Share

Kabanata 0003

“Ate, lahat ba dadalhin na natin ang mga ito?!” sigaw ng kapatid ni Selene na si Kent. Iginagayak na nila lahat ng mga gamit nila dahil lilipat na sila ng apartment na matitirhan nila. Kailangang maghanap ni Selene ng magandang trabaho, maayos ang pasahod dahil habang lumalaki ang kapatid at ang anak niya ay lalo ring lumalaki ang gastusin nila.

Hindi magkakasya ang sinasahod niya bilang isang sales lady.

“Yung mga kaya lang nating dalhin dahil sigurado namang may mga gamit din sa apartment na nakuha ko.” sagot naman ni Selene habang inilalagay sa maleta niya ang gamit ng anak niya.

“Ma, can I take my toys?” malambing na wika ng kaniyang anak habang yakap yakap ang paborito nitong teddy bear.

“Of course baby, you can.” Nakangiti namang sagot ni Selene.

Tatlong taon na rin ang lumipas simula nang ibenta niya ang katawan niya kapalit ng isang halaga. Hindi niya lubos maisip kung gaano kalaki ang nakuha niya sa isang gabi lang. Naipaopera niya ang kapatid niya, nasecure niya na rin ang education ng kapatid at ng anak niya.

Hindi man niya inaasahan na magbubunga ang gabing yun pero masaya siyang dumating sa buhay niya ang anak niya. Hindi man niya kilala ang ama ng bata at isa pa itong matanda, wala na siyang pakialam sa bagay na yun dahil ang mahalaga, isang anghel ang dumating at nagpabago ng buhay niya.

Ang perang nakuha niya ay nasuportahan sila ng maraming taon. Third year college pa lamang noon si Selene nang naisipan niyang ibenta ang katawan niya at nakapagtapos siya gamit ang perang yun.

Habang ang mga natira naman ay inilagay niya para sa education ng kapatid niya hanggang college ganun na rin ng anak niya.

Matapos ng ilang oras nilang byahe ay nakarating na sila ng Manila. Uumpisahan niya na rin kaagad ang maghanap ng trabaho niya.

Ngayong taon ay 1st year college na ang kapatid niyang si Kent kaya kailangan niyang makahanap ng magandang trabaho para maibigay ang suporta niya rito.

“Bantayan mong maigi si Flynn okay? Huwag mo siyang iiwan, huwag mo ring hayaan na may mahawakan siyang maliliit na bagay dahil baka malunok niya, ha?” hindi nagkulang ng bilin si Selene kay Kent.

“Opo Ate, huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa pamangkin ko. Ikaw ang mag-iingat, good luck.” Ginulo ni Selene ang buhok ng kapatid niya saka niya hinalikan sa pisngi ang anak niyang lalaki.

Umalis na siya at nag-abang na ng masasakyan niya sa labas. Hindi siya masyadong pamilyar sa siyudad pero pinag-aralan niya na ang mga dapat niyang gawin at dapat sakyan bago pa man sila pumunta rito.

Ngayon ang interview niya sa kompanyang inapplyan niya online. Mahigpit ang hawak niya sa mga dokumento niya. Wala siyang masyadong experience dahil isang taon pa lang simula nang grumaduate siya bilang isang business student.

“Selene?” biglang tawag sa pangalan niya kaya nilingon niya kung sino yun. “Ikaw nga!” dagdag pa ng babae. Nagulat din si Selene dahil ang kaklase niya dati ang nandito ngayon.

“Darlyn,” tawag niya rin dito. Nilapitan ni Darlyn si Selene at niyakap ito.

“It’s been a year simula nang huli kitang makita tapos magkikita tayo rito dahil parehong naghahanap ng trabaho. I’m happy to see you here friend. Huli kitang nakita noong graduation.” Natutuwa pang wika ni Darlyn sa kaniya.

“Oo nga eh. For interview ka na rin ba?”

“Oo, hinihintay ko na lang na tawagin yung pangalan ko.” napatango-tango naman si Selene saka niya tiningnan ang iba pa nilang kasamahan na mukhang nag-aapply din. “Ang dami pala natin, possible bang matanggap tayo rito?” tanong pa niya.

“Ah yang mga yan ba? Ang pagkakaalam ko nag-aapply sila for their OJT. Ikaw pa nga lang nakikita kong nakatapos na ng college na kasabayan kong mag-aapply dito.”

“Ms. Darlyn Ramos and Ms. Selene Avelino.” Biglang tawag sa pangalan nilang dalawa. Mabilis na tumayo si Darlyn.

“Kami po yun,” masigla niyang sagot, napatango naman ang babae.

“Sumunod kayo sa’kin dahil hindi kayo rito iinterviewhin.” Saad ng babae kaya tumayo na si Darlyn at Selene saka sinundan ang babae.

“Kumusta ka na nga pala? Alam kong hindi naging maganda ang buhay mo sa school na pinag-aralan natin dahil sa mga nagkalat na tsismis sayo dati. Are you okay now?” daldal pa ni Darlyn. Ngumiti lang naman si Selene at tumango.

“Wala naman akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng sasabihin nila. Wala naman silang ambag sa buhay ko.”

“Pero kasi diba, sari-sari ang mga sinasabi nila sayo noon dahil sa.....dahil sa bigla kang nabuntis kahit wala kang boyfriend.” Naaalangan pang saad ni Darlyn dahil natatakot siyang baka maoffend niya si Selene.

