KABANATA 35: SISTER IN LAW Tinitigan ni Nixon si Chellsey nang ilang segundo, bago ito tumingin kay Nigel, may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha.Ang fruity scent na amoy niya ay kapareho ng amoy ni Nigel noong nakaraan. Siya pala ang babaeng may kaugnayan kay Nigel.Nakakatuwa...Ang asawa ng kaibigan ay hindi dapat inaabuso. Bagaman babaero si Nixon pero may mga sarili siyang alituntunin.Nang alisin niya ang kanyang tingin at muling binalingan si Chellsey agad na nagbago ang kanyang mga mata at naging mas seryoso."Huwag kang matakot, nandito lang ako, ako ang bahala sayo."Matapos magsalita ni Nixon bumalik siya sa kanyang upuan, at pabirong kinurot si Nigel."Halika na, nandito na ang pagkain mo."Napakunot ang noo ni Nigel at tinitigan siya nang masama.Ngumisi lang si Nixon nagkibit-balikat, at humilig sa upuan, parang nag-eenjoy sa palabas.Nang makita iyon, nagulat ang lahat at walang naka pagsalita. Sa sandaling iyon, napansin na rin ni Chellsey si Nigel .Nabigla rin s
KABANATA 36: MULING PAGUUSAPTinanong ni Liam ng may pag-aalala kay Chellsey."Ayos ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Umiling si Chellsey tumingin sa kanya."Ayos lang ako, Muntik nako ako don buti nalang at dumating ka" sagot ni Chellsey habang naka hawak pa rin sa leeg.Agad namang tumakbo si Liam papunta sa self-service wine cabinet na hindi kalayuan, kinuha ang isang bote ng mineral water, binuksan ang takip, at iniabot agad ito sa kanya."Uminom ka muna ng tubig.""Salamat." Kinuha ito ni Chellsey at uminom ng ilang lagok."Kumusta ang pakiramdam mo? Sigurado ka bang hindi mo kailangan pumunta sa hospital?""Oo, ayos lang ako Liam" Nag hintay si Liam ng ilang sandali bago muling nagtanong,"Kailan ka pa bumalik? Bakit kasama mo si Rufo ano ba ang nangyari?""Matagal na akong bumalik. Ang sabi ni Lovely sakin na su Alice ay pumunta sa ibang bansa para magtrabaho kaya hindi pa ako dumadalaw sa inyo.” Sabi ni Chellsey.Nang marinig na si Alice ay pumunta sa ibang
KABANATA 37: NOT HERMaingat na nag-isip si Chellsey at sinabi,"Kung hindi mo kayang sasabihin sa akin, ako na lang ang magsasabi sa iyo!”“Una, ipinadala mo ang mga tauhan mo sa dati kong tinitirahan para kunin ako! Kahit na tinatanong mo si Carlex tungkol sa pagka gasgas ng kotse mo, ikaw pa rin ang unang nakahanap sa akin. Kung hindi mo ako nakita, hindi ko malalaman na ikaw pala ang may ari ng sasakyan na yon at lalong hindi ko malalaman na nag kaganon ang sasakyan mo!.”“Pangalawa, naglalakad lang ako sa kalsada at muli mong inutusan ang mga tao mo para hulihin ako, pagkatapos ay pinakawalan mo rin ako noong araw na yon”“Pangatlo, nagpunta ako sa bar para magtrabaho ng maayos at aksidente kitang nakasalubong. Sa pagkakataong iyon, inamin ko nga na ikaw yun, pero sinubukan ko lang patahimikin ka para hindi mo ako sabihin kay Rufo ang nakita niyo.”“Pang-apat, pilit akong kinuha sa hospital ni Rufo, at ikaw naman ang biglang lumitaw, na naging dahilan ng mga sumunod na kamalasan
