NAGMAMALAKING ngumiti si Russel habang nakatanaw sa asawang si Megara. Nakaupo pa rin ang babae sa VIP table at sunod-sunod na uminom ng alak habang nakatuon ang tingin sa cell phone nito.
Hindi niya mapigilang hindi hilingin na sana ay siya ang gustong tawagan o text-an ng asawa. Pero sino bang binibiro niya? Galit pa rin ito kaya malamang, kung may padadalhan nga ito ng text ay ang imbistigador iyon at hindi siya.
Hindi nga siya nagkamali. Maya-maya lang ay nakatanggap na siya ng text mula sa lalaking si Kane. F-in-orward nito sa kaniya ang text mula kay Meg.
"Lalasingin ko ang sarili ko. Ikaw na ang bahala sa akin."
Huminga siya nang malalim sa nabasa. Muli siyang um-order ng isang baso ng alak bago muling tinanaw ang babae. Bahagya siyang nakaramdam ng pag-aalala nang makita kung paano uminom si Megara. Ngayon niya lang ito nakitang ganoon.
Hindi naman marunong maglasing ang babae, natuto lang itong uminom noong nagrerebelde na sa kaniya d
MATAGAL na tinitigan ni Megara ang nangingislap na mga mata ni Russel. Puno ng emosiyon ang mga iyon at nagsusumamo sa kaniya.Sa loob nang ilang segundo, aaminin niyang gusto niyang bumigay sa mga sinabi nito. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig ng lalaki, pero hindi niya magawang tanggapin na lang ang lahat. Hindi niya kayang sabihin at aminin dito ang mga itinatago ng puso niya.Huminga siya nang malalim at mariin na lumunok. "I-I need to go."Akmang tatayo siya subalit mabilis siyang pinigilan ni Russel. "No, Meg. Stay. Hangga't hindi natin napag-uusapan ito, hindi ka puwedeng umalis.""Puwede ba, Russel? G-gusto ko nang maligo! Nagugutom na rin ako!""May shower dito! If you want, we can just order foods!"Mariin siyang lumunok habang nakatitig sa mukha ni Russel. Ayaw niyang tuluyang pumayag sa gusto nitong mangyari. Nararamdaman niyang ilang sandali na lang, bibigay na siya rito.Ayaw niya. Hindi na kakampi kundi kalaban ang tu
NAKANGITING ibinaba ni Megara ang dalawang plato ng fried shrimp at grilled chicken breast, saka tuluyang umupo sa upuang katapat ng lalaking si Kane.Katatapos niya lang magluto para sa lunch. Doon kakain ang imbistigador dahil may pag-uusapang mahalaga ang dalawa. Ayon kay Russel, may binabalak ang mga itong gawin para mahuli ang lalaking si Rinhu Tianok. Napag-alaman niyang iyon pala ang pangalan ng lalaking sumusunod at nagmamatyag sa kaniya.Nag-umpisa silang kumain habang nag-uusapan sina Russel at Kane. Hindi siya sumingit sa usapan ng mga ito. Nanatili siyang tahimik habang may sariling iniisip."Ano? May hinala ka na kung sino ang nasa likod nito?" nakuha ng imbistigador ang atensiyon niya nang marinig ang sinabi ng lalaki.Nabungaran niya itong seryosong nakatingin sa asawa niya. Nang balingan naman niya si Russel, tumingin din ito sa kaniya at may maliit na ngiti sa mga labi nang hawakan ang kamay niya.Muli itong bumaling sa imbistigado
NAGPAKAWALA siya ng hangin matapos maghila ng upuan para umupo. Halata nang may itinatago ito, pero nagagawa pa ring mag-deny ng babae. Naiinis siya lalo sa ipinapakita ni Megara. Ano bang mayroon sa ex nito at ayaw pang sabihin sa kaniya ng asawa ang pangalan? Mariin siyang pumikit at may ilang minutong nanatili sa ganoong ayos para mag-isip. Kung sasabihin lang sana nito ang pangalan ng dati nitong karelasiyon, mas madali nilang mareresolbahan ang problema nila. Tumayo siya saka mabilis na humakbang paakyat sa kuwarto nila. Nagdesisiyon siyang puntahan na ito at piliting magsalita. Paano nila aayusin ang pagsasama nila kung patuloy pa rin itong maglilihim sa kaniya? Nang maabot niya ang tapat ng pinto, bigla siyang natigilan nang maisip ang dalagang si Narissa. Pakiramdam niya, bumabalik sa kaniya ang ginawa niya sa asawa. Pilit niyang inililihim ang pangalan ng kabit niya rito, dahil ayaw niyang magtagpo ang mga ito. Ngayon naman, ginagawa na rin iyon sa k
NAKATAPIS ng puting tuwalya ang buong katawan ni Megara nang muli siyang lumabas ng banyo. Tumutulo pa ang tubig mula sa ulo niya pababa sa kaniyang katawan nang tumigil siya sa tapat ng kama."Megara!"Mataman niyang pinagmasdan ang lalaking nakagapos pa rin sa ibabaw ng kama at nakapiring ang mga mata. Hubo't hubad pa rin ito habang tayung-tayo pa rin ang alaga.Kumuyom ang mga kamao niya nang maisip na baka ganito ang ginagawa ni Russel at ng kabit nito sa tuwing nilulukuban ng libog ang lalaki.Mapait siyang ngumiti. Ilang ulit siyang umiling bago maagap na humakbang patungo sa loob ng walk-in closet. Naghanap siya ng damit na maisusuot bago kinuha ang leather sling bag niya."Meg, baby! Where are you? Kalasin mo na ito. Get this off, Megara!"Muli siyang lumabas at tumayo sa harap ng kama habang suot ang floral pearl suspender dress. Nakasukbit na sa kabilang balikat niya ang dalang sling bag."I know you're there, Megara. I can
