Home / Romance / The Billionaire's Secretary / Kabanata 4: Sideline

Share

Kabanata 4: Sideline

last update Last Updated: 2023-07-28 22:32:33

KABABABA LANG ng tricycle ni Xandra ay rinig na niya kaagad ang malalakas na iyak ng kaniyang bunsong anak mula sa kanilang tahanan. Kaya naman kumaripas siya ng takbo papunta roon matapos niyang mabayaran ang kaniyang pamasahe.

Nang siya ay sumilip sa kanilang pintuan ay naabutan niya si Xander, ang panganay niyang anak, na pinapatahan ang bunsong kapatid nito na apat na taong gulang pa lamang. Bigla siyang naawa para dito dahil halatang nahihirapan itong pagsabayin ang pag-aalaga sa kapatid at ang pag-aaral sa mga araling kasalukuyang nakalatag sa study table nito.

"Kuya, g-gugutom na po ako," utal-utal nitong iyak na wika sa kapatid niya habang itinuturo nito ang sikmura niyang kanina pa kumakalam na tila isang galit na kulog.

Maging si Xander ay nagugutom na rin ngunit hindi niya lang ipinapahalata. Napabuntonghininga ito. "Kaunting hintay na lang, Sarah. Paparating na rin naman siguro maya-maya si Mama. May dala iyong ulam panigurado kaya tahan na, ha?" Biglang napadako ang tingin ni Xandra sa kaniyang mga kamay na ang tanging hawak lang ay puro mga papel, walang kahit na anong pagkain kagaya ng nasa isipan ng kaniyang anak. Bigla siyang nakonsensya. Gustuhin man niyang bumili ng masarap na pagkain ay wala naman itong sapat na salapi.

Sa katotohanan nga'y isang daang salapi na lang ang mayroon siya ngayon na hiniram lamang niya sa kaibigan nitong si May. Bukod doon ay hindi pa siya nakabayad ng mga utang niya sa kanilang mga kapit-bahay. Kaya kahit labag sa kalooban niya ay kailangan talaga nitong magtrabaho sa kompanya ng dati niyang asawa. Bahala na kung ano ang mangyari.

Bigla siyang natauhan nang muli niyang marinig ang tinig ni Sarah. "Janibi po ba, Kuya? Parang 'yong nakikita ko sa tibi natin?" Hindi pa nito maayos na nabibigkas ang mga ilang salita dahil hindi talaga sila natututukan ni Xandra.

She covered her mouth while her eyes were about to burst out in tears. Simula kasi nang mamatay ang kaniyang asawa ay talagang naghirap na sila at hindi na rin nakakatikim pa ng mga masasarap na pagkain kagaya ng Jollibee na tinutukoy ng kaniyang anak.

Napatango-tango si Xander bilang tugon. "Oo, Sarah. Kaya maglaro ka na muna riyan habang hinihintay natin si Mama at ako naman ay magre-review lang ng notes ko kasi may quiz kami bukas. Okay lang ba 'yon sa 'yo?" mahinhin nitong tanong. Ganadong tumango ang kaniyang kapatid at unti-unti na ring huminto ang kaniyang pag-iyak. Marahang ginulo ni Xander ang buhok nito bago ulit magsunog ng kilay.

Napatingin si Xandra sa kanilang orasan na halos pasira na rin kung titingnan. Alas nuebe na rin pala ng gabi. May kalayuan kasi ang Alvarez's Company sa kanilang tahanan kaya inabot na siya ng dilim.

Dahan-dahang isinarado niya ang pintuan bago magtungo kila Aling Salome na ilang lakad lang ang layo mula sa kanila. Sa katunayan ay baka nga natutulog na ito ngayon ngunit magbabakasakali pa rin siya.

Sarado na ang tiyendahan nang siya ay makarating doon. Wala na ring ibang ingay pa na maririnig kun'di ang mga kuliglig ngunit sinubukan pa rin niyang kumatok nang malakas.

"Aling Salome! Pabukas nga lang po saglit!" pang-aabala nito. Itinigil na niya ang pagsigaw nang masilayan niya ang kabubukas lang na ilaw mula sa loob. Hindi nagtagal ay lumitaw na ang wangis ng tindera sa kaniyang harapan nang buksan nito ang bintana.

