Habang nginunguya ang mansanas sa bibig, nangunot ang noo ni Ella nang mapansing may nanunuksong kislap sa mga mata ni Rico. Agad siyang nagduda. Kilala niya ang asawang ito—may binabalak na naman.Sa ilalim ng dapithapong langit, kung saan ang ginintuang sinag ng araw ay marahang bumabalot sa kanilang paligid, naramdaman niya ang init ng yakap ni Rico nang hinila siya nito palapit. Mahinang ihip ng hangin ang dumaan, bahagyang niyugyog ang mga dahon ng puno sa kanilang hardin, habang ang pabugso-bugsong awit ng mga ibon ay tila nag-aambag sa kanilang munting mundo ng katahimikan at kasiyahan.Pinayagan niyang sumandal ang ulo sa dibdib ng asawa, ramdam ang mahinang pagtaas-baba nito sa bawat paghinga. May kakaibang kapayapaang dala ang presensya ni Rico, ngunit sa sandaling ito, may halong kutob siyang nararamdaman—lalo na’t narinig niyang humagikgik ito bago biglang nagtanong.“Naalala mo ba kung paano tayo unang nagkita?” tanong nito, may bahagyang tawa sa tinig.Napakunot-noo si E
Mula sa bulsa ng mamahaling bistidang suot ni Lola Gina, marahan niyang hinugot ang isang kapirasong papel—kulubot na sa dami ng beses na marahil niyang hinawakan. Seryoso ang kanyang mukha habang inaayos ang salamin sa ilong, bago tumikhim nang malakas para makuha ang buong atensyon ng mag-asawa.“Oo, bilin! At kailangan mong sumunod, kundi, ako mismo ang magbabantay sa’yo araw-araw,” matapang na pahayag ni Lola Gina, sabay hampas ng papel sa kanyang palad para bigyang-diin ang kanyang babala.Nagkatinginan si Rico at Ella. Si Ella ay mariing napalunok, habang si Rico naman ay mukhang aliw na aliw sa nangyayari. Alam niyang hindi basta nagpapatawa si Lola Gina—seryoso ito pagdating sa mga ganitong bagay. Pero sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang mapangiti.“La, alam na namin ang gagawin. You have nothing to worry about. Saka, baka hindi kayanin ni Ella ang ganyang bantay-sarado. Masyadong strict,” aniya, nagtatago ng ngiti habang pasimpleng nililingon si Ella.“Tumigil ka, Rico,”
Pagkapasok nina Ella at Rico sa loob ng bahay, agad nilang nadatnan si Lola Gina na abala sa pagbibilin kay Ate Marie. May ilang kahon ng mga dala niyang sangkap na maayos nang nakalagay sa ibabaw ng mesa—mga halamang gamot, tuyong dahon, at ilang bote ng likidong hindi pa matukoy ni Ella.“Naku, Marie, siguruhin mong maiayos ito sa kusina. Lahat ‘yan, mabisa para sa bagong panganak. Lalo na ‘tong tsaang ito, makakatulong sa pagpapagatas ni Ella,” paliwanag ni Lola Gina habang inaabot ang isang maliit na garapon.Kinuha ito ni Ate Marie at maingat na sinipat. “Tsaang gatas po ito, ‘di ba, Madam? Yung pampalakas ng daloy ng gatas ng ina?”“Oo, yan nga!” sagot ng matanda, sabay turo sa isa pang botelya. “Eto namang langis na ito, ipahid mo sa puson niya tuwing gabi para hindi siya masyadong makaramdam ng kirot. Hindi ako papayag na kung anu-ano lang ang gagamitin niyo. Ang natural na paraan pa rin ang mas mainam.”Napangiti si Ella, ramdam ang pag-aalaga ng matanda. “Salamat po, La. Per
Tahimik ang buong bahay. Sa labas, marahang sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin, at ang huni ng mga kuliglig ay bumabalot sa paligid. Sa loob ng kwarto, mahimbing ang tulog ni Rico, ang isang braso’y nakapatong sa tiyan ni Ella, marahang humihinga sa himbing ng gabi.Ngunit isang matalim na kirot ang gumising kay Ella. Napangiwi siya, hindi agad nakaimik, at hinagod ang ilalim ng kanyang tiyan. Muli siyang napapikit nang mas maramdaman ang kakaibang pagpintig sa loob niya—isang matalim pero hindi tuluyang masakit na pakiramdam, ngunit alam niyang hindi ito pangkaraniwan.Dahan-dahan siyang bumangon, pinilit ang sariling huwag gambalain si Rico, ngunit bago pa siya tuluyang makatayo, isang mainit at malagkit na likido ang dumaloy pababa sa kanyang hita.Napapitlag siya.Sumilay ang kaba sa kanyang dibdib. Alam niya kung ano ang nangyayari."Rico..." Mahina niyang tinawag ang asawa, tinatapik ang balikat nito.Bahagyang gumalaw si Rico, napasinghap at nagmulat ng mata. Kahit na ma
