Hahanga na sana ako ng tuluyan! Napalingon-lingon ako kung saan-saan para hanapin baka mamaya ay may hidden camera dito!Baka kaya dito niya ako pinagpapalit?! "9th floor? Hindi ba't si Sir Peroramas lang ang nandoon sa level na iyon?""Baka bagong babae na naman. Babaero raw talaga kasi 'yun. Ganun talaga kapag mayaman!""Nung nakaraan lang may kasamang babae rin si Sir Peroramas pero sa kabilang elevator sila sumakay." Biglang pumasok sa isip ko ang mga pinagsasabi ng mga staff sa Condominium nung unang punta ko doon. Hindi kaya totoo na babaero talaga si Stefan?! Ayaw ko na! Hindi na ako magpapalit ng damit! Wait—speaking of damit! Tiningnan ko ang damit na iniabot niya sa akin at doon lalong lumaki ang mata ko! Sweatshirt at jogging pants?!Napakatakip na lamang ako sa aking bibig! Hindi na nagbago na ang isip ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla itong bumukas. Sh*t! Naririnig ba niya ang nasa isip ko? “Why are you taking so long to change?” Mahinahong tanong niya
Hindi pa rin ako makagalaw. Ni buksan ko ang aking bibig para sumagot ay hindi ko yata kaya!“You really want me to do it, huh?” Bulong niya muli, tumaas ang mga balahibo ko sa ginawa niyang pagbulong sa akin. Sobrang lapit ng kanyang labi sa aking tainga dahilan kung bakit ako bahagyang nakiliti. Nilapit niya ang mukha niya sa akin, nasa gilid ko lang siya at hindi ko matingnan ang mga mata niya tanging nakikita ko lang siya sa aking peripheral vision. “M-Malamig kasi sa ano, sa labas!” Nautal pa ako ng magsalita ako. Makakalabas pa kaya ako ng buhay sa mansyong ito?!Hinawakan niya ang balikat ko kaya naman lumayo ako ng bahagya sa kanya. “Anong ginagawa mo?!” At sa wakas nakaya ko ring magsalita! “Tsk.” Ngumisi pa siya at biglang naging seryoso ang tingin niya sa akin, “why? Do you like him?!” Inis niyang tanong sa akin. “Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?!” Inis ko ring tanong sa kanya. “Who knows? Is this your other motive?” “Motive?!”“Yeah? That’s why it’s easy for
Napakamot na lamang ako sa aking ulo, “sorry po!” Naku po! Nakakahiya! Lumapit sa akin si Stefan at hinawakan ang kamay ko, “you’re so adorable, babe!” Nilagpasan namin ang kanyang Tito without saying goodbye. “What a shameless son.” Mahina ngunit rinig na rinig kong sabi ng kanyang Tito dahil hindi pa naman kami nakakalayo masyado. Tumigil ako pero naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Stefan sa aking kamay. “Hayaan mo lang siya.” Malayo ang tingin niya, siguro ay malalim ang iniisip niya. Hinila niya ako ng maingat hanggang sa makahanap kami ng table na bakante. “I’ll get some foods.” “Ayaw mo bang samahan kita?” “No, hintayin mo na lang ako dito.” Hindi na ako sumagot pa at umalis na siya. Pasimple kong tinitingnan si Tita Naomi na ngayon ay nag-uusap sila ng Tito ni Stefan. Based sa mga expression ng mga mukha nila mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Para bang ang komplikado ng buhay ni Stefan kahit na mayaman siya may ganito pa palang nangyayari sa buhay niya.