Halata sa mukha nito na kagigising palang niya. "Ano na naman iyon, Cassandra?" paos na katanungan nito, hihikab-hikab pa. Tanging ang mga tao mula sa kaniyang nakaraan lamang ang tumatawag sa kaniya sa pangalang Xandra, sa ngayon ay kilala siya sa kanilang purok bilang Cassandra.

Nahihiya namang napangiti siya rito. "Aling Salome, baka naman, pautang ako ulit." Kumunot ang noo ng babae, halatang hindi natuwa sa kaniyang narinig. "Pangako, panghuli na talaga 'to na uutang ako sa inyo. Baka sa susunod na buwan ay mabayaran ko na lahat," dagdag pa nito upang makumbinsi ang tindera.

May kinuha ito saglit na notebook na nasa gilid lamang niya bago niya ito ipakita kay Xandra. "O ayan, sampung libo na ang utang mo simula pa noon, nakalista lahat diyan. At lagi mo ring sinasabi sa akin na makakabayad ka na sa susunod na buwan, aba kung gano'n, bakit wala pa rin hanggang ngayon? Nako kang bata ka, 'yang sampung libo, hindi rin biro 'yan," pangaral nito sa kaniya.

"Pero totoo talagang sasahod na ako sa susunod na buwan kaya----" Hindi na siya pinatapos pa ng tindera sa pagsasalita nang makisabat ito.

Umiling-iling ito bilang hindi niya pagsang-ayon sa nais na mangyari ni Xandra. "Pasensya na, hija, pero saka na lang kapag nakabayad ka na." Hindi na siya nakapangkulit pa muli nang saraduhan na niya ito ng bintana. Bigong napabuntonghininga na lamang ito.

Sa isipan niya ay sinisisi na niya ang kaniyang sarili kung bakit sila naghihirap ngayon. Alam niyang kasalanan niya iyon kung bakit.

Matapos niyang umalis doon ay pinilit niyang pinasigla ang kaniyang awra bago pumasok sa loob ng kanilang simpleng bahay. Nadatnan niya roon ang dalawa niyang anak na nakatulugan na ang kanilang ginagawa. Si Xander na nakasubsob na ang mukha sa mga librong binabasa niya at si Sarah na nakayakap sa mga laruan nito.

Hindi na niya napigilan pa ang mga luhang kanina pang pilit na kumakawala sa kaniyang mga mata. Walang tigil ito sa pagtulo kahit paulit-ulit pa niyang punasan iyon. Nalipasan na naman ng gutom ang kaniyang mga anak.

Pinigilan niyang maglikha ng ingay na nagmumula sa mga hikbi niya habang binubuhat ang dalawa niyang anak upang ipunta sa maliit nilang silid. Kinumutan niya ang mga ito bago niya sila nilisan.

Iniligpit na muna niya ang mga gamit na nasa sala nila bago magtungo sa banyo para mag-shower dahil nakaramdam siya ng pagkamalagkit ng kaniyang katawan na dulot ng mahabang byahe niya kanina.

Kasabay ng pagdausdos ng malamig na tubig sa kaniyang katawan ay siya ring pagkalunod niya sa mga masasaklap na alaalang ginawa ng kaniyang namayapa nang asawa.

Nanatili siya roon ng halos isang oras na nakatulala lang sa kawalan. Nang mahimasmasan ay tinakpan na niya ang kaniyang katawan gamit ang tuwalya.

"Sabi na nga ba't tama ang hinala ko na gising ka pa hanggang ngayon." Halos himatayin siya sa gulat nang pagkalabas na pagkalabas pa lang niya sa banyo ay bumungad sa kaniya ang pamilyar na boses na iyon.

Hinawakan niya ang kaniyang dibdib na parang maaatake siya anumang oras sa puso. "Grabe ka, May! Magsabi ka naman na dadalaw ka, hindi iyong bigla kang nanggugulat diyan. 'Tsaka hinaan mo nang kaunti ang boses mo, natutulog na ang mga bata," pabulong nitong suway.

