Home / Romance / The Billionaire’s Secret Bride / Chapter 6 - Bagong Lugar, Bagong Mukha

Share

Chapter 6 - Bagong Lugar, Bagong Mukha

Author: Osh Jham
last update Last Updated: 2025-04-21 18:06:13

Bagong trabaho. Bagong amo. Bagong mundo.

At sa puntong ito ng buhay ni Bhemzly Acson, wala na siyang ibang mapagpipilian. Tinanggap na niya ang alok ni Mr. Jack Devera—isang alok na tila ba hindi lang magpapabago sa kanyang career, kundi pati na rin sa takbo ng kanyang kapalaran.

Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw, gising na si Bhem. Habang ang karamihan ay mahimbing pa ang tulog, siya naman ay abalang inaayos ang kanyang mga gamit para sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Hindi pa siya opisyal na regular sa kumpanya. Wala pa siyang sariling opisina. Kaya naman tuwing working hours, sa opisina muna ng mismong CEO siya nakikitambay—isang set-up na mas nagpalakas ng pressure sa kanyang dibdib. Ayaw niyang malate. Ayaw niyang mapag-usapan. Ayaw niyang bigyan ng kahit anong dahilan ang mga tao para kwestyunin ang kanyang trabaho. Lalo na ang kanyang boss.

Kaya bago pa man tumuntong ang alas sais ng umaga, nakatayo na siya sa harapan ng Devera International Building.

“Kuya, good morning po!” masiglang bati niya sa guwardiyang si Mang Rod habang binubuksan nito ang gate.

“Oh, Bhemzly! Grabe ka talaga. Alas sais pa lang, andito ka na. May pamilya ka na ba’t ganyan ka kung mag-overtime?” natatawang sagot ng guard habang ngumunguya ng mainit na pandesal. Inalok pa siya nito, pero magalang siyang tumanggi.

“Wala pa po, Kuya. Gusto ko lang pong mauna. Ayokong matambakan ng trabaho. Baka malintikan ako ni Sir Jack,” biro niya, kasabay ng mahinang tawa.

“Sa ganda mong ‘yan, parang imposibleng wala pang umaaligid sa ‘yo.”

“Wala po talaga, Kuya. Hindi naman po lahat ng lalaki na-attract sa pagiging workaholic,” sagot niya sabay kindat.

Pagpasok sa building, sumakay siya agad ng elevator at diretso sa top floor kung saan naroon ang opisina ng kanyang boss. Tahimik. Malinis. Amoy mamahaling pabango ang paligid—pabango ni Jack.

Pag-upo niya sa swivel chair ni Jack, agad siyang bumuntong-hininga.

“Report para kay Sir Loi… papers para kay Miss K… Ano pa ba?” bulong niya sa sarili habang inaayos ang mga papel sa mesa.

“Baka may nakalimutan ako. Diyos ko, Bhem, hindi ka puwedeng magkamali. Huwag mong hayaang sisihin ka na naman ni Mr. Devera. Hayst! Sana ‘wag siyang pumasok ngayon. Naiirita ako sa mga titig niya. Parang nang-aakit eh! Pero ang pogi niya talaga, grabe. Ang tangos ng ilong. Hihi—”

Click.

Isang mahinang tunog ng alarm ang umalingawngaw mula sa gilid ng mesa. Napalingon si Bhem—at muntik nang mahulog sa upuan sa gulat.

“J-Ja… Jack?! Kanina ka pa diyan?” nanginginig ang boses niya.

Nakaupo si Jack sa leather couch, pormal, tahimik, pero halatang pinipigilan ang pagtawa. Ang mga mata niya—matatalim, pero may halong aliw habang pinagmamasdan si Bhem.

“Mga forty-five minutes na rin siguro,” aniya, sabay ngisi.

“F-FORTY-FIVE MINUTES?! Langya ka, Jack!” halos mapasigaw si Bhem pero agad napigilan ang sarili. Mabuti na lang at soundproof ang opisina.

“Relax. Natuwa lang akong panoorin kang nagmumura’t kinikilig mag-isa,” sagot ng lalaki, dahan-dahang tumayo.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “S-Sorry po, Sir. Lalabas na po ako. Iha-hatid ko lang itong mga reports…”

“Sure ka?” tanong ni Jack habang papalapit. “Mukhang nanginginig ka pa eh. Gusto mo ng tubig?”

“Hindi na po, Sir. Thank you po. Okay lang po ako!” mabilis na sagot ni Bhem sabay labas ng opisina.

Pagkalabas niya ay halos mapasandal siya sa pader.

