Share

Kabanata 1

Author: michiekelss
last update Huling Na-update: 2020-10-22 21:08:31

Kabanata 1

Huling shift na ngayong linggo. Thank you Lord! Masyadong marami akong ginawa bago nagtapos ang shift ko. Sabay unat ng mga kamay ko. Grabe ang pagod ko ngayong last shift. Nakailang balik din ako sa Emergency Department.

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa attending lounge, dito kami minsan naghihintay kung kailan kami tatawagin o pwede na rin kung saan pwede magpahinga. Medyo malaki rin ang pwesto kaya madami ring mga doctor na nakapalibot paggising ko. Tumayo ako nang lumapit sa'kin ang isa sa mga doctor.

"Dra. Bartolome, job well done. Please continue doing your job." He said while offering his hand for a handshake.

Tinaggap ko 'yong kamay niya.

"Thank you Doc Carlo." Sabay ngiti niya. Isa sa mga kasamahan ko sa department.

Sa larangan ng medisina, walang perpekto. 'Di naman sa lahat ng pagkakataon ay perpekto ako magtrabaho. Ang akin lang naman kase ay magawa ko ng maayos ang trabaho ko bilang isang doktor.

Hindi naman sa pagmamayabang pero sanay na ako sa mga puri nila at 'di na rin bago sa'kin ang mga ma busy sa trabaho. Lalo na dahil nagroroom-to-room ako sa mga pasyente kong naka admit at tumakbo nang tumakbo sa Emergency Room 'pag may pasyenteng bata.

"Addison, alis na tayo, nangangamoy basura kana." Mapang-asar na sabi ni Adam.

Kakatapos lang din kase ng shift niya. Nagpapasalamat lang talaga ako dahil pare-pareha lang ang tapos ang shift namin. Hindi kami nagkakaproblema sa pagkikita naming apat.

"Ulol, Adamson Patrick." Sabay hagis ng sapatos ko sa mukha niya.

"Aray naman Adi!" Sapol sa mukha. Na bull's eye ang gago. Natawa nalang ako sa mukha niyang naka nguso 'yong bibig na parang bibi. Akala mo naman bagay sa kanya ang magpacute.

Bumalik na muna ako sa opisina para kunin 'yong bag ko at para maka uwi muna ako sa condo. Maliligo lang ako at magbibihis. Hindi nga kase ako nakauwi kagabi dahil sa abala na schedule.

Kasama ko si Adam papuntang condo. Kotse niya ang ginamit namin. May kotse rin naman ako pero 'di ko 'yon dinala kahapon kase kay Ashley ako sumabay papuntang ospital, magkatabi lang kase unit namin.

Alas sais palang ng umaga. Kaya naisipan namin na magdrive thru nalang muna para sa agahan.Agahan na para sa aming apat. Naka ugalian na rin kase namin ang sabay na mag agahan pagkatapos ng shift.

Si Adam na ang nag-order, siya rin naman ang magbabayad. Hindi naman siya kuripot pagdating sa amin pero pagdating sa sarili niya halos ayaw niyang gumastos. Nagpapalibre pa sa iba.

"Adi-skie gising na nandito na tayo." Naramdaman ko na lang may tumapik sa balikat ko.

Hindi ko rin namalayan na nakatulog pala ako. Halatang kulang sa tulog at pagod. Hindi ko rin alam kung bakit ang bigat ng katawan ko ngayon. Ngayon lang 'to nangyari sa lahat ng end ng shift ko, kadalasan kase mas ako pa 'yong mataas ang enerhiya at gising na gising ang diwa.

"Sorry nakatulog pala ako." Sabay ayos ng damit ko at bumaba na ng kotse. Dala ko na rin 'yong ibang supot ng pagkain na inorder namin kanina.

Ang bigat kase talaga ng pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin na naman siguro ako, h'wag naman sana. Wala kase akong kasama sa condo ko at ayokong makadistorbo sa mga kaibigan ko. May mga sariling schedule kase sila kada matapos ang linggo pagkatapos namin lumabas sa gabi.

Kaya nga sa condo kami ngayon mag-aagahan para makapag pahinga muna bago maglakwatsa mamayang gabi. Pupunta kase kami ng bar mamaya libre daw ni Ashley. FYI, 'di ako umiinom ng alak. Ako lang ang hindi umiinom sa aming apat maniwala man kayo o sa hindi pero 'yan joke. Hindi ako umiinom 'pag sila ang kasama ko, I rather drink alone.