Umaktong isinara ni May ang kaniyang bunganga pagkatapos ay nag-peace sign ito kay Xandra. Napailing-iling na lang ang babae sa inakto ng kaibigan niya. Si May ang palaging nariyan at takbuhan niya kapag talagang gipit na siya pero nahihiya naman itong mangutang na rito dahil batid niyang parehas lang sila ng estado ng pamumuhay na isang dukha lamang.

Nagpaalam lang muna si Xandra sa kaniya saglit para magbihis na tipid na tinanguan naman nito. Hindi pa siya inaantok dahil sanay na siyang halos hindi matulog sa gabi. Ayaw niya ang mga bangungot na dumadalaw sa kaniyang pagtulog.

Naupo siya sa upuan. Kinuha niya iyong isang unan para ipatong sa kaniyang hita nang nakabihis na siya. "So? Bakit ka napadalaw? Ano'ng atin?" usisa niya kay May.

"Uy, grabe ka naman, Mars. Wala man lang bang pa-kumusta muna?" natatawa nitong saad. "Nga pala, kumusta 'yong sa trabahong nirekomenda ko sa 'yo? Ano? Natanggap ka ba o bokya?" Lumapit siya sa puwesto niya para mas magkarinigan silang dalawa.

Tipid siyang napatango. "Nakuha ako." Muli na naman niyang naalala na si Nathan ang magiging boss niya at hindi malabong magkakasama sila sa bawat minuto dahil siya ang sekretarya nito.

Dudang napatitig sa kaniya si May. "Talaga? E bakit parang hindi ka masaya riyan? Nakabusangot ka pa," himutok niya.

"Si Nathan ang magiging boss ko. Nagkausap kami kanina dahil siya iyong personal na nag-interview sa mga aplikante," kuwento niya. Alam ni May ang lahat ng tungkol kay Xandra. Kumbaga siya ang life diary ng dalaga.

Napataas ang kilay nito sa kaniya. "Ano ngayon kung ang Nathan na 'yon ang magiging boss mo?" Tiningnan ni Xandra ito na para bang kinakausap niya siya sa pamamagitan ng kaniyang tingin. Unti-unting nag-sink in sa isip ni May kung bakit gano'n ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. Eksaherada siyang napatakip ng kaniyang bunganga. "Hala! 'Yong Nathan ba na 'yon ang nakuwento mo sa akin noon na dati mong asawa?"

Tumango siya. "Oo, pero nasa past naman na ang lahat ng nangyari sa amin noon. Hindi ako uurong sa trabahong iyon kasi kailangan ko ng pera para sa mga anak ko," desidido nitong sambit.

"Naks, taray naman! Pero maiba tayo, gusto mo pa ba ng extra na income? Alam kong galante na 'yang sasahurin mo riyan pero malaki rin itong nahanap ko. Ang kailangan mo lang namang gawin ay sumayaw sa entablado, 'wag kang mag-alala kasi kasama mo naman ako. Malay mo ay maging milyonarya ka nang wala sa oras," biro nito. Tumayo na muna ito upang kumuha ng maiinom sa kusina nila Xandra. Feel at home lang siya sa bahay na iyon.

Habang wala si May ay napaisip siya tungkol sa binanggit nito na trabaho. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito, paniguradong mababastos siya sa mga salitang ibabato sa kaniya pero hindi na bale dahil hindi naman sila i-ta-table, sasayaw lang naman daw ang gagawin.

"O, ano 'te? Gogora ka ba? Panggabi na trabaho naman iyon, mga alas diyes kung ako ang tatanungin mo. Saktong tulog na ang mga junakis mo 'tsaka hindi ka naman siguro kailangan ng boss mo sa gabi, 'di ba?" pangungumbinsi ni May nang siya ay makabalik.

