"Ate Louisse, good morning po. Dyan si Kuya Tris?"
I smiled widely at Ate Amethyst and showed her the boxes of cookies I baked for Tristan and also for her. She is Tristan's secretary and I'm close to her so every time I am giving Tristan cookies I also brought for her.
I'm calling Tristan 'kuya' kapag may nakakarinig pero kapag kaming dalawa lang Tris lang ang tawag ko sa kanya na ikinagagalit niya sa akin. Ang sabi niya I should call him Kuya pero ayoko. Why would I? Hindi naman kami magkadugo. Wala siyang magawa dahil sadyang matigas ang ulo ko.
Inikot ko ang paningin sa paligid. Ang lawak nitong floor ng office ni Tris at silang dalawa lang ni Ate Amethyst ang nandito sa floor na ito. Maganda ang pagkagawa ng interior design, maganda sa mata ang mga lightings at higit sa lahat tahimik. Tiningnan ko ang pintuan ng room ni Kuya nakasarado ito. Hmm, he's busy perhaps? Madalas kasi kapag dinadalaw ko siya dito, naabutan ko siyang nakikipagtawanan kay Ate na kailanman ay hindi niya ginagawa sa akin. Sobrang mahal ng ngiti niya kapag ako na ang kaharap niya.
"He's inside, doing something. May ni-rereview siyang documents. Do you want me to call him? May kailangan ka ba sa kanya o hinatid mo lang 'tong cookies?"
I pouted my lips and shook my head. I will just wait for him to finish whatever his doing dahil baka mapapagalitan niya na naman ako. Ayoko ng maulit yung nangyari last time na napagalitan niya ako dahil pumasok akong bigla sa office niya at may ka-meeting pala siya. Baka kasi kapag na bad trip pa ulit si Tristan sa aki totohanin niya na yung sinabi niyang ipapa-ban niya ako dito sa building niya.
"This is for you Ate." I said, handing her the box of cookies that I made for her. "Itong kay Kuya Tris, maya ko nalang ibigay kapag hindi na siya busy." Ate Amy smiled cutely at me when she took the box. Alam ni Ate Amy na crush ko si Kuya Tristan dahil sinabi ko sa kanya pero hindi niya ako hinusgahan. Normal lang daw ang paghanga sa mga teenager na tulad ko. Pinapayuhan niya lang ako na wag masyadong dibdibin at masyado pa akong bata.
"Is he in the mood Ate? Baka kasi bugahan na naman ako ng apoy." Sabay kaming natawa ni Ate sa sinabi ko. Hindi din kasi kaila kay Ate Amy na pinapagalitan ako ni Tristan. Minsan nga sinasaway pa siya ni Ate. Pero keri lang yun that means nakukuha ko ang atensyon niya.
I'm so bored at home kaya andito na naman ako ngayon. Actually hindi naman talaga ako dapat andito dahil pansin kong aburido si Kuya kapag nakikita niya ako pero wala kasi akong ibang mapuntahan. Ayoko namang gumala sa mall dahil mas nakaka bored lang yun. Wala din naman akong gagawin doon. Mas gusto ko pang kulitin si Kuya kahit palagi siyang nakabusangot sa akin.
Kuya Tristan's Dad, Judge Gonzales is one of my Dad's business partner. I met Kuya two years ago when he attended my fourteenth birthday and since then hindi ko na siya nilubayan. I don't know but I really find him handsome, in fact very handsome. He's my very first crush and I think will be the last. Gwapong-gwapo ako sa kanya. He has this struct aura. Yong tipong palaging masungit pero mas lalo lang itong nakakadagdag sa appeal niya. Pansin ko mas madaming babae ang gusto ang ganitong tipo ng lalaki. Hard to get...di ko lang alam kung easy to use ba.
Kapag wala akong pasok dito ako dumidiritso sa office niya. Dati nung hindi pa si Ate Louisse ang secretary niya pinagbabawalan akong pumusok dito nung masungit niyang secretary. May gusto siguro yun sa kanya kaya masungit sa akin. Pero ngayong si Ate Amethyst na, welcome na ako dito kaya friendship kaming dalawa ni Ate Louisse.
"Thank you for the cookies Ezra, my son love this so much. Yung huling binigay mo sa akin nagustuhan niya. " mahinhing sabi ni Ate. I smiled at her. Kahit may anak na si Ate Louisse para pa rin siyang dalaga. She's very pretty. Hindi lang maganda, sobrang bait pa. Minsan nga kapag naaabutan kong nagtatawan sila ni Kuya Tris nagseselos ako, feel ko kasi na may crush si Kuya Tris sa kanya. Pero sabi ni Ate Louisse hindi niya daw bet si Kuya. Tsaka ganun lang daw yun, masyadong friendly at mapagbiro.
