HINDI matigil-tigil sa pagngiti si Nathan simula nang siya ay makauwi galing sa kompanya nito. Muli siyang sumimsim ng alak na kanina pa niya iniinom.
"I've already made a decision. She will be my secretary," anang nito sa mapaglarong tono ng kaniyang boses. Kanina pa sila nag-uusap ni Ashton at nagkataong natanong nito sa kaniya ang tungkol sa paghahanap niya ng sekretarya.Ginawaran niya ito ng isang hindi makapaniwalang tingin. "Hindi nga? Seryoso?" kuwestyon pa nito na tinugunan naman niya ng isang tipid na tango lamang. "Teka nga. Hindi ka naman siguro pumili na lang ng basta-bastang aplikante, hindi ba?" bintang pa niya."Why would I do that?"Nagkibit balikat si Ashton. "Siguro dahil tamad ka tapos gusto mo nang mambabae sa bar kaya pumili ka na lang ng kung sino para makalayas ka na agad. Just a hunch, though."Natawa nang bahagya si Nathan. Mapapansin talaga na good mood ito ngayon. "Of course not. Kahit itanong mo pa sa mga empleyado ng kompanya. 'Tsaka kung tutuusin nga ay gabi na noong natapos 'yong interview," anito.Napailing-iling na lamang ito nang makita niya si Ashton na nagsimulang ilabas ang kaniyang telepono upang siguro tawagan ang empleyadong tinutukoy niya. He then excused himself from Nathan. Talaga ngang hindi niya ito pinagkakatiwalaan.'Gano'n na ba ako kababaero sa paningin ni Abo?'Natawa na lamang siya sa sariling nitong iniisip. Hindi rin nagtagal ay muli nang nakabalik sa kaniyang harapan si Ashton. Naroon pa rin ang pagdududa sa kaniyang mga tingin pero kalaunan ay naglaho na rin naman."Sige na, pinaniniwalaan na kita, Thanthan. So, what's up? May I know the lucky—or should I say unfortunate—secretary that you have chosen?" Napangisi pa ito na tila nanunukso siya. Malas kasi ang tawag ng halos karamihan sa mga nagiging sekretarya nito dahil labis kung siya ay makautos. Marahil iyon nga rin ang totoong dahilan ng dati niyang sekretarya kaya ito nagretiro."Guess what? Her name is Xariel Cassandra Fumidor."Muntikan nang maibuga ni Ashton ang iniinom niya dahil sa narinig. "Xariel what?!" gulat nitong katanungan. Napailing-iling siya pagkatapos, hindi maintindihan kung ano ang nasa isipan ng kaniyang kaibigan. Nababaliw na yata ito. "You don't mean her? Tama ba ako, Thanthan? Is she the one from your past? Sabihin mong hindi." Makikita sa mga tingin niya ang pagbabakasakali roon. Itinuturing kasi niya ang binata hindi bilang isang kaibigan lang kun'di bilang kapatid na rin. Ayaw niyang makita ang dating Nathan na lumuhod o magmakaawa para lang sa pagmamahal na 'yan. For him, Nathan is an independent and strong man. Kaya hindi siya sanay na magmukha na naman itong kaawa-awa."She really is." Napamura na lamang siya nang paulit-ulit nang makumpirma nitong si Xandra nga ang magiging bagong sekretarya na tinutukoy nito. Sa mga oras na iyon ay iniisip niyang nababaliw na nga talaga ang kaibigan niya dahil sa mga hindi makatarungang desisyon nito sa kaniyang buhay."Fuck, pare! Bahala ka. Kung ang gusto mong gawin ay ang pagpapakarupok sa pag-ibig na 'yan, sige susuportahan na lang kita. Pero huwag na huwag kang matutulala at lalapit na naman sa akin kapag sinaktan ka niyan ulit," banta nito na parang nakakasiguro siyang mangyayari na naman ang nangyari sa nakaraan.Bahagyang natigilan ito bago diretsong titigan sa mata si Ashton. "Sino naman ang nagsabi sa 'yo na papapasukin ko na naman siya sa buhay ko?" Ramdam kung gaano kaseryoso ang tinig niya, walang kahit na anong mababakas na pagbibiro mula roon.Napahilamos na lang sa mukha si Ashton na parang problemadong-problemado. "Thanthan, 'yong pagpili mo pa lang sa kaniya bilang bago mong sekretarya ay parang hinayaan mo na ring pumasok siya ulit sa buhay mo. Magkakasama kayo bawat