Napakagat ito sa kaniyang labi at mariing napatango. Kailangan niyang buhayin ang kaniyang mga anak kahit na ano pa mang trabaho iyan, huwag lang illegal. She will always choose to go with the flow.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Nakakaiyak Naman Ang buhay ni Xandra ano Ang nangyari sa nakaraan mo Xandra
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
nakakaiyak nmn ang nangyari sau xandra ...ano ang totoong nangyare sau sa nakaraan mo.....hmmmmm...baka anak ni than² ang panganay mo...hahahaha...overthink agad²
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 5: Annulment

    TULALA SI Nathan na pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan mula sa bintanang kaharap niya. Halos wala ng kabuhay-buhay ang kaniyang mukha. Mugto ang mga mata nito na halatang kagagaling na naman sa pag-iyak, maputla ang dati niyang mapupula na labi, at bagsak na rin ang timbang ng katawan niya dahil sa hindi pagkain nang ilang araw.Naging gan'yan na siya simula nang hiwalayan siya ni Xandra, ang asawa nito, na siyang nagbigay-buhay at pag-asa sa kaniya noon. Hindi niya akalaing may sariling pamilya na ito nang wala siyang kamalay-malay. Pabalik-balik na naaalala niya ang pagtanggi sa kaniya ng dalaga noong nakaraang linggo lang. Napakasakit at napakadaya.Nakulong kasi siya kasama ng kaniyang mga kasamahan noon. May pumaslang sa kaniyang mga magulang noong araw mismo ng kaniyang graduation. Humingi siya ng tulong sa mga pulis ngunit hindi nila ito pinagtuonan ng pansin at parang balewala lang siya sa kanilang paningin. Hindi na siya umasa pa simula noon sa batas kaya bumuo ito ng sa

    Last Updated : 2023-08-02
  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 6: Actions

    NAPASULYAP na muna si Nathan sa full size mirror niya na nasa kaniyang silid upang suriin kung maayos na ba ang kaniyang hitsura't pananamit. Nang mapagmasdan niyang presentable na ang lahat ay nagmadali na siyang umalis dahil alas singko pasado na ng umaga. Kailangan niyang magmadali dahil hangga't maaari ay ayaw niyang paghintayin ang kaniyang kasintahan.Kadalasan ay alas sais ito pumapasok sa kaniyang opisina pero sa araw na iyon ay baka mali-late siya dahil nais niyang igugol muna ang kaniyang oras para kay Caroline. Matagal-tagal na rin simula nang sila ay huling magkita.Inabot pa ng halos isang oras ang byahe bago nito tuluyang marating ang airport. Naghanap na muna siya ng puwedeng pagparkehan ng kaniyang sasakyan bago kumaripas ng takbo patungo sa loob. Mula sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Caroline na taimtim na naghihintay sa isang sulok kasama ng kaniyang mga maleta. Maya't maya pa ay mapapansing pasulyap-sulyap ito sa kaniyang cellphone na tila ba nag-aalinlangan si

    Last Updated : 2023-08-03
  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 7: Where is she?

    WALANG kahit na anong tulog si Xandra dahil nang mapadako sa orasan ang kaniyang tingin ay alas sais na ng umaga. Nang matapos kasi silang mag-usap kagabi ni May ay nagtungo na siya sa paglalaba ng mga tambak na damit. Isa rin iyon sa mga pinagkakakitaan niya.Sobrang tuwa niya nang ibinigay na sa kaniya ng may-ari ng mga damit ang perang kabayaran nito. Isang libo iyon, sapat na para may pambili siya ng mga masasarap na pagkain ng kaniyang mga anak.Abala siya ngayon sa paghahanda ng pagkain sa lamesa. Nang matapos siya ay sakto ring kagigising lang nila Sarah at Xander. "Mga anak, kain na kayo. Naghanda ako ng masarap na pagkain. Binili ko lang kanina. Medyo mainit-init pa," tuwang-tuwa nitong pagsalubong sa kanila. Unti-unting nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang anak nang matanaw nila ang bundle of fried chicken, spaghetti, kasama na rin doon ang niluto niyang ham, hotdog, at s'yempre ay hindi mawawala ang gulay at mga prutas para healthy pa rin ang mga ito palagi.Gusto niyang

    Last Updated : 2023-08-05
  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 8: Secretary or Girlfriend?