AGAD na nagkamay sina Russel at Kane nang makarating sila sa hotel room kung saan ito naghihintay. Nagkasundo silang tatlo na magkita na lamang sa labas sa halip na sa bahay nila. Mas ligtas kung hindi sila makikitang magkasama.Umupo sa magkaharap na armchair ang dalawang lalaki habang siya ay nagtungo sa labas ng balkonahe. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang mahaba niyang buhok at dinama ang lamig nito.Sa gitna ng problema, minsan, masarap kalimutan muna ang lahat at piliing magpahinga pansamantala. Sa mga nagdaang araw, wala siyang ibang ginawa kundi manatili sa bahay nila, pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Pagod ang isip at puso niya sa mga nangyayari.Naramdaman niya ang presensiya ng isang tao sa kaniyang likuran, kasunod roon ang pagpisil ng mainit na palad sa kanan niyang balikat.Nilingon niya kung sino ito at nakita ang asawang si Russel. Sumilay ang banayad na ngiti sa mga labi ng lalaki. Ibinaba nito ang isang baso ng orange ju
NAGMAMADALING lumabas ng bahay si Russel at lumapit sa mataas na tarangkahan. Binuksan niya ito at natatarantang hinila palayo ang babae. Pilit naman kumakawala mula sa mahigpit niyang pagkakahawak si Narissa sa braso nito."Russel, nasasaktan ako!" malakas nitong reklamo.Marahas niyang itinulak at masamang tinitigan ang babae nang makalayo sila sa gate. "Bakit ka nandito! Ano na naman bang kailangan mo!""Ikaw! Ikaw ang kailangan ko! Kailangan kitang makausap!"Mariin niyang kinuyom ang mga kamao bago nilingon ang pinto ng bahay nila. Nang masigurong wala roon si Meg, galit niyang binalingan si Narissa at muling hinawakan sa braso nito."Umalis ka na! Umalis ka at huwag nang bumalik dito!" sigaw niya na ikinatigil ng babae.Halata sa mukha na nasasaktan ito sa pakikitungo niya, pero hindi iyon binigyan ng pansin ng dalaga. Nag-aapoy naman sa galit ang mga mata niya. Sa labis na inis, pakiramdam niya ay masasaktan niya ito.Masiyado
MALAPIT nang sumapit ang alas-otso ng gabi, at kahit pa sinabi ni Russel sa asawa na aalis siya, ang totoo ay hindi pa siya sigurado kung pupunta siya.Ayaw na niyang magpatali sa leeg. Kung noon, nagagawa siyang takutin ni Narissa, ngayon ay hindi na niya hahayaang mangyari ang bagay na iyon.Nilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng coffee table at sinandal ang likod sa sandalan ng sofa. Pumikit siya at pinag-isipang mabuti ang mga nangyayari. Sakaling mawala ang problema nila sa lalaking si Rinhu, kailangan na niyang harapin ang isa pang pagsubok na pinagdadaanan.Ipapaalam na niya kay Megara ang nangyari sa Las Vegas, at kung paano siya natali kay Megara dahil sa takot niyang ibunyag siya ng babae sa lahat. At pagkatapos, saka niya pagtutuunan ng pansin ang huling dagok sa buhay nilang mag-asawa.Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang mga hakbang ni Megara sa hagdan. Bumaling siya sa pintuan ng sala at nakita itong tumayo roon.Bigla siyang
NGUMITI si Megara sa babaeng naghahanda ng almusal sa loob ng kusina at binati pa ito bago umupo sa harap ng kitchen island.May nakahanda nang sinangag sa ibabaw ng counter, may scrambled egg, hotdogs, tuyo sa isang plato na may kasamang mga hiniwang kamatis na pula, at pandesal. Napangiti pa siya habang nilalanghap ang mabangong amoy ng kasalukuyan nitong pinipritong marinated na bangus."Ang bango naman, manang! The best talaga ang mga luto mo," puri niya sa babae nang humarap ito sa kaniya para ibigay ang kaniyang hot chocolate.Malapad pa itong ngumiti. "Ikaw talaga. Kabago-bago ko lang dito, e. Impressed ka na masiyado sa akin?"Natawa siya bigla sa narinig. Humigop siya nang mainit na tsokolate bago kumuha ng hotdog at diretsong sinubo ang kalahati.Hindi naman siya masarap magluto. Si Russel lang naman ang gustong-gusto ang mga niluluto niya. At simula nang magkaroon sila ng problema, mas lalo yatang sumama ang lasa ng mga pagkaing niluluto
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang