Pagpapanggap lang ang lahat Tiffany kaya umayos ka! hindi ako agad nakapagsalita ng sabihin niya iyun habang nakaluhod sa harapan ko. Pansin ko rin ang paglakad lakad ng photographer at sa tingin ko ay video ang kinukuha niya.
“Babe, I’m waiting for your answer. Will you marry me and be my kids mother?” pang-uulit niya sa tanong niya.“Yes, Yes.” Saad ko habang tumatango pa, literal pang tumulo ang mga luha ko na para bang totoo ang lahat. Hindi ko lang talaga mapigilan kung ano ang tunay kong nararamdaman kahit alam kong kasinungalingan lang ang lahat. Hindi ko sinasabing nahuhulog ako sa kaniya pero yung mga ginagawa niya sa akin at pag-aalaga ay nararamdaman kong parang totoo.“Thank you babe!” masayang saad ni Samuel saka isinuot sa akin ang diamond engagement ring saka ako niyakap kaya niyakap ko na lamang din siya. Hindi ko pa rin mapigilan ang paglandas ng mga luha ko. “Sssshhh don’t“Just rest tonight Tiffany. Good night,” iyun na lamang ang tanging nasabi niya saka niya ako tinalikuran, pinanuod ko naman siyang maglakad paakyat ng hagdan. Kita mo itong lalaking ito, gusto niya kapag siya ang nagtanong ay sasagutin ko siya pero kapag ako ang nagtanong ay tatalikuran niya rin ako. Utak mo Del Rosario buhol buhol.Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagshower, nakakapagod din pala.Mabilis na lumipas ang mga araw. Walang araw yata na hindi tumawag ang Daddy at ang Mommy ko ganun na din si James at Ava. Akala ko ba ay utang namin ang lahat kay Ava? Bakit kinukulit nila ako ngayon? Napabuntong hininga na lamang ako.“Samuel!” mabilis akong napalingon sa pintuan ng marinig ko ang malakas na sigaw ng kung sino, nang makita ko ang matandang Del Rosario kasunod ng Mommy at Daddy ni Samuel ay napatayo na lang ako. “Where’s Samuel?” bakas ang galit sa kaniyang tinig kaya nanginginig pa
“Hindi ako kasal kay James Bautista.” Unang sagot ko, kaniya-kaniya naman ang bulungan nila at napatingin ako sa Lolo niyang seryoso at kunot noong nakatingin sa akin.“Ngunit malinaw na nakalagay ang image ninyong dalawa ni James Bautista na isa rin sa mga may malalaking negosyo sa bansa. Sinasabi mo bang may nag-edit lamang sa picture ninyong dalawa na kumakalat ngayon sa social media?” muli muna akong humugot ng malalim na hininga saka ngumiti.“Hindi ko sinasabing edit lang ang mga pictures totoo ang lahat na iyun at hindi ko itatanggi subalit hindi ako kasal kay James Bautista.” Mas lalong umingay ang paligid subalit hindi ko iyun pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. “Nakatakda kaming ikasal ni James Bautista nitong nakaraang linggo subalit bago pa man magsimula ang ceremony ay isiniwalat ko ang lihim na relasyon nila ng Ate ko. Ikakasal lang kaming dalawa para sa negosyo at hindi ko iyun gusto, hindi ko kaya
KINABUKASAN..Tanghali na akong bumangon saka lumabas ng kwarto, tiningnan ko pa ang kwarto ni Samuel. Baka pumasok na iyun. Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina, naabutan ko naman si Anna.“Good morning ma’am,” nakangiti niyang bati.“Good morning.”“Siya nga po pala ma’am, sinabi sa akin ni Sir Samuel na baka gabihin na raw po siya ng uwi dahil marami raw siyang aasikasuhin sa opisina dahil ilang araw daw po siyang walang nagawa.” Napataas naman ang kilay ko, Do I need to know that?“Madalas ba talaga siyang kausapin ka? I mean magbibilin kapag aalis?”“Hindi po ma’am, saka lang po niya ako sinimulan na kausapin noong nandito ka na. Ayaw ka raw po kasi niyang gisingin.” Napatango-tango na lamang ako, kumuha naman na ako ng gatas sa fridge saka ininom.Wala man lang ba akong gagawin? Nakakabagot maghintay
