"Hoy bakla! Anong nangyayari sa iyo? Huh?" anang kaibigan niya at himapas siya ng hawak nitong notebook sa braso. Kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. Napahalakhak naman ang bruha at ang isa pa nilang kaibigan. "Kanina pa tapos ang klase natin, pero itong si Sofie hindi pa ata tapos managinip," wika ni Ally sabay bungisngis. "Baka nananaginip na naman siya nang gising kay Mr. Suplado," natatawang segunda naman ni Myles. Inirapan niya ang dalawa saka siya tumayo at iniwan ang mga ito. "Let's go guy's sa cafeteria na muna tayo ," aya niya sa dalawang makulit. "Hoy! Sandali lang naman Sofie," tawag ng dalawa na alam niyang nakabuntot sa kanya. Vacant nila ngayon at wala ang prof nila sa kasunod na subject kaya tamang tambay na muna sila sa cafeteria. "Sofie, di ba manliligaw mo 'yan?" sabi ni Myles at ininguso ang lalaking papalapit sa kinaroroonan nila. Napatingin siya rito at doon niya nakita si Kurt na papalapit sa kanya at may dalang dalawang milktea sa kam
"Wow mommy! Andami nyo namang dala na gulay galing sa farm," namimilog ang mga mata na isa-isang tinignan ni Sofie ang mga iba't-ibang gulay. Para siyang bata na ngayon lang nakakita ng maraming gulay kahit palagi naman siyang nakakita nito."Yes sweetie, dinamihan na namin ng dad mo para mabigyan niya rin ang mga kaibigan niya. Alam mo naman masarap ang fresh na gulay," nakangiting sabi ng mommy niya. Umalis kasi ang mga ito kahapon ng hapon at pumunta sa farm nila. Ngayon kababalik lang ng mga ito. Sayang may pasok siya sa school kaya hindi na siya nakakapunta pa roon. Masarap pa naman mag stay roon lalo na kapag bakasyon kasi nakaka relax at presko ang simoy ng hangin. Na miss niya tuloy ang kubo na tambayan nya roon. Sa tabi nito napapalibutanng maraming mangga. At di mawawala ang paborito niyang kainin. Ang pipino na sobrang favorite niya. Lalo na kapag malaki at mahaba, sobrang enjoy siyang kainin ito. "Manang, pasuyo na lang ako rito sa mga gulay ilagay sa malinis na plastic
Nanlaki ang mga mata ni Sofie sa tinuran ng ginang. Tila namagnet ang mga labi niya di niya magawang ibuka. Shit! Sofie ito na ang gusto mo di ba? Bulong ng isip niya. Hindi kaya napansin ng tita Coleen niya ang pagkagusto niya sa anak nito? Pero paano naman nito iyon nalaman? Halata ba masyado ang pagpapapansin niya sa anak nito? "T-Tita...si...si kuya Vaden po," nauutal niyang sagot. "Pero, iha may girlfriend na si Vaden. Hindi ba pwedeng si Vayden na lang," nakangisi nitong sabi. Nireto pa ang isang kambal na anak. "Pero tita si Kuya Vaden po ang gusto ko. Saka girlfriend pa lang naman po niya iyon. Kaya may pag-asa pa ako. Please mommy este tita, I want to marry your son," direktang sabi niya, sabay nguso. Nawala na ata ang bisa ng hiya sa katawan niya at heto na naman siya ngayon, wala na namang hiya. Napanganga ang tita Coleen niya dahil sa sinabi niya. Halatang nagulat din ito base sa naging reaksyon nito. "Jusko kang bata ka. Ang bata mo pa para sa kasal na
"What the hell are you doing here?" malamig na tanong nito nang mag-angat ng tingin sa kanya. Nakakunot pa ang noo nito. Pero ang gwapo pa rin talaga. "Well, I'm here to give you this Kuya Vaden," aniya at inilapag sa desk nito ang dala niya na coffee. Dumapo ang mga mata nito sa coffee na ibinigay niya at ganun na lang ang sobrang pangungunot ng noo nito na halos magsalubong na ang mga kilay. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero pinigilan niya ang sarili. Kaya mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili niya na matawa. May sinulat lang naman siya sa cup ng coffee kaya ganito ang hitsura ng lalaki habang titig na titig sa cup. "You like it, my future husband?" tanong niya kay Vaden. Iyan din ang salita na isinulat niya sa cup kanina. "Oh yes....I really....really.....really don't like it, kuha mo?" supladong sagot nito at matalim siyang tiningnan. Okay na ang unang sinabi eh, bakit naman kasi dinugtungan pa. "Anong kailangan? Dahil kung wa
"Oh ano'ng mukha yan Sofie? Para ka namang biyernes santo jan?" puna ni Myles nang makita siyang malayo ang tingin at nakapangalumbaba. "Ano pala ang nangyari sa lakad mo kahapon Sofie, nagkita ba kayo ng future husband mo?" tanong naman ni Ally, pinaalala pa sa kanya ang nangyari. "Wala, iniwan ako," tipid niyang sagot. "Iniwan?!" sabay pa na tanong ng dalawa. "Bakit naging kayo ba at iniwan ka?" bungisngis ni Myles. Hinarap niya ang dalawang makulit na kaibigan at sinamaan nang tingin, kaya naman tumawa ang mga ito. "Hey class good morning!" isang magandang boses ng lalaki ang narinig nila kaya napatingin sila sa harapan. Isang gwapong lalaki ang pumasok at malawak ang pagkakangiti sa harapan nilang lahat. "Hello everyone, let me introduce myself to all of you. My name is Kurt Benevidez, and I am your new professor," pagpapakilala nito sa harap nilang lahat. "Shit! Ang gwapo naman ni prof," nakatulalang sambit ni Myles. Samantalang si Ally naman ay nakanganga
"Ay!" tili niya dahil nagulat siya nang malakas na hinaklit ni Vaden ang braso niya. "Kuya sandali nasasaktan ako," pakiusap niya at pilit na binabawi ang braso mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Totoo naman kasi na nasasaktan siya, kulang na lang bumaon ang maiksi nitong mga kuko sa balat niya. "Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo huh, Sofie!" sigaw nito sa pagmumukha niya. Umaapoy sa galit ang mga mata nito na hindi niya kayang salubungin dahil tila mapapaso siya ano mang oras. "I'm sorry kuya, h-hindi ko sinasadya," aniya na nakayuko pa rin ang ulo. "Are you out of your mind, Sofie? Nag-iisip ka ba? Bakit mo sinabi sa fiancee ko na fiancee kita gayong hindi naman?" galit na galit na tanong nito, pero wala siyang mahigilap na maisagot. Gusto sana niyang sabihin na mahal niya ito kaya niya nasabi iyon pero baka mas lalo lang itong magalit. "Ano nga ang tawag mo sa akin noong isang araw? Future husband? Tsk... maganda ka pa naman sana, pero hindi ko alam na ganyan k
Kinagat-kagat pa nito ang ibabang labi niya kaya nakaramdam siya ng sakit. Hanggang sa nalasahan niya ang lasang dugo. Marahil nasugatan ang kanyang labi sa paraan ng paghalik ni Vaden sa kanya. Tahimik na tumulo ang luha niya dahil sa ginagawa nito sa kanya. Ito ang gusto niya pero hindi sa ganitong paraan. Halos kapusin na siya ng hininga kaya naman buong pwersa niya sana itong itutulak nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Sabay silang napalingon ni Vaden dito matapos maghiwalay ang mga labi nila. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang nakakunot na noo ng daddy niya. Pati na ng tito Vince niya. Ang daddy ni Vaden. "Dad!" sambit niya sa daddy niya na ngayon ay madilim na ang mukhang nakatitig sa kanila ni Vaden. Mabilis naman na umalis si Vaden na halos nakadapa na sa ibabaw niya at lumayo sa kanya. "Ano'ng ginagawa niyong dalawa?" madalim ang mukha na tanong ng daddy Seb ni Sofie. "Ikaw Sofie, sinabi mong dadaan ka lang dito at may ibibigay
Panay ang punas ng kamay niya sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi. Pinagtitinginan na siya halos ng mga empleyadong madadaanan niya pero wala siyang pakialam. Ngayon niya inilabas ang sakit sa puso na nararamdaman niya ngayon. Nagmamahal lang naman siya pero bakit ganito kasakit. Kung alam lang niya na ganito pala, sana hindi na niya sinubukan. Paglabas niya ng building ay naroon na kagaad ang kotse ng daddy niya at hinihintay siya. Mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ng driver kaya agad siyang sumakay sa back seat. Seryosong mukha ng daddy niya ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng sasakyan. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa kalokohan niya pero kailangan pa rin niyang humingi ng sorry rito. "D-Dad.... Daddy, I'm sorry," humihikbing sambit niya habang nakatingin sa daddy niya. Hindi sumagot ang ama niya pero malinaw niyang naririnig ang malalim nitong pagbuntong hininga. Ilang segundo pang katahimikan ang dumaan bago ito humarap sa
Kinabukasan nagising si Sofie na parang maiiyak dahil sa kirot sa kanyang pagkababae. Masakit na masakit ang ulo niya ngayon pati na ang ang gitna niya. Nagsabay pa. Nanghihina na inikot niya ang paningin sa paligid. Nasa silid pa rin siya ni Vaden. Napatingin siya sa kama pero wala na roon si Vaden. Iniwan siya nito matapos ang nangyare sa kanila kagabi. Hindi man lang siya nito ginising. Well, ano pa nga ba ang aasahan niya. Naalala niya kagabi na dumating siyang lasing sa condo at bumungad sa kanya ang mukha ng asawa niyang kunwari ay nag-aalala sa kanya. Naalala niya na nagkaroon pa sila sagutan bago sila humantong sa tusukan kagabi. Malinaw iyon sa kanya kahit na lasing siya kagabi. Malinaw sa kanya kung paano siya nito angkinin, kung paano ito nagpakasasa sa katawan niya kagabi. Hindi naman siya nagsisisi dahil buong puso naman siyang pumayag. Syempre mahal niya eh! Napatingin siya sa maliit na orasan sa bedside table at nanlaki ang mga mata niya nang makita na it's
"Sweet like ice cream," komento ni Vaden nang umahon ito mula sa gitna niya habang dinidilaan ang gilid ng labi. Para bang sinisiguro na walang katas na maiiwan doon. Nag-aapoy sa pagnanasa ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Are you ready for the main event baby?" malandi nitong tanong sa kanya sabay ngisi. Of course she's ready! She's been waiting for this to happen, ngayon pa ba siya aayaw? No! Namumungay ang mga mata niya habang nakatitig kay Vaden na ngayon ay nagsimula nang maghubad sa harapan niya. Hanggang sa tanging boxer na lamang ang naiwan na suot nito. Napalunok ng laway si Sofie. Hindi ata ordinaryong hotdog ang nasa loob ng suot nitong boxer, bukol pa lang kasi sobrang laki na. Napanganga na lang siya nang biglang hinubad ni Vaden ang huling saplot nitong tumatabon sa nagwawala nitong alaga. Pakiwari ni Sofie nawala bigla ang kalasingan niya. Wala sa sarili na pinagdikit niya ang mga hita. Napapalunok siya nang malutong, pakiramdam niya naririnig
Tuluyan nang nadala si Sofie at tila nawawala siya sa sarili sa paraan ng nakaka-adik na mga halik sa kanya ni Vaden na hindi niya magawang tanggihan o tutulan."Ummn..." impit niyang daing nang maramdaman ang pagsayad ng mainit nitong dila sa leeg niya. Sa isang iglap mabilis nitong nahubad ang suot niyang dress at tumambad sa paningin nito ang kanyang black lace underwear.Kahit lasing siya ay nakikita niya ang pagtaas baba ng adams apple nito. Napapalunok pa ang asawa niya habang katakam-takam siya nitong pinagmamasdan. Muling umibabaw sa kanya si Vaden at muling sinakop ang labi niya. Nagpalitan sila ng halik sa isa't isa."Hmmn!" Tuluyan na siyang nalunod sa matinding pagnanasa, dala ng kalasingan ay wala na siyang pakialam. Mas nangingibabaaw ngayon sa kaniya ang init na tumutupok sa kanyang katinuan, lalo na ng mas palalimin pa ni Vaden ang halikan nila. Ginalugad ng dila nito ang loob ng bibig niya na animoy mayroong hinahanap sa loob.Napasabunot siya sa buhok nito nang simu
"Are you sure kaya mong mag-isa Sofie? Hatid na kaya kita muna kita sa unit mo," alok ni Prof. Kurt sa kanya. "Kaya ko pa Prof. 'Yang mga kaibigan ko na lang po ang ihatid mo sa condo nila kung okay lang," pakiusap niya sa Professor. Sinilip niya ang dalawang kaibigan niya sa back seat pero nakatulog na si Myles at si Ally naman gising nga pero papikit-pikit ang mga mata sa kalasingan. Mukhang mas malala ang tama nitong dalawa niyang kaibigan kaysa sa kanya eh. "Yeah, don't worry sa kanila ako na ang bahala," wika ng Prof niya. Pasuray-suray lang ng konti ang lakad ni Sofie hanggang sa marating niya ang elevator. Naparami ang alak na nainom nila at doon sa vodka sila tinamaan dahil iyon na ang panay tungga nila. Pero kaya pa naman niya ang sarili. Hindi niya alam kung anong oras na. Nasa sling bag ang kanyang cellphone at tinatamad siyang kunin ito dahil lalo lang siyang nahihilo. Mabuti na nga lang dib at wala siyang kasabayan sa loob ng elevator kung hindi nakakahi
"Alam mo walang kwentang lalaki talaga 'yang asawa mo Sofie. Ang sarap tadyakan sa bayag," gigil na wika ni Myles, matapos niyang ikwento sa mga kaibigan ang ginawa ni Vaden kagabi. Inilabas niya lang sa dalawang kaibigan niya ang sama ng loob niya sa asawa, dahil kapag hindi niya iyon ginawa baka mabaliw na siya. Nasa sasakyan sila ngayong tatlo at pupunta sila sa bar para mag-night out. Sa katunayan after ng class nila kanina ay hindi na siya umuwe sa condo nila ni Vaden. Hindi siya pinayagan ng dalawa niyang kaibigan, kaya ang ending sumama siya sa condo unit ni Myles. Pinariham na lamang siya nito ng damit na maisusuot dahil naka uniform pa siya. Saka naman sila sinundo ni Ally gamit ang kotse nito. "Bakit parang mukhang kinakabahan ka Sofie? Huwag mong sabihin na natatakot ka sa asawa mo," ani Ally na nakatingin sa kanya mula sa rear view mirror. "Walang takot-takot! Baka nakakalimutan mo, ikaw si Sofie, matapang at palaban. Kaya hayaan mo ang Vaden na iyan!" nakairap na s
Pagdating ni Sofie sa condo ay nadatnan niya ang ilang mga lalaki na naka uniform ng pare-pareho. Kausap ng mga ito si Vaden habang nakatayo sa sala. Maya-maya pa ay may inaabot ang asawa niya sa mga ito na nakita niyang pera. "Thank you boss," sabay-sabay na pasalamat ng mga ito. "Welcome," dinig niyang tugon ni Vaden. "Good afternoon ma'am," isa-isang bati ng tatlong lalaki sa kanya bago lumabas ng unit. "Ano'ng ginawa nila rito?" tanong niya kay Vaden. "Nagkabit ng aircon at tv sa kwarto mo," seryosong sagot nito. Parang pumalakpak ang tainga ni Sofie sa narinig niya. Seriously? Pinalagyan nito ng aircon ang kwarto niya at tv? Tila hindi siya makapaniwala. Siguro naawa ito sa kanya dahil naranasan nito ang mainitan nang matulog si Vaden sa kwarto niya isang linggo na ang nakalipas at ramdam nito ang init. "Talaga? Pinalagyan mo ng aircon ang kwarto ko?" malawak ang pagkakangiti na kumpirma niya sa asawa. "Yes," ikling sagot ni Vaden at marahang tumango.Sa sobrang saya ni
Linggo na pala ang lumipas simula noong marinig ni Sofie ang asawa niya na kausap ang ex fiancèe nito. Linggo na rin ang lumipas pa na hindi pa rin nagbago ang trato sa kanya ni Vaden. Maayos lang ang pakikitungo nito sa kanya kapag nakaharap sila sa mga magulang nila pero kapag hindi ay daig pa nila ang estranghero sa isa't-isa. Sa loob ng mga araw na simula nang magsama sila ay wala siyang ginawa kundi sundin ang lalaki. In short para siyang tuta na sunod-sunuran dito. Dapat after ng klase niya ay umuwe na kaagad siya, dahil kung hindi ay pagsasalitaan na naman siya nito ng mga masasama. Bahay, skwela, katulong. Iyon ang buhay niya sa piling ni Vaden. At dahil mahal niya, ay kaya siya nagtitiis at umaasa na sana bukas makalawa magising itong siya naman ang mahal. Ginagawa niya ang part niya bilang asawa, ang ipagnagluluto niya ito ng pagkain, na ginawa niya ang best niya para matuto siya. Kahit pa minsan nasasayang lang at hindi naman nito kinakain. Ipinaglalaba niya ito
Kinaumagahan ay nagising si Sofie sa alarm niya. Nag inat-inat na muna siya bago bumangon. Pakiramdam niya nanakit ang likod niya sa tiles. Basa rin ng pawis ang likod niya. Kahit kasi electricfan na plano niyang bumili ay pinagbawalan siya ng asawa niya. "Gising ka na pala?" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Vaden. Narito pa pala ito at mukhang kagigising lang din. Ni hindi man lang niya ito napansin agad kanina pagdilat ng mata niya. Tinitigan niya ang lalaki at kita niyang mukhang puyat ang mga mata nito. Nakatitig ito sa hawak na cellphone. Natulog ba talaga ito? Sobrang init sa kwarto at sanay sa aircon ang lalaki kaya malamang hindi ito nakatulog nang maayos dahil sa init. Napaiwas siya nang tingin nang mapansin niyang wala itong suot na damit pang itaas. "Let's go, mom is waiting for us to have breakfast," wika ni Vaden. Tumayo na siya sa higaan niya at nagtungo na muna siya sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili niya. Gulo-gulo pa naman ang buhok
Pagkatapos mag dinner ay agad na nagtungo si Sofie sa kwarto niya. Ang mommy Coleen at mommy Abi naman niya ay roon pinatulog ni Vaden sa kwarto nito. Hindi kasi pwede ang mga ito rito sa room niya at mainit, isa pa nandito ang mga gamit niya, baka magtaka lang ang mommy niya kapag napansin ang mga iyon. Si Vaden naman, pagkatapos kumain ay nagtungo ito sa mini office room nito. Malamang doon matutulog ang lalaki. Alangan naman dito sa kwarto niya. Maaga pa naman at dahil nabusog siya sa hapunan ay kinuha na muna niya ang kanyang laptop. Mag re-review na muna siya at malapit na ang kanilang exams. Sa totoo lang wala naman siyang plano na itong business administration na kurso ang kukunin niya. Pangarap talaga ni Sofie ang maging isang Doctor, Ob gynecologist, iyon ang gusto niya. Ang pangarap niya. Ngunit hindi niya sinunod ang pangarap niya. Mas pinili niyang kumuha ng kursong bussiness administration para mapalapit siya kay Vaden. Pero mukhang hindi tama ang ginawa niya