Natahimik ako at iniisip kung bakit niya ako papadalahan ng ganong karaming pagkain.. Ano na naman kayang nais ipahiwatig nito sa akin. Mga tanong niya sa kan'yang sarili miski siya ay hindi niya masagot sagot. Kadalasan kasi ang lalaki parang may mood na kakaiba. Ipinatabi na muna niya ang mga pagkain sa katulong at binilinan na pwede nila itong kainin at pagkatapos niyang magbilin pumanhik na siya sa itaas para makapag palit na rin ng damit dahil nabasa siya kanina sa pagdede ng kan'yang anak. Nang maka akyat na siya sa itaas at nakapasok sa kwarto. Nagkulong muna siya roon at sumagap ng napakaraming hangin. Na hindi niya maipaliwanag ang kan'yang nararamdaman ng oras na 'yon. Nang makapag palit na siya ng bagong damit. Inayos niya muna ang kan'yang sarili. Bago lumabas ng kwarto para puntahan ang kan'yang anak sa ibaba kasama ang Nanny nito. Naabutan niyang nilalaro nito ang anak at dahan dahan siyang lumapit para kargahin ito at patulugin sa pamamagitan ng kan'yang paghele. Mas
VANESSA Buhat ng huling pagkikita at pag-uusap namin ni Caleb bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko at parang namiss ko ang pangungulit at demanding nito. Ganon siguro talaga kapag nasanay ka na parati siyang nandyan tapos kapag nawala bigla mo na lang itong mamimiss. 3 Months later... Ginugol ko ang oras ko sa pag asssist nang mga guest na nagbabakasyon sa resort na pinatayo ni Kuya Charles para sa akin. Ang ilan ay mga noon pang guest at suki na nang resort. Kaya naman ay iba ay kilala ko na rin, ilang buwan na rin ako sa resort at kabisado ko na rin ang ibang guest, lalo 'yong mga may katungkulan sa lipunan at ginagawang gate away ang resort para itago ang mga pang babae nila sa kanilang asawa. Syempre wala nang paki ang resort doon, as long as hindi sila nakaka istorbo o nakakapaminsala nang ibang guest. Napatingin ako sa suot kung wristwatch ko, pasado ala una na pala at lunch break na rin kanina pa. Napatingin ako sa pag ring nang cellphone ko. Isa itong reminder para
Walang kamalay malay si Vanessa, na pabalik na nang resort si Caleb at nakabalik na ito ng bansa na may hinahandang pakulo para sa birthday niya. Nabilinan na rin niya ang cook at staff nang resort lalong lalo na ang kaibigan nitong si Wenny. Habang abala ang lahat sa pag dedecorate para sa surprise party para sa'kaniya, inutos nito sa team leader nila na magrest muna si Vanessa. Dahil nga birthday niya, deserve niya raw munang mag rest, syempre pabor ito sa'kaniya lalo na makakapag pahinga siya mag hapon. Lingid sa kaniyang kaalaman may surpresang nag hihintay sa'kaniya mamayang gabi. Si Caleb naman ay on the way nang resort at kasalukuyang nagda drive patungong flower shop, bibilhan niya muna ito nang regalo bago siya bumalik nang resort. Pinara niya muna ang sasakyan at pumasok sa loob nang shop, kaagad naman siyang inassist nang staff roon at tinanong kung ano ang gusto niyang bulaklak. "Sir, ano po ang napili niyong bulaklak?" tanong nang staff na nag assist sa'kaniya. "
"Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.Imbes na sumagot ito pinaharap niya ako sa kan'ya at hinawakan ang dalawang kamay ko, pagkatapos bigla niya na lang akong niyakap at kinulong sa mga bisig niya at naririnig ko ang lakad nang tibok nang puso niya. Lihim naman akong kinilig sa pagyakap nito sa'akin. Nagtataka man ako kung bakit niya ito ginawa, imbes na umiwas ako mas lalo ko pang inilapit ang aking mukha sa malalapad niyang dibdib. Hindi ko alam kung anong gusto niya, at sumabay na lang ako sa trip na gusto nito. Hanggang sa nag salita siya: "Have you heard my heartbeat?" tanong nito."Yes, bakit?" tanong ko."So you heard your name now?" seryosong tanong nito."Huh? Wala naman akong narinig ah," sagot ko."Meron kaya, Van! Van! Vanessa" sambit nito. Bigla naman akong natawa at sinabihan ito na ang corny mo. Hindi yan bebenta sa'akin." biro ko pa."Ganon ba! Okay, kikiligin ka rin sa'akin," saad nito."Sige na, oo na lang." natatawang sagot ko. Medyo lumalalim na rin
Imbes na halikan niya ako sa labi sa noo lumanding ang labi nito. Bigla naman akong napa dilat at yumuko, pakiramdam ko napahiya ako doon. "Ikaw ha, akala mo ba hahalikan kita?" pang aasar nito. Tinaas ko ang ulo ko at sinamaan ko siya nang tingin. "Joke lang, hindi ka naman mabiro. Nga pala busy ka ba bukas?" tanong niya. "Bukas? Hindi naman. Hwag mong sabihin may pina plano ka na naman matandang hukluban ka." biro ko rito. Na miss ko kasing tawagin siya nang ganon. "Wala naman gusto ko lang mag joy ride kutong lupa," balik na pang aasar nito. "Tsee! Mukha ba talaga akong kutong lupa?" tanong ko. Alam ko naman na hindi ako maganda, pero kutong lupa the nerve, hindi ko yata matanggap 'yon. "Ahmm! Maliit ka kasi kaya ganon. Pero hindi ka naman mukhang kutong lupa, pang inis ko lang sayo 'yon. Effective naman 'di ba?" natatawang wika nito. "Ah! Ganon, binabawi ko na pala ang oo ko," pang aasar ko pa rito. Sabay takbo para habulin niya ako. "Van, wala nang bawiin." sigaw nito ha
Panay tingin ako sa wall clock nang office ko, dahil nasasabik na akong mag gabi na, kung pwede ko lang hilahin ang oras ginawa ko na. May mga files pa akong 'di nache-check at kailangang matapos ko muna ang mga ito. Kaya iwinaksi ko muna ang mga iniisip ko lalo na para mamayang gabi at nag focus muna ako rito. Nang biglang nang ring ang cellphone ko at nang makita ko kung sino ang tumatawag, ang secretary ko pala kaya kaagad ko namang sinagot ito. "Yes!" bungad na bati ko rito. "Sir, bad news. Uulan pala mamaya, change place." saad nito. "What? Do something and fix it. I can't postpone this, so could you do whatever it's possible for." mariing wika ko. "Do you understand?" pahabol na tanong ko. "Yes, sir." mabilis na sagot nito. "Good," sagot ko. Sabay off the call. Ayoko muna nang bad vibes ngayon, dahil baka masira ang araw ko. Sa kasalukuyang abala rin naman si Vanessa sa pag greet nang mga guest na dumadating, dahil gusto niya personally nababati ang mga guest nila.
