" Sinungaling kang bata ka! " pabulong na sigaw niya sa akin habang dinuduro ako ng mga daliri niya.
Sinampal na nga ako...dinuduro-duro pa ako….akala mo naman siya 'yung nagpapakain sa akin….may karma ka rin bwiset ka…Nanginginig ang buong katawan ko at maraming pawis na ang nagsituluan dahil sa sobrang kaba at galit na naramdaman ko.Gusto ko na siyang sagutin,isumbong o kahit ano pa man. Kaso natatakot ako na baka madamay itong pag-aaral ko. Ito pa naman 'yung pinaka-iisang makatutulong sa amin para maka-ahon sa hirap" Ano gusto mong palabasin kay Ma'am Lalaine,ha?! Na sinungaling ako?! Binabantaan kitang bata ka,ha?! Huwag kang gagawa ng isang bagay na ikakasira ko rito! Dahil sisiguraduhin kong madadamay 'yang pag-aaral mo at hindi ka makakapagtapos! " pagbabanta nito sa akin sabay pasok sa kaniyang sasakyan at umalis.Nang makita kong nakalabas na siya ng school. Agad akong naluha; Hindi ganoon karami dahil pinipigilan ko ito….. ayokong makita ni Chuchay na umiiyak amo dahil baka magtanong iyon o baka magsumbong... kaya kahit gusto kong umiyak nang umiyak ay pilit ko pa ring pinipigilan.Agad akong pumunta sa waiting shed at umupo. Kinuha ko sa bulsa ng palda ko 'yung panyo ko at agad na pinunasan ang mga luha ko.Kinuha ko rin ang salamin ko sa bag at tinignan kung halata ba ang pagtulo ng mga luha ko.'buti naman at hindi halata….pero 'yung sampal ng HAYOP na Teacher na 'yon ay kita ko pa rin dahil sa pamumula ng pisngi ko….Idadahilan ko na lang na wala lang 'yan para hindi na siya magtanong pa.Nag-ayos ako ng buhok ko at pinunasan ang buong pawis na tumulo sa leeg at buong mukha ko.Nang matanaw ko na si Chuchay na naglalakad pabalik sa waiting shed ay naglabas ako ng mahabang buntong hininga.Kalma…...kalma…..huwag kang papahalata….." Hoy,Gago! Ginagawa mo?! Bakit ka nakapikit diyan? Nababaliw ka na ba?! " natatawang tanong nito sa akin dahilan para magulat ako sa kaniya.Nakapikit Pala ako? Hindi ko na namalayan,hayop."Oh! " inabot niya sa akin 'yung pinabili kong pagkain. " Gutom lang ata 'yan! Kumain ka na! Para kang nakashabu! "" Buang! Pinakakalma ko lang ang sarili ko dahil sa nangyari kanina sa classroom! Ayoko ngang masira 'yung kagandahan ko! " palusot ko. Ayoko rin kasing mahalata niya na wala ako sa mood ngayon. Baka magtanong pa…." Pero,totoo ba kasi? Na kayo na ni Apollo? " umupo ito sa waiting shed. " Magsabi ka ng totoo sa akin,Zaylee. Kayo na ba ni Apollo? O pinagtitripan ka nanaman no'n? "" Hays! Sige na nga! Kekwento ko na! Basta i-promise mo na huwag mong ipagkalalat 'to dahil susungalngalin ko talaga 'yang bibig mo! "" Oo na! Promise! Cross my heart! " itinaas niya 'yung kamay niya. " Ano ba kasi 'yun?? " bigla siyang lumapit nang husto sa akin." Hoy! Huwag ka ngang masyadong lumapit! Uhaw sa tsismis 'yarn? "" Sorna! Sige! Ikwento mo na kasi! Tagal-tagal pa! "" Huwag ka ngang maingay!! " bulong ko rito habang nakalagay ang daliri sa bibig ko." Oo na! Kwento mo na kasi! Tagal-tagal pa! "" Ito na nga kasi 'yon….kagahapon habang