Share

CHAPTER 3

Gabi na ngayon at nakaupo ako ngayon sa kama ko habang gumagawa ng mga assignments ko.

Hindi ako makapagfocus dahil sa mga nangyari kanina. Iniisip ko ang magiging kalagayan namin ni Mama ngayon dahil nagsimula na magbanta 'yung walang kwenta kong Tatay. Pagkatapos si Ma'am Anna rin…. natatakot ako para sa scholarships ko dahil iba ang pakiramdam ko sa teacher na 'yon…Pagkatapos si Apollo rin….iniisip ko kung tatanggapin ko ba 'yung offer niya…..sa dami ba naman na pantitrip ang ginawa niya sa akin….

**FLASHBACK**

Break time namin ngayon at nasa canteen na ako Kasama sina Princess at Chuchay. Hinihintay namin ni Princess na makabili si Chuchay ng pagkain namin. Ang school na ito ay halos mayayaman na estudyante ang nag-aaral. Pero masaya ako dahil may tindera dito na nagtitinda ng eggsilog,hotsilog at iba pa na kayang bilhin ng mga mahihirap katulad ko.

Habang naghihintay ay gumagawa ako ng assignment namin. Pagkatapos ay ipapakopya ko 'to kina Princess at Chuchay. Kung sino kasi mas nakakaalam minsan ng assignment namin ay siya lang ang gagawa; tapos kopyahan na. Sharing is caring Ika nga nila.

" Wow,naman! Sipag naman! Kahit break time na ay gumagawa pa rin ng assignment! Hindi ka ba napapagod gumawa ng assignment? Sanaol! "

Ito nanaman tayo! Alam ko na kung sino 'to,eh! Si Apollo nanaman! Palagi na lang akong pinagtitripan nito! Halos makabisado ko na Ang amoy at boses niya dahil palagi siyang lumalapit sa akin para pagtripan ako.

Napabuntong hininga ako at isinarado ang notebook ko; ipinatong ko ang ballpen ko sa notebook ko.

" Ano nanaman ang kailangan mo sa akin,kumag? " tumayo ako at lumapit sa kaniya. " Mantitrip ka nanaman? Alam mo napapansin ko ako palagi trip mo! May gusto ka ata sa akin,eh! "

" Ohhhh! Dude! Sabi niya ikaw raw ay may gusto sa kaniya. " asar ni Jonathan kay Apollo.

Dito ako nahihirapan,eh! Kapag nagsasalita 'tong si Jonathan! Pilit na nagsasalita ng tagalog kahit hindi naman bagay sa accent niya kaya natatawa ako.

" Ano'ng ako? Baka Ikaw! Diba nga! Gustong-gusto mong binubully kita dahil naaamoy mo 'yung mabango kong pabango! " inamoy-amoy niya 'yung uniform niya habang nagpapasexy. " At nakikita mo 'yung mga muscles ko! " finlex niya 'yung muscles niya.

Kahit wala naman!

" Nakikita mo rin itong napakagwapo kong mukha! Kunyari ka pa nagalit! Pero,deep inside ay kinikilig ka sa kagwapuhan ko! Baka nga pinagpapantasyahan mo ako,eh! " nagtawanan silang dalawa ni Jonathan.

Pinagtinginan nanaman kami Ng mga estudyante. Sanay na ako sa pangyayari na ganito. Palagi naman niya akong pinagtitripan habang may mga tao,eh!

" Yuck! Ikaw?! Gusto ko?! Pinagpapantasyahan?! Ewww! Mahiya ka nga! Kahit isang beses ay hindi kita inisip, 'no! Yuck! "

" Kunyari ka pa! "

Dumating na si Chuchay dala-dala ang tatlong ice tea at 'tsaka 'yung inorder niyang tatlong eggsilog na nakalagay sa styrofoam.