“Akala ko ba ay gagabihin ka pa ng uwi? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya habang may hinahanap siya sa cabinet niya.“Tinawagan ako ni Anna dahil iba na raw ang pag-uusap niyo ng Daddy mo. Bakit ba kasi pinapasok mo pa rito?” bakas ang inis sa tinig niya, ayaw ko namang isipin niya na basta-basta na lamang akong nagpapapasok sa mansion niya habang wala siya.“Pinapasok siya ni Anna pero hindi niya naman alam, pinapasok niya dahil sinabi ni Dad na Daddy ko siya.” humarap naman na siya sa akin ng salubong ang kaniyang mga kilay saka naupo sa kama niya katabi ko. “Ayos lang naman ako, hindi naman malala eh.” Saad ko ng hawakan niya ang kamay ko pero hindi niya ako pinansin at itinuon ang atensyon niya sa kamay ko ng namumula dahil sa pagpilit na paghila sa akin ni Daddy. Hindi ko alam na matatalim pala ang kuko ni Daddy o sadyang humigpit talaga ang pagkakahawak niya sa akin kaya bakat ang mga kuko niy
“Hindi ko mahal si Ava, sinabi ko naman sayong may pangangailangan din ako. Ikaw ang mahal ko Tiffany at hindi si Ava.”“That’s bullshit! Don’t you dare to tell that you love me James! Hindi na kita mahal, si Samuel ang mahal ko matagal na. Hayaan mo na akong magpakasaya.” Inis kong saad sa kaniya, hindi ko man alam kung kailan nila ako sinimulang lokohin ay wala na akong pakialam.“Iyun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong isama noon sa New York? Iyun ba?! Para makipagkita sa kabit mo?! Bakit? Dahil ba mas mayaman siya sa akin?!” isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya.“Hindi pa tayo kasal James para sabihin mong kabit ko si Samuel at lalong hindi ako mukhang pera para sabihin mong dahil mas mayaman siya sayo! Kasal na kayo ni Ava kaya bumalik ka na lang sa kaniya! huwag ka ng magpapakita sa akin James at sabihin na mahal mo ako!” inis kong saad sa kaniya. Tinalikuran ko
Hindi ko na namalayan pa ang pagdaan ng mga araw. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad na ngayon sa pulang carpet habang nakasuot ng white wedding gown at lalaking naghihintay sa akin sa unahan. Ang kasal na pinangarap ko ang biglang naglaho, ang magpakasal sa taong gusto kong makasama habang buhay, ang lalaking papakasalan ko dahil mahal ko ay nawala. Ang lahat ng mga pangarap ko para sa sarili ko ay tila naging abo na lamang at sumama na lang sa hangin. Ang malafairy tale na pag-ibig na pinangarap ko ay hindi ko aakalaing ganito ang kakalabasan. Magpapakasal ako sa lalaking hindi ko mahal, sa lalaking hindi ko kilala. Hindi ako sigurado sa kaniya habang nasa iisang bahay kami, hindi ko makita sa kaniya na siya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda. Gusto ko sanang ikasal sa lalaking pinangarap ko at hindi sa lalaking hindi ko kilala.Pero sadyang ganun talaga ang tadhana, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Hindi lahat ay katulad ni Cinderella, hind
