RASHEEQA's POINT OF VIEW
"So what happened next? Hindi ka naman niya siguro sinaktan diba?" kunot noong tanong sakin ni Aiah. Yung manager ko.
Ngayong umaga niya lang nabalitaan ang nangyari sa akin kahapon sa dressing room. Wala naman talaga sa plano ko ang ipaalam sa kanya ang nangyari dahil alam kong mag-aalala lang siya at yon ang ayaw kong mangyari.
Kinuha ko ang tasa at ininom ang tinimpla niyang kape bago siya sinagot. "Anong gagawin ko? Paano kung bigla niyang malaman yung tungkol sa anak namin?" kinakabahan kong tanong.
Alam ni Aiah ang tungkol sa nakaraan namin ni Spruce. Kaya as much as possible, hindi siya pumapayag na magkaroon ako ng project na may koneksyon sa lalaking yon.
"Ang tanga mo din e." asik niya sakin pero nginusuan ko lang siya. "Dapat alam mo na aabot talaga tayo sa sitwasyon na 'to. Naalala mo noong nag-comeback ka sa showbiz? Sinabi ko na sayo na hindi malabong magtagpo ang landas niyo ng demonyong yon. Kilala siyang negosyante dito sa pinas at isa ka sa mga pinakasikat ngayon sa industriya. Did you get my point?" feeling ko sinisermonan na niya 'ko.
Pabagsak akong umupo sa sofa at sumandal. "Pero paano si Rasheen? Hindi naman niya siguro malalaman ang tungkol sa bata, diba?" hirit ko pero inirapan lang ako ng loka.
"Syempre hindi niya malalaman hangga't hindi mo sinasabi. Kaya nga natin sinikreto sa media para hindi niya malaman, diba?"
Kung may award lang siguro sa 'mataray na manager' paniguradong si Aiah kaagad ang best of the best. Tsk
"Mag-ayos ka na dahil may lakad tayo ngayon."
Napabaling ako sa kanya at kunot noong tinanong siya. "Saan naman yan?"
"Gusto kang makausap ni Direk Cole Sabuena para sa new project mo."
New project? Last week lang natapos ang shooting ko para sa previous project ko a. Anyway, bahala na.
"Hey ladies." Napatingin ako sa doorway nang pumasok si Paul kasama ang anak ko. "Ang aga-aga, tsismis kaagad ang inaatupag niyo." naiiling na puna ni Paul pero hindi ko na lang siya pinansin at pinuntahan si Rasheen.
"Good morning, my future." nakita kong aakmang yayakap na sana si Aiah kay Paul pero kaagad na hinarang siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa ulo niya. Matangkad kasi ang loko, tapos 'tong si Aiah naman, ewan ko na lang haha.
"Have you eaten your breakfast?" tanong ko sa anak ko sabay upo para magkapantay ang tangkad namin at inayos ko na din ang uniporme niya.
Si Paul ang taga hatid at sundo niya sa school kaya kampante akong walang masamang mangyayari sa kanya.
"I have secret to tell you, mom." sabi ni Rasheen at tumingin sa gawi ni Paul na kasaluluyang nakikipag-asaran kay Aiah.
"What is it, baby?" tanong ko.
Kaagad siyang lumapit sa tenga ko at bumulong. "Daddy Paul nearly burn our kitchen this morning. He's not really good at cooking, mom."
Gusto kong matawa sa sinabi niya pero mas pinili ko na lang ang hindi matawa. Alam ko naman na hindi marunong magluto ang lokong 'yon kaya nga madalas akong magpadeliver sa bahay sa tuwing dito ako natutulog sa condo.
"Your daddy Paul were only practicing his cooking skills just to impress your mommy Aiah. Pagbigyan mo na lang si Daddy mo, huh?" malumanay kong paliwanag sa kanya kaya tinanguan niya lang ako at yumakap sakin.
Sina Aiah at Paul ang tumatayong mga magulang niya lalo na kapag nasa public kami. Kahit nasa murang edad pa lang si Rasheen, naiintindihan na niyang hindi niya pwedeng ipagkalat na ako ang totoo niyang ina sa mga taong kakilala niya. Ayoko kasi na pumasok siya sa magulong mundo na meron ako.
"I still have another confession to make, mom." sabi niya at napahiwalay sa akin ng yakap. "Promise me first not to get mad after." malambing niyang sabi tsaka pilit na ngumiti.