" Yuck! Iyan lang 'yung ulam mo? Gusto mo bilhan kita? Fried chicken na tig 200 pesos? Nakakaawa ka kasi,eh! "

" Hindi ko kailangan na kaawaan mo ako, 'no! Hindi ko kailangan ng tulong mo at i*****k mo sa baga mo 'yang Fried chicken mo! "

" Style mo bulok! "

" Huwag mo ng pakinggan 'yan at pansinin,Zaylee. Kumain ka na lang dito. " sabi ni Chuchay at ibinaba ang mga pagkaing dala-dala niya.

" Akin na nga 'yan! " kinuha ni Apollo 'yung dalawang ice tea at bigla itong itinapon sa bag ko.

Palagi ko kasing dala 'yung bag ko kahit saan ako pumunta.

Napatayo ako at hinampas siya ng malakas.

" Ano ba ang problema mo,ha?! Bakit pati 'yung bag ko pinagtitripan mo,ha?! Wala ka bang magawa,ha?! Palibhasa kasi may mga pambili kayo ng bago,eh! Kaya ganiyan 'yung mga ugali ninyo! Mga hayop! "

" Baka siguro ngayon ay pwede na kitang kaawaan,Zaylee!!! " nagtawanan silang dalawa ni Jonathan.

Agad kong kinuha 'yung bag ko 'tsaka 'yung notebook at ballpen ko sa lamesa at agad na tumakbo palabas ng canteen.

Sobrang naiinis Ako dahil sa ginawa niya. Gusto kong umiyak no'n dahil nagmanicure pa si Mama ng ilang mga paa at naglako pa ako ng ilang yema para lang makabili ng notebook at papel tapos bubuhusan lang niya ng Ice tea?!

Pumasok ako sa CR ng girls at agad na tinignan 'yung loob ng bag ko kung nabasa ba 'yung mga notebooks ko.

Napabuntong hininga ako dahil isang notebook lang ang nabasa ngunit ito 'yung notebook kung saan ko isinusulat 'yung mga ilalagay ko sa research paper namin. Kaya naman agad akong pumunta sa maaraw na lugar para patuyuin ito bago ulit ako pumasok sa klase namin. Kahit na gugutom na ako ay hindi na ako kumain dahil sa inis kay Apollo.

**END OF FLASHBACK**

Isa 'yon sa pinaka-kinainisan kong pantitrip na ginawa niya. Halos hindi ko na kasi nabasa 'yung mga naisulat ko roon at kailangan ko pang patuyuin 'yung bag ko para lang matuyo. Mabuti na lang at hindi umulan nung time na 'yon dahil kung umulan ay magwawala talaga ako sa galit.

Itinigil ko muna ang paggawa ng assignment at agad na humiga at nag-isip kung papayag ba ako sa offer ni Apollo na isang milyon.

Kung papayag ako ay matutulungan ko pa si Mama at hindi na ako mahihirapan pang magtinda at hindi na rin mahihirapan si Mama na magmanicure….

Kung hindi ko naman 'yon tatanggapin ay maghihirap pa rin kami at Maraming mga babae sa school ang pwedeng maasar sa akin….

Papayag na ba ako…..siguro tama nga si Chuchay na dapat mas isipin ko ang kailangan namin kaysa sa pride ko……'tsaka Isa pa…..para na rin maprotektahan ko si Mama laban kay Papa…..

" Sige na nga! " bulong ko sa sarili ko at nagsimula na ulit gumawa ng assignments.

"Ay! Teka….. "

Paano kung hindi na siya pumayag dahil sa mga sinabi ko sa kaniya at dahil na rin sa pagsampal ko sa kaniya?? Edi wala rin….dapat kasi pumayag na ako no'n,eh! Kaso ayoko namang isipin niya na mukhang pera ako….

Hays! Bahala na nga! Para kay Mama at para sa KINABUKASAN ko! Lulunukin ko ang pride ko at gagawin ko ang lahat para manghingi ng tawad sa kaniya.