minuto, hindi iyon biro at hindi malabong mamahalin mo na naman siya!""Gano'n na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin, Abo?" Napabuntong hininga siya bago muling magsalita nang hindi makaimik ang kaniyang kaibigan. "She was the applicant who deserved it the most, so I simply did that. Hindi ko siya pinili dahil lang minahal ko siya noon, kun'di dahil makakabenepisyo talaga ang kompanya sa kaniya and same as her to the company. Iyon lang, wala ng iba pa," mahaba nitong litanya.Natiklop sa pagsasalita si Ashton. Hindi niya sinasadyang pagtaasan ng boses si Thanthan. Grabe kasi ang pagmamahal nito sa babae noon na dumating sa puntong iniisip niya ngayon na kayang bitawan ni Nathan ang lahat para lang ulit magkabalikan silang dalawa.Sa kabilang banda ay naalala na naman ng binata ang naganap kanina tungkol sa muli nilang pagtatagpo ni Xandra."Why did you apply for this position?" unang tanong nito matapos mabawi ang sarili mula sa pagkagulat niya kanina. Hindi na niya tinanong pa ang tungkol sa pagkatao nito dahil kilalang-kilala na niya ang babae noon pa man.Diretso siyang sinagot ni Xandra batay sa totoong pakay talaga nito. "Dahil kailangan ko ng pera para sa mga anak ko."Tumaas ang sulok ng labi nito matapos niya iyong marinig. Hindi pa rin nagbabago ang babae, kagayang-kagaya pa rin siya nang dati. "Where is your husband? He should be the one doing that," komento nito na hindi niya namalayang naisatinig na pala niya ang dapat na nasa isipan niya lang sana.Tumikhim si Xandra. "I'm sorry, but it's none of your business, Sir. And I believe it has nothing to do with this job interview," pormal nitong wika.Fuck. "I'm... I'm sorry." Gusto niyang mag-iwas ng tingin ngunit may nagsasabi sa kaniyang huwag iyong gawin. Tumango lang ang babae sa kaniya kaya muli na lamang siyang nagpatuloy. "Why do you think you're a good fit for this position?" Pinilit niya na ring maging pormal sa harapan nito."My capacity to adjust to shifting circumstances is what I consider to be my biggest strength, Sir. I am aware that a secretary's job entails a variety of tasks, and I take pleasure in my ability to prioritize my own workload, be adaptable, and learn new things quickly."'Wow. I can say that she was really different among those applicants a while ago.' Kahit na labis ang paghanga ni Nathan para dito ay hindi niya iyon ipinahalata. "What's your biggest accomplishment so far?"Biglang natahimik ang dalaga at parang may dumaan saglit na lungkot sa kaniyang mga mata. "Having my children, Sir. Pero kung tungkol sa trabaho, wala po. Rumaraket-raket lang ako kapag nakahanap ng maaaring pagkakakitaan."Tumango si Nathan dito bilang pagpapahiwatig na naiintindihan niya ang sitwasyon ng dalaga. Pero labis na ang kuryosidad na bumabalot sa kaniyang isipan kung bakit gano'ng pamumuhay ang kaniyang kinahaharap.'Bakit ka naghihirap nang gan'yan kung mayro'n ka namang asawa para kumayod sa pamilya ninyo?' Gusto niyang itanong iyon pero pinigilan niya ang kaniyang sarili."Where do you see yourself in five years?"Bumuntonghininga na muna ang dalaga. "No one could tell, Sir. Pero kung ano man po ang mangyayari sa mga panahong iyon ay buong puso kong tatanggapin," sinsero nitong sagot."What are some characteristics you look for when choosing a workplace?""Anything will do, Sir," usal nito.Nagkunyaring binabasa ni Nathan ang job application ng babae. "You can start tomorrow, then." Wala siyang natanggap na sagot ilang segundo ang nagdaan simula nang sabihin niya iyon kaya dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin upang tingnan ang reaksyon nito.Nang magtama ang kanilang paningin ay normal na napangiti lang sa kaniya si Xandra. "Thank you, Sir.""Okay? Pero