Share

Chapter Eight

Author: nhumbhii
last update Last Updated: 2020-08-19 14:04:44

THIRD PERSON's POINT of VIEW

"Marami po ang nag-aabalang sa wakas ng 'Extraordinary Love'. Pwede niyo po ba kaming bigyan ng kaunting detalye sa mangyayari ngayong gabi?" tanong ng isang reporter kina Rasheeqa.

Maraming blogger at reporter ngayon ang nagcocover ng press conference sa proyekto nila Rasheeqa na matagumpay na magtatapos. Sa totoo lang matagal nang natapos ang shooting sa palabas nila sa telebisyon pero dahil ngayong gabi ang huling 'airing' ng Extraordinary Love, kaya sila nagpatawag ng press conference.

"Siguro medyo malungkot na masaya ang magiging wakas ng kwento. Dito po natin matutunghayan kung hanggang saan nga ba tutungo ang relasyon nila Samantha at Kian sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Kaya sa mga mahal naming manonood, huwag niyo pong papalagpasin ang gabi ng huling episode ng pag-iibigan nila Samantha at Kian." paliwanag ng katabi niyang artista na si Wayne

"Magkakaroon po ba kayo ng bagong palabas na magkasama?" tanong naman ng isa.

"If the management would allow us, why not? Diba?" katabi niya ulit ang sumagot.

Hinahayaan niya lang ito na sumagot dahil alam naman ng kasama niya ang mga dapat na isagot sa mga tanong. Tinuruan na sila ng mga manager nila atsaka kanina pa panay ang sagot niya sa mga tanong. Nababagot na siya. 

"Sa loob ng anim na buwan na magkasama sa proyektong ito, may nabuo po bang relasyon sa likod ng kamera?" 

Naagaw ang atensyon ni Rasheeqa sa tanong kung kaya't napabaling siya kay Wayne. 

"Hindi ko na itatanggi ang bagay na 'yan." 

Medyo namuo ng bulong-bulungan ang hall dahil parang may mas malalim na kahulugan ang katagang binitawan ni Wayne.

Gustuhin mang umirap ni Rasheeqa dahil naprepreskuhan na siya sa katabi nito pero hindi niya magawa. Baka may makakita pa sa kanya at kung ano pa ang isipin ng iba.

"What I mean is, may pagkakaibigan na nabuo sa likod ng kamera. Mas napalapit po ang loob namin sa lahat ng cast, lalong lalo na po sa mga staff na nakasama namin. Nakakalungkot lang po isipin na pansamantala muna kaming maghihiwalay, pero malay niyo naman. Baka magkaroon ng season two ang 'Extraordinary Love'. Haha" nagtawanan na din ang iba sa sagot ng artista at sinang-ayunan din siya. 

Maganda ang kanilang palabas at marami ang nanonood. Hindi malayong magkaroon ito ng season two, ika nga niya.

"Para naman sayo Miss Rasheeqa. Balita namin ay may bago ka na namang palabas na pagbibidahan. Ano ang mga dapat naming abangan sa next project mo?" tanong naman ng reporter sa dalaga.

Matamis ang kanyang mga ngiti bago sumagot. "Sa ngayon, hindi ko pa po siguro masasagot ang tanong na 'yan dahil kahit ako mismo ay walang kaalam alam sa mga mangyayari. Pero dahil si Direk Cole ang makakatrabaho ko, sigurado akong maganda ang kalalabasan." paliwanag niya.

"Okay. That would be all." singit ni Aiah sa gitna ng press conference.

May iilang naghahabol pa ng tanong pero kaagad na pumagitna si Aiah at inalalayan si Rasheeqa para makaalis doon. Humarang na din ang ilang mga security at bouncer para matiwasay silang makaalis.

"Hays. Nakaka-stress talaga tuwing presscon." tila walang buhay na sabi ng dalaga nang tuluyan na nga silang makaalis. 

"Sinabi mo pa. Lalong lalo na yung Wayne na 'yon. Ang yabang, akala mo kung sino." inis namang turan ni Aiah.

Sa lahat ng artistang nakatrabaho ni Rasheeqa, kay Wayne lang siya naiinis ng sobra. Masyado siyang nayayabangan sa binata sa tuwing nagpapabibo ito sa harap ng kamera. 

"Mas stress ka pa yata kaysa sakin?" 

"Sinong hindi mase-stress? Kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'yon. Mabuti na lang at natapos na ang trabaho niyong dalawa. Hindi ko talaga siya kayang pakisamahan, lalong lalo na ang manager niyang bakla." hindi maipinta ang inis sa mukha ni Aiah habang ini-imagine kung gaano kahirap pakisamahan ang tinutukoy niya.

"Loka ka talaga." 

Natawa na lang ang dalaga dahil sa magkasunod na binitawang reklamo ng kaibigan niya. Umakto pa si Aiah kung paano nito dudurugin ang kinaiinisan niya kung kaya't mas lalong napatawa si Rasheeqa.

"Siyanga pala, mauna ka na lang sa dressing room mo. Tumawag kasi sakin si Direk Cole kanina at gusto niya daw akong makausap." 

"Okay."

Tinungo ni Rasheeqa na mag-isa ang daan papunta sa kanyang dressing room. May mga staff ng network ang bumati sa kanya sa dinadaanan niya at nakasalubong niya din ang iilan sa mga artista na nagtatrabaho sa fiction entertainment kagaya niya. 

"SURPRISE!" 

Halos mapatakip siya sa kanyang tenga nang marinig niya ang matinis na boses pagkabukas niya sa kanyang dressing room.

"What are you doing here?" kaagad niyang isinara ang pinto at kunot noong tinitigan ang dalawang tao na nanggulat sa kanya. "Bakit ka nandito? Diba sinabi ko naman sayo na tatawag lang si Aiah para magpa-schedule ng meeting natin?" nakapameywang niyang tanong kay Spruce na karga-karga ang kanyang anak. "At bakit mo kasama ang anak ko?" tanong niya ulit at nanlilisik ang mga matang napatingin kay Rasheen.

"We're going to mall, mom. It's all on Tito Spruce." napangiti pa ang bata at tila proud na proud pa ito na ililibre sila ng binata.

'Tito?' ani ng kanyang isipan.

Papanong naging close ang dalawang 'to kung mahigit isang linggo ang nakakalipas magmula noong magkita silang tatlo. Maliban na lang kung patagong nagkikita 'tong dalawa. 

"May pasok ka diba? Bakit nag-ditch ka sa klase mo?" inis niyang tanong at napayoko naman si Rasheen.

"It's weekend, Rasheeqa." si Spruce na ang sumagot.

Oo nga pala. Masyado na siyang naging abala dahil tambak ang schedule niya magmula noong pumirma siya ng kontrata kay Spruce at may bagong project pa siya na ipapalabas sa bigscreen.

"Tssk. Ibaba mo nga ang anak ko." utos niya at lumapit sa kanila. "Halika na dito Rasheen. Uuwi na tayo pagkarating ng mommy Aiah mo." sabi pa niya.

Umiling ang bata at mas lalong yumakap kay Spruce na para bang ayaw niyang mawalay dito. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng lungkot. 

"Isa! Magagalit sayo si mommy." Magkasalubong ang kilay ni Rasheeqa habang nakatitig sa nakanguso niyang anak. 

"Eversince, si Daddy Paul at Mommy Aiah ang kasama ko palagi everytime na pupunta kaming mall." hindi maipagkakaila ang lungkot sa boses ni Rasheen. "Just this once, mom." dagdag pa ng bata.

Napaiwas ng tingin si Rasheeqa at napahinga muna ng malalim. Tiningnan niya ulit si Spruce at inosente naman itong nakatingin sa kanya.

'Jerk' isip isip niya at umirap.

"Fine." pagsuko niya kaya hindi naman magkamaliw ang saya ni Rasheen habang nagtatatalon sa bisig ni Spruce.

"Isuot mo 'tong hoodie." binigay ng binata ang isang paperbag at kunot noo naman itong kinuha ni Rasheeqa.

"Anong kakengkoyan 'to Spruce?" tanong niya at tiningnan ang laman ng paperbag.

Isang hoodie?

There she realized na magkapareho ang hoodie ni Rasheen at Spruce pati na din ang binigay sa kanya. Kulay lang ang pinagkaiba ng tatlo at halatang sinadya ni Spruce ang suot nilang family hoodies.

Fambonding na ba? 

Comments (58)
goodnovel comment avatar
Evelyn Mendoza
next page plsss..
goodnovel comment avatar
Jonavith Ebuenga
NXT chapter plss
goodnovel comment avatar
Gezza Suerte C. Mariano
kinakaibigan ni spruce c resheen para makakuha Ng DNA samples..may duda na cia eh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Nine

    RASHEEQA's POINT of VIEWIt's been four hours pero hindi parin napapagod ang dalawang 'to sa kakalaro. Pagkarating namin sa mall, kaagad na nagyaya si Rasheen sa arcade station at lahat yata ng mga games machine ay nasubukan na nila. They even tried smash bumpcar pero ako lang yata ang hindi maka-relate sa kanila."Yung kulay pink na rat." dinig kong sabi ni Rasheen kaya napatingin ako sa kanila.Kasalukuyan silang naglalaro sa claw machine habang pasimple lang akong nakaupo sa stool na malapit sa nilalaruan nilang machine."Susubukan ko ulit."Halata naman na dinadaya lang sila ng machine. Mabuti sana kung maubos ang token nila e, kaso hindi. Si Spruce ang may-ari ng mall na 'to kaya malabong maubusan ng token ang mismong may-ari."Matagal pa ba yan?" tanong ko.Nababagot na 'ko."How much is

    Last Updated : 2020-08-19
  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Ten

    RASHEEQA's POINT of VIEW"Forget about what we did earlier." pagbasag ko sa katahimikan.Kasalukuyang nagmamaneho ngayon si Spruce at natutulog naman si Rasheen sa backseat habang dito naman ako nakaupo sa frontseat.Mabuti na lang at hindi kami nakilala ng mga tao kanina. Inakala nilang ibang tao ang naghahalikan dahil iba na ang kulay ng damit ko at nakatalikod si Spruce sa side nila."Naipit lang ako kaya ko nagawa 'yon."Napatingin ako sa kanya na nakapokus lang sa pagmamaneho. Kanina pa niya ako hindi kinakausap magmula noong matapos kong gawin ang kahindik-hindik kong desisyon.Galit ba siya sakin? O baka naman galit siya sa halik ko? Hindi naman mabaho ang hininga ko a."Mabango kaya," bulong ko pagkatapos kong amuyin ang sarili kong hininga.Dapat nga matuwa pa siya e. Nakahalikan niya

    Last Updated : 2020-08-19
  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Eleven

    RASHEEQA's POINT of VIEW"Nagkabalikan kayo?" tanong ni Jaze habang bumubuntot sakin.Dumiretso ako sa kusina tsaka naghanap ng maiinom. Pagkabukas ko sa fridge, bumungad sakin ang ilang inumin ni Rasheen kasama na doon ang paborito niyang yogurt."Syempre hindi. Tsaka wala akong balak na balikan siya." sagot ko sabay kuha sa pitsel na may lamang tubig.Alam ni Jaze ang koneksyon ko kay Spruce dati at alam niya din na si Spruce ang totoong ama ni Rasheen kaya siya mukhang siraulo kanina na para bang kina-career talaga ang pagiging asawa ko. Galit kasi siya kay Spruce dahil sa ginawa niya sakin."Mabuti naman at natuto ka na." parang concern kapatid ko na din 'to e.Siya yung kasama ko dati maliban kay Paul after kong maipanganak si Rasheen. Kaso nga lang nasa Germany ang business ng parents niya kaya paminsan-minsan na lang siya makakabisita dito samin.