KINABUKASAN.

Maaga akong gumising para mapaghandaan ko 'yung gagawin ko mamaya. Pero sa ngayon ay nagluto,naglinis at inayos ko muna ang kailangan kong ayusin para sa school projects ko.

Bumaba ako na dala-dala ang mga school projects ko at dito sa baba inayos. Magandang balita dahil wala si Papa ngayon. Walang kaba at takot akong mararamdaman dahil wala siya.

" Hays. Napakarami ko nanamang dadalhin ngayon…. " bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang mga projects ko at 'tsaka umupo.

" Oh,bakit ang aga mong magising ngayon,Anak? "

Nagulat ako sa sinabi na 'yon ni Mama. Kaya muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko.

" Oh,mag-iingat ka. " inalalayan niya ako. " Bakit parang gulat na gulat ka,Anak? ".

" Hindi po,Ma. Akala ko po kasi multo… " palusot ko.

" Ay,grabe ka. Mukha na ba akong multo? "

" Hindi po,Ma. Mukha pa rin po kayong bata. "

" Ikaw talaga! Nambobola ka pa. "

" Bakit nga pala ang aga mong magising ngayon? May pupuntahan ka ba? "

" Ah. H-hindi po,Ma. May practice lang po kami…..para sa dance project po….Bakit po,Ma? May ipapagawa po ba kayo? "

Hindi ko sinabi kay Mama ang tungkol sa pinaplano ko. Sinabi ko na dance project pero sa totoo ay aabangan ko nang maaga roon si Apollo para kausapin.

" Ah,Hinde; wala naman. Nakakaproud lang kasi gumigising ka pa nang napakaaga para lang sa school projects mo. I love you, Anak. " niyakap niya ako. " Kahit ilang paa pa ang manicurin ko ay hindi ako mapapagod Basta para sa 'yo at sa kinabukasan mo…. "

" Salamat,Ma. Kaya gagawin ko o ang lahat para makapagtapos at masuklian ang mga ibinigay mo sa akin,Ma. "

" Oh,sige. Mamaya na tayo maglambingan dito. Tulungan na kita ayusin 'yan para maka-alis ka na at baka ma-late ka pa sa practice niyo. "

Tinulungan ako ni Mama na mag-ayos ng mga school projects ko at pinaghandaan niya na rin ako ng almusal na kakainin ko mamaya sa school habang hinihintay si Apollo at pinaghandaan ng baon ko.

Dahil din sa mga sinabi ni Mama ay mas lalo akong nagdecide na tanggapin ang offer na 'yon.

Nang matapos na kami ni Mama ay agad akong umalis ng bahay at agad na pumunta sa school namin.

SA SCHOOL

Nasa harapan ako ngayon ng school. 6:00 A.M pa lang ng umaga at kinakabahan ako dahil baka hindi ako papasukin ng guard dahil napakaaga kong pumasok.

Napalunok ako ng laway ko bago naglakad papunta sa gate.

Kinakabahan ako…..sana papasukin ako! Sayang lang 'yung plano ko at paggising ko nang napakaaga kung hindi ako makakapasok dito.

Nang makalapt ako sa gate ay bigla akong hinarang ng guard.

Paktay!

" Saan ka pupunta,ineng? Bawal pa pumasok. Maaga pa lang,oh. Hindi ba't alas siyete ang pasok niyo? Mamaya pang 6:30 ang bukas nito. " sabi sa akin ng guard.

Hayssssss!!

" Ah,Kasi po kailangan ko lang po talaga na makapasok ngayon,eh….importante po talaga… " palusot ko.

" Pero,ineng. Bawal nga; hindi ka ba nakikini— " napatigil 'yung guard sa pagsasalita ng may nagsalita sa walkie talkie niya kuno.

