Third person point of view"Okay! Bigyan mo ako ng isang araw at ihaharap ko sa iyo ang bangkay ng taong iyon." "Billy Ron, huh!" Komento ni Ruel. Ano kaya ang ginawa ng taong ito para ipapatay ng amo niya? Tanong niya sa kaniyang isipan.Tumayo na siya at lumabas sa coffee shop na pinagtatambayan niya.Habang nasa labas siya ng coffee shop ay nagtingin-tingin siya sa paligid ng mga mapunong lugar na pwede niyang tambayan ng walang makakapansin sa kaniya.Sa pag-gala ng mga mata niya ay isang mayabong na puno na may malalaking ugat ang na-ispatan niya.Muli pa siyang luminga sa paligid bago nagsimulang maglakad.Habang naglalakad siya ay tumunog ang cellphone niya.Kinuha niya iyon at binuksan ang mensahe na galing sa amo niya. Kalakip ng mensahe ay isang larawan ng makisig na lalaki. Mestizo ito at kulay ginto ang mga buhok maging ang mga mata nito ay hindi rin normal na makikita. Ginto ang kulay ng mga mata nito.BEEPPPP.......BEEEEEEP..........BEEEEEEP"NAGPAPAKAMATAY KA BA PVTA
Third person point of viewIlang segundong pinagmasdan ni Ruel ang natutulog na si Calixta, hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito na hindi anak ni Sullivan ang ipinagbubuntis nito pero ang magkasunod nitong sinabi ang talagang nagpapabagabag sa kaniya.Hindi basta-bastang kalaban ang mga Dela Constancia at Sullivan. Kilala ang mga pamilyang ito sa pagiging malupit."You sure are digging your own grave huh?" Nakangising tanong niya sa natutulog na amo. Napabuntong hininga siya at napatingala na animo'y tumatago ang mga mata sa bubong ng bahay. "Pero mas tanga ako dahil sarili kong libingan ang huhukayin ko para sa iyo, Calixta."Pagkatapos niyang magsalita kahit wala namang nakakarinig ay naglakad na siya palabas ng kwarto nito.Maingat na isinara niya ang pinto ng kwarto bago dire-diretso na naglakad palabas ng bahay nito."Digging my own grave, tch!" Sambit niya bago tuluyang umalis sa vicinity ng bahay nito.ONE WEEK LATER"Kailan natin pwedeng isagawa ang DNA Testing?" Tanong
Third person point of view"Ehem!"Napatigil sa masayang pagkakaladyaan si Connor at Florence ng makarinig sila ng malakas na pagtikhim.Sabay na napatingin si Florence at Connor sa dako na pinanggalingan ng tikhim at kaagad na napangiwi si Florence pagkakita sa isang hindi inaasahang bisita."Hanep din kayo maglandian akala ninyo wala kayong masasagasaang tao," komento nito habang dire-diretsong naglalakad papasok sa loob ng bahay nila Florence kahit na walang pahintulot."Hindi ka naman mukhang tao!" Ganting pasaring ni Florence.Kaagad naman nagngitngit sa galit ang unwanted visitor nila at masama siyang tinitigan."What did you just said!?" Galit na sikmat nito.Nagkibit balikat siya dahil hindi niya gustong ulitin ang sinabi niya."Hindi niyo ba tatanungin kung ano ang ginagawa ko dito?" Nakataas ang kilay at nakangising tanong nito.Ilang segundo niya pang pinagmasdan ang bisita nila bago niya inalis ang tingin dito at harapin si Connor na hanggang ngayon ay nakahiga sa mga hita
Third person point of view"Hindi pa tayo tapos Calixta! Siguraduhin mo na itatago mo ang sarili mo dahil hahanapin kita kahit saang impyerno kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko." -Connor SullivanPagdating nila sa hospital ay kaagad silang nilapitan ng mga nurse at inasikaso."Sir, kailangan ninyo na po na sumama sa amin para magamot na rin po kayo," sambit ng isa sa mga nurse na inutusan ng doctor para idala siya ng emergency room.Hindi niya pinansin ang nurse, nanatili siyang nakatingin sa pinto na pinagpasukan sa fiance niya.Puno ng kaba ang dibdib niya habang hinihintay na lumabas ang doctor na ilang oras ng nasa loob ng kwarto."Son, you need to go to the emergency," pakiusap ng Mommy niya.Kagaya ng ginawa niya sa nurse ay hindi niya pinansin ang magulang.Hindi ang mga ito ang magpapatinag sa kaniya, ang tanging magpapatinag lang sa kaniya ay kung malalaman niya na maayos ang kalagayan ng mag-ina niya."Sir, kailangan ninyo na pong sumama sa amin dahil baka tuluyan ng