Umalis naman na si Samuel at pumasok sa loob, si Noah naman na ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Napakagentleman talaga ng isang yun, alam niya na ngang ang laki-laki ng gown hindi man lang ako tinulungan kahit hanggang tapat lang ng kwarto ko.Hirap akong bumaba dahil sa laki ng wedding gown ko, mabuti na lamang at hindi naman ako iniwan ni Noah at tinulungan akong makababa at tinulungan niya na rin akong buhatin yun hanggang sa makaakyat kami ng hagdan.“Gaano ba kabigat yang gown mo at kailangan mo pa ng katulong? Nabuhat mo naman yan kanina ng mag-isa lang.” Saad niya, inirapan ko na lang siya saka hinarap si Noah.“Thank you,” saad ko saka binuksan ang pintuan ng kwarto ko saka pumasok. Napairap na lang ako sa hangin ng maalala kong hindi ko nga pala kayang tanggalin ito ng mag-isa. Tinawagan ko na lamang si Anna para tulungan ako. Hindi naman siya nagtagal at kumatok na sa pintuan ko.“Congra
TIFFANY POVMaaga kaming nagising na dalawa. Alas singko ang alis namin, para naman kaming nagmamadali. Nakaprivate plane naman pala kung bakit kailangan pa naming umalis ng maaga. Lumabas na ako ng kwarto ko habang hila hila ko ang maliit kong maleta, sakto rin ang paglabas ni Samuel sa kaniyang kwarto. Wala namang salita niyang kinuha sa akin ang maleta ko.“Okay lang naman, hindi naman mabigat eh.” Saad ko pero hindi niya ako pinakinggan at tuluyan ng bumaba dala-dala ang maleta naming dalawa.“Hindi na po ba kayo magkakape ma’am, sir bago umalis?” Tanong naman ni Anna ng makarating kami ng sala.“Sa plane na lang kami,” sagot naman ni Samuel kaya tumango na lang si Anna, ramdam ko pa ang puyat ko kahit na maaga naman akong natulog kagabi. Tahimik akong sumunod kay Samuel ng lumabas na siya, nasa labas na rin pala si Noah at naghihintay sa amin. Inayos na nilang da
“Para saan ba talaga ang kwintas na yan Samuel?” panggugulo sa akin ni Noah. Ilang gabi ko na itong pinagpupuyatan at gusto ko ako mismo ang nagdesign ng kwintas na ‘to. Alam kong ang alam ni Tiffany ay marami akong ginagawa sa kompanya, ginagabi ako dahil pagkatapos ng trabaho ko ay ito naman ang ginagawa ko. Gusto kong maperfect ang design na ‘to. “Alam mo nagdududa na talaga ako sayo pare eh, pinakasalan mo ba si Tiffany dahil mahal mo siya o dahil lang talaga sa mana?” “Shut up.” “Masyado ka diyang seryoso, pre bagong kasal ka pero nandito ka sa opisina mo gabing gabi tapos yung asawa mo naghihintay sayo, kung naghihintay nga ba.” Napatigil na lang ako sa ginagawa ko dahil sa bwisit na bubwit na ‘to. “Joke lang, di ka naman mabiro.” “Get out, “Biro lang, sige na mananahimik na ako rito sa gilid.” “I said get out!” inis ko ng saad sa kaniya. Wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako sa tuwing ito na ang ginagawa ko. Kakamot kamot naman siya sa ulong lumabas. Damn you Noah. G
Tahimik naman naming tinahak ang daan patungo sa kaniya. Gusto ko rin siyang makausap muna bago si Ava. Lahat naman kami nagkakamali, nakakagawa ng hindi tama. Nakakapag-isip ng hindi maayos, mapupuno ng galit ang puso mo at ang galit mo ay walang magandang patutunguhan, ang paghihiganti na akala mo ay makakapagbigay sayo ng satisfaction pero mali pala dahil hindi ka kayang pasayahin ng paghihiganti mo. Hayaan mong batas ang gumawa at tadhana na ang bahala.Ang mga akusasyon ni Ava na mali, masyado niya lang kasing napapansin ang mga taong nasa paligid niya. Hindi niya lang nararamdaman ang pagpapahalaga sa kaniya ng ibang tao dahil mas sinisilip niya ang iba.Mabilis naming tinahak ang daan papunta kay Ava matapos namin sa kaniya. Lumabas na rin ako sa kotse ng makarating kami, panay din ang yuko ng mga pulis na nakakasalubong ko.“Dadalawin ko sana si Ava Bautista.” Saad ko sa front desk. Pumasok naman na ako sa silid kung saan pw