hinihintay ko kayo ni Princess sa waiting shed roon sa labas ng school; Bigla siyang dumating tapos sabi niya sa akin….. "" Ano?? "" Kung pwede ba raw akong magpanggap na girlfriend niya; Edi, Sabi ko: AYOKO. "" Bakit naman daw? Baka may gusto sa 'yo nagpapakipot lang! Yieeee! Sanaoil! "" Ano'ng SANAOIL? Baliw! Wala siyang gusto sa akin! Wala siyang sinabing dahilan. Nung sinabi ko nga na ayoko no'n nagsosorry siya sa akin sa mga ginawa niya! Kapal,'di ba? 'tapos biglang ipagkakalat niya ngayon na naghalikan kami? Never!! "" Dapat tinanong mo kung ano ba meron! 'tsaka, ang kapal nga naman ng mukha niyang manghingi ng favor sa 'yo kahit ilang beses ka na niyang pinagtripan; 'tsaka wala pang kapalit! "" May ibibigay naman siyang kapalit…..kaso nga lang ayoko, 'no! "" Ano ba raw 'yung ibibigay niya at hindi ka pumayag? Siguro walang kwentang bagay, 'no? "" Milyong piso raw. "" Ha?! Ano?! " napatayo ito." Bakit parang gulat na gulat ka riyan?! "" Ano'ng parang gulat na gulat?! Gago ka! Milyon 'yon,beh! Napakalaking halaga na no'n! Dapat tinanggap mo na! Magpapanggap ka lang naman na girlfriend niya,eh! Hindi ba marami ka ring kailangan sa bahay niyo? Oh,tapos nakikishare lang tayo kay Princess ng Laptop! 'Tapos marami na rin tayong gagastusin ngayon dahil graduating na tayo! Kaya dapat tinanggap mo na! Sayang na sayang talaga! "" Edi,sana ikaw na lang ang nagpanggap! Eh, sa ayoko nga,eh! "" Bakit? Dahil pinagtitripan ka niya? Dahil ayaw mong maano 'yung pride mo gano'n? Dapat inisip mo muna 'yung mga kailangan mo kaysa sa pride mo! Sayang! Hay,nako! Nakakastress ka! "Napaisip tuloy ako…..Tama nga naman si Chuchay…..marami kaming pangangailangan ngayon….katulad ng mga: pambayad sa ilaw at tubig, school projects, school supplies; 'tapos graduating na rin ng grade six ng isa kong kapatid; nagpapakahirap din si Mama magmanicure habang 'yung bwisit naming Ama ay nandoon sa kanto busy sa kakashabu….palagi pang inaaway si Mama." Oh,ano ang iniisip mo riyan? Oh,siguro nag nagsisisi ka ngayon, 'no? Dapat Kasi tinanggap mo na! Kung ako sa 'yo, kapag nakita mo bukas si Apollo ay tanggapin mo na 'yung offer. Kaso nga lang hinampas mo na ng pamaypay at sinampal mo na. Kaya, baka hindi na 'yon pumayag o nakahanap na ng iba. "" Andoon ka pala kanina,eh! Bakit hindi mo ako pinigilan? Dapat pinigilan mo ako! Para hindi na ako na guidance! "" Aba! Pinigilan kita kanina kaso hindi ka nakinig kaya pinanonood ko na lang kung paano mo siya sampalin at paghahampasin, 'no! "" Gago! " nagtawanan kami." Oh,sige! Kumain na tayo! Para maka-uwi na tayo at hapon na! Mamaya sabihin nanaman ni Mama na may boyfriend na ako! Hello,Ma?! College na ako,'no! Hindi elementary! "Mabilis kaming kumain at sabay na umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay akala ko nandoon si Mama ngunit pagkarating ko ay sarado ito at walang tao." Teka,nga….nasaan ba 'yung susi… " hinahanap ko 'yung susi sa bulsa ng bag ko. " Ay,ito pala. " binuksan ko ang pintuan at agad na pumasok sa loob.Andaming kalat