Share

Chapter5

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2023-05-26 15:13:59

"Bwesit na X na yan. Bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin yan nahahanap? Pati tuloy si Sir Montenegro pinapahanap sa atin."

Nakakarindi na ang kadaldalan ni Donna. I don't know if she's joking or what. Natapos na lang ang next subject namin hindi pa rin ito matahimik. Kanina pa ito nagrereklamo dahil hindi niya nasagot ang quiz namin kay gurang na nagpabida. Bida-bida talaga wala pa namang naituro.

Ito namang si Donna, muntanga din ang simple lang naman nung question, hindi pa nasagot. Finding X. Walang katapusang paghahanap kay X. Ilang beses na itong ni-review ni Miss Castro sa amin, hindi lang siguro nakikinig ang babaeng 'to.

Bakit pa ba kasi hahanapin yang si X? Kung ayaw magpakita e di wag.

"Stop finding x, Donna kung ayaw magpahanap and don't ask me why! Lintek lang! Kung ayaw magpahanap, wag ng hanapin."

"Huh?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Hakdog!" pang-aasar ni LA.

"Wala!" Sabi ko saka umupo sa bench sa tambayan namin na malapit sa cafeteria. Umupo din si Donna at LA sa katapat kong upuan. Naglabas si Donna ng papel at nagsisimula na namang magsolve nung quiz kanina na hindi niya nasagot.

Actually madali lang naman yung mga tanong. Ang mahirap lang naman dun ang age problem na binigay ni Gors.

Dumukwang ako para tingnan kung anong sinusulat ni Donna. Ugh! Ang tagal maka move-on ah.

Problem:

Aaden is twice as old as Clay.

The sum of their ages is 5 times Clay's age less 48.

How old are Aaden and Clay?

Kung tutuusin wala naman kaming pakialam kung ilang taong gulang na ang mga taong yan, ni hindi nga namin kilala ang mga yan. Sino ba si Aaden at sino si Clay? Sa dami-dami ng problema sa mundo pati ba naman yan po-problemahin pa namin? Pero in fairness ang ganda ng name nung dalawa.

Kandahirap na yung mga kaklase ko at nagkadahaba na ang mga leeg nila pero ang gurang na gorilla mukhang tuwang-tuwa pa nung nakita niyang nahihirapan kami. Napaka strikto pa, walang ligtas yung mga mahilig mangopya dahil konting galaw lang nilalapitan niya agad. May sensor ata yung likod ng ulo ni Gors parang yun sa squid game dahil ang bilis niyang makalingon.

He's very strict. As if naman mangongopya ako. Ilang beses pa itong pabalik balik sa tabi ko tinitingnan kung nakakasagot ba ako. Pagkatapos ngingisi-ngisi pa. Ang sarap sungalngalin ng bibig. Akala niya siguro hindi ko masasagot ang tanong niya.

Kung hindi ko lang talaga siya guro kanina ko pa siya sinabunutan. Banas na banas ako sa pagmumukha niya. He really enjoyed looking at us na nahihirapan. As if naman magaling siya sa math nung kabataan niya. Baka nga nangongopya lang siya e. Makita ko lang talaga si Kuya Zach tatanungin ko talaga kung matalino ba talaga ang Montenegrong 'to.

"Anong sagot dito sa age problem ni Sir? Ilang taon si Aaden at Clay?" tanong ni LA. Isa pa itong si LA, matalino sa ibang subjects pero boplaks sa math. Gaya ni Donna hindi pa rin ito nakaka-move-on sa quiz namin kanina. Pawisan na silang dalawa kakasagot pero mali pa rin.

Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Kanina pa ako hindi nagsasalita dahil wala talaga ako sa mood. Good thing at hindi din nila ako sinasali sa usapan nila. Takot siguro na silang dalawa ang mabigwasan ko.

"Ang hirap, Don, di ko talaga ma-gets yung tamang equation. Ano bang dapat dito?"

Patuloy lang ako sa pag-scroll ng phone ko pero dinig ko ang diskusyon nilang dalawa. I will let them find out the answer. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon dapat ko silang turuan, they have to learn. Last week nung tinuro ito sa amin ni Ma'am Castro, inaral ko talaga tapos tinuruan ko na sila.

"Ewan ko, mali ata ako doon e." sagot ni Donna. "Si Averleigh tanungin mo, sigurado akong alam niya yun." bulong niya na hindi naman bulong dahil dinig ko pa rin. Napansin ko ang paglingon sa akin LA bago ito umiling kay Donna.

"Ayoko, beast mode si AA, baka ako pang mabuntunan niyan. Tayo na lang magsolve at baka may ganitong pa-quiz na naman si coach bukas."

Nanatili akong tahimik. Kung ano-anong sagot na ang sinabi nila pero walang tumama. I know my answer is right dahil nung nakita ito ni gurang kanina, napa-very good ito ng slight sa akin.

Mukha lang akong bobo pero may alam din ako.

I'm just waiting for the right time.

Baka akala niyo ako pa rin ang dating Adrianna na madali niyong utuin. Darating din ang araw...dadating din tayo dyan...

"Averleigh bakit pala, gors tawag mo kay Sir? Magkakilala ba kayo?" Saglit pang iniwan ni Donna ang papel na sinosolve niya para lang mang-urirat. Pati si LA tumingin din sa akin, chismoso na rin. "Tsaka nadinig kong tinawag ka niyang baby kanina. Boyfriend mo ba si siya?"

Kapag tinawag bang baby, boyfriend agad? Hindi ba pwedeng baby as a younger sister? Kung kay Gors galing ang pagtawag na baby alam ko bilang kapatid lang yun, dati na niyang tawag sa akin yun nung tinu-tutor niya pa ako.

"Ang cute pakinggan ni Sir nung tinawag ka niyang baby. Epic yung reaction ni Tricia at nung mga ka-tropa niya."

Itong si Donna kung ano-anong nakikita, pati reaksyon nina Tricia napapansin niya pa talaga.

"Bakit nga ba baby ang tawag ni Sir Montenegro sayo, Leigh? Tsaka napansin ko ha, iba yung mga tingin ni Sir sayo kanina kahit na hindi ka nakatingin sa kanya. Buong oras ata na nagtuturo si Sir nasa iyo ang atensyon niya. Bakit?"

Kinunutan ko siya ng noo at hindi ko sinagot ang tanong niya. "Mag-aral ka Donna, wag kung ano-ano yung pinapansin mo."