“Sh*t. Narinig niya lahat. Pati ‘yung sinabi kong cute siya. Hala ako.”

Dahil sa sobrang hiya, dumiretso siya sa mga departamento kung saan niya ipamamahagi ang mga reports. Doon niya unti-unting nabawasan ang kaba, lalo na nang makasalamuha niya ang ibang empleyado ng kumpanya. Mababait. Propesyonal. Nakangiti.

Hanggang sa hindi niya namalayang natatawa na rin siya sa mga kuwentuhan. Sa dami ng nakilala niya, may dalawang babaeng agad niyang naging kaklose—sina Jane at Lara. Matagal na ang mga ito sa kumpanya. Anim na taon na raw silang naroon.

“Bhem, gusto mo? Kami na lang ni Lara magpakita sa ‘yo ng buong building,” alok ni Jane habang nakangiti.

“Talaga? Salamat! First time ko kasi makakita ng ganitong kalaking opisina,” masiglang tugon ni Bhem.

At sa buong hapon, naging tour guide niya ang dalawa. Ipinakilala siya sa mga head ng bawat departamento, tinuruan kung paano gumamit ng intercom, at isinama pa sa lounge area kung saan may free coffee at mga imported snacks.

“Ang ganda talaga ng training niyo dito. Parang lahat well-mannered,” ani Bhem habang humihigop ng cappuccino.

“Basta kay Boss Jack ka, hindi puwedeng basta-basta lang. Gusto niya, lahat ng empleyado may dignidad at respeto sa trabaho,” sagot ni Lara.

At para pasalamatan ang dalawa, niyaya niya itong mag-dinner.

“Libre ko. Promise. Para lang makatumbas ng pasasalamat,” giit ni Bhem.

Pumayag ang dalawa, kaya pagdating ng alas siyete, magkakasama silang lumabas ng building at nagtungo sa isang Korean BBQ resto malapit lang sa opisina. Tawanan. Kwentuhan. Pagbabahagi ng love life—o kakulangan nito.

“Bhem, aminin mo na. May gusto ka kay Boss Jack, ‘no?” pang-aasar ni Jane habang kumakain ng samgyeopsal.

“Ay, grabe kayo! Hindi ah! Tsaka bakit ko naman magugustuhan ‘yon? Masungit kaya!” pagtatanggol niya, pero hindi mapigilan ang mapula ang pisngi.

“Kahit pa! Ang pogi kaya! Tsaka may aura. Yung tipong kahit galit, gusto mo pa ring halikan!” sabat ni Lara.

“Hoy! Hahaha. Tumigil kayo!” sabay tawa ni Bhem habang tinatakpan ang mukha.

Masaya. Magaan. Pakiramdam ni Bhem ay unti-unti na siyang nag-aadjust. Hindi na siya kabado sa paligid. Hindi na siya naiilang. At sa unang pagkakataon, naramdaman niyang... baka nga tama sila.

Na sa bawat bagong lugar, may bagong mukha.

At ang mga mukhang ‘yon—maaaring maging kaibigan…

O maaaring maging higit pa.

Pero bago matapos ang gabi—isang tawag ang bumasag sa kasiyahan.

Ring! Ring!

Tumunog ang cellphone ni Bhem. Nakalagay sa screen: Unknown Number.

Agad siyang napa-kunot-noo.

“Hello?” bati niya, medyo nagtataka.

“Miss Acson?” malamig na boses ng babae sa kabilang linya.

“Opo, sino po sila?”

“Pasensya na kung istorbo ako. Pero dapat mong malaman... delikado ang pinasok mong mundo. Ang trabaho mo ngayon... hindi ‘yan ordinaryong trabaho. Ingatan mo ang sarili mo. Hindi lahat ng ngiti sa opisina ay totoo. Lalo na ang sa amo mong si Jack Devera.”

Nag-freeze si Bhem.

“Ha? Paano ninyo nakuha ang number ko? Anong pinagsasabi ninyo?”

Pero bago pa siya makapagtanong muli…

Click.

Binaba na ang tawag.

At ang kinang ng masayang gabi—napalitan ng biglaang lungkot at takot.