Habang nasa byahe kami panay linga ko sa paligid. Tinatandaan ko ang bawat daan kung sakaling mag walk-out ako mamaya kapag nag-away na naman kami nito makakauwi ako kaagad. "We're here." biglang wika nito. Pinatay na nito ang engine nang makina at inalis ang seat belt nang aalisin niya na ang sa'akin tinabig ko ang kamay nito. "Ako na," saad ko. Bumaba na ito nang sasakyan at ako naman ay nag-iisip kung tatakasan ko ba siya. Pero mukhang nababasa niya yata ang tumatakbo sa isipan ko. "Don't try to escape, malayo 'to sa bayan huh. Baka mawala ka pa." saad nito. Bumaba na ako nang marinig ko ang sinabi niya. "Huh! Sino ba nag sabing tatakas ako aber?" tanong ko rito sabay simangot na lang rin. "Nevermind. I just remind you, that's it. Shall we go?" aya nito sabay lahad nang kaniyang kamay. Pero dahil hindi tayo marupok ngayon, hindi ko tinanggap ang kamay niya. Kaya naman kumunot ang noo nito at biglang hinila ang kamay ko at pinagdaop ang mga palad namin. "Ano ba, b
One Week later... Simula ng nagtungo kami sa Happy place at nagka usap ng masinsinan.. On the other hand. Katatawag ko lang kay Chandz, pinaalam ko lang sa'kaniya na ikakasal na ako. Kahit matanda na ako naroon pa rin ang pag respeto ko rito bilang kuya niya. Kailangang malaman niya at ako na mismo ang nag sabi kaysa mabalitaan pa niya sa iba. Gustuhin man niyang pumunta hindi pwede, dahil naka out of town sila ni Charles at katulad ko inaayos rin nila ang sinisimulang binubuong pamilya kasama ang makulit niyang pamangkin. I dial Charles number but he didn't answer it. Hinayaan ko na lang, panigurado naman malalaman niya rin ito kay Chanz. Itinabi ko na ang cellphone ko at bumalik na sakanila. Papasok pa lang ako sa loob nang marininig ko na ang boses nila, mukhang tama nga ang desisyon ko na i-invite sila dahil alam kung malaking parte na sila ng buhay ni Vanessa.. Pumasok na ako sa loob ng biglang nagsitahimik sila at bumati ng good afternoon sa'akin. Habang si Vab naman ay
HEXON POV.. I'm Hexon, I love Carmela from the start up to now. Lahat ginawa ko para sa'kaniya, pero baliw siya sa ibang lalaki, naging accessories pa ako sa kabaliwan niya, dahil sa pagmamahal ko nagawa ko ang lahat nang 'yun. Nang bumalik na siyang Palawan, sobrang nalungkot ako. Kaya sinundan ko siya, doon ko nalaman na ang kinababaliwan niyang lalaki ay asawa pala ng bestfriend ko na si Vanessa, minahal ko rin si Van, pero hindi ganon' katindi kagaya ng pagmamahal ko ngayon kay Carmela. Then, nang na meet ko si Carmela, sa'kaniya na umikot ang buhay ko. Kahit alam kung wala akong pag-asa sa'kaniya, nilaban ko pa rin ang pagmamahal ko. Sumugal ako at hindi sumuko katulad nang mga taong nagmamahal. Ika nga nila paf napagod mag pahinga ka lang tapos lalaban ulit. Bumalik ako ng states, dahil buong akala ko malilimutan ko na siya pero mali ako siya pa din talaga ang mahal ko, siya pa din ang nagpapasaya at nagpapa ngiti sa'akin. Kaso sa pagbalik ko nabalitaan kung nakipag kuntsa
After our renewal vows. Nandito kami ngayon sa boracay. Kung saan nag simula ang lahat. Mula sa pagkaka kilala namin, hanggang sa madami pang nangyari. Hindi ko nga lubos akalain na darating ang araw na 'to, na muli kaming magkikita kita at magkakapatawaran pa. I'm so thankful that Carmela, admits her mistakes in the past. And the most importantly is she learned from it. Nalaman niya ring hindi lahat ng gusto mo ay pwedeng mong makuha in just one snap. Hello! Miski naman ako, ang dami kung pinag daanang masasakit na bagay na nangyari muna sa buhay ko bago ko nakamtan ang lahat ng tinamasa ko ngayon. At isa pa ika nga ng lahat our life is too short, kaya sabi rin nila gawin mong makabuluhan ang buhay mo dito sa mundong ibabaw, para wala kang pagsisihan sa pag tanda mo. At maging nakakatawang ala-ala na lamang ang lahat sa pag lipas ng panahon. Iniwan muna namin ang mga partners namin. Nag usap kami Carmela at nagkapatawaran na rin. Birthday naman kasi ng anak ko. At ayokong masira
KINABUKASAN Nagising si Vanessa na may ngiti sa'kaniyang mga labi. Nagtataka man siya at wala naman katao tao sa Mansyon. Nilibot na kasi niya ang loob at laba as in walang tao at siya lang. Anong meron? Nasaan ba sila?" usal ko. Nag gala na naman ba sila. Hanggang sa masagot ang tanong ko sa pag dating ni Mang Pablito. "Ma'am, pinasusundo na po kayo." ani niya. "Nino?" tanong ko. "Mamaya na lang ma'am. Sumakay po muna kayo.. "Sige. Clueless man, sumama ako kay Mang Larry. WENNY POV After One week. Ang renewal of vows nila Vanessa at Caleb ay mangyayari na kung saan ako ang napiling maid of honor at best man naman ay ang bago kong boyfriend Yes! After One week na ligawan sinagot ko rin si Steven. Half Canadian siya at kong tatanungin niyo kong nasaan ang una kong afam ayon patay na. Di joke lang hindi kami kasi magkasundo at lagi niya akong nasasaktan. Kaya bago pa niya ako mategi boom nilayasan ko na siya at hindi na ako bumalik pa. At heto nga si Steven nakilala
Habang nagda drive ako panay tanong naman ako sa mga tao kung may napapansin ba silang ganitong itsura na kulay rin ng Van. Sad to say halos lahat ng natanungan ko ay hindi nila alam. Hanggang sa napadpad ako sa baryo na malayo sa City. Hindi ako pwedeng magkamali yan iyong color ng Van na get away sa pag dukot sa asawa ko. Habang sinusundan ko ito dina dial ko na ang number ng mga awtoridad. In-open ko rin ang GPS ko, para madali nila akong masundan kung nasaan man ako. Ayon rin kasi ang bilin nila sa akin ng nag report ako sa pagkawala ng asawa ko. Dahan dahan kung sinusundan ang Van na ito, sinadya ko rin na malayo ang distansya namin para hindi siya makahalata na sinusundan ko siya. Lulan nang sasakyan si Ben dahil napag utusan siya ng boss niyang bumili sa bayan ng mga gamit nito. Badtrip na badtrip kanina sa Bayan, dahil hindi niya alam kung ano ang uunahing bilhin ang udergarment ba ng bihag o mga damit nito. Kaya bahala na kung magamit niya o hindi, mas maganda nga 'yung w
Kinabukasan habang papasok ako ng opisina, tumawag sa'kin ang investigator ko. "Hello, sir, may lead na po ako sa pinapa hanap niyo. "Anong balita? "Confirm po sir, naka takas siya sa rehabilitation center at pinag hahanap na ng batas. "A-ano??? "Ayon po ang mga nakalap kung impormasyon sir.. "Sige. Balitaan muna lang ako ulit. Matapos ko itong maka usap sobrang nag init ang ulo ko. Hindi siya pwedeng makalapit sa pamilya ko, kaya mabuti na lang may restrain order na akong na-i-file. Sabi ko na nga hindi pa rin matitigil ang kabaliwan nito. Tang in* talaga. Bakit ko ba siya naging kaibigan pa. Hindi sana masakit sa'kin ang lahat. I treat him like my real brother. Pero, sa huli ganito lang pala ang gagawin niya sa'kin. Kailangan kung balaan ang asawa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number nito. Nag simula na itong mag ring. Ringing...... Ngunit nagtataka ako kung bakit hindi man lang siya nasagot. Kinabahan na si Caleb ng mga oras na 'yon kaya b