bakit para ka kasing uod na timang kung kiligin diyan. Ano ang dahilan ng pagngiti mo? Sige nga." Nakabalik si Nathan sa reyalidad nang muling magsalita si Ashton.Tumikhim siya bago lumagok na naman ng alak. "Remember Caroline?" Tipid na napatango ang lalaki. Si Caroline ang ex-girlfriend niya na nagtungo sa ibang bansa para magtrabaho at ma-improve pa ang kaniyang kakayahan sa kursong kinuha nito, iyon nga lang, kasabay ng pag-alis niya noon ay bigla itong nakipaghiwalay kay Nathan nang walang kahit na anong dahilan. Pumayag naman noon ito sa nais ni Caroline nang walang pag-aalinlangan. "Babalik na raw siya sa mga araw na 'to from Europe. If I'm not mistaken, she chatted with me last week, asking me to come back with her so that we could fix our failed relationship back then.""Tapos? Ano'ng sinagot mo? Pumayag ka o tinanggihan mo?" panunuri nito.Ibinaba niya muna ang kristal na babasaging baso na hawak niya. Matapos niyon ay pinagkrus nito ang kaniyang paa sa hita bago tuwid na sagutin ang kausap. "Abo, she's Caroline Mendez. Matic na tatanggapin ko na talaga 'yon," tugon nito. "And besides, I think I still love her, so why not give our relationship a second chance, right? Wala naman ding mawawala kung susubukan namin ulit. But if things don't work out for us, then maybe we're not just for each other. That's it."Iyon ang isinisigaw na ideya ng kaniyang isipan pero alam niya sa kaniyang sarili kung sino talaga ang tunay na tinitibok pa rin ng kaniyang puso hanggang ngayon.KABABABA LANG ng tricycle ni Xandra ay rinig na niya kaagad ang malalakas na iyak ng kaniyang bunsong anak mula sa kanilang tahanan. Kaya naman kumaripas siya ng takbo papunta roon matapos niyang mabayaran ang kaniyang pamasahe.Nang siya ay sumilip sa kanilang pintuan ay naabutan niya si Xander, ang panganay niyang anak, na pinapatahan ang bunsong kapatid nito na apat na taong gulang pa lamang. Bigla siyang naawa para dito dahil halatang nahihirapan itong pagsabayin ang pag-aalaga sa kapatid at ang pag-aaral sa mga araling kasalukuyang nakalatag sa study table nito."Kuya, g-gugutom na po ako," utal-utal nitong iyak na wika sa kapatid niya habang itinuturo nito ang sikmura niyang kanina pa kumakalam na tila isang galit na kulog. Maging si Xander ay nagugutom na rin ngunit hindi niya lang ipinapahalata. Napabuntonghininga ito. "Kaunting hintay na lang, Sarah. Paparating na rin naman siguro maya-maya si Mama. May dala iyong ulam panigurado kaya tahan na, ha?" Biglang napadako ang ting
TULALA SI Nathan na pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan mula sa bintanang kaharap niya. Halos wala ng kabuhay-buhay ang kaniyang mukha. Mugto ang mga mata nito na halatang kagagaling na naman sa pag-iyak, maputla ang dati niyang mapupula na labi, at bagsak na rin ang timbang ng katawan niya dahil sa hindi pagkain nang ilang araw.Naging gan'yan na siya simula nang hiwalayan siya ni Xandra, ang asawa nito, na siyang nagbigay-buhay at pag-asa sa kaniya noon. Hindi niya akalaing may sariling pamilya na ito nang wala siyang kamalay-malay. Pabalik-balik na naaalala niya ang pagtanggi sa kaniya ng dalaga noong nakaraang linggo lang. Napakasakit at napakadaya.Nakulong kasi siya kasama ng kaniyang mga kasamahan noon. May pumaslang sa kaniyang mga magulang noong araw mismo ng kaniyang graduation. Humingi siya ng tulong sa mga pulis ngunit hindi nila ito pinagtuonan ng pansin at parang balewala lang siya sa kanilang paningin. Hindi na siya umasa pa simula noon sa batas kaya bumuo ito ng sa