Hinila siya LA pabalik sa sino-solve nila. "Ano ba Lewis kung makahila ka ah, nagtatanong lang naman."

"Ang dami mong kuda. Wala naman akong napansing ganun kanina. Parehas lang naman ang tingin ni coach ah. Tsaka tingnan mo nga yan si AA, tingin mo papatol yan sa mas matanda sa kanya?"

"Malay natin, tsaka ang cute kaya nila tingnan ni Sir Montenegro."

Sinamaan ko ng tingin silang dalawa. Kung mag-usap sila mukhang wala ako dito ah.

"Sabi sayo eh, di ka kasi matahimik. Tsaka mukha bang girlfriend ni coach si AA my loves? Ang tanda na kaya nun, kaming dalawa ni AA ang bagay."

"Para nagtatanong lang e. First time kasi naming nakita si Sir Montenegro, kaya nagulat kami nung inaway-away siya ni Leigh kanina." sagot ni Donna kay LA. Pagkatapos hindi pa talaga natahimik at bumaling pa sa akin.

"Hindi mo ba alam na siya ang reliever ni Ma'am Castro, Leigh?"

"Kung alam ko ba Donna, sa palagay mo gagawin ko yun?" Muntanga to, kainis.

Malamang kung alam ko na siya ang kapalit ni Ma'am Castro e di nag-behave ako. Hindi naman ako ganun ka m*****a, slight lang. Banas lang talaga ako kay Gors mula pa kaninang umaga. Isa pa, malay ko ba na guro din pala ang gorillang yun. Sa dami niyang sideline hindi ko na alam kung ano ba talaga ang profession niya.

"Ang sungit mo talaga Leigh, para nagtatanong lang e. Pero in fairness ha, ang cute niyo talaga tingnan ni Sir Montenegro kanina, mukha kayong magjowa na may LQ."

"Shut it, Donna, mag-aral ka na lang hindi yng kung ano-anong lumalabas dyan sa bibig mo."

Tumayo na ako dahil wala na akong gagawin. Half day lang kami ngayon dahil naghahanda yong mga studyante para sa foundation day. Yung iba busy na sa mga booth nila, yung iba naman walang ambag, nagpapa-cute lang.

Wala akong participation dahil wala akong club na sinalihan kaya gagala ako, ayokong tumambay dito sa school at nao-Oa-han ako sa mga kaklase kong nagpapa-pares-pares. Parang true, hindi ko lang sure kong marunong na ba maglaba ng mga underware ang mga to.

Sagutin niyo muna kung ilang taon si Aaden at Clay uy, bago kayo mag-jowa-jowaan dyan. Ang lalantod.

Kaya bago pa ako magkasala mas maigi pa sigurong umalis na lang ako. Iwas gulo na rin at baka mapaaway pa ako ng wala sa oras. Bitter ang peg ko ngayon. Kahit hindi naman ampalaya ang ulam kanina. Kainis!

Si LA alam ko pupunta ito sa mga tropa niya sa basketball mamaya, tapos si Donna sa music club. Ako waley. Very poor kasi ang pr ko tsaka hindi din ako miss friendship. Plastikan kasi tong mga kaklase ko. Feeling close lang kung may kailangan. Maliban lang sa dalawang 'to na kahit anong tulak ko pinagsisiksikan talaga ang mga sarili nila sa akin.

Noon pa man wala na talaga akong sinalihang club. Wala akong sense of leadership at ayaw ko din sa mga corny clubs na yan. Hindi ako matalino, pero hindi rin naman bobo, sakto lang. Kung pwede nga lang na e-maintain ko lahat ng grades sa 75 para hindi na maghirap sina Ma'am at Sir, ginawa ko na. Aanhin ko naman yung sobra kong 75 lang ang kailangan?

Pero sabi ni Gors sa akin dati nung tinu-tutor niya pa ako, malaking factor pa din daw kapag malalaki yung grades. Kaya nga kahit tinatamad ako nun, nagsisikap ako. Nagbago lang naman lahat ng mga pananaw ko sa buhay nung..Ugh whatever.

"Saan ka AA?" Si LA na tumayo rin bitbit ang bag niya. Ganun din ang ginawa ni Donna. Nagusot pa yung papel na sinusulatan niya sa sobrang pagmamadali.

"Huy teka, hindi ko pa na solve ang age problem ni Sir." tawag ni Donna.

"Bukas na lang yan, sama tayo kay AA."

Nilingon ko silang dalawa, magkasalubong ang kilay, tikom ang bibig. Hindi ako nagsalita pero masungit akong tumingin sa kanilang dalawa kaya sabay din silang naupo. Minsan nakokonsensya ako pero pinipigilan ko ang sarili. Kailangan kong manindigan na wala akong ibang papasukin sa buhay ko.

I don't want someone to be attached with me and I don't want to rely on someone anymore. Pagkatapos ng lahat ng mga nalaman ko, hindi na ako magtitiwalang muli. Gaya ng sinabi ko kay Gors, lahat sila sa una lang mabait. Kapag nakuha na nila ang gusto nila sa akin, babalewalain din nila ako.

"Mauna na ako. Masakit ulo, kailangan kong magpahinga." Pagsisinungaling ko. Nalukot ang mukha ng dalawa pero hindi ko pinansin.

Hindi totoong masakit ang ulo ko at hindi rin ako magpapahinga. Pupunta ako sa resto ni Kuya Zach, doon ako tatambay. Pagkatapos pupunta akong mall mamaya, maghahanap ako ng mga bagong tela para sa mga bagong designs ko na damit. Maghahanap din ako ng gagawa nung bracelet na e-reregalo ko sa birthday ni Gors. Malay natin good mood ako sa kaarawan niya, e di may gift ako.

"Sama kami, AA..." pakiusap ni LA pero umiling ako.

"E-solve niyo muna yung problema ni Gors, baka magpa-quiz na naman yun bukas." sabi ko saka tumalikod na sa kanila. Nakita ko pa ang pagpo-protesta sa mga mata nila pero wala na silang nagawa nung humakbang na ako palayo.

"Averleigh, wait!" sigaw ni Donna. Huminto ako saglit pero hindi ako lumingon. "Alam mo ba ang sagot? Ilang taon ba si Aaden at ilang taon ba si Clay?"

Paglingon ko sa kanya, nagpapaawa ang mukha nito sa akin. "Please? May gagawin pa ako sa booth namin eh, hindi ko talaga makuha ang tamang sag--."

