Share

Kabanata 0006

Lahat sila ay tahimik ng marinig na nila sa loob ng office nila ang Boss nila. Napalunok si Selene, talaga bang ilang beses siyang masisigawan ng Boss niya sa loob ng isang araw?

“Friend,” mahinang wika ni Darlyn na kinakabahan na rin para sa kaibigan niya. Inis tuloy na inirapan ni Darlyn si Ram at Shierly dahil sa panggugulo nila kay Selene.

“Kapag kinakausap ka, humarap ka sa akin.” may diin niyang wika at tila ba nanggaling pa sa Antarctica ang tinig niya sa sobrang lamig nito.

Dahan-dahan namang humarap si Selene at naiyuko na lang niya ang ulo niya.

“I’m sorry Sir,” tanging wika niya.

“Didn't you hear me?”

“I heard you Sir, pasensya na po kayo. May mga inaayos lang po ako rito. I’m really sorry po.” Sagot niya rito. Nagtataka naman si Shierly at si Ram dahil si Selene ang tinatawag ng Boss nila gayong may sekretarya naman itong iba saka ang pagkakaalam nila ay bagong empleyado sa department nila si Darlyn at Selene.

Pansin ni Axel ang napakaraming mga papeles na hawak-hawak ni Selene. Wala pa siyang masyadong ipinapagawa sa secretary niya kaya paanong nangyaring para siyang tambak ng mga gawain?

Bahagyang napaatras si Selene nang lapitan siya ni Axel at inagaw sa kaniya ang mga hawak niyang mga papeles. Nanlaki na lamang ang mga mata nila nang itapon yun ng Boss nila.

“Who ordered you to do all of that? You are my secretary kaya ako lang ang susundin mo, ang mga iniuutos ko sayo ang gagawin mo at hindi ng kung sino man Ms. Avelino! Who ordered you to do their job?!” napapikit na lang si Selene sa sobrang lakas ng sigaw ng Boss nila. Natatakot naman na nagtinginan si Ram at Shierly.

Nilingon ni Selene si Ram at Shierly at bakas na sa kanila ang takot habang si Darlyn naman ay may ngisi sa kaniyang labi.

“Yang dalawang babaeng yan Sir. Wala silang ginawa kundi ang utusan si Selene na gawin ang trabaho nila tapos sila ang magpapasa ng mga gawa ni Selene na para bang sila ang gumawa. Wala man lang credit Sir sa gumawa at ngayon kaya hindi kaagad nakapunta ng office niyo si Selene ay dahil na naman po sa mga ibinigay nilang mga trabaho.” Pagsusumbong ni Darlyn. Pinanlakihan ni Shierly ng mata si Darlyn pero tinaasan lang siya ni Darlyn ng kilay.

Nang lingunin sila ni Axel ay naiiwas na lang ni Shierly at Ram ang mga paningin nila.

“Don't feel like a boss here at my company because you might not last long at your job. Now, take all the papers on the floor and do your job! Huwag niyong pakikialamanan ang secretary ko because she still has a lot to do! Understand?”

“Yes Sir! I’m sorry po.” Mabilis na sagot ni Shierly at Ram. Palihim namang tumatawa si Darlyn dahil tuwang tuwa siya sa nakikita niya ngayon, parang mga pinukpok na kuhol ang itsura nilang dalawa.

Tiningnan naman ni Axel si Selene.

“Now, follow me at wala kang ibang susundin kundi ang mga utos ko lang.” madiin at seryoso pa rin niyang aniya.

“Opo Sir,” sagot naman ni Selene saka tumalikod si Axel. Sumunod na rin si Selene sa kaniya habang nakayuko pa ang ulo niya. Bagong bago palang siya sa trabaho pero ang dami niya na kaagad ginagawa pero kung sabagay, ano pa nga bang aasahan niya?

Malaking kompanya ang pinasukan niya kaya dapat expected niya na yun kapag natanggap siya sa trabaho.