NAPASULYAP na muna si Nathan sa full size mirror niya na nasa kaniyang silid upang suriin kung maayos na ba ang kaniyang hitsura't pananamit. Nang mapagmasdan niyang presentable na ang lahat ay nagmadali na siyang umalis dahil alas singko pasado na ng umaga. Kailangan niyang magmadali dahil hangga't maaari ay ayaw niyang paghintayin ang kaniyang kasintahan.Kadalasan ay alas sais ito pumapasok sa kaniyang opisina pero sa araw na iyon ay baka mali-late siya dahil nais niyang igugol muna ang kaniyang oras para kay Caroline. Matagal-tagal na rin simula nang sila ay huling magkita.Inabot pa ng halos isang oras ang byahe bago nito tuluyang marating ang airport. Naghanap na muna siya ng puwedeng pagparkehan ng kaniyang sasakyan bago kumaripas ng takbo patungo sa loob. Mula sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Caroline na taimtim na naghihintay sa isang sulok kasama ng kaniyang mga maleta. Maya't maya pa ay mapapansing pasulyap-sulyap ito sa kaniyang cellphone na tila ba nag-aalinlangan si
WALANG kahit na anong tulog si Xandra dahil nang mapadako sa orasan ang kaniyang tingin ay alas sais na ng umaga. Nang matapos kasi silang mag-usap kagabi ni May ay nagtungo na siya sa paglalaba ng mga tambak na damit. Isa rin iyon sa mga pinagkakakitaan niya.Sobrang tuwa niya nang ibinigay na sa kaniya ng may-ari ng mga damit ang perang kabayaran nito. Isang libo iyon, sapat na para may pambili siya ng mga masasarap na pagkain ng kaniyang mga anak.Abala siya ngayon sa paghahanda ng pagkain sa lamesa. Nang matapos siya ay sakto ring kagigising lang nila Sarah at Xander. "Mga anak, kain na kayo. Naghanda ako ng masarap na pagkain. Binili ko lang kanina. Medyo mainit-init pa," tuwang-tuwa nitong pagsalubong sa kanila. Unti-unting nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang anak nang matanaw nila ang bundle of fried chicken, spaghetti, kasama na rin doon ang niluto niyang ham, hotdog, at s'yempre ay hindi mawawala ang gulay at mga prutas para healthy pa rin ang mga ito palagi.Gusto niyang
THEY ALL pointed out the direction in which Levi and Xandra went. Ni hindi man lang nag-abalang nagpasalamat ang boss nila pero ayos lang naman sa mga empleyado ang gano'ng pag-uugali nito sapagkat sanay na rin sila kung tutuusin. Ngunit bago pa man siya makahakbang papalayo ay may naglakas nang loob na humabol upang magsalita."Sir Nathan, Miss palang po si Cassandra. Hindi po siya kasal kagaya nang inaakala ninyo," tsismosa nitong saad.Nakuha niya ang atensyon ni Nathan dahilan upang lingunin siya nito. Tila nagulat pa ang babae dahil hindi niya akalaing papansinin siya ng boss niya. Nasanay kasi talaga silang lahat sa pagiging snob nito.Napakunot ang kaniyang noo. "Is that true? I thought she was with that guy named Dexter," tukoy niya sa lalaking ipinalit sa kaniya noon. His jaw clenched while he reminisced about the past.Nagtaka ang lahat sa kanilang narinig. Patago sila na malisyosang nagkatinginan dahil parang malalim ang pagkakakilala ng kanilang boss sa bago nitong sekreta
XANDRA SLOWLY opened her eyes. She had no memory of anything at first, but as she looked about the strange room, memories from yesterday before she had passed out quickly returned. Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya, medyo nahilo pa siya nang kaunti dahil sa ginawa niyang iyon.Mula sa kaniyang tabi ay may nahulog na basang bimpo. Nagtaka siya roon kaya naman hinawakan niya ang kaniyang noo at doon niya unti-unting napagtanto na kasalukuyan pala siyang inaapoy ng lagnat. Ngunit ipinagsawalang-bahala niya iyon dahil kailangan na niyang bumalik sa kaniyang trabaho.Tatayo pa lang sana siya pero biglang bumukas ang pintuan ng silid na iyon. Iniluwa niyon ang isang pamilyar na tao sa kaniyang paningin. "Ashton?" patanong niyang banggit sa pangalan nito. Nagagalak siyang makakita ng taong galing sa kaniyang nakaraan. Matagal-tagal na rin talaga ang nakalipas simula noon. Para sa kaniya ay itinuring niyang kaibigan ito dahil kahit na papaano ay may pinagsamahan din sila bilang magkaibi