"Adi may sakit kaba? Ang putla mo." May pag-alala na tanong ni Adam sa akin.

"Pagod lang siguro ako."

Pagdating namin ni Adam sa unit ko ay nakita ko 'yong dalawang babaita na naghihintay sa labas ng unit ko at kumukuha nang mga litrato sa isa't-isa. Mahilig kase sila sa pagkuha nang mga litrato kala mo naman mga modelo.

Pumasok na kami sa unit ko at sinimulan na namin ilagay sa lamesa ang pagkain. Gutom na rin kase talaga ako at gusto ko na rin matulog muna pagkatapos nito.

"Alam mo Adi-" Salita ni Ashley.

"Don't talk when your mouth is full, Ash." Sabay putol ko sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Sorry, Adi sabi ni Doc Carlo sa'kin may possibilidad daw na ilagay ka rin sa Emergency Department."

"Talaga?" Hindi rin ako nagulat kase ilang beses na rin kase 'yan napag-usapan sa meeting namin. May mga doctor kaseng ayaw mapunta sa Emergency Department, dahil isa sa mga busy na department ay ang Emergency.

'Pag nasa emergency department kana ay hindi kana halos makakapunta sa opisina mo for one-on-one check up sa pasyente mo, kaya maraming ayaw mapunta sa emergency department.

"Okay lang sa'yo Adi?" Tanong ni Eli.

"Mukhang mabubusy na si Adi, Eli." Mapang-asar na sabi ni Adam.

Kung malalagay na ako sa Emergency Department as Pediatrician ay magiging busy na talaga ako at 'di na masasamahan si Eli kung may lakad man siya pagkatapos nang shift niya.

"Okay lang naman Patrick the Star, pwede ko namang dalhan sila Ash at Adi ng pagkain sa emergency department." Asar pabalik ni Eli.

Ayaw na ayaw kase ni Adam na tawagin siyang Patrick. Malapit lang rin ang Emergency Room sa Pharmacy so madalas na kami na magkita- kita kung 'yon man ang mangyari.

"Edi kayo na tatlo magkakasama." Nakasimangot na ang mukha ni Adam.

Nasa ibang gusali kasi ang departamento ni Adam at medyo may kalayuan sa amin.

"Pikon talo." Dagdag pang-asar ko kay Adam.

"Buti nalang at pwedeng makadala si Eli ng pagkain sa department." Sabay diin sa salitang pagkain. Sumabay na rin si Ashley sa pang aasar kay Adam. Alam kase namin na kahinaan ni Adam, ang pagkain. Parang 'di mabubuhay kung walang pagkain.

Ayon lang tumahimik si Adam at sinamaan kami ng tingin. Tumawa nalang kaming tatlo sa naging reaksyon niya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na si Ashley sa unit niya kasama si Eli. May gagawin pa daw silang dalawa. Hindi ko rin anong gagawin no'ng dalawa.

Kami nalang ni Adam ang naiwan sa unit ko. Nakasimangot parin ang mukha habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Alam mo Adam lalo ka talagang papapangit kung nakabusangot 'yang mukha mo." Sabi ko sa kanya. Mukhang hindi pa maka move on sa pang aasar namin sa kanya.

"Ikaw nalang kaya maghatid sa'kin ng pagkain?" Seryosong sabi niya sa'kin

Nagulat ako sa tanong niya.

"Ah magpapahinga na pala muna ako." Sabay iwas sa sinabi niya. Gagawin niya lang akong tagahatid ng pagkain.

"Ang bait mong kaibigan Adi" Panunuya at may halong inis na sabi ni Adam.

"Gisingin mo nalang ako mamaya. Punta tayo sa mall babayaran ko utang kong milktea at hotdog on bun mo."

Nakita kong lumawak 'yong ngisi niya ng marinig niya ang salitang milktea. Paborito niya kase ang milktea at lalong paborito niya ang magpalibre sa akin.

Pagpasok ko sa kwarto ay 'di na ako nagdalawang isip na matulog, mamaya nalang ako maliligo at magbibihis. Aalis rin naman kami mamaya.