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 1 - Muling Pagkikita

    "Walang imposible sa mundo… kahit ang muling pagkikita namin." Hindi akalain ni Bhemzly Acson na sa dinami-rami ng lugar at pagkakataon, dito pa sila muling magkikita. Sa isang five-star hotel sa Maynila, sa isang business gala kung saan halos puro negosyante at elite personalities ang naroon, doon niya nakita ang isang taong matagal na niyang kinalimutan—o mas tamang sabihin, pilit niyang kinakalimutan. Si Jack Devera. Hindi na siya ‘yung dating mahiyain at tahimik na binata sa high school. Wala na ang luma niyang itsura na madalas nilang pagtawanan noon. Sa halip, sa harap niya ngayon ay isang makapangyarihan at kaakit-akit na lalaki—matangkad, matipuno, at may karisma na parang kaya niyang paikutin ang buong mundo sa isang sulyap lang. Nakasuot ito ng all-black designer suit, maluwag ang ngiting nasa kanyang labi, at may titig na tila ba matagal nang hinihintay ang sandaling ito. "Bhem Acson." Sa apat na taon nilang magkaeskwela noon, hindi nito kailanman tinawag ang pangala

    Last Updated : 2025-04-15
  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 2 - Teasing My Girl

    Pagkatapos ng gabing puno ng gulat at tanong, dalawang taong muling pinagtagpo ng tadhana ang hindi inaasahang magku-krus muli ng landas sa isang lugar na puno ng kasiyahan. Ngunit sa pagkakataong ito, tila ang tadhana mismo ang may ibang balak. Matapos ang conference meeting ni Jack sa isang law firm, kung saan naghahanap siya ng sampung abogado na may integridad at kakayahang humawak ng mahahalagang dokumento sa kanyang negosyo, bumaba siya ng building mula sa ikapitong palapag. Isang pamilyar na pigura ang agad na nakakuha ng kanyang atensyon. Si Bhem Acson. Sakto namang pababa ito mula sa ikapitong palapag, may dalang sangkatutak na mga papeles—halos hindi na makita ang mukha nito sa dami ng kanyang bitbit. Isang pilyong ngiti ang lumitaw sa labi ni Jack. Hindi niya pinalagpas ang pagkakataong ito. Lumapit siya nang walang paalam. "Hi, Miss. Mabigat ba?" tanong niya habang nakapamaywang, kitang-kita sa ekspresyon niya ang pang-aasar. Napakurap si Bhem at agad siyang napatingi

    Last Updated : 2025-04-15
  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 3 – HIRING DAY :))

    Trabaho o Pride?Halos hindi na nakatulog si Bhem nang gabing iyon. Pagkahatid niya kay Jack sa mansyon nito, sinubukan pa niyang magpahinga. Ngunit tila sinadya ng tadhana na guluhin ang kanyang umaga. Bago pa mag-ika-anim ng umaga, narinig na niyang mag-ring ang kanyang cellphone.“Hello, Miss Bhemzly, good morning po. Pasensya na po sa aga, pero may good news po kami. Ang isa po naming VIP client ay nangangailangan ng sampung abogado upang ayusin ang mga legal na dokumento ng mga ari-arian niya, lokal at internasyonal. Matapos naming suriin ang inyong credentials, napili po namin kayong irekomenda. Puwede po bang maghanda na kayo ng inyong application?”“Salamat po, Ma’am Vhie. Opo, aayusin ko po agad.”Bitin pa sa tulog, nagdesisyon si Bhem na bumangon. Hindi niya kayang palampasin ang ganitong oportunidad—baka ito na ang matagal na niyang hinihintay na pagbabago sa kanyang karera.Habang naghihintay ng masasakyan, sumagi sa isip niya ang isang posibilidad.“Wait… baka si Jack ‘yu

    Last Updated : 2025-04-15
  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 4 - Araw-Araw Ay Hiring Day

    Isang buwan na ang lumipas mula nang unang beses na nagtungo si Jack Devera sa law firm kung saan nagtatrabaho si Bhem Acson. Sa paningin ng marami, iyon ay isang ordinaryong araw ng recruitment. Pero sa katotohanan, tila naging personal mission na ito ng binata—dahil simula noon, araw-araw na siyang dumadalaw. At sa araw-araw na iyon, iisa lang ang aplikanteng sinusuyo niya—si Bhem.Hindi ito basta-bastang paghikayat. May kasama itong effort, charm, at matiyagang panunuyo. VIP si Jack sa kumpanya kaya’t tila may invisible pass siya sa lahat—maging sa mismong manager ni Bhem na laging kampi sa binata.Isang umagang punô ng hamon ang dumating—umuulan ng hindi inaasahan. Walang dalang payong si Bhem, kaya’t na-stranded siya sa isang convenience store malapit sa kanilang opisina. Tawid lang sana at nandoon na siya, pero dahil sa lakas ng ulan, mas pinili niyang magpalipas muna. Ayaw niyang magkasakit at—lalo na—ayaw niyang makipagsagupaan ng basang-basa sa opisina.Ngunit tila pinaglalar