Sa loob ng labor room, mahigpit ang hawak ni Rico sa kamay ni Ella, ramdam ang panginginig nito sa bawat pagdaloy ng sakit sa katawan ng asawa. Ilang oras na silang nandito, at bawat minuto ay tila isang habambuhay para sa kanya—hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa takot. Takot na makitang nahihirapan si Ella, at wala siyang magawa para maibsan ang sakit nito."Love, kaya mo ‘to," bulong niya habang maingat na pinupunasan ang pawis sa noo ng asawa gamit ang nanginginig niyang kamay.Malalim ang bawat paghinga ni Ella, pilit nilalabanan ang matinding kirot. “Rico… Ang sakit…”Parang may pumiga sa puso ni Rico. Hindi siya sanay na makita si Ella sa ganitong kalagayan—lagi itong malakas, palaban, at puno ng sigla. Pero ngayon, siya naman ang kailangang maging matatag para sa kanila."Mrs. Velasquez, kailangan nating imonitor ang contraction mo," sabi ng isang nurse habang inaayos ang IV at sinusuri ang monitor. “Mukhang ilang oras pa bago tayo tuluyang mag-labor.”Ilang oras pa? Napaluno
Four Years Ago Sa loob ng isang eleganteng walk-in closet, maingat na inaayos ni Ella ang kanyang blazer habang tinitingnan ang sarili sa full-length mirror. Ilang linggo na siyang abala sa paghahanda, at ngayon, sa wakas, magbubukas na ang pangalawang branch ng E&L Jewels—ang jewelry boutique na itinayo nila ni Levi dalawang taon na ang nakalipas. Hindi niya akalaing darating ang araw na magkakaroon siya ng ganitong negosyo, at ngayon, isang pangarap na naman ang natutupad. "Mommy!" Napalingon siya sa pintuan, at agad na napangiti nang makita si Rico na papasok, buhat ang kanilang anak na mag-aapat na taon na—si Rielle, ang kanilang pinakamamahal na prinsesa. Ang pangalan nito ay pinag-isipan nilang mabuti noon, pinagsama ang ilang letra mula sa kanilang mga pangalan—Rico at Ella. "Naku, baby, ang bigat mo na!" pabirong sabi ni Ella habang lumapit sa mag-ama. "Hindi mo alam kung paano ko siya nabuhat pababa," natatawang sabi ni Rico habang inilapag ang anak sa kama. "Gumigis
Matapos ang matagumpay na grand opening ng E&L Jewels, isang intimate celebration ang isinagawa sa isang private function hall ng isang five-star hotel. Hindi ito engrandeng party, ngunit sapat upang ipagdiwang ang bagong milestone sa buhay ni Ella.Habang nasa rooftop terrace, nakatanaw si Ella sa kumikinang na city lights sa ibaba. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila nagpapakalma sa adrenaline rush na naramdaman niya buong araw. Mula sa likuran, narinig niya ang papalapit na mga yapak, at bago pa siya makalingon, isang mainit na balikat ang bumalot sa kanya."Ang lalim ng iniisip mo," bulong ni Rico habang ikinakabit ang coat niya sa mga balikat ni Ella. "Hindi ka ba masaya?"Napangiti siya at umiling. "Masaya. Sobrang saya. Hindi ko lang akalain na darating ako sa ganitong punto."Hinawakan ni Rico ang baba niya at marahang iniangat upang magtama ang kanilang mga mata. "You worked hard for this. You deserve everything, love."Ella sighed, resting her forehead against his. "At hi
Mula sa private lounge kung saan naiwan niya si Lewis at Kenji, bumalik si Ella sa main hall ng event. Malakas pa rin ang selebrasyon—maraming bisita, halakhakan, at pagbati ang umaalingawngaw sa paligid. Pero hindi pa man siya nakakapasok nang maayos, agad niyang napansin ang isang pamilyar na presensya na nagbigay ng bahagyang kaba sa dibdib niya.Si Rachel—ang ina ni Rico—nakatayo malapit sa isang round table, may hawak na champagne flute. At sa tabi nito… si Sharia.Mabilis na bumalik ang alaala ng mga nakaraang taon—kung paano noon, laging may masasakit na salitang baon si Rachel para sa kanya, kung paano nito ipinaparamdam na hindi siya kailanman magiging sapat para kay Rico. At si Sharia? Ang babaeng palaging malapit kay Rachel, halatang may paghanga kay Rico, pero pilit na itinatago sa likod ng huwad na paggalang.Ang buong akala niya ay tuluyan nang mananatili sa Japan si Sharia, pero nitong nakaraang araw lang, nalaman niyang kusa itong nakipag-negosasyon sa Velasquez Group.
