Nakaharap si Ella sa malaking salamin sa loob ng kanilang kwarto, suot ang isang itim na fitted blazer na madalas niyang ginagamit sa trabaho. Pilit niyang inaayos ito, hinihila ang tela upang maitago ang umbok ng kanyang tiyan. Subalit kahit anong gawin niya, hindi na talaga kasya."Ugh!" Napairap siya bago mabilis na tinanggal ang butones, hinayaang nakabukas ang blazer sa halip na piliting ipasara. Ibinaba niya ang isang kamay sa kanyang bewang at matamang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kahapon lang, pakiramdam niya ay mukha pa rin siyang normal. Pero ngayon, ramdam niyang kahit sino ay mapapansin na ang pagbabago sa kanyang katawan.Mabigat ang kanyang buntong-hininga nang lingunin niya si Rico, na nakaupo sa kama at walang pakialam na nakatutok sa phone nito, abala sa pagbabasa ng kung anong article. Dahil sa inis, itinuro niya ito nang mariin."Alam mo, Rico, kasalanan mo ’to!" bulalas niya, sabay irap.Napataas ng kilay si Rico at dahan-dahang ini-lock ang phone niya, saka
Mas pinatagal ni Ella ang pananatili sa opisina kahit alam niyang uwian na. Nakaupo siya sa swivel chair, nakatanaw sa malalawak na bintana ng opisina. Ang city lights sa ibaba ay kumikislap sa dilim ng gabi, ngunit hindi iyon sapat para mapawi ang bigat na bumabalot sa kanyang dibdib.Hindi niya namalayang bumukas ang pinto at tahimik na pumasok si Rico. Hindi ito nagparamdam agad, sa halip, pinagmasdan siya nito—ang bahagyang pagkakunot ng noo, ang malalim na buntong-hininga, at ang kamay niyang walang tigil sa marahang paghagod sa kanyang umbok na tiyan.Maya-maya pa, walang sabi-sabing umupo si Rico sa harap niya. Hindi niya kailangang magsalita para ipaalam sa kanyang nandiyan lang siya."You okay?" basag nito sa katahimikan, puno ng pag-aalala ang tinig.Saglit siyang natigilan bago dahan-dahang tumango.Pinagmasdan siya ni Rico, tila hinuhulaan kung anong laman ng isip niya. Hindi niya rin natiis ang sariling titigan ang asawa. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng opisina, kita niy
Habang nanonood sila ng pelikula, hindi maiwasan ni Rico na mapansin ang pagiging tahimik ni Ella. Bagaman nakasandal ito sa kanya, halata niyang hindi ito masyadong nakatutok sa pinapanood nila. Hindi man nito sinasabi, alam niyang may bumabagabag dito. Ang kamay nito ay walang direksyong naglalaro sa laylayan ng kumot, at paminsan-minsan, bahagyang kumikibot ang labi na tila may gustong sabihin ngunit hindi matuloy.Samantala, hindi niya maalis ang tuwa sa dibdib. Hindi niya akalaing aamin si Ella ngayon na mahal din siya. Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang lahat sa kanya. Ang babaeng ilang beses niyang inintindi, hinintay, at inalagaan—ngayon ay nasa tabi niya na, hindi lang bilang isang kasama kundi bilang isang babaeng sa wakas ay handa nang iparamdam ang pagmamahal nito.Hinaplos niya ang buhok nito, marahang isinuksok ang ilang hibla sa likod ng tainga. “May iniisip ka?” tanong niya sa malambing na tinig.Saglit na natahimik si Ella bago sumagot. “Weekend na bukas, ch