MULA SA hindi kalayuan ay kanina pa pinagmamasdan ng lalaki si Caroline. Alam niyang wala silang matinong mapag-uusapan kung sariwa pa rin sa isipan ng babae ang nasaksihan nito kanina sa kaniyang opisina, kaya palilipasin na muna nito ang araw na iyon. Saka na lang siya magpapaliwanag kapag kalmado na ito, at kapag hindi lasing. Aminado rin naman siya sa kaniyang sarili na kahit saang banda ay maling-mali talaga ang kaniyang nagawa. Una ay ang pag-iwan niya rito sa restaurant, at pangalawa ay noong magtangka siyang halikan ang dati nitong asawa. Nahihibang na nga yata talaga siya.Caroline is the one who saved him from his tragic life. Noong mga panahong nagluluksa siya sa paglisan ni Xandra sa kaniya ay ito ang palaging nariyan para damayan siya. Hindi ito kailanman nawala sa kaniyang tabi. Ngunit para sa kaniya ay tanging kapatid na babae lang ang turing niya rito, hanggang sa pinilit niya kalaunan ang kaniyang sarili na mahalin ang babae pabalik para matugunan ang nararamdaman ni
NAPALUNOK ito kasabay ng pag-iling niya. Oo nga't hobby niya ang magkama ng kung sino-sinong mga babae, ngunit pagdating kay Caroline ay parang hindi niya iyon kaya. "I can't. I respect you as a woman and-----" Pinutol siya ng babae sa pamamagitan ng paghalik niya rito. Muntikan nang madala si Nathan ngunit sa huli ay marahan niya itong pinalayo sa kaniya. "Stop it, Caroline. Umuwi na tayo, ihahatid kita sa inyo," matigas nitong saad. Ngumisi lang ito sa kaniya bago tanggalin ang zipper ng kaniyang dress dahilan upang malaglag sa sahig ang kaniyang kasuotan. Tanging ang bra at underwear na lamang ang mga saplot na bumabalot sa hubog nitong katawan. "You can go ahead if you don't want to. Hindi lang naman ikaw ang lalaki sa lugar na 'to ngayon, isa na lang sa kanila ang iimbitahin ko kung ayaw mo." Parang pagbabanta tuloy ang naging dating niyon sa kaniya. Naging mahirap para kay Nathan na magdesisyon. Kahit na halos kita na ang kaluluwa ng babae ay hindi pa rin niya ito binigyan ng
NAGISING SIYA dahil sa malamyos na haplos ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Naramdaman pa niya ang bahagya nitong pagtabing sa kapiranggot na buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Patagilid kasi siyang nakatulog dahil sa pagbabantay kay Xander nang hindi niya namamalayan. And just like before, Xandra cried until she dozed off to sleep again.She distanced herself. Kahit hindi niya pa nakikita ang hitsura nito ay alam na niya agad kung sino iyon base sa pamilyar na amoy. "Kumain ka, please. Ilang araw mo nang hindi ginagalaw ang mga niluluto ko." May pagsusumamo sa tinig ni Nathan. Kagaya nang dati ay wala itong anumang natanggap na tugon galing sa kaniya. Bahala itong magdusa.Gayunpaman ay hindi siya manhid. Alam niya sa kaniyang sarili ang kalagayang kumakalam na sikmura, lalo na nang malanghap na naman ang nakakatakam na pagkaing nasa kaniyang tabi lamang.Alas sais na ng umaga nang mapadpad ang kaniyang tingin sa wall clock na tanging maririnig sa buong silid. Bumuntonghining
GISING ANG kaniyang diwa ngunit ayaw niyang magmulat ng mga mata dahil sa labis na takot. Afraid that everything that happened earlier might be true. Na dumudugong nawalan ng malay ang kaniyang bunsong anak, ang panganay naman ay nabalibag nang malakas, siya na natamaan ng bala sa bandang braso at muntikan nang magahasa, at si Nathan, ang lalaking lubos niyang pinagkakatiwalaang makapagliligtas sa kanila sa anumang uri ng trahedya, ay mas inuna pa ang ibang babae."You know, I was really anxious because of those men who surrounded me. But thank you for saving me and making me your priority even though we had already decided to break up." Kahit ano mang pigil ang kaniyang gawin ay hindi pa rin niya maiwasang maluha dahil sa narinig mula kay Caroline.Ayon sa kaniyang hinuha ay medyo may kalapitan ang pinanggalingan niyon. Mariin siyang napakagat sa labi sa takot na baka marinig ang munti niyang paghikbi.Sandaling natahimik ang kausap nito na tumugon din naman kalaunan. "It's not what