'Di ko namalayan na ilang oras na pala ako matulog at maghahapon na. 'Di man lang ako ginising si Adamson. Kahit kailan talaga. Tsk.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Adam na natutulog pa pala sa may sofa at nakabuka pa ang bibig habang natutulog. Mamaya ko nalang siya gigisingin kung tapos nako maligo at magbihis. Pumunta na rin ako ng banyo para maligo, ang lagkit na rin kase sa katawan. Nang matapos nako makapagbihis ay nadatnan ko si Adam na gising na.

"Adamson maligo kana." Nakatulala lang sa malayo si Adam habang naka upo na sa sofa.

Agad naman siyang tumayo at pumunta na ng banyo para maligo. May mga dala siyang mga ekstrang damit kung sakali na may mga lakad kami para 'di na siya umuwi sa kanila. Malayo kase bahay nila.

Habang naghihintay ako kay Adam na naliligo pa ay nagsocial media na muna ako. Ang mag-scroll lang naman lagi kong ginagawa dito. Wala rin naman akong ibang ka chat o ka text kundi mga executive o ibang doktor sa ospital at mga kaibigan ko.

Habang nagscroll ako sa timeline may nakita akong picture ng isang lalaki na parang nasa isang hospital awarding. Pagtingin ko sa mga comments puro....

"ang gwapo mo naman sir"

"ampogi shet, akin ka nalang please"

"nakaka inlove 'yong mukhaaaa, nakakaturn on tung mga lalaking may pangarap sa buhay"

"sana all po"

Natawa nalang ako sa sana all na comment. Tung mga babae talaga ang hilig sa mga pogi at 'pag jinowa naman iiyak iyak 'pag nasaktan. Pogi nga manloloko naman. Hay nko buhay parang life.

"Tara na Adi." Tawag ni Adam. Masyado akong na aliw sa mga comment sa picture nitong lalaki.

Pumunta na kami sa mall ni Adam para bumili ng milktea niya at french fries na paborito ko rin.

Nang matapos ng kaming maka order ay pumunta muna kami ng food court para hintayin 'yong dalawa. Kakagising lang kase nila no'ng dumaan kami sa unit ni Ash. So nauna nalang kami ni Adam sa mall.

"Adam paki tawagan sila Eli at Ashley." Utos ko sa kanya.

Tinawagan din naman niya ang dalawa.

"On the way na daw sila."

"Baka on the way to cr 'yan ha?" Sagot ko naman.

"Hello guys!!!! Let's go na!!" Bibong bati ni Ashley. Masyadong excited uminom ang bruha.

Nagcommute lang 'yong dalawa kaya natagalan. Sasakyan lang ni Adam ang gagamitin mamaya dahil puro sila malalasing mamaya. Hindi rin naman ako iinom so ako ang magdadrive pag-uwi namin.

Puro ingay lang ang maririnig mo dito sa bar. Halos 'di na kami magkarinigan dahil sa ingay. Humanap kami ng upuan at nagsimula na sila mag-order ng alak.

"Juice lang sa'kin Ash ha?" Sabi ko kay Ashley dahil baka mag-order siya ng alak para sa'kin.

Kaunti lang iniinom ni Adam. Gusto niya rin kase bantayan 'yong dalawa baka ma bastos pa dito sa bar.

"Tangina

talaga ng lalaking 'yon, pucha tatlong taon 'te? pinagpalit lang ako pagkatapos namin maghiwalay nang dalawang linggo lang?" Lasing na wika ni Eli. Tumatawa na rin siya na parang baliw. Mababa lang ang alcohol telorance niya kaya madali lang siya malasing.

Nagsisimula na siyang magsalita nang lasing. Iba pa naman 'tong babaeng 'to kapag lasing.

"Kaya nga tayo nandito Eli diba? Oh inom pa!" Sabay alok ni Ashley ng inumin kay Eli ng isang punong alak. Inubos naman ni Eli agad isahan lang kumbaga.

Pagkatapos nilang uminom ay sumayaw silang dalawa sa dancefloor habang nagbabantay si Adam sa may counter. Ayaw iwan ni Adam ang dalawa dahil pareho na itong lasing. Kaya ko naman sarili ko. Nasa katinuan naman ako kompara dun sa dalawang lasing.

Lumapit ako kay Adam para magpaalam na lalabas muna ako.

"Adam punta lang ako diyan sa may parke tawagan o itext mo nalang ako kung uuwi na tayo." Sabay sigaw sa tenga niya.

Sanay na ako sa ingay sa bar. Kaso nahihilo lang ako lalo dahil sa baho ng alak at sigarilyo na nang galing doon.