"24 AND 48" putol ko sa kanya saka tumalikod na. Dinig ko pang nagtatanong siya paano ko na-solve pero di na ako sumagot.Diretso na akong naglakad palayo sa kanila.

Bago ako pupunta sa resto ni Kuya Zach naisipan kong idaan muna sa locker ang mga gamit ko. Baka kasi may mabili akong tela mamaya, madami akong bibitbitin.

"Again?" mahinang sabi ko ng naglaglagan ang mga sulat mula sa locker ko. Isa-isa kong pinulot ang mga ito saka tinapon sa malapit na basurahan. I don't have time to read those corny love letters. Bakit ba nagpapadala pa rin sila ng sulat sa akin alam naman nilang hindi ko ito binabasa?

Nilibot ko ang tingin sa paligid dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin pero wala naman akong nakita. I'm back to being paranoid again. Naging ganito lang naman ako simula nung umalis ng walang pasabi si Gors. Feeling ko kasi noon kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman kong andyan lang siya sa paligid. Pero lahat ng yun ay feeling ko lang, dahil ang totoo wala naman talaga siya.

Speaking of him, hindi ko na siya nakita pagkatapos ng klase namin. Nauna akong lumabas sa kanila para sa next subject. Hindi ko rin alam kung umalis na ba ito. Hindi na naka-save ang phone number niya sa akin at wala din akong balak alamin pa.

"San ba ang mga taxi ngayon?" natigil ang pagrereklamo ko ng biglang may kumalabit sa akin. Paglingon ko ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang lalaking nakatayo sa tabi ko.

"Hi Adrianna." bati ni Kuya Zach sa akin. Malawak ang ngiti nito, maaliwalas ang mukha at gwapong tingnan sa naka man-bun niyang buhok. Kuya Zach is the owner of ZaGwy's resto, ang paborito kong tambayan at ang may pinaka masarap na seafoods in town.

"Where are you going? Bakit ka nagpapainit dito sa labas?"

"Hello Kuya!" ganting bati ko sa kanya. "Actually naghihintay ako ng taxi, pupunta ako sa resto mo ngayon, magla-lunch saka tatambay na rin." pinatong ko ang palad sa noo ko dahil nasisilaw ako sa init ng araw.

'Oh, really?" nakangiti niyang sabi. "Sakto papunta ako sa resto ngayon, sumabay ka na sa akin. Wala ka na bang pasok?"

I pouted and shook my head. "Wala na akong pasok Kuya pero magta-taxi na lang ako. Baka kasi may trabaho ka pa." Kahit kasi mabait si Kuya Zach sa akin nahihiya pa rin ako sa kanya. Saka nung isang beses may babaeng lumapit sa akin, nagpakilalang girlfriend ni Kuya at tinarayan na lang ako basta. Inaagaw ko daw si Kuya Zach sa kanya kaya lumalayo. Pero nung ginatihan ko naman ang pagtataray niya, umatras naman.

"Come here..."aniya saka marahan akong hinila papunta sa sasakyan niya. "I'm done with my meeting, doon din naman sa resto ang punta ko kaya sumabay ka na sa akin."

Narinig kong may bumisina mula sa likuran kaya napatalon kaming sabay ni Kuya ZAch sa gulat pero hindi ko na nilingon dahil mainit na. Nasisilaw ako sa sobrang init ng araw. Si Kuya Zach lang ang lumingon at narinig ko pa ang mahina niyang tawa.

Wala na akong nagawa ng pinagbukas ako ng pintuan ni Kuya at pinasakay sa sasakyan niya. Maraming studyanteng nakatingin sa amin. Maliban sa agaw atensyon talaga si Kuya, maangas din yung car niya. It's a black lamborghini aventador lang naman.

Ang ganda at ang linis ng sasakyan niya. Mabango pa, plus humalo pa ang bango ng panlalaking pabango ni Kuya. Kaya siguro yung babaeng lumapit sa akin mukhang patay na patay sa kanya dahil gwapo naman talaga si Kuya at mukhang maalaga rin sa sarili.

"How's school, Adrianna? I heard you're graduating now. What's your plan for college?" he asked when he started driving.

Bahagya lang akong ngumiti sa kanya saka diretso ng tumingin sa kalsada. I don't really have plans for college. Pero siguro mag-aaral na lang ako ng fashion design. Yun lang naman ang gusto kong gawin sa ngayon.

"Di ko pa sure kuya, mag-iisip pa lang ako ng kursong kukunin. Pero gusto ko maging fashion designer."sagot ko sa kanya.

"That's good, ikaw ang kukunin kong designer ng wedding gown ng asawa ko."

"May asawa ka na, Kuya?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.Medyo napalakas pa yung tawa niya sa naging reaksyon ko. I'm surprised, ni minsan kasi wala akong nakitang kasamang ka-date si Kuya sa resto niya. Pero kung may asawa na siya, sino yung nagpi-feeling na girlfriend niya? Or maybe yun ang asawa na tinutukoy niya?

"Yeah I have." tipid niyang sagot. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o hindi pero nung sinabi niyang may asawa na siya nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. In love si Kuya Zach. Kung sino ka man po, ang swerte mo.

"Anyway, may bago akong recipe ngayon. I want you to taste it. Hinanap nga kita kagabi, nagdinner doon ang mommy at daddy mo kasama si Ariella."

Biglang umangat ang isang kilay ko at mapakla akong ngumiti. So that's the reason why they aren't home last night. May family dinner pala ang mga Martinez.

"Are you okay now?" he asked in a concern voice. "They said you are not well last night?"

Tumikhim muna ako bago tumango sa kanya.

"I'm okay, Kuya. Masama ang pakiramdam ko kagabi kaya hindi ako nakasama." I lied. "Kaya nga bumabawi ako ngayon dahil narinig kong nag-uusap sila kagabi na masarap yung bagong recipe mo dito."

"Oh really? tumango ako. "Are you sure you're okay now? Do you want me to bring you to the hospital?" umiling ako, hindi na kailangan dahil nagsisinungaling lang naman akong masama ang pakiramdam ko. Ang totoo hindi ko naman talaga alam na may family dinner pala sila. Hindi rin totoong narinig ko silang nag-usap kagabi, sinabi ko lang para pagtakpan sila.

"Nga pala kuya, ano ang bago mong recipe." pagbago ko sa usapan. Ngumiti sya sa akin siguro nahalata niyang hindi ako komportableng pag-usapan ang buhay ko. "You know I like that MG's seafood cajun that you offered to me last time. Taste perfect for me. I really love it." nag-double thumbs up pa ako sa kanya.

