Hinila ko si Knight papalayo sa lalaki. Ang laki-laki ng ipupusta niya sa laro. "Hindi ako papayag sa isang milyon, Knight. Paano kung matalo niya ako? Sayang ang perang pinangpusta mo sa akin," reklamo ko at nilingon ang lalaki. Nakakrus ang mga braso niya habang pinagmamasdan kaming nag-uusap. "I believe in you, Anabelle. Magaling ka naman maglaro. Tinalo mo nga ako ng anim na beses. At isa pa, pera ko naman ang gagamitin ko," saad ni Knight at binalikan ang lalaki. Napabuga ako ng hangin at sumunod sa kaniya. Kinakabahan ako. Gusto kong umatras sa laro, pero ayokong mapahiya si Knight lalo na't siya ang unang nagsabi kung magkano dapat ang ipupusta. "Sige. Maglalaro ako. Basta kapag natalo ako sa larong 'to, huwag na huwag mo akong sisingilin sa perang sinayang mo." Huminga ako ng malalim bago nilagyan ng pulbo ang mga kamay ko. "You'll play with her for five rounds, Mr. Ronalds. You will play Eight Pool," Knight said. Nanlaki ang mga mata ko. Bumalik uli ako kay Knight. "Eigh
"What the hell, Raheel?" I cursed when he pulled me. Nakita ko siyang kinuha niya ang jacket ko sa upoan at marahas itong pinapasuot sa akin. "You're letting everyone watching your body and -" Tumingin siya kay Knight nang bigla itong tumawa. "At niyakap mo pa talaga siya pabalik sa harapan ng maraming tao?" "Ano naman sa 'yo? Gusto mo bang sipain ko siya kasi masaya ako dahil nanalo kami?" sarkastikong tanong ko. "Let's go, Knight. Let's go somewhere and - damn it, Raheel!" sigaw ko nang bigla niya akong buhatin palabas na parang isang sakong bigas. Pinagpapalo ko ang dibdib niya habang nagpupumiglas para makawala sa mga bisig niya. "You'll not go somewhere. Hindi ka pupunta kahit saan na siya ang kasama mo. I'm your husband, Anabelle. Ako lang dapat ang kasama mo! Hindi ka aalis ns hindi ako kasama! Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag may nakakit sa inyo? That you're cheating on me?" "Cheating on your face! We're just friends!" galit na singhal ko sa kaniya. Nanlaki ang
Sa limang araw namin dito sa beach na pagmamay-ari ng pamilya ni Chairman Marcelo, ipinakilala nila ako sa mga importanteng taong kasusyo nila sa negosyo. Palagi nila akong sinasama kahit saan man sila pupunta. Wala rin naman akong ibang gagawin. Kesa naman magmukmok ako sa kwarto kasi ayaw kong makasama si Raheel. Limang araw na rin at hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ni Raheel. Sa kabilang kwarto siya natutulog. Babalik lang siya sa kwarto namin kapag umaga na. Kahit palagi ko siyang kasama, hindi kami nag-uusap. Kabisado ko na rin ang buong lugar sa sobrang dami ng pinuntahan namin. Hindi na ako maliligaw kung sakaling may pupuntahan ako kung gusto kong mapag-isa. Naagaw ni Chairman Marcelo ang atensiyon ko nang bigla niya akong utosan na ipagtimpla siya ng tsaa. Kararating lang namin sa villa nila. Malapit lang ito sa beach kaya makikita pa rin ang magandang tanawin at kulay asul na tubig ng dagat. "Naikwento sa akin ni Knight kanina na naglalaro ka raw ng billiard. Tina
"What the hell are you talking about? Do not touch me!" nandidiring saad ng babae at tumayo. Lumayo ito sa akin. Ngumiti ako at pilit na pinapakalma ang sarili kasi napaka-OA niya kung maka-react. "I am his wife." "Wife?" Hindi pamakapaniwalang tanong ng babae sa akin habang naiinip na pinagmamasdan silang lahat. Itinaas ko ang kamay ko para ipakita ang wedding ring namin. "We're married," mariin kong sabi at nilingon si Raheel. "If you're done having fun with my husband, I'll take him home now because his grandfather is already calling for him to go home." Napamura ako nang bigla akong itinulak nang dalawang babae nang lalapitan ko sana si Raheel dahil wala na siya sa sarili. Ang clingy niya kapag nalalasing. Napabuga ako ng hangin at pinasadahan sila ng tingin. Nang lingonin ko uli si Raheel, nakahiga na siya sa hita ng babae. Nakapikit na ang mga mata niya. "How can you be his wife if you look like that?" the dark-skinned woman asked with a smile as she pushed me away. Tinin
