“Kumusta ang trabaho?”
Aligaga agad ako at nagmadali sa pagpapainit ng mga pagkaing hinanda ko kanina pa. Alas sais pa lang ay nakapaghanda na ako ng hapunan namin pero nanlamig na lang lahat dahil ang tagal umuwi ni Nero.Mag a-ala una na ng madaling araw at ngayon pa siya umuwi. Hindi ko maintindihan. Hindi naman siya ganito nung hindi pa kami ikinakasal. Hindi naman siya late kung umuwi.“Huwag mo nang painitin 'yan. Hindi naman ako kakain,” malamig niyang sabi.Agad akong nahinto sa ginagawang paglalapag ng plato sa lamesa. Tuluyan ko 'yong inilapag bago sinundan si Nero paakyat sa kwarto.“Kumain ka na? Saan ka kumain?”As far as I can ay sinusubukan kong huwag itanong sa kanya kung bakit sunod sunod na ang mga gabi na late siyang umuuwi. Ayaw kong mairita siya sa akin kahit na alam kong karapatan ko naman 'yon. Sinusubukan ko siyang intindihin. Maybe because nag a-adjust pa lamang siya sa buhay na may inuuwiang asawa gabi-gabi.Dalawang buwan pa lang kaming kasal ni Nero. Pagkatapos ng kasal ay tatlong linggo akong nasa Korea, a day after the honeymoon.“Nagpadeliver si Anna ng dinner.”“Anna? Iyong secretary mo?”Kunot noo akong naupo sa kama habang pinapanood siyang naghuhubad ng longsleeve. Hindi na ako natutuwa sa bago niyang sekretarya. Hindi ko siya nagawang pigilan nang kunin niya itong si Anna bilang secretary niya. Nasa Korea kasi ako no'n at abala sa conference na ginagawa namin doon.“Yes.”“Why? Magkasama kayong nag dinner? Sabay kayong nag dinner?”Tuluyan niyang hinubad ang longsleeve na suot. Nameywang siya at tumingala. Marahas siyang bumuga ng hangin na para bang nauubos na ang pasensya niya sa akin.“Obviously.”Sarkastiko akong natawa. Tumayo ako at napabuntonghininga.“You knew that I cooked dinner right? I texted you, Nero,” dahan-dahan kong sabi, pilit na umaaktong kalmado kahit pa sa loob loob ko'y gusto ko nang sumabog sa galit.“Hindi ko natanggap ang text mo. I am busy with all the paper works and I have no time for texting, Mitsy.”Napamaang ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya ng banyo para maligo. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya 'yon. Hindi naman siya ganun noon. Texting is his thing. He loves texting. Doon niya nga ako napasagot noon. Dahil sa pagte-text niya ng mga corny niyang banat. Dahil sa palagi niyang pag u-update kahit na hindi ko naman kailangan.Ngayon kung saan kailangan ko ng update niya, doon pa siya hindi nag u-update.Hinintay ko siya hanggang sa matapos siyang maligo at makapagbihis ng pantulog. Agad akong tumayo nang nagtungo siya sa kama at humiga.“Nero, may problema ba tayo?”“Wala. I am just busy. Gusto ko nang magpahinga.”Yeah. Siguro nga para sa kanya ay walang problema. Ako lang naman itong parang napapraning. Hindi ko na maintindihan. We were supposed to live a happy married life pero ganito ang nangyayari. He's acting strange and I don't have any idea of what's happening.Humugot ako ng isang malalim na hininga saka tumabi na rin sa kanya sa kama.“Okay. Goodnight, love.”I kissed him. Sa lips dapat 'yon pero umiwas siya kaya napunta ang halik ko sa pisngi niya.