Ang umaga ay nagdala ng banayad na liwanag sa kanilang silid, dumadampi sa mga kurtina at unti-unting sumasayad sa kanilang mga balat. Pagmulat ng mata ni Ella, una niyang naramdaman ang malambot at mainit na haplos sa kanyang tiyan. Paglingon niya, naroon si Rico, nakahilig sa tabi niya, tahimik na nakamasid na parang iniukit sa kanyang isipan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Sa mga mata nitong puno ng lambing, para siyang isang mahalagang obra maestra na gusto nitong titigan nang habambuhay.“Good morning, love,” bulong ni Rico, malalim at puno ng init, bago inilapat ang isang halik sa kanyang noo.Napangiti si Ella, inilapat ang kanyang kamay sa pisngi ng asawa, hinahaplos iyon na parang tiniyak sa sariling hindi siya nananaginip. “Good morning,” sagot niya, bahagyang paos ang tinig mula sa mahimbing na pagtulog.May bahagyang pag-aalala sa mga mata ni Rico nang tanungin siya nito, “Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo?”Umiling siya, pilit na ipinaparamdam na nasa maayos siyan
Matapos ang kanilang check-up, lumabas sila ng ospital na may ngiti sa labi. Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa sasakyan, at kahit walang salitang namutawi sa kanilang mga bibig, dama nila ang parehong pananabik. Sa bawat hakbang, pakiramdam ni Ella ay parang lumulutang siya—para bang sa wakas, hawak na nila ang isang panibagong yugto ng kanilang buhay.Pagkaupo sa loob ng kotse, hindi napigilan ni Ella ang mapatitig kay Rico. Nakangiti ito habang nakatutok sa kalsada, ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya, tila iniisip kung totoo nga ang lahat ng ito.“Ang galing mo naman humula.” Biro niya, pilit na pinipigil ang mapangiti.Napangiti si Rico at saglit na nilingon siya bago muling ibinalik ang atensyon sa daan. “Kahit ako nagulat.”Ramdam ni Ella ang init sa kanyang puso. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klase ng saya. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Rico, marahang pinisil iyon.“So, kailangan na nating paghandaan ang nurse
Maagang nagising si Ella kinabukasan. Hindi niya alam kung dahil ba sa sikat ng araw na marahang pumapasok sa bintana o sa bigat ng damdaming gumising sa kanya bago pa man ang alarm clock. Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama, hinahaplos ang kanyang tiyan, iniisip ang lahat ng nagbago sa buhay niya nitong mga nakaraang buwan. Mula sa pagiging isang simpleng babae na inuuna ang sarili niyang mga pangarap, hanggang sa ngayon—isang babaeng may dalang bagong buhay sa sinapupunan, isang babaeng humaharap sa reyalidad ng isang pamilyang unti-unting naglalaho sa kanyang mga kamay.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya tumayo at lumapit sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang langit na may bahagyang kaulapan, ngunit hindi sapat upang itago ang kalinawan ng umagang ito. Tulad ng kanyang puso—may dilim, may alinlangan, ngunit sa kabila nito, naroon ang liwanag na dala ng isang pag-asa.Ramdam niya ang banayad na pagyakap ni Rico mula sa kanyang likuran, ang init ng kata
Tahimik na inilapag ni Ella ang mga dalang pagkain sa maliit na mesa sa tabi ng kama ng kanyang ina. Ang plastik na lalagyan ay bahagyang nagkaluskos nang isa-isang buksan niya ang takip, pinapalaya ang masarap na amoy ng mainit na sopas, kanin, mais, at mashed potatoes. Sa ibang pagkakataon, baka naisip niyang nakakagutom ito. Pero ngayon, wala siyang nararamdamang gutom.Mas matimbang ang bigat sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang kanyang ina. Ang dating malakas at masiglang si Christy, ngayon ay nakahilig sa mga unan, mukhang pagod at mas payat kaysa sa huli niyang nakita. Ang mga pisngi nitong dati’y may bahagyang pamumula ay maputla na, at ang payat nitong mga daliri ay mahina niyang ipinatong sa kumot.Huminga nang malalim si Ella bago binitiwan ang isang mahinang ngiti. Pilit niyang kinakalma ang sarili bago lumapit sa kama."Ma, kumain ka na, please," maingat niyang sabi, pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang boses.Bahagyang ngumiti si Christy, pero ramdam ni Ella