"Ikaw talaga, bolera ka." aniya pero malawak naman ang ngiti. Mukhang kinikilig pa nga pagbanggit ko sa recipe niya. Gusto ko sanang itanong kung bakit MG'S seafood cajun ang pangalan ng recipeng yun. Napansin ko din kasi na halos lahat sa menu nila may MG talagang nakakabit.

"Hindi kita binobola ah, nagsasabi lang ako ng totoo, masarap naman talaga yung seafoods. Pero mas masarap siguro yun kung may kasama ka habang kumakain." biro ko kaya napailing si Kuya.

"Baked oyster with bacon, greens and parmesan ang bago ang bagong best seller ng resto. All oysters are fresh from the farm kaya madaming dumadayo." Kuya looked so proud while saying those words but I notice the sadness in his eyes. Masaya nga yung mukha niya pero hindi maitatago ang lungkot sa mga mata niya.

"May farm ka ng talaba kuya? Napansin kong mahilig kang gumawa ng bagong recipes ng oysters, yun ba ang specialty mo?" Sinulyapan niya lang ako saka ngumiti.

"Sabagay masarap naman talaga yung talaba, lalo na pag fresh. Nakatikim ako ng talaba before, luto ni Kuya Gaden, nilagyan niya ng pinya. Masarap din, nagustuhan ko yung lasa, pero hindi na naulit. Hindi ko nga alam na nagluluto pala ang gorillang yun. Pero ngayon hindi na kami bati. May iba na siyang bestfriend e. Sabagay ganun naman talaga ang buhay, lahat nagbabago." sabi ko.

" Dati mahilig din kaming kumain sa labas ng mga magulang ko. Mom and Dad always see to it that we have our family time. I'm so happy back then. Siguro iba ang buhay ko ngayon kung buhay lang ang mom--" pero agad kong tinikom ang bibig ko. Hindi ko namalayan na naparadami na pala ang ang nasabi ko. Alam kong narinig ako ni Kuya Zach pero mabuti nalang at hindi siya nagkomento. Hindi ko alam kung alam ba nilang adopted lang ako ng mga Martinez.

Napansin ko ang paglingon ni Kuya Zach sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Ayokong makita niya ang lungkot at pangungulila sa mga mata ko.

Matagal bago siya nagsalita. Tahimik lang kaming dalawa. Diretso ang tingin ni Kuya Zach sa kalsada. Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang malakas niyang buntong hininga. He smiled at me, a kind of smile that didn't reach his eyes.

"Some good things never last. Siguro hindi pa natin naiintindan sa ngayon pero lahat ng mga nangyayari sa buhay natin may rason. Whatever you are feeling right now, malalampasan mo din yan, tiwala lang."

Tumango lang ako at hindi na nagkomento pa. Akala ko wala ng magsasalita sa amin. Napansin kong tumutunog ang cellphone ni Kuya tiningnan niya lang ito at sinagot pero nilagay lang naman sa dashboard niya. Actually kanina ko pa napansing may tumatawag sa kanya, tiningnan niya ito ng isang beses kanina pero hindi na pinansin. Ngayon niya lang sinagot pero hindi naman kinausap.

Napansin ko ding panay ang tingin niya sa side mirror. Nahihiya naman akong magtanong kung may sino tinitingnan niya at baka isipin pa ni Kuyang atribida ako. Baka asawa ni Kuya ang tumatawag, sinagot niya at hinayaan lang na makinig sa usapan namin. Baka selosa ang asawa ni Kuya, patay ako dito pero wala naman akong ibang sinabi. Tsaka kuya lang naman ang tingin ko kay Kuya Zach.

"Anyway, balita ko nasa school niyo daw si Kuya Gaden mo." sabi niya, binigyang diin ang salitang Kuya saka tumawa. "Magtuturo daw siya dun ngayon, nagkita ba kayo ni KUYA Gaden mo?"

"Kuya Gaden! Kuya Gors, kamo." Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko sabay irap huli na ng mapansin kong nakatingin pala si Kuya sa akin.

"Hey, what's with that face?" aniya na may nakabuntot na tawa. "And what do you mean by Kuya Gors?"

Umirap pa ako ulit bago ako sumagot sa kanya.

"Kuya Gors as in gorilla, Kuya. Banas ako dun sa gurang na yun. Alam mo bang siya ang math teacher namin? At alam mo ang ginawa niya sa amin kanina? "Umiling si Kuya Zach pero nakita ko ang pinipigilan niyang tawa. Hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa resto niya. Pinark niya muna ang sasakyan tsaka pinagbukas ako ng pintuan.

"Bakit anong ginawa ni KUYA Gaden mo sa inyo kanina?" Akala ko hindi na namin ipagpapatuloy ang usapan dahil nakarating na kami pero mukhang trip ni Kuyang makinig sa walang kwenta kong kwento.

"Nagpabida lang naman siya Kuya, wala pa nagang naituro sa amin nagpa-quiz agad. Ang feeling niya pa, napaka strikto, konting galaw lang nilalapitan agad. Akala mo naman hindi siya naka-try mangopya noon. Panay pa ang tingin sa papel ko anong akala niya sa akin, bobo? Wow, siguro kung nagkataong magkakalase kami, tiyak ako siya ang mangongopya sa akin. Feeling niya!"

"What the hell?!" mura ni Kuya bago ito humagalpak ng tawa. Nagtatawanan kaming dalawa habang naglalakad kami papasok sa resto niya. "Baka naman kasi gustong magpa-impress?" sabi ni Kuya sabay bukas ng pintuan.

"Sinabi mo pa, ang lawak pa ng ngita ng unggoy na yun kanina nung binati siya ng mga kaklase ko. Kuuu feeling pogi Kuya, maypa ngiti-ngiti pa." umakto akong nasusuka. "Feel na feel niya naman yung pambobola sa kanya ng mga kaklase ko, muntik na nga akong masuka e. Ano bang naka-gwapo dun? Gurang na, makunat na siguro yun. Di na bagay sa kanya ang magpa-cute, mukha siyang unggoy. Amfeeling niya!"

Ang lakas na ng tawa ni Kuya Zach, yung ibang mga customers ay napapatingin sa amin pero wala siyang pakialam. Bigla tuloy ako nakadama ng hiya. Pero bakit naman ako mahihiya? Anong masama kung magtawanan kami, e sa may nakakatawa kaming pinag-uusapan.

