Share

Chapter 2

"Buntis ka, Lila..." Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa tainga ko ang sinabi ni April, habang hawak-hawak niya ang limang pregnancy test.

Hindi ako nagsasalita, tumutulo lang ang mga luha. Isang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin ang nakita ko sa loob ng kwarto namin ni Michael. At sa tuwing pipikit ako ay rumerehistro sa isip ko ang mga pangyayari ng araw na iyon.

Napirmahan ko na kanina ang divorce paper namin, kung kaya't hindi na kami mag-asawa. Hindi na niya ako asawa. Wala na akong asawa.

"Lila, huwag ka naman na umiyak. Please, tahan na..." pagpapatahan ni April. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nauubos ang luha ko. Pagod na pagod na ako umiyak, pero hindi ko alam kung paano hihinto. Sandaling titigil sa pagbagsak, tas maya-maya lamang ay tutulo na naman ulit.

"A-Anong gagawin ko sa bata?" tulirong tanong ko at tiningala ang kaibigan ko na ngayon ay nakayakap na sa akin. "Paano... Paano ko papalakihin ang bata na mag-isa? Paano kung maghanap siya ng ama? Anong sasabihin ko?" sunod-sunod kong tanong.

Matagal ko pinaghandaan ang pagiging isang ina dahil alam kong nasa tabi ko si Igani at hindi niya ako pababayaan. Pero hindi ko pinangarap ang maging isang maging single mom.

"Putangina!"

Sabay kaming napatalon sa gulat ni April nang malakas na bumukas ang pintuan, at pumasok ang lasing na lasing na si Julius, ang asawa ni April. Tumingin siya sa amin, at sabay nag-peace sign.

"Nag-iiyakan na naman kayong dalawa," pasuray-suray niyang sabi at naglakad papasok.

Umalis sa tabi ko si April at dinaluhan ang asawa niya. "Ginagawa mo bang tubig ang alak, Julius?" sarkastikong tanong ni April sa asawa.

Kumunot ang noo ni Julius at tumitig sa asawa. "Huwag mo nga ako... pagbintangan! Hindi ako lasing. Mahiya ka nga sa kaibigan mo, baka isipin niya... lasenggero ako."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanilang mag-asawa. Sa loob ng isang linggo kong pananatili rito kay April ay isang beses ko pa lang ata na nakita na hindi lasing si Julius. Ayos lang din naman kay Julius na narito ako, wala siyang sinasabi na hindi maganda sa akin, pero pakiramdam ko ay nahihimasok ko ang personal nilang buhay... na siyang hindi naman dapat.

Kinabukasan ng umaga ay naabutan ko na nag-aalmusal ang buong pamilya ni April, nakaupo si Julius sa tabi ng dalawang anak habang nagbabasa ng diyaryo at may kape sa tabi.

"G-Good morning," bati ko sa kanila. Lahat sila ay napatingin sa akin at sabay-sabay rin na napatitig.

"Aalis ka?" Gulat na tanong ni April at itinuro ang dalawang maleta na hila-hila ko. "Saan ka pupunta?"

Kinagat ko ang ibabang labi. "Nakakahiya naman sa inyo kung magtatagal pa ako. Sobra-sobra na ang naitulong niyo sa akin."

"Ninang, uuwi ka na sa inyo?" tanong naman ng limang na taon at panganay nila April.

Akward akong ngumiti at tumango sa bata.

"Lila, hindi ka naman namin pinapaalis," ibinaba ni Julius ang diyaryo at biglang sumeryoso. "Ayos lang kung hanggang kailan mo gusto na narito."

"Maraming salamat, Julius. Pero, hiyang-hiya na talaga ako." 

"Saan ka pupunta ngayon?" naroon ang pag-aalala sa tono ni April. "Buntis ka, Lila..."

Bahagyang nagulat si Julius sa narinig mula sa asawa, pero hindi na muling umimik pa.

"U-Uuwi... ako sa bahay," hindi ko sigurong sabi. Alam kong alam ni April ang bahay na tinutukoy ko.