Ang katahimikan sa kwarto ay may halong bigat at init—parang yakap na puno ng pang-unawa. Sa mahinang liwanag ng bedside lamp, pinagmasdan ni Ella ang kanyang ina. Kita niya ang bahagyang pagod sa mukha nito, ang bahagyang pangangayayat, ngunit hindi nawala ang lambing sa mga mata ni Christy.Alam ni Ella na hindi madali para sa kanyang ina na tanggapin ang mga pagbabagong nangyayari, pero sa kabila ng lahat, ramdam niya ang suporta at pagmamahal nito. Noon, si Christy ang laging nag-aalaga sa kanya—ngayon, siya na ang kailangang mag-alaga rito.Nagtagal sila sa ganitong katahimikan, hanggang sa marahang bumuntong-hininga si Christy at ipinikit ang mga mata, waring ninanamnam ang sandali."Pagod ka na, Ma?" tanong ni Ella, bahagyang inalis ang kamay sa kamay ng ina upang ayusin ang unan nito."Hindi naman… pero gusto kong ipahinga sandali ang mga mata ko," sagot ni Christy, bahagyang lumalambing ang tinig.Napangiti si Rico at marahang tumayo. "Sige, Ma. Pahinga ka muna. Dito lang kam
Mula sa bulsa ng mamahaling bistidang suot ni Lola Gina, marahan niyang hinugot ang isang kapirasong papel—kulubot na sa dami ng beses na marahil niyang hinawakan. Seryoso ang kanyang mukha habang inaayos ang salamin sa ilong, bago tumikhim nang malakas para makuha ang buong atensyon ng mag-asawa.“Oo, bilin! At kailangan mong sumunod, kundi, ako mismo ang magbabantay sa’yo araw-araw,” matapang na pahayag ni Lola Gina, sabay hampas ng papel sa kanyang palad para bigyang-diin ang kanyang babala.Nagkatinginan si Rico at Ella. Si Ella ay mariing napalunok, habang si Rico naman ay mukhang aliw na aliw sa nangyayari. Alam niyang hindi basta nagpapatawa si Lola Gina—seryoso ito pagdating sa mga ganitong bagay. Pero sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang mapangiti.“La, alam na namin ang gagawin. You have nothing to worry about. Saka, baka hindi kayanin ni Ella ang ganyang bantay-sarado. Masyadong strict,” aniya, nagtatago ng ngiti habang pasimpleng nililingon si Ella.“Tumigil ka, Rico,”
Habang nginunguya ang mansanas sa bibig, nangunot ang noo ni Ella nang mapansing may nanunuksong kislap sa mga mata ni Rico. Agad siyang nagduda. Kilala niya ang asawang ito—may binabalak na naman.Sa ilalim ng dapithapong langit, kung saan ang ginintuang sinag ng araw ay marahang bumabalot sa kanilang paligid, naramdaman niya ang init ng yakap ni Rico nang hinila siya nito palapit. Mahinang ihip ng hangin ang dumaan, bahagyang niyugyog ang mga dahon ng puno sa kanilang hardin, habang ang pabugso-bugsong awit ng mga ibon ay tila nag-aambag sa kanilang munting mundo ng katahimikan at kasiyahan.Pinayagan niyang sumandal ang ulo sa dibdib ng asawa, ramdam ang mahinang pagtaas-baba nito sa bawat paghinga. May kakaibang kapayapaang dala ang presensya ni Rico, ngunit sa sandaling ito, may halong kutob siyang nararamdaman—lalo na’t narinig niyang humagikgik ito bago biglang nagtanong.“Naalala mo ba kung paano tayo unang nagkita?” tanong nito, may bahagyang tawa sa tinig.Napakunot-noo si E