“Night,” he answered coldly.Hindi ako nakatulog ng maayos sa gabing 'yon. Ayaw ko siyang pagdudahan pero sa mga kilos niya . . . Binibigyan niya ako ng dahilan para magduda.Kinabukasan, tulog pa ako ay wala na siya sa tabi ko. Wala na siya sa buong bahay to be exact. Kaya nagpasya akong puntahan siya sa opisina niya.Habang kumakain ng breakfast ay tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Binuksan ko 'yon at agad na nakita ang mga litratong ipinadala sa akin ng private investigator ko.Sa nanginginig na mga kamay ay napatakip ako sa bibig ko. Lumantad sa aking mga mata ang litrato ni Nero kasama ang sekretarya niya. Magkahawak kamay habang naglalakad papasok ng hotel.Magaling. Sobrang galing.Sa nagpupuyos na galit ay minadali ko ang pagkain ko at agad na nakong dumiretso papuntang office. Hindi man sa hotel pero siguradong parehong posisyon lang din ang madadatnan ko sa kung anong nadatnan ko ngayon sa office niya.“MGA HAYOP KAYO!”Tumakbo ako papalapit sa kanila at agad kong hinampas ng bag ang nakatalikod na si Nero. Binabayo niya ang sekretarya niya mula sa likuran nito.“HAYOP KA, NERO! IBA PALA ANG TINATRABAHO MONG WALANGHIYA KA!”“Mitsy! Mitsy, stop!”Sinugod ko sila at pinaghahampas. Hindi pa ako nakuntento sa bag at pati ang mga binder na nasa table ni Nero ay kinuha ko at pinaghahampas pati sa kanilang dalawa. Sinusubukan kong abutin ang sekretarya niya pero hinaharangan ito ni Nero. Pilit na pinoprotektahan mula sa akin.Kung gaano kalakas ang mga hampas ko sa kanila ay mas malala ang bawat pagkabog ng dibdib ko. Sa bawat bayo ay parang tinutusok ng kutsilyo. Sobrang sakit. Paano itong nagawa ni Nero sa akin? Paano niya ako nagawang lokohin? Paano niya ako nagawang saktan?“HAYOP KA, NERO! ANG BABOY BABOY NIYO!” Halos mamaos ako sa bawat sigaw.“Mitsy, STOP!” Hinawakan niya ako sa magkabilang braso upang pigilan ako sa muli kong paghampas.“BITAWAN MO 'KO!” puno ng galit kong sigaw. Pero imbis na bitawan ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Umigting ang kanyang panga at galit niya akong tiningnan.Ramdam ko ang paglandas ng mga luha ko papunta sa magkabila kong pisngi.“Paano mo nagawa sa akin 'to?” Kahit puno ng sakit ay bakas pa rin ang galit sa boses ko.Binitawan niya ako. Hinayaan kong malaglag ang mga kamay ko. Nakakapagod pala magwala. Pero mas nakakapagod ang makaramdam ng ganitong klaseng sakit. Pakiramdam ko, kinakatay ako ng paunti-unti.“Tss!” Narinig kong patutsada no'ng sekretarya niyang hindi man lang umalis sa kaninang pwesto at sinuot lang ang puting longsleeve ni Nero.Gusto kong mahimatay sa mga nakikita ko. Paano niya nagagawang suotin ang damit na ako ang bumili para sa asawa ko? Ako ang bumili, ako ang naglaba, ako ang nagpaplantsa! Tapos kaydali lang para sa kanyang suotin 'yon? How dare she?!“Hubarin mo 'yan,” I said while gritting my teeth. Nanggigigil ako. At kapag napuno ako ngayon ay kakagatin ko siya hanggang sa mamatay siya sa rabies.Marahas na napabuga ng hangin si Nero.“Mitsy, umuwi ka na. Sa bahay na tayo mag usap. Marami pa akong gagawin dito.”“Tulad ng? Ha? TULAD NG ANO? PAKIKIPAG-SEX SA SEKRETARYA MO?!”“WILL YOU PLEASE STOP SHOUTING?!” sigaw niya rin pabalik sa akin na siyang ikinagulat ko. Hindi niya ako kailanman sinigawan ng ganito.