Huli pero di kulong! Bakit naman kasi inaamoy mo pa Seb😅.
"That's enough wife," wika nito. "Hubby, hindi pa ako tapos," tutol niya. Para siyang bata na inagawan ng lollipop at nagmamaktol. "Yeah, I know wife. Pero mas gusto kong labasan sa loob mo," sabi ni Seb at mabilis na pinagpalit ang posisyon nila. Siya naman ngayon ang nasa ilalim at ito naman ang nasa ibabaw niya. Bumaba ang mukha ni Seb sa mukha niya at agad na inangkin ang mga labi niya. Tinugon niya ang mainit na halik ni Seb at nakapaglaban ng espadahan ang dila niya. "H-Hubby...hmmnn...." daing niya sa pagitan ng halikan nilang mag-asawa. Napanganga siya nang biglang ipinasok ni Seb ang gitnang daliri nito sa namamasa niyang lagusan. "Shit.... you're so wet now, wifey," sabi ni Seb at hinugot ang daliri mula sa butas niya. Napakagat labi siya nang isubo ni Seb sa bibig nito ang daliri na may katas niya. "Hmmn....yummyyy," anito habang nakatitig sa kanya na ginagawa iyon. Shit! Ang hot niya sobra! Kita niya ang pag-aalab ng init sa mga mata nito habang sinupso
"Seb!" Malakas na sigaw ni Abi sa asawa niya. Nasa loob siya ngayon ng banyo at nakaupo sa inidoro. Habang umiihi ay napapangiwi nman siya sa sakit at hapdi. Pakiramdam niya nagkasugat-sugat ata ang pussy walls niya dahil sa magdamag nilang p********k. Ni hindi na nga niya mabilang kung ilang beses ba siyang nilabasan kagabi. Kunag naka ilang rounds ba sila, pero tingin may sa lima o pitong rounds ata ang nagawa nila. Basta ang alam niya lang madaling araw na siya tinigilan ng magaling niyang asawa. Hindi ito nakuntento sa kama dahil tinira pa siya nito sa banyo pati sa sofa. Gusto pa sana ng asawa niya subukan sa loob naman ng closet pero lupaypay sa siya pagkatapos nila sa sofa. Grabe ang energy ni Seb na hindi nakatikim ng tatlong araw. Kaya ito siya ngayon pangiwi-ngiwi. Samantalang ang asawa naman niya ay solve na solve at ayon naghihilik pa sa kama. "Seb!" muli niyang sigaw sa lalaki. Para kasing biglang nawalan ng lakas ng mga tuhod niya at hirap siyang makatayo. "Hey wi
12 years later..... "Hello kuya Vaden," masiglang bati ni Sofie sa kuya Vaden niya, matapos niyang batiin ang tita Coleen at tito Vince niya. Nasa mansion kasi ngayon ang mga Santillan para mag dinner dahil inembeta ito ng kanyang daddy. Dinig kasi niya ay may bagong business project ang daddy niya at baka kasama rito ang tito Vince niya. Kaya siguro may pa-dinner ang daddy niya para pag-usapan ng mga ito ang nasabing proyekto. "Hi," tipid na sagot sa kanya ni Vaden na wala man lang kangiti-ngiti sa labi ng lalaki. Mukhang napipilitan pang batiin siya pabalik. Ni hindi nga siya nito tinapunan ng tingin. Seryoso lang ang mukha nito. Gwapo sana pero ang sungit naman. Mahinang bulong niya na hindi niya akalaing maririnig pa nito. "What did you say?" lingon nito sa kanya sabay tanong na nakakunot ang noo. "Huh? Ang alin?" patay-malisyang sagot niya. Syempre di siya aamin na may sinabi siya. Bat naman kasi parang bulong na nga lang narinig pa nito. Ganun ba katalas pan