Friendly at mapagbiro, siguro sa iba, pero sa akin hindi. Mukha nga akong may sakit kung makaiwas siya sa akin. Siguro kung hindi lang magkaibigan ang parents namin matagal na akong banned dito sa building nila. Pero sa akin lang din naman siya ganun dahil close naman sila ni Ate Ehra, kapatid ko.
"Upo ka muna doon. Hinatyin mo nalang matapos siya sa nire-review niya. Lalabas din yun 'pag matapos na siya." Tinuro ni Ate Amethyst ang receiving area." Do you want to drink something? May juice kami, meron ding milk."
Sumimangot ako kay Ate. Bakit naman milk? Am I that young para offeran ng milk?
"I'm just kidding. Upo ka muna doon kukuha lang ako ng juice."
Tatayo na sana si Ate Amethyst pero maagap ko siyang pinigilan. There's need for her to serve me. Hindi naman ako bisita dito sa office nila. Isa pa kabisado ko na ang bawat sulok nitong office at ako na lang ang kukuha ng juice para sa sarili ko. Gawan ko na lang din ng kape si Tristan para may reason ako para makapasok sa office niya. Alam ko na ang gusto niyang timpla ng kape dahil ilang beses ko na siyang pinagtimpla noon.
Actually noong una magkaibigan naman kami ni Tristan, maayos naman yung turing niya sa akin. Sinusungitan niya ako minsan pero madalas tinatawanan lang ako. But lately bigla nalang itong naging masungit sa akin. Feeling ko nasisisra ang araw niya kapag nakikita niya ako. Hindi ko naman alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kanya.
Well maybe he's busy this past few months. I heard kasi na siya na ang nagmamanage sa ibang business nila ng daddy niya. Hindi na nga niya napractice ang pagiging abugado niya dahil sa negosyo nila. Maybe that's one of the reasons.
"Excuse me Sir, coffee break muna."
Nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Tristan pagkakita niyang binubuksan ako ng pintuan ni Ate Amethyst. Hindi ko kasi mabuksan ang pintuan dahil sa dala kong tray ng tinimpla kong kape at hinanda kong meryenda para sa kanya kaya nakiusap ako kay Ate na buksan ang pintuan para sa akin.
Si Ate na din ang pinakisuapa kong magdala ng box ng cookies na dinala ko para kay Tristan.
"What's that Amy?" Nagawa niyang tanungin si Ate Amy pero hindi niya man lang nagawang batiin ako. Sabagay hindi nga pala ako welcome dito sa office niya.
Wag assuming Ezra Monique.
Hindi siya sinagot ni Ate Amy sa halip sinulyapan niya ako sa pasimpleng kinindatan. Ito ang gusto ko kay Ate Louisse supportive talaga siya sa mga kalokohan ko. Kaya kami close eh. Mas close pa nga kami kesa kay Ate Ehra.
"I baked some cookies napadami kaya dinala ko nalang dito." sabat ko kahit hindi naman ako ang tinatanong. Malawak pa ang ngiting pinakita ko sa kanya pero masungit pa rin itong nakatingin sa akin. "...wala na din kaming klase kaya hindi na ako masyadong busy. I can bake more, next time cake naman ang dadalhin ko. Anong flavor gusto mo? Chocolate pa rin ba?"
Pero imbes na matuwa siya sa offer ko mukhang lalo pa itong nagalit sa akin. Halos mag-isang linya na ang kilay niya. Kunot noo at nakaigting pa ang mga panga. Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ko sa kanya, palagi na lang siyang iritado sa akin. As far as I know wala naman akong nabasag o nasira dito sa opisina niya.
Tinutulungan ko pa nga si Ate Amy kapag madami siyang ginagawa. Minsan nga tumutulong pa ako sa janitor sa paglilinis nitong opisina niya.
Ganun ba kapag nagkakaedad na? Naging masungit? But I think Tristan is not that old. Mukhang ilang years lang naman ang agwat niya sa akin. Isa pa hindi naman halata dahil marunong siyang magdala ng sarili niya.
"Don't bother kid, make yourself busy with some other stuff. Yung may mga kabuluhan hindi yung ganitong kung ano-ano lang ang pumapasok sa utak mo. I can buy cake if I want to eat." He said irritated.
I should be offended right pero gusto ko pang matawa. Mas mahaba kasi yung sinabi niya that means he's giving me his time. Hindi lang time pati atensyon pa.
"I'm sure masarap tong cookies ni Ezra. Diba pab—"
"I don't eat cookies Amethyst, you know that. Sayo nalang kung gusto mo." Masungit niyang putol kay Ate, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi niya man lang na-appreciate ang effort ko.
Nakita ko ang pagsulyap ni Ate Amy sa akin na tila ba humihingi ng paumanhin pero ngumiti lang ako sa kanya. I'm used to his words. Inaamin kong nasasaktan ako pero ayos lang.Maybe he's not in the mood again kaya mainit ang ulo.
Ganyan kasi si Daddy at Mommy kapag stress sa trabaho palaging mainit ang ulo.
"I have too much in my plate today. Ayoko ng disturbo Amy. Just take that stuffs outside and close the door."
Napalunok ako sa sinabi niya.It's like indirectly saying na ayaw niya akong masa loob ng ospisina niya ngayon.
"I'll stay outside, Mr. Gonzales. Wag masyadong mainit ang ulo, magkape ka muna." Ate Amy said trying to lift his mood.
Bilib din ako dito kay Ate Amy tila wala lang sa kanya ang pagsusungit ni Tristan.
"I'm not in the mood to drink coffee today, pakitapon na lang or if you want you can drink that. And take that box with you, walang kakain niyan dito. Masisira lang yan." Bahagya niya pang tinulak ng dulo ng ballpen ang box na cookies na dala ko.
Parang may tumusok sa dibdib ko sa ginawa niya. I made the cookies for him kasi akala ko magugustuhan niya yun pala hindi.
"Next time Amy, don't let anyone come inside my office without any appointment. Hindi ito park o mall na kung sino-sino nalang ang pwedeng pumasok. Busy akong tao, wala akong oras para sa mga walang kwentang bagay."
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ate Amy pero ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya maliit itong ngumiti sa akin.
"I don't want this to happen again. From now on tell the security not to allow anyone to go up her without any consent. Or else I will fire him. This getting out of hand. My office is not open for anyone. Kailangan mong ipaintindi sa security ang mga protocols dito."
Hindi na ulit ito nag-angat ng tingin. Naiiyak na ako pero pinigilan ko lang dahil alam kung nakatingin si Ate Amy sa akin. NagsisisI tuloy akong pumunta pa ako dito ngayon. Andami tuloy nadamay dahil sa kalokohan ko.
Tipid akong sumenyas kay Ate Amy para lumabas na kami. Kukunin ko na sana ang tray ng kape na tinimpla ko pero maagap akong pinigilan ni Ate.
"There's no need for you to be rude, Sir Angelo. Kung ayaw mo sa kape na gawa ni Ezra para sayo pwede mo namang sabihin ng maayos." Kinuha ni Ate Amy ang tray ng kape sa harapan niya. "Take your cookies, Ezra, kung ayaw ni Sir Angelo sa cookies na pinaghirapan mo, wag nating ipilit. We can always give that to others, yung sa may gusto."
Masungit na tumingin si Tristan kay Ate pero nakipagsukatan lang ng tingin si Ate sa kanya. At bago niya pa mailipat ang tingin sa akin agad na akong nagbaba ng tingin. I don't want to see his piercing eyes. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sariling maiyak sa harapan niya.
I'm used to him being rude to me but not as rude as this. Mukhang nasobraan ata ang init ng ulo niya ngayon at sa akin niya naibunton lahat. Worst is nadamay pa si Ate at ang security guard.
"Let's go, Ezra. Take your box and we'll give that to others."
Nag-aalangan pa akong kunin ang box ng cookies pero kinuha ko na din. Base kasi sa ekspresyon ng mukha ni Ate Amy mukhang napikon din ito kay Tristan.
"Pasensya na sa disturtbo Mr. Gonzales. Hayaan mo next time wala ng makakapasok dito sa opisina mo ng walang appointment. I will also inform the security about this. I'm sorry for being inefficient. Rest assured it won't happen again."
Yun lang ang huling sinabi ni Ate. Hindi niya na hinintay ang sagot ni Tristan at nauna na itong lumabas.
Sumunod din ako ng hindi nagpaalam sa kanya. Hindi ko rin siya tinapunan ng tingin at baka lalo lang siyang magalit sa akin.
"Leave the box."
