RASHEEQA's POINT of VIEW
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo." suway sakin Aiah at tinapon ang isang pack ng chips sa mukha ko.
Nandito kami ngayon sa mismong bahay ko pagkatapos naming umalis sa resto. Pina-reschedule na din ni Aiah ang meeting namin kay Direk Cole dahil feeling ko magiging lutang lang ako pagnagkataon.
"Katapusan ko na ba?" wala sa sariling tanong ko sabay bukas sa chips at dumukot ng konti.
I'm on diet at alam kong bawal 'to sakin. Pero si Aiah naman ang nagbigay kaya ayos lang.
"Ang OA mo, swear."
Wow. Nagsalita ang hindi.
"Magiging maayos naman siguro ang lahat kapag pumayag kang maging endorser nila." dagdag pa nito kaya inis ko siyang binalingan.
"Paano magiging maayos ang lahat kung ang hinayupak na 'yon ang boss?" tanong ko sabay subo ulit sa chips.
"What's the big deal? Naka-move on ka naman sa kanya diba?" saglit akong napahinto dahil sa sinabi niya.
Matagal na akong naka-move on pero hindi pa din tama 'to. We shouldn't be seeing each other now dahil ganon naman talaga ang ginagawa ng mga mag-ex.
"Ang sakin lang naman, paano kung malaman niyang anak niya si Rasheen?"
Ginawa kong rason ang anak ko dahil ayokong pagdudahan ako ni Aiah na baka hindi pa nakaka-move on.
"Natatakot ako, Aiah. Baka bigla niyang kunin sakin ang anak ko at ilayo." dagdag ko sabay higa sa sofa at muling kinain ang chips.
May parte din sakin na mangamba sa posibleng gawin ni Spruce, oras na malaman niyang may anak kami. Nakita ko kung paano siya magalit lalo na noong pinagtabuyan niya ako. Ginamit niya lahat ng mga koneksyon niya para lang hindi ako makita at hindi na makabalik sa industriya. Mabuti na lang at nakilala ko si Aiah. She's the reason kung bakit ako nakabalik sa dati kong trabaho. Ang ipinagtataka ko lang, pagkatapos ng ilang taong naming hindi pagkikita, heto siya ngayon at umaaktong parang isang malaking kahibangan ang nakaraan naming dalawa.
"Trust me, hangga't hindi mo sinasabi sa kanya na siya yung ama, wala tayong magiging problema." sagot ni Aiah kaya pinagtaasan ko siya ng kaliwang kilay.
Woah. Coming from her? Siya nga 'tong walang preno ang bibig kaya ako nabuking ni Spruce. Now tell me, dapat ko pa bang paniwalaan ang suhesyon ng manager ko?
"Paano kung magtanong siya kung sino ang ama ng bata? Anong sasabihin ko?" tanong ko ulit without minding her suggestion.
Sinisigurado ko lang na hindi na ulit ako maaberya sa pangalawang pagkakataon. Baka ma-hotseat ako kung sakali man.
"Ano ba namang klaseng tanong yan, Rasheeqa? As if naman na may pakialam si Spruce sa anak mo. Halata naman na wala ding pakialam sayo yung tao dahil yung kontrata lang ang habol niya sayo. Naiintindihan mo ba 'ko?"
Okay. She has a point.
"Atsaka huwag mo nang isipin ang lalaking 'yon. Mag-focus ka na lang sa sarili mo dahil baka kung ano na namang katangahan ang gagawin ng magaling mong pinsan na si Anastasia."
I hopelessly sighed in disbelief. Bakit ang dami ko yatang problemang kinakaharap ngayon? I should be celebrating my success dahil sa isang movie na natapos ko, pero bakit ganito ang nangyayari?
"May tao yata sa labas." puna ni Aiah na busy sa kakakain ng chips habang nanonood ng 'talk show' sa TV.