Two weeks na ang nakalipas after ng reunion nila. So far, masasabi kong naging mas close kami ni Stefan after that night, mas naging komportable. Kahit papaano ay nagiging open na siya sa akin kahit kaming dalawa lang. At ayun naman ang gusto kong mangyari.“Anong oras tayo aalis? O-Okay lang ba kung mamaya na lang?” Tanong ni Stefan. Aalis kasi kami ngayon dahil bibili kaming baon ni Raya, nakita kasi ni Raya ‘yung kaklase niya may baon na mga snacks kaya nag request siya na gusto niya rin iyon. Doon na rin siya nakatira sa mansyon nila Stefan dahil iyon ang kagustuhan ni Tita Naomi para naman daw may kasama siya. Nung una ay nag aalangan pa ako dahil kilala ko ang kapatid ko lalo na kung mawala it sa mood o bigla na lang mainis o kung ano pa man na hindi pa nakikita ni Tita. Pero she still insist na okay lang. Kaya hindi na ako tumutol pa lalo na nakita ko rin kay Raya na gusto niya rin siguro ay talagang naghahanap siya ng alaga ng isang ina. Kitang-kita ko pa ang saya sa kany
Binabalik ko lahat ng halik na binibigay niya sa akin. Hinawakan pa niya ang batok ko para alalayan ito. Hahawak sana ako sa kanyang likuran ng bigla kaming maghiwalay dahil sa gulat ng mag ring ang cellphone niya. “F*ck! I-I’m sorry.” Sabi niya at napahilamos pa siya sa kanyang mukha. Tarantang nilapitan ang cellphone na tumutunog. Habang ako ito nakatulala lang habang sinusundan siya sa mga gagawin niya. Hindi pa masyadong pumapasok sa isip ko ang ginawa namin ang alam ko lang ay… this time, ramdam ko ang pagiging sincere niya sa ginawa niyang paghalik sa akin. Nung unang pagkikita namin siya pa ang nagtanong sa akin kung inaalala ko ba na baka mahulog siya sa akin. Hindi kaya nahulog na siya sa akin? Sa ilang linggo naming magkasama, aaminin kong talagang kumpirmado ko ng nahulog na ako ng tuluyan sa kanya. Dapat ko bang ipaalam sa kanya o mas mabuti pang hintayin ko na lang siyang mauna?“C-Cerise?!” Napalingon ako ng banggitin niya ang pangalan na ‘yun nang sagutin niya ang
“Bakit ako ang magsasabi? Bakit hindi na lang ikaw?” Tumingin ako sa kanya, kahit pa nahihirapan ako dahil nakatingala ako habang naglalakad kami, pinilit ko pa rin hulihin ang reaksyon niya. “What—”“Bakit kailangan ako? I mean bakit hindi na lang ikaw ang magsabi kay Tita na hindi mo naman pala talaga ako minahal?” Inirapan ko siya at tinanggal ko ang magkahawak naming kamay. Nauna na akong maglakad sa aming dalawa, “hindi pwedeng ako ang magsasabi—”Hindi ko ulit siya pinatapos magsalita. “Eh, ‘di kung hindi mo kayang sabihin, walang magsasabi.” I smirked when I say this. “Or… bakit kaya hindi na lang si Cerise ang utusan mo? Sabihin niya tunay at tapat naman kayong nagmamahalan na dalawa.” Hinawakan niya ako sa aking braso. Buong lakas ko siyang hinarap, “Stefan. Hindi ba pwedeng maglaho na lang ako bigla? Bakit kailangan ko pang mag explain kung bakit tayo naghiwalay?” “Kasi in that way mapapadali ang pagpapakilala ko kay Cerise!” Pasigaw na niyang salita sa akin. Napaling
Kahit pa hindi ko siya maintindihan at hindi ko kilala kung sino ang babaeng binabanggit niya ay nakinig pa rin ako ng maigi sa kanya. Tiningnan niya ako at kitang-kita ko sa mga mata niya ang hirap at sakit. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang palad niya, nanginginig pa ito pero he managed to wipe my tears. “Aren’t you scared of me?” “Bakit naman ako matatakot sa’yo?” Kunot-noo kong tanong sa kanya. “What if malaman mong my dad killed someone? And what if you knew that I was with him that time?” He seriously asked me. To be honest, hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya. Okay lang ba ang tamang sagot? Pero ang tanong, okay lang ba talaga sa akin? Okay lang ba para hindi siya masaktan at hindi na makadagdag pa sa sakit na nararamdaman niya? “O-Okay lang— I mean, hindi mo naman siguro inutusan ang dad mo sa ginawa niya. Hindi mo rin naman kasalanan ‘yung ginawa niya. Kasama ka lang niya but it doesn’t mean you did it… too.” Pero ang totoo kinakabahan ako sa tanon