"Sigurado ka na ba talaga?"

Marahan akong tumango at niyakap siya. "Thank you," bulong ko sa kanya.

Tumawag ako ng taxi para ihatid ako sa bahay. Gusto pa sana ako ihatid ni April, pero hindi talaga ako pumayag at nagmatigas. Habang binabaybay ng taxi ang daan papunta roon hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Wala rin kasiguraduhan kung tatanggapin ba ako.

Nang pumarada ang taxi sa labas ng gate ng malaking mansyon kung saan ako lumaki ay nagbayad na ako at bumababa. I was standing there for about five minutes, nang napahinto ang guard sa ginagawa niya at tumingin sa akin.

"Señorita, Lila!" Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na binuksan ang gate para papasukin ako. 

"Narito ba si daddy?" tanong ko sa kanya at agad naman siyang tumango.

Halos limang minuto pa ulit ang nilakas ko, bago ako nakarating sa mismong mansyon. Lahat ng makakakita sa akin ay napapahinto, halatang gulat na gulat.

I entered the family mansion, accustomed to the glitz and glamor, my heels clinking against the hard tiled floor, the maid directing me to the living room. Naroon ang kapatid ko at si daddy, seryosong nag-uusap.

I gave a tight smile, pausing in the doorway as I took in my father, clad in an expensive business suit, his hair immaculately groomed. He might be in his mid-fifties, but he was still a handsome man, and my brother Apollo was seated on the couch, raising a sympathetic brow as he saw me standing there, debating whether to walk over and give my father a hug or wait until he saw fit to acknowledge me, his back turned as he finished up an important business call.

My father turned, and I saw his eyes soften as they greedily drank me in. I hadn't been home in over three years and the last time I had seen him, it had been because we had an argument over marrying Michael—nang itakwil niya ako at sabihing hindi na niya ako anak.

"Lila, if you insist on marrying that man, don't even think of entering this house again! Itatakwil talaga kita! This man is no good for you—He's not worthy of your love or your time—He's using you!"

"D-Dad... mahal ko si Michael! Mahal niya ako! At alam kong hindi niya ako sasaktan!"

"If you walk through that door, don't bother coming back. That will be the end of you. Mamili ka, Lila."

I stared at my father, my chest heaving. I had thought he would be happy when I came to tell him I was engaged to Michael, but instead, he had been enraged. Ipina-background check niya si Michael, at nang makita niyang anak ito sa labas ng isang Senator ay agad niya kami tinutulan. Ang sabi niya ay gagamitin lang ako ni Michael pero hindi ako naniniwala. Hindi ganong tao si Michael.

"That man will leave you the second he thinks something better has come along," my father roared as I turned my back and prepared to leave, my eyes narrowed in defiance "You're making a big mistake, Lila. If you want to get married we can find somebody better suited for you. Napakaraming nagkakandarapa sayong mga lalaki. Hindi siya ang para sayo."

I turned around and glared at my father, indignant that he would make such a suggestion to me. I was loyal to Isagni. How could my father even suggest that I get married to someone else, someone that I didn't love? 

Michael was the only one for me. 

"Pero si Michael lang ang nagparamdam na mahal niya ako, dad. Hindi pera o kayamanan ang habol niya sakin—may sarili siyang ambisyon. Magtatayo siya ng sarili niyang law firm at susupurtahan ko siya!" I choked out, feeling tears trail down my cheeks. 

Silence. I clenched my hands into fists, feeling despair sweep over me. Apollo had been there, unable to say anything to dissuade me from the path I'd chosen. I'd turned my back and I'd walked slowly, resolutely out the door, my dress billowing around my ankles.

I had half expected them to run after me, to apologize. But we were all prideful and the door had closed behind me, with an ominous creak and a sense of finality. I had walked away from my family home, with the sense I would never see it again.

