Isinangla ko ang cellphone na ibinigay ni Raheel sa akin para may magamit akong pera. Kailangan kong makahanap ng matutuloyan bago gumabi. Wala akong balak gamitin ang credit card na ibinigay sa akin ni Chairman Marcelo. Lalo na ngayon na pinalayas ako ng apo niya. Baka mas lalong pag-isipan ako ng masama ni Raheel. Kahit malakas pa rin ang ulan, hindi pa rin ako huminto sa paghahanap ng murang boarding house o bed space. "Kailangan mong magbayad ng advance payment para sa susunod na buwan, hija," saad ng land lady ng boarding house na nakita ko. "Sige po," sabi ko at ibinigay sa kaniya ang pera pagkatapos kong pirmahan ang kontrata. "Saan ka ba galing? Pinalayas ka ba sa inyo? Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na at baka magkasakit ka pa." Tinulongan ako ni Ate Maricel, ang may-ari ng boarding house, sa pagpasok ng mga gamit ko sa loob ng kwarto. Ngumiti na lang ako kesa piliing sagotin ang tanong ni Ate Maricel. Gusto ko na rin makapagbihis dahil basang-basa ang suot
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi rin ako nakakain ng maayos sa kaiisip kung paano ko mairaraos ang pagbubuntis ko. Maghahanap pa ako ng trabaho, pero ngayong nalaman kong buntis ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Binabalak ko pa naman sanang bumalik sa pag-aaral kapag nakahanap na ako ng trabaho. Nang nakaramdam ako ng gutom ay roon pa lang ako bumangon para magluto. Napabuga ako ng hangin nang nakitang mag-a-alas otso na pala ng gabi at hindi pa ako kumain ng hapunan. Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na may laman ang tiyan ko. Sana panaginip lang ang lahat. Hindi ko aakalain na mabubuntis ako sa ganitong edad. Walang trabaho at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Naagaw uli ang atensiyon ko nang tumunog ang cellphone ko. Napabuga ako ng hangin nang nakita ko na naman ang pangalan ni Chairman Marcelo. Hinayaan ko lang siyang tumawag. Wala akong balak na sagotin ang tawag niya dahil natatakot ako. Kahit walang katotohanan ang mga bini
"I'm not acting, Raheel. Paniwalaan mo na kung ano man ang gusto mong paniwalaan. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa 'yo," saad ko at nilampasan siya. Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko. "Bitawan mo nga ako!" Napansin ko ang paglapit ni Zeus sa akin. Nakatingin na siya kay Raheel. "You're hurting her." "Huwag kang mangialam dito kung ayaw mong madamay!" saway ni Raheel sa kaniya at mas lalong humigpit ang paghawak niya sa braso ko. "You're hurting her, Mr. Del Fuego!" "I don't fucking care! She's my wife!" sigaw ni Raheel. Saglit na natigilan kaming dalawa ni Zeus. Humugot ako ng malalim na hininga at muling binawi ang braso ko kay Raheel. Napamura ako nang nabawi ko ito. "Ano bang problema mo? Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa akin? Gusto ko ng tahimik na buhay, Raheel! Lumayo na nga ako sa 'yo, 'di ba? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses. Wala akong pakialam
Pinagpapawisan ako pagkarating ko sa clinic ni Dra. Leona. Hindi ko maitago ang takot at kabang nararamdaman ko ngayon habang hinihintay si Dok. Sigurado na ako sa desisyon ko. Magiging sagabal ang batang 'to sa mga pangarap ko. "Baby, I'm so sorry. Hindi kita kayang buhayin mag-isa. Hindi ako naging maingat sa mga desisyon ko kaya unexpected ang pagdating mo. Ayokong maranasan mo ang paghihirap na naranasan ko. Wala kang kasalanan..." bulong ko habang hinihimas ang tiyan ko. Napabuga ako ng hangin nang nakita ko ng lumabas si Dra. Leona sa opisina niya kasama ang mag-asawa na umiiyak. "Matagal na naming hinihiling na magkaroon ng anak ng asawa ko. Sampung taon kaming naghintay, pero agad rin binawi nang biniyayaan niya na kami..." sabi ng babae habang niyayakap ng asawa niya. "Masilan po ang pagbubuntis. Kaya sana maging aral ito sa inyo na hindi lahat ng bagay ay nagagawa ng isang buntis. Hindi kayo pwedeng magpa-stress o magbuhat ng mabibigat na bagay," paalala ni Dra. Leona sa