sa loob ng bahay. Nagbaha ang mga tubig sa sahig at maraming pagkain sa sahig na nasayang lang.Napabuntong hininga at napasapo ako ng noo ko. Sigurado kasing alam kong si Papa ang may kakagawan nito at alam kong nag-away nanaman sila ni Mama. Kaya kinabahan at nag-aalala nanaman ako sa kalagayan ni Mama….Inilagay ko ang bag ko sa gilid ng pintuan at sinimulang linisin at pulutin ang mga kalat sa loob ng bahay. Tinanggal ko lahat ng kanin at mga junk foods na nakakalat; Pagkatapos ay sinumulan kong walisin ang sahig na puro kalat pero hindi nabasa ng tubig; Pagkatapos naman ay pinunasan ko ang sahig at nilagyan ito ng chorine.Ilang minuto na ang lumipas at natapos na ako sa paglilinis ngunit wala pa rin si Mama. Kaya naman napagdesisyunan ko na kunin ang bag ko at umakyat na papuntang kwarto ko para kumuha ng pera sa ipon ko. Kailangan ko kasing magpaprint ngayon.Ibinaba ko ang bag ko sa higaan kong foam na nakabalot ng kumot. Kinuha ko 'yung tupperware ko sa loob ng isang tray kung saan ko ito nilagay at mga gamit ko.Wala kasing pambili ng ibang lalagyan kaya kung ano lang ang meron ay 'yun ang gagamitin namin.Nang sinilip ko ito ay parang may nag-iba ang pwesto nito kaya kinabahan ako. Mabilis ko itong kinuha at binuksan.Nanlaki ang mga mata ko...sampung piso na lang ang natira.Naiyak ako…...dalawang daan na nga lang 'yun 'tapos kinuha pa….Kahit hindi ko nakita kung sino ang kumuha ay alam ko kung sino ang pwedeng magtangkang kumuha nito…..si Papa….panigirado….." Imelda! Imelda! " rinig kong sigaw ng isang lalaki sa baba.Alam kong si Papa ito dahil kaboses niya….Dahil sa galit ay agad kong kinuha ang tupperware at padabog na naglakad pababa ng aming bahay….Tangina niya…..para sa pag-aaral ko 'to at ulam namin mamaya…..'tapos kukunin lang niya para pang-shabu niya…..wala pa naman akong nabenta ngayong araw dahil sa nangyari kanina…Kung pwede lang ay papatayin ko na 'to…." Pa! Pa! " galit at nanginginig na sigaw ko Kay Papa. Halata sa sigaw ko ang halong takot,galit at iyak. " Kinuha mo ba 'yung dalawang daan ko rito,ha?! Panggastos ko 'yun para sa pag-aaral ko at para sa pangkain dito sa bahay! Bakit mo naman kinuha?! Hindi ka ba nag-iisip,ha?! " naiiyak kong kumpronta kay Papa nang tuluyan na akong makababa; nasa harapan ko na siya ngayon." Aba,wala kang galang na bata ka,ha! Tangina mo! Nag-aral ka pa! 'tsaka,oo! Ako ang kumuha! Makasigaw ka naman diyan! Eh,hindi naman isang milyon 'yung ninakaw ko sa 'yo! Dalawang daan lang 'yon,Tanga! ""Ano'ng dalawang daan?! " nanlulumo at naiiyak na sigaw ko sa kaniya!Dalawang daan 'LANG' ?! Tangina niya! Ilang araw ko rin pinagpagurang ibenta 'yung yema na 'yan para maka-ipon ng dalawang daan!" Pinaghirapan ko 'yon,Pa! Ilang araw ko rin 'yon ginawa! Pagkatapos ay nakawin mo lang?! Hindi ka ba marunong magtrabaho,ha?! Puro na lang ba bisyo ang aatupagin mo?! Hindi ka na ba naaawa sa amin ni Mama?! " hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko kaya ko nasabi lahat sa kaniya 'yon…..hindi na siya