"Anong nangyari sa apo ko?" nag-aalalang tanong ni Chairman Marcelo pagkauwi namin sa villa. Tumingin siya kina Knight at Logan. "Hinayaan niyo na naman ba siyang uminom?" Hindi makasagot ang mga kaibigan ni Raheel. Nakayuko lang silang dalawa at hindi rin makatingin kay Chairman Marcelo. "Bakit ganiyan ang itsura mo, hija?" tanong ni Chairman sa akin nang lingonin niya ako. "Napalaban lang po. Pagdating ko kasi sa bar naabotan ko si Raheel na pinapalibutan ng mga kababaihan. Lasing na lasing at parang wala na sa sarili. Ayaw nila akong padaanin para kunin si Raheel kaya -" Napatingin ako kina Logan at Knight nang bigla silang tumawa. "Kung nakita niyo lang po kung paano siya makipaglaban kanina, Chairman," saad ni Logan at pilit na pinipigilan ang pagtawa niya. "Para akong nahimasmasan sa alak na nainom ko nang nakita ko siyang nakikipag-away sa mga babaeng kasama ni Raheel sa bar. Ang galing-galing niyo rin mamili ng babaeng para sa apo niyo, Chairman. May asawa na si Raheel at
As we drift off to sleep in a cozy beachfront bungalow, I feel a sense of contentment and gratitude for the experiences of the day. Ang ganda-ganda ng mga isla na napuntahan namin. "Sa couch ako matutulog at dito ka naman sa kama," saad ko pagkapasok namin sa kwarto. "We'll sleep together, Anabelle." "No." "Why?" Inayos niya ang kama. "Naaalibadbaran ako sa mukha mo!" Umupo ako sa couch pagkatapos kong ilagay roon ang aking kumot. Humiga ako at inabala ang sarili sa pagtingin ng mga litrato ko kanina. "Maliligo muna ako," sabi niya. Napatingin ako sa pinto nang isara niya ito ng malakas. Umupo ako habang binubuksan ang social media accounts ko para i-upload ang mga larawan ko kanina. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang naisip ang magiging epekto sa akin kapag in-upload ko ang mga larawan ko. "Upload ko na lang ito kapag hiwalay na kaming dalawa ni Raheel," bulong ko sa sarili. Tumayo ako at binuksan ang TV. Manunuod muna ako ng palabas hanggang sa dalawin ako ng antok.
Weeks passed, and I had not seen Raheel return to the mansion after our almost two-week vacation and honeymoon in Japan. Hindi ko alam kung umuuwi ba siya kasi maayos naman ang kwarto niya sa tuwing dadaan ako roon upang i-check kung umuwi ba siya. Kung umuuwi man siya, siguro gabi na siya nakakauwi at maaga rin umaalis. Si Chairman Marcelo naman ay wala rin sa mansiyon, nasa hospital siya for dialysis. Huli kaming nakapag-usap ni Raheel nang nag-island hopping kami. After that night, hindi niya na ako kinausap uli. At nararamdaman ko na naman ang cold treatment niya sa akin. Hindi ko alam kung may maling nasabi ba ako sa kaniya. Nawala ako sa pag-iisip nang napansin ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng bedside table. Agad kong sinagot ang tawag nang nakita ko ang pangalan ni Raheel. "Open the door. I'm home," saad niya na siyang ikinagulat ko. Umahon ako sa kama at tumingin sa pinto. "Home? You mean nandito ka ngayon sa mansiyon?" "Yes. May ibibigay ako sa
Hindi ako makagalaw sa kinatatayoan ko pagkatapos akong iwan ni Raheel sa coffee shop kasama sina Lara at Tita Minerva. Parang nakabalik lang ako sa sarili ko nang hawakan ni Lara ang braso ko. "Ate Ana," malungkot na sambit niya. Napatitig ako ng ilang segundo kay Tita Minerva. Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan ito. "Ikaw ba ang asawa niya, Ana?" nakangising tanong ni Tita Minerva at sumimsim ng sigarilyo. "Hindi mo naman sinabi sa akin na magkakilala pala kayo ng Kuya ni Lara." "Mama!" saway ni Lara sa kaniyang ina. "Bakit, Lara? May masama ba sa sinabi ko? Magkapatid naman talaga kayong dalawa," proud na saad ni Tita Minerva at sinimulang inomin ang kape niya. Tumingin siya sa akin. "Anabelle, total asawa mo naman pala si Raheel, baka pwede mo siyang kausapin tungkol kay Lara. May karapatan din naman ang anak ko dahil may dugo rin siyang Del Fuego. Lumalaki na rin kasi ang gastosin ni Lara sa pag-aaral niya. Hindi ko na kayang tustosan." "Ma, gusto ko lang makilala ang p