Tumango na lang ako kahit medyo kaduda-duda ang sasabihin niya.
"Kahapon po kasi..." medyo nag-aalangan pa siya
"Bakit? May nangyari ba sayo kahapon?" tanong ko sabay hawak sa magkabila niyang balikat.
"While I'm waiting for you sa pantry ng working place mo. I met a guy and he insults you mommy. That's why I can't help myself but to defend you and that's the reason why I accidentally told him that you're my mom." paliwanag niya at yumuko pagkatapos.
"Anong sinabi niya pagkatapos?"
"I already walk out bago pa siya makasagot."
Niyakap ko na lang si Rasheen at hinaplos ang likuran niya. "It's okay, baby. Mommy is not mad." malumanay kong sabi at muli siya iniharap sakin. "Tell your daddy Paul na magpapahatid ka na sa school. Ipapasundo na lang kita during your lunch break at sasabay ka kay mommy na kumain. Okay ba yon?" nginitian ko siya kaya ang kaninang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng ngiti. "Ganyan dapat baby. Dapat smile ka lang para kasing ganda mo si mommy."
"Tapos na ba kayong mag-usap?" sulpot ni Paul kaya kaagad akong tumayo at binatukan siya. "Anak ng— what was that for?" angal niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"May plano ka talagang sunugin ang bahay ko, ano?"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero mabilis siyang lumapit kay Rasheen at hinila ito palabas sa unit ko. "Male-late na pala 'tong anak ko. Mauna na kami, bye." sagot niya at wala pang isang segundo na nawala sa paningin ko.
"Bye mommy." dinig ko pang sigaw ng anak ko kaya napailing na lang ako.
"Sasabay na ako sa asawa ko at magkita na lang tayo mamaya sa studio para makapag-usap kayo ni Direk, okay?" sumunod na umalis si Aiah para sundan ang asawa niya kuno.
Hays.
Niligpit ko na lang ang mga tasa sa table na nandito sa living area tsaka dumiretso sa kusina. Hinugasan ko ang mga ito at muling bumalik sa living area.
Saktong biglang tumunog ang doorbell kaya mabilis akong pumunta sa pinto dahil baka may naiwan si Aiah o di kaya'y si Paul. Pero sigurado akong si Aiah 'to dahil siya lang naman ang burara sa aming tatlo.
"Siguraduhin mong importante ang—" bahagya akong napahinto nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. "Bakit ka nandito?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at pumasok na lang sa unit ko nang hindi man lang nagpapaalam sakin.
"How's your sleep?" nakapameywang na tanong niya sakin habang nakatalikod at ini-inspeksyon na naman ang unit ko.
"Sabihin mo na ang pakay mo pero siguraduhin mong walang kinalaman dito ang proposal mo kahapon." seryoso kong sabi kaya napabaling siya sakin at ngumisi.
Hindi bagay sa suot niya ang ngising nakapaskil sa kanyang mukha.
"What about Rasheen? Did she sleep well?" tanong niya sakin na ikinabigla ko.
Bakit kilala niya ang anak ko?
"Who's Rasheen? Is she one of your girl?" sinubukan ko ang umakto ng maayos dahil kapag nalaman talaga nitong anak ko si Rasheen, paniguradong katapusan ko na.
"C'mon Rasheeqa." nagpakawala siya ng mala-demonyong tawa bago lumapit sakin. "Magiging child abuse ako kapag pati anak mo ay pinatulan ko." ngisi niya.
Muli na naman akong nakaramdam ng takot at kaba. Parang nanumbalik ang naramdaman kong takot, siyam na taon na ang nakalipas.
Is he really planning something against me? D-mn this jerk.
RASHEEQA's POINT of VIEW"Huwag na nating gawing komplikado ang lahat, why not pumayag ka na lang sa gusto kong mangyari?" Naglakad siya patungo sa mahabang sofa at prenteng umupo.May ugali din siyang magpaka-feel at home sa bahay ng iba. Wow."Umalis ka na lang kung ayaw mong idemanda kita ng trespassing." pananakot ko kahit na alam kong hindi oobra sa kanya ang mga ganito."I owned fifty percent of this condominium building. Just so you know."Right. Ang sarap isaksak sa baga niya ang porsyento niya sa gusaling 'to.Lumapit ako sa kanya at mariin siyang tinitigan habang nakapameywang. "Hindi mo ba talaga ako titigilan?" tanong ko pero umiling lang siya.Bakit ba kasi ako ang pinipilit niya kahit ayaw ko naman talaga. Sa lawak ng business niya, sigurado akong hindi na niya ako kakailanganin para lang mag-end
RASHEEQA's POINT of VIEW"There's no need for you to guard me. Sigurado akong hindi na nila ako masusundan dito. Tinawagan ko na din ang manager ko para papuntahin dito kaya pwede ka nang umalis." sabi ko habang nakatingin sa kabuuan ng resto. Walang masyadong tao at mahigpit na nagbabantay ang security guard sa entrance."I'll stay whenever I say so."Napayoko na lang ako at inayos ang suot kong shades para masigurado kong walang makakakilala sakin dito kung sakali man."Alam kong marami ka pang gagawin at masasayang lang ang oras mo—""I am the boss, remember?"Mabuti na lang at naka-shades ako ngayon. Malaya akong umirap dahil sa kapreskuhan ng lalaking 'to."A-Alam ko, kaya nga kita pinapaalis dahil may mga dapat ka pang asikasuhin sa mga oras na 'to." rason koBakit kasi hindi n
RASHEEQA's POINT of VIEW"I will take full responsibility of Rasheeqa.""Ha?" usal ni Aiah at tila nag-aabang ng sagot kay Spruce."I-If she will only sign the contract with us. Natural na maging responsibilidad ko siya dahil ako ang employer."Oh geeez. He's still into contract. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Hayok na hayok yan sa katagang successfull. Hindi pwedeng ihiwalay ang pangalan niya sa salitang success."Hakdog ka pala e." medyo napasigaw pa si Aiah dahilan para mapatingin samin ang ibang taong kumakain."Tama na yan, Aiah. Umalis na tayo." muli ko na naman siyang hinila palayo kay Spruce.Malaking gulo pagnagkataong mag-eskandalo dito 'tong babaeng 'to. May ugali din kasi siyang ayaw magpaawat."I will be seeing Rasheen later this noon. Wanna join?"Kunot n
RASHEEQA's POINT of VIEW"Ayusin mo nga 'yang mukha mo." suway sakin Aiah at tinapon ang isang pack ng chips sa mukha ko.Nandito kami ngayon sa mismong bahay ko pagkatapos naming umalis sa resto. Pina-reschedule na din ni Aiah ang meeting namin kay Direk Cole dahil feeling ko magiging lutang lang ako pagnagkataon."Katapusan ko na ba?" wala sa sariling tanong ko sabay bukas sa chips at dumukot ng konti.I'm on diet at alam kong bawal 'to sakin. Pero si Aiah naman ang nagbigay kaya ayos lang."Ang OA mo, swear."Wow. Nagsalita ang hindi."Magiging maayos naman siguro ang lahat kapag pumayag kang maging endorser nila." dagdag pa nito kaya inis ko siyang binalingan."Paano magiging maayos ang lahat kung ang hinayupak na 'yon ang boss?" tanong ko sabay subo ulit sa chips."Wha
THIRD PERSON's POINT of VIEW"If I am not mistaken, He is the father of Rasheen, right?""Daddy Paul is not my Dad."Parang bigla yatang namutla si Rasheeqa pagkatapos ng ilang ubong pinakawalan niya. Kailangan niyang paganahin ang utak niya at mag-isip ng magandang depensa sa sinabi ng bata.Alam ni Rasheen na hindi niya totoong ama si Paul, pero nakasanayan niya itong tawaging Daddy dahil ito ang pumupuno sa pagkukulang ng totoo niyang ama."I mean, he is not just my Dad because he is my kuya, my only bestfriend, my playmate and my everything. That's what my Daddy Paul makes the best Daddy ever." dagdag ni Rasheen at parang nakapagtanggal iyon sa tinik na nararamdaman ni Rasheeqa.'Argh. Bakit ba ako pumayag na isama 'to?' isip isip ng dalaga dahil muntikan na naman siyang mabuking sa pangalawang pagkakataon."Is that
THIRD PERSON's POINT of VIEW"Marami po ang nag-aabalang sa wakas ng 'Extraordinary Love'. Pwede niyo po ba kaming bigyan ng kaunting detalye sa mangyayari ngayong gabi?" tanong ng isang reporter kina Rasheeqa.Maraming blogger at reporter ngayon ang nagcocover ng press conference sa proyekto nila Rasheeqa na matagumpay na magtatapos. Sa totoo lang matagal nang natapos ang shooting sa palabas nila sa telebisyon pero dahil ngayong gabi ang huling 'airing' ng Extraordinary Love, kaya sila nagpatawag ng press conference."Siguro medyo malungkot na masaya ang magiging wakas ng kwento. Dito po natin matutunghayan kung hanggang saan nga ba tutungo ang relasyon nila Samantha at Kian sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Kaya sa mga mahal naming manonood, huwag niyo pong papalagpasin ang gabi ng huling episode ng pag-iibigan nila Samantha at Kian." paliwanag ng katabi niyang artista na si Wayne
RASHEEQA's POINT of VIEWIt's been four hours pero hindi parin napapagod ang dalawang 'to sa kakalaro. Pagkarating namin sa mall, kaagad na nagyaya si Rasheen sa arcade station at lahat yata ng mga games machine ay nasubukan na nila. They even tried smash bumpcar pero ako lang yata ang hindi maka-relate sa kanila."Yung kulay pink na rat." dinig kong sabi ni Rasheen kaya napatingin ako sa kanila.Kasalukuyan silang naglalaro sa claw machine habang pasimple lang akong nakaupo sa stool na malapit sa nilalaruan nilang machine."Susubukan ko ulit."Halata naman na dinadaya lang sila ng machine. Mabuti sana kung maubos ang token nila e, kaso hindi. Si Spruce ang may-ari ng mall na 'to kaya malabong maubusan ng token ang mismong may-ari."Matagal pa ba yan?" tanong ko.Nababagot na 'ko."How much is
RASHEEQA's POINT of VIEW"Forget about what we did earlier." pagbasag ko sa katahimikan.Kasalukuyang nagmamaneho ngayon si Spruce at natutulog naman si Rasheen sa backseat habang dito naman ako nakaupo sa frontseat.Mabuti na lang at hindi kami nakilala ng mga tao kanina. Inakala nilang ibang tao ang naghahalikan dahil iba na ang kulay ng damit ko at nakatalikod si Spruce sa side nila."Naipit lang ako kaya ko nagawa 'yon."Napatingin ako sa kanya na nakapokus lang sa pagmamaneho. Kanina pa niya ako hindi kinakausap magmula noong matapos kong gawin ang kahindik-hindik kong desisyon.Galit ba siya sakin? O baka naman galit siya sa halik ko? Hindi naman mabaho ang hininga ko a."Mabango kaya," bulong ko pagkatapos kong amuyin ang sarili kong hininga.Dapat nga matuwa pa siya e. Nakahalikan niya
EPILOGUERASHEEQA's POINT of VIEWInakbayan ako ni Aiah at hinaplos ang likuran ko para pakalmahin ako. Nakiki-simpatya din ang iilang nandito at hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak habang pinagmamasdan ang kabaong na unti-unting ibinababa.Ito na ang huling araw na makikita ko siya at ihahatid sa huling hantungan. Hanggang ngayon, parang ayaw pa din mag-sink in sa utak ko ang nangyari sa kanya. Masyadong mabilis ang pagkawala niya at ayaw tanggapin ng puso ko na wala na siya."Sigurado ka bang magpapaiwan ka lang dito?" biglang tanong ni Aiah nang kaming dalawa na lang ang maiwan dito. Nagsiuwian na ang iba pero ayaw ko pa ding umuwi dahil gusto kong mapag-isa.Napatingin pa ako sa ulan na walang tigil sa kabuhuhos bago tumingin sa kanya sabay ngiti tsaka tumango. Medyo nag-aalangan pa siya pero maya-maya'y umalis na din kagaya ng iba. Mag-isa na lang ako kaya hindi ko maiwasang malungkot muli. If I could bring back time, sana nagawa ko pang sam
CHAPTER FORTY-fourRASHEEQA's POINT of VIEW"How was your wound? Baka mapano ka at—""Pwede ba, tigilan mo ko sa kakakuda mo. Alam mo naman na tinamaan ako, diba? Natural lang na hindi okay 'tong binti ko. Tsk. Why asking the obvious?" sigaw sakin ni Anastasia kaya napayoko na lang ako at hindi na nagsalita.Ikinulong na naman nila kami sa kwartong pinagkulungan nila sakin. Ang pinagkaiba nga lang ay itinali na nila kami gamit ang lubid at ultimong pagpahid lang sa pawis ay hindi namin magawa dahil sobrang higpit ng pagkakagapos samin."Aalis tayo dito, ngayon mismo!"Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Anastasia. Tinitigan ko siya at nakita kong napatitig siya sa likuran ko. Lumingon naman ako para titigan ang nasa likuran ko at muling napabaling sa kanya nang wala akong makitang hint kung ano ang tinititigan niya."I already informed your manager kung nasaan tayo ngayon, bago pa man ako makarating
CHAPTER FORTY-threeTHIRD PERSON's POINT of VIEW"I'll call you kapag nakarating na ako sa address na sinend sakin ni Aiah. Bye." kaagad na tinapos ni Spruce ang tawag kay Kalex at nagmamadali niyang kinuha ang susi niya na nasa maliit na drawer. Nagpaalam muna siya sa kanyang sekretarya na may pupuntahan siya, bago tinungo ang elevator."Ingat po kayo, sir!" sigaw pa ng sekretarya niya.Pagkalabas ni Spruce sa elevator, dumiretso siya sa kanyang kotse. Humarorot ito nang sobrang bilis at wala siyang pakialam kung malabag man niya ang batas sa daan. Gulong-gulo ang utak niya at halos mabaliw sa kakaisip sa posibleng mangyari kay Rasheeqa."Hinay hinay lang sa pagmamaneho, Spruce." biglang nagsalita ang lalaking nasa likuran. Sa sobrang pagmamadali niya kanina, hindi niya namalayan na may ibang taong nakasakay sa backseat. Nakasuot ito ng itim na cap at dahan-dahang umangat ang tingin sa rearview mirror para tignan siya. "Parang nakakita ka yata ng
CHAPTER FORTY-twoANASTASIA's POINT of VIEW"Kamusta na siya?" baling ko kay Kairo pagkatapos kong tignan ang pinsan kong walang malay at nakahiga lang sa sahig."Ayan! Tulog!" sagot niya atsaka tumalikod at naglakad palabas ng kwarto.Inis kong tinanggal ang suot kong shades at nakangiwing tinitigan muli ang pinsan ko. Sinubukan ko pa itong gisingin gamit ang paa at hindi naman ako nabigo dahil kalauna'y nagising din siya."Mabuti naman at nagising ka na. Huwag kang magbuhay señorita dito dahil nanganganib ang buhay mo." mahina kong sambit pero diniinan ko ang bawat salita para maramdaman niyang naiinis ako.Ang tanga tanga naman kasi nitong babaeng 'to. Kung nakinig lang sana siya sakin, edi sana wala siya dito ngayon. Minsan nagdududa na rin ako kung pinsan ko ba talaga 'to o hindi. Wala akong kamag-anak na tatanga tanga."A-Anong ginagawa mo dito?" nanghihina niyang tanong dahilan para mapairap ako.Why stating the o
CHAPTER FORTY-oneRASHEEQA's POINT of VIEW"What brings you here?" tanong sakin ni Spruce habang naglalakad kami papalapit sa sofa. "Sana tumawag ka na lang sakin para hindi na hassle sayo ang pagpunta rito." dagdag niya sabay upo."Kailangan kasi kitang kausapin—" bahagya akong napahinto at napatingin sa mga kasama niya na nakatingin din sakin. Yung mga hitsura nila, parang ewan na kinakabahan. "Guys, ako lang 'to" natatawa kong usal kahit hindi ako komportable sa mga titig nila."Don't mind them. Mga walang tulog pa ang mga 'yan." singit ni Spruce, kaya naupo na lang din ako sa sofa."Anyway, I came here to tell you na magpapa-press conference ako mamaya. I want you to be there, kaya tatawagan nalang kita kung anong oras magsisimula. Okay?" sabi ko sa kanya at nag-thumbs up pa.Medyo kumunot ang noo niya bago sumagot. "For what? I mean, bakit magpapa-press con ka?" naguguluhan niyang tanong."Walang sinabi sakin si