nagbago! Mas lumala pa siya!" Aba,Ang yabang mo,ha! " bigla niyang hinawakan 'yung panga ko." Bitawan mo nga ako! " tulak ko sa kaniya ngunit hindi ko ito matulak dahil malakas siya." Huwag mo akong niyayabangan at sinasagot! Kayang-kaya kitang patayin ngayon! Tandaan mo 'yan! Wala kang pakialam kung magbisyo ako dahil gusto kong gawin 'yon! " lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa panga ko kaya lalong sumakit ito." Bitawan mo ako! Nasasaktan na ako! " nahihirapan kong sabi kay Papa.Hayop talaga 'to! Walang kwenta talaga 'tong Tatay!" Iyan ang gusto mo,'di ba?! Ayan tanggapin mo 'yabg sakit! Dahil Isa kang bastos na bata! "" Bitawan mo 'yung anak natin! "" Aray! " napaluhod si Papa sa sahig. Hindi ko alam kung bakit kaya napatingin ako kay Mama. May hawak siyang walis tambo. Ayon ata ang ipanalo niya kay Papa kaya natumba." Halika na rito,Anak! Lumayo ka riyan sa tatay mo! "Agad akong tumakbo papunta kay Mama at niyakap ito. Naiyak ako dahil sa takot at kaba. Hindi ko alam kung ano na ang pwedeng mangyari sa akin kung sakaling hindi dumating si Mama." Tangina niyo talaga dalawa,ha! Kahit pagtulungan niyo pa ako! Hindi niya ko Kaya! " tumayo ito at biglang hinablot si Mama sabay sakal kaya nabitawan ni Mama 'yung tambo." Mama!! " agad kong kinuha 'yung walis tambo at agad na ipinalo ito nang malakas kay Papa." Aray! " napahawak siya sa likod niya at nabitawan si Mama; bigla siyang masamang tumingin sa akin at tumayo ito; lumapit Siya sa akin at sasapakin sana ako ngunit bigla siyang hinila ni Mama at sinampal." Huwag na huwag mong tatangkaing saktan ang anak natin! Dahil ako ang makakaharap mo! Gagawin ko ang lahat hanggang sa magkamatayan tayo! "" Mga bwiset talaga kayo ng anak mo!! Babalikan ko kayo rito! Sisirain ko ang buhay niyo! Hindi ko kayo titigilan! Susunugin ko itong walang kwentang bahay niyo! " lumabas ito nang iika-ika.Agad ko namang pinuntahan si Mama at niyakap. Napawi kahit papaano ang takot na nararamdaman ko dahil lumabas na 'yung walang kwenta kong Ama.Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko kapag sinaktan niya si Mama sa harapan ko. Dahil kaya ko siyang mapatay kung magkataon." Okay ka lang ba,Anak? Nasaktan ka ba? Ano ba ang nangyari,ha? " nag-aalalang tanong sa akin ni Mama." Okay lang po ako,Ma. Ikaw po ba,okay ka lang po ba? "" Okay lang ako, Anak. Ano ba ang nangyari,ha? Bakit bigla ka niyang sinasaktan? "" Ninakaw niya po kasi 'yu g ipon ko na dalawang daan,Ma… 'yung kita ko sa yema…. " naiiyak na sagot ko." Dapat hinayaan mo na lang anak….para hindi ka na napahamak….ako na ang bahal huwag ka ng umiyak….gagawa ng paraan si Mama….Basta huwag mo nang uulitin 'yon para hindi ka na mapahamak,ha? Ayokong nasasaktan ka….dahil baka mapatay ko siya…. "" Opo,Ma… " niyakap ko siya nang napakahigpit at umiyak..Hindi ko alam kung magbabago pa itong Tatay ko o Hindi…..pero Isa lang ang alam ko….nanganganib ang buhay naming dalawa dahil sa banta niya kanina…..Siguro nga dapat kong tanggapin ang offer sa akin ni