"Hoy bakla! Anong nangyayari sa iyo? Huh?" anang kaibigan niya at himapas siya ng hawak nitong notebook sa braso. Kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. Napahalakhak naman ang bruha at ang isa pa nilang kaibigan. "Kanina pa tapos ang klase natin, pero itong si Sofie hindi pa ata tapos managinip," wika ni Ally sabay bungisngis. "Baka nananaginip na naman siya nang gising kay Mr. Suplado," natatawang segunda naman ni Myles. Inirapan niya ang dalawa saka siya tumayo at iniwan ang mga ito. "Let's go guy's sa cafeteria na muna tayo ," aya niya sa dalawang makulit. "Hoy! Sandali lang naman Sofie," tawag ng dalawa na alam niyang nakabuntot sa kanya. Vacant nila ngayon at wala ang prof nila sa kasunod na subject kaya tamang tambay na muna sila sa cafeteria. "Sofie, di ba manliligaw mo 'yan?" sabi ni Myles at ininguso ang lalaking papalapit sa kinaroroonan nila. Napatingin siya rito at doon niya nakita si Kurt na papalapit sa kanya at may dalang dalawang milktea sa kam
"Wow mommy! Andami nyo namang dala na gulay galing sa farm," namimilog ang mga mata na isa-isang tinignan ni Sofie ang mga iba't-ibang gulay. Para siyang bata na ngayon lang nakakita ng maraming gulay kahit palagi naman siyang nakakita nito."Yes sweetie, dinamihan na namin ng dad mo para mabigyan niya rin ang mga kaibigan niya. Alam mo naman masarap ang fresh na gulay," nakangiting sabi ng mommy niya. Umalis kasi ang mga ito kahapon ng hapon at pumunta sa farm nila. Ngayon kababalik lang ng mga ito. Sayang may pasok siya sa school kaya hindi na siya nakakapunta pa roon. Masarap pa naman mag stay roon lalo na kapag bakasyon kasi nakaka relax at presko ang simoy ng hangin. Na miss niya tuloy ang kubo na tambayan nya roon. Sa tabi nito napapalibutanng maraming mangga. At di mawawala ang paborito niyang kainin. Ang pipino na sobrang favorite niya. Lalo na kapag malaki at mahaba, sobrang enjoy siyang kainin ito. "Manang, pasuyo na lang ako rito sa mga gulay ilagay sa malinis na plastic
Nanlaki ang mga mata ni Sofie sa tinuran ng ginang. Tila namagnet ang mga labi niya di niya magawang ibuka. Shit! Sofie ito na ang gusto mo di ba? Bulong ng isip niya. Hindi kaya napansin ng tita Coleen niya ang pagkagusto niya sa anak nito? Pero paano naman nito iyon nalaman? Halata ba masyado ang pagpapapansin niya sa anak nito? "T-Tita...si...si kuya Vaden po," nauutal niyang sagot. "Pero, iha may girlfriend na si Vaden. Hindi ba pwedeng si Vayden na lang," nakangisi nitong sabi. Nireto pa ang isang kambal na anak. "Pero tita si Kuya Vaden po ang gusto ko. Saka girlfriend pa lang naman po niya iyon. Kaya may pag-asa pa ako. Please mommy este tita, I want to marry your son," direktang sabi niya, sabay nguso. Nawala na ata ang bisa ng hiya sa katawan niya at heto na naman siya ngayon, wala na namang hiya. Napanganga ang tita Coleen niya dahil sa sinabi niya. Halatang nagulat din ito base sa naging reaksyon nito. "Jusko kang bata ka. Ang bata mo pa para sa kasal na
"What the hell are you doing here?" malamig na tanong nito nang mag-angat ng tingin sa kanya. Nakakunot pa ang noo nito. Pero ang gwapo pa rin talaga. "Well, I'm here to give you this Kuya Vaden," aniya at inilapag sa desk nito ang dala niya na coffee. Dumapo ang mga mata nito sa coffee na ibinigay niya at ganun na lang ang sobrang pangungunot ng noo nito na halos magsalubong na ang mga kilay. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero pinigilan niya ang sarili. Kaya mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili niya na matawa. May sinulat lang naman siya sa cup ng coffee kaya ganito ang hitsura ng lalaki habang titig na titig sa cup. "You like it, my future husband?" tanong niya kay Vaden. Iyan din ang salita na isinulat niya sa cup kanina. "Oh yes....I really....really.....really don't like it, kuha mo?" supladong sagot nito at matalim siyang tiningnan. Okay na ang unang sinabi eh, bakit naman kasi dinugtungan pa. "Anong kailangan? Dahil kung wa