"Bakit mukhang galit na galit ka kay KUYA Gaden mo? Dati nung maliit ka pa halos ayaw mong humiwalay sa kanya ah.Nakikipag-away ka pa nga daw sa ate Ariella mo."

Dati yun, nung ako pa ang bestfriend niya. Iba na ngayon dahil sila na ni Ariella.

"Hmp!" umirap ako ulit. "Noon yun Kuya nung mga panahong madali pa akong utuin, iba na ngayon noh. Wise na ako, ang laki ko na kaya. Dalaga na ako kaya ko ng e-manage ang sarili ko. Magsama sila ni Ariella kung gusto niya wala akong pakialam. " sabi ko sabay yabang tingin sa kanya. Pinaghila ako ni Kuya Zach ng upuan. Dito kami sa pinakadulong bahagi ng resto niya pumwesto.

"Wee?Totoo? Baka nagseselos ka lang."

"Ako?" tinuro ko ang aking sarili. "Ako talaga magseselos sa gurang na gorillang yun? Wag na uy!" Hinawi ko pa sa magkabilang side ang buhok ko. "Sa ganda kong to, hello Kuya Zach, ang dami kayang nanliligaw sa akin."

"Oww? MADAMING nanliligaw sayo?" napansin kong may tinitingnan si Kuya sa likod ko pero hindi ako lumingon. Narinig ko pang may nagmura doon.

"Syempre! Anong akala mo sa akin, Kuya? Habulin kaya 'to. Siguro kung hindi lang ako choosy andami ko ng boyfriends ngayon. boyfriends Kuya as in BOYFRIENDS!

"Boyfriends talaga?"

"Malamang!" proud kong sagot. "This face?" nilagay ko pa ang kamay ko sa ilalim ng baba ko at nagpa-cute kay kuya. Umiiling itong natatawa sa akin.

"Paano ang KUYA Gaden mo? Akala ko ba nagpromise ka sa kanya na hindi ka magbo-boyfriend hanggat hindi ka nakapagtapos ng college?"

"Hmm?" kumunot ang noo ko. "Wala akong sinabing ganun ah. Anong promise!? Tsaka anong pakialam ni Gors sa akin? Nung nawala siya bigala hindi nga siya nagpaalam, kay bakit ko pa tutuparin ang promise-promise na yan."

"So, ibig sabihin ba, may sasagutin ka na sa mga manliligaw mo?"

Tumawa ako kay Kuya Zach, maypagka-chismoso din pala ito. O dahil lang siguro ito ang unang beses na napakwento ako sa kanya.

"Maybe."tipid kong sagot saka nagkibit balikat. Pero ang totoo wala naman talaga, chinichika ko lang si Kuya Zach dahil natuwa ako nang nakita ko siyang tumawa kanina.

"Sure ka?Paano ang KUYA Gaden mo?"

Muling kumunot ang noo ko kay Kuya. Isa pa kanina ko pa napapansing sinasali niya talaga sa usapan si Gors kahit wala naman dito.

"Si Gors Kuya, MAKUNAT na yun, as in makunat like pa-expire na. Hindi na kami swak nun, dahil ako bagets pa, siya gurang na. Kumbaga papunta palang ako siya pabalik na. Tanders na yun, gurami, wrangler, oldie, pwede ng pang-auction."

"What the fuck!" halos maluha-luha na si Kuya kakatawa. It's my first time to see him burst out laughing like this kaya pati ako nadadala na rin sa tawa niya. Mukha kaming baliw dalawa na tumatawa kahit wala naman atang katatawanan. Ewan ko ba dito kay Kuya Zach ang babaw ng kaligayahan.

"Isa pa hindi ako pumapatol sa mga matatanda, Kuya. Baka nga may rayuma na yun. Marupok na ang mga kasu-kasuan ni Gors. Parang lolo ko na yun eh. Ang gusto ko yung mga malalakas pa ang katawan, yung kayang-kaya akong buhatin, kayang makipagsabayan sa mga tirp ko."

"Bakit si Kuya Gaden mo hindi na ba? Ex- military yun, well trained. Dati sabi mo crush mo siya eh."

"Hmp! Weak na yun Kuya. Expired na yung pagka-crush ko sa kanya. Uncrush ko na siya, hindi niya naman ako ni-crushback eh. Iba na ang mga bet ko ngayon, gusto ko yung mga strong" kumukumpas kumpas pa ang kamay ko. "...mga hindi paasa at higit sa lahat malaki at mahaba ang---" pero hindi ko natapos ang gusto kong sabihin ng biglang may palad tumakip sa bibig ko.

Pagtingin ko kung sino ang may-ari nito, ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko. It's the old, ugly, mad gorilla crouching beside me. He's looking at me like he wanted to eat me. Namumula ang mukha pababa sa leeg niya. Bukas na ang tatlong butones na polo niya at magulo na ang kaninang maayos na buhok niya.

Kanina pa ba siya nakikinig sa amin ni Kuya Zach? Si Kuya Zach, nasaan siya? Bakit bigla siyang nawala? Bakit hindi niya sinabing nasa likuran ko si Gors?

Pagtingin ko ulit sa mukha ni Gors, nakadukwang na siya malapit sa mukha ko. He's too near that I can fell his breath fanning my face. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. I want to push him pero bigla ata akong naghina. Dama ko ang pagwawala ng puso ko sa aking dibdib.

"Move." halos walang boses na lumabas sa akin pero imbes na lumayo mas nilapit niya pa ang mukha niya. Nag-iinit na ang pisngi ko, pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. At bago pa ako muling nakapagsalita naramadaman ko ang mainit niyang labi na sumakop sa labi ko. It was just a chaste kiss pero naramdaman ko ang libo-libong boltahe sa buong katawan ko.

I looked at him in shock but before I could utter another word he cupped my face and kiss me again. This time his kiss is punishing. Mas malalim at mapusok ang ginawa niyang pag-angkin sa labi ko, naramdaman ko pa ang pagkagat niya dito pero bago pa ako makaganti sa kanya siya na rin ang kusang lumayo sa akin.

"I don't want to punish you yet, but don't push my limit, baby. Baka makalimutan kong under age ka pa."

