sa kanyang ulo at hindi halos makatayo ng maayos."Addison!" I immediately run to her when I saw her collapse. "Nurse! I need a doctor right now!" My heart is going to burst with nervousness.Agad naman dumating ang doktor at chineck siya."Ano bang problema sa kanya?" Tanong ko sa doktor."She is stressed and over-fatigue, sir. I suggest that she needs extra rest and a comfortable environment for a while." I said my thanks and then the doctor left.Nasa gilid niya lang ako habang hinihintay siya na magising. Labis ang pag-aalala ko sa kanya. Para rin akong hihimatayin ng makita siyang bumagsak sa sahig kanina.
Wakas (Part 1)"Mom! For the love of God! I will not do it!" I said"Tyler! Just do it!" My mom argued."This will be the last time, Mom! I will be focusing on the medical center. If you want a new hospital, then make one but I will never handle it." Then I walked out at her. It seems disrespectful but it's her fault anyway.Kaya napagpasyahan ko na umalis na lang muna at magpalamig ng ulo dahil kung ano pa ang masabi ko sa kanya na masama.Hindi ko inaasahan may makikilala ako na isang babae na parang ang komportable niya na kausapin ako kahit na hindi niya ako kilala.I guess don't talk to strangers doesn't apply to her.Days passed. Alcantara called me that there has been an emergency in the hospital. There has been a food poison incident in regards to the children. It was a hectic day in the ER. Pumunta ako sa hospital para tignan kung kumusta na ang kalagayan ng mga bata at may narinig ako na sumisigaw saka lumapit sa kinaroroonan ng boses."TUMAHIMIK NA NGA KAYONG LAHAT, NAIINTI
Kabanata 63Lumaban ako. Nilabanan ko ang sakit ko. Nagising ako sa kabila nang maliit na tyansa na magigising pa ako pagkatapos nang operasyon ko.Simula nang magising ako ay ang tanging naririnig ko lang ay mga kwento ni Theresa noong mga panahon na hindi kami magkasama. Samantalang, sila Daddy naman ay nangangamusta at nag-iiwan ng mga pagkain sa kwarto ko.Si Tyler naman ay inaalagaan ako. Siya ang umaakay sakin kapag kinakailangan kong magcr. Siya rin ang nagpapakain sa akin dahil wala pang sapat na lakas ang katawan ko para gumalaw.Nalabanan ko ang sakit ko pero habang tumatagal ang araw ay napapansin ko na mas nanghihina lang ang katawan ko. Hindi ko alam kung kailan bibigay ang katawan ko kaya nang matanong ni Tyler kung ano ang gusto ko ay napagpasyahan ko na gusto kong makita ang mga kaibigan ko.Hindi ko alam baka ito na ang huling pagkakataon na makita sila."Are you sure about that?" Sagot naman ni Tyler, tanging ngiti ko lang ang isinagot.Lumayo muna nang bahagya si Ty
Kabanata 62Today is my operation day. I am hoping that the operation will be successful and I will be able to wake up after.Before going to sleep, Tyler told me that my family will visit me today.Nakikinig ako nang kay Tyler kagabi habang tinatawagan niya si Daddy para sabihin ang kondisyon ko. Narinig kong bigla na lang humagulhol ang iyak ni Daddy. Pagkarinig ko no'n ay biglang sumikip ang puso ko.Dumating na sila Daddy kasama ang mga kapatid ko. Pagkakita nila sa akin ay labis ang pag-aalala sa mga mukha nila. Hindi sila agad nakapagsalita maliban na lang kay Daddy na agad na umiyak pagkakita sa akin."Are you okay, Adi?" Daddy asked while he is holding my hand."Of course, Daddy. I will be okay. Don't worry too much baka tumaas na naman ang altapresyon mo." Tumango-tango naman siya habang nakayuko sa kamay ko.Alam kong nag-aalala siya sa kalagayan ko pero ayoko siyang mabahala sa akin. Nand'yan naman si Tyler at ang mga kapatid ko para tulungan ako.Biglang bumukas ang pintua
Kabanata 61Sa pagdilat ko ulit sa mga mata ko ay ang tanging nakita ko lang ay puti na kisame. Wala akong marinig na kahit anong ingay sa paligid. Pakiramdam ko nasa mapayapang lugar ako.Bumangon ako sa pagkakahiga. Napatingin naman ako sa suot ko kulay puti lang. Nalito ako kung saan at kung anong ginagawa ko dito.It was all bright and white. Kahit saan ako lumingon ay puros maliwag at puti lang.Hindi kalayuan ay may nakita akong babae na nakaputi rin. Tinawag ko siya nang paulit-ulit pero hindi siya lumilingon sa akin. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero 'pag lumalapit ako ay lumalayo siya."Bakit ka ba lumalayo? Gusto lang sana kitang kausapin!" Sigaw ko sa kanya mula sa malayo.No'ng nagsalita na siya ay bigla akong napatigil sa pagtawag sa kanya. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa katawan.Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Ilang taon na ang lumipas simula no'ng huli ko siyang nakita."What are you doing here?" I asked."I should be the one asking you th
Kabanata 60Isang buwan ang lumipas nang nalaman ko ang resulta ng mga test. Nang nalaman ko 'yon ay halos parang dinaganan ako ng mundo. Buong araw ako umiyak sa C.R. ng kwarto namin.Nakita ako ni Tyler na walang malay sa loob ng C.R. Kwento niya pa sa akin ay halos nasiraan daw siya nang bait nang makita ako na walang malay. Hindi na niya ako dinala sa hospital pa at tumawag na lang nang doktor. Wala pa rin siyang alam tungkol sa kung bakit ako nawalan ng malay. Kahit na nagtaka siya kung bakit namamaga ang mga mata ko ay sinabi ko na lang na wala akong alam.Sa buong buwan ay napansin ko rin ang pag-iiba ng mood ko, madali na lang akong mapikon o magalit sa mga anong bagay, madalas na rin sumasakit ang ulo ko na halos binibiyak na, hindi ako sigurado dito pero may mga panahon na may nakakalimutan ako at hindi ko maalala, at nagpunta na rin kami sa eye clinic para sa mata na halos paminsan-minsan ay malabo na ang tingin ko.Minsan ay nalilimutan ko na may sakit ako pero may palatan
Kabanata 59"Ma'am? Can I ask you something?" The nurse asked."Sure, you can." Sagot ko."Kayo lang po ba mag-isa?"I am with my husband.""Bakit po wala siya dito?" Now I am kinda annoyed at her."Now, can you stop talking? It makes my head hurt.""It is just one question."Hindi ko alam kung saan na ba ako tinutulak nitong nurse. Hindi kalayuan ay may nakita akong mga security guards at narinig na lalaking sumisigaw."I don't care! Just find my wife! I will fire you instantly to the moment that something will happen to my wife!""Is my room near already?" I asked."Opo, Ma'am. Mukhang ang kwartong kinaguguluhan ay 'yong kwarto niyo po." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig."Hello po, Ma'am pero hindi po kayo pwedeng pumasok dito. Private room po ito. Baka naliligaw lang po kayo." Sabi ng isa sa mga security."She is actually the patient and this is her room." Sabi nang nurse.May lumapit na isang security sa kausap naming security at mukhang may sinabi siya roon sa isa at pumasok