UMAGANG-UMAGA pa lang ay mapapansing marami na ang nakapila sa Alvarez's Company para sa posisyong sekretarya lamang. Halata sa mga dalaga ang kilig ng mga ito nang napadaan si Nathan sa kanilang gawi. Siya kasi mismo ang personal na manunuri sa mga aplikante upang makilatis niya nang mabuti ang karapat-dapat para sa posisyong iyon.
Kaduda-duda dahil mukhang halos lahat ng mga aplikante ay walang ibang intensyon kun'di ang masilayan lang ang wangis ni Nathan. Guwapo, mayaman, at halos lahat ay nasa kaniya na ngunit fuckboy nga lang at pagdating naman sa trabaho ay parang may galit ito sa mundo kung makabulyaw sa kaniyang mga empleyado. Mukhang hindi yata alam ng mga mag-a-apply na gano'ng klaseng boss siya. He can only think of two reasons for them to choose this job--- either his attractive yet dangerous look or the high salary from which they will benefit.Inaamin niyang kagabi lang ay hiniling niya na magiging magandang dilag at single sana ang gusto nitong maging sekretarya. Pero ang totoo ay half joke niya lamang iyon dahil aanhin naman nito ang ganda ng isang babae kung wala rin naman itong maiaambag na benepisyo para sa kaniyang pinakamamahal na kompanya. At saka, matutugunan pa rin naman niya ang kaniyang kalibugan dahil marami namang mga kababaihan ang nagkakandarapa sa kaniya.Para na ring pamilya ang turing nito sa kaniyang kompanya dahil bukod sa mga kaibigan niya ay ito na lamang ang mayroon siya. Namayapa na ang kaniyang mga magulang, maging ang kapatid nito ilang taon lang ang nakalilipas.Maging ang dati nitong asawa ay nawala na rin sa kaniyang puder. Kaya minsan ay hindi niya maiwasang mapatanong nang ilang ulit sa kaniyang sarili kung bakit halos lahat na lang ng mahahalaga sa kaniya ay nililisan siya.Bigla niya tuloy na-imagine ang pagmumukha ng kaniyang kaibigang si Ashton habang sinasabi ang mga salitang, 'sad boy ka na naman, Thanthan.'Napailing na lang ito sa kaniyang mga iniisip. Hindi na rin naman 'yon nasundan pa nang magsimula nang pumasok ang unang aplikante."Next!" Pasigaw nitong saad sa isa sa mga empleyado niya na namamahala roon. Ang mga isinagot ng unang aplikante kanina ay hindi kaaya-aya ang naging dating sa kaniya. Bukod sa hindi ito eksperto sa posisyong iyon ay nagkakandautal-utal din ito sa pagsagot. Ayaw niya ng gano'n. He has high expectations and doesn't think any of those applicants will meet them. Gusto niya na confident ito kung sumagot, hindi natatakot sa kaniyang presensiya, at laging nariyan para ipaalala ang mga dapat niyang asikasuhin every other day."And? What else do you think you can contribute to our company?" Seryoso ang baritono nitong malamig na tinig.Sa halip na matakot ang babae ay napangisi pa ito. May dinampot siya sa kaniyang pouch at iniluwa niyon ang isang maliit na calling card bago iabot kay Nathan.Nagtatakang tinanggap naman niya iyon. "Actually, I was not really interested in your company. My pure intention is to only invite you to my condo when you're free. Anyway, you're handsome, Mr. Alvarez." Mapang-akit ang tinig ng babaeng iyon bago tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.Hindi na nakaimik pa si Nathan, sa halip ay tinitigan na lamang niya ang likurang katawan ng babae. Makinis at maputi, pasok na pasok sa kaniyang mga tipo."Next!" Sigaw ulit nito. Inabot yata ng ilang oras ang interbyu. Salubong na salubong na nga ang kaniyang makakapal na kilay dahil mukhang wala nga yatang makakaabot sa mga standards niya.Paalis na sana siya dahil halos pagabi na rin, bukod doon ay gusto na niyang magpahinga dulot ng pagod na bumabalot sa kaniyang buong sistema. Pero nanatili siya sa kaniyang kinauupuan