Natigil ako sa paglakad pasunod kay Ate pero hindi ako lumingon.
"I said leave the box." Ulit niya. Akala ko ba ayaw niya sa cookies na dala ko? Bakit niya pinapaiwan?
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakatayo na ito ngayon. Nanatiling magkasalubong ang kilay at wala man lang kahit maliit na ngiti sa mga labi. Masungit nitong pinasadahan na tingin ang aking mukha.Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa box na yakap ko.
"Aalis na lang ako Tris— I mean Kuya Tristan. Pasensya po sa disturbo." Halos hindi ko marinig ang boses ko sa sobrang hina ng aking pagkasabi. Nanliliit ako sa aking sarili. Tama nga naman siya hindi ito park o mall na pwede kong tambayan kung kelan ko gusto.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya pero dama ko ang intensidad ng mga titig niya sa akin.
He's clearly mad at me. Siguro napuno na siya sa pangungulit ko sa kanya nitong mga nakaraang araw.
"Nakikiusap po akong wag mo sanang pagalitan si Ate Amethyst. Ako kasi ang nakiusap sa kanyang magdala ng kape sayo dito sa loob. Sa labas niya lang talaga ako pinaghintay kanina kasi busy ka daw, ako lang yung nagpumilit. Tsaka pati po sana ang security guard,hindi niya po talaga ako pinayagan. Ako lang ang nagpumilit na umakyat dito sa opisina mo. Pasensya ka na hindi na mauulit."
I feel so embarrassed. Now I realized that hindi lahat ng gusto ko ang dapat nasusunod dahil may mga taong nadadamay. Akala ko kasi ayos lang sa kanya pero yun pala hindi na. Now I've learned my lesson.
"Hindi na talaga mauulit. Dahil simula ngayon ayoko ng pumupunta punta ka dito sa opisina ko." Humakbang siya palabas ng swivel chair niya at lumipat sa harapan ng mesa at sumandal doon. Pinag-cross ang braso sa kanyang dibdib tsaka matamang tumingin sa akin.
"I don't know why you like to come here in my office, kid. This is not a playground na pwede mong tambayan. Look at what you did, napagalitan ko pa ang secretary ko. Are you not ashamed of that? Dahil sayo may nadamay na ibang tao. Had I not told you before not to bring me those stuffs. I don't need that. There's no need for you to do that."
Nagbaba ako ng tingin para itago ang namumuong luha sa mga mata ko. Ang sakit masampal ng katotohanan.
"Now you're crying. Do you think that tears can help? Kung tanggalin ko ang gwardya sa baba dahil hinayaan kang pumasok dito may magagawa ka ba? Bakit ka ba punta ng ounta dito sa opisina ko? Wala ka bang ibang ginagawa sa bahay niyo para ako ang guluhin mo?"
Nakita ko ang pagkahulog ng luha ko sa sahig. I tried blinking many times to stop my tears pero lalo lang itong dumami.
"Tell me Ezra. Why do you keep on coming bach here? Why do you keep on disturbing me? Are you that bored na kailangan mo pang dumayo dito para lang manggulo?"
Panggulo lang pala talaga ang tingin niya sa akin. Gusto ko tuloy kaawaan ang sarili ko. Panggulo na nga ako sa bahay pati din palansa kanya.
"I don't want this to happen again. I'm not available to baby sit a brat like you. If you have nothing to do with your life go and find someone else who you could mess around. I'm running a business here and you are not one of them."
I gently wiped the tears on my face before I looked at him. I know it's my fault that I keep on messing with him that's why he reacted like that. It's fine I understand now. No need to rub it in my face.
Ganun nga talaga ang buhay may mga tao talagang hindi mo mapipilit na gustuhin ka at sa ayaw mo man at sa gusto kailangan mong tanggapin yun.
Di bale pinapangako ko na ito na ang huli kong panggugulo sa buhay niya dahil simula sa araw na ito hinding-hindi na ako lalapit sa kanya. Ni isipin siya o ibulong ang pangalan niya.
Simula sa araw na ito kakalimutan kong minsan sa buhay ko nagkagusto ako sa isang Tristan Angelo.
"I'm so sorry for all the inconvenience Atty. Gonzales. Don't worry simula sa araw na ito hindi na ako manggugulo sayo at hindi na kita lalapitan. Pasensya na po talaga."
I didn't wait for his answer, with a smile on my face, I slowly turned my back at him. At kasabay ng pagtalikod ko sa kanya ay ang pangako ko sa aking sarili na hindi ko na hahayaan ang aking sariling mangyari ito ulit sa akin.