    THEY ALL pointed out the direction in which Levi and Xandra went. Ni hindi man lang nag-abalang nagpasalamat ang boss nila pero ayos lang naman sa mga empleyado ang gano'ng pag-uugali nito sapagkat sanay na rin sila kung tutuusin. Ngunit bago pa man siya makahakbang papalayo ay may naglakas nang loob na humabol upang magsalita."Sir Nathan, Miss palang po si Cassandra. Hindi po siya kasal kagaya nang inaakala ninyo," tsismosa nitong saad.Nakuha niya ang atensyon ni Nathan dahilan upang lingunin siya nito. Tila nagulat pa ang babae dahil hindi niya akalaing papansinin siya ng boss niya. Nasanay kasi talaga silang lahat sa pagiging snob nito.Napakunot ang kaniyang noo. "Is that true? I thought she was with that guy named Dexter," tukoy niya sa lalaking ipinalit sa kaniya noon. His jaw clenched while he reminisced about the past.Nagtaka ang lahat sa kanilang narinig. Patago sila na malisyosang nagkatinginan dahil parang malalim ang pagkakakilala ng kanilang boss sa bago nitong sekreta

    Last Updated : 2023-08-06
  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 9: Pain

    XANDRA SLOWLY opened her eyes. She had no memory of anything at first, but as she looked about the strange room, memories from yesterday before she had passed out quickly returned. Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya, medyo nahilo pa siya nang kaunti dahil sa ginawa niyang iyon.Mula sa kaniyang tabi ay may nahulog na basang bimpo. Nagtaka siya roon kaya naman hinawakan niya ang kaniyang noo at doon niya unti-unting napagtanto na kasalukuyan pala siyang inaapoy ng lagnat. Ngunit ipinagsawalang-bahala niya iyon dahil kailangan na niyang bumalik sa kaniyang trabaho.Tatayo pa lang sana siya pero biglang bumukas ang pintuan ng silid na iyon. Iniluwa niyon ang isang pamilyar na tao sa kaniyang paningin. "Ashton?" patanong niyang banggit sa pangalan nito. Nagagalak siyang makakita ng taong galing sa kaniyang nakaraan. Matagal-tagal na rin talaga ang nakalipas simula noon. Para sa kaniya ay itinuring niyang kaibigan ito dahil kahit na papaano ay may pinagsamahan din sila bilang magkaibi

    Last Updated : 2023-08-06
  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 10: Condition

    MULA SA hindi kalayuan ay kanina pa pinagmamasdan ng lalaki si Caroline. Alam niyang wala silang matinong mapag-uusapan kung sariwa pa rin sa isipan ng babae ang nasaksihan nito kanina sa kaniyang opisina, kaya palilipasin na muna nito ang araw na iyon. Saka na lang siya magpapaliwanag kapag kalmado na ito, at kapag hindi lasing. Aminado rin naman siya sa kaniyang sarili na kahit saang banda ay maling-mali talaga ang kaniyang nagawa. Una ay ang pag-iwan niya rito sa restaurant, at pangalawa ay noong magtangka siyang halikan ang dati nitong asawa. Nahihibang na nga yata talaga siya.Caroline is the one who saved him from his tragic life. Noong mga panahong nagluluksa siya sa paglisan ni Xandra sa kaniya ay ito ang palaging nariyan para damayan siya. Hindi ito kailanman nawala sa kaniyang tabi. Ngunit para sa kaniya ay tanging kapatid na babae lang ang turing niya rito, hanggang sa pinilit niya kalaunan ang kaniyang sarili na mahalin ang babae pabalik para matugunan ang nararamdaman ni

    Last Updated : 2023-08-07
  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 11: Inanity

    NAPALUNOK ito kasabay ng pag-iling niya. Oo nga't hobby niya ang magkama ng kung sino-sinong mga babae, ngunit pagdating kay Caroline ay parang hindi niya iyon kaya. "I can't. I respect you as a woman and-----" Pinutol siya ng babae sa pamamagitan ng paghalik niya rito. Muntikan nang madala si Nathan ngunit sa huli ay marahan niya itong pinalayo sa kaniya. "Stop it, Caroline. Umuwi na tayo, ihahatid kita sa inyo," matigas nitong saad. Ngumisi lang ito sa kaniya bago tanggalin ang zipper ng kaniyang dress dahilan upang malaglag sa sahig ang kaniyang kasuotan. Tanging ang bra at underwear na lamang ang mga saplot na bumabalot sa hubog nitong katawan. "You can go ahead if you don't want to. Hindi lang naman ikaw ang lalaki sa lugar na 'to ngayon, isa na lang sa kanila ang iimbitahin ko kung ayaw mo." Parang pagbabanta tuloy ang naging dating niyon sa kaniya. Naging mahirap para kay Nathan na magdesisyon. Kahit na halos kita na ang kaluluwa ng babae ay hindi pa rin niya ito binigyan ng