Napakunot naman ang noo ko at maya-maya'y narinig kong may nagdo-door bell sa labas. Lumabas ako para tingnan kung sino ang nasa labas at nakitang may nakaparadang puting Mercedes-Benz sa labas ng gate.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalabas sa left door ang may-ari ng kotse.
"I already told you na mag-uusap tayo." sagot ni Spruce at sumandal pa sa kanyang kotse. Nakahalukipkip siya ngayon na para bang pa-cool na nagmomodel sa isang kotse.
"P-Paano mo nalaman ang address ko?" tanong ko sabay iwas ng tingin. I can't stand seeing him in his blacksuit tapos may pasandal-sandal pang nalalaman.
May sense naman siguro ang tanong ko diba?
"I have my ways. Sakay na." cool niyang sagot.
"Tsk."
Tinalikuran ko siya bago pa 'ko hindi makapagtimpi sa kapreskuhan niya. Bumalik ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Nagpalit ako ng hoodie jacket at sinuot ang mask at shades.
"Aiah, aalis muna ako."
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at kaagad na lumabas. Sinuot ko ang hood ng jacket tsaka binuksan ang gate.
"Masyado mong binalot ang sarili mo."
I just rolled my eyes at hindi siya sinagot. Binuksan ko ang backseat door nang bigla siyang magsalita.
"Dito ka umupo sa passenger seat." sabi niya pero hindi ko pa din siya sinunod at pumasok na lang ako sa loob.
"Dito na ako." sabi ko pagkaupo
"Do I look like a driver? Lumipat ka na dito." magkasalubong ang kilay nitong utos.
I have no choice kaya padabog akong lumabas at pwersahang isinara ang pinto tsaka inis na pumasok sa passenger side. Nakita kong ngumisi muna siya bago sumakay kaya napairap na lang ako.
Nagsimula na siyang mag-drive at wala na ding may nagsalita samin. Pareho kaming tikom ang bibig at walang balak na basagin ang katahimikan. Hanggang na-realize kong medyo pamilyar sa akin ang dinadaanan namin.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko
"Sinabi ko na sayo kanina na magkikita kami ni Rasheen."
What? Hindi siya nagbibiro?
Pumarada kami medyo malapit sa gate ng eskwelahang pinapasukan ng anak ko. Saktong lunch break na nila ngayon kaya marami na din ang mga batang nagsisilabasan.
Binaba ko ang car window nang makita ang anak ko na kakalabas lang sa gate. Kumaway ako pagkatapos kong tanggalin ang suot kong shades at mabilis namang tumakbo papunta sakin si Rasheen. Nang balakin ko na sanang buksan ang pinto ng kotse, pinigil ako ni Spruce tsaka umiling.
"Stay here. Maraming tao sa labas."
Okay.
"Wait. I know you." dinig kong sabi ng anak ko habang papalapit sila dito sa kotse.
Binuksan ni Spruce ang backseat door at inalayang makapasok ang anak ko. Napatingin ako sa rearview mirror at nakitang magkalapit ang dalawa. Nakangiting inaayos ni Spruce ang seatbelt ni Rasheen at nakabusangot naman ang anak ko dahil sa ginagawa niya.
Aren't they cute— Oh crap that. Tssk
"Yeah. We met yesterday, right?" sabi ni Spruce kaya binalingan ko silang dalawa.
They met yesterday? How come? Kasama ko si Rasheen kahapon at sinama ko pa nga siya sa KBC network dahil nagyaya siyang mag— wait. Don't tell me na nagkita sila sa working place ko habang may inaasikaso ako?
"Why are you with him, mom? Don't you know that he even called you a wench?" sabi ng anak ko kaya napatingin naman ako kay Spruce na kakaupo lang sa driver's seat.
"I didn't mean it. Swear." nanlalaki ang mga matang sabi niya sakin at itinaas pa ang kanang kamay na para bang nagsasabi siya ng totoo.
Tssk. Isip bata.
"You mean it and I will never forgive you." giit ni Rasheen na nakapagpatawa kay Spruce.