"Oh ano'ng mukha yan Sofie? Para ka namang biyernes santo jan?" puna ni Myles nang makita siyang malayo ang tingin at nakapangalumbaba. "Ano pala ang nangyari sa lakad mo kahapon Sofie, nagkita ba kayo ng future husband mo?" tanong naman ni Ally, pinaalala pa sa kanya ang nangyari. "Wala, iniwan ako," tipid niyang sagot. "Iniwan?!" sabay pa na tanong ng dalawa. "Bakit naging kayo ba at iniwan ka?" bungisngis ni Myles. Hinarap niya ang dalawang makulit na kaibigan at sinamaan nang tingin, kaya naman tumawa ang mga ito. "Hey class good morning!" isang magandang boses ng lalaki ang narinig nila kaya napatingin sila sa harapan. Isang gwapong lalaki ang pumasok at malawak ang pagkakangiti sa harapan nilang lahat. "Hello everyone, let me introduce myself to all of you. My name is Kurt Benevidez, and I am your new professor," pagpapakilala nito sa harap nilang lahat. "Shit! Ang gwapo naman ni prof," nakatulalang sambit ni Myles. Samantalang si Ally naman ay nakanganga
"Hello?" aniya matapos sagutin ang tawag mula sa kabilang linya. "Get out of that fucking car, Sofie!" galit ang boses na bungad nito. Nailayo pa niya ng bahagya ang cellphone sa tainga niya sa tinis ng boses nito. "Why?" sa dinami-rami ng sasabihin ay iyon ang salitang lumabas sa bibig niya. "Don't ask me why, Sofie. I said, bumaba ka na diyan sa sasakyan ng lalaking iyan kung ayaw mong banggain ko ngayon din ang kotse niya," galit pa rin na sabi ni Vaden na may kasamang pagbabanta. Holy shit! Mura niya sa isipan nang makita niya sa sideview mirror ang kotse ni Vaden sa likuran ng sasakyan ng prof niya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin, parang biglang sumakit 'ata ang ulo niya. Ano ba ang nakain ng lalaking ito at kanina hinatid siya pero sinungitan naman siya. Ngayon naman sinusundo rin siya tapos galit naman. Nahihiya tuloy siya sa prof niya. Subalit nataranta si Sofie nang biglang patayin ni Vaden ang tawag. Natatakot siya na baka totohanin nito ang banta kaya na
Mabilis siyang kumilos at nagtungo sa kwarto niya. Siniguro muna niya na hindi siya nakita ng dalawang ginang. Hindi pwede na malaman ng mga ito na magkahiwalay sila ng kwarto ni Vaden. Kung hindi, sigurado na magdududa ang mga ito kapag malaman na bukod ang kwarto niya.d Dali-dali siyang nagbihis ng school uniform at lumabas ng silid. Nakahinga lang siya nang maluwag nang matanaw na nasa kusina pa ang dalawang mommy niya. Hindi niya alam ang ginagawa ng dalawa pero mukhang busy ang mga ito. Si Vaden naman ay nakaupo sa sofa at naka de-kwatro ang mga paa. Bihis na bihis na rin ng pang opisina ang lalaki. Ang buong akala nga niya ay umalis na ito kanina pa, pero naririto pa pala ito. Agad nga itong tumayo nang makita siya. Mukhang naiinip ang hitsura. Pansin ni Sofie na papunta sa gawi nila ni Vaden ang kanilang mommy, kaya nagulat siya nang biglang hawakan ng lalaki ang kamay niya. "Ihahatid na kita," bulong nito sa punong tainga niya. Nanayo tuloy ang balahibo niya nang maramda