“Nero . . . Papaano mo nagawa sa akin ito? Paano mo nagawang mambabae? Kakakasal lang natin? Paano? Akala ko ba mahal mo ako?”Pumikit siya ng mariin at nang nagmulat siya ng mga mata ay binitawan niya ang mga salitang nagpahiwalay sa puso ko mula sa aking katawan.“Magpa-annul na tayo. I don't love you anymore.”“Hindi ko maintindihan! Paano niya nagawa 'yon? E, hindi ba ay mahal na mahal ka ng asawa mo?”“Iyon nga rin ang akala ko, Ros.”Umiiyak ako habang kausap ang kaibigan kong si Rosalyn sa kabilang linya. Siya lang ang mapagsasabihan ko nitong sakit na nararamdaman ko. Gustuhin ko mang sabihin ito sa mga magulang ko ay hindi ko magawa. Ayaw kong pati sila ay masaktan kapag nalaman nilang ang niloko ako ng asawa ko. Mahal na mahal at botong boto sila kay Nero bilang asawa ko. Ayaw kong kamuhian nila ito. Siguradong masasaktan lang sila. Ayaw kong mangyari 'yon.“Hindi pa rin ako makapaniwala, Mits!”“Kahit naman ako. Ang hirap hirap tanggapin. Kung hindi na pala niya ako mahal, bakit pa kami nagpakasal? Bakit pa siya nag aya ng kasal?”“Kahit isang beses ay hindi ko pa nakikita ang asawa mo. Pero base sa mga kwento mo noon ay mabuting boyfriend naman siya. Bakit kung kailang nagpakasal na kayo, doon pa siya nagloko?”Sa Tagbilaran City nakatira si Rosalyn. 16 years old pa lang kami nang
“SINABI MO KAY ANNA ANG TUNGKOL SA ANAK NATIN? ALAM MONG MATAGAL NA 'YON 'DI BA? MGA BATA PA TAYO NO'NG NAGDESISYON TAYO NG GANUN!” salubong ko kay Nero pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa bahay. Buti naman at naisipan na niyang umuwi.“AND YOU PROPOSED TO HER? KASAL TAYO, NERO! KASAL TAYO!”Tamad siyang tumingala at ibinagsak sa sahig, sa harapan ko ang isang brown envelope.Ilang sandaling nanatili ang mga titig ko doon bago ko iyon nagawang pulutin at buksan. Agad na bumungad sa akin ang salitang annulment. Bumuhos agad ang mga luha ko.“Pirma mo na lang ang kulang.”Agad ko siyang sinampal. “Napakagago mo.”“Tanggapin mo na lang, Mitsy. Hindi na kita mahal.”Nilagpasan niya ako upang sana ay magtungo sa kwarto namin pero agad ko siyang hinawakan sa braso dahilan upang pikon siyang natigil sa paglalakad. Nagtungo ako sa harapan niya at doon pinunit ang annulment papers na nais niyang pirmahan ko.“Walang annulment na mangyayari. Kasal ka sa akin hanggang sa kamatayan mo. Hindin
Nakatulugan ko ang pag iyak kagabi. Kinabukasan ay nabungaran ko ang paghalik ni Nero sa noo ni Anna bilang pamamaalam dito. Papasok na yata siya sa trabaho.“Ingat ka sa trabaho,” malambing na sabi ni Anna.Nalingunan niya ako at nakita niyang nanonood ako sa ginagawa nila. Nginisihan niya pa muna ako bago siya tuluyang umalis.“Mitsy, ipagluto mo nga ako ng umagahan. Huwag lang 'yong ma-sibuyas at bawang ah? Nasusuka ako sa amoy ng mga 'yon,” sabi ni Anna pagkalabas na pagkalabas ni Nero.Sarkastiko akong natawa. “Seryoso? Inuutusan mo ako? Sa sarili kong pamamahay?”Nagtaas siya ng isang kilay. “Sarili mong pamamahay? Can't you see that I'm here? Hindi na ikaw ang reyna sa bahay na ito, Mitsy. Dahil ngayong nandito na ako, ay isa ka na lamang hamak na utusan.”“Sa tingin mo talaga susunod ako sa 'yo?”“Well, ayos lang din naman kung hindi. Iyon nga lang kapagka nagutom ako, siguradong magagalit na naman si Nero. Gusto mo ba 'yon? Nakita mo kung paano siya nagalit kagabi 'di ba? Gu
Hindi ako umalis. Hindi ako gumalaw at nanatili doon kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao. Bahay ko ito kaya bakit ako aalis? Dito ako nakatira kaya bakit ko ito iiwan?Sumapit na lamang ang gabi at naroroon pa rin ako at yakap yakap ang sarili. Napatalon lang ako sa gulat nang biglang may malakas na bumusina mula sa aking likuran. Nilingon ko iyon at panandalian pang nasilaw sa ilaw ng sasakyan bago ko napagtantong sasakyan iyon ni Nero. Pinatay niya ang makina at bumaba siya. Tumayo ako upang sana ay lumapit sa kanya pero nilagpasan niya ako at umikot siya papuntang passenger seat. Pinagbuksan niya ng pinto si Anna.“Mauna ka na sa loob,” sabi niya rito.Nginisihan pa ako ni Anna bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay.“Nero, pwede ba tayong mag usap?” puno ng pagmamakaawa ang boses ko.Marahas siyang bumuntonghininga at nagbaba ng tingin sa akin. Kahit kaunting awa ay wala akong nakikita sa kanyang mga mata, ang natitirang pag asa kong maawa siya sa akin ay unti-unting nagl
“Siya po si Alonzo, Ma'am. Siya po ang maghahatid sa inyo sa bahay nina Ma'am Ros.”Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili ang mga mata ko sa lalaking kamukhang-kamukha ni Nero. At hindi lang sila magkamukha, pati built ng katawan ay parehong-pareho. Kung may pinagkaiba man ay ang magulong buhok lang nitong lalaking kaharap ko at ang malinis na buhok ng ex-husband ko.“Ma'am, ayos lang po ba kayo?”Dahan-dahan akong naglakad palapit sa lalaki. Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. Agad siyang napaatras at lumayo sa akin. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.“N-Nero . . .”Alam kong wala akong tulog. Pero sigurado akong hindi ako namamalikmata. Sigurado akong totoo itong nakikita ko.“Ma'am?” rinig kong tawag sa akin ng babae pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy ako sa ginagawang paghaplos sa pisngi ng lalaking kamukha ng asawa ko.“Alonzo po ang pangalan ko,” matikas at buo ang boses ng lalaki. Pati boses ay parehong-pareho.“Kamukha mo ang a
“Ha?”Agad akong umiling. “S-sa Happy House na lang. I think may bakante pa, inaya ako ng receptionist kanina doon. Mag c-check in na lang ako.”Ang problema ko ay kung anong gagamitin kong pera pang check in? E, ang mayroon ako dito ay 'yong perang ibinigay ni Nero kagabi. Sinumpa ko pa naman sa sarili kong hindi ko 'yon gagamitin at isasampal ko 'yon sa mukha niya pagkabalik ko.“Euge, balik na ako sa Happy House.”Hindi ako agad na nasagot ni Rosalyn dahil biglang pumasok si Alonzo at nagsalita. Napunta sa kanya ang lahat ng atensyon namin.“Ah! Alonzo, ayos lang sa 'yong may makasama sa iisang bahay 'di ba? Itong si Mitsy kasi ay dito sa lugar muna natin pansamantalang titira—”“Naku, Ros!” pigil ko pa sana kay Rosalyn pero nilingon niya ako't agad na inilingan.“Hindi ako papayag na maiwan kang mag isa, Mitsy. Baka kung ano pang gawin mo. Mas mabuti na rin 'yong kasama mo si Alonzo. Huwag kang mag alala, mabait naman 'yan. Ayos lang sa iyo 'di ba, Alonzo?”Nilingon ko si Alonzo.