Isang linggo na rin ang lumipas simula noong mangyari ang araw na yun. Noong mga nakaraang araw ay ramdam mo pa ang takot sa mga anak ko, halos hindi sila makatulog at makakain ng maayos. Mas pinili rin nilang manatili na lang sa loob ng bahay kaya medyo nahirapan talaga kaming kausapin sila pero ngayon okay naman na. Nakakatawa at nakakapaglaro na uli sila ng maayos at walang iniisip. “Daddy look out!” sigaw pa ni Daniel ng muntik tamaan ng bola ang Daddy niya. Mabilis namang nasalo ni Samuel ang bolang dapat ay tatama sa kaniya. Wala akong narinig kundi ang tawanan nilang mag-aama. “Mommy, ayaw mo po sumali?” “Kayo na lang muna baby, mas nag-eenjoy si Mommy na panoorin kayong naglalaro.” Sagot ko kay Sammy, nilingon naman ako ni Samuel at ngumiti kaya ngumiti na lang din ako. Masasabi kong kompleto na ang pamilya namin, wala ng ibang iniisip kundi ang kasiyahan ng bawat isa. “Bakit ang daya naman? Bakit kayo magkakampi?” rinig ko pan
“Pakiusap Samuel, makinig ka na lang.” “Pero Tiffany,” “Just listen to her, isipin mo ang mga anak natin. Hindi dapat nila ito nararanasan.” Nilingon ko naman siya at ipinakita ko sa kaniyang okay lang, magiging okay lang ang lahat. Wala naman na siyang nagawa at umatras na saka nakihalobilo sa mga taong nasa gilid. Nilingon ko naman si Ava. “Pakawalan mo na ang mga anak ko, ako lang naman ang kailangan mo at hindi sila. Nakikiusap ako sayo bilang ina, pakiusap Ava huwag mo namang iparanas sa mga bata ang ganitong klaseng pangyayari. Parang awa mo na.” “Oh sige, papayag ako. Meet your parents in paradise.” Anas niya saka itinutok sa akin ng mabuti ang hawak niyang baril. Lumandas sa pisngi ko ang maiinit na likido, nilingon ko si Samuel na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ang mga anak ko ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito, hindi dapat ‘to nangyayari dahil alam kong tatatak sa isip nila ang lahat. Naipikit ko na lamang
Dahil sa pag-uusap naming dalawa kahapon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. May ngiti akong pumasok ngayon sa kompanya niya at nababati ko na pabalik ang mga empleyado niyang bumabati sa akin. Ngayon na rin namin itutuloy ang naudlot na photoshoot namin kahapon. “Sigurado ka ng itutuloy natin ang photo shoot?” “Oo naman, ang tagal na nito saka medyo okay na ako oh.” Ipinakita ko pa sa kaniya ang ngiti kong hindi pilit kaya natawa na lang siya. “Okay, let’s go.” Anas niya kaya sabay na kaming nagtungo kung saan gaganapin ang photoshoot. Inayusan naman na ako ng make up artist saka ko isinuot ang damit na gagamitin ko. Alam kong magiging maayos din ang lahat, tiwala lang. “Okay ready!” muling sigaw ng photographer kaya umayos na ako saka ako ngumiti sa camera. “Good, nice one!” pagpupuri niya, inayos ko naman na ang performance ko ngayong araw dahil hindi na pwedeng macancel pa ito. Alam ko rin namang marami pang gagawin ang mga