Ang mapusyaw na liwanag ng dapithapon ay naglalaro sa malawak na dalampasigan, hinahalikan ng banayad na alon ang pinong buhangin. Sa malayo, ang dagat ay kumikislap, tila nagsasayaw sa huling silahis ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, sapat upang pagaanin ang init ng nagdaang araw.Sa ilalim ng isang malaking canopy na itinayo sa buhanginan, naroon ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Rico at Ella. Ang halakhakan ay malayang lumilipad sa hangin habang ang bawat isa ay abala sa kanilang masasayang kwentuhan. Sa gitna ng lahat, si Rico at Ella ay magkatabing nakaupo sa isang malambot na banig, pinagmamasdan si Rielle na masayang naglalaro ng buhangin kasama si Gia.“Mas gumanda ka, Ella,” biro ni Chelsey. “Bagay sa ‘yo ang pagiging misis ni Kuya.”Napatawa si Ella habang umiiling. “Dati pa naman.”“Wow! Confident na talaga siya!” ngising malawako na sagot ni Chelsey. Sa di kalayuan, isang pigura ang dahan-dahang lumapit. Si Nurse Nita, may hawak na wheelchair kung saan nakaupo
Nagkagulo ang lahat nang biglang sumigaw si Rico. "Run!"Sa isang iglap, hinatak niya si Ella habang mahigpit na hawak si Rielle bago kinarga. Nabigla si Anton, ngunit agad niyang kinuha ang baril mula sa baywang niya."Putangina, Rico!" sigaw ni Anton bago nagpaputok.Bumagsak ang isang ilaw sa warehouse nang tamaan ng bala, nagdulot ng bahagyang kadiliman. Napasigaw si Sharia Lee, hindi makapaniwalang nakakalaban sila. "Stop them, Dad! Damn it!"Hinila ni Rico si Ella at Rielle papunta sa isang bakal na estante, ginagamit itong panangga sa sunod-sunod na putok ni Anton. Ramdam niya ang takot ni Ella sa mahigpit nitong kapit sa anak nila, pero wala siyang oras para magdalawang-isip. Kailangan nilang makatakas."Rico, hindi natin sila matatakasan nang ganito!" halos lumuluha nang sabi ni Ella.Napatingin siya kay Rielle, mahigpit na nakayakap sa kanya, umiiyak ngunit pilit na nilalabanan ang takot. Hindi siya pwedeng mabigo ngayon.Mabilis siyang luminga-linga, hinahanap ang pinakamab
Ang mga gulong ng sasakyan ay lumilikha ng matinis na tunog habang mabilis na bumabaybay ang convoy sa makitid at madilim na kalsada patungo sa abandonadong warehouse sa may pier. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas mabigat pa sa bagyong paparating—bawat isa ay may sariling iniisip, pero iisa ang layunin.Mabawi si Rielle.Si Rico, nakaupo sa harapan, mahigpit na nakakapit sa manibela, ramdam ang pagpintig ng kanyang sintido sa tindi ng emosyon. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang bahagyang nanginginig na kamay ni Ella. Hindi niya alam kung dahil ito sa takot o sa galit—pero anuman iyon, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.“Lahat ng units, standby,” utos niya sa radio, pilit pinapanatili ang boses na matatag. “Walang gagalaw hangga’t hindi ko ibinibigay ang signal.”Sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan, ang loob niya ay isang naglalagablab na bagyo ng galit at takot. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, nasa panganib ang pinakamahalagang kayamanan
Ang gabi ay dapat tahimik, pero sa loob ng safe house nina Rico, ang tanging maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang tunog ng mabilis na takbo ng sasakyan ni George. Nakatakas sila, pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Habang nakaupo sa likod, mahigpit na niyakap ni Ella si Rico. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi lang dahil sa kaba kundi sa takot na anumang oras, maaaring bumalik ang panganib.Pero bago pa sila makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang tumunog ang cellphone ni Rico. Isang unknown number na naman.Nagkatinginan sila ni Ella bago niya sinagot ang tawag.“Velasquez.”Isang nakakatakot na tawa ang sumagot sa kanya. "You’re really getting on my nerves, Rico."Nanginig ang panga ni Rico. "Who the hell are you?""The last person you should've messed with."Ngunit bago pa siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya."D-daddy…"Nanlaki ang mga mata ni Rico. "Rielle?!""Daddy, please help me…" humihikbing sabi ng kany