Matapos na gamutin ni Vaden ang sugat niya ay sunod-sunod naman silang nakarinig na may nag doorbell. Akmang tatayo na sana si Sofie nang pigilan siya ni Vaden. "Ako na," presenta nito at mabilis na tumalikod. Niligpit na lamang ni Sofie ang pinagkainan nila at dinala sa lababo. Sayang man magtapon ng pagkain pero itapon na lamang niya ito at wala na rin naman ng kakain pa. Tita Coleen? Mommy? Natigilan si Sofie nang marinig niya ang dalawang pamilyar na boses, habang abala siya sa lababo. Nakatalikod pa siya kaya naman unti-unti siyang pumihit paharap. Confirmed! Tama nga siya nang hinala, narito sa condo ang dalawang mommy niya. "Hello sweetie!" malawak ang pagkakangiti na bati sa kanya ni mommy Coleen. Agad siya nitong hinalikan sa pisngi at niyakap. "How are you, anak?" tanong naman ng mommy Abi niya at mahigpit siyang niyakap na para bang kaytagal niyang nawalay rito. Na miss niya rin naman ng sobrang ang mommy niya. "What are you doing here, mom?" m
Kinabukasan ay maaga pa ring nagising si Sofie kahit na madaling araw na siyang nakatulog. Puyat at inaantok pa siya at gusto pa sana niyang humilata sa higaan niya pero kailangan na niyang bumangon. Inayos na muna niya ang higaan at saka siya pumasok sa loob ng banyo para maligo. Gaya noong mga nakaraang araw ay nagigising siyang basa ng pawis dahil sa init. Pero ngayon mukang nasanay na rin siya. Siguro nga dapat lang na masanay siya sa ganitong buhay, alam niya na pagsubok lang ito at darating ang araw na magbabago rin ang lahat. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na lamang siya ng puting sando at cycling shorts. Mamaya na siya magbihis ng school uniform after niyang magluto at mag almusal. Napabuntong hininga muna siya bago lumabas ng kanyang silid. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok niyang basa. This is it Sofie, kaya mo 'to! Pagpapalakas niya sa sarili. Dumaan siya sa sala para silipin si Vaden kung tulog pa ba o gising na, pero hindi niya ito nakita sa upuan kun
Halos mabingi si Sofie sa lakas ng kalabog ng dibdib niya nang huminto sa tapat niya si Vaden. Paano siya hindi kakabahan sa takot kung halos naninigkit ang mga mata nito sa galit. Simula nang ikasal sila ni hindi na ito nakangiti man lang at puro galit ang nakikita niya. Napayuko siya dahil hindi niya kayang labanan ang matalim nitong mga titig. Akmang iiwasan na sana niya ito para dumeretso sa kusina nang bigla nitong hawakan ang kaliwang braso niya. "Saan ka pupunta, huh?" galit na tanong nito. Napangiwi pa siya dahil medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "S-Sa k-kusina," nauutal niyang sagot. Totoo naman kasi na sa kusina siya pupunta dahil ihahatid niya itong mga pinamili niyang grocery. Pero bigla siya nitong hinarangan at hinigit sa braso. "Alam mo ba kung bakit bumalik ako, ha?" anito. Umiiling-iling siya ng ulo. "Iniwan na ako ni Theanna, Sofie. Umalis siya na hindi man lang sinasabi sa akin kung nasaan siya. Hindi niya sinasagot ang mga
"Oh siya ano na Sofie? Magkwento ka kung bakit sabay kayo kanina ni prof na dumating at sa kotse ka pa niya nakasakay," pangungulit ni Myles. Lunch time ngayon at nasa canteen sila para kumain. Saktong sumusubo siya ng pagkain nang magtanong si Myles sa kanya. Tinapos muna niya ang pagnguya bago sumagot. "Pwede bang kumain na muna tayo?" aniya sa dalawa na hindi makapaghintay. Bigla namang pumalakpak ng kamay si Myles habang nakasimangot kay Sofie. "Ang sabi mo kanina pag lunch break magkukwento ka, tz ngayon lunch break na ayaw mo pa rin magkwento. Huwag kang madaya Sofie," himutok nito kaya natawa siya sa kaibigan. Si Ally naman tahimik lang sa gilid habang kumakain pero nakikinig naman sa usapan nila. "Okay," sagot ni Sofie at uminom muna ng tubig. Magkukwento na lang siya dahil hindi titigil itong dalawa hanggat hindi siya nagsasalita. "Nagkasabay kami ni prof sa elevator kanina at nagkagulatan kami nang makilala ang isa't-isa. Doon din pala siya nakatira sa