nang sabihin ng kaniyang empleyado na iisa na lang ang natitirang aplikante sa labas."Sige, papasukin mo na. Kung sakali mang wala akong mapili ngayon ay ipagpatuloy na lang ulit bukas." Si Ashton ang papupuntahin nito sapagkat ito naman talaga ang may gusto ng pagkakaroon niya ng sekretarya.Dahil medyo natagalan yata ang huling aplikante sa pagpasok ay pinaikot-ikot muna niya ang swivel chair nito nang hindi makaramdam ng kaburyuhan habang naghihintay. Iniisip nito na pagkatapos ng mahabang araw niya ay magtutungo muna siya sa paborito nitong bar para magpainit ng katawan. S'yempre gamit ang alak, hindi ng katawan ng babae, saka lang naman siya nakikipagtalik kapag naaalala ang wangis ng dati niyang asawa.Narinig niya ang pagtunog ng pinto na siguro ay senyales na nariyan na ang huling aplikante. "Sir, nandito na po siya," anang nito bago isarado ang pintuan.Bored na humarap siya sa kaniyang table para basahin ang application form nito."So, you are-----" Naudlot ang dapat sana niyang sasabihin nang manlaki ang kaniyang mga mata sa gulat dahil sa nabasa nitong pangalan mula sa form. Upang kumpirmahing totoo nga iyon ay napadako ang kaniyang tingin sa wangis ng nag-iisang taong kasalukuyang nasa harapan niya na hindi niya kailanman inaasahang masisilayan niya muli."XANDER, anak, ikaw na muna ang bahalang magbantay sa kapatid mo ngayon, huh? Kailangan ko lang mag-apply rito sa sinasabi ni Tita May mo na trabaho. Sayang din kasi dahil malaki-laki ang sahuran," paalam nito sa kaniyang anak na labindalawang taong gulang na habang nagmamadali niyang isinuot ang kulay itim nitong sapatos na halos sira-sira na rin kung titingnan.Tumango ang bata sa kaniya. "Sige po, Ma. Maaasahan po ninyo ako." Hinalikan ni Xandra ang anak bilang paalam. Mali-late na kasi ito patungo sa lugar na kaniyang pag-a-applyan. Paano ba naman kasi ay halos magtanghali na nang sabihin ni May, ang kaniyang kaibigan slash kumare, ang tungkol doon. Kung sabagay, late na rin daw kasi nitong nabasa sa dyaryo.Nagmadali siya sa halos lahat maging sa pagpara ng sasakyan. Kung i-ju-judge ang kaniyang hitsura ngayon ay hindi iyon makakapasok sa pagiging presentable. Hindi kasi ito nakapag-ayos dahil sa labis niyang pagmamadali. Siguro ay sa kompanya na lang niya iyon gagawin pero malabo rin iyong mangyari dahil late na nga siya kung tutuusin, kaya wala na itong natitirang oras pa para doon.Halos manlumo ito nang gabi na nang siya ay tuluyang makatungtong doon. Sa katunayan ay paalis na nga sana ito kung hindi lang siya tinawag ng empleyadong tingin niya ay nagtatrabaho sa kumpanyang kasalukuyang inaapakan niya."Po?" tanging tugon nito.Lumapit nang kaunti ang babae sa kaniya para magkarinigan sila nang mas maayos. "Isa ka rin ba sa mga aplikante sa posisyong sekretarya, Miss?" tanong nito sa kaniya."Opo sana, pero mukhang tapos naman na yata ang interview kaya aalis na lang ho ako. Pasensya na ho sa abala." Bahagya pa siyang yumuko nang kaunti.Ngumiti ito sa kaniya. "Mabuti at nakahabol ka pa nga," turan nito na siyang ikinatigil niya. Muli itong nabuhayan ng pag-asa. "O? Sakto at kalalabas lang ng magiging huling aplikante sana. Saglit lang at ipapaalam ko kay Sir Nathan na ikaw na ang panghuli." Nagmadali itong umalis at hindi na hinintay pa ang magiging sagot sana ni Xandra.Dahil sa binaggit na pangalan ng babaeng iyon ay may naalala siyang tao mula sa kaniyang nakaraan. Nathan din kasi ang pangalan ng dati nitong asawa. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung kumusta na kaya siya ngayon? At kung ano na ang naging pamumuhay niya pagkatapos nitong makalaya noon sa kulungan.Itinigil niya agad ang mga naglalarong katanungan sa isipan niya dahil para sa kaniya ay wala siyang karapatan na isipin pa ang dati niyang asawa dahil sa idinulot niyang sakit dito, pero kahit na gano'n pa man ay hindi naman siya nagsisi sa nagawa niya ilang taon na rin ang nakalilipas."Miss, halika na, dalian mo. Pasensya na, mainipin kasi si Sir Nathan. Goodluck pala sa 'yo, sana makapasa ka," huling bilin nito sa kaniya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan dahil doon. "Sir, nandito na po siya," usal nito bago nito tuluyang isinara ang pinto.Maliit na hakbang ang ginawa niya papunta sa upuang naroon. Nakailang buntong hininga pa siya para pakalmahin ang kaniyang sarili. 'Kaya ko 'to, para sa mga anak ko.'Nang tuluyang humarap ang Sir Nathan na tinatawag nila ay roon niya unti-unting napagtanto na ang Nathan mula sa kaniyang nakaraan at ang kaharap niya ngayon ay iisa lamang."So, you are-----" Gulat ang rumehistro sa mukha nito nang siguro ay napagtanto rin nito na ang kaharap niya ay si Xandra.Pareho silang nagkatinginan. Hindi nila inaasahang muli silang pagtatagpuhin ng tadhana. After ten long years, they finally met again in an unexpected place and time.HINDI matigil-tigil sa pagngiti si Nathan simula nang siya ay makauwi galing sa kompanya nito. Muli siyang sumimsim ng alak na kanina pa niya iniinom."I've already made a decision. She will be my secretary," anang nito sa mapaglarong tono ng kaniyang boses. Kanina pa sila nag-uusap ni Ashton at nagkataong natanong nito sa kaniya ang tungkol sa paghahanap niya ng sekretarya.Ginawaran niya ito ng isang hindi makapaniwalang tingin. "Hindi nga? Seryoso?" kuwestyon pa nito na tinugunan naman niya ng isang tipid na tango lamang. "Teka nga. Hindi ka naman siguro pumili na lang ng basta-bastang aplikante, hindi ba?" bintang pa niya."Why would I do that?" Nagkibit balikat si Ashton. "Siguro dahil tamad ka tapos gusto mo nang mambabae sa bar kaya pumili ka na lang ng kung sino para makalayas ka na agad. Just a hunch, though." Natawa nang bahagya si Nathan. Mapapansin talaga na good mood ito ngayon. "Of course not. Kahit itanong mo pa sa mga empleyado ng kompanya. 'Tsaka kung tutuusin nga a
KABABABA LANG ng tricycle ni Xandra ay rinig na niya kaagad ang malalakas na iyak ng kaniyang bunsong anak mula sa kanilang tahanan. Kaya naman kumaripas siya ng takbo papunta roon matapos niyang mabayaran ang kaniyang pamasahe.Nang siya ay sumilip sa kanilang pintuan ay naabutan niya si Xander, ang panganay niyang anak, na pinapatahan ang bunsong kapatid nito na apat na taong gulang pa lamang. Bigla siyang naawa para dito dahil halatang nahihirapan itong pagsabayin ang pag-aalaga sa kapatid at ang pag-aaral sa mga araling kasalukuyang nakalatag sa study table nito."Kuya, g-gugutom na po ako," utal-utal nitong iyak na wika sa kapatid niya habang itinuturo nito ang sikmura niyang kanina pa kumakalam na tila isang galit na kulog. Maging si Xander ay nagugutom na rin ngunit hindi niya lang ipinapahalata. Napabuntonghininga ito. "Kaunting hintay na lang, Sarah. Paparating na rin naman siguro maya-maya si Mama. May dala iyong ulam panigurado kaya tahan na, ha?" Biglang napadako ang ting