Sa gabing iyon, nagtipon-tipon sina Rico, Ella, George, at Don Salvador sa isang safe house upang suriin ang impormasyong iniwan ni Jasmine. Nasa harapan nila ang isang laptop, at hawak ni Rico ang maliit na flash drive na iniabot ni Cedric, ang kanyang assistant, na kararating lang.Nanginginig ang kamay ni Cedric habang inaabot ang flash drive. "Sir… si Jasmine… wala na."Napaatras si Ella, nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"Napakuyom ng kamao si Rico. "How?"Lunok-lunok ni Cedric ang kaba bago sumagot. "I don't know, her heart just…stopped after she gave me this drive."Natahimik ang buong silid. Kahit alam nilang malubha ang tama ni Jasmine, umaasa pa rin silang makakaligtas ito."Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo niya," mahina ngunit matigas na sabi ni Rico.Umupo siya sa harap ng laptop at isinaksak ang USB. Saglit na nag-loading ang screen bago lumabas ang confidential financial documents—mga rekord ng money laundering, illegal transactions, at pangalan ng mga taong sangkot. I
Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki
Habang nakatayo si Rico sa may pinto, pilit na pinapakalma ang kanyang ina, biglang bumukas ang pinto ng kusina. Lumabas si Ella, bitbit ang isang baso ng tubig. Kita sa mukha niya ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang dalawa."Mom?" Napahinto siya, nagtatakang nilingon si Rico bago bumaling sa ina nito. "Anong ginagawa niyo rito?"Halos hindi na napansin ni Rache ang pagtawag ni Ella. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. "Ella... Ano bang nangyayari rito? May problema ba?"Nagkatinginan sina Ella at Rico. Alam niyang hindi niya basta-basta masasabing walang nangyayari, lalo na't dama niya ang tensyon sa paligid."Ma, wala kayong dapat alalahanin," pagsingit ni Rico, subukang ilihis ang usapan. "Wala namang masyadong nangyayari—""Walang nangyayari?" matalim ang tingin ni Rachel sa anak. "Rico, sinong niloloko mo? May mga guwardiya sa bahay, sa eskwelahan ni Rielle, tapos may sasakyan pang nakaparada sa labas na hindi natin alam kung sino ang nasa loob!"Nanlamig ang pak
Pagkapasok nina Ella at Rico sa bahay, tumakbo na si Rielle papunta sa kusina kasama ang kanyang yaya, excited sa cookies na ipinangako ni Ella. Nanatili namang nakatayo ang mag-asawa sa may sala, pareho nilang pinapanood ang anak habang naglalaro at kumakain.Tahimik si Rico, tila may gustong sabihin ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Napansin iyon ni Ella, kaya siya na ang bumasag sa katahimikan."Hindi natin pwedeng hayaang madamay si Rielle sa gulong ‘to," mahina niyang sabi, pero may diin sa bawat salita.Napatingin si Rico sa kanya, ang matapang na maskara nitong laging suot ay unti-unting bumagsak. Sa likod ng matapang niyang postura, naroon ang takot—hindi para sa sarili, kundi para sa pamilya niya."Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo," mahina ngunit matibay na sagot ni Rico. "Kahit ano, Ella. Kahit ano."Umiling si Ella at lumapit dito. "Hindi lang ikaw ang may responsibilidad sa ‘min, Rico. Ako rin. Hindi kita hahayaang harapin ‘to mag-isa."Napabuntong-hininga
Pagpasok ni Ella sa bahay, bumungad agad sa kanya si Rico na nakaupo sa sala, hawak ang isang basong whiskey. Hindi na siya nagulat na gising pa ito.Dahan-dahang lumapit siya. “Rico…”Lumingon ito sa kanya, kita sa mga mata ang bigat ng pagod. “You’re home late.”Nilapag ni Ella ang bag niya at umupo sa tabi nito. “I met Christ.”Rico exhaled sharply. “I know.”Nagkatinginan sila, ngunit agad ring naiisip ni Ella na sinabi siguro ng kaniyang mga bodyguard kanina. Nagtanong si Ella, "Gaano ka na katagal alam ang lahat ng 'to?"Hindi sumagot si Rico agad. Ininom nito ang natitirang whiskey sa baso bago inilapag iyon sa mesa. “Matagal na. Pero hindi ko masabi sa’yo dahil alam kong mas mahihirapan ka.”Ella clenched her fists. “Rico… alam kong wala kang kasalanan. Pero bakit hindi mo agad sinabi?”Napayuko si Rico, halatang pinipigil ang emosyon. “Dahil hindi mo ako titigilan hangga’t hindi mo sinusubukang ayusin ang gulong ‘to. At hindi kita hahayaang madamay.”Hinawakan ni Ella ang kam