Laglag ang balikat na pinanood na lamang ni Sofie ang papalayong likod ng asawa niya hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa paningin niya. Nagtungo na lang siya sa kitchen at doon kumain ng mag-isa. Ang lungkot ng buhay may asawa niya. Ganito pala ang feeling kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo. Dahil sa lungkot ay mabagal na kumain si Sofie. Ni hindi niya namalayan na inabot na ata siya nang mahigit isang oras sa dining table. Naparami ang kain niya pero parang hindi man lang siya nabusog. Dinala niya sa kitchen sink ang pinagkainan niya at sinimulang hugasan ang mga ito. Nang matapos niya ang ginagaws ay bumalik naman siya sa sarili niyang silid para maligo. Mabilis siyang nagbihis ng school uniform niya, mabuti na lang at may steamer iron dito sa condo kaya hindi siya nahirapan na plantsahin ang uniform niya. Kailangan na talaga niyang matuto sa mga bagay-bagay sa buhay may asawa. Tama si Vaden wala na siya sa mansion nila para mag buhay prinsesa. Humarap siya sa
"Hey, wake up brat!" Isang maingay na boses ang gumising sa natutulog pang diwa ni Sofie, dinig na dinig niya ang pagtawag nito sa kanya na brat sa labas ng pinto habang kumakalampag ng katok. Nasasaktan siya kapag tinatawag siya ni Vaden ng brat, pero anong magagawa niya? Galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang aga-aga pero pinapasakit ng lalaking to ang puso niya. Para makaganti ay hinayaan niya ito at pinanindigan na natutulog pa siya. Pasimple niyang sinilip ang oras at nakita na 4:30 am pa lang naman pala ng umaga pero gising na ang palalabs niya. Haistt. Para naman itong matanda na ang aga gumising. "Sofie, gumising ka na at tanghali na!" muling sigaw ni Vaden. Shit! Ang ingay ng lalaking to! Di ba nito alam na madaling araw na rin siya nakatulog dahil sa sobrang init sa loob ng kwarto niya. Wlaang aircon, walang electricfan. Kaya naman ang ginawa niya ay nakatatlong paligo siya sa loob nang maliit na banyo. Pabaling-baling siya sa higaan dahil sa sobrang init
Laking gulat ni Sofie nang pagharap niya ay isang lalaki ang bumungad sa paningin niya. "K-Kuya Vaden!" gulat na sambit niya. Titig na titig pa siya sa mukha nito di na para bang sinisigurado kung ito nga ang kaharap niya. "Who's that man?" malamig na tanong nito sa kanya. Wala man lang talaga kangiti-ngiti sa mukha ng lalaking ito. Lagi na lang seryoso sa buhay. "Hey, are you deaf?" untag nito sa kanya nang hindi siya sumagot. "Ang sabi ko sino ang lalaking 'yon?" ulit pa nito sa tanong kanina at ginawa pang tagalog na para bang iniisip nito na di siya marunong mag english.Actually narinig naman niya kanina ang tanong pero masyado itong atat at di makapaghintay sa sagot niya. "S-Si Kurt, kaklase ko siya. Hinatid niya ako kasi nasiraan ng gulong kanina ang driver ko kaya hindi ako nasundo sa school. "But don't worry, mabait naman siya, nanliligaw nga 'yon sa akin," nakangiti pa niyang dagdag, huli na niya napansin ang huling saitang binitawan niya. Kitang-kita niya ang pagsalubo