Next time na magkakagusto ako sisiguraduhin kong hindi ko na ito ulit gawin. Kesehodang tumanda akong dalaga. Sila ang dapat na maghabol sa akin. Pinapangako ko yan.
"Ezra..." he called. I saw the guilt on his face but I just smiled at him. No need to be guilty after all he's right. I'm a brat that's why no one wanted to be with me.
I noticed his eyes landed on the box of cookies in my hand but before he could say anything I took a step and throw it in the bin.
"Goodbye Atty. Gonzales. I wish our paths will never cross again."
...I wanna make you smile whenever you're sadCarry you around when your arthritis is badAll I wanna do is grow old with youI sing as I started strumming my guitar. I want to be alone today but Bethany is with me kaya sa kanya ako nakaharapa habang kumakanta. ... I'll get your medicine when your tummy achesBuild you a fire if the furnace breaksIt could be so nice, growing old with youShe put her hand above her chest and fake a cry na tila ba touch na touch siya kinakanta ko. loka loka gusto kong matawa sa kanya. ... I'll miss you, Kiss youGive you my coat when you are coldNeed you, Feed youEven let you hold the remote control... So let me do the dishes in our kitchen sinkPut you to bed when you've had too much to drinkI could be the man who grows old with youI smile sadly as I ended my favorite song. Hindi naman talaga ako super sad today. Wala lang, it's just that I feel so sentimental when I woke up this morning. It's been week since that incident in his office. At fi
"Huy Ezra Monique saglit, tinatanong kita kung kilala mo ba si Kuyang pogi. Tingnan mo o nakatingin sa 'yo. Kilala mo eh nagde-deny ka lang." sinundot pa ni Bethany ang tagiliran ko kaya kunot noo akong tumingin sa kanya. "Monique..." tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya binalingan. Oh? Monique real quick? Akala ko ba kid? "I'm here to fetch you." he said in a baritone voice. Narinig ko ang pagsinghap ni Bethany. OA pa itong napatakip sa bibig niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa nung lalaki pero inirapan ko lang siya. Alam ko na ang ganyang reaksyon mula sa kanya. Ano magsasaya na ba ako dahil sinusundo niya ako? "Your Dad asked me to." he added. Ah kaya naman pala andito dahil napag-utusan lang. Gusto ko tuloy matawa. Well, ano pa bang inaasahan mo Ezra? Do your really think he'll make an effort for you? Dream on kid. But yeah, no need, I can manage myself. Hindi ko kailangan ng sundo. Isa pa, hindi rin ako sanay na pinapasundo ni Daddy. Kelan pa si
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong doon na ka na sa lola mo mag-aaral, Ezra nak? Bakit biglaan naman?Last month excited ka pang grumaduate dito tapos ngayon aalis ka na agad? May problema ka ba sa school mo?" Hininto ko ang paglalagay ng mga gamit sa maleta ko at hinarap si Nana Conching. Simula nung kinuha ako nina Mommy kay Lola Raquel sa Italy, si Nana na ang nag-alaga sa akin. Siya ang tumayong pangalawang magulang ko. Siya ang nagturo sa akin magsalita ng tagalog at siya yung personal na umaattend sa lahat ng mga pangangailangan ko. Mas masabi ko pa ngang mas madami ang ang oras na magkasama kami ni Nana Conching kesa kay Mommy dahil sa trabaho niya eh. Pero ayos lang, dahil pinaintindi naman ni Nana sa akin ang lahat. Busy sila mommy at daddy dahil kailangan nilang magtrabaho para mabigyan kami ng magandang buhay ni Ate Ehra. "Wala po akong problema Nana, nagkakasakit na kasi si Lola lately kaya gusto ko siyang alagaan. Gusto ko pong makabawi sa kanya sa pag-aalaga ni
"Look at the camera, Babe. Give me a fierce look..." Brenan's voice made me back from my reverie. Brenan is a photographer at the same time a friend and my manager. Sa ilang taon na kasama ko siya bilang photographer/manager sanay na ako sa pagtawag tawag niya sa akin ng babe. Pati ang ibang staff sanay na rin sa kanya. Brent is a filipino-american, magkakasundo kaming dalawa dahil kahit matanda siya sa akin ng ilang taon he treated me like his equal, hindi niya ako tinuturing na bata. Marunong din siyang managalog at gaya ko lumaki din siyang hindi umaasa sa mga magulang niya. Simula ng dumating ako dito sa Italy kung ano-anong trabaho ang pinasok ko. I did that to prove to my parents that I can be independent to them. Na kayang kong suportahan ang aking sarili. "Wala kang mararating sa katigasan ng ulo Ezra. If I know gusto mo lang doon sa Italy dahil doon libre kang gawin kung anong mga kalokohan mo. You really are a brat. Wala ka na ngang naiambag dito sa pamilya puro pasaway