Walang tigil sa pag ragasa ng luha ko ng makita kung sino 'yung taong nakahandusay. "Honeyyy?" usal ko. Help! Help! Helppppppp., malakas na sigaw ko, dahil puro ito dugo. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Walang man lang nakakarinig ng pag hingi ko ng tulong, sapagkat malalayo nga ang mga tao sa lugar na 'yun. Hindi rin ako makakatawag, dahil naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto sa kakamadali ko. Haixt! "Saglit lang hon, may kukunin lang ako, lumaban ka ha babalikan kita. Promise." wika ko. Sabay kiss ko sa labi nito nang biglang gumalaw ang labi niya at tinugon ang halik ko. Nanlaki ang mga mata ko lalo na't biglang nagka ilaw sa paligid namin. Napatayo ako nang isa-isang lumalapit sa amin ang mga taong may dala dalang ilawan. Nang tingan ko kung sino ang mga ito sina, Luke, Coleen, Charlotte at Bettina, may iba pang tao ngunit 'di pamilyar sa'kin. Isa lang ang nasa isip ko pinagti-tripan niya talaga ako. "Bumangon ka dyan! Bweset ka talaga! Tsee., inis na sigaw k
Matapos ang dinner namin. Napagod na ang mga bata at hinatid na namin ito sa kwarto nila bago kami pumasok sa kwarto namin. Maging ako at ang asawa ko ay napagod ng sobra. Kaya bagsak agad ito sa kama ng pumasok kami sa loob. Hindi nga nag good night kiss man lang sa'kin. Tsss! Natulog na lang rin ako at yumakap rito. Kinabukasan maaga akong nagising, habang ito ay nahihimbing pa rin sa pag tulog. Ayaw ko sanang sayangin ang mga araw na nandito kami, kaya gusto kung sulitin. Gustuhin ko man siyang gisingin, ngunit batid kung napagod ito kahapon kaya ako na lang muna ang magche-check sa mga bata. Lumabas ako ng kwarto at lumipat sa kabilang kwarto. Si Charlotte pa lang ang gising habang katabi si Vanessa Coleen. Sina Calix at Ate Chandz naman ang nasa kabilang kama. "Tita., bakit po?" tanong nito. "Ah! Wala, Charlotte I'm just checking my kids. Naistorbo ba kita?" tanong ko. "Uhm! Hindi naman po tita, actually kakagising ko lang rin po." wika nito. "Uhm! Ganon' ba. Sige,
Seven Years Later..Balik resort na kami at nandito ulit sila kuya Charles at ang mga anak nila. Akalain mo yon naka apat na sila. Ang bilis talaga nilang gumawa ng baby. Nang makabalik kami ng bahay nila ate Chandz, ibinalita kaagad nito ang baby number three na darating, hindi naman talagang halatang excited siya at hayan nga inunahan pa akong mag-sabi. "Wow! That's the greatest news I've ever heard today, " sambit ni ate Chandz. "Me, too, Mom." sang-ayon naman ni Charlotte "So, tito and tito have a new baby again?" excited namang tanong ni Calix. "Yes!" reply ni ate Chand sa anak niyang, hindi man lang nauubusan ng tanong. Medyo sumakit ang ulo ko sa pagod kaya nagpaalam muna ako sa'kanilang lahat. "Hon, ate Chandz, Charlotte, mauna muna ako sainyo, medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon." ani ko. "Sige," sagot ni ate Chandz. Naglakad na ako patungong hagdan. Nang bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya'y napakapit muna ako sa grills ng hagdan at na
GUILLER Napapangisi ako nang ibalita nang mga tauhan ko na nagawa na nila ang lahat ng ipinag-uutos ko sakanila. Kaya naman excited akong pumunta nang lugar na sinasabi nito. Mabilis kung minaneho ang sasakyan ko patungo roon. At hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Alam ko na ang plano ng pakialamero kong pinsan kaya bago niya pa ako mapabalik sa rehabilitation center, kailangan ko munang gawin ang mga plano ko. Hindi ako makakapayag na masaya sila, habang ako magiging miserable sa rehabilitation center. Hindi naman ako baliw at mas lalong hindi ako adik. Hindi pa kasi sila nagmahal ng wagas kaya hindi nila talaga ako maiintindihan kailanman. Mas pinabilis ko pa lalo ang speed level nang pagmamaneho ko para makatakas sa mga sumusunod sa'akin. "Lintek na Hexon 'yun. Bull sh*t! Hanggang kailan kaya siya magiging mapapel sa buhay ko." anas ko. Lumiko ako at pumarada malayo sa restaurant kung saan sila kumakain ng masaya. Pinag mamasdan ko sila sa malayo habang nagkakasiyahan