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Rodelyn Quirante
wahhhhhh, ayeeh kilig nman
goodnovel comment avatar
Rutchie joy Rendon
wow maganda din ito Kay Gaden story. umpisa Grabe ang tawa ko. I like the bidang girl Kasi palaban gusto ko yarn . d paapi. love it....️...️...️
goodnovel comment avatar
Khayzee San Jee
Hala Ka ngayon, bayad mo Yan Addy....... ngayon kana magprotesta Addy ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Temptation   Chapter 6

    Pagkatapos akong halikan ng matandang gorilla lumipat kami sa isa sa mga VIP room sa resto ni Kuya. Ayoko sana pero wala akong nagawa. Hindi ko alam na may ganito pa palang room dito sa resto. Kapag kasi kumakain ako dito doon lang ako sa labas, sa malapit sa may bintana kung saan kita ko ang magandang tanawin sa labas. Sakto lang ang laki ng room, malinis at maganda ang interior tsaka maganda ang lightings. Di na ako magtataka kung bakit maganda, alam ko kasing architect si Kuya Zach, siguradong siya ang nagdesign nito. Nagtataka lang ako kung paano nalaman ni Gors ang room na 'to. Pero sabagay friends naman sila ni Kuya Zach, siguro madalas siya dito, hindi ko lang alam."Stop looking at me." maldita kong saway sa kanya. Kanina pa ito nakatitig sa akin. Muntanga!Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa matandang gorilla na to. Ang kapal pa ng mukha niya, sukat ba namang buhatin ako sa gitna ng karamihan. Hindi man lang nahiya! Paano na lang kung may mga kaklase akong

    Last Updated : 2023-05-27
  • The Billionaire's Temptation   Chapter 7

    "River, baby, mommy's here..."As soon as my pet dog heard my voice, he ran to welcome me and move around my feet. I named my dog River since I found him near the river, abandoned and almost drown. He's my white pomeranian dog, my sweet and clingy baby dog."How's my handsome baby? Mommy missed you so much." he barked cutely kaya napangiti ako. "Come here, I have a pasalubong for you, bigay ni daddy pangit mo." Pinakita ko sa kanya ang bagong damit na binigay ni Gors para sa aso ko, na naging aso na namin. " Kumawag ang buntot ni River at tumalon talon pa ito, excited ang aso sa pasalubong ng daddy pangit niya.Binuhat ko si River at hinaplos ang ulo saka hinalikan. "I miss you, baby, miss mo ba si Mommy?"malambing kong tanong sa kanya, tumahol ito kaya napangiti ako at muling humalik sa ulo niya."Good boy, kaya love ni mommy ang River na yan eh. Tara doon tayo sa room natin baby.""Weirdo! Pati aso kinakausap." I stopped on my track when I heard someone talking behind me. Hindi na

    Last Updated : 2023-05-28
  • The Billionaire's Temptation   Chapter 8

    At dahil sa kapilyahang ginawa ko kagabi, wala akong mukhang maihaharap kay Gors ngayong umaga. Lintek naman kasi itong malanding utak ko, kung ano-ano ang pumapasok. Pwede ko naman sanang patayin na lang yung tawag niya pero nagpadala pa talaga ako sa kapilyahan nitong utak ko. Yan tuloy hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.What the hell Adrianna? Nakakahiya ka! Ikinahihiya kita. Gusto kong kutusan ang sarili ko. Daig ko pa ang lasing na wala sa tamang pag-iisip sa ginawa ko kagabi. Talagang inakit ko pa si Gors. Ano nalang kaya ang iisipan ng gurang na yun sa akin ngayon? This is so frustrating. Hindi naman ako ganito pero bakit ngayong bumalik siya bigla na lang ding lumabas yung malanding side ko at tinatalo nito ang kainosentihan ko. Omg! I can't! It's so embarrassing. Hindi ko mai-imagine na nagawa ko yun! Ano yun? Live show? I just hope na hindi siya ang maghahatid sa akin sa school ngayon kundi napaka-akward sa aming dalawa.Ugh! I hate you Adrianna. Next time magtand

    Last Updated : 2023-05-29
  • The Billionaire's Temptation   Chapter 9

    Warning: abuse_______________________________________________"Did you try loving me?" "No! You're not my type, Adrianna." In my life I never knew I could experience so much pain as much as I do now. Akala ko hindi ko na mararanasan ang ganitong uri ng sakit. Akala ko lahat ng sakit naranasan ko na. The moment I closed the door I break out. I was shaking in pain. I felt my whole world crashed right through my eyes. The world I built around him vanished in just an instant. Pakiramdam ko muli na naman akong mag-isa. Habang buhay na lang ba akong mag-isa? Meron bang mali sa akin? Ano bang kasalanan ko at kailangan kong maranasan ang lahat ng 'to? Pati ang kaisa-isang tao na inaasahan kong sasamahan ako sa hirap at ginahawa ay iniwan na rin ako. Akala ko totoo ang lahat ng mga pangako niya sa akin, but turns out that promises are meant to be broken. Kinuha niya lang ang loob ko saka ako iniwan. Kung hindi niya pala kayang panindigan ang pangako niya sana noon pa lang iniwan niya na

    Last Updated : 2023-06-01
  • The Billionaire's Temptation   Chapter 10

    "Lalay hugasan mo muna itong mga gulay bago mo gayatin ha. Itabi mo ang mga bulok na tapos yung may pwede pang pinakinabangan gayatin mo. Walang dapat masayang Lalay, alam mo na kailangan nating makabawi."Tango lang ang sagot ko kay Ate Norma. Sa kanya ako nagtatrabaho simula nung mapadpad ako dito sa lugar nila. Sa isang buwan ko pamamasukan dito sa gulayan niya alam ko na ang mga dapat at di dapat gawin. Simple lang ang trabho ko, maggayat lang ng gulay na pwedeng gawing pinakbet at chopsuey, mga gulay na naisalba sa mga gulay na konti na lang ay mabubulok na.At first nagkasugat sugat pa ako. Seems like I'm not used to this kind of job. Pero wala akong magawa. Wala akong maalala, ni pangalan ko hindi ko maalala. Wala akong ibang choice, mas mabuti na ang ganito kesa mahanap ako ng mga taong humahabol sa akin sa panaginip ko sakaling totoo man ang mga 'yon."May binili akong pancit doon sa karenderia, kumain ka mamaya. Magtira ka para sa pananghalian mo dahil may pupuntuhan ako nga