"Brenan what—?"Lalabas na sana ako sa room na inookopa ko para umuwi ng mabungaran ko si Brenan sa labas ng pintuan. He was about to knock at the door when I opened it. Naiwan pa nga sa ere ang kamay niya.Nakabihis na ito at handa na rin atang umuwi pero mukhang nagkaproblema sa damit na suot niya."What happened to your shirt? Why are you wet?" tanong ko habang sinisipat ang t-shirt na suot niya.Mukhang natapunan siya ng juice dahil ang kulay puting t-shirt niya ay nagkaroon ng dilaw na mantsa mula dibdib pababa."Can I come inside, Babe? I just want to change my shirt if it's fine with you. Sinauli ko na kasi ang susi doon sa caretaker."Alangan pa ang mukha niya nung sabihin yun. Kahit naman kasi close kami ni Brenan hindi ito basta nalang pumapasok sa silid ko ng hindi nagpapaalam. He always respects my privacy and he's a true gentleman. Kelanman hindi ito naging bastos sa akin."But if your uncomfortable, it's fine—""No problem, Bre, it's okay with me. Come on, pasok ka." Nil
Dear Ezra Monique, my budding family lawyer,I know you have a lot of emotions running through you the time you will be reading this letter. The same feeling I felt when your lolo died, but I was much older at the time that I I know life is like this. Life happens and so is death, so I really can't begin to truly comprehend what you are feeling, apo. Ezra, want to tell you that I am so incredibly sorry that I had to die while you are so young. I did absolutely everything I could to stay alive for as long as possible. But my battle has to end here. I wish I could extend more because I really want to see you reach your dream. I want to see my Ezra Monique in the court room defending her clients, fighting a battle that a good lawyer does.I am incredibly proud of you for everything you have done in your life. I will be watching over you every day to see what new and exciting things you will accomplish. I will be watching over you all the time, or at least I hope I can still let you fe
"Ezra Monique! Wake up! What the hell are you doing with your life, you brat!?"Ano ba naman yan galit na naman si Dad? He must be so mad at me dahil kahit sa panaginip ko sinisigawan niya pa rin ako. Tama nga ang hinala ko kagabi, plastikan lang yung kabaitang pinakita niya sa mga kasosoyo niya sa negosyo.Akala ko pa naman sincere na yung pagiging proud niya sa akin. Yun pala parte lang ng pag-arte niya. Hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan kung bakit mainit ang ulo ni Dad sa akin. Is it because my lola left me everything? I wasn't expecting all than in the first place. Hindi naman ako pumuntang Italy para alagaan siya dahil after ako sa kayamanan niya. Wala akong balak na angkinin lahat ng yun, ni hindi ko pinakialaman. Kapag naging abugada na ako, ako mismo ang maghati-hati sa kayamanang iniwan ni Lola sa akin at ibibigay ko sa mga anak niya. I will divide it fair and equal among my tito's and tita's. Hindi ko din ibibigay lahat kay Dad kahit na siya pa ang panganay."I'm
"I DISOWN YOU. Leave and disappear." Dad's voice is like a thunder that strike directly to my heart. I was hoping that Mom would counter what he said but that didn't happen. When I looked at them, they all look at me like they were disgusted. I was about to stand but someone stopped me. "Stay." He said, holding my wrist. I looked at him. I couldn't read any emotion in his eyes but I can feel the danger inside it. It's just a one word coming from him but it silence everyone. He's jaw was clenching when he look at my family one by one. Ate Ehra looked shock, lalo na ng makita niya ang paghawak ni Tristan sa palapulsuhan ko. The way he held my wrist, it's like he's holding his possession that no one can take away from him. Hindi ito masikip ngunit hindi rin maluwang na madali kong kalasin. Gulat ang mukha nilang tatlo. Kahit ako nagulat din. I didn't expect him to do that since he was just silent from the start. I saw Dad's jaw clenched and mom started throwing daggers at me. "I