TULALA SI Nathan na pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan mula sa bintanang kaharap niya. Halos wala ng kabuhay-buhay ang kaniyang mukha. Mugto ang mga mata nito na halatang kagagaling na naman sa pag-iyak, maputla ang dati niyang mapupula na labi, at bagsak na rin ang timbang ng katawan niya dahil sa hindi pagkain nang ilang araw.Naging gan'yan na siya simula nang hiwalayan siya ni Xandra, ang asawa nito, na siyang nagbigay-buhay at pag-asa sa kaniya noon. Hindi niya akalaing may sariling pamilya na ito nang wala siyang kamalay-malay. Pabalik-balik na naaalala niya ang pagtanggi sa kaniya ng dalaga noong nakaraang linggo lang. Napakasakit at napakadaya.Nakulong kasi siya kasama ng kaniyang mga kasamahan noon. May pumaslang sa kaniyang mga magulang noong araw mismo ng kaniyang graduation. Humingi siya ng tulong sa mga pulis ngunit hindi nila ito pinagtuonan ng pansin at parang balewala lang siya sa kanilang paningin. Hindi na siya umasa pa simula noon sa batas kaya bumuo ito ng sa
NAPASULYAP na muna si Nathan sa full size mirror niya na nasa kaniyang silid upang suriin kung maayos na ba ang kaniyang hitsura't pananamit. Nang mapagmasdan niyang presentable na ang lahat ay nagmadali na siyang umalis dahil alas singko pasado na ng umaga. Kailangan niyang magmadali dahil hangga't maaari ay ayaw niyang paghintayin ang kaniyang kasintahan.Kadalasan ay alas sais ito pumapasok sa kaniyang opisina pero sa araw na iyon ay baka mali-late siya dahil nais niyang igugol muna ang kaniyang oras para kay Caroline. Matagal-tagal na rin simula nang sila ay huling magkita.Inabot pa ng halos isang oras ang byahe bago nito tuluyang marating ang airport. Naghanap na muna siya ng puwedeng pagparkehan ng kaniyang sasakyan bago kumaripas ng takbo patungo sa loob. Mula sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Caroline na taimtim na naghihintay sa isang sulok kasama ng kaniyang mga maleta. Maya't maya pa ay mapapansing pasulyap-sulyap ito sa kaniyang cellphone na tila ba nag-aalinlangan si
WALANG kahit na anong tulog si Xandra dahil nang mapadako sa orasan ang kaniyang tingin ay alas sais na ng umaga. Nang matapos kasi silang mag-usap kagabi ni May ay nagtungo na siya sa paglalaba ng mga tambak na damit. Isa rin iyon sa mga pinagkakakitaan niya.Sobrang tuwa niya nang ibinigay na sa kaniya ng may-ari ng mga damit ang perang kabayaran nito. Isang libo iyon, sapat na para may pambili siya ng mga masasarap na pagkain ng kaniyang mga anak.Abala siya ngayon sa paghahanda ng pagkain sa lamesa. Nang matapos siya ay sakto ring kagigising lang nila Sarah at Xander. "Mga anak, kain na kayo. Naghanda ako ng masarap na pagkain. Binili ko lang kanina. Medyo mainit-init pa," tuwang-tuwa nitong pagsalubong sa kanila. Unti-unting nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang anak nang matanaw nila ang bundle of fried chicken, spaghetti, kasama na rin doon ang niluto niyang ham, hotdog, at s'yempre ay hindi mawawala ang gulay at mga prutas para healthy pa rin ang mga ito palagi.Gusto niyang
THEY ALL pointed out the direction in which Levi and Xandra went. Ni hindi man lang nag-abalang nagpasalamat ang boss nila pero ayos lang naman sa mga empleyado ang gano'ng pag-uugali nito sapagkat sanay na rin sila kung tutuusin. Ngunit bago pa man siya makahakbang papalayo ay may naglakas nang loob na humabol upang magsalita."Sir Nathan, Miss palang po si Cassandra. Hindi po siya kasal kagaya nang inaakala ninyo," tsismosa nitong saad.Nakuha niya ang atensyon ni Nathan dahilan upang lingunin siya nito. Tila nagulat pa ang babae dahil hindi niya akalaing papansinin siya ng boss niya. Nasanay kasi talaga silang lahat sa pagiging snob nito.Napakunot ang kaniyang noo. "Is that true? I thought she was with that guy named Dexter," tukoy niya sa lalaking ipinalit sa kaniya noon. His jaw clenched while he reminisced about the past.Nagtaka ang lahat sa kanilang narinig. Patago sila na malisyosang nagkatinginan dahil parang malalim ang pagkakakilala ng kanilang boss sa bago nitong sekreta