Naglakad na ako papuntang parke at 'di kalayuan sa bar. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin galing sa mga puno. Pumunta ako sa may puno ng mangga at umupo dito. Sinandal ko ang likod ko sa puno at pikit na nagmumuni-muni.

Nagulat ako nang may napansin akong tao sa gilid ng puno.

"Sino ka!?" Sabay tayo at dahan-dahan na lumayo sa kanya

"H'wag kang mag-alala Miss, hindi naman kita sasaktan. Magpapahinga lang ako dito sandali." Aniya pa ng lalaki na nakaupo at nakasandal na sa puno.

Mukhang hindi naman delikado tung taong 'to. Isa lang siyang estranghero sa akin pero ramdam ko 'yong pagod sa boses niya. Kaya bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Sobrang tahimik lang nang paligid.

"Mukhang 'di normal 'yong suot mo para magpahinga dito sa parke." Wala naman sigurong masama kung kausapin ko siya dba? 'Di rin naman talaga normal suot niya. Sinong tao ba ang magpapahinga sa parke na naka suit?

"Galing ako sa ospital-"

"Eh? Galing ka pala ng ospital dapat sa bahay o condo kana dumiretso. Baka mabinat 'yang katawan mo. Alagaan mo naman sarili mo." Sabat ko sa kanya. Lumalabas na naman ang doctor instinct ko.

"Kalokohan mo, may meeting kami kanina sa opisina nang ospital. Patapusin mo muna ako Miss." Tawang sabi niya sa'kin

Ako naman si tanga nag-aasume kaagad na pasyente siya. 'Di ko muna inisip na baka isa ito sa mga executive ng hospital o may ari kaya naka suit ang suot nito. Talaga naman Adi oh!

"Mukhang may gusto kang itanong, pwede mo kong tanungin." Na may ngisi sa kanyang mga labi.

"Bakit ka ba nandito sa parke? Dapat sa bahay o condo ka nagpapahinga." Pagtatanong ko sa kanya.

"Wala rin namang masama kung magbabahagi ka ng iyong problema sa'kin. Hindi naman tayo magkakilala at baka ito na rin ang una at huli nating pagkikita. Ayoko kasing may nakikita na malungkot o stress na tao." Dagdag sabi ko. Totoo naman kase, masakit sa mata ang mga malulungkot.

"'Di ka naman siguro chismosa Miss no?" Sabay tawa ng mahina

"Ang ibig kong sabihin, wala naman akong gagawin na masama. Hindi naman ako 'yong tipo ng babae na nagkakalat ng sekreto. H'wag kang mag-alala ligtas ang sekreto mo sa akin." Sabay tingin sa kanya sa gilid.

"Okay, mapilit ka eh."

"Pine-presssure ako nang nanay ko na magmay-ari ulit nang panibagong ospital." PANIBAGONG OSPITAL? Mayaman pala 'tong kausap ko. May ari na pala ito ng ospital.

"Hindi ako Diyos, at lalo na hindi ako isang robot na hindi nakakaramdam nang pagod. Isang kompanya palang nahihirapan nako paano pa kaya kung dalawa na." Lumingon siya sa akin at diretso ang tingin sa akin. "Maraming tao ang umaasa sa akin na maging perpekto dahil marami akong mga naging gantimpala sa buhay. Hindi ako perpekto at nagkakamali rin ako. 'Yan 'yong mga pinoproblema ko ngayon." Sabay yuko ng kanyang ulo.

"Lahat nang problema ay may solusyon at ang iba lang ay matagal pa maisip kung ano ang magiging solusyon, katulad mo na nahihirapan din ngayon."

Nanahimik lang siya habang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"Para sa inaasahan nang iyong ina at nang ibang tao."

"Umasa ka nang malaki sa iyong sarili kaysa sa ibang tao dahil ang umasa sa ibang tao ay masakit sa damdamin samantalang ang pag-asa sa sarili ay natututo ka at maaaring maging inspirasyon mo ito. Ganyan talaga ang buhay."

Sabay tayo at pagpag sa damit ko. Nagtext na rin kase si Adam na uuwi na kami at lasing na lasing na daw si Eli kailangan na iuwi sa bahay nila. Baka ano pang mangyari sa kanya.