"Do you wanna hear my side Attorney?" she I asked but I didn't answer. No need to hear your side baby. I know everything. She needed to go out from here. That's what Nate instructed me to do."Oh well, I don't think there's a need to defend my side here. I presumed innocent until proven guilty but I think I already have a verdict." she said with pain in her voice but she managed to look at me straight. "I rest my case." then she ran outside. That's it baby. Run! You need to run away and save your life. "Go and find her, Baby. Bring her back here or else... you know what will happen to her. My men are everywhere." she whispered when I stood up.She formed her hand like a gun and showed it to me. "Or else...Goodbye, Angel? Bang! " she made a fake sound and then blow the tip of her hand then smiled at me evilly."You'll pay for this." I said ang held her neck tightly, choking her but she smiled at me even more. "Go. on. Baby...before it's too late." She said patting my arms with her
"Gusto mo starbucks, hottorney? Papabili akong kape. Cookies? Sandwhich? Anong gusto mong kainin? Sabihin mo lang support ka namin." It's Guerrero, non-stop talking again. Kanina niya pa ako kinukulit ng kung ano-ano. Ang kaninang tahimik na presinto ay naging magulo ng isa-isang dumating ang mga gagong kaibigan ko courtesy of none other than, Gaden Montenegro na dakilang chismoso. I warned him not tell them, nagpromise pa ang gago na hindi. Pasumpa-sumpa pa gamit kaliwang kamay niya yun pala hindi umabot na sampung minuto nagsidatingan na ang mga gago. Tapos ang Montenegro deny to death pa, ayaw amining siya ang nagsabi. "May karenderia sa tapat, ano gusto mo hottorney? Kaldereta, bulalo, menudo, afritada, adobo? ahmmm mukhang may lechon din doon, gusto mo bilhin ko buo o isang kilo lang?" pangungulit niya ulit. Hindi ako gutom at wala akong balak kumain. Si William na kanina pa nagungulit ay may pakain na sa labas kaya ako naman ngayon ang kinukulit niya.I don't know if I will
"Kita mo yan, Dude? Tangna ang lagkit ng tingin ni Kano kay baby girl oh! Woah! Kung ako yan, binigwasan ko na yan. O 'tamo." tinulak niya balikat ko. " Lumapit pa talaga kay baby girl. Hindi na kailangan yun brute, alam na ni baby girl yung mga pose niya."Kumukulo na ang dugo ko sa sobrang selos pero pinapakulo pa lalo ni William dahil sa mga sulsol niya sa akin. Andito kami ngayon sa resort kung saan may photoshoot si Monique. Nasa isang parte kami ng resthouse kung saan kita mula dito sa pwesto namin ang ginagawa ni Monique sa tabing dagat. Lima kaming magkasama ngayon para isakatuparan ang planong pamimikot ko kay Monique. Sinamahan ako nina Guerrero, Montenegro, Sarmiento at ang promotor na si Devon pangit. Wala ang iba dahil may iba ring lakad. Si Dela Vega ang naghatid sa amin dito at siya ding kukuha sa amin pauwi. Pero wala si gago ngayon, ayaw niya daw sumama kasi inaantok siya. Bwesit lang diba? Pero di bale, libre pamasahe naman. Perks of having a pilot billionaire fri
"I'm talking to you as a friend not as your employee. After this, you can fire me if you want. Hindi tama ang ginawa mo sa bata. You judged her without even knowing the truth behind. Your words are too much, she doesn't deserve that. "I didn't say anything. I remained quiet looking at the papers in my table. I know I made the biggest mistake of my life when I judged her without even asking. I made the wrong judgement, nagpadala ako sa selos ng hindi ko man lang siya tinatanong. To think na wala naman akong karapatang magselos sa kanya. She can do whatever she wants because that's her life. But because of my poor judgement and hot temper I said words that I'm not supposed to say. I want to take back all the words that I said. It's been a week and I'm following her everyday but she's obviously avoiding me. Kapag nakikita niya ako mabilis itong nagtatago. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Alam kong galit siya sa akin dahil kahit ako, galit din sa sarili ko. Such an ass
"Why are you not in the mood, Gelo? What's wrong?"Who wouldn't be? I'm already annoyed in the office dumagdag pa siya. I don't know how Ehra knew that I'm here in Z lounge tonight. Hindi ko nga sinabi sa mga kaibigan ko dahil gusto kong mapag-isa pero heto siya at nangungulit sa akin. I just want to have my peace pero hindi paman uminit ang pwet ko dito sa upuan ko ay heto na si Ehra nagsisimula ng mangulit sa akin. I don't know what's with her? Hindi ko naman siya kinakausap pero panay pa rin ang daldal niya. Her presence and her annoying mouth is starting to irritate me. I don't need a damn companion! I want to be alone. Yung ang gusto kong ipaabot sa kanya pero hindi niya ito makuha-kuha. So insenstive!"You can share it to me, Gelo. I'm willing to listen." marahan niyang pinaraanan ang kamay ko ng hinatuturo niya pataas sa aking braso. I flinched at that she did.Bigla pakiramdam ko nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan kaya pasimple kong tinanggal ang daliri niya doon.