CHAPTER FORTYRASHEEQA's POINT of VIEW"Ayusin mo ang pose mo." reklamo sakin ni Aiah, kaya hindi ko mapigilan ang mapairap dahil sa kabaduyan niya. "Para 'to sa mga fans mo na naghahanap sayo, kaya huwag ka nang mag-inarte at ayusin ang pose mo." sabi pa niya habang nakatutok sakin ang Canon camera na hawak niya.Gusto niyang umakto ako na parang masama ang pakiramdam, para may dahilan daw ako kung bakit hindi ako nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw. Ang galing ng manager ko diba? Ang sarap ibalibag.Click dito, pose doon. Hindi ko alam kung nakailang shots siya sakin. Basta nag-pose lang ako ng pose at daig pa ang totoong may sakit ang lagay ko ngayon."Pwede ko na bang puntahan si Spruce?" tanong ko sa kanya habang abala siya sa kakatitig sa mga kuha ko.Simula pa kahapon nang makauwi ako dito, hindi ko man lang siya nakausap dahil bantay sarado ako kay Aiah. Medyo hindi din daw kasi maganda ang resulta ng pag-amin ni Spruce sa relasy
CHAPTER THIRTY-nineTHIRD PERSON's POINT of VIEWDahan-dahang napamulat si Rasheeqa mula sa pagkakatulog at inunat ang kanyang mga braso. Napabangon siya para tingnan ang oras sa wallclock. Pasado alas otso y medya na ng umaga. Baka kanina pa naghihintay sa kanya si Spruce sa baba.Kailangan niyang makabawi sa binata dahil hindi naging maayos ang usapan nila kahapon. Galit pa din kasi ito sa kanya, at hindi niya malaman kung paano suyuin ang isang lalaking mas komplikado pa mag-isip kumpara sa kanya.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Nakasanayan na niya tuwing umaga ang maligo pagkagising at kadalasa'y umaabot pa sa isang oras ang pananatili niya sa banyo, maliban lang ngayon na mahigit labinlimang minuto lang ang itinagal niya sa loob.Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, kaagad siyang lumabas sa kwarto at dumiretso sa kusina. Bahagya siyang nanlumo nang hindi niya nadatnan ang binata dito. Nagtataka siyang iginala
CHAPTER THIRTY-eightRASHEEQA's POINT of VIEW"Why aren't you listening to me? He's just my fan, nothing else." sabi ko pagkalabas ko sa kotse at isinara ang pinto nito. Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. "Sorry for not informing you na nakipagkita ako sa isang fan. Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa kanya, kaso mapilit siya. Pinilit niya ako." rason ko pero hindi niya pa din ako pinapansin.Kanina pa ako nagpapaliwanag sa kanya habang nagmamaneho siya pauwi, pero hindi parin niya ako kinakausap.Umakyat siya sa hagdan, kaya naiwan akong nakatayo at laglag balikat na sinundan siya ng tingin. Hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya, hindi man lang niya ako binalingan ng tingin, kahit saglit lang.Dumiretso na lang ako sa kusina para maghanap ng maiinom. Pagkabukas ko sa fridge, saktong may nakita akong dalawang soda. Kinuha ko ang mga ito at naglakad patungo sa kwarto ni Spruce. Baka sakaling magkabati kam
CHAPTER THIRTY-sevenRASHEEQA's POINT of VIEW"Sa kotse na lang ako maghihintay." paalam ko kay Spruce habang papunta kami sa counter para bayaran 'tong pinamili namin.Kakatapos lang namin mamili at atat na atat na akong makaalis dito. Konti na lang talaga at hello manila na ako maya-maya."Sigurado ka?""Medyo nakakahalata na din kasi ang mga tao dito kaya kailangan ko nang makaalis." sabi ko pa at napatango-tango naman siya nang makitang pinagtitinginan na kami ng ibang nandirito."Okay," ibinigay niya sakin ang susi kaya abot ang ngiti ko itong tinanggap. "Make sure na hindi ka tatakas." paninigurado niya pero hinalikan ko na lang siya sa cheeks para hindi na siya magduda."I won't." ngiti ko tsaka nagpaalam. Tinungo ko ang exit ng mart para maisagawa ang balak ko. Mukha pa akong timang na may pangiti-ngiti dahil sa wakas, makakauwi na ako."Thank you, come again." sabi ng security pagkalabas ko sa exit.Goodbye Cavi