Nakalagay sa gilid ng mukha na iginuhit niya ang pangalan na nakasulat sa malalaking titik sa ilalim naman nun ay ang edad. ELIAM7 years old“Eliam?” Tanong kong bigla na dapat sa sarili ko lamang. “Calliste first love!” Masayang sabi pa niya at may mapanuksong tingin pa siya sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa drawing ni Ate Raya. His eyes…Pumikit ako ng mariin at doon para akong bumalik sa nakaraan kung saan naalala ko lahat ng masasayang memories naming dalawa. Siya ang last dance ko noong 7th birthday ko. Ang pamilya namin ay malapit sa isa’t-isa na para kaming mag kamag-anak dahil hindi pwedeng hindi kasama ang pamilya namin sa tuwing may mga gatherings sila. Minsan pa nga pupunta ako sa kanila para lang manuod ng Teen Titans kasi boring manuod mag-isa. Sabi pa nga ng parents namin ay pinanganak kami sa parehas na year kaya para kaming kambal ni Eliam. ‘Yun nga lang, ako kasi masungit at vocal habang siya naman ay pinipiplit maging matapang pero soft-hearted siya. Pero i
I will never forget what happened last night. Lasing na lasing ako pero hindi ako pinabayaan ni Miguel. Dumaan muna kami sa isang sikat na coffee shop para bilhan ako ng brewed coffee para raw kahit papaano ay mahimasmasan ako.He took care of me and narealize kong siya lang ang gumawa sa'kin ng ganun. Hindi niya ako iniwan hangga't hindi pa ako okay. Hindi ko mapigilan ang pagkumpara kay Timo sakaniya. He's really a gentleman.Nakatingala lang ako ngayon sa ceiling ng aking kwarto and then I remember what he said bago niya ako tanungin kung saan ko gustong pumunta. ."You can't decide just what you want to do, Addi!" Alam kong naiirita na siya sa'kin dahil hindi ako umiimik sa mga pangaral niya sa'kin. May halong diin pa ang salita niya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Hindi mo pwedeng piliin ang none of the above kung may tamang sagot sa multiple choice!" Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil nahihiya ako sa mga kagagahan ko."What if kung wala ako? I know I'm a little bit too
Nagpalit ako ng pajama at loose shirt. Tumambay muna ako sa sala gaya ng sinabi niya hindi muna ako pumasok sa kwarto ko.Nanunuod lang ako ng series ng dumating na ang gagawa at magpapalit ng pintuan ko.Hindi rin nagtagal ay natapos na nila."Addi, come here." ani ni Miguel."Wait!" pinatay ko ang T.V. at lumapit na sakaniya."Set your password"Ginawa ko naman ang sinabi niya, nag set ako ng password. Which is birth date ko pero inuna ko ang day bago ang month. Hindi ko napansin na nakatingin pala siya. Tsk. Pero huli na, nakita na niya ang password ko."Don't worry, papasukin lang kita kapag hindi ka ulit sumagot. Don't you dare to do it again!" he said and he left, again!What's happening to him? Acting like my bf huh!Pumasok ako ng unit ko, and as usual wala nanaman akong ginagawa pero ngayon ko lang narealize na maayos na pala at wala na pala talaga akong aayusin.Pumunta ako ng kwarto ko dahil parang may parte sa kaloob-looban ko na gusto kong matulog. Ibinagsak ko ang sarili