    Last Updated : 2023-08-08
  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 12: No rights

    NAIBUGA ni May ang iniinom nitong tubig nang marinig nang buo ang kuwento ni Xandra sa kaniya kung bakit ito umiyak kanina. Mabuti na lang dahil hindi nagising ang mga anak nito sapagkat mahimbing na silang natutulog ngayon. Samantalang ang dalawang magkaibigan naman ay abala sa paghahanda para sa pupuntahan nilang bar."Hala? May babaeng buhat-buhat iyong boss mo na dati mo ring asawa kamo?" She nodded at her. "Ito naman, masyado kang selosa. Baka naman kadugo niya lang 'yon," komento nito na inilingan lang niya."Sa tingin ko ay hindi. Pero hayaan mo na, kadugo man o kasintahan niya iyon ay labas na ako roon. Ang mga anak ko ang importante ngayon sa akin," pinal nitong sagot matapos niyang masuot iyong boots na required niyang suotin. Maikling black skirt ang suot nito habang ang pang-itaas naman niya ay croptop na itim din ngunit halatang may kamahalan. Iyon daw kasi ang kailangan nilang outfit upang mas lalong mahikayat ang mga manonood.She gave her a teasing glare. Hindi pa siy

    Last Updated : 2023-08-08

Latest chapter

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 64: Vengeance

    NAGISING SIYA dahil sa malamyos na haplos ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Naramdaman pa niya ang bahagya nitong pagtabing sa kapiranggot na buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Patagilid kasi siyang nakatulog dahil sa pagbabantay kay Xander nang hindi niya namamalayan. And just like before, Xandra cried until she dozed off to sleep again.She distanced herself. Kahit hindi niya pa nakikita ang hitsura nito ay alam na niya agad kung sino iyon base sa pamilyar na amoy. "Kumain ka, please. Ilang araw mo nang hindi ginagalaw ang mga niluluto ko." May pagsusumamo sa tinig ni Nathan. Kagaya nang dati ay wala itong anumang natanggap na tugon galing sa kaniya. Bahala itong magdusa.Gayunpaman ay hindi siya manhid. Alam niya sa kaniyang sarili ang kalagayang kumakalam na sikmura, lalo na nang malanghap na naman ang nakakatakam na pagkaing nasa kaniyang tabi lamang.Alas sais na ng umaga nang mapadpad ang kaniyang tingin sa wall clock na tanging maririnig sa buong silid. Bumuntonghining

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 63: Ignore

    GISING ANG kaniyang diwa ngunit ayaw niyang magmulat ng mga mata dahil sa labis na takot. Afraid that everything that happened earlier might be true. Na dumudugong nawalan ng malay ang kaniyang bunsong anak, ang panganay naman ay nabalibag nang malakas, siya na natamaan ng bala sa bandang braso at muntikan nang magahasa, at si Nathan, ang lalaking lubos niyang pinagkakatiwalaang makapagliligtas sa kanila sa anumang uri ng trahedya, ay mas inuna pa ang ibang babae."You know, I was really anxious because of those men who surrounded me. But thank you for saving me and making me your priority even though we had already decided to break up." Kahit ano mang pigil ang kaniyang gawin ay hindi pa rin niya maiwasang maluha dahil sa narinig mula kay Caroline.Ayon sa kaniyang hinuha ay medyo may kalapitan ang pinanggalingan niyon. Mariin siyang napakagat sa labi sa takot na baka marinig ang munti niyang paghikbi.Sandaling natahimik ang kausap nito na tumugon din naman kalaunan. "It's not what

