Share

Kabanata 0004

“Gustuhin ko man iha pero wala akong magagawa lalo na kung si Sir Axel na ang nagdesisyon. Magkakasundo lang kayong dalawa kung hindi ka gagawa ng hindi niya magugustuhan. Katulad ng sinabi niya mag-uumpisa ka na ngayon. Sumunod kayo sa akin dun ko kayo ipwepwesto. Selene is your name right?” tumango naman si Selene kay Ms. Ferlyn. “Basta kapag narinig mo nang tinawag niya na ang pangalan mo o ipinatawag ka na niya pumunta ka na kaagad. Ayaw niya na ayaw niya nang naghihintay siya.”

Nagpatuloy ang paglalakad nilang dalawa hanggang sa makarating sila sa isang malawak na kwarto kung saan marami ring mga empleyado. Lahat sila ay abala sa mga trabaho nila. Hindi naman kalayuan sa office ng Boss nila ang pinuntahan nila ni Darlyn.

“Dito kayong dalawa pwepwesto. Selene tandaan mo lahat ng mga sinabi ko. Ito ang una mong magiging trabaho, ibibigay ko pa lang sana sa secretary ni Sir pero dahil ikaw na ang bago niyang secetary sayo ko na lang ibibigay. You need to review it at kailangan mong isummary, isulat mo ang lahat ng mga importanteng impormasyon para hindi niya na basahin yan lahat.” iniabot niya na kay Selene ang ilang mga papeles.

Hindi pa niya alam kung kakayanin niya ba talaga ang ugali ng magiging Boss niya.

“Thank you po Ma’am.”

“Ikaw naman Darlyn, sumunod ka na muna sa akin. Selene, ibibigay ko sayo maya-maya ang schedule ni Sir baka malibang ka sa pagbabasa mga papeles na yan makalimutan mong ipaalala sa kaniya ang mga schedule niya.” pahabol pa ng Ginang.

Tumango na lang si Selene at tumalikod naman na sa kanila si Ferlyn.

“Good luck sa atin lalo ka na. Para akong nakakita ng real demon kanina sa Boss natin, nakakatakot. Sayang gwapo pa naman kaso mukhang masama ang ugali.” Anas pa ni Darlyn bago niya sinundan si Ferlyn.

Naupo na lang si Selene saka niya tiningnan ang mga papeles na hawak niya. Hindi niya akalain na mag-uumpisa siya kaagad ng trabaho at bilang sekretarya pa talaga? Hindi pa nga sila naiinterview eh pero okay na rin siguro yun kasi wala naman siyang masyadong karanasan maliban sa pagiging sales lady niya.

“Ms. Selene Avelino, come to my office now!” isang malakas na boses ang dumagundong na naman sa pwesto niya nang tawagin ang pangalan niya.

“Patay,” aniya pa nang makilala niya kaagad ang boses. Mabilis siyang napatayo at muntik pa siyang madapa dahil sa pagmamadali.

Napapailing na lang ang mga empleyado sa kaniya.

“May magtatagal ba talagang secretary kay Sir kung isang pagkakamali lang, inaalis niya na kaagad?” naiiling na saad ng isang babae dahil iba na naman ang secretary ng Boss nila.

Isang buwan pa nga lang yung secretary niya napalitan na naman ng bago.

“Pero aminin mo, ang gwapo ni Sir. Nakakatakot lang lapitan dahil dinaig pa ang babaeng may buwanang dalaw.” Tila kinikilig pang saad ng babae.

Sino nga bang hindi hahanga sa kagwapuhan ng isang Axel Madrigal?

Hingal na hingal si Selene na bumalik ng cubicle niya. Naabutan niya na rin dun si Darlyn.

“First day pa lang natin pero bakit ganiyan na kaagad ang itsura mo, okay ka lang?” tanong ni Darlyn nang makaupo si Selene.

“Hindi ko alam kung magtatagal ba ako sa trabaho ko. Halimaw yata yung Boss natin Darlyn. Ano bang akala niya sa mga empleyado niya? Robot na na kayang gawin lahat nang ipinag-uutos niya? Kahit robot nga nalolobat eh, hindi naman yun kikilos ng walang battery tapos siya utos nang utos. Walang katapusang utos.” Reklamo kaagad ni Selene na hinihingal pa kaya natatawa na lang sa kaniya si Darlyn.

At least hindi naging boring ang unang araw nilang dalawa.

“Pero in fairness ang gwapo ni Sir Axel ha? Ang swerte mo nga eh lagi mo siyang makikita at makakasama.” Pang-aasar pa ni Darlyn pero inirapan lang siya ni Selene. Maayos na rin sigurong yung nagkita silang dalawa rito sa trabaho dahil hindi siguro alam ni Selene kung anong mangyayari sa araw niya. Baka mapanisan na lang siya ng laway dahil wala siyang makausap.

“Gwapo naman talaga siya pero ano bang magagawa ng kagwapuhan niya sa kasamaan ng ugali niya? Huwag na lang.” nakangiwi pang saad ni Selene kaya natatawa na lang si Darlyn. Maging siya ay natakot kanina dahil sa lakas ng sigaw ng Boss nila. Kung ganun siya magalit sa mga empleyado niya hindi mo talaga gugustuhing magkamali.

Sabay na napatingin si Darlyn at Selene sa mga kababaihang naglapag ng napakaraming papeles sa lamesa ni Selene.

Salubong ang mga kilay ni Selene na tiningnan ang mga papeles saka tiningnan ang dalawang babaeng nakatayo sa gilid niya.

“Kailangan mong gawin yan ngayong araw at ibigay mo sa akin bukas ng umaga.” Utos ng babae sa kaniya.

“Teka, hindi niya naman na yan trabaho diba? Bakit siya ang inuutusan niyo?” reklamo ni Darlyn pero nilapitan din siya ng isang babae at ibinigay ang ilang mga papeles din.

“Baka nakakalimutan niyong senior niyo kami at kailangan niyong sumunod? Tapusin niyong dalawa yan ha? Dahil kung hindi baka ipatanggal ko pa kayo sa mga trabaho niyo.” Mataray na wika ng isang babae saka tumalikod na sinundan na rin ng isa.

Tatayo pa sana si Darlyn para sana kausapin ang dalawang malditang babae nang pigilan siya ng katabi niyang babae.

“Huwag mo ng subukan kung gusto mong magtagal sa trabaho mo. Kahit gaano ka katapang ikaw pa rin ang tatawanan nila sa huli dahil may kapit sila sa taas. Kayang kaya nila kayong paalisin ng walang kahirap-hirap.” Saad ng babae.

“Pero bakit naman ganun? Wala man lang bang nagsusumbong sa mga binibiktima nila?”

“Merong nagtangka pero hindi pa man siya nakakasumbong nawalan na siya ng trabaho.”

“Isn’t it unfair?” singit na rin ni Selene habang tinitingnan niya ang mga papeles na nasa harapan niya saka niya tiningnan ang dalawang babaeng nagbigay sa kanila ng mga papel. Pareho silang nakaupo sa mga table nila at walang ibang hawak kundi ang mga make-up nila. Pareho pa silang nagtatawanan. “Wala naman silang ginagawa pero bakit kailangan nilang ipasa sa iba ang mga trabaho nila?” dagdag pa niyang tanong.

“Yung mahaba ang buhok, si Sheirly yun habang ang kaibigan niya naman ay si Ram. Head ng human management ang Mommy ni Shierly kaya ganiyan na lang sila kung magyabang.” Naiiling na kwento ng babae.

Napaismid na lang si Darlyn habang tinitingnan niya ang dalawang magkaibigan na walang ginawa kundi ang magtawanan.

“Bakit hindi nila isumbong kay Sir Axel?” tanong pa ni Selene pero natawa lang sa kaniya ang babaeng katabi ni Darlyn.

“Susubukan mo pa lang magsalita puputulin na yun ni Sir. Wala siyang pakialam sa mga personal issues niyo. As long as nagagawa niyo ang mga trabaho niyo wala siyang pakialam, mananatili ka saka huwag na huwag kang pupunta sa kaniya kung hindi about business ang sasabihin mo.” napairap na lang si Darlyn dahil mukhang wala silang magagawa.

Unang araw pa lang nila sa trabaho saka dito sila mabilis natanggap tapos maaalis lang.

“What’s your name pala?” tanong ni Selene sa katabi ni Darlyn.

“I’m Ericka, sorry nakalimutan kong magpakilala.”

“Siya naman si Selene at ako si Darlyn. Nice to meet you Ericka.” Tumango at ngumiti na lang si Ericka saka niya pinagpatuloy ang ginagawa niya. Napailing na lang si Selene dahil sa tambak na gagawin niya pero iginilid na lang muna niya yun dahil kailangan niyang unahin ang ipinapagawa sa kaniya ng Boss niya.

“Hindi ko akalain na nangyayari pala talaga ito. Masyadong mataas ang standard ng sarili nating bansa kaya marami ang pinipiniling mangibang bansa dahil sa ganitong sistema. Dinagdagan ng two years ang high school pero para saan pa yun kung kailangan college graduate ang hinahanap? Aanhin mo rin ang pagiging college graduate mo kung wala kang experience? Alam mo yun? Kaya ka nga nag-aapply ng trabaho para magkaexperience, akala mo mga hindi nag-umpisa sa una o walang alam eh. Tapos, aanhin mo ang pagkakaroon mo ng experience kung wala kang backer? Like what hell? Matanggap ka man sa trabaho nandiyan naman ang mga senior na feeling Boss. Kahit gaano ka kagaling, kahit na qualified ka sa trabahong yun kung hindi ka kilala, wala pa rin. Ang hirap mahalin ng bansa natin.”

Reklamo pa ni Darlyn habang sinisimulan niya nang gawin ang mga ibinigay sa kaniya ni Ram.

“Yung Ramen na yun, pakakainin ko talaga yun ng maraming sili.” Naiinis pa rin niyang daldal.

“Ramen? Sinong Ramen?” kuryoso namang tanong ni Selene.

“Sino pa ba? yung bubwitang babaeng nagbigay ng gawain sa lamesa ko.” irap na sagot ni Darlyn. Natawa na lang si Selene dahil ayan na naman si Darlyn sa mga pagbibigay niya ng nickname sa mga taong hindi niya gusto.

“Ms. Selene!” mabilis na napatayo si Selene ng marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya.

“Yes po?” tanong niya rin sa lalaking tumawag sa kaniya.

“Ipinapatawag ka ni Sir Axel.” Nanlaki ang mga mata ni Selene at mabilis na kinuha ang folder kung nasaan ang mga papeles na nireview niya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng department nila saka siya nagtungo sa opisina ng Boss nila.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Celia Utrera Diwa
super ganda
goodnovel comment avatar
Adora Natanauan
Ganda Ng story
goodnovel comment avatar
Marjorie Antonio
super ganda Ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status