"Uh! uwi nako. Hinihintay na rin kase ako ng kaibigan ko. H'wag kang mag alala di ko ipagkakalat problema mo Mister." Nagpaalam na ako sa kanya

"Salamat, Miss. H'wag kang mag-alala magkikita pa tayo ulit hindi man kinabukasan pero kung papayagan nang tadhana na tayong magkita muli ay magiging masaya ako."

----------

Read.Vote.Comment

© michiekelss

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Debra Alexander
the preview was in English but the book was in a different language. How do I switch it to English?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Brave Girl   Kabanata 2

    Kabanata 2Ilang araw na rin ang lumipas no'ng nag-usap kami no'ng lalaki sa parke. Hindi sa hindi ko siya makalimutan pero 'yong mga salita niya kase no'ng gabi 'yon ay nakatatak pa rin sa isip ko at ang tagal mawala.Nanay niya lang nampepressure sa kanya samantalang buong angkan ko ang nampepressure sa'kin. Hindi ako suportado ng pamilya ko sa kinuha kong trabaho. Gusto kase nila ako maging lawyer.Hindi ko rin naman sila masisisi kung 'yon gusto nila para sa akin. Lahat ng pinsan at ibang kapatid ko ay mga lawyer. Ako lang yata sa pamilya ang lumihis ng propesyon. Peroayaw kong gawin ang bagay na labag sa loob ko.Kaya nga ako mag-isang namumuhay. Sa murang edad, maaga akong namulat sa real

    Huling Na-update : 2020-10-22
  • The Brave Girl   Kabanata 3

    Kabanata3"I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Naguguluhan kong tanong sa kanya."Hey Miss, I told you we will meet again." With a smirk on his face."Just set aside the questions for now Adi, ikaw na gumamot sa isang 'yan kanina pa 'yan." Inis na utos ni Doc sa'kin."Po? H-Hindi po ako-" Hindi ako pinatapos nitong lalaking duguan sa kama."Nauubusan na ako ng dugo,Miss,ayaw mo naman siguro makakita ng pasyenteng mamatay sa harap mo?"Nanakot pa siya. Bago ako makapag salita ulit ay nilagay na ni Dr. Alcantara sa kamay ko 'yong gagamitin para sa sug

    Huling Na-update : 2020-10-22
  • The Brave Girl   Kabanata 4

    Kabanata4".... I am the owner of the hospital you are working with. I was checking the file of each department's doctor in my office and unexpectedly I saw your resume and that's where I got your name. I know you're a pediatrician but that time you're the only one that I can trust that time except for Alcantara of course."And I was shocked by that revelation.Now everything makes sense to me."Eh? Bakit hindi si Doc 'yong pinatahi mo sa sugat mo? Alam mo naman na malapit ka ng maubusan ng dugo at pinatakbo mo pa ako ng malayo." Irap sa kanya habang ininom na 'yong inorder na kape."We were just strangers that night&

    Huling Na-update : 2020-10-22
  • The Brave Girl   Kabanata 5

    Kabanata5Nagmamadali na akong magdrive papuntang hospital. Nagsisimula na daw 'yong meeting pero mukhang hindi pa daw na oopen 'yong tungkol kay Dr. Alcantara 'yon ang huling sabi sa'kin ni Eli sa tawag niya kanina.Pagdating ko sa hospital ay tahimik lang akong pumasok sa auditorium at naghanap ng bakanteng upuan.Mukhang hindi lang mga heads ng department ang nandito mukhang pati 'yong mga board members. Kaloka buong board yata ang nandito pero wala pa rin si Tyler at si Dr. Alcantara. Hindi ko pa sila nakikita sa upuan nila."...... the CEO will be the one announcing the main purpose of this abrupt meeting but before that let us welcome the CEO of Anderson Medical Cente

    Huling Na-update : 2020-10-22
  • The Brave Girl   Kabanata 6

    Kabanata 6Ilang araw na rin lumipas no'ng ipinakulong na si Dr. Alcantara, nawalan na rin siya ng lisensya bilang doktor. Kinaumagahan no'ng araw na 'yon ay tahimik lang ang department namin. Doktor man o nurse ay walang sumubok na magsalita tungkol kay Doc o tungkol sa ginawa niya.Naging usap-usapan rin sa ibang department ang department namin dahil sa Pediatric Department galing si Doc. Hindi naman mawawala ang chismis sa hospital pero mas pinili namin na manahimik na lang at magpasawalang kibo na lang.Ngayong wala na si Doc ay may ipinalit na supervisor agad-agad. Dra. Olivia Vianna Alvarez, Dra. V kung tatawagin. Wala lang sa kalahati niya 'yong kasungitan ni Dr. Alcantara. Laging masungit parang araw-araw dinudugo.

