ISANAKUHA ko ang atensyon ng mga tao sa sandaling humakbang ako pababa ng enggrandeng hagdan ng malawak na ballroom ng mansion ng mga Buenaventura. Bukod tangi ang ballgown na suot ko kaya agaw-pansin ito sa lahat ng naroon. Ang sabi ni inay, sadya nila itong ipinagawa sa isang sikat na designer mula pa sa Italy. At si Mrs. Buenaventura, bilang isang kilalang designer mismo dito sa Pilipinas, alam kong maaagaw nito ang kaniyang pansin.Malakas ang pagkabog ng dibdib ko habang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Taas-noo akong naglalakad subalit ang puso ko, para nang nakikipagkarera sa mga kabayo dahil sa bilis ng tibok.Hindi ako sanay sa mga party, lalo na sa ganitong pagdaraos na puro kilalang tao ang mga imbitado. Ang alam ko ay kilala sa showbiz industry ang karamihan sa mga nandito, ang iba pa raw ay mga politiko."Welcome!"Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang babaeng papalapit sa akin habang may malaking ngiti sa mga labi. Nakilala ko agad ito dahil wala siyang suot n
ISAAGAD kong kinompronta si Inay nang makabalik ako ng mansion. Naghihintay silang lahat sa malawak na living room. Siya, si Manang Trinidad at ang head ng security niya, si Tan."Inay, ikaw ba ang may kagagawan no'n?""Someone from the party told me about what happened but no. It's not me, anak."Naguluhan ako sa narinig. "Kung hindi ikaw ang may kagagawan tungkol sa video, sino ang may gawa no'n? Sino pa ang nakakaalam tungkol sa infidelity ni Gwen?"Tumayo siya at lumapit sa akin. "I don't know.""Ang sabi mo, may pinaplano ka? Sigurado ka bang hindi mo ito kagagawan?""Hindi ito ang tinutukoy kong plano ko. Balak kong bilhin ang palabas ni Director Buenaventura. I want to cancel it, at pumayag na siya sa halagang napag-usapan namin. Pero ito? Hindi ako ang may gawa ng tungkol sa video. Hindi ba't mas makabubuti ito, anak? Masisira ang imahe ni Gwen sa lahat.""Pero, inay, si Uno... "Natigilan siya sa narinig. Oo, nag-aalala ako kay Uno higit sa kanino man. Iniwan ko na siya sa a
UNOBIGLANG bumukas ang pintuan ng mansion at pumasok ang isang dalagitang nakasuot ng pink na damit. Lahat ng palamuti sa katawan nito ay kulay rosas, maging ang suot na sapatos at dalang bag."Ate!" parang bata na tinawag nito si Gwen at mabilis na nilapitan."Yuji? What are you doing here?""Ate, na-watch mo na ba ang video scandal mo? It's all over the internet, oh! Look!"Mabilis na nalukot ang mukha ni Gwen sa sinabi ng kapatid niya. Inagaw nito ang cellphone na hawak ni Yuji at pinanonood ang sinasabi nitong video."What scandal are you talking about?" Pumasok sa living room si Mama at nilapitan sina Gwen at Yuji.Ako man ay dinukot na rin ang cellphone sa loob ng bulsa ko para makita ang video na tinutukoy nito."What's this? Oh my God! Gwen, paano mo nagawa ito! Paano ka nagkaroon ng ganitong kalaswang video!"Biglang nabitiwan ni Gwen ang hawak niyang cellphone. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag."Ate, my phone! Look what you did! Because of you, its basag na!""Get out of h
ISANAKAUPO ako sa harap ng fish pond habang pinapanood maglaro sa damuhan si Heart. Maraming nagkalat na laruan sa paligid niya. Lahat ay binili ni Inay para sa kaniya."Anak, halika." Patakbo siyang lumapit sa akin. Pinunasan ko ang pawis niya bago siya sinubuan ng paborito niyang fruit salad. "Enjoy ka ba?""Opo, nay-nay! Ang daming laruan! Ang ganda dito!" tuwang-tuwa siya habang sinasabi ang mga iyon."May gusto ka pa bang bilhin natin, anak ko?"Umiling siya sa akin nang may ngiti pa rin sa mukha. "Wala na, nay-nay! Nandito na lahat!"Tumango ako at kinarga siya para paupuin sa kandungan ko. Ngayon ko lang nakita na naging ganito kasaya si Heart. Sayang lang dahil kailangan namin maghiwalay nang panandalian."Mayaman na tayo, anak. Mabibili ko na ang lahat ng gusto mo. Wala nang aapi sa atin at makakapaghiganti na tayo sa mga taong nagbigay sa atin ng pagdurusa.""Nay-nay." Inosente ang mga matang tumingin siya sa akin. Halata sa mukha niya na hindi niya naintindihan ang mga sin