THEY HURRIEDLY went to the living room. Naroon na rin ang dalawang batang halata sa mga hitsura na nais pang matulog. Ilang minuto pa lang kasi ang nakalipas simula nang tangayin sila ng kaantukan."Nathan, ano ang nangyayari? Bakit na naman aalis tayo ng madaling araw na? At saka, may kinalaman ba 'to sa putukan na narinig ko?" pabulong na tanong niya rito upang hindi marinig ng kanilang mga anak.Kahit nagmamadali ang lalaki ay sinagot pa rin nito ang kaniyang nililigawan. "Hindi na ligtas ang lugar na ito para sa inyo ng mga anak ko. Sa ngayon ay may paparating na batalyong kalaban dito batay sa ni-report sa akin ng tagamanman kong tauhan. Mag-isa lang siya ro'n, kaya hindi niya mapipigilan ang lahat, ngunit iistorbohin niya sila upang may oras pa tayong makatakas," mahaba nitong paliwanag. Walang pag-aatubaling naghanap ito ng puwedeng sirain mula sa likuran. Mabuti naman nang may nahagilap itong marupok na kahoy na bahagya na ring inaanay. Sa isang malakas na sipa ay nawasak nit
NATHAN'S JAW clenched when he noticed the mark on his son's neck. Halatang may pumuwersang nanakit dito. Sinuri niya pa ang ibang parte ng katawan ni Xander kung mayroon pa ba itong natamong sugat na mabuti at wala na rin naman.Palihim niya ring inoobserbahan si Sarah. She's in good condition, maliban lang na panay ang iyak nito habang kandong ng kaniyang ina."Sino ang gumawa nito sa'yo?" Agad na umiling ang batang karga niya na tila takot na magsumbong. "Come on, kid. I will make sure that whoever did this to you will rot in jail." Para saan pa't may kapangyarihan at kayamanan siya kung hindi niya rin naman maipagtatanggol ang kaniyang pamilya.Isiniksik nito ang ulo sa kaniyang tuxedo. "Papa po 'ata siya ni Tita May. Takot na takot po kaming dalawa sa kanila ng kaniyang asawa. Pinagtanggol ko po si Sarah kaya ako ang napagbuntunan ng galit ng lalaking mahaba ang balbas." Kumuyom ang kaniyang kamao sa narinig na hindi kagandahang balita kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang ki
PININDOT NIYA iyong cctv camera na nakasabit sa matayog na kulay kremang gate. Aware siyang kita ang pagmumukha niya sa mini tablet sa loob."Mom, I'm finally here. Can you open the gate?" Walang buhay ang kaniyang malamig na boses. Ibang-iba ang bersyon nito sa nakilalang May nila Xandra.It's been years since she last went home. Pero para sa kaniya ay hindi bahay ang tawag niya ro'n, sapagkat ang tahanan ay nagsisilbi dapat na pahingaan, ngunit para sa kaniya ay isa iyong bilangguan na nagkakait sa kaniyang kalayaan.She bit her lower lip to control her emotions from bursting into tears. Hindi niya lubos akalaing matapos na tumakas noon ay siya rin pala ang kusang magbabalik nang wala man lang kahirap-hirap sa parte ng kaniyang mga kasuklam-suklam na magulang.Subalit kailangan niyang harapin ang kinatatakutan niyang bangungot alang-alang sa mga inosenteng bata na hindi naman dapat sangkot sa alitan nila bilang magulong pamilya. Kung papipiliin nga siya ay mas nanaisin na lamang niy