Natatawa siya? Bago yan ha.
"That was some sort of a joke, sweetie. Don't take it seriously." natatawang usal nito.
"Hmp."
Medyo nasu-suffocate ako sa sagutan ng dalawang 'to. Sa totoo lang hindi ko ma-imagine dati na magkikita silang dalawa. At mas lalong hindi ko akalain na masasaksihan ko ang pagbabangayan nilang dalawa.
Geeez. Paano na lang kung malaman nila ang karapatang pinagkait ko sa kanilang dalawa?
Muling tumahimik ang loob ng kotse dahil hindi na din nagawang sumagot ng anak ko. Muling nagmaneho si Spruce at habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay bigla siyang nagsalita.
"So you had a relationship with Paul after we broke up?" pagbasag niya sa katahimikan dahilan para mapabaling ako sa kanya.
Bakit niya naman naisip 'yon?
"If I am not mistaken, He is the father of Rasheen, right?" tanong pa niya
Medyo nasamid yata ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Nakita kong saglit siyang napabaling sakin at muling itinuon ang atensyon sa daan.
"Daddy Paul is not my Dad."
Tuluyan na nga akong naubo nang sumali sa usapan si Rasheen. Manang-mana talaga 'to kay Aiah.
Pinapahamak nila ako.
THIRD PERSON's POINT of VIEW"If I am not mistaken, He is the father of Rasheen, right?""Daddy Paul is not my Dad."Parang bigla yatang namutla si Rasheeqa pagkatapos ng ilang ubong pinakawalan niya. Kailangan niyang paganahin ang utak niya at mag-isip ng magandang depensa sa sinabi ng bata.Alam ni Rasheen na hindi niya totoong ama si Paul, pero nakasanayan niya itong tawaging Daddy dahil ito ang pumupuno sa pagkukulang ng totoo niyang ama."I mean, he is not just my Dad because he is my kuya, my only bestfriend, my playmate and my everything. That's what my Daddy Paul makes the best Daddy ever." dagdag ni Rasheen at parang nakapagtanggal iyon sa tinik na nararamdaman ni Rasheeqa.'Argh. Bakit ba ako pumayag na isama 'to?' isip isip ng dalaga dahil muntikan na naman siyang mabuking sa pangalawang pagkakataon."Is that
THIRD PERSON's POINT of VIEW"Marami po ang nag-aabalang sa wakas ng 'Extraordinary Love'. Pwede niyo po ba kaming bigyan ng kaunting detalye sa mangyayari ngayong gabi?" tanong ng isang reporter kina Rasheeqa.Maraming blogger at reporter ngayon ang nagcocover ng press conference sa proyekto nila Rasheeqa na matagumpay na magtatapos. Sa totoo lang matagal nang natapos ang shooting sa palabas nila sa telebisyon pero dahil ngayong gabi ang huling 'airing' ng Extraordinary Love, kaya sila nagpatawag ng press conference."Siguro medyo malungkot na masaya ang magiging wakas ng kwento. Dito po natin matutunghayan kung hanggang saan nga ba tutungo ang relasyon nila Samantha at Kian sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Kaya sa mga mahal naming manonood, huwag niyo pong papalagpasin ang gabi ng huling episode ng pag-iibigan nila Samantha at Kian." paliwanag ng katabi niyang artista na si Wayne
RASHEEQA's POINT of VIEWIt's been four hours pero hindi parin napapagod ang dalawang 'to sa kakalaro. Pagkarating namin sa mall, kaagad na nagyaya si Rasheen sa arcade station at lahat yata ng mga games machine ay nasubukan na nila. They even tried smash bumpcar pero ako lang yata ang hindi maka-relate sa kanila."Yung kulay pink na rat." dinig kong sabi ni Rasheen kaya napatingin ako sa kanila.Kasalukuyan silang naglalaro sa claw machine habang pasimple lang akong nakaupo sa stool na malapit sa nilalaruan nilang machine."Susubukan ko ulit."Halata naman na dinadaya lang sila ng machine. Mabuti sana kung maubos ang token nila e, kaso hindi. Si Spruce ang may-ari ng mall na 'to kaya malabong maubusan ng token ang mismong may-ari."Matagal pa ba yan?" tanong ko.Nababagot na 'ko."How much is
RASHEEQA's POINT of VIEW"Forget about what we did earlier." pagbasag ko sa katahimikan.Kasalukuyang nagmamaneho ngayon si Spruce at natutulog naman si Rasheen sa backseat habang dito naman ako nakaupo sa frontseat.Mabuti na lang at hindi kami nakilala ng mga tao kanina. Inakala nilang ibang tao ang naghahalikan dahil iba na ang kulay ng damit ko at nakatalikod si Spruce sa side nila."Naipit lang ako kaya ko nagawa 'yon."Napatingin ako sa kanya na nakapokus lang sa pagmamaneho. Kanina pa niya ako hindi kinakausap magmula noong matapos kong gawin ang kahindik-hindik kong desisyon.Galit ba siya sakin? O baka naman galit siya sa halik ko? Hindi naman mabaho ang hininga ko a."Mabango kaya," bulong ko pagkatapos kong amuyin ang sarili kong hininga.Dapat nga matuwa pa siya e. Nakahalikan niya
RASHEEQA's POINT of VIEW"Nagkabalikan kayo?" tanong ni Jaze habang bumubuntot sakin.Dumiretso ako sa kusina tsaka naghanap ng maiinom. Pagkabukas ko sa fridge, bumungad sakin ang ilang inumin ni Rasheen kasama na doon ang paborito niyang yogurt."Syempre hindi. Tsaka wala akong balak na balikan siya." sagot ko sabay kuha sa pitsel na may lamang tubig.Alam ni Jaze ang koneksyon ko kay Spruce dati at alam niya din na si Spruce ang totoong ama ni Rasheen kaya siya mukhang siraulo kanina na para bang kina-career talaga ang pagiging asawa ko. Galit kasi siya kay Spruce dahil sa ginawa niya sakin."Mabuti naman at natuto ka na." parang concern kapatid ko na din 'to e.Siya yung kasama ko dati maliban kay Paul after kong maipanganak si Rasheen. Kaso nga lang nasa Germany ang business ng parents niya kaya paminsan-minsan na lang siya makakabisita dito samin.
THIRD PERSON's POINT of VIEWMahigit dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong magkita sina Spruce at ang mag-ina. Pareho na silang naging abala sa kani-kaniyang buhay. Magkasunod na project ang dumating kay Rasheeqa dahil napuno ng papuri ang huling pelikula na pinagbibidahan niya. Habang si Spruce naman ay mas pinag-igihan ang pagta-trabaho at halos sakupin na nito ang night shift para lang matapos and dapat na matapos."Bakit parang hindi ka pa din makapaniwala? Hawak mo na ang proweba, dude." biglang sabi ni Denver kay Spruce.Nandito sila ngayon sa kanyang opisina at kasalukuyang hawak ng binata ang resulta ng DNA nila ng anak niya. Ilang linggo na din ang nagdaan magmula noong pag-usapan nila Denver ang tungkol sa kanyang anak.F Ꮮ Ꭺ Ꮪ Ꮋ Ᏼ Ꭺ Ꮯ K"Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo?" tila hindi pa din kumbinsido si Spruc