    Huling Na-update : 2020-10-22
  • The Brave Girl   Kabanata 7

    Kabanata7"Adler Bartolome""Anong ibig sabihin nito? Nandito siya? 'Yong kapatid mo?" Sabi ni Eli habang hawak 'yong folder.You heard it right. Nandito 'yong kapatid ko na dapat nasa probinsya siya kasama ang mga magulang ko.Alam nilang tatlo kung anong nangyari sa amin ng pamilya ko kaya gan'yan 'yong mga reaksyon nila no'ng nalaman nila na nandito 'yong kapatid ko.For god's sake, he is still minor. Paano siya napunta sa isang orphanage na malayo sa probinsya namin? Anong nangyari no'ng panahon na wala ako?"Siya 'yong batang malala ang natamo sa sunog kagabi at

    Huling Na-update : 2020-10-22
  • The Brave Girl   Kabanata 8

    Kabanata86years old AdeNandito ako ngayon sa kwarto ko naglalaro lang sa mga laruan ko. Hinihintay ko lang si Ate Adi para maglaro kami dito mamaya. Excited na ako. Lagi kasi kaming naglalaro ni Ate pagtapos ng klase niya.Nasa school pa kase si Ate ilang oras na lang ay uuwi na siya. Sa susunod na pasukan ay pwede na akong mag-aral sa eskwelahan. Pareho na kami ni Ate Adi na mag-aaral.No'ng narinig ko ang pagbukas ng gate sa labas ay tumakbo ako agad para salubungin si Ate pero iba 'yong sumalubong sa'kin. Nagtago lang ako sa gilid at tahimik lang tinignan silang dalawa ni Mama.Nakita ko si Mama na sinampal

    Huling Na-update : 2020-10-22
  • The Brave Girl   Kabanata 9

    Kabanata9"No'ng nagising ako ay nandito na ako sa hospital."Wala akong masabi sa kwento niya. Hindi pa naprocess ng utak ko 'yong nangyari sa kanya."I spend how many years in the orphanage para lang hanapin ka. Unexpectedly, nagkita tayo dito. Blessing in disguise na rin siguro 'yong nangyari sa akin. Kung hindi dahil dun hindi tayo magkikita."Nagtitigan lang kaming dalawa ng ilang minuto bago ako nagsalita ulit."Thanks God at okay ka na. I'm so proud of you." Proudly smiling at him.I'm so amazed how he survived for how many years finding me. Mas nakakaproud 'yong

    Huling Na-update : 2020-11-11

Pinakabagong kabanata

  • The Brave Girl   Wakas (Last Part)

    Wakas (Last Part)Five years later and our marriage is still going strong. Kahit na may away ay mas nangingibawbaw ang pagpili nami sa isa't isa. Wala namang nagbago sa amin maliban sa meron na kaming isang bubwit at makulit na bata na babae. Nahirapan man kaming dalawa sa kanya ay sulit naman ang saya na kanyang binibigay sa aming dalawa.Our marriage is not just about rainbows, laughs, and happiness. The biggest obstacle of our marriage has come. It is an inevitable event, no one predicted it, and no one knows about it. There's no hint, just being in that scenario is so saddening.Gusto kong masolo ang mag-ina ko ngayong araw. Kita naman sa mga mata ni Theresa na nag-enjoy siya sa pagswimming, Theresa is our little pretty daughter. Nang inilagay ko si Theresa sa baliakt ko ay biglang nag-iba ang itsura ni Adi. Bigla siyang namutla at tumalon sa swimming pool. Agad ko namang ibinaba si Theresa, "Baby, call manang and tell her to call a doctor, okay?" Kita naman sa mukha niya ang pag

  • The Brave Girl   Wakas (Part 3)