DAYS AGO...LAKING PASASALAMAT niya sapagkat sa halos dalawang araw na wala sila Xandra ay naging ligtas naman ang mga bata sa kaniyang pangangalaga. But May is aware that she has only a little time left to make the most of her freedom.Maging sa pagtatrabaho ay isinama niya sila Xander at Sarah upang mabantayang maigi. Nagkataon din kasi na bakasyon ng mga ito na hindi niya naman magawang iwanan lang sa kanilang tahanan dahil sa ano mang uri ng kapahamakang naghihintay sa kanila sa bawat pagpatak ng segundo.She doesn't want to skip work as well as Nathan instructed. Hangga't maaari ay nais niyang maging patas sa mga empleyado ng Alvarez's Company. Alas sais na ng gabi nang saktong siya ay matapos sa duty. Hawak niya ang mga bata gamit ang magkabilang kamay na nilisan ang lugar. Habang nag-aabang ng sasakyan patungo sa kanilang baryo ay bigla siyang natauhan nang kinalabit ni Sarah ang laylayan ng kaniyang damit."Ano 'yon, baby girl ko?" magiliw niyang tanong dito na bahagya pang u
TULALA SIYANG nakatitig sa teleponong nakahandusay sa lupa habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Her hands are still trembling out of fear. Kung kailan na umaayos na ang lahat ay saka naman darating ang panibagong pagsubok.Kung alam niya lang sanang may kapalit na pighati ang sukdulan niyang kasiyahan, but well, that's life. Hindi puro sarap sapagkat palaging may kaakibat na lungkot.Sinikap niya ang kaniyang sarili para makaahon mula sa pagkakaupo kanina. Kailangan niyang magtungo sa lalaki upang humingi ng tulong. Aware naman siya kung gaano kalawak ang kapangyarihan sakop nito, so she hopes that it isn't impossible for them to find their children.Napabuga siya ng hangin na tila ro'n siya humuhugot ng lakas upang magpatuloy. But the millions of thoughts running through her mind continued, causing her to almost collapse. Mabuti na lang dahil bago iyon mangyari ay may mga braso nang maingat na humawak sa kaniyang baywang.The familiar scent lingered in her nose. "
MUGTO ANG mga mata ng halos karamihang nakakasalamuha nila na marahil ay sa pagkawala ng kanilang mga ari-arian, ang ilan pa nga ay namatayan ng mga kapamilya. Pero sa kabila niyon ay nariyan ang matamis na pagngiti ng mga ito dahil sa tulong na kasalukuyan nilang inaabot. The people in Palawan greeted them warmly when they arrived. Inabot ng isang araw at apat na oras bago sila makatungtong sa kanilang destinasyong lugar. Tila nabuhayan pa nga kanina ang mga mata nilang nawalan na ng pag-asa nang matanaw ang wangis ng boss ng Alvarez's Company. Animong ang lalaki ay nagsisilbi nilang bayani na tagapagsalba.Karamihan sa kanila ay niyakap si Nathan na walang arte naman nitong pinaunlakan ang mga 'yon. He's not there as someone successful in his life, but as their friend. Iyon siguro ang isa sa mga hindi makakalimutang natutunan nito sa kaniyang mga namayapang magulang; ang huwag makalimot na tumulong sa mga nangangailangan kahit anong estado pa ang pamuhuhay.Iyong side ding iyon ang
KINUMUTAN NIYA ang mahimbing nang natutulog na si May matapos itong ilapag ni Nathan sa kaniyang kama.Nang mapadako ang tingin niya sa orasan ay pasado alas otso na pala ng gabi. Alas nuebe dapat ay nakarating na siya sa cafeteria kun'di ay talagang malilintikan na siya sa kaniyang amo ro'n. She couldn't afford to lose that job kaya naman aligaga ang naging kilos niya."Are you going somewhere?" si Nathan nang siguro ay napansin nito ang pagmamadali niya. She nodded while tying her hair into a messy bun. "Yep. Part time job lang, at saka saglit lang din naman 'yon," imporma niya rito. Visible ang pagtutol sa itsura ng lalaki kaya naman bago pa ito makaturan ng salita ay dinagdagan na niya ang kaniyang pahayag. "Nathan, ayokong umasa lang sa pera mo. Gusto ko ring buhayin ang mga anak ko gamit ang aking sariling kayod. Sana naman ay maintindihan mo iyon," paliwanag niya sa mababang boses dahil baka magising pa ang mga bata.Sa una ay mababakasan pa rito ang hindi pagsang-ayon, pero k