    Last Updated : 2023-06-05
  • The Billionaire's Temptation   Chapter 11

    "I know you.""S-sir?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. Naramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib pero andun ang kagustuhan kong malaman kung totoong kilala nya ako. "Kilala niyo po ako?He didn't say anything but I noticed him heaved a deep sigh. Pinagkatitigan ko ang mukha niya, baka sakaling maalala ko kung dati nagkakilala na ba kami pero wala akong matandaan, wala akong maalala. But there is something in him, by the way he looked at me seems like he really knew me." I want to talk to you and Nana Minda. I want to know what happened." he said in a stern voice.Yun lang ang sinabi niya saka nauna na itong lumabas ng sasakyan. Natulala ako saglit dahil sa sinabi niya kaya hindi ako nakagalaw agad. Huli na nung marealize kung naiwan na pala ako sa loob dahil pinagbukas niya pa ako ng pintuan."Salamat po Sir, pasensya na po..." tango lang ang sagot niya sa akin. Sinalubong ako ni Lola Minda. Umiiyak akong yumakap sa kanya. Ang takot na kanina ko pa pinipigilan ay ngayon ko

    Last Updated : 2023-06-07
  • The Billionaire's Temptation   Chapter 12

    I always believed that I was given this life because I was strong enough to live it. I survived that night because I know I still have so many things to do in the future. I may be wounded, but everything heals. My body heals. My heart heals. The mind heals. My wounds heal. And I know one day my memory will comeback. I will remember everything...everything."Addy? M-mine? Oh God..."Hindi ako nakagalaw ng ang lalaking umiiyak kanina ay biglang yumakap sa akin. Sobrang higpit ng yakap niya na tila ba takot itong mawala ako sa kanya. Naguguluhan akong tumingin sa mga kasama niya. Pati sila ay tahimik din. "Uhm..S-Sir, excuse me po..." marahan kong tinapik ang likod niya para kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pero lalo niya lang akong niyakap. Mas lumakas pa ang iyak niya at nababasa ang balikat ko ng mga luha niya. He's crying like a lost kid. I can feel the longingness and pain in his cries. I gently tapped his shoulder again. Nahihiya na ako sa mga tingin ng mga kaibigan niya sa

    Last Updated : 2023-06-10
  • The Billionaire's Temptation   Chapter 13

    Sa mga sumunod kung araw sa mansion ganun pa rin ang turing sa akin ng mga lalaking kasamahan namin. Kung makaiwas sila sa akin para akong may sakit. Ni ayaw nila akong tapunan ng tingin. Tanging mga babae lang ang kumakausap sa akin.Anong problema nila? Wala naman akong sakit ah.Hindi ko na rin napansin si Kuya Falcon sa paligid. Nung tinanong ko yung kasamahan niya ang sabi may iba dawng assignment. Tinatanong ko kung saan siya kasi makikiusap sana ako na kung sakaling magawi siya sa bahay nina Avery, ipapatanong ko sana kung nakuha niya ba ang notebook ko doon sa pwesto ni Ate Norma.Ang huling kita ko kay Kuya Falcon ay noong tinanong ko kung alam niya ba paano diligan ang halaman ko pero daig niya pa ang minulto sa takot dahil nung tanungin ko siya nun namumutla siyang tumalikod sa akin ng walang pasabi.Weird! Lahat ng mga lalaking tauhan dito sa mansion ng mga Castillo ay weird. Kahit yung si Milo na crush ni Matet, wirdo din."Ang ganda ng mga dress mo Lalay. Mukha ka talaga

    Last Updated : 2023-06-12

Latest chapter

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue-Last Part

    "I can't bear the pain anymore, Mama. Everyday I feel like I'm dying. I can't sleep, I am hearing my Addy's cries calling my name. I am seeing her face full of tears begging for mercy. Sobrang sakit sa puso ko Mama. Hindi ko na alam paano mapawi ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang na akong mamatay..." I fell on my knees and cried hard in front of my mother. I couldn't remember when was the last time I didn't cry. Since that day they took my Addy from me, walang oras na hindi ako umiiyak. Para na akong mababaliw sa sakit. Hindi ko alam paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko kung wala na siya. It's been how many weeks but I still we couldn't find her. Everyday the passes by I felt like I'm dying. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya. Kung may nag-aalaga ba sa kanya, kung may kinakain ba siya. Ilang beses na naming sinuyod ang lugar na huling pinagdalhan sa kanya pero kahit bali-baliktarin ko pa hindi ko pa rin siya mahanap. My Addy, my poor baby... "Stop blaming yours

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue - Part 9

    "Balita ko nasa school niyo daw si Kuya Gaden mo? Magtuturo daw siya dun ngayon, nagkita ba kayo ni KUYA mo?"What the fuck, Villegas? Ang kapal ng mukha ni gagong e-emphasize na KUYA ako ni Adrianna. Kung sungalngalin ko kaya ang bibig niya makakatawa pa kaya siya?Tang-ina kanina ko pa tinatawagan ayaw akong sagutin. Sineserbatuhan ko pa ang gago para ihatid niya sa sasakyan ko si Addy pero pinili nitong asarin ako. "Kuya Gaden! Kuya Gors, kamo. Kuya Gors as in gorilla, Kuya. Banas ako dun sa gurang na yun. Alam mo bang siya ang math teacher namin? At alam mo ang ginawa niya sa amin kanina? Nagpabida lang naman siya Kuya, wala pa nagang naituro sa amin nagpa-quiz agad. Ang feeling niya pa, napaka strikto, konting galaw lang nilalapitan agad. Akala mo naman hindi siya naka-try mangopya noon. Panay pa ang tingin sa papel ko anong akala niya sa akin, bobo? Wow, siguro kung nagkataong magkakalase kami, tiyak ako siya ang mangongopya sa akin. Feeling niya!"I can imagine her beautiful f

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue - Part 8

    "He's the man that I need but...he left me."I didn't sleep the whole night. Parang sirang palakang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin. I didn't left her, I am with her all the time. I may not be physically present but I make sure that I am there. I am silently taking care of her from afar. I just need to do that because I have to. Dahil ako mismo , hindi ako sigurado kung kaya ko bang kontrolin ang sarili ko pagdating sa kanya. Simpleng pagdikit nga lang ng katawan namin noon iba na ang nararamdaman ko ano pa kaya ngayong dalaga na siya. Ayokong bastusin siya kahit sa utak ko pero minsan hindi ko nako-kontral ang reaksyon na aking katawan. I don't want my obsession with her to go too far. My conscience is stressing me every time I'm jerking inside her bathroom for fucking sake. I'm no saint I know, kaya habang maaga pa at habang kaya ko pa umiwas na ako. Sinunod ko ang utos ni Daddy dahil alam kong para rin yun sa ikabubuti ko...sa ikabubuti ng lahat.