RASHEEQA's POINT of VIEW"Go to your room now, okay?" hinalikan ni Paul ang noo ni Rasheen bago ito umalis at pumunta sa kwarto.Kakatapos niya lang kausapin ang anak ko na huwag lumapit kay Spruce dahil nagkita na naman daw sila kanina sa harap ng gate ng eskwelahan ni Rasheen. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari at kung bakit nagkakaganito ngayon si Paul."Anong plano niyo sa bata?" biglang tanong ni Aiah na nakaupo sa mahabang sofa at nakahalukipkip. "For sure, alam na ni Spruce na anak niya si Rasheen." dagdag pa nito kaya hindi ko naman maiwasang magsalita."I guess so." umupo ako sa tabi niya at muling nagsalita. "Kinukutuban na din ako dahil panay ang lapit niya kay Rasheen these past few weeks."Napaupo si Paul sa single sofa at wala ni isang nagsalita sa aming tatlo. Siguro nag-iisip din 'tong mga 'to kung anong pwedeng gawin."Why not s
RASHEEQA's POINT of VIEW"Dito ang blockings mo habang papalapit sayo si Tristan. Make sure na padaanin mo muna ang lalaking extra bago mo sabihin ang linya mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong sakin ni Direk Cole kaya napatango na lang ako. "Ikaw na ang bahala sa script mo." binigay niya sakin ang script bago umalis at pumunta kay Tristan na siyang kapartner ko sa movie na ipapalabas sa bigscreen.Napaupo ako sa isang stool habang naghihintay sa set. Busy pa si Direk kay Tristan kaya binasa ko na lang muna ang script ko."Miss Rasheeqa. Ire-retouch ko lang po ang make-up niyo." sabi sakin ng personal assistant kong si Rona kaya nginitian ko lang siya bilang pagpayag sa gusto niya.Si Rona lang ang inaatasan kong mag-ayos sakin at hindi ako pumapasok sa set kapag wala siya. It's just that, matagal ko na siyang pinagkakatiwalaan at medyo mapili ako when it comes sa mga taong nag-aasikaso
EPILOGUERASHEEQA's POINT of VIEWInakbayan ako ni Aiah at hinaplos ang likuran ko para pakalmahin ako. Nakiki-simpatya din ang iilang nandito at hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak habang pinagmamasdan ang kabaong na unti-unting ibinababa.Ito na ang huling araw na makikita ko siya at ihahatid sa huling hantungan. Hanggang ngayon, parang ayaw pa din mag-sink in sa utak ko ang nangyari sa kanya. Masyadong mabilis ang pagkawala niya at ayaw tanggapin ng puso ko na wala na siya."Sigurado ka bang magpapaiwan ka lang dito?" biglang tanong ni Aiah nang kaming dalawa na lang ang maiwan dito. Nagsiuwian na ang iba pero ayaw ko pa ding umuwi dahil gusto kong mapag-isa.Napatingin pa ako sa ulan na walang tigil sa kabuhuhos bago tumingin sa kanya sabay ngiti tsaka tumango. Medyo nag-aalangan pa siya pero maya-maya'y umalis na din kagaya ng iba. Mag-isa na lang ako kaya hindi ko maiwasang malungkot muli. If I could bring back time, sana nagawa ko pang sam
CHAPTER FORTY-fourRASHEEQA's POINT of VIEW"How was your wound? Baka mapano ka at—""Pwede ba, tigilan mo ko sa kakakuda mo. Alam mo naman na tinamaan ako, diba? Natural lang na hindi okay 'tong binti ko. Tsk. Why asking the obvious?" sigaw sakin ni Anastasia kaya napayoko na lang ako at hindi na nagsalita.Ikinulong na naman nila kami sa kwartong pinagkulungan nila sakin. Ang pinagkaiba nga lang ay itinali na nila kami gamit ang lubid at ultimong pagpahid lang sa pawis ay hindi namin magawa dahil sobrang higpit ng pagkakagapos samin."Aalis tayo dito, ngayon mismo!"Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Anastasia. Tinitigan ko siya at nakita kong napatitig siya sa likuran ko. Lumingon naman ako para titigan ang nasa likuran ko at muling napabaling sa kanya nang wala akong makitang hint kung ano ang tinititigan niya."I already informed your manager kung nasaan tayo ngayon, bago pa man ako makarating