    Last Updated : 2020-08-19
  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Twelve

    THIRD PERSON's POINT of VIEWMahigit dalawang linggo na ang nakalipas magmula noong magkita sina Spruce at ang mag-ina. Pareho na silang naging abala sa kani-kaniyang buhay. Magkasunod na project ang dumating kay Rasheeqa dahil napuno ng papuri ang huling pelikula na pinagbibidahan niya. Habang si Spruce naman ay mas pinag-igihan ang pagta-trabaho at halos sakupin na nito ang night shift para lang matapos and dapat na matapos."Bakit parang hindi ka pa din makapaniwala? Hawak mo na ang proweba, dude." biglang sabi ni Denver kay Spruce.Nandito sila ngayon sa kanyang opisina at kasalukuyang hawak ng binata ang resulta ng DNA nila ng anak niya. Ilang linggo na din ang nagdaan magmula noong pag-usapan nila Denver ang tungkol sa kanyang anak.F Ꮮ Ꭺ Ꮪ Ꮋ Ᏼ Ꭺ Ꮯ K"Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo?" tila hindi pa din kumbinsido si Spruc

    Last Updated : 2020-08-19
  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Thirteen

    RASHEEQA's POINT of VIEW"Go to your room now, okay?" hinalikan ni Paul ang noo ni Rasheen bago ito umalis at pumunta sa kwarto.Kakatapos niya lang kausapin ang anak ko na huwag lumapit kay Spruce dahil nagkita na naman daw sila kanina sa harap ng gate ng eskwelahan ni Rasheen. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari at kung bakit nagkakaganito ngayon si Paul."Anong plano niyo sa bata?" biglang tanong ni Aiah na nakaupo sa mahabang sofa at nakahalukipkip. "For sure, alam na ni Spruce na anak niya si Rasheen." dagdag pa nito kaya hindi ko naman maiwasang magsalita."I guess so." umupo ako sa tabi niya at muling nagsalita. "Kinukutuban na din ako dahil panay ang lapit niya kay Rasheen these past few weeks."Napaupo si Paul sa single sofa at wala ni isang nagsalita sa aming tatlo. Siguro nag-iisip din 'tong mga 'to kung anong pwedeng gawin."Why not s

    Last Updated : 2020-08-19
  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Fourteen

    RASHEEQA's POINT of VIEW"Dito ang blockings mo habang papalapit sayo si Tristan. Make sure na padaanin mo muna ang lalaking extra bago mo sabihin ang linya mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong sakin ni Direk Cole kaya napatango na lang ako. "Ikaw na ang bahala sa script mo." binigay niya sakin ang script bago umalis at pumunta kay Tristan na siyang kapartner ko sa movie na ipapalabas sa bigscreen.Napaupo ako sa isang stool habang naghihintay sa set. Busy pa si Direk kay Tristan kaya binasa ko na lang muna ang script ko."Miss Rasheeqa. Ire-retouch ko lang po ang make-up niyo." sabi sakin ng personal assistant kong si Rona kaya nginitian ko lang siya bilang pagpayag sa gusto niya.Si Rona lang ang inaatasan kong mag-ayos sakin at hindi ako pumapasok sa set kapag wala siya. It's just that, matagal ko na siyang pinagkakatiwalaan at medyo mapili ako when it comes sa mga taong nag-aasikaso

    Last Updated : 2020-08-19
  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Fifteen

    RASHEEQA's POINT of VIEW"Good job, everyone."Lumapit samin si Direk at mahinang tinapped ang likod ni Tristan. "This is our last shoot for this week. Siguro naman nasabihan na kayo ng mga manager niyo na sa London ang next set natin sa susunod na linggo?" sabi samin ni Direk at palipat-lipat na tiningnan kami ni Tristan.Bakit hindi man lang sinabi sakin ni Aiah ang tungkol dito?"Ayos na po. Sinabi na sakin kagabi ni manager ang tungkol dyan." sagot naman ni Tristan.Buti pa yung manager niya. Hays."Let's call it a day. Magkita na lang tayo nextweek at good job sa inyong dalawa ngayong araw." nagpaalam sa amin si Direk kaya naiwan kaming dalawa ni Tristan.Kinuha ko ang handbag ko tsaka nagpaalam na din sa mga katrabaho ko. "Mauna na po ako. Mag-ingat na lang po kayo sa pag-uwi." sabi ko sa kanila at nagpaalam din naman sila sak

    Last Updated : 2020-08-19
  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Sixteen

    CHAPTER SIXTEENRASHEEQA's POINT of VIEW"I want you to think of an endearment better than love.""Tssk. Nothing's better than love." sagot ni Tristan at lumapit sa katabi kong upuan. "Anong ginagawa ni extra dito?" tila nagulat naman siya nang makita niya si Jian na nakaupo sa tabi ko."Doc Natividad? Anong ginagawa mo dito?" napatingin naman ako kay Collen nang magsalita siya.Doc?"Magkakilala kayo ni Miss Rasheeqa?" tanong pa niya at tiningnan din ako.Magkakilala sila ni extra?"Hindi sa gan—""Crush mo, ano?" pang-aasar ni Collen at nakita ko namang pinamulahan na naman ng tenga si Extra. "Ayyiiee. Luma-lovelife na ngayon si Doc." dagdag pa niya at sinundot sa tagiliran si Extra.Okay. Mukhang close nga sila.Kumuha ng upuan si Collen sa kabilang table

    Last Updated : 2020-08-20

Latest chapter

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Epilogue

    EPILOGUERASHEEQA's POINT of VIEWInakbayan ako ni Aiah at hinaplos ang likuran ko para pakalmahin ako. Nakiki-simpatya din ang iilang nandito at hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak habang pinagmamasdan ang kabaong na unti-unting ibinababa.Ito na ang huling araw na makikita ko siya at ihahatid sa huling hantungan. Hanggang ngayon, parang ayaw pa din mag-sink in sa utak ko ang nangyari sa kanya. Masyadong mabilis ang pagkawala niya at ayaw tanggapin ng puso ko na wala na siya."Sigurado ka bang magpapaiwan ka lang dito?" biglang tanong ni Aiah nang kaming dalawa na lang ang maiwan dito. Nagsiuwian na ang iba pero ayaw ko pa ding umuwi dahil gusto kong mapag-isa.Napatingin pa ako sa ulan na walang tigil sa kabuhuhos bago tumingin sa kanya sabay ngiti tsaka tumango. Medyo nag-aalangan pa siya pero maya-maya'y umalis na din kagaya ng iba. Mag-isa na lang ako kaya hindi ko maiwasang malungkot muli. If I could bring back time, sana nagawa ko pang sam

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Forty Four

    CHAPTER FORTY-fourRASHEEQA's POINT of VIEW"How was your wound? Baka mapano ka at—""Pwede ba, tigilan mo ko sa kakakuda mo. Alam mo naman na tinamaan ako, diba? Natural lang na hindi okay 'tong binti ko. Tsk. Why asking the obvious?" sigaw sakin ni Anastasia kaya napayoko na lang ako at hindi na nagsalita.Ikinulong na naman nila kami sa kwartong pinagkulungan nila sakin. Ang pinagkaiba nga lang ay itinali na nila kami gamit ang lubid at ultimong pagpahid lang sa pawis ay hindi namin magawa dahil sobrang higpit ng pagkakagapos samin."Aalis tayo dito, ngayon mismo!"Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Anastasia. Tinitigan ko siya at nakita kong napatitig siya sa likuran ko. Lumingon naman ako para titigan ang nasa likuran ko at muling napabaling sa kanya nang wala akong makitang hint kung ano ang tinititigan niya."I already informed your manager kung nasaan tayo ngayon, bago pa man ako makarating