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue - Part 7

    I am with my friends inside the VIP room in Z lounge. Ang bagong bar na pagmamay-ari ni Dominguez. After kung makipag-usap kay Dad kanina na gusto ko nang magretire sa trabaho ko dumiritso na agad ako dito. He asked me what's the reason behind and I told him that I need to 'focus' on guarding my Addy at mahirap na baka masalisihan ako lalo na ngayong dalaga na ito. Muntik pang mabilaukan si Daddy ng kape na iniinom niya dahil sa rason ko pero Dad as usual, he supports all my endeavors. Si Mama lang ang inaalala namin at baka kapag nalaman niya ang totoong dahilan ko ay baka makutusan niya ako."Are you sure with your decision anak?" malambing na tanong ni Mama sa akin. Pinatawag nila ako ni Daddy ngayon. Pasimple kong tiningnan si Dad baka kasi pasekreto niya ding sinabi kay mama ang dahilan tiyak malilintikan ako pero mabilis din itong nag-iwas ng tingin sa akin. Mom is always a cool mama, kalmante at palaging mahinahon pero ngayon mas mahinahon pa ito, mas kalamante at halatang

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue-Part 6

    "I'm having my period, Daddy."I thought I studied everything about her but I was wrong, there's one thing I missed. I missed to study this part, that's why I'm paranoid. I don't know what to do, I'm not prepared for this. I even called my Mom what to do with her because she said she felt a little bit discomfort. Mom, told me what to do, but still, hindi ako mapakali. I think we really need to see a doctor. "Please calm down, I'm okay."How could I calm down kung sa tingin ko namumutla siya? Baka maubusan siya ng dugo. Tsaka, is it not too early for her to have a period?"Tita Doc, it's her..." I stopped and look at her. I don't know kung pang-ilang araw niya na ngayon."I had it last night..." she answered shyly."Kagabi pa pala nag-start Tita." I continue talking to Tita Divine. I told her everything that Adrianna told me about what she feels inside. "It's all normal for a teenager like her. Just tell her to be careful...you know what I mean right?"Yes I know what she meant by th

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue- Part 5

    "How are you, baby?"Her beautiful sad eyes welcomed me when I sat beside her. She didn't say anything, she just smiled and look away after.Sa tuwing dinadalaw ko siya ganito ang palagi ko nadaratnan. She's alone, malayo ang tingin at malungkot ang mga mata.It's been a year since that incident happened. But I know still she hasn't recovered. I feel so sorry for her .She's too young to be in this situation." I bought something for you. I hope you'll like it." I said and motioned the gift box I brought for her.These are sets of girly stuffs like colorful nail polish, hair curler, hair clips, make-up set, lip and cheek tint for kids. I googled all these, since I don't know what are the likes of young girls like her. I even ask the saleslady in the mall if these stuffs I bought are safe for her to use.I also bought her set of sketch pads and colorful pens and pencils. The house helper told me that she likes to draw, perhaps that's her way to make herself busy since she's always left

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue - Part 4

    Ang sabi ni Mama, wag ko daw punuin ng galit ang puso ko. Dahil kapag pinuno ko ito ng galit wala ng space para sa mga bagong biyaya. Kaya lumaki akong wala akong dinadalang galit sa aking dibdib. Kahit sa tunay kong ama na tumalikod sa amin hindi ako galit.Tinanong ako ni Mama isang beses kung gusto ko bang malaman kong sino ang totoo kung ama, sinagot ko siya na hindi na.Kuntento na ako sa kanila ni Daddy. Kung noon madami akong tanong sa utak ko bakit niya kami iniwan, ngayon natutunan ko na ring tanggapin na may mga bagay talaga na hindi para sa amin. At baka isa na doon ang tatay ko, baka nga hindi siya para sa amin ni Mama.Pero kahit ganun pa man ang nagyari, malaki pa rin ang pasalamat ko sa kanya. Dahil sa kanya, nabuhay ako sa mundong ito. At kung saan man siya naroroon ngayon, dasal ko na sana masaya siya.Na sana maayos ang buhay niya. Kung darating man ang araw na magkikita kami, siguro nakatadhana na yun. Hintayin ko na lang ang araw na yun para sa amin."Your father is

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue - Part 3

    "From now on, you will treat that baby like she's your younger sister. Inaanak na namin ng mommy ang batang yun kaya para mo na din itong itong kapatid."Kapatid? Hell no! Ayoko siyang maging kapatid. Kung may gusto mang akong maging kapatid yun ay si baby princess na hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap ni Daddy. Siya lang ang gusto ko, hindi si baby girl."Ang ganda ng baby nila Hon, parang doll." Si mommy. "Gawa tayo ng--" pero hindi natuloy ni Daddy dahil tinakpan ni Mommy ang bibig niya.I'm listening to Dad and Mom, they're whispering words to each other but my focus was not on them really. Nakatingin ako sa labas bintana, pinapakiramdaman ang aking sarili kung bakit hanggang ngayon sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko.Kanina ko pa ito napansin, kahit nung nagsimula na ang binyag at nakatingin lang ako sa bata pakiramdam ko kumakawala ang puso ko. Yung mga ngiti niya parang nanghahalina. Di kaya namaligno ako ng bata? Pero may maligno bang ganun ka ganda? No hindi malign

  • The Billionaire's Temptation   Epilogue- Part 2

    A week after my graduation in grade six, nagulat na lang ako ng biglang nagtanong si Mama sa akin na kung ayos lang ba sa akin na luluwas kami ng Maynila. May nag-offer daw ng trabaho sa kanya bilang waitress doon. May mga taga Manila daw na kumain sa karenderya na pinagtatrabuhan niya na naghahanap ng mga empleyado para sa bagong bukas na resto. Maganda daw ang offer sa kanya, mas malaki ang sahod kesa sa trabaho niya ngayon bilang washer plus may kasama pang accomodation para sa amin.That means new place, new adjustments. I have to leave again the life I had in Davao and start a new life in Manila. Pero wala akong problema kahit saan man, ayos lang sa akin. Ang mahalaga para sa akin ay kasama ko si mama saan man kami mapadpad. I trust my mother's choice. I will always honor whatever decisions she make."Sol, ito ang magiging tirahan niyo ng anak mo." Inilibot ko ang tingin sa apartment na sinabi nung manager ng resto kung saan magtatrabaho ang mama ko. Siya yung sinasabi ni Ma

DMCA.com Protection Status