Third person point of view"It's hard to lose someone you are excited about."-Connor Sullivan"Ano po ang ibig ninyong sabihin Doc Lucy?" Ang nuse ang nagtanong dahil hindi na niya makuhang magsalita.Nakatulala nalang siya sa Doctor habang hinihintay na sabihin nitong pagbibiro lang ang lahat. "She lost a lot of blood, therefore-!"BLAG!Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng Dooctor, padarag na binukas at isinara niya ang pinto.'She lost a lot of blood.''She lost a lot of blood.'No way!Paika-ika siyang naglakad pabalik sa pinagdalhan kay Florence habang pabalik-balik sa isipan niya ang mga binitawang salita ng doctor. Madiin ang pagkakakuyom ng kamao niya at nag-iigting ang panga niya. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng doctor dahil alam niyang malakas ang mag-ina niya at naniniwala siya na makakaligtas ang mga ito.Wala pa sa kalahatian papunta sa pinagdalhan kay Florence ang nalalakad niya ay pagod na pagod na siya."Damn this leg!" Mura niya. "Kung kailan kailangan k
Third person point of view"Hindi mo kasi ako pinatapos basta ka nalang umalis. Kaya hindi ko na kasalanan kung bakit umiyak ka." Puno ng pang-aasar na sambit nito.Kaagad na umigting ang panga niya dahil sa inis. Hindi niya matanggap ang reason nito na umalis siyang bigla, sa sobrang bagal niyang maglakad ay sigurado na kahit pagong kakayanin siyang abutan."Ang sabihin mo ay natutuwa ka na makita akong nagsa-suffer," pasaring niya."Totoo ka don." Seryosong sagot nito.Natigilan siya at napanganga. Hindi makapaniwala na tinignan niya ito, akala niya ay pagagaanin nito ang loob niya pero hindi pala."Tch!" Umingos nalang siya at sa halip na makipag-argumento pa dito ay hinarap niya nalang ang pinto ng kwarto na pinagdalhan kay Florence.Tahimik silang naghintay na lumabas ang mga doctor na nasa loob na hindi naman nagtagal dahil ilang minuto lang ang lumipas sa paghihintay nila ay bumukas ang pinto at magkakasunod na lumabas ang mga nurse.Malakas ang tahip ng dibdib niya habang hini
Third person point of viewNasa tapat na siya ng room kung saan ipinasok si Florence ay nakarini siya ng tawanan mula sa loob."You should have seen his face habang sinasabi ko na hindi na niya makikita ang anak ninyong dalawa! HAHAHA!" Dinig niyang sambit ni Doctor Lucy na dinugtungan ng nakakairitang tawa.Naikuyom niya ang kamay niya dahil hindi niya makita ang nakakatuwang bagay sa naramdaman niyang takot kanina.Pipihitin na sana niya ang doorknob ng mapatigil siya dahil sa mga kasunod pang mga salitang narinig niya."You are horrible Lucy, he must be worried," sambit ni Florence, bakas ng pag-aalala ang boses nito."You shouldn't do that Lucy, because that is not something na pwede mo gawing biro," dugtong naman ni Doctor Narca."Tch! Huwag niyo na akong pagtulungan, ginawa ko lang naman 'yon para malaman kung deserving ba siya para pagkatiwalaan namin, right Shin?" Sambit ni Doctor Lucy."And he pass," dugtong naman ni Doctor Narca.Dinig niya ang pagbungisngis ni Florence.How
Third person point of view"How long do you plan to punished yourself!?"Tamad na napatingin si Calixta kay Ruel. Napakunot ang noo niya dahil sa ipinapakita nitong galit."Punish myself?" Tanong niya. But her question intended for herself and not for him."Calixta, get a grip!" Singhal nito mula sa labas ng selda na kinaroroonan niya. Get a grip? Ano pa ba ang panghahawakan niya gayong nawala na sa kaniya ang lahat. "Keep on fighting Calixta, your lawyer is doing everything she can to help you out of this cell!" Sigaw nitong muli.Napatingin siya sa mga kamay nito na mahigpit na nakahawak sa rehas ng selda niya."Keep on fighting? Fighting for what?" Tanong niyang muli.Mula nung nangyari ang aksidente na iyon ay dito na siya sa kulungan nanatili. Hindi hinayaan ng mga magulang ni Florence na makaalis siya kahit na aksidente lang ang lahat. Hindi na nga niya alam kung ano ang hitsura ng labas. At wala na rin siyang pakialam.At sa loob ng isang linggo na iyon na pananatili niya s
Connor point of view"Bro, do you think may manggugulo pa sa kasal niyo ni Florence?" Tanong ni Alisson na nakatayo sa tabi niya."Yeah, I still can't recover from that past incident," tugon naman ni Arisson.Nakangiti siyang umiling bilang sagot sa naging tanong ni Alisson ng hindi inaalis ang tingin sa bukana ng simbahan kung saan nakatayo at naghahanda ng maglakad papasok ng simbahan nag mapapangasawa niya.Sino ba ang makakalimot sa nangyaring insidente na iyon? Noong mga panahong iyon ay akala niya mawawala na ng tuluyan si Florence sa kaniya, habang papunta sila ng hospital ay doon niya unang naramdaman ang kahinaan dahil sa pagkakasaksi niya kung paano dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Florence. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tahimik na magdasal na bigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila."Bro!" Pasigaw na sambit ni Arisson.Napatingin siya dito only to find na nasa tabi na pala