Tatlong araw na ang lumipas mula nang huling pumasok si Ella sa opisina para pormal na magpaalam at ipakilala ang sarili bilang asawa ni Rico. Sa kabila ng iba't ibang reaksyon ng mga empleyado, hindi niya malilimutan kung paano siya malugod na tinanggap ng secretarial department. Si Trixie nga ay agad na nagprisintang maging ninang ng kanyang anak, habang si Jasmine, sa kabila ng pagiging kalmado, ay ipinakita ang respeto at maingat na pakikitungo sa kanya. Hindi rin niya maitatanggi ang pasasalamat kay Jasmine sa pagiging mabuting kasamahan.Ilang beses na siyang naabutan ni Rico sa opisina, ngunit hindi ito nag-ingay tungkol sa kanilang relasyon. Tahimik lang, parang walang nangyari, pero alam niyang aware ito sa mga usap-usapan.Ngayon, nasa bahay na siya, at ramdam niya ang kakaibang katahimikan. Sanay siya sa maingay na mundo ng trabaho—mga meeting, tawag, at kung ano-anong inaasikaso. Pero ngayon? Tahimik. Walang deadlines, walang report na kailangang ipasa, at higit sa lahat,
Muli siyang napasinghap nang maramdaman ang palad ni Rico sa kanyang hita, banayad na hinahaplos ang balat niya habang ang mga halik nito ay bumaba pa lalo sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung paano siya nakakapit pa sa lalaki—parang natutunaw siya sa init ng bawat pagdampi ng labi nito sa kanyang balat."You're so beautiful," bulong ni Rico habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang kanyang panga. "And you're mine, Ella."Alam niyang dapat siyang magprotesta sa huling sinabi nito—pero paano, kung sa bawat paghawak nito sa kanya ay parang sumasang-ayon ang buong pagkatao niya?Dahan-dahang bumaba ang kanyang kamay, hinaplos ang matigas na dibdib nito sa ilalim ng mamahaling suit. Saglit na natigil ang paghinga ni Rico at tinitigan lang niya si Ella—nagniningning ang kanyang madilim na mga mata sa pagnanasa, paghanga, at isang mas malalim pang damdamin.Hindi niya na napigilan ang pagngiti. "What?"Ngumisi si Rico, hinagod ng hinlalaki niya ang kanyang pang ibabang labi. “You’re dangerou
Tahimik ang buong opisina, tanging ang bahagyang ugong ng air conditioning ang maririnig. Nakatayo pa rin si Ella sa harap ni Rico, ramdam pa rin sa kanyang balat ang init ng mga bisig nitong yumakap sa kanya kanina. Hindi niya alam kung ang tindi ng damdamin niya o ang lalim ng titig ni Rico ang nagpapahirap sa kanya para makagalaw.Ang lalaking ito… siya ang dahilan kung bakit nagbago ang mundo niya sa paraang hindi niya inakala.Mabagal ngunit sigurado ang kilos ni Rico nang lumapit ito sa kanya. Inabot nito ang kanyang pisngi, hinaplos iyon ng marahan gamit ang hinlalaki. Napapikit siya sa lambing ng dampi nito—parang hinuhubad ang lahat ng pangamba at pagdududa sa kanyang sistema."You’re mine, Ella. And I’ll make sure you feel it every single day," bulong ni Rico, malalim at puno ng pangako.Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit niyang labi sa kanyang noo—hindi minadali, hindi pabigla. Isang halik na puno ng kasiguruhan, isang halik na nagsasabing pag-aari na siya nito, at
Sa kabila ng malalakas na palakpak na umaalingawngaw sa buong hall, hindi pa rin mapigilan ni Ella ang pangangatal ng kanyang dibdib. Hindi ito dahil sa kaba o takot—kundi dahil sa bigat ng bagong realidad na ngayon ay hindi na niya matatakasan.Mula sa entablado, tanaw niya ang samu’t saring reaksyon ng mga empleyado. May mga tapat na natuwa, gaya nina Trixie at iba pang kasamahan niya sa secretarial office, na nakangiti habang pumapalakpak. May ilan namang nakakunot-noo, tila hindi pa rin makapaniwala. At syempre, may mga matang nag-uusisa, nagtatantiya kung sino nga ba talaga siya sa buhay ni Rico.Ang lahat ng ito ay parang malabong tunog sa kanyang pandinig, ngunit ang tanging naririnig niya nang malinaw ay ang mahihinang tibok ng kanyang puso—paulit-ulit, bumibilis.“Thank you for your time,” muling sabi ni Rico, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. At bago pa niya maiproseso ang susunod na nangyari, marahang hinila siya ng asawa pababa ng entablado. Mahigpit ang hawak nito