ISAHawak ko ang kamay ni Dos at kulang na lang, magmakaawa. Nakatingin siya sa akin nang may pag-aalinlangan sa mga mata. Sa huli, pinili niyang tumango na nagbigay kampante sa akin."Don't worry, I won't tell anyone. You can trust me."Nakagat ko ang labi ko at mariin na pumikit. "Salamat.""She looks a lot like him.""Him?""Yeah, ang anak mo. Kamukhang-kamukha niya."Bahagya akong ngumiti. "Kamukha ni Uno?""Ni Uno at ni Alas. Let me guess, twins?"Huminga ako nang malalim saka tumango. Minabuti kong baguhin ang usapan upang hindi na siya magtanong pa."Dos, iyong tungkol sa video.""What about it?""Ikaw ba ang kumuha ng no'n?"Tumango siya na ikinatigil ko. "Yeah, naisip namin i-record ang bagay na iyon, but the video got leaked. Galit ka ba sa akin?""Bakit naman ako magagalit sa iyo?""Well, she's Uno's wife, and I banged her.""Anong kinalaman no'n sa akin?""You still love him.""Ha? B-bakit mo naman nasabi iyan?""Come on, Isa. It's pretty obvious, the way you talk about hi
ISALIHIM akong natuwa nang makita kung paano nabigla ang lahat sa paglabas ko. Maging si Uno ay napatayo habang nakatingin sa akin.Makalipas ang ilan sandali, nag-umpisang magpalakpakan ang ilan sa mga bisita, subalit natigilan ang lahat nang marinig ang malakas na boses ni Senyora Celestia."Anong ibig sabihin nito!" Galit itong tumayo habang nakatingin sa akin na para bang isa akong kriminal na nakakatas mula sa bilangguan.Nginisian ko siya."Celestia, what are you doing?""Ako dapat ang nagtatanong nyan sa iyo! Anong ginagawa ng muchacha na iyan dito!""Muchacha? I beg your pardon!""Guards? Guards! Kaladkarin n'yo ang babaeng iyan palabas! Walang karapatan ang isang hampas-lupa na dumalo sa party ko!" Pinagtuturo niya ako.Gusto kong matawa. Pinagmukha niya lang baliw ang sarili niya sa harap ng kaniyang mga bisita.Dumating ang mga gwardyang nagbabantay sa paligid, pero bago pa man makalapit ang mga ito sa amin, humarang na ang maraming tauhan ni Inay na pinangungunahan ni Tan
ISAHINDI maipinta ang mukha ni Senyora Celestia matapos kong sabihin sa kaniya ang kundisyon ko. At katulad ng inaasahan ko, naging hysterical na naman ito."Istupida! Nahihibang ka na kung inaakala mong luluhod ako sa iyo!"Ngumiti ako at agad na tumayo. "Well, wala pala tayong pinag-uusapan dito."Humarap ako kay Uno nang taas-noo. Alam kong may dahilan siya kung bakit pinapanigan niya si Senyora Celestia. Hindi ko man alam kung ano iyon, pero magtitiwala ako sa kaniya."Sige, dalhin natin ito sa korte, at ng lahat ng kasalanan at krimeng ginawa ng ina mo."Hindi sila nakaimik sa sinabi ko. Si Senyora Celestia ay parang nakalunok ng santol sa narinig.Muli ko silang nginitian bago tumalikod."Ano pang hinihintay n'yo? Narinig n'yo naman ang sinabi ng anak ko? Makakaalis na kayo!"***"Magaling, anak! Magaling ang ginawa mo kanina." Nilapitan ako ni Inay habang nakatayo ako sa valcony ng kuwarto ko at malayang pinagmamasdan ang malawak na kalupaan ng Hacienda Cavallaro.Hindi ako ma
ISAKulang pa! Kulang na kulang pa ang pagluhod para sa lahat ng nagawa niyang kasalanan. Gusto kong magdusa siya lalo at gumapang sa putikan!"Bakit ikaw lang? Kasama iyang dalawang nasa likuran mo!"Napatingin ako kay inay sa sinabi niya. Ang tinutukoy niya ay sina Gwen at Uno."What? Are you out of your freaking mind! Bakit ako luluhod sa iyo!" pagalit na siyaw ni Gwen."Kung hindi ka luluhod, makakaalis na kayo!""Baliw ka nang matanda ka!""Gwen, luhod!" natigilan si Gwen nang utusin iyon ni Uno.Hindi makapaniwalang tumingin ito kay Uno. "Pero Uno, I'm Gwen Harrison! Don't expect me to just kneel in front of anyone!""Sabihing luhod, Gwen!"Napaigtad si Gwen nang muli itong magtaas ng boses. Matagal siyang tumingin sa sariling asawa at napipilitang lumuhod sa semento. Ganoon na rin ang ginawa ni Uno.Nang-iinsultong tumawa si Inay. "Hindi sincere, pero puwede na. Now, stay like that for a couple of minutes. Babalikan ko kayo!""Ano!" sumigaw si Senyora Celestia. "Gusto mo kaming