" Ah….Sige po, Ma'am….okay po,sige. " inilagay niya sa bulsa niya 'yung walkie talkie thingy. " Oh,sige. Pwede ka nang pumasok ngayon. Umupo ka lang doon sa waiting shed at huwag ka na pumunta kung saan-saan. " binuksan niya 'yung gate.

" Sige po! Maraming pong salamat! " agad akong pumasok sa loob at agad ring naglakad papuntang waiting shed. Umupo ako roon inilagay rin ang mga school projects ko.

Sana maagang pumapasok 'yung kumag na 'yon…..ayaw ko kasing may makakita sa pag-uusapan namin ngayon….malay ko ba

..baka hindi siya pumayag,eh…..naniniguro lang…

Naghintay ako nang naghintay hanggang sa limang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin si Apollo.

Hindi naman siguro agad-agad 'yun makakapasok ng school….baka mga 6:30 'yon.

Pilit akong nagfofocus na tumingin sa lugar kung saan madalas dumadaan ang mga estudyante kapag papasok kahit na bored at inaantok ako ay pinipigilan ko pa rin.

TIME CHECK: 6:29 A.M

hays! Antagal!!!! Napapagod na ako kakahintay rito! Bahala na nga! Mag-cecellphone na nga ako habang nagbabantay!

Kinuha ko 'yung cellphone ko sa bag ko at agad itong binuksan para maglaro ng 'Candy Crush's maraming mga tao ang nagsasabi na pang matanda lang ito; pero para sa akin ay para sa lahat 'to.

Ang ganda-ganda kayang laruin!

Habang naglalaro ako ay may narinig akong naglalakad papunta sa akin kaya napatigil Ako sa paglalaro at napalingon dito.

Si Apollo!! Sa wakas!!

" Why are you here? Napakaaga mo,ata? " umupo siya sa tabi ko.

" Kasi….." napakamot ako sa ulo.

" So,nagbago pala ang isip mo? Eh,Nung isang araw lang ay nagmamakaawa pa ako sa 'yo pero hindi mo tinanggap 'yung offer ko. "

Teka….bakit parang nagbago 'yung boses niya?? Parang naging cold?? Ah….siguro kakagising lang….

Tanga! Malamang kakagising lang! Aga-aga pa!

" Oo. Nagbago na ang isip ko. Kakailanganin ko kasi ngayon ng pera. Para sa— "

" I don't need your reasons. " tumayo ito.

Edi, don't!!

" Dahil iniwan mo ako nung nakaraang araw…. kailangan mo munang halikan ako sa harap ng maraming estudyante sa school na ito…..tapos…. "

" Ano?! "

" Bakit? May angal ka? You need to do that or else I will find someone na mas better sa 'yo. So kung ayaw mo naman ay makaaalis na Ako… "

" Teka! Sige na nga! Deal. "

" Oops! Nagbago ang isip ko…..bukas may party na magaganap sa isa sa mga hotel ng daddy ko….gusto kong pumunta ka roon at dapat...hahalikan mo ako sa harap ng maraming tao at ipagmamalaki mong ako ang boyfriend mo. "

" Ha?! Pero?! "

" At kapag tapos no'n ay ibibigay ko na sa 'yo ang pera at doon na magsisimula ang pagpapanggap nating dalawa….deal or no deal? "

Ano raw?! Teka….Tama ba 'tong pinasok ko???

Kalma,Zaylee!! Kailangan mo itong gawin para sa Mama mo at kinabukasan mo!

" D-deal…. " sagot ko.

" Good….take this twenty thousand cash. " binuksan niya ang wallet niya at iniabot sa akin. " Bumili ka ng napakagandang damit na isusuot mo bukas. Sa 'yo na ang sukli. " kinuha ko 'yung pera at umalis na ito.

Sa wakas! Tapos na rin! Pero,hindi ako handa para bukas! Ano ang bibilin ko at susuotin?!! Sana kayanin ko! Para kay Mama at para sa akin!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status