Connor point of viewMabilis kaming nakarating sa lugar kung saan dinala ni Calixta si Florence, medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan ang lugar at marami ang pasikot-sikot pero eventually ay nahanap din naman namin.Naglakad siya ng dahan-dahan sa likod ng isang may kalakihang poste at mula doon ay nakinig siya ng mga pinag-uusapan.Humigpit ang hawak niya sa baril na dala niya pagkatapos marinig ang nagmamakaawang boses ni Florence."Damn you Calixta!" Mahina at madiin na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang Daddy ni Florence na mauuna na siyang sumugod.Nasa tapat niya lang ito kaya madali lang silang nagkaintindihan. Tumango ito at sinenyasan siya na umabante na kaagad niyang sinunod. Maingat ang bawat hakbang niya pero may pagmamadali din siya dahil habang tumatagal na hindi niya nakikita si Florence at tanging mga hikbi lang nito ang naririnig niya ay para siyang masisiraan ng bait.Nagkubli siya sa likod ng pinto at palihim na sinilip ang mga nangyayari
Connor point of viewIsang linggo na ang nakakalipas mula noong nagpunta sila sa bahay ni Ruel sa pagba-baka sakali na makita doon si Calixta at makausap ito, at hindi naman sila nabigo, nakausap nila si Calixta pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa loob ng isang linggo wala silang ginawa kung hindi ayusin ang kasal nila habang naghihintay ng pag-atake ni Calixta, pero hindi nangyari ang inaasahan niya na labis niyang ikinakatakot dahil baka kung kailan ikakasal sila ni Florence ay saka ito manggulo."Bro, kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang diyan sa labas ng simbahan. Sabihan mo kami kung hindi ka pa handang magpakasal para naman maitakas ka na namin habang hindi pa nagsisimula!" Nawala ang malalim niyang iniisip nung marinig niya ang natatawang boses ni Arisson- asawa ni Joana Me, panganay na anak ni Dominador at Consuelo."Arisson ano ka ba, hindi na tatakbo yan si Connor dahil sigurado na nasa tapat pa lang ng simbahan yan ay lumpo na 'yan," natatawang
Calixta point of viewOne month has passed."Miss Dela Vega, can you slowly open your eyes for me?" Patanong na utos ng doctor.Takot ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang ma-dismaya siya sa resulta ng eye transplant niya.One month ago ay tuluyan siyang nabulag, walang kahit anong liwanag siyang nakita hindi kagaya noong una na mayroon kaunting liwanag. Noong mga panahon na iyon ay ang plano niya sana na gantihan sina Florence at Connor pero dahil sa pagkabulag niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang paghihiganti na gusto niya. Isang linggo pagkatapos niyang mabulag ay humanap siya ng pwedeng maging donor and luckily ay nakahanap siya sa tulong ng mga doctor na kakilala niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napuno siya ng kaba dahil tanging blurry lang ang nakikita niya."Is your eyesight okay?" Tanong muli ng doctor.Kumurap siya baka sakaling magbago ang mga blurry na nakikita niya at halos mapatalon siya sa saya dahil habang tumatagal ay lumilin
Florence point of viewSorry love, na-late ako," puno ng pagsisisi na wika ni Connor habang yakap siya."L-Late k-ka na t-talaga."Sabay silang napatingin ni Connor sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mas mahigpit na pagyakap niya kay Connor.Sa harapan nila ay nakatayo at nakangising nakatutok ang baril nung lalaki na nagtangkang pumatay sa kaniya."Nooooooo!" Sigaw niya para patigilin ito sa tangka nitong gawin pero;BANG!Huli na ang lahat dahil isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa loob ng kwarto niya. Namutla siya kasabay ng pagtakas ng lahat ng dugo na mayroon siya.Nanginginig na pinagmasdan niya ang dahan dahan na pagbagsak ng lalaki na nagtangka sa kaniyang pumatay. Isa-isang pumatak ang dugo mula sa bibig nito. Natutop niya ang bibig niya dahil sa halo-halong emosyon.Dahan-dahan siyang umalis sa kama para puntahan ang lalaki na kasalukuyang naghahabol ng hininga habang nasa kisame lang ang tingin. Bumubuka ang bibig nito na para itong n