    Last Updated : 2025-04-15
  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 5: Lahat ng Bagay, Gagawin Upang ang Gusto ay Makuha

    Hindi madali para kay Jack Devera ang amining may gusto siyang isang babae—lalo na’t ang babaeng iyon ay ang mismong dahilan kung bakit minsang nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili. Mga panahong ni hindi niya kayang tingnan ang kanyang repleksyon sa salamin.Noong una, ang nais lang niya ay isang simpleng pagbawi ng dignidad. Isang pahiwatig na siya na ngayon ang lalaking kayang tapatan—lampasan pa—ang babaeng minsang nagpaikot sa kanyang mundo. Ngunit habang lumalalim ang bawat araw na nakikita niyang muling humahakbang sa kanyang direksyon si Bhem, ibang damdamin ang unti-unting gumigising sa kanyang puso.Hindi na ito paghihiganti.Ito na ay muling pagkasabik.Pagkagusto. Pagmamahal.Sa bawat araw na nagdaraan sa loob ng kaniyang opisina, tila may misyon si Jack—ang mapalapit kay Bhem. Pero gaya ng dati, mailap ang babae. Tila ba hindi nito tinatanggap ang anumang pahiwatig ng pagkakaibigan o koneksyon. Parang may pader sa pagitan nila na mahirap tibagin—pader ng pride, ng sakit, n

    Last Updated : 2025-04-15

Latest chapter

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 6 - Bagong Lugar, Bagong Mukha

    Bagong trabaho. Bagong amo. Bagong mundo.At sa puntong ito ng buhay ni Bhemzly Acson, wala na siyang ibang mapagpipilian. Tinanggap na niya ang alok ni Mr. Jack Devera—isang alok na tila ba hindi lang magpapabago sa kanyang career, kundi pati na rin sa takbo ng kanyang kapalaran.Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw, gising na si Bhem. Habang ang karamihan ay mahimbing pa ang tulog, siya naman ay abalang inaayos ang kanyang mga gamit para sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Hindi pa siya opisyal na regular sa kumpanya. Wala pa siyang sariling opisina. Kaya naman tuwing working hours, sa opisina muna ng mismong CEO siya nakikitambay—isang set-up na mas nagpalakas ng pressure sa kanyang dibdib. Ayaw niyang malate. Ayaw niyang mapag-usapan. Ayaw niyang bigyan ng kahit anong dahilan ang mga tao para kwestyunin ang kanyang trabaho. Lalo na ang kanyang boss.Kaya bago pa man tumuntong ang alas sais ng umaga, nakatayo na siya sa harapan ng Devera International Building.“Kuya, good morni

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 5: Lahat ng Bagay, Gagawin Upang ang Gusto ay Makuha

    Hindi madali para kay Jack Devera ang amining may gusto siyang isang babae—lalo na’t ang babaeng iyon ay ang mismong dahilan kung bakit minsang nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili. Mga panahong ni hindi niya kayang tingnan ang kanyang repleksyon sa salamin.Noong una, ang nais lang niya ay isang simpleng pagbawi ng dignidad. Isang pahiwatig na siya na ngayon ang lalaking kayang tapatan—lampasan pa—ang babaeng minsang nagpaikot sa kanyang mundo. Ngunit habang lumalalim ang bawat araw na nakikita niyang muling humahakbang sa kanyang direksyon si Bhem, ibang damdamin ang unti-unting gumigising sa kanyang puso.Hindi na ito paghihiganti.Ito na ay muling pagkasabik.Pagkagusto. Pagmamahal.Sa bawat araw na nagdaraan sa loob ng kaniyang opisina, tila may misyon si Jack—ang mapalapit kay Bhem. Pero gaya ng dati, mailap ang babae. Tila ba hindi nito tinatanggap ang anumang pahiwatig ng pagkakaibigan o koneksyon. Parang may pader sa pagitan nila na mahirap tibagin—pader ng pride, ng sakit, n

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 4 - Araw-Araw Ay Hiring Day