XANDRA SLOWLY opened her eyes. She had no memory of anything at first, but as she looked about the strange room, memories from yesterday before she had passed out quickly returned. Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya, medyo nahilo pa siya nang kaunti dahil sa ginawa niyang iyon.Mula sa kaniyang tabi ay may nahulog na basang bimpo. Nagtaka siya roon kaya naman hinawakan niya ang kaniyang noo at doon niya unti-unting napagtanto na kasalukuyan pala siyang inaapoy ng lagnat. Ngunit ipinagsawalang-bahala niya iyon dahil kailangan na niyang bumalik sa kaniyang trabaho.Tatayo pa lang sana siya pero biglang bumukas ang pintuan ng silid na iyon. Iniluwa niyon ang isang pamilyar na tao sa kaniyang paningin. "Ashton?" patanong niyang banggit sa pangalan nito. Nagagalak siyang makakita ng taong galing sa kaniyang nakaraan. Matagal-tagal na rin talaga ang nakalipas simula noon. Para sa kaniya ay itinuring niyang kaibigan ito dahil kahit na papaano ay may pinagsamahan din sila bilang magkaibi
MULA SA hindi kalayuan ay kanina pa pinagmamasdan ng lalaki si Caroline. Alam niyang wala silang matinong mapag-uusapan kung sariwa pa rin sa isipan ng babae ang nasaksihan nito kanina sa kaniyang opisina, kaya palilipasin na muna nito ang araw na iyon. Saka na lang siya magpapaliwanag kapag kalmado na ito, at kapag hindi lasing. Aminado rin naman siya sa kaniyang sarili na kahit saang banda ay maling-mali talaga ang kaniyang nagawa. Una ay ang pag-iwan niya rito sa restaurant, at pangalawa ay noong magtangka siyang halikan ang dati nitong asawa. Nahihibang na nga yata talaga siya.Caroline is the one who saved him from his tragic life. Noong mga panahong nagluluksa siya sa paglisan ni Xandra sa kaniya ay ito ang palaging nariyan para damayan siya. Hindi ito kailanman nawala sa kaniyang tabi. Ngunit para sa kaniya ay tanging kapatid na babae lang ang turing niya rito, hanggang sa pinilit niya kalaunan ang kaniyang sarili na mahalin ang babae pabalik para matugunan ang nararamdaman ni
NAGISING SIYA dahil sa malamyos na haplos ng kung sino man sa kaniyang pisngi. Naramdaman pa niya ang bahagya nitong pagtabing sa kapiranggot na buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Patagilid kasi siyang nakatulog dahil sa pagbabantay kay Xander nang hindi niya namamalayan. And just like before, Xandra cried until she dozed off to sleep again.She distanced herself. Kahit hindi niya pa nakikita ang hitsura nito ay alam na niya agad kung sino iyon base sa pamilyar na amoy. "Kumain ka, please. Ilang araw mo nang hindi ginagalaw ang mga niluluto ko." May pagsusumamo sa tinig ni Nathan. Kagaya nang dati ay wala itong anumang natanggap na tugon galing sa kaniya. Bahala itong magdusa.Gayunpaman ay hindi siya manhid. Alam niya sa kaniyang sarili ang kalagayang kumakalam na sikmura, lalo na nang malanghap na naman ang nakakatakam na pagkaing nasa kaniyang tabi lamang.Alas sais na ng umaga nang mapadpad ang kaniyang tingin sa wall clock na tanging maririnig sa buong silid. Bumuntonghining
GISING ANG kaniyang diwa ngunit ayaw niyang magmulat ng mga mata dahil sa labis na takot. Afraid that everything that happened earlier might be true. Na dumudugong nawalan ng malay ang kaniyang bunsong anak, ang panganay naman ay nabalibag nang malakas, siya na natamaan ng bala sa bandang braso at muntikan nang magahasa, at si Nathan, ang lalaking lubos niyang pinagkakatiwalaang makapagliligtas sa kanila sa anumang uri ng trahedya, ay mas inuna pa ang ibang babae."You know, I was really anxious because of those men who surrounded me. But thank you for saving me and making me your priority even though we had already decided to break up." Kahit ano mang pigil ang kaniyang gawin ay hindi pa rin niya maiwasang maluha dahil sa narinig mula kay Caroline.Ayon sa kaniyang hinuha ay medyo may kalapitan ang pinanggalingan niyon. Mariin siyang napakagat sa labi sa takot na baka marinig ang munti niyang paghikbi.Sandaling natahimik ang kausap nito na tumugon din naman kalaunan. "It's not what