Pagsapit ng umaga, nagising si Ella sa banayad na dampi ng mga labi ni Rico sa kanyang noo. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at bumungad sa kanya ang maamong mukha nito—nakangiti, ngunit may bakas ng pananabik sa mga mata."Good morning, love," bulong ni Rico bago muling dampian ng halik ang kanyang noo. "Are you ready?"Bahagyang nag-inat si Ella at huminga nang malalim. "Wala na akong choice, ‘di ba?"Napangiti si Rico, sinakop ng init at saya ang kanyang mukha. "Lagi kang may choice, Ella. But this time, you chose to stand beside me."Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, hinaplos niya ang kanyang tiyan, ramdam ang mahinang galaw ng kanilang anak sa loob. Kahapon, sigurado na siya. Pero ngayong nandito na ang sandali, hindi niya maiwasang makaramdam ng bahagyang kaba.Naupo siya sa kama, habang si Rico naman ay maingat na lumuhod sa harapan niya, hinawakan ang kanyang mga kamay. "You're not alone in this, Ella," malambing na sabi nito. "Whatever happens, I'm right here. We face t
Isang mahinang pagkatok ang pumukaw sa kanyang pansin. Bumuntong-hininga siya bago tumayo at binuksan ang pinto.Si Rico.Nakatayo ito sa harapan niya, suot pa rin ang kanyang puting dress shirt na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Mula sa ekspresyon nito, halatang alam na niyang gising pa si Ella at hinihintay siya.Walang salitang dumaan sa pagitan nila sa loob ng ilang segundo. Tila binabasa ni Rico ang kanyang mukha, naghahanap ng kahit anong bahid ng pangamba o pag-aalinlangan. Pero wala siyang makikita.Ella stepped aside, giving him silent permission to come in.Pagkasara ng pinto, marahan siyang lumapit kay Ella at hinaplos ang kanyang pisngi. "You're thinking too much again," bulong nito.Napangiti siya, kahit may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. "Paano ba hindi mag-isip kung alam mong malapit nang magbago ang lahat?"Hinila siya ni Rico papalapit, ipinatong ang kanyang baba sa tuktok ng ulo nito habang marahang hinihimas ang kanyang likod. "Change isn't a
Kahit pa gaano kalihim sina Rico at Ella sa relasyon nila, hindi na napigilan ang paglaganap ng tsismis sa buong building. Mabilis na kumalat ang bulungan—sa bawat departamento, bawat mesa, at kahit sa pantry kung saan ang mga empleyado ay kunwaring nagkakape pero palihim na nag-uusap tungkol sa “asawa” ni President Velasquez na bumisita kanina.“Buntis daw ‘yung babae,” bulong ng isang secretary habang nilalagyan ng gatas ang kanyang kape. “At ang sabi, nutritionist siya?”“Nutritionist pero parang donya kung umasta?” sagot naman ng isa, sinabayan pa ng bahagyang pagtaas ng kilay. “Kita mo ba ‘yung suot niya? Hindi naman pang-nutritionist ‘yun.”Sa kabilang panig ng opisina, dalawang empleyado naman ang palihim na nag-uusap habang inaayos ang mga dokumento sa file cabinet.“Ikaw ba, naniniwala kang hindi niya asawa ‘yun? Kita mo naman kung paano siya tiningnan ni Pres kanina.”“At si Mr. Salcedo pa ang nagsabi! Kung totoo ‘yung hinala niya, ibig sabihin, matagal nang kasal si Sir Ric