Kunot noo kong tinitigan ang wine glass na nasa harapan ko. "Ahhhhh!" sigaw ko.Buhat yata kagabi pag-uwi ko ay panay singhal at sigaw nalang ang ginawa ko.After that party. Pinipilit ako ni Mommy na mag stay muna sa bahay pero hindi ako pumayag. Dahil una, ayaw kong malaman pa nila ang nangyayari sa'kin, pangalawa hindi rin ako makakahinga ng maayos dahil sa tensyon sa pagitan namin ni Dad.Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Kinsley sa'kin kagabi.Namumuo ang kaniyang luhang nakatingin ng diretso sa'king mga mata. "I heard everything from Oli, I'm sorry." Niyapos niya ako ng mahigpit. "I'm sorry, I know it's hard for you kasi akala mo siguro maiipit ako sainyong dalawa" Hindi ko na din napigilan pa ang aking mga luha dahil sa ginawa niyang pag yakap sa'kin. "Pero no, I got mad at Olivia because she did nothing to stop her sister. She even supports them." Tinapik-tapik niya ang aking likuran."I'm sorry, I-It's not because I don't trust you but I just don't want to add my problems
Kinakabahan ako.Hindi nagtagal nakarating na din kami sa Blue gardens. Bumaba ako sa likod kung saan hindi ako makikita ng mga bisita.Wala akong practice practice sa gagawin na program bahala na mamaya."Good evening everyone! Welcome to Blue Gardens! We celebrate a wonderful life for a girl who is now turning into a fine lady. All of you who are here tonight have watched her grow over the years into the wonderful person she is now. As a jumpstart, let us all welcome and acknowledge the ever supportive and loving family of our debutant Mr. Frederick Smith, CEO of Smith Corporation with her loving wife Ms. Amelia Smith" rinig kong sabi ng emcee.Hindi ko na masundan ang mga sinasabi niya. Nagulat nalang ako ng biglang buksan ni Stefan ang pintuan kung saan ako naghihintay para sa grand entrance ko.Iniabot niya sa akin ang bouquet ng white roses at dinampian niya ako ng halik sa aking noo.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri niyang mabuti ang aking itsura. "I to
Sikat ng araw ang tumatama sa aking mukha ng magising ako.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. "Happiest Birthday, Self" sabi ko sa sarili ko. "Ang wish ko sayo, sana maging matapang kana this time! Kaya ba natin yon?! Syempre! Kaya natin yon!" pahabol ko pa at binigyan ko ng isang mahigpit na yakap ang aking sarili.Hinanap ko ang cellphone ko, hindi ko na kasi inabala pa ang sarili kong icharge o ilagay man lang sa side table ko ang phone ko kagabi.Nasa tabi ito ng surfboard pillow ko ng makita ko ito. "hayy, kahit hindi ako mahal ng nagbigay sayo, basta ako aalagaan pa din kita" sabi ko ng kunin ko ang phone ko at ang surfboard pillow ko.Eleven percent nalang ang battery ng phone ko, meaning kailangan ko na siyang icharge. Napansin kong madami ng bumati sa akin pero ni isa wala akong binuksan na mensahe.Palabas na sana ako ng kwarto ko ng may nag doorbell sa unit ko. Agad naman akong tumakbo dahil baka si Stefan yun at madatnan pa siya nila Dad, mayamaya din kasi papunta