  • The Billionaire's Secretary    Kanata 62: Anger

    THEY HURRIEDLY went to the living room. Naroon na rin ang dalawang batang halata sa mga hitsura na nais pang matulog. Ilang minuto pa lang kasi ang nakalipas simula nang tangayin sila ng kaantukan."Nathan, ano ang nangyayari? Bakit na naman aalis tayo ng madaling araw na? At saka, may kinalaman ba 'to sa putukan na narinig ko?" pabulong na tanong niya rito upang hindi marinig ng kanilang mga anak.Kahit nagmamadali ang lalaki ay sinagot pa rin nito ang kaniyang nililigawan. "Hindi na ligtas ang lugar na ito para sa inyo ng mga anak ko. Sa ngayon ay may paparating na batalyong kalaban dito batay sa ni-report sa akin ng tagamanman kong tauhan. Mag-isa lang siya ro'n, kaya hindi niya mapipigilan ang lahat, ngunit iistorbohin niya sila upang may oras pa tayong makatakas," mahaba nitong paliwanag. Walang pag-aatubaling naghanap ito ng puwedeng sirain mula sa likuran. Mabuti naman nang may nahagilap itong marupok na kahoy na bahagya na ring inaanay. Sa isang malakas na sipa ay nawasak nit

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 61: Escape

    NATHAN'S JAW clenched when he noticed the mark on his son's neck. Halatang may pumuwersang nanakit dito. Sinuri niya pa ang ibang parte ng katawan ni Xander kung mayroon pa ba itong natamong sugat na mabuti at wala na rin naman.Palihim niya ring inoobserbahan si Sarah. She's in good condition, maliban lang na panay ang iyak nito habang kandong ng kaniyang ina."Sino ang gumawa nito sa'yo?" Agad na umiling ang batang karga niya na tila takot na magsumbong. "Come on, kid. I will make sure that whoever did this to you will rot in jail." Para saan pa't may kapangyarihan at kayamanan siya kung hindi niya rin naman maipagtatanggol ang kaniyang pamilya.Isiniksik nito ang ulo sa kaniyang tuxedo. "Papa po 'ata siya ni Tita May. Takot na takot po kaming dalawa sa kanila ng kaniyang asawa. Pinagtanggol ko po si Sarah kaya ako ang napagbuntunan ng galit ng lalaking mahaba ang balbas." Kumuyom ang kaniyang kamao sa narinig na hindi kagandahang balita kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang ki

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 60: Surrender

    PININDOT NIYA iyong cctv camera na nakasabit sa matayog na kulay kremang gate. Aware siyang kita ang pagmumukha niya sa mini tablet sa loob."Mom, I'm finally here. Can you open the gate?" Walang buhay ang kaniyang malamig na boses. Ibang-iba ang bersyon nito sa nakilalang May nila Xandra.It's been years since she last went home. Pero para sa kaniya ay hindi bahay ang tawag niya ro'n, sapagkat ang tahanan ay nagsisilbi dapat na pahingaan, ngunit para sa kaniya ay isa iyong bilangguan na nagkakait sa kaniyang kalayaan.She bit her lower lip to control her emotions from bursting into tears. Hindi niya lubos akalaing matapos na tumakas noon ay siya rin pala ang kusang magbabalik nang wala man lang kahirap-hirap sa parte ng kaniyang mga kasuklam-suklam na magulang.Subalit kailangan niyang harapin ang kinatatakutan niyang bangungot alang-alang sa mga inosenteng bata na hindi naman dapat sangkot sa alitan nila bilang magulong pamilya. Kung papipiliin nga siya ay mas nanaisin na lamang niy