CHAPTER FORTY-threeTHIRD PERSON's POINT of VIEW"I'll call you kapag nakarating na ako sa address na sinend sakin ni Aiah. Bye." kaagad na tinapos ni Spruce ang tawag kay Kalex at nagmamadali niyang kinuha ang susi niya na nasa maliit na drawer. Nagpaalam muna siya sa kanyang sekretarya na may pupuntahan siya, bago tinungo ang elevator."Ingat po kayo, sir!" sigaw pa ng sekretarya niya.Pagkalabas ni Spruce sa elevator, dumiretso siya sa kanyang kotse. Humarorot ito nang sobrang bilis at wala siyang pakialam kung malabag man niya ang batas sa daan. Gulong-gulo ang utak niya at halos mabaliw sa kakaisip sa posibleng mangyari kay Rasheeqa."Hinay hinay lang sa pagmamaneho, Spruce." biglang nagsalita ang lalaking nasa likuran. Sa sobrang pagmamadali niya kanina, hindi niya namalayan na may ibang taong nakasakay sa backseat. Nakasuot ito ng itim na cap at dahan-dahang umangat ang tingin sa rearview mirror para tignan siya. "Parang nakakita ka yata ng
CHAPTER FORTY-twoANASTASIA's POINT of VIEW"Kamusta na siya?" baling ko kay Kairo pagkatapos kong tignan ang pinsan kong walang malay at nakahiga lang sa sahig."Ayan! Tulog!" sagot niya atsaka tumalikod at naglakad palabas ng kwarto.Inis kong tinanggal ang suot kong shades at nakangiwing tinitigan muli ang pinsan ko. Sinubukan ko pa itong gisingin gamit ang paa at hindi naman ako nabigo dahil kalauna'y nagising din siya."Mabuti naman at nagising ka na. Huwag kang magbuhay señorita dito dahil nanganganib ang buhay mo." mahina kong sambit pero diniinan ko ang bawat salita para maramdaman niyang naiinis ako.Ang tanga tanga naman kasi nitong babaeng 'to. Kung nakinig lang sana siya sakin, edi sana wala siya dito ngayon. Minsan nagdududa na rin ako kung pinsan ko ba talaga 'to o hindi. Wala akong kamag-anak na tatanga tanga."A-Anong ginagawa mo dito?" nanghihina niyang tanong dahilan para mapairap ako.Why stating the o
CHAPTER FORTY-oneRASHEEQA's POINT of VIEW"What brings you here?" tanong sakin ni Spruce habang naglalakad kami papalapit sa sofa. "Sana tumawag ka na lang sakin para hindi na hassle sayo ang pagpunta rito." dagdag niya sabay upo."Kailangan kasi kitang kausapin—" bahagya akong napahinto at napatingin sa mga kasama niya na nakatingin din sakin. Yung mga hitsura nila, parang ewan na kinakabahan. "Guys, ako lang 'to" natatawa kong usal kahit hindi ako komportable sa mga titig nila."Don't mind them. Mga walang tulog pa ang mga 'yan." singit ni Spruce, kaya naupo na lang din ako sa sofa."Anyway, I came here to tell you na magpapa-press conference ako mamaya. I want you to be there, kaya tatawagan nalang kita kung anong oras magsisimula. Okay?" sabi ko sa kanya at nag-thumbs up pa.Medyo kumunot ang noo niya bago sumagot. "For what? I mean, bakit magpapa-press con ka?" naguguluhan niyang tanong."Walang sinabi sakin si
CHAPTER FORTYRASHEEQA's POINT of VIEW"Ayusin mo ang pose mo." reklamo sakin ni Aiah, kaya hindi ko mapigilan ang mapairap dahil sa kabaduyan niya. "Para 'to sa mga fans mo na naghahanap sayo, kaya huwag ka nang mag-inarte at ayusin ang pose mo." sabi pa niya habang nakatutok sakin ang Canon camera na hawak niya.Gusto niyang umakto ako na parang masama ang pakiramdam, para may dahilan daw ako kung bakit hindi ako nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw. Ang galing ng manager ko diba? Ang sarap ibalibag.Click dito, pose doon. Hindi ko alam kung nakailang shots siya sakin. Basta nag-pose lang ako ng pose at daig pa ang totoong may sakit ang lagay ko ngayon."Pwede ko na bang puntahan si Spruce?" tanong ko sa kanya habang abala siya sa kakatitig sa mga kuha ko.Simula pa kahapon nang makauwi ako dito, hindi ko man lang siya nakausap dahil bantay sarado ako kay Aiah. Medyo hindi din daw kasi maganda ang resulta ng pag-amin ni Spruce sa relasy