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Forty Three

    CHAPTER FORTY-threeTHIRD PERSON's POINT of VIEW"I'll call you kapag nakarating na ako sa address na sinend sakin ni Aiah. Bye." kaagad na tinapos ni Spruce ang tawag kay Kalex at nagmamadali niyang kinuha ang susi niya na nasa maliit na drawer. Nagpaalam muna siya sa kanyang sekretarya na may pupuntahan siya, bago tinungo ang elevator."Ingat po kayo, sir!" sigaw pa ng sekretarya niya.Pagkalabas ni Spruce sa elevator, dumiretso siya sa kanyang kotse. Humarorot ito nang sobrang bilis at wala siyang pakialam kung malabag man niya ang batas sa daan. Gulong-gulo ang utak niya at halos mabaliw sa kakaisip sa posibleng mangyari kay Rasheeqa."Hinay hinay lang sa pagmamaneho, Spruce." biglang nagsalita ang lalaking nasa likuran. Sa sobrang pagmamadali niya kanina, hindi niya namalayan na may ibang taong nakasakay sa backseat. Nakasuot ito ng itim na cap at dahan-dahang umangat ang tingin sa rearview mirror para tignan siya. "Parang nakakita ka yata ng

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Forty Two

    CHAPTER FORTY-twoANASTASIA's POINT of VIEW"Kamusta na siya?" baling ko kay Kairo pagkatapos kong tignan ang pinsan kong walang malay at nakahiga lang sa sahig."Ayan! Tulog!" sagot niya atsaka tumalikod at naglakad palabas ng kwarto.Inis kong tinanggal ang suot kong shades at nakangiwing tinitigan muli ang pinsan ko. Sinubukan ko pa itong gisingin gamit ang paa at hindi naman ako nabigo dahil kalauna'y nagising din siya."Mabuti naman at nagising ka na. Huwag kang magbuhay señorita dito dahil nanganganib ang buhay mo." mahina kong sambit pero diniinan ko ang bawat salita para maramdaman niyang naiinis ako.Ang tanga tanga naman kasi nitong babaeng 'to. Kung nakinig lang sana siya sakin, edi sana wala siya dito ngayon. Minsan nagdududa na rin ako kung pinsan ko ba talaga 'to o hindi. Wala akong kamag-anak na tatanga tanga."A-Anong ginagawa mo dito?" nanghihina niyang tanong dahilan para mapairap ako.Why stating the o

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Forty One

    CHAPTER FORTY-oneRASHEEQA's POINT of VIEW"What brings you here?" tanong sakin ni Spruce habang naglalakad kami papalapit sa sofa. "Sana tumawag ka na lang sakin para hindi na hassle sayo ang pagpunta rito." dagdag niya sabay upo."Kailangan kasi kitang kausapin—" bahagya akong napahinto at napatingin sa mga kasama niya na nakatingin din sakin. Yung mga hitsura nila, parang ewan na kinakabahan. "Guys, ako lang 'to" natatawa kong usal kahit hindi ako komportable sa mga titig nila."Don't mind them. Mga walang tulog pa ang mga 'yan." singit ni Spruce, kaya naupo na lang din ako sa sofa."Anyway, I came here to tell you na magpapa-press conference ako mamaya. I want you to be there, kaya tatawagan nalang kita kung anong oras magsisimula. Okay?" sabi ko sa kanya at nag-thumbs up pa.Medyo kumunot ang noo niya bago sumagot. "For what? I mean, bakit magpapa-press con ka?" naguguluhan niyang tanong."Walang sinabi sakin si

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Forty

    CHAPTER FORTYRASHEEQA's POINT of VIEW"Ayusin mo ang pose mo." reklamo sakin ni Aiah, kaya hindi ko mapigilan ang mapairap dahil sa kabaduyan niya. "Para 'to sa mga fans mo na naghahanap sayo, kaya huwag ka nang mag-inarte at ayusin ang pose mo." sabi pa niya habang nakatutok sakin ang Canon camera na hawak niya.Gusto niyang umakto ako na parang masama ang pakiramdam, para may dahilan daw ako kung bakit hindi ako nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw. Ang galing ng manager ko diba? Ang sarap ibalibag.Click dito, pose doon. Hindi ko alam kung nakailang shots siya sakin. Basta nag-pose lang ako ng pose at daig pa ang totoong may sakit ang lagay ko ngayon."Pwede ko na bang puntahan si Spruce?" tanong ko sa kanya habang abala siya sa kakatitig sa mga kuha ko.Simula pa kahapon nang makauwi ako dito, hindi ko man lang siya nakausap dahil bantay sarado ako kay Aiah. Medyo hindi din daw kasi maganda ang resulta ng pag-amin ni Spruce sa relasy

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Thirty Nine

    CHAPTER THIRTY-nineTHIRD PERSON's POINT of VIEWDahan-dahang napamulat si Rasheeqa mula sa pagkakatulog at inunat ang kanyang mga braso. Napabangon siya para tingnan ang oras sa wallclock. Pasado alas otso y medya na ng umaga. Baka kanina pa naghihintay sa kanya si Spruce sa baba.Kailangan niyang makabawi sa binata dahil hindi naging maayos ang usapan nila kahapon. Galit pa din kasi ito sa kanya, at hindi niya malaman kung paano suyuin ang isang lalaking mas komplikado pa mag-isip kumpara sa kanya.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Nakasanayan na niya tuwing umaga ang maligo pagkagising at kadalasa'y umaabot pa sa isang oras ang pananatili niya sa banyo, maliban lang ngayon na mahigit labinlimang minuto lang ang itinagal niya sa loob.Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, kaagad siyang lumabas sa kwarto at dumiretso sa kusina. Bahagya siyang nanlumo nang hindi niya nadatnan ang binata dito. Nagtataka siyang iginala

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Thirty Eight

    CHAPTER THIRTY-eightRASHEEQA's POINT of VIEW"Why aren't you listening to me? He's just my fan, nothing else." sabi ko pagkalabas ko sa kotse at isinara ang pinto nito. Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. "Sorry for not informing you na nakipagkita ako sa isang fan. Wala naman talaga sa plano ko ang sumama sa kanya, kaso mapilit siya. Pinilit niya ako." rason ko pero hindi niya pa din ako pinapansin.Kanina pa ako nagpapaliwanag sa kanya habang nagmamaneho siya pauwi, pero hindi parin niya ako kinakausap.Umakyat siya sa hagdan, kaya naiwan akong nakatayo at laglag balikat na sinundan siya ng tingin. Hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya, hindi man lang niya ako binalingan ng tingin, kahit saglit lang.Dumiretso na lang ako sa kusina para maghanap ng maiinom. Pagkabukas ko sa fridge, saktong may nakita akong dalawang soda. Kinuha ko ang mga ito at naglakad patungo sa kwarto ni Spruce. Baka sakaling magkabati kam

  • The Billionaire's Obsession (Tagalog)   Chapter Thirty Seven

    CHAPTER THIRTY-sevenRASHEEQA's POINT of VIEW"Sa kotse na lang ako maghihintay." paalam ko kay Spruce habang papunta kami sa counter para bayaran 'tong pinamili namin.Kakatapos lang namin mamili at atat na atat na akong makaalis dito. Konti na lang talaga at hello manila na ako maya-maya."Sigurado ka?""Medyo nakakahalata na din kasi ang mga tao dito kaya kailangan ko nang makaalis." sabi ko pa at napatango-tango naman siya nang makitang pinagtitinginan na kami ng ibang nandirito."Okay," ibinigay niya sakin ang susi kaya abot ang ngiti ko itong tinanggap. "Make sure na hindi ka tatakas." paninigurado niya pero hinalikan ko na lang siya sa cheeks para hindi na siya magduda."I won't." ngiti ko tsaka nagpaalam. Tinungo ko ang exit ng mart para maisagawa ang balak ko. Mukha pa akong timang na may pangiti-ngiti dahil sa wakas, makakauwi na ako."Thank you, come again." sabi ng security pagkalabas ko sa exit.Goodbye Cavi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status