THEY HURRIEDLY went to the living room. Naroon na rin ang dalawang batang halata sa mga hitsura na nais pang matulog. Ilang minuto pa lang kasi ang nakalipas simula nang tangayin sila ng kaantukan."Nathan, ano ang nangyayari? Bakit na naman aalis tayo ng madaling araw na? At saka, may kinalaman ba 'to sa putukan na narinig ko?" pabulong na tanong niya rito upang hindi marinig ng kanilang mga anak.Kahit nagmamadali ang lalaki ay sinagot pa rin nito ang kaniyang nililigawan. "Hindi na ligtas ang lugar na ito para sa inyo ng mga anak ko. Sa ngayon ay may paparating na batalyong kalaban dito batay sa ni-report sa akin ng tagamanman kong tauhan. Mag-isa lang siya ro'n, kaya hindi niya mapipigilan ang lahat, ngunit iistorbohin niya sila upang may oras pa tayong makatakas," mahaba nitong paliwanag. Walang pag-aatubaling naghanap ito ng puwedeng sirain mula sa likuran. Mabuti naman nang may nahagilap itong marupok na kahoy na bahagya na ring inaanay. Sa isang malakas na sipa ay nawasak nit
NATHAN'S JAW clenched when he noticed the mark on his son's neck. Halatang may pumuwersang nanakit dito. Sinuri niya pa ang ibang parte ng katawan ni Xander kung mayroon pa ba itong natamong sugat na mabuti at wala na rin naman.Palihim niya ring inoobserbahan si Sarah. She's in good condition, maliban lang na panay ang iyak nito habang kandong ng kaniyang ina."Sino ang gumawa nito sa'yo?" Agad na umiling ang batang karga niya na tila takot na magsumbong. "Come on, kid. I will make sure that whoever did this to you will rot in jail." Para saan pa't may kapangyarihan at kayamanan siya kung hindi niya rin naman maipagtatanggol ang kaniyang pamilya.Isiniksik nito ang ulo sa kaniyang tuxedo. "Papa po 'ata siya ni Tita May. Takot na takot po kaming dalawa sa kanila ng kaniyang asawa. Pinagtanggol ko po si Sarah kaya ako ang napagbuntunan ng galit ng lalaking mahaba ang balbas." Kumuyom ang kaniyang kamao sa narinig na hindi kagandahang balita kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang ki
PININDOT NIYA iyong cctv camera na nakasabit sa matayog na kulay kremang gate. Aware siyang kita ang pagmumukha niya sa mini tablet sa loob."Mom, I'm finally here. Can you open the gate?" Walang buhay ang kaniyang malamig na boses. Ibang-iba ang bersyon nito sa nakilalang May nila Xandra.It's been years since she last went home. Pero para sa kaniya ay hindi bahay ang tawag niya ro'n, sapagkat ang tahanan ay nagsisilbi dapat na pahingaan, ngunit para sa kaniya ay isa iyong bilangguan na nagkakait sa kaniyang kalayaan.She bit her lower lip to control her emotions from bursting into tears. Hindi niya lubos akalaing matapos na tumakas noon ay siya rin pala ang kusang magbabalik nang wala man lang kahirap-hirap sa parte ng kaniyang mga kasuklam-suklam na magulang.Subalit kailangan niyang harapin ang kinatatakutan niyang bangungot alang-alang sa mga inosenteng bata na hindi naman dapat sangkot sa alitan nila bilang magulong pamilya. Kung papipiliin nga siya ay mas nanaisin na lamang niy