    Isang buwan na ang lumipas mula nang unang beses na nagtungo si Jack Devera sa law firm kung saan nagtatrabaho si Bhem Acson. Sa paningin ng marami, iyon ay isang ordinaryong araw ng recruitment. Pero sa katotohanan, tila naging personal mission na ito ng binata—dahil simula noon, araw-araw na siyang dumadalaw. At sa araw-araw na iyon, iisa lang ang aplikanteng sinusuyo niya—si Bhem.Hindi ito basta-bastang paghikayat. May kasama itong effort, charm, at matiyagang panunuyo. VIP si Jack sa kumpanya kaya’t tila may invisible pass siya sa lahat—maging sa mismong manager ni Bhem na laging kampi sa binata.Isang umagang punô ng hamon ang dumating—umuulan ng hindi inaasahan. Walang dalang payong si Bhem, kaya’t na-stranded siya sa isang convenience store malapit sa kanilang opisina. Tawid lang sana at nandoon na siya, pero dahil sa lakas ng ulan, mas pinili niyang magpalipas muna. Ayaw niyang magkasakit at—lalo na—ayaw niyang makipagsagupaan ng basang-basa sa opisina.Ngunit tila pinaglalar

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 3 – HIRING DAY :))

    Trabaho o Pride?Halos hindi na nakatulog si Bhem nang gabing iyon. Pagkahatid niya kay Jack sa mansyon nito, sinubukan pa niyang magpahinga. Ngunit tila sinadya ng tadhana na guluhin ang kanyang umaga. Bago pa mag-ika-anim ng umaga, narinig na niyang mag-ring ang kanyang cellphone.“Hello, Miss Bhemzly, good morning po. Pasensya na po sa aga, pero may good news po kami. Ang isa po naming VIP client ay nangangailangan ng sampung abogado upang ayusin ang mga legal na dokumento ng mga ari-arian niya, lokal at internasyonal. Matapos naming suriin ang inyong credentials, napili po namin kayong irekomenda. Puwede po bang maghanda na kayo ng inyong application?”“Salamat po, Ma’am Vhie. Opo, aayusin ko po agad.”Bitin pa sa tulog, nagdesisyon si Bhem na bumangon. Hindi niya kayang palampasin ang ganitong oportunidad—baka ito na ang matagal na niyang hinihintay na pagbabago sa kanyang karera.Habang naghihintay ng masasakyan, sumagi sa isip niya ang isang posibilidad.“Wait… baka si Jack ‘yu

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 2 - Teasing My Girl

    Pagkatapos ng gabing puno ng gulat at tanong, dalawang taong muling pinagtagpo ng tadhana ang hindi inaasahang magku-krus muli ng landas sa isang lugar na puno ng kasiyahan. Ngunit sa pagkakataong ito, tila ang tadhana mismo ang may ibang balak. Matapos ang conference meeting ni Jack sa isang law firm, kung saan naghahanap siya ng sampung abogado na may integridad at kakayahang humawak ng mahahalagang dokumento sa kanyang negosyo, bumaba siya ng building mula sa ikapitong palapag. Isang pamilyar na pigura ang agad na nakakuha ng kanyang atensyon. Si Bhem Acson. Sakto namang pababa ito mula sa ikapitong palapag, may dalang sangkatutak na mga papeles—halos hindi na makita ang mukha nito sa dami ng kanyang bitbit. Isang pilyong ngiti ang lumitaw sa labi ni Jack. Hindi niya pinalagpas ang pagkakataong ito. Lumapit siya nang walang paalam. "Hi, Miss. Mabigat ba?" tanong niya habang nakapamaywang, kitang-kita sa ekspresyon niya ang pang-aasar. Napakurap si Bhem at agad siyang napatingi

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 1 - Muling Pagkikita

    "Walang imposible sa mundo… kahit ang muling pagkikita namin." Hindi akalain ni Bhemzly Acson na sa dinami-rami ng lugar at pagkakataon, dito pa sila muling magkikita. Sa isang five-star hotel sa Maynila, sa isang business gala kung saan halos puro negosyante at elite personalities ang naroon, doon niya nakita ang isang taong matagal na niyang kinalimutan—o mas tamang sabihin, pilit niyang kinakalimutan. Si Jack Devera. Hindi na siya ‘yung dating mahiyain at tahimik na binata sa high school. Wala na ang luma niyang itsura na madalas nilang pagtawanan noon. Sa halip, sa harap niya ngayon ay isang makapangyarihan at kaakit-akit na lalaki—matangkad, matipuno, at may karisma na parang kaya niyang paikutin ang buong mundo sa isang sulyap lang. Nakasuot ito ng all-black designer suit, maluwag ang ngiting nasa kanyang labi, at may titig na tila ba matagal nang hinihintay ang sandaling ito. "Bhem Acson." Sa apat na taon nilang magkaeskwela noon, hindi nito kailanman tinawag ang pangala

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status