“H-hindi ko alam. A-akala ko.”Marahan siyang napapikit, kinakalma ang sarili. Saka siya dahan-dahang nagbuga ng hangin.“Pasensya na talaga, hindi ko alam.”“Tanghalian ko dapat 'yon. Wala na akong panahong magluto pa ulit dahil pupunta na akong Happy House. Pasensya na rin sa pagsigaw ko, nagulat lang. Sa Happy House na lang ako kakain,” aniya at umakyat na.Hindi pa naman oras ng tanghalian. Mag a-alas onse pa. Sinundan ko siya sa taas at kumatok ako sa kanyang pintuan.“Uh . . . Anong oras ba ang in mo?”“12:30,” tipid niyang tugon.Nagbaba ako ng tingin sa relong suot-suot ko. Mag a-alas onse pa naman. Kapagka nagluto ako ngayon ay siguradong makakakain pa siya bago umalis.“Pwede bang ipagluto na lang kita?” tanong ko.Hindi niya ako sinagot. Pero ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto niya. May bitbit siyang puting tuwalya at mga nakatuping damit. Siguradong maliligo na siya sa baba.“Marunong kang magluto?”Agad akong tumango ng sunod-sunod.“Ikaw ang bahala,” aniy
Mas naging interesante ako sa kwento ni Rosalyn tungkol kay Alonzo. Pero kahit gusto ko pang pakinggan ang kasunod ng rebelasyong iyon ay hindi naman niya itinuloy at biglang nag change topic.“By the way, gusto mong magtrabaho dito? Para naman malibang ka at hindi mo palaging maisip sina Anna at Nero.”Agad akong tumango. “Iyon nga ang balak ko. Kung may bakante pa naman, Ros.”Malawak ang naging pagngiti niya sa akin. “Siyempre naman no! Kahit wala pang bakante ay talagang babakantehan kita, Mits.”Tipid akong ngumiti.“Huwag kang mag alala, Mits. Hangga't nandito ka ay tutulungan kitang makalimot sa hayop na ex-husband mo na 'yon.”Pagkatapos pakainin ni Rosalyn ang mga anak niya ay binihisan naman niya ang mga ito. Habang pinapanood ko siyang abala sa mga anak niya ay napatitig ako sa mga ito.“Hindi ka takot magpa-abort. Kung hindi mo alam kung saan ka nagkulang at kung bakit ka niya nagawang lokohin. It's because you lack in this aspect, Mitsy. Hindi mo kayang manindigan sa mali
“T-teka Lang…” saad ko.Nagtatanong na mga mata ang iginawad niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Anong kalokohan na naman itong pinagsasasabi niya? Kaming dalawa? Ikinakasal? Nag aadik na yata ‘tong lalaking ‘to, e!“May gusto ka ba sa akin?” diretsahan kong tanong na talaga namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat.“What?! Umaasa ka ba?” natatawang aniya.Aba! At nagawa niya pa akong tawanan? Hindi ba dapat ako itong natatawa sa mga pinagsasasabi niyang kasal-kasal? Tsk!“Feeling ko may gusto ka na sa akin. Napapanaginipan mo na ako, e!”“ Asa ka!” maupo ka na nga lang doon at ako na ang maglilinis niyang mga isda. Kung anong pinagsasasabi mo d’yan!” sabi niya pa at nagtungo na sa lababo para linisin ang mga isdang iihawin namin.“Hmp! Makapagsalita ka d’yan, e ikaw nga itong kung ano-ano ang sinasabi,” tugon ko saka padabog na nagtungo sa sala upang doon umupo.Agad akong napahawak sa tiyan ko nang narinig ang pagtunog nito. Gutom na naman ako!“Gutom ka na?” agad niyang tanong.
“Andyan na sila! Andyan na sila!”Agad akong napalingon sa labas nang marinig ang boses ng mga taong kanina pa nag aabang sa pagdating ng mga mangingisda.“Woah! Ang lalaki naman ng mga huli ninyo ngayon!”“Ang saya! Tiba-tiba na naman tayo nito sa palengke!”Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Sumandal ako roon upang tahimik silang pagmasdan.Si Alonzo ay abala sa pakikipagtawanan sa mga kasamahan niya habang naglilipat ng mga isda sa lagayan ng babaeng bumibili.Bakas sa mukha niya ang tuwa dahil sa mga nahuli.“Asuuus! May nakangiti habang pinagmamasdan si Alonzo. Inlab ka na sa kanya, Mits?”Agad akong umayos ng tayo at nilingon si Rosalyn. Hindi na ako masyadong nagsusuka at medyo unti-unti nang nakakabawi ng lakas ang katawan ko kaya nakakapaglakad-lakad na ako.Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanya. “Hindi no! Natutuwa lang ako kasi ang dami nilang huli ngayon.”“Iyon lang ba talaga o natutuwa ka kasi nakangiti si Alonzo? Yieeee! Umamin ka na kasi! Nafa-fall ka na