    Wakas (Part 3)It was Christmas Day when I confess again my feelings. My feelings after hearing what she told me in El Salvador."I like you since we were young, and eventually that feeling of mine grew until now and it's still there. I can't stay mad at you for too long it will make me crazy. I just need an answer, Adi, whether your intention that night was to leave me or not, I will still forgive you. Because I love you, Adi. After all those years, it's still you, my heart is still beating for you."Marupok na kung marupok pero mahal ko talaga si Addison at hindi na 'yon mababago pa. Ngayong magkasama na kami ay hindi ko na aaksayahin pa ang panahon na magkasama kaming dalawa.Hindi talaga mawawala na hahamunin ulit ako ng tadhana. Hahamunin ulit kami ng tadhana. Nagkaroon ako ng aksidente at naapektuhan sa nangyaring pagsabog ng bomba at hindi lang 'yon nagkaroon rin kami ng malaking away dahil sa hindi ko pag-intindi sa trabaho niya. Mas pinairal ko ang kagustohan kong makasama si

  • The Brave Girl   Wakas (Part 2)

    Wakas (Part 2)Days have passed. Napansin ko na nagbago ang pagtrato sakin ni Addison. She's being distant and awkward whenever we see each other. I guess this is the consequence of mine, after confessing my feelings to her. I'm just giving her space, for now, if she wants to talk then we will talk.Pasakay na sana ako sa elevator nang makita ko si Adi sa may pader na nakahawak sa kanyang ulo at hindi halos makatayo ng maayos."Addison!" I immediately run to her when I saw her collapse. "Nurse! I need a doctor right now!" My heart is going to burst with nervousness.Agad naman dumating ang doktor at chineck siya."Ano bang problema sa kanya?" Tanong ko sa doktor."She is stressed and over-fatigue, sir. I suggest that she needs extra rest and a comfortable environment for a while." I said my thanks and then the doctor left.Nasa gilid niya lang ako habang hinihintay siya na magising. Labis ang pag-aalala ko sa kanya. Para rin akong hihimatayin ng makita siyang bumagsak sa sahig kanina.

  • The Brave Girl   Wakas (Part 1)

    Wakas (Part 1)"Mom! For the love of God! I will not do it!" I said"Tyler! Just do it!" My mom argued."This will be the last time, Mom! I will be focusing on the medical center. If you want a new hospital, then make one but I will never handle it." Then I walked out at her. It seems disrespectful but it's her fault anyway.Kaya napagpasyahan ko na umalis na lang muna at magpalamig ng ulo dahil kung ano pa ang masabi ko sa kanya na masama.Hindi ko inaasahan may makikilala ako na isang babae na parang ang komportable niya na kausapin ako kahit na hindi niya ako kilala.I guess don't talk to strangers doesn't apply to her.Days passed. Alcantara called me that there has been an emergency in the hospital. There has been a food poison incident in regards to the children. It was a hectic day in the ER. Pumunta ako sa hospital para tignan kung kumusta na ang kalagayan ng mga bata at may narinig ako na sumisigaw saka lumapit sa kinaroroonan ng boses."TUMAHIMIK NA NGA KAYONG LAHAT, NAIINTI

  • The Brave Girl   Kabanata 63

    Kabanata 63Lumaban ako. Nilabanan ko ang sakit ko. Nagising ako sa kabila nang maliit na tyansa na magigising pa ako pagkatapos nang operasyon ko.Simula nang magising ako ay ang tanging naririnig ko lang ay mga kwento ni Theresa noong mga panahon na hindi kami magkasama. Samantalang, sila Daddy naman ay nangangamusta at nag-iiwan ng mga pagkain sa kwarto ko.Si Tyler naman ay inaalagaan ako. Siya ang umaakay sakin kapag kinakailangan kong magcr. Siya rin ang nagpapakain sa akin dahil wala pang sapat na lakas ang katawan ko para gumalaw.Nalabanan ko ang sakit ko pero habang tumatagal ang araw ay napapansin ko na mas nanghihina lang ang katawan ko. Hindi ko alam kung kailan bibigay ang katawan ko kaya nang matanong ni Tyler kung ano ang gusto ko ay napagpasyahan ko na gusto kong makita ang mga kaibigan ko.Hindi ko alam baka ito na ang huling pagkakataon na makita sila."Are you sure about that?" Sagot naman ni Tyler, tanging ngiti ko lang ang isinagot.Lumayo muna nang bahagya si Ty