Sumunod si Selene hanggang sa makapasok sila ng office ni Axel. Pansin naman ni Selene ang napakaraming papeles sa table ng Boss niya.

“I need you to do all of that at gumawa ka na rin ng report hanggang bukas lang yun.”

“Po? Ganun kabilis?” hindi niya makapaniwalang saad. Seryoso naman siyang tiningnan ni Axel kaya napatikhim si Selene. “Sige po Sir, gagawin ko po. Ipapasa ko po sa inyo bukas ang report ko.” sagot na lamang niya.

Hindi naman na siya pinansin ni Axel at nagtungo na siya sa upuan niya. Napapakamot na lang si Selene sa batok niya. Mukhang maraming gawain na naiwan ang dati niyang secretary kaya naipasa ang lahat ng ito sa kaniya.

Sinimulan niya nang gawin ang mga papeles na nasa harapan niya na. Wala pa siyang masyadong experience at dapat sa unang pasok niya ng kompanya ay binigyan man lang siya ng training pero sa nangyari sa kaniya, wala ng training training diretso trabaho na kaagad.

Kung bakit ba naman kasi inalis yung dati niyang sekretarya. Mabuti na lamang at sanay na siya sa mga paper works dahil iyun ang palaging requirements nila noong nasa college pa siya.

Nang makaramdam ng ngalay si Selene ay tumuwid na muna siya ng upo at bahagyang uminat. Napatingin naman siya kay Axel na salubong na naman ang mga kilay niya. Nilalaro niya sa mga daliri niya ang hawak-hawak niyang ballpen.

“Sayang, ang gwapo mo pa naman Sir kaso ang suplado mo. Mabuti at nagustuhan ka ng fiancée mo.” mahina niyang saad, napapailing pa siya dahil simula nang matanggap siya sa trabaho wala siyang ibang narinig sa Boss nila kundi ang pagalit niyang tono.

Nanlaki na lang ang mga mata ni Selene nang magsalubong ang mga mata nila ni Axel kaya mabilis siyang yumuko at kunwaring ipinagpapatuloy ang ginagawa niya.

“Are you done with your work Ms?” tanong ni Axel sa kaniya.

“Hindi pa po Sir,” sagot niya rito nang hindi niya tinitingnan si Axel.

“Then don’t look at me, and focus to your what you are doing. Woman,” masungit pa niyang saad kaya lihim na lang na napapairap si Selene. Anong akala niya, lahat ng babae nagkakagusto o nahuhumaling sa kaniya?

Hindi ba pwedeng natitigan lang siya hindi dahil nagugustuhan siya? tssss. Napapaismid na lang si Selene habang ginagawa niya na ang trabaho niya.

Natapos ang maghapon na iyun na halos pagod na pagod siya.

“Ayos ka lang? Oh, uminom ka na muna.” Abot ni Darlyn sa kaniya ng milk tea.

“Salamat,” aniya saka ininom na ito. Sabay na silang lumabas ng milk tea shop. Hindi naman mahilig sa mga ganitong pagkain o inumin si Selene pero dahil libre ni Darlyn tinanggap niya na.

“Isang malaking kompanya ang pinagtatrabahuan natin. Akalain mo nga naman na ikaw na palaging binubully o palaging hinuhusgahan noong college tayo ay matatanggap sa ganitong uri ng kompanya. Alam mo ba, balita ko sa mga ibang batch mate natin lalo na yung number one na ipinapahiya ka. May sarili na siyang pamilya at ang malala pa, ang layo ng buhay niya ngayon sa dream life niya noon. Binubugbog siya ng asawa niya, gusto ko sanang maawa kaso naisip kong deserve niya yun sa lahat ng ginawa niya noong mga college pa tayo.”

Mga Comments (297)
goodnovel comment avatar
Amor R. Galang
next episode
goodnovel comment avatar
Janet Calacat
next chapter plz
goodnovel comment avatar
Rica Adlaon
unblock please ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status