Florence point of viewPagkalabas ng kwarto ni Connor at ng mga magulang niya ay saka lang siya tumihaya mula sa pagkakatagilid niya ng higa.Sakto naman na pagtihaya niya ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room niya. Pumasok ang isang naka-uniporme ng pang-hospital pero napakunot ang noo niya sa pagtataka dahil masyadong balot ang suot nito."Ikaw ba ang doctor na tumingin sa akin?" Tanong niya.Tumingin ito sa kaniya pero hindi ito sumagot, bumaling ito sa pinto at sinarado iyon. (Click!) Mabilis siyang bumaling sa pinto bago kinakabahan na tumingin siya sa mukha ng staff ng hospital na pumasok."Bakit mo ni-lock yung pinto?" Tanong niya habang umuupo siya at mas idinidikit ang sarili sa dingding ng room niya.Nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang staff, ang mga tingin nito ay nanunuot sa kaniya at para siyang sinasaksak dahil sa sobrang talim non."Tinatanong kita kung ano ang balak mo at kinandado mo ang pinto!?" Singhal niya.Ramdam niya ang pag-ngisi nito sa likod ng fa
Connor point of viewIt feels like deja vu. Hawak niya ngayon ang mga kamay ng walang malay na si Florence, just like noong nag-crash ang eroplano nito, walang kasiguraduhan kung magigising ito at tanging milagro nalang ang kakapitan."Why you did not stopped her!?" Galit na sigaw ng Mommy ni Florence. Lumapit ito sa kaniya at pinagsusuntok siya sa mukha.Sobrang sakit ng mga suntok nito pero walang wala ang mga ito sa sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kamay ng walang malay niyang minamahal.Hindi siya nakakibo dahil hanggang ngayon ay shock pa rin siya sa mga nangyari."Sumagot ka! Bakit hinayaan mo ang anak ko na magkaganito!?" Muli ay sigaw nito habang mas nilalakasan ang pagsuntok sa kaniya.Tahimik lang na tinanggap niya ang mga suntok na ibinibigay ng Mommy nito."Consuelo, aksidente ang mga nangyari kaya hindi mo pwedeng sisihin si Connor," sambit ni Daddy Dominador at sapilitang inilayo sa kaniya si Mommy Consuelo."No Dominador! Wala siyang ginawa para protekta
Calixta point of view"Ikaw na nga ang inaalala pero ikaw pa ang nagagalit. Magsama kayo ng halimaw mong kaibigan!" Sigaw nito at tumatakbong lumabas ng morgue, muntik pa itong mabangga sa pinto.Kaagad siyang na-konsensya sa nagawa niya dito kaya naman hinabol niya ito para sana suyuin pero habang nakikita niya itong paulit-ulit na nadadapa at bumabangon ay natigilan siya at tahimik lang na tinatanaw ito.Ilang minuto pa niyang tinanaw ito bago siya naglakad pabalik sa morgue."Mas mabuti na siguro na maghiwalay kami ng landas para na rin sa kaligtasan niya," pagkausap niya sa kaibigan niya.Ilang beses pa niyang kinausap ang kaibigan niya bago siya nag-desisyon na umalis ng morgue. Nag-iwan muna siya ng isang liham at one hundred thousand in cash para sa lahat ng expenses pati sa pagpapalibing sa kaibigan niya.Pagkalabas niya ng morgue ay muli siyang tumingin sa huling pagkakataon. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pamamaalam niya sa kaibigan na ilang beses nagligtas sa kaniya
Ruel point of view"I'm sorry sir, but kailangan na po siyang idala sa morgue," sambit ng isang boses.Mula sa pagkakatulala ay mabilis siyang tumingin sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harapan ng hinihigaan ng kaibigan niya at nakahawak na ang mga ito sa gurney base sa suot ng mga ito ay nahulaan niya kaagad na staff ito ng hospital.Tumalim ang mga mata niya, "morgue!?" Galit na bulyaw niya. "Bakit ninyo dadalhin sa morgue ang kaibigan ko, hindi pa siya patay!" Dugtong pa niya at hinarangan niya ang mga staff ng hospital na gustong kuhanin ang katawan ng kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan niya at bakas ang pagtatakha sa mukha ng mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, isang bagay na mas lalong ikinagalit niya."Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala dito, hindi pa patay ang kaibigan ko!"Walang nagawa ang dalawang staff ng hospital kung hindi ang umalis nalang. Pagkalabas ng mga ito ay muling bumalik sa kaniya yung mga panahon na hindi pa sila