Hindi ko sinabi kay Michael ang tungkol sa pamilya ko. Hindi niya alam heredera rin ako. I used my mom's surname when she was single, Saurez. Kilala ako ni Michael bilang Lila Suarez, ang isang typical na college student. Ginawa ko iyon dahil gusto kong patunayan sa pamilya ko na mali sila ng tingin kay Michael, hindi yaman ang gusto niya sa akin.

At sa loob ng tatlong taon ay hindi ako kinamusta o tinawagan man lang ni daddy at Apollo. Naging matigas sila sa naging desisyon ko... At sa huli, sila ang tama. Heto ako ngayon, nasa harapan nila, bumabalik dahil sinaktan at niloko ni Michael. Si Michael na ipinaglaban ko sa pamilya ko. Si Michael na siyang dahilan kung bakit ko tinalikuran ang magandang buhay na meron ako.

My father was the first to make a move. I tensed... and then felt his large arms around me, holding me tight.

"My Lila..." he murmured as my throat tightened "My beautiful daughter," he said in a whisper, pulling away to look at me. "You look more and more like your mother every day." Mukhang alam na rin nila ang balita sa hiwalayan namin ni Michael. Paano ba namang hindi, isang heredera lang naman si Rebecca. Mainit sa mata ng mga balita.

"Y-You... called me," I said stifly, taken aback by the welcome I received. 

I saw regret on my father's face. He motioned for me to take a seat, and I sat beside Apollo, who placed a comforting hand on my back. 

"I did," my father said heavily, seated opposite us, his eyes narrowed as he took in the paleness of my face, the trembling of my body "I saw the news in the paper, anak. Galit na galit ako kung bakit ganon ang ginawa nila sayo." My father was not appeased. "He cheated on you" It was an accusation, not a question. 

"Y-Yes, dad..." I said tiredly. "Michael cheated on me."

My father slammed his hand down on the coffee table. "Unang kita ko pa lang sa lalaki na yun ay hindi na maganda ang pakiramdam ko!" he snarled as I looked back up. "At hindi nga ako nagkamali! Nobody treats a Fields member this way. Dinungisan nila ang pangalan mo!"

"He'll marry Rebecca Deluca, that's for sure," seryosong sabi ni Apollo, ang tingin ay nasa isang online magazine kung nasaan ang picture ni Rebecca. "Hahayaan mo na lang ba ang ginawa nila sayo?"

Hindi ako nakasagot. Ano bang dapat kong gawin? May dapat ba akong gawin?

"Hindi tayo papayag na basta na lang nila dungisan ang pangalan mo, anak," mariin sabi ni daddy at nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata.

"G-Gusto... Gusto niyo na pagbayarin sila...?" gulat na gulat kong tanong.

Masakit ang ginawa ni Michael sa akin, pero ni isang beses ay hindi sumagi sa isip ko na maghiganti sa kanila ni Rebecca.

Naglakad papalapit sa akin si Apollo. Tinaasan niya ako ng kilay at inabot sa akin ang ipad niya. "Papayag ka na lang ba na palabasin nilang Ikaw ang may problema sa relasyon niyo kaya kayo naghiwalay?"

"What are you saying?" kunot-noong tanong ko at mabilis na hinablot ang ipad niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang statement ni Rebecca tungkol sa relasyon nila ni Michael. Nakasaan doon na matagal na hindi maayos ang pagsasama namin ni Michael at isa akong nakakasakal na asawa. Sinang-ayunan iyon ni Michael at sinabing hindi ako naging asawa sa kanya.

Kusang tumulo ang mga luha ko. Nanginig ang mga labi ko at malakas na ibinato ang ipad ni Apollo sa galit.

Paanong hindi ako naging asawa sa kanya, kung sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ay sa kanya lang umikot ang mundo ko? Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon?

Sinaktan na niya ako at dinurog... At hanggang ngayon ay sinasaktan pa rin niya ako.

Pinunas ko ang mga luha ko at hinarap si daddy at Apollo. "I will destroy them. Ipapakita ko sa kanila na hindi nila ako pwede tapakan.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status