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 59: Sacrifice

    DAYS AGO...LAKING PASASALAMAT niya sapagkat sa halos dalawang araw na wala sila Xandra ay naging ligtas naman ang mga bata sa kaniyang pangangalaga. But May is aware that she has only a little time left to make the most of her freedom.Maging sa pagtatrabaho ay isinama niya sila Xander at Sarah upang mabantayang maigi. Nagkataon din kasi na bakasyon ng mga ito na hindi niya naman magawang iwanan lang sa kanilang tahanan dahil sa ano mang uri ng kapahamakang naghihintay sa kanila sa bawat pagpatak ng segundo.She doesn't want to skip work as well as Nathan instructed. Hangga't maaari ay nais niyang maging patas sa mga empleyado ng Alvarez's Company. Alas sais na ng gabi nang saktong siya ay matapos sa duty. Hawak niya ang mga bata gamit ang magkabilang kamay na nilisan ang lugar. Habang nag-aabang ng sasakyan patungo sa kanilang baryo ay bigla siyang natauhan nang kinalabit ni Sarah ang laylayan ng kaniyang damit."Ano 'yon, baby girl ko?" magiliw niyang tanong dito na bahagya pang u

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 58: Lie

    TULALA SIYANG nakatitig sa teleponong nakahandusay sa lupa habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Her hands are still trembling out of fear. Kung kailan na umaayos na ang lahat ay saka naman darating ang panibagong pagsubok.Kung alam niya lang sanang may kapalit na pighati ang sukdulan niyang kasiyahan, but well, that's life. Hindi puro sarap sapagkat palaging may kaakibat na lungkot.Sinikap niya ang kaniyang sarili para makaahon mula sa pagkakaupo kanina. Kailangan niyang magtungo sa lalaki upang humingi ng tulong. Aware naman siya kung gaano kalawak ang kapangyarihan sakop nito, so she hopes that it isn't impossible for them to find their children.Napabuga siya ng hangin na tila ro'n siya humuhugot ng lakas upang magpatuloy. But the millions of thoughts running through her mind continued, causing her to almost collapse. Mabuti na lang dahil bago iyon mangyari ay may mga braso nang maingat na humawak sa kaniyang baywang.The familiar scent lingered in her nose. "

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 57: News

    MUGTO ANG mga mata ng halos karamihang nakakasalamuha nila na marahil ay sa pagkawala ng kanilang mga ari-arian, ang ilan pa nga ay namatayan ng mga kapamilya. Pero sa kabila niyon ay nariyan ang matamis na pagngiti ng mga ito dahil sa tulong na kasalukuyan nilang inaabot. The people in Palawan greeted them warmly when they arrived. Inabot ng isang araw at apat na oras bago sila makatungtong sa kanilang destinasyong lugar. Tila nabuhayan pa nga kanina ang mga mata nilang nawalan na ng pag-asa nang matanaw ang wangis ng boss ng Alvarez's Company. Animong ang lalaki ay nagsisilbi nilang bayani na tagapagsalba.Karamihan sa kanila ay niyakap si Nathan na walang arte naman nitong pinaunlakan ang mga 'yon. He's not there as someone successful in his life, but as their friend. Iyon siguro ang isa sa mga hindi makakalimutang natutunan nito sa kaniyang mga namayapang magulang; ang huwag makalimot na tumulong sa mga nangangailangan kahit anong estado pa ang pamuhuhay.Iyong side ding iyon ang

  • The Billionaire's Secretary    Kabanata 56: Bother

    KINUMUTAN NIYA ang mahimbing nang natutulog na si May matapos itong ilapag ni Nathan sa kaniyang kama.Nang mapadako ang tingin niya sa orasan ay pasado alas otso na pala ng gabi. Alas nuebe dapat ay nakarating na siya sa cafeteria kun'di ay talagang malilintikan na siya sa kaniyang amo ro'n. She couldn't afford to lose that job kaya naman aligaga ang naging kilos niya."Are you going somewhere?" si Nathan nang siguro ay napansin nito ang pagmamadali niya. She nodded while tying her hair into a messy bun. "Yep. Part time job lang, at saka saglit lang din naman 'yon," imporma niya rito. Visible ang pagtutol sa itsura ng lalaki kaya naman bago pa ito makaturan ng salita ay dinagdagan na niya ang kaniyang pahayag. "Nathan, ayokong umasa lang sa pera mo. Gusto ko ring buhayin ang mga anak ko gamit ang aking sariling kayod. Sana naman ay maintindihan mo iyon," paliwanag niya sa mababang boses dahil baka magising pa ang mga bata.Sa una ay mababakasan pa rito ang hindi pagsang-ayon, pero k

DMCA.com Protection Status