KABANATA 38: FIRST MEETSi Nixon ay kinakabahan pa rin at lumunok ng laway bago nagsalita,"You save me bro!" sabi ni Nixon habang nakahawak pa sa diddib ang isang kamay.Hindi sumagot si Nigel at tumahimik lang. Pinakalma ni Nixon ang sarili at muling nagtanong,“What do you think now? If she was sent by Chairman Rigor to destroy you, we must be wary of her and not let her get close to Sandro." "I know.”“But I heard from ate Rhea that she is very kind. If she has real talent, not letting her get close to Sandro will be Sandro's loss.”Ito ang kanyang problema na palagi niyang pinag iisipan ng mabuti. Ayaw sanang bigyan ni Nigel ng pansin ang babae, pero kailangan niyang isaalang-alang ang kalagayan ni Sandro.Ayaw niyang palampasin ang pagkakataon na mapagaling si Sandro. Kahit kaunting pag-asa lamang, hindi niya gustong mawala ito.Nagtanong muli si Nixon."Didn't you ask someone to check her background? what about her life?”“Yes we did, but we didn't find any useful information
KABANATA 39: REVENGE?Kung hindi dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ni Kit , baka hindi na sila nagkita ngayon. Ang buhay ng mga nasa mataas na antas ng lipunan ay hindi basta-basta makikilala ng kahit sino lang.Si Kit ay matalik na kaibigan ni Nige at si Liam naman ay isinama ng kaibigan ng isa pang kaibigan ni Kit sa celebration nila.Alam ni Liam na hindi sapat ang kanyang katayuan para mapabilang sa kanilang magkaibigan. Nang makita niyang hindi talaga umiinom si Nigel medyo nahiya siya ngunit hindi siya nawalan ng composure. Nagpatuloy siya sa pagngiti at sinabing,“My name is Liam Gutierrez, and I’m the current manager of ASF Entertainment. I’ve wanted to meet the CEO of Sandoval group for a long time. Now that I’ve met him, I’m shameless enough to show my face in front of you Mr. Sandoval. This is my business card.” pagpapakilala ni Liam sa sarili niya.Inilabas ni Liam ang kanyang business card at inabot kay Nigel. Tinignan lang ito ni Nigel ngunit hindi niya inabot ang kamay n
KABANATA 40: NGITING TAGUMPAYGustong hanapin ni Carlex si Chellsey matapos itong matagalan sa ng magpaalam na pupunta sa banyo.Pero nag-aalala si Lovely na baka may mangyari kay Carlex kung mag-isa lang itong lalabas, kaya't nagdahilan siyang pupunta lang sa banyo. Habang abala si Lovely ay palihim na lumabas si Carlex.Sa hindi inaasahan, nakita niya sina Nigel at Chellsey na nag-uusap sa gitna ng hallway. Nagtago siya sa malayo upang hindi mapansin at hindi rin niya narinig ang pinag-uusapan nila, pero napansin niyang hindi maganda ang ekspresyon ng kanyang Mommy at parang galit kay Nigel.Inisip niya na baka sinasaktan na ni Nigel ang kanyang Mommy habang sila ay nag uusap. Maya maya ay umalis ma si Chellsey at pumasok ng VIP room si Nigel."Kung sino man ang mananakit kay Mommy, siguradong hindi rin siya magiging masaya kahit kailan" sabi ni Carlex sa sarili.Lumapit siya upang ilabas ang kanyang inis kay Nigel.Dumapa siya sa may pinto at nakinig sandali. Narinig niya ang nag
KABANATA 41: ANG WALANG KWENTANG SI RUFO MENDOZA Matalim ang tingin ni Chellsey habang sinabi na, "Saan ka ba nag susuot na bata ka? Hindi mo kabisado ang lugar dito paano mo naisipang lumabas nang mag-isa lang? Ika-." Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, lumapit si Carlex at hinalikan siya sa pisngi. "Shhh don't worry Mommy. Alam mo namang matalino ako diba? Hindi ako maliligaw dito basta basta, at hindi rin ako mag pasaway dito. Miss na miss lang po kita dahil ang tagal na nating hindi nagkita ng ilaw araw." nakangiting sabi ni Carlex. Natigilan si Chellsey. Bigla siyang napangiti at tila nawala ang kanyang galit sa mukha. Alam ni Carlex kung paano siya paamuhin. Sa halip na pagalitan, nagtanong si Chellsey nang may pag-aalala, "Nang lumabas ka ba, may nakasalubong ka bang lalaki na kamukha ni Calex?" Alam agad ni Carlex kung sino ang tinutukoy ng kanyang ina. Kung mayroon man, siguradong sisirain niya ang modd nito, at pipilitin pa niyang inisin ito. Sa kanyang isip