DAYS AGO...LAKING PASASALAMAT niya sapagkat sa halos dalawang araw na wala sila Xandra ay naging ligtas naman ang mga bata sa kaniyang pangangalaga. But May is aware that she has only a little time left to make the most of her freedom.Maging sa pagtatrabaho ay isinama niya sila Xander at Sarah upang mabantayang maigi. Nagkataon din kasi na bakasyon ng mga ito na hindi niya naman magawang iwanan lang sa kanilang tahanan dahil sa ano mang uri ng kapahamakang naghihintay sa kanila sa bawat pagpatak ng segundo.She doesn't want to skip work as well as Nathan instructed. Hangga't maaari ay nais niyang maging patas sa mga empleyado ng Alvarez's Company. Alas sais na ng gabi nang saktong siya ay matapos sa duty. Hawak niya ang mga bata gamit ang magkabilang kamay na nilisan ang lugar. Habang nag-aabang ng sasakyan patungo sa kanilang baryo ay bigla siyang natauhan nang kinalabit ni Sarah ang laylayan ng kaniyang damit."Ano 'yon, baby girl ko?" magiliw niyang tanong dito na bahagya pang u
TULALA SIYANG nakatitig sa teleponong nakahandusay sa lupa habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Her hands are still trembling out of fear. Kung kailan na umaayos na ang lahat ay saka naman darating ang panibagong pagsubok.Kung alam niya lang sanang may kapalit na pighati ang sukdulan niyang kasiyahan, but well, that's life. Hindi puro sarap sapagkat palaging may kaakibat na lungkot.Sinikap niya ang kaniyang sarili para makaahon mula sa pagkakaupo kanina. Kailangan niyang magtungo sa lalaki upang humingi ng tulong. Aware naman siya kung gaano kalawak ang kapangyarihan sakop nito, so she hopes that it isn't impossible for them to find their children.Napabuga siya ng hangin na tila ro'n siya humuhugot ng lakas upang magpatuloy. But the millions of thoughts running through her mind continued, causing her to almost collapse. Mabuti na lang dahil bago iyon mangyari ay may mga braso nang maingat na humawak sa kaniyang baywang.The familiar scent lingered in her nose. "
MUGTO ANG mga mata ng halos karamihang nakakasalamuha nila na marahil ay sa pagkawala ng kanilang mga ari-arian, ang ilan pa nga ay namatayan ng mga kapamilya. Pero sa kabila niyon ay nariyan ang matamis na pagngiti ng mga ito dahil sa tulong na kasalukuyan nilang inaabot. The people in Palawan greeted them warmly when they arrived. Inabot ng isang araw at apat na oras bago sila makatungtong sa kanilang destinasyong lugar. Tila nabuhayan pa nga kanina ang mga mata nilang nawalan na ng pag-asa nang matanaw ang wangis ng boss ng Alvarez's Company. Animong ang lalaki ay nagsisilbi nilang bayani na tagapagsalba.Karamihan sa kanila ay niyakap si Nathan na walang arte naman nitong pinaunlakan ang mga 'yon. He's not there as someone successful in his life, but as their friend. Iyon siguro ang isa sa mga hindi makakalimutang natutunan nito sa kaniyang mga namayapang magulang; ang huwag makalimot na tumulong sa mga nangangailangan kahit anong estado pa ang pamuhuhay.Iyong side ding iyon ang
KINUMUTAN NIYA ang mahimbing nang natutulog na si May matapos itong ilapag ni Nathan sa kaniyang kama.Nang mapadako ang tingin niya sa orasan ay pasado alas otso na pala ng gabi. Alas nuebe dapat ay nakarating na siya sa cafeteria kun'di ay talagang malilintikan na siya sa kaniyang amo ro'n. She couldn't afford to lose that job kaya naman aligaga ang naging kilos niya."Are you going somewhere?" si Nathan nang siguro ay napansin nito ang pagmamadali niya. She nodded while tying her hair into a messy bun. "Yep. Part time job lang, at saka saglit lang din naman 'yon," imporma niya rito. Visible ang pagtutol sa itsura ng lalaki kaya naman bago pa ito makaturan ng salita ay dinagdagan na niya ang kaniyang pahayag. "Nathan, ayokong umasa lang sa pera mo. Gusto ko ring buhayin ang mga anak ko gamit ang aking sariling kayod. Sana naman ay maintindihan mo iyon," paliwanag niya sa mababang boses dahil baka magising pa ang mga bata.Sa una ay mababakasan pa rito ang hindi pagsang-ayon, pero k