Agad na kumuyom ang mga palad ko matapod kong basahin ang reply ni Raheel. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit at para bang binuhosan ako ng ilang baldeng puno ng yellow. Sa sobrang galit, naibato ko sa dingding ang cellphone ko. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang nakitang basag na basag ito. Tumayo ako at pinulot ang cellphone. Kinuha ko ang sim nito bago ito itinapon sa basurahan nang napagtantong hindi na ito magagamit. Sobrang luma na rin kasi ng cellphone na 'yon. Ilang beses ko na 'yung pinaayos. Binuksan ko ang maleta na naglalaman ng pera, kumuha ako ng perang pambili ng bagong cellphone. Mumurahing cellphone lang ang bibilhin ko. Ngumiti ako nang nakita ang pera sa loob ng maleta. Hindi ko alam kung magkano ang perang binigay niya sa akin. Kahit papaano ay nabawasan ang problema ko sa pagkakaroon ng pera. Pakiramdam ko, malakas pa rin ako kay Lord, kasi pera na mismo ang lumapit sa akin. Pera na lang din ang nagpapasaya sa akin. Imbes na magmukmok sa kwarto at umiyak
Hinatid ako ni Zeus sa tinitirhan ko, pero hanggang sa labas lang ng gate ni Ate Maricel. Wala kasi akong ibang choice kundi payagan siyang ihatid ako. Masyado siyang mapilit. Marami rin naman kasi ang mga binili ko. Hindi ako gaanong nahirapan ngayong araw kasi nandiyan siya. "You live her?" Hindi makapaniwalang tanong niya at pinasadahan ng tingin ang paligid. Maraming nakatambay na mga lalaki at sa labas ng boarding house ni Ate Maricel, nag-iinoman, at naninigarilyo. Kaya mas pipiliin ko na lang ang manatili sa loob ng kwarto ko kesa lumabas. Exclusive for ladies only lang ang boarding house ni Ate Maricel, pero natatakot at kinakabahan pa rin ako kapag lumalabas o umuwi ng gabi kasi palaging nasa labas ang mga lalaki. Nakatambay lang sila roon buong araw. "Alam ba ng asawa mo na -" Naputol ang sasabihin ni Zeus ng tingnan ko siya ng masama. "Nobody knows that I'm married. I married that asshole! Shut up your mouth and just help me," bulong ko. "Okay," tipid niyang sagot at i
Sumama ako pabalik kay Chairman Marcelo sa mansiyon. Wala akong nagawa kundi sumama kasi malaki ang inutang kong pera sa kaniya. Kung magmamatigas ako, magbabayad ako ng pera sa kaniya. Saan naman ako kukuha ng perang pangbayad sa kaniya? "Bakit hindi ka nagsumbong sa akin, hija, na mayroon pa lang kakaibang nangyayari sa mansiyon habang wala ako?" tanong ni Chairman Marcelo nang malapit na kaming makarating sa bahay nila. "Tinawagan kita ng paulit-ulit, pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko." Hindi ako nagsalita. Nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. Pakiramdam ko kapag magsasalita ako at sabihin sa kaniya ang totoo magiging mali lahat ng sasabihin ko. Apo niya kasi 'yon, malabong paniwalaan niya ako kesa kay Raheel. Napabuga ako ng hangin nang bumaba na kami sa sasakyan. Agad kaming sinalubong ng mga katulong sa mansiyon. Halos madapa sila sa pagtakbo nang nakita nila ako. Hindi ko mapigilang mapangiti nang yakapin ako ng mahigpit ng mga katulong. Napansin kong nagulat si Chairma
"Chairman Marcelo, hindi po ba kayo nahihilo? Kanina pa po kayo pabalik-balik sa paglalakad. Ako'y nahihilo na sa katititingin sa inyo," saad ni Ate Mari at nagkamot ng ulo. Mahigit tatlong oras na kaming nakatunganga sa sala habang naghihintay ng update tungkol sa kalagayan ni Andrea. Nanatili lang akong nakayuko habang nagmamasid sa paligid. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot. "Ma'am Anabelle, Chairman Marcelo, magpahinga muna kayo sa mga silid ninyo. Gigisingin na lang namin kayo kapag nakauwi na sila," saad ni Ate Joy. "Baka nagugutom na kayo. Tapos na skong magluto," sabi naman ni Ate Mari pagkatapos niyang lagyan ng juice ang mga baso namin. "I'm not hungry," sabi ni Chairman Marcelo. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. "He's not answering his phone," iritadong sambit niya. Si Raheel siguro ang tinatawagan niya. Huminga ako ng malalim at inabala ang sarili sa pagkuskos ng aking kuko. Hindi na rin ako makapaghintay na marinig ang balita. Napalingo