  • The Brave Girl   Kabanata 62

    Kabanata 62Today is my operation day. I am hoping that the operation will be successful and I will be able to wake up after.Before going to sleep, Tyler told me that my family will visit me today.Nakikinig ako nang kay Tyler kagabi habang tinatawagan niya si Daddy para sabihin ang kondisyon ko. Narinig kong bigla na lang humagulhol ang iyak ni Daddy. Pagkarinig ko no'n ay biglang sumikip ang puso ko.Dumating na sila Daddy kasama ang mga kapatid ko. Pagkakita nila sa akin ay labis ang pag-aalala sa mga mukha nila. Hindi sila agad nakapagsalita maliban na lang kay Daddy na agad na umiyak pagkakita sa akin."Are you okay, Adi?" Daddy asked while he is holding my hand."Of course, Daddy. I will be okay. Don't worry too much baka tumaas na naman ang altapresyon mo." Tumango-tango naman siya habang nakayuko sa kamay ko.Alam kong nag-aalala siya sa kalagayan ko pero ayoko siyang mabahala sa akin. Nand'yan naman si Tyler at ang mga kapatid ko para tulungan ako.Biglang bumukas ang pintua

  • The Brave Girl   Kabanata 61

    Kabanata 61Sa pagdilat ko ulit sa mga mata ko ay ang tanging nakita ko lang ay puti na kisame. Wala akong marinig na kahit anong ingay sa paligid. Pakiramdam ko nasa mapayapang lugar ako.Bumangon ako sa pagkakahiga. Napatingin naman ako sa suot ko kulay puti lang. Nalito ako kung saan at kung anong ginagawa ko dito.It was all bright and white. Kahit saan ako lumingon ay puros maliwag at puti lang.Hindi kalayuan ay may nakita akong babae na nakaputi rin. Tinawag ko siya nang paulit-ulit pero hindi siya lumilingon sa akin. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero 'pag lumalapit ako ay lumalayo siya."Bakit ka ba lumalayo? Gusto lang sana kitang kausapin!" Sigaw ko sa kanya mula sa malayo.No'ng nagsalita na siya ay bigla akong napatigil sa pagtawag sa kanya. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa katawan.Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Ilang taon na ang lumipas simula no'ng huli ko siyang nakita."What are you doing here?" I asked."I should be the one asking you th

  • The Brave Girl   Kabanata 60

    Kabanata 60Isang buwan ang lumipas nang nalaman ko ang resulta ng mga test. Nang nalaman ko 'yon ay halos parang dinaganan ako ng mundo. Buong araw ako umiyak sa C.R. ng kwarto namin.Nakita ako ni Tyler na walang malay sa loob ng C.R. Kwento niya pa sa akin ay halos nasiraan daw siya nang bait nang makita ako na walang malay. Hindi na niya ako dinala sa hospital pa at tumawag na lang nang doktor. Wala pa rin siyang alam tungkol sa kung bakit ako nawalan ng malay. Kahit na nagtaka siya kung bakit namamaga ang mga mata ko ay sinabi ko na lang na wala akong alam.Sa buong buwan ay napansin ko rin ang pag-iiba ng mood ko, madali na lang akong mapikon o magalit sa mga anong bagay, madalas na rin sumasakit ang ulo ko na halos binibiyak na, hindi ako sigurado dito pero may mga panahon na may nakakalimutan ako at hindi ko maalala, at nagpunta na rin kami sa eye clinic para sa mata na halos paminsan-minsan ay malabo na ang tingin ko.Minsan ay nalilimutan ko na may sakit ako pero may palatan

  • The Brave Girl   Kabanata 59

    Kabanata 59"Ma'am? Can I ask you something?" The nurse asked."Sure, you can." Sagot ko."Kayo lang po ba mag-isa?"I am with my husband.""Bakit po wala siya dito?" Now I am kinda annoyed at her."Now, can you stop talking? It makes my head hurt.""It is just one question."Hindi ko alam kung saan na ba ako tinutulak nitong nurse. Hindi kalayuan ay may nakita akong mga security guards at narinig na lalaking sumisigaw."I don't care! Just find my wife! I will fire you instantly to the moment that something will happen to my wife!""Is my room near already?" I asked."Opo, Ma'am. Mukhang ang kwartong kinaguguluhan ay 'yong kwarto niyo po." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig."Hello po, Ma'am pero hindi po kayo pwedeng pumasok dito. Private room po ito. Baka naliligaw lang po kayo." Sabi ng isa sa mga security."She is actually the patient and this is her room." Sabi nang nurse.May lumapit na isang security sa kausap naming security at mukhang may sinabi siya roon sa isa at pumasok

DMCA.com Protection Status