Apollo...Gabi na ngayon at nakaupo ako ngayon sa kama ko habang gumagawa ng mga assignments ko. Hindi ako makapagfocus dahil sa mga nangyari kanina. Iniisip ko ang magiging kalagayan namin ni Mama ngayon dahil nagsimula na magbanta 'yung walang kwenta kong Tatay. Pagkatapos si Ma'am Anna rin…. natatakot ako para sa scholarships ko dahil iba ang pakiramdam ko sa teacher na 'yon…Pagkatapos si Apollo rin….iniisip ko kung tatanggapin ko ba 'yung offer niya…..sa dami ba naman na pantitrip ang ginawa niya sa akin….**FLASHBACK**Break time namin ngayon at nasa canteen na ako Kasama sina Princess at Chuchay. Hinihintay namin ni Princess na makabili si Chuchay ng pagkain namin. Ang school na ito ay halos mayayaman na estudyante ang nag-aaral. Pero masaya ako dahil may tindera dito na nagtitinda ng eggsilog,hotsilog at iba pa na kayang bilhin ng mga mahihirap katulad ko.Habang naghihintay ay gumagawa ako ng assignment namin. Pagkatapos ay ipapakopya ko 'to kina Princess at Chuchay. Kung sino kasi mas
Nakaupo ako ngayon sa waiting shed ng aming paaralan. Naghihintay ako na dumating 'yung dalawa kong kaibigan na napakakulit. Pinagalitan nanaman kasi 'yong si Chuchay ng teacher namin dahil napakaingay niya 'tapos nadamay pa si Princess. Habang naghihintay ako ay kinuha ko sa bag ko 'yung tupperware na may lamang yema na kaninang madaling araw ko ginawa. Kailangan ko kasing makaipon ng pera upang matulungan ko si Mama sa mga gastusin ko sa paaralan. Inilagay ko sa kahel na plastic ang mga piraso ng yema upang mamaya ay mabenta ko ito sa mga taong makakasalubong ko sa kalye. " Hoy! Babae! Kanina pa kita hinahanap! Andirito ka lang pala! " Napabuntong hininga ako. Pamilyar at alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng malalim ngunit makulit na boses na tumawag sa akin. Agad kong ibinaba ang mga tupperware at mga plastic na hawak ko. Tinignan ko kung sino ba 'yung tumawa sa akin.Hays! Sabi ko na nga ba,eh! Hayssss!!!!! Si Apollo na 'KUMAG' , 'MAYABANG' at syempre 'yung pa-cool na 'RIC
Uwian na ngayon. Agad akong lumabas ng classroom namin dahil iniiwasan ko sina Chuchay at Princess. Ayoko muna sila kasabay umuwi dahil baka kausapin nanaman ako ni Apollo at baka asarin ako ng mga asungot; o baka ipagkalat ng malilikot nilang mga bibig 'yung pag-uusap namin. Mga tsismosa pa naman 'yung mga 'yon." Hoy! Zaylee! " habol at tawag sa akin ni Chuchay. Napabuntong hininga ako sabay hinto sa paglalakad.Hays! Naabutan pa ako! " Hoy! Bakit ka ba nagmamadali? Kakatapos pa lang ng klase natin 'tapos bigla ka na lang lumabas nang napakabilis! Ano ba nangyayari sa 'yo? May problema ka ba? O baka naman…..dahil kay Apollo!! " " Ano'ng Apollo? Saan mo naman nakuha o narinig 'yan?! " taas kilay kong tanong sa kaniya;naiinis.Tangina! Ano 'to?! Ambilis talaga ng mga tsismosa? Huwag mong sabihing alam nila 'yung nangyari kahapon?!" Wow,ha! " palakpak ni Chuchay. " Maang-maangan pa ang dalagita! Hoy! Kalat na kaya sa buong 'yung nangyari sa inyo ni Apollo kagahapon! Hindi mo man la