Hindi ko alam kung paano akong nadala nina Rosalyn sa hospital. Tila wala ako sa sarili habang ibinabyahe nila ako at ang tanging kumukuha lamang sa atensyon ko ay ang dugong patuloy na dumadaloy sa paanan ko.I wasn't on my right mind. Parang natauhan lang ako no'ng hinawakan ni Alonzo ng mahigpit ang kamay ko kasabay nang pagbigkas ng doktor sa mga salitang hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikababagsak ng mundo ko."Mabuti na lang at agad niyo siyang naitakbo dito bago pa lumala ang lahat. Salamat pa rin sa Diyos at ligtas ang bata sa sinapupunan niya.Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Buntis? Ako? Ako 'yong buntis. At muntik na akong makunan."Sorry. . ."Napatingin ako kay Alonzo nang banggitin niya 'yon. Sobrang hina ng pagkakasabi niya pero dahil malapit na malapit siya sa akin ay dinig na dinig ko.Nagpaalam ang doktor at nang maisarado ang pintuan ay sunod kong narinig ang marahas na pagbuntonghininga ni Rosalyn. Wala si Eugene dahil na rin sa anak nilang may sakit pa a
Tahimik lamang akong nakasunod kay Alonzo habang naglalakad kami papasok ng wet market. Kanina niya pa akong hindi kinakausap. Tinanong niya lang kung anong mga bibilhin ko at nang ipinatingin ko nga sa kanya ang listahan ko ng mga bibilhin ko ay hindi na niya muli pang ibinalik sa akin ang listahan. At siya na nga itong nangunguna lagi sa paglalakad."Alonzo! Nandito ka ulit. Mga bagong dating itong mga karne namin! Anong parte ang gusto mo?" anang medyo may edad na babae sa pwestong unang nilapitan ni Alonzo."Hija, fresh na fresh pa itong mga karne namin. Pili ka lang," sabi rin nito sa akin nang tumabi ako kay Alonzo. "Kikay, tumulong ka nga dito at sunod sunod ang dating ng mga customers.""Kasama ko po siya Aling Nenet," sabi ni Alonzo na siyang nakapagpatigil sa ali."Ka-kasama? Nagkita na ulit kayo ng asawa mo?"Napatingin ako kay Alonzo. Totoo pala talagang may asawa na siya.Mahinanag natawa si Alonzo."Sino?! SI Alonzo?! Nakita na ni Alonzo ang asawa niya?!" malakas na tanon
Huminto ako sa pag iyak. Umasa ako at naghintay na iluluwa nga niya ang pagkain ko pero hindi nangyari. Kinunutan niya ako ng noo at tiningnan lang.“Kung maka-demand ka, akala mo naman pagkain mo. E inutang mo lang naman 'yan sa akin. Ubusin mo 'yan lahat ah? Saka matulog ka na. Sasabihan ko si Rosalyn bukas na ipa-check up ka.”Nilagpasan niya ako at lalabas na dapat siya ng kusina.“Bakit ako ipapa-check up? E, wala naman akong sakit.”“Tss!”Nagpatuloy siya sa paglabas at nagdire-diretso sa pag akyat patungong kwarto niya. Ako naman ay bumalik na sa pagkain ko. Pero makalipas lang ang ilang sandali ay nawalan na rin ako ng gana at iniligpit ko na lang ang mga pagkain. Kaya kinabukasan ay nakabusangot na mukha ni Alonzo ang bumungad sa akin pagkababa ko ng kusina.Tatanungin ko na dapat siya kung bakit masama ang tingin niya sa akin. Pero mukhang alam ko na agad kung bakit matapos kong mababaan ng tingin ang bukas na ref kung
