Home / Romance / The Billionaire's Triplet Babies / Chapter 2.2: Poor Child

Share

Chapter 2.2: Poor Child

Kinagabihan, umakyat si Laura sa kuwarto ni Parker pero nakita niyang nakahiga ito sa kama habang nakataklob ang kumot sa buong katawan nito.

“Wake up, parating na ang daddy mo!” hiyaw niya bago hinila ang kumot.

Pagkaalis ng kumot, nakita ni Laura na yakap-yakap ni Parker ang sarili. Nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nanginginig ang katawan nito.

Lumapit si Laura kay Parker at sinalat ang noo nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdamang mainit iyon. Inalog niya ang katawan ng bata dahilan para magising ito.

“Hindi ka pa magbibihis?!” iritadong tanong niya rito.

Dahan-dahang umupo si Parker sa kinahihigaan. “I'm sick, Tita Laura. I don't wanna go.”

“Ano?! Hindi puwede! Magbihis ka na, ngayon din!” galit niyang utos dito bago ito hinila pababa sa kama.

“Stop, Tita Laura. I'm hurt…” At nagsimula nang mamayagpag ang luha nito pababa.

“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Basta magbihis ka na dahil dadating na ang daddy mo! Nagkakaintindihan ba tayo?” At pinalinsikan ni Laura ng mata si Parker.

Halata sa mga mata ni Parker ang takot pero dahil hindi niya talaga kaya, umiling siya na lubusang ikinagalit ni Laura. Walang awang sinampal ni Laura ang pisngi ni Parker dahilan para matumba ito sa kinatatayuan. Sa lakas ng sampal ni Laura kay Parker, bumakat ang kamay niya sa pisngi nito. Hindi pa nakuntento si Laura dahil hinila niya pa ang buhok nito dahilan para umatungal na ito.

“Hindi mo talaga ako pinapakinggan! Puwes, magtanda ka!” sigaw niya bago lumabas ng kuwarto at walang awang kinulong si Parker sa loob.

Narinig niya pa ang pagmamakawa at pagkalampag ni Parker sa loob pero hindi niya ito pinakinggan.

Bumaba na si Laura at pinuntahan ang mommy niya sa living area.

“Ang ingay ng batang iyon, hindi mo ba kayang patahimikin?!” iritadong wika ni Matilda, ang mommy niya.

“As if naman papakinggan niya ako, ‘no? Ni hindi nga siya nagbihis, e. You think makikinig siya sa akin?”

Ngumisi si Matilda. “Si Phoenix lang ang pinapakinggan ng sutil na batang iyon! Bakit pa kasi rito iniwan ang batang iyan, e, puwede naman sa mansyon ng mga Montgomery?”

“Si Miriam lang naman ang rason kaya dito pinatira ni Phoenix si Parker. Gusto niyang kilalanin ni Parker si Miriam bilang kaniyang ina.”

“Nangyari ba?” Halakhak ni Matilda. “E, iyang kapatid mo, nasa hospital, ilang buwan nang comatose. Sa tingin mo, gagana pa ang plano natin? Hindi na, Laura, hindi na!”

“Hindi puwede, mom! Hindi puwedeng hindi natin makuha ang kayamanan ng mga Montgomery.”

Ngumisi muli si Matilda. “Then Miriam has to wake up,” aniya. “Lintek! Nakakarindi na ang iyak ng batang iyan! Bumalik ka na nga sa sinapupunan ng patay mong ina!”

“Shut up, mom, baka may makarinig sa iyo!” pigil ni Laura sa kaniyang mommy.

“Bakit, totoo naman, ‘di ba?”

Hindi pa man nasasagot ni Laura ang mommy niya nang makarinig siya nang malakas na pagkalabog. Pagkalipas ng ilang segundo, isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong kabahayan.

Dali-daling pinuntahan ni Laura ang pinanggagalingan ng sigaw at halos mahulog ang mga mata niya nang makitang nakahandusay si Parker sa lapag habang duguan.

“Tumawag ka ng ambulansya,” utos ni Laura kay Manang April.

Nang subukan niyang lapitan ang walang malay na katawan ng bata, bigla na lang siyang napapitlag nang makarinig ng sunod-sunod na pagbusina.

“Jusko, Laura. Anong nangyari kay Parker?”

“Nahulog siya, mommy!” takot na takot na sagot ni Laura.

“Nasa labas na si Phoenix, anong gagawin natin?” hindi mapakaling tanong ni Matilda sa anak.

“It was an accident, mom.”

“Oo nga’t aksidente, pero paano mo ipapaliwanag kay Phoenix na ikinulong mo siya sa kuwarto? Paano?”

Nanginginig na si Laura ng sandaling iyon at pakiramdam niya ay maiihi siya.

“Nahulog po si Parker sa hagdan, Sir. Phoenix.”

Nang marinig iyon, sabay na bumaling ang mag-ina at nakita nila ang pagpasok ni Phoenix sa bahay.

“Aksidente lang ang nangyari, Phoenix. Naglalaro siya tapos… tapos nadulas siya,” paliwanag ni Laura kay Phoenix kapagkuwan ay sinalubong ito.

Mabilis ang mga nangyari. Hindi na namalayan ni Laura na umangat na pala ang palad ni Phoenix at tumama iyon sa pisngi niya. Sa sobrang lakas noon, natumba siya sa marmol na sahig.

Nang makita ni Phoenix ang duguang anak, agad niya itong nilapitan. Binuhat niya ito patungo sa kaniyang sasakyan upang dalhin ito sa hospital.

At kapag may nangyaring masama sa anak niya, hindi niya mapapatawad si Laura. Baka mapatay niya ito.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Florentina Boyonas
haaaaiist same story lng sa zillionaires triplets iniba lng ang nem......
goodnovel comment avatar
Naimah S. Abdulrahman
same story🫤
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status