Hello po. susunod na po ang El Haciendero.
Chapter 74 - HeartPAGKATAPOS na magsumite ni Heart ng kanyang police blotter ay naglakad sila ng Nanay niya papunta sa rural health center, pero nadaanan nila ang mga kakilala nito sa may palengke."Uy, nand'yan pala ang anak mong mayaman, Lumeng!" Nakangising bati ng isang babae na may edad sa kanila."Si Juling, anak," anang ina sa kanya."Baka gusto niyong kunin ang pwesto nitong karenderiya, kasama na gamit. Malakas ito."Tiningnan ni Heart ang sinasabi nun na karenderya at mukhang maayos nga dahil nasa may pila ng mga traysikel. May instant customers na kaagad kapag nagkataon.Sa panahon ngayon na hindi na nakakapagtanim ang Tatay niya, kailangan nilang magkaroon ng side line at siya naman ay mag-a-apply ng trabaho sa mga shopping malls. Kahit bilang sales lady ay ayos na o kaya ay kahera."Magkano niyo po binibenta?" Tanong niya sa may edad na babae."Interesado siya para sa income."Bente mil pero pwede na ang desi otso lang. Wala na kayong iintindihin dito. Nagbabayad lang na
Chapter 75NAPALINGON si Heart sa bintana nang marinig niya si Mocha na kumakahol, alas otso mahigit ng gabing iyon.Si Lexus lang ang kasama niya sa bahay dahil sa karinderya raw matutulog ang Nanay niya, ang Tatay at si Lexi. Dahil bakasyon naman ay si Lexi ang kasama roon ng Nanay niya. Si Lexus naman ang tagabuhat.Napakaswerte niya rin na maaasahan ang mga kapatid niya at tulong-tulong sila.Nagbibilang siya ng pera. Si Lexus ay inutusan niya saglit na maghatid ng balabal sa Tatay niya. Walking distance lang naman ang palengke kaya walang problema, pero sabi niya ay sumakay na.Napakunot noo siya nang makakita siya ng sindi.She immediately stood up and ran to the window, shutting it.Ano ba ang umaapoy na yun? Galit na galit si Mocha. Hindi kaya may kapre? Parang dulo ng sigarilyo ang nakita niya."Heart?" Tawag ng kilalang-kilala niyang boses sabay katok.Si Lux Diyos ko! Kapre pala talaga! Ipakukulong na siya nito. Nagmamadali niyang tinakbo ang pintuan para i-lock iyon pero b
I have posted on my account whether they wanted another book for this story. Yes po ang kanilang pinili, so ako po ay hindi na muna maglalagay ng special chapter dito.Abangan niyo po ang book 2 dito lang po sa GN. Wala po nun sa ibang platform. Maraming salamat po sa inyong suporta at kita-kits po tayo sa ating susunod na story. Just keep ong checking na lang po sa library.Regalo niyo na po sa akin ang review sa