CHAPTER THIRTY-nineTHIRD PERSON's POINT of VIEWDahan-dahang napamulat si Rasheeqa mula sa pagkakatulog at inunat ang kanyang mga braso. Napabangon siya para tingnan ang oras sa wallclock. Pasado alas otso y medya na ng umaga. Baka kanina pa naghihintay sa kanya si Spruce sa baba.Kailangan niyang makabawi sa binata dahil hindi naging maayos ang usapan nila kahapon. Galit pa din kasi ito sa kanya, at hindi niya malaman kung paano suyuin ang isang lalaking mas komplikado pa mag-isip kumpara sa kanya.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Nakasanayan na niya tuwing umaga ang maligo pagkagising at kadalasa'y umaabot pa sa isang oras ang pananatili niya sa banyo, maliban lang ngayon na mahigit labinlimang minuto lang ang itinagal niya sa loob.Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, kaagad siyang lumabas sa kwarto at dumiretso sa kusina. Bahagya siyang nanlumo nang hindi niya nadatnan ang binata dito. Nagtataka siyang iginala
CHAPTER THIRTY-eightRASHEEQA's POINT of VIEW"Why aren't you listening to me? He's just my fan, nothing else." sabi ko pagkalabas ko sa kotse at isinara ang pinto nito. Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. "Sorry for not informing you na nakipagkita ako sa isang fan. Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa kanya, kaso mapilit siya. Pinilit niya ako." rason ko pero hindi niya pa din ako pinapansin.Kanina pa ako nagpapaliwanag sa kanya habang nagmamaneho siya pauwi, pero hindi parin niya ako kinakausap.Umakyat siya sa hagdan, kaya naiwan akong nakatayo at laglag balikat na sinundan siya ng tingin. Hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya, hindi man lang niya ako binalingan ng tingin, kahit saglit lang.Dumiretso na lang ako sa kusina para maghanap ng maiinom. Pagkabukas ko sa fridge, saktong may nakita akong dalawang soda. Kinuha ko ang mga ito at naglakad patungo sa kwarto ni Spruce. Baka sakaling magkabati kam
CHAPTER THIRTY-sevenRASHEEQA's POINT of VIEW"Sa kotse na lang ako maghihintay." paalam ko kay Spruce habang papunta kami sa counter para bayaran 'tong pinamili namin.Kakatapos lang namin mamili at atat na atat na akong makaalis dito. Konti na lang talaga at hello manila na ako maya-maya."Sigurado ka?""Medyo nakakahalata na din kasi ang mga tao dito kaya kailangan ko nang makaalis." sabi ko pa at napatango-tango naman siya nang makitang pinagtitinginan na kami ng ibang nandirito."Okay," ibinigay niya sakin ang susi kaya abot ang ngiti ko itong tinanggap. "Make sure na hindi ka tatakas." paninigurado niya pero hinalikan ko na lang siya sa cheeks para hindi na siya magduda."I won't." ngiti ko tsaka nagpaalam. Tinungo ko ang exit ng mart para maisagawa ang balak ko. Mukha pa akong timang na may pangiti-ngiti dahil sa wakas, makakauwi na ako."Thank you, come again." sabi ng security pagkalabas ko sa exit.Goodbye Cavi