Naging mahirap sa kaniya ang college lalo na ng bigla siyang mabuntis dahil nagbunga ang gabing ibinenta niya ang katawan niya. Sari-saring panlalait ang natanggap niya, mga pandidiri.

“Kinalimutan ko na ang lahat ng yun saka hindi ko rin naman pinagsisisihan na dumating sa buhay ko si Flynn.”

“Kung sabagay, bisitahin ko kayo next time. Bigay mo sa’kin number mo ha? Namiss talaga kita.” Pag-iiba niya na nang usapan. Tumigil na lang sila sa pag-uusap nila nang humarap sa kanila ang babaeng sinusundan nila.

“Ang CEO ng kompanyang ito ang mag-iinterview sa inyong dalawa kaya good luck. Hindi naman sa tinatakot ko kayo pero masungit ang Boss namin dito. Ayaw niya sa mabagal, ayaw niya sa mahilig magpaimpress pero wala namang magandang gawa, ayaw niya sa ganda lang ang ambag, ayaw niya ng lampa at huwag na huwag kang magkakamali sa kaniya.” parehong napalunok si Darlyn at si Selene.

Ngumiti na lang sila sa isa’t isa saka tinanguan ang babae.

“Follow me inside,” pumasok na sila sa loob at pare-pareho pa silang nagulat nang may biglang nabasag na vase.

“I told you to be careful but what did you do?!” isang malakas at malalim na boses ang nagpagising ng diwa nila. Tila ba ang boses niya ay nagmumula sa kailaliman ng lupa.

Magkadikit na ngayon si Darlyn at Selene habang nakatingin sa lalaking nasa harapan nila at sa isang babaeng nakayuko na ngayon. Hinarap ng lalaki ang sekretarya niya kaya malinaw nang nakikita ni Selene at Darlyn ang gwapong mukha ng binata.

“I told you those documents are importants pero bakit hindi mo iningatan, you stupid woman!” sigaw niya na naman. Nanginginig na sa takot ang sekretarya niya dahil sa lakas ng sigaw niya.

“I’m sorry Sir, iningatan ko naman po pero hindi ko po sinasadyang matapunan ko ng kape.” Maging ang boses niya ay nanginginig.

“You careless!” parehong nagulat si Darlyn at Selene nang lingunin sila gwapong binata.

“What do you need?” malamig niyang tanong.

“Sila Sir yung mga nag-apply and they’re here for their interview.” Malumanay lang na sagot ng babae na tila ba sanay na sa galit ng Boss nila. Hindi alam ni Selene kung anong lakas ng loob meron siya para salubungin ang mga matatalim na titig ng binata.

“You,” turo niya kay Selene. Lumingon pa si Selene sa likod niya dahil baka nagkakamali lang siya pero dahil wala siyang makitang iba sa likod niya itinuro niya ang sarili niya.

“Ako po?” paninigurado pa niya.

“Sino bang itinuro ko hindi ba at ikaw?!” malakas niya na namang sigaw. “You are gonna be my new secretary at ikaw naman, I don’t want to see your face in my company anymore.”

Mabilis na umalis ang umiiyak niyang secretary sa loob ng office na yun. Nagulo na lang ng lalaki ang buhok niya dahil sa mga nangyayari sa araw niya.

“Start your job now.” Medyo malumanay niya ng saad. Halos manigas si Selene sa kinatatayuan niya at napalunok na lang siya. Hindi pa nga nag-uumpisa yung interview niya tapos magsisimula na siya ng trabaho? Saka hindi naman secretary ang inaapplyan niya eh.

“How about the other one Sir?” tanong pa ng isang babae.

“Ibigay mo sa kaniya kung anong bakante.” Sagot naman ng lalaki. Tumango ang babae saka niya hinila na muna palabas si Darlyn at Selene.

Saka lang sila nakahinga ng maluwag nang tuluyan na silang makalabas. Pakiramdam nila ay pinigilan nila ng ilang segundo ang paghinga nila.

“Siya po ba ang CEO ng kompanya?” tanong ni Darlyn.

“Siya nga, siya si Axel Madrigal o mas kilalang King of City dahil pamilya nila ang nangunguna sa bansang ito. Ako nga pala si Ferlyn.” Pagpapakilala niya sa dalawa.

“Mukhang sanay na sanay na po kayo sa kaniya ah.” Daldal pa ni Darlyn kaya bahagyang natawa si Ferlyn.

“Matagal na akong nagtatrabaho rito bago niya pinamunuan ang kompanyang ito, ang Lolo niya muna ang pinagsilbihan ko.” napatango-tango naman ang dalawa sa Ginang. “Ikaw,” baling niya kay Selene na mukhang tulala pa rin.

“Po,” gulat pa niyang sagot.

“Ikaw ang bagong secretary ni Sir Axel kaya ayusin mo. Ibibigay ko na lang sayo ang mga schedule niya kapag nakuha ko na sa dati niyang secretary. Ayaw niya ng laging late, kung narinig niyo naman ang usapan kanina sa office niya, ayaw niya ng patanga-tanga ka. Look what happened, natanggal sa trabaho kaya kung gusto mong magtagal ayusin mo.”

“Hindi po ba pwedeng ilagay niyo na lang din po ako sa mga bakante niyo? Hindi naman po kasi pagiging secretary ang inaapplyan ko eh.” Tila takot na si Selene dahil sa nasaksihan niya. Para bang isang demonyo na walang awa ang magiging Boss niya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pinagtagpo na kayo selene at axel
goodnovel comment avatar
Charlot Espadilla
nice, next episode pls.
goodnovel comment avatar
Mera Villarmia
Nice , more novels to come......️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status