Tumayo naman na ako at nilibot ang bahay na ‘to. Nakasunod lang naman si Nanay Belen habang kwenekwento niya ang tungkol sa mga magulang ko. Pumasok din kaming dalawa sa kwarto niya at ibinigay sa akin ang isang photo album, kinuha ko naman iyun at binuklat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang lumalandas ang mga luha ko. Nahaplos ko na lamang ang imahe ng mga magulang ko habang masayang nakatingin sa akin. Base sa nakikita ko ay galing talaga ako sa masaya at mapagmahal na pamilya, ipinagkait lang sa akin ng mga Santos ang bagay na yun.Nakita ko rin ang picture naming dalawa ni Ava ng magkasama at ganun na rin ng mga magulang niya. Magiging matalik sana tayong magkaibigan kapag nagkataon, kapag hindi lang nangyari ang lahat ng ito.“Alam po ba ni Ava ang tungkol sa ginawa ng mga magulang niya?”“Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun, nalaman niya lang na hindi kayo tunay na magkapatid ay noong bago
“Okay ready!” sigaw ng photographer ng maiset na nila ang lahat. Tumayo naman na ako sa gitna at sinubukan kong ituon dun ang atensyon ko pero parang hindi ko magawa. “Ms. Tiffany, may problema po ba?” umiling naman ako sa photographer saka sinubukan uling ngumiti sa camera pero naibaba na lang niya ang paningin niya sa camera. “Nakangiti ka pero hindi ang yung mga mata, magpahinga na po muna tayo dahil alam ko namang kagagaling niyo lang sa hospital.” “No its’s okay, wala pa tayong nasisimulan tapos pahinga agad?” “Okay lang po Ms. Tiffany hindi rin naman po tayo makakapagsimula kapag ganiyan pa rin ang itsura niyo.” Anas niya, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko lang talaga maituon yung atensyon ko sa shoot. Naupo naman na muna ako sa couch at uminom ng tubig, hindi ko naman na nilingon kung sino ba ang umupo sa tabi ko. Nakakailang buntong hininga na ako, inaalala ko pa rin sila Mommy at Daddy, naging magulang ko rin naman sil
“Naku Ma’am kami na po rito, magpahinga na lang po muna kayo ron. Kalalabas niyo lang po ng hospital eh.” Pagtatanggi niya naman. “Just listen to her Tiff, magpahinga ka na muna.” Singit naman ni Samuel na bagong pasok ng kusina. “Pero nababagot na ako, pakiramdam ko tuloy hindi na nagana iba kong kalamnan dahil sa tagal kong nakatulog at nakahiga sa hospital.” “Sinabi naman ng Doctor na huwag mong bibiglain ang sarili mo diba? Ano bang gusto mo magtrabaho pagkatapos ay manatili nanaman sa hospital? You choose.” Napabuntong hininga na lang ako, ang galing talaga magpapili. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng kwarto niya. “Ano bang gagawin natin dito?” “Sinabi ko naman sayong magpahinga ka na muna.” “Pero pwede naman sa pool o sa garden na lang ako, huwag lang sa kwarto.” Pinaupo niya naman ako sa kama niya habang nakatayo siya sa harapan ko kaya tiningala ko siya.
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Masaya akong makakalabas na rin ako ng hospital, hindi naman nagmukhang hospital yung room ko dahil feeling ko nasa bahay lang ako. Pinadala naman na lahat ni Samuel ang mga gamit namin sa mga body guard niya kanina kaya wala kaming dala dala ngayong naglalakad palabas ng hospital. “Diretso na ba tayo sa bahay?” “Oo naman, saan mo pa ba balak pumunta? Namimiss ko na ang mga bata kaya sila muna ang pupuntahan ko.” “Baka gusto mo lang kasing pumunta muna sa condo mo.” “Dun na muna tayo sa mga bata. Gusto ko na silang makita.” Saad ko, hindi naman na umimik pa si Samuel. Marami na siyang nabiling mga pasalubong sa mga bata dahil iniutos niya na ito sa mga tauhan niya. Halos tatlong linggo ko silang hindi nakita kaya alam kong katulad ko ay nalulungkot din sila. Halos hindi ako makapaghintay bumaba ng buksan na ng mga security guard niya ang gate. Nang maiparada na rin ni Samuel ang sasakyan