Gusto kong matawa kaso ay baka biglang mawirdohan siya sa akin. Ang mukha niya ay kilala ko pero ang pagkatao niya bilang si Alonzo ay hindi.Umiling ako. “Hindi. Ito ang unang beses na nagkakilala tayo,” sabay ngiti ko ng tipid.Napayuko siya. Saka marahang tumango. Humugot ng malalim na hininga saka naglakad ng mabilis at nilagpasan pa ako. Malalaki ang mga naging hakbang niya na halos tumatakbo na ako makasabay lang sa kanya. Hindi na niya ako muling pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad siyang pumasok sa kwarto niya na tahimik lang.Kumunot ang noo ko habang nakatingala doon.“Galit ba siya? Is he expecting me to know him?”Matapos ang ilang sandali ay nagkibit balikat ako at nagtungo na lamang sa kusina. Oo nga pala at hindi pa ako nakakapag grocery kaya ano itong ginagawa ko sa kusina?“Pero gusto kong kumain ng tinapay na may maraming asukal,” sabay haplos ko pa sa tiyan ko.Naghapunan naman ako kanina pero feeling ko ay hindi iyon sapat at talagang hindi matatahi
Mas naging interesante ako sa kwento ni Rosalyn tungkol kay Alonzo. Pero kahit gusto ko pang pakinggan ang kasunod ng rebelasyong iyon ay hindi naman niya itinuloy at biglang nag change topic.“By the way, gusto mong magtrabaho dito? Para naman malibang ka at hindi mo palaging maisip sina Anna at Nero.”Agad akong tumango. “Iyon nga ang balak ko. Kung may bakante pa naman, Ros.”Malawak ang naging pagngiti niya sa akin. “Siyempre naman no! Kahit wala pang bakante ay talagang babakantehan kita, Mits.”Tipid akong ngumiti.“Huwag kang mag alala, Mits. Hangga't nandito ka ay tutulungan kitang makalimot sa hayop na ex-husband mo na 'yon.”Pagkatapos pakainin ni Rosalyn ang mga anak niya ay binihisan naman niya ang mga ito. Habang pinapanood ko siyang abala sa mga anak niya ay napatitig ako sa mga ito.“Hindi ka takot magpa-abort. Kung hindi mo alam kung saan ka nagkulang at kung bakit ka niya nagawang lokohin. It's because you lack in this aspect, Mitsy. Hindi mo kayang manindigan sa mali
“H-hindi ko alam. A-akala ko.”Marahan siyang napapikit, kinakalma ang sarili. Saka siya dahan-dahang nagbuga ng hangin.“Pasensya na talaga, hindi ko alam.”“Tanghalian ko dapat 'yon. Wala na akong panahong magluto pa ulit dahil pupunta na akong Happy House. Pasensya na rin sa pagsigaw ko, nagulat lang. Sa Happy House na lang ako kakain,” aniya at umakyat na.Hindi pa naman oras ng tanghalian. Mag a-alas onse pa. Sinundan ko siya sa taas at kumatok ako sa kanyang pintuan.“Uh . . . Anong oras ba ang in mo?”“12:30,” tipid niyang tugon.Nagbaba ako ng tingin sa relong suot-suot ko. Mag a-alas onse pa naman. Kapagka nagluto ako ngayon ay siguradong makakakain pa siya bago umalis.“Pwede bang ipagluto na lang kita?” tanong ko.Hindi niya ako sinagot. Pero ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto niya. May bitbit siyang puting tuwalya at mga nakatuping damit. Siguradong maliligo na siya sa baba.“Marunong kang magluto?”Agad akong tumango ng sunod-sunod.“Ikaw ang bahala,” aniy
“Ha?”Agad akong umiling. “S-sa Happy House na lang. I think may bakante pa, inaya ako ng receptionist kanina doon. Mag c-check in na lang ako.”Ang problema ko ay kung anong gagamitin kong pera pang check in? E, ang mayroon ako dito ay 'yong perang ibinigay ni Nero kagabi. Sinumpa ko pa naman sa sarili kong hindi ko 'yon gagamitin at isasampal ko 'yon sa mukha niya pagkabalik ko.“Euge, balik na ako sa Happy House.”Hindi ako agad na nasagot ni Rosalyn dahil biglang pumasok si Alonzo at nagsalita. Napunta sa kanya ang lahat ng atensyon namin.“Ah! Alonzo, ayos lang sa 'yong may makasama sa iisang bahay 'di ba? Itong si Mitsy kasi ay dito sa lugar muna natin pansamantalang titira—”“Naku, Ros!” pigil ko pa sana kay Rosalyn pero nilingon niya ako't agad na inilingan.“Hindi ako papayag na maiwan kang mag isa, Mitsy. Baka kung ano pang gawin mo. Mas mabuti na rin 'yong kasama mo si Alonzo. Huwag kang mag alala, mabait naman 'yan. Ayos lang sa iyo 'di ba, Alonzo?”Nilingon ko si Alonzo.