I don't know if asking her that day, if I can eat her cookies is a bad thing or not. Dahil simula ng araw na yun, Monique became extra clingy, extra makulit at extra ang pagkaligalig. To the extent that she almost spend the rest of her free times with me.Sa tuwing wala itong pasok, sa opisina ko ito tumatambay. Naging routine niya ang pagtambay at pagdala ng kung ano-anong niluluto niya. She became close with my employees, dahil magaling mambola ang bata. Binibigyan niya din ng ang mga empleyado ko ng mga niluluto niya. Amethyst, my secretary is so fond of her. Magkasundo silang dalawa dahil ilang taon lang din naman ang layo ng edad nila. Kapag nasa opisina ko si Monique may kakaibang dala yung presensya niya. Her presence made everything light. Parang kapag andyan siya kahit anong bigat ng araw ko, napapagaan niya. Lalo na kapag kinukulit niya na ako. Madalas ay dala niya ang paboritong gitarang regalo daw ng lola niya. Doon ito tumutugtog at walang pakialam kung may nakakarinig
"Wow! Gwapo naman ng anak ko na yan..."Maaga pa lang malawak na ang ngiti ni Mommy. She and the house helper are cooking something pero ng makita niya ako ay iniwan niya ang mga ito para makipakulitan sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap at halik. Hindi lang halik na halik, pinugpog niya ng halik ang buong mukha ko like she use to do when I was still small.At the age of 24, I'm still living with my parents. I have my own condo unit. I am running my own business but still I am living with them. Nalulungkot kasi ako kapag tumatawag sa akin si Mom at sinasabi niyang nalulungkot siya sa bahay. I am the only son. Nakunan si Mom nung pinagbuntis niya ang kasunod ko that almost cost her life. Sa sobrang takot ni Dad na mawala si Mom sa kanya hindi na sila sumubok ulit. So I grew up being alone too. But it's okay, I'm happy with our family. Andyan naman ang mga kasama namin sa bahay. Minsan dinadala nila ang mga anak nila para may kalaro ako. Our house is huge, and quiet. Naging maingay
Angelo's POV"What is this?" I asked Ehra, when she handed me a birthday invitation. Nabanggit niya na ito sa akin noong nakaraan pero hindi ko lang pinansin dahil wala naman akong balak na um-attend. Tsaka hindi niya naman birthday kundi sa nakababata niyang kapatid. Ehra is a friend. She's the daughter of one of my dad's business partner. We went to the same university. She's famous not only because she's pretty but she's also smart. "That's an invitation for my sister's birthday. The one I told you last time." She answered and I frowned.I don't really have plan to attend. Una, hindi ko naman kilala ang kapatid niya. Though she mentioned her to me before. Pangalawa, anong gagawin ko dun? Her sister is younger, so children's party perhaps? What I will do? Play with the kids?"Please Gelo, I assure you, you will not be bored. I also invited some of our friends. You can bring your friends too para mas madami, mas masaya. You promised me before na babawi ka, you didn't attend my bir
The saddest part. Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of The Billionaire's Wife, Avangers! Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan kiligan, warakan at bakbakan ni Keps at Eight! Hahaha.Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Hottorney Tristan Angelo at Atty. Ezra Monique. Ang ating Power couple!Daghang Salamat sa inyong tanan!'Til my next story. Amping ta!Follow me on f*: LadyAVA WPtwitter: LadyAva16tiktok: LadyAva16__________________________________Sa buhay, minsan kailangan nating dumain sa dilim dahil masyado na tayong komportable sa maliwanag. Minsan kailangan nating masaktan para matuto tayong lumaban. Pero hanggang kailan ba ako lalaban? Hanggang kailang ba ako susubukin ng tadhana? Pagod na pagod na ako. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Pakiramdaman ko lahat ng mga taong napalapit sa akin ay nasisira ang buhay. Palagi na lang may nakabuntot na malas. My heart hammered painfully habang nakatit