"Why? Is there something wrong??" pag-aalala kong tanong sakaniya."I-It's Mom" utal niyang saad sa akin. "Don't worry... So... Do you like it??" He's referring to the surfboard."SUPER! I've been planning to surf nga after the first semester but I remember naiwan ko yung surfboard ko sa Elyu last year!" bahagya naman akong nalungkot dahil bigay pa sakin yun ni Lola."I know, kaya plinano ko talagang after ng exams natin ko ibibigay" Lumapit siya sa lalaking mukhang may ari ng shop na ito. "Bro! This is Addi the one who owns that name" sabay turo niya sa surboard na nakadantay lang sa pader ng shop. "Addi, this is Geoff he's a swimmer too" ahh kaya pala sila nagkakilala."Ohh! Ikaw pala si Addi, nice to meet you!" sabay lahad niya ng kanang kamay. Abot tainga ang aking ngiti ng tanggapin ko ito. "You know what? Kinukulit ako ng kinukulit nitong si Stefanthy" sabay tapik niya sa balikat ni Stefan. "Gusto niya daw before birthday mo magawa na, kaya tomorrow I'll just send it to your bir
Ang bilis ng araw parang nung nakaraan lang eh ayaw kong pumayag sa party na gaganapin sa debut ko. Tapos eto, bukas na agad iyon.Naging magkaibigan nga talaga kami ni Migs. Nag open siya sa akin nung araw din na nagpakilala siya dahil gusto daw niyang marinig ang side ng babae.Nalaman ko din sakaniyang pinipilit din pala siya ng parents niya sa taong ayaw niya. sa kasal na hindi niya pinangarap. Parehas pala kami. Kaya biniro ko siya nun, na baka mamaya siya pala yung pinipilit din sa akin nila Dad. hahaha hindi pa din daw niya namemeet yung babae parehas kami hindi ko pCallisten namemeet yung guy. Wala din siyang idea sa family name. Kaya kung siya man iyong binabanggit ni Dad mukhang hindi naman siya mahirap pakisamahan. hahahakidding aside...Hindi ako mapakali, habang nakaupo ako sa couch dito sa living room ng unit ko. Pinagmamasdan kong mabuti ang kumikinang kinang na silver sequin gown sa aking harapan. Sinabi ko kay Mom na ayaw kong masyadong magarbo ang isusuot ko. Bukod
Wala ka ba talagang alam? Wala ka bang sasabihin o bibigyang linaw? Ayan ang mga bagay na gusto kong itanong ngunit wala akong lakas ng loob. Kaya ko pa... magbulag-bulagan.Nang maaninag ko na ang building ng Condo na tinutuluyan ko ay umayos ako ng pagkakaupo at hinarap ko siya ng nakangiti."Uhh thanks for today, masama lang pakiramdam ko, I guess malapit na 'ko mag red days""You sure?""Yeah, bakit may iba pa bang reason para mawala ako sa mood?" hindi ko na napigilan ang maging sarcastic, kaya tinignan ko siya ng seryoso, kitang kita ko sakaniyang mga mata ang gulat sa naging tanong ko. "hayy nako babe, 'wag kana nga mag-isip pa ng kung ano. Okay lang ako, masama lang talaga pakiramdam ko" nakangiting sabi ko sakaniya."O-okay... If you say so, I'll just text you when I-I got home. okay?" kabadong sagot niya saakin.Ngiti lang ang sinagot ko sakaniya.Lumapit siya sa akin, he kissed me on my forehead.Pumikit ako ng mariin ng halikan niya ako sa aking noo. Kung hindi siguro ako
Ilang araw na din ang lumipas matapos mangyari ang eksenang 'yon."Thank God! Tapos na natin ang semester na 'to sigurado akong uno ka nanaman..." hindi ko na masundan ang sinasabi ni Calliste saakin, para bang isang bulong nalang ito dahil lumilipad ang isip ko sa ibang bagay.Hangga't wala akong nakikita o naririnig na bagay na makakapag pagising saakin sa katotoohanan ng realidad hindi ko pipilitin, hahayaan kong panahon ang gumawa nito para saakin."Addi?""Hey? Addi!" sigaw na tawag sakin ni Calliste, kasalukuyang nga pala kaming nasa Espresso Cafe. "Are you with me?" ani niya."U-uh yeah" tipid kong sagot."How's Tito nga pala?""Ayun kinukulit nanaman ako, okay naman ang business namin. Pero hindi ko alam sakanila bakit nila ako pinipilit sa 'di ko gustong gawin." totoo naman... Daddy's girl ako pero dahil sa ginagawa nila saakin ni Mommy para bang nagsisimula ng lumayo ang loob ko sakanila.Kunot noo naman akong binalingan ni Calliste. "I feel you, ganyan na ganyan din sila sa