KABANATA 42: SMART KIDSGalit na galit din si Carlex."Iyan pala ang taong pinoprotektahan ni Nigel. Hindi na ako magtataka kung bakit gustong makipaghiwalay ni Mommy kay Nigel!. Kung kaya niyang protektahan ang isang lalaking kalbo na puro kasamaan ang ginagawa, hindi rin siya mabuting tao!"(Nigel: "cough cough!--" ) Nasamid si Nigel dahil na sabihan ng masasakit na salita ng sarili niyang mga anak."At ang babaeng iyon, siya rin ang nambully kay Cyrex sa train station! Hindi talaga katakataka. Magkamukha sila ng mga ipis at daga na magkakasama sa isang lungga ng imbornal. Hindi mabuting tao ang pamilya na mayroon sila!""Hindi ko pwedeng hayaang saktan nila si Mommy nang ganoon na lang! Gusto kong gantihan siya! Gusto kong wasakin ang pamilya ng mga Mendoza!" galit na dagdag pa na sabi ni Carlex.Hindi lang ito sinasabi ni Carlex agad siyang kumuha ng mga bilog na bagay mula sa kanyang maleta na parang mga holen at isinilid ito sa kanyang bulsa.Palabas na siya para pagbayarin si
KABANATA 55: GALIT NA TIGREHabang nag iisip ng isang bagay, muling nagtanong si Nigel,"Hindi mo gustong mapalapit sa kanya, paano naman si Sandro? Lumapit ka ba kay Luke para lang mapalapit kay sandro?"Agad na umiling si Chellsey,"Aksidente lang na natulungan ko si Luke! Nagkataon na nakita ko siya sa kalsada at may sakit siya, kaya’t tinulungan ko siya ng kusa. Tapos nalaman ko sa magulang niya na nagwawala siya. Nag-alala ako sa kalagayan niya, kaya pumunta ako sa ospital para makita siya, at doon kami nagkakilala pero bago iyon, hindi ko pa kilala si sandro! Kinalaunan, ang ama ni Sandro mismo ang nagdala sa akin sa kanya. Kung hindi siya nag kusang-loob, hindi ko malalaman ang tungkol sa kanya, lalo na’t hindi ko siya makikilala. Hindi ko na kasalanan kung naniniwala ka o hindi basta hindi ndi ako nagsisinungaling!"Tiningnan siya ni Nigel halatang naiinis. Pagkaraan ng ilang minuto, sinabi niyang may halong iritasyon,“Tell her to go upstairs to pick up her child.”Agad naman
KABANATA 54: MALING AKALA LANG ANG LAHAT“Gumawa ka lang ng mabuting gawain araw-araw, at ikaw ay magiging mabuting tao paglaki mo. Kapag lumaki na si Cyrex kailangang maging mabuti siyang tao na tumutulong sa iba. Ang pagtulong sa iba ay pagtulong din sa sarili tandaan mo yan baby ko ha.” sabi ni Chellsey na nakatitig sa anak habang nakangiti.“Opo Mommy si Cyrex ay makinig palagi kay mommy at maging mabuting tao po ako hindi ako tutulad sa mga babae na nang away satin Mommy, sobrang bad po nila!”Ngumiti si Chellsey at sinabi,“Tapos na ang nangyari ngayon wala ng mangaaway pa sa atin. Kapag nakasama mo na ang iyong ninang at mga kapatid mamaya, huwag mo nang sasabihin ito okay lang ba?”“Okay po mommy.”Ayaw ni Chellsey na magalit si Lovely pati na sina Calex at Carlex dahil sa nangyari. Sa huli, lahat ng ito ay nakaraan na. Bahagyang kumunot ang noo ni Cyrex , ngunit tumango siya nang may pag-aatubili.Gusto rin niyang magsumbong sa kanyang mga kuya upang makahanap ng paraan na i
KABANATA 53: ACT KINDNESS Habang nagsasalita si Rhea, namumula ang kanyang mga mata.“Sa totoo lang, malalaman mo lang ang hirap ng pagiging magulang kapag may anak kang katulad nito. Sa loob ng nakaraang dalawang taon, hindi ako nagkaroon ng maayos na tulog o kahit man lang makakain ng tama sa oras nakakawalang gana sobrang bigat sa pakiramdam.”“Noong dalawang taon pagkatapos kong ipanganak si Luke, hindi ko magawang kontrolin ang pagkain ko dahil nagpapasuso ako. Kalaunan, nagkaroon ako ng labis na pagkain. Noong pinakamalaki ang timbang ko, umabot ako ng halos 250 pounds. Pero mula nang magkaroon siya ng problema, pumayat ako ng 80 pounds sa loob lamang ng dalawang buwan… Ang hirap… sobrang hirap…”Tahimik na nakikinig si Chellsey at nagsalita lamang nang matapos si Rhea,“Alam kong napakahirap ng pinagdaanan mo nitong mga nakaraang taon Mrs. Chavez.”Ang pagunawa ay madalas na mahirap ipaliwanag. Ang mga taong hindi pa nakaranas ng ganoong sitwasyon ay hindi lubos na maiintindih
KABANATA 52: SUNOD SUNURAN SA ASAWA Nakapikit ang mga mata ni Nixon at tumingin kay Kriza at sa iba pa. Halos nangangatog na sa takot ang mga kasama ni Kriza, kabilang naman niya ay ang kanyang kapatid na babae, na nakatayo sa gilid at nanginginig rin.Sabi ni Nixon, "Sabihin mo sa akin ang totoo hon, kung wala ka talagang kasalanan, kahit patayin pa ako ng pinsan ko, ipagtatanggol kita. Pero huwag kang magsisinungaling!"Umiling iling at tumanggi si Kriza na aminin ang kanilang nagawa."Siya ang nagsisinungaling! Anak niya ang nagtulak sa anak ko, pero ayaw niyang mag-sorry. Kaya lumapit ako sa kanya para humingi ng paliwanag. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n siya katindi at agad na sinugod ako honey maniwala ka sakin tingnan mo, nasugatan ang paa ko dahil sa kanya, huhuhu..." nag papaawa na sabi ni Kriza kay Nixon.Nagtaas ng kilay si Chellsey at nagsabi, “Imposibleng walang CCTV dito. Bakit hindi natin tingnan ang footage?"Nang marinig iyon, nanginginig si Kriza at mga kas
KABANATA 51: ATE RHEA Di nagtagal, dumating si Rhea.Namimili siya ng damit para kay Luke nang malaman niyang naroon si Chellsey at may nanggugulo sa kanya, kaya nag madali siyang pumunta.“Miss Chellsey?”Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig mula sa kanyang likod. Lumingon si Chellsey at nakita si Rhea.“Mrs Chavez?”Nagulat si Ate Rhea.“Ikaw nga aba! Nakita ko ang iyong likuran kanina at akala ko nagkakamali lang ako. Ano... anong nangyari bakit ganyan ang itsura mo?”Medyo nahiya si Chellsey at yumuko,“Nagkaroon lang ng di magandang pangyayari sa kanila Mrs Chavez”Napakunot ang noo ni Rhea nang marinig ito at tumingin ng masama kina Kriza at iba pa.Si Kriza lang ang nakakakilala kay Rhea sa mga kasama niya, at nakaramdam siya ng takot. Ang iba naman, kahit mukhang mataas ang katayuan ni Rhea, ay patuloy na nagmamataas, umaasa kay Nixon na tagapagtanggol ni Kriza.“Anong problema? Kilala mo ba ang babaeng ito? Sasabihin ko sa’yo, kahit ilang pulis o kung sino pa man ang
KABANATA 50: GOOD MOVIE Napamura si Chellsey ng mahina at yumuko upang pulutin ang kanyang telepono. Ngunit pagkakuha niya pa lamang dito, biglang may humila sa kanyang buhok.Hinatak siya pabalik ng isang babae nang malakas, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit at napahawak sa kanyan ulo."Ikaw na ang unang nag-umpisa! Dapat lang sayo yan at sa totoo lang kulang pa nga yan! Gagawin ko lahat ng gusto ko kahit mamatay ka pa hampaslupa ka!” galit na sigaw pa rin ni Krisa sa harap ni Chellsey.Sabay-sabay siyang inatake ng kasama nitong mga babae habang sinasabihan siya ng hindi maganda.Sa puntong ito galit na galit si Chellsey. Kung hindi lang sana niya gustong umiwas sa gulo, duguan sa ang mga babaeng ito. Tinapakan niya ang dulo ng sapatos ng babaeng humihila sa kanyang buhok, kaya't agad siyang binitawan nito at napasigaw dahil sa sakit!"OMG it hurts! ang paa ko, ang sakit OMG!..." maarteng sabi ni Kriza.Kahit wala siyang ano man na hawak na bagay hindi kayang pantayan ng mga ba
KABANATA 49: SUPERMAN!Mabilis na tinanong ni Chellsey si Cyrex,"Anak, nasaktan ka ba ng husto?"Mahigpit na niyakap ni Cyrex ang leeg ni Chellsey at mahina siyang umiyak sa balikat nito."Natatakot po ako Mommy.."Si Cyrex ay iba kina Carlex at Calex. Mula pagkabata ay likas siyang mahiyain, malambot ang puso, at mabilis umiyak."Ayos lang, huwag kang ng matakot. Si Mommy at Ninang ay pina alis na ang babaeng masama na iyon. Masakit pa ba ang braso mo?""Masakit pa rin po Mommy..""Heto, ikikiss ni Mommy." Tinulungan naman siya ni Lovely maka tayo at pinagpagan ang kanyang short."Baby Cy, may stall ng ice cream doon, masarap iyon, gusto mo bang bilhan ka ni Tia Ninang?" sabi ni Lovely habang nakangiti.Nagliwanag ang mga mata ng bata at bahagyang nawala ang takot sa Mukha."Sige na, bilhan ka ni Tita Ninang ah" alok ni Lovely at inaabot ang kanyang kamay upang kargahin si Cyrex.Pero mas lalong humigpit ang yakap ng bata kay Chellsey at ayaw niyang bumitiw. Alam niyang kakampi niy
KABANATA 48: BEST FRIENDS!Di nagtagal, nakatanggap si Chellsey ng balita habang siya ay nasa mall. Sa sobrang galit, sinagot niya ang kausap sa cellphone,"Anong sinasabi niya na pwede siyang makipaghiwalay kung kailan niya gusto? Pwede ba siyang magbigay ng eksaktong araw? O kaya ay magpakita siya sa akin para makapag-usap kami ng maayos! ak-”Hindi pa natatapos ni Chellsey ang kanyang sinasabi nang biglang ibinaba ng kausap niya ang tawag.Napahawak si Chellsey ang kanyang baywang at hinawakan ang noo habang nagmumura sa kanyang isipan. Naisip lang niya tawagan si manang Lucy para itanong ang tungkol sa hiwalayan pagdating niya sa mall. Yun pala, naka-block ang number ni manang Lucy sakanya cellphone.Agad niyang inalis ang pagkakablock at siya na mismo ang tumawag pabalik. Nang malaman niya na tinawagan siya ni Nigel kagabi at nakipagkasundo na magkita ngayong araw, tuwang-tuwa siya.Pero, sa di inaasahang pangyayari, nagbago na naman ang isip. Hindi niya alam kung galit si Nigel
KABANATA 47: THE KARMA?Nagising ang tatlong bata.Nang tingnan ni Cyrex ang orasan sa tabi ng kama, halos magtatalon siya sa higaan dahil sa gulat."Oh, it's already 10:00 o'clock. Nako gutom na si Mommy at si tita ninang!"Agad na tinapon ng maliit na bata ang kumot sa kanyang tabi ng unan, bumangon mula sa kama, at tumakbo palabas habang may may tulo ng laway at muta pa.Si Calex at Carlex ay umupo na rin. Si Chellsey at Lovely ay patuloy na nag-uusap sa sala. Nang makita nilang nagmamadali si Cyrex palabas, tinanong nila,"Ano'ng nangyari, Cy?""Mommy, tita ninang, gutom na po ba kayo? Magluluto ako para sa inyo."Gusto sanang tumakbo ni Cyrex papunta sa kusina gamit ang kanyang maikli at mabilis na mga binti, ngunit pinigilan siya ni Chellsey."Huwag ka nang magluto baby, kumain na kami, at handa na ang agahan niyo. Maghilamos ka muna at kumain na kayo ng mga kapatid mo pagkatapos.""Ah? Ikaw po ba ang nagluto mommy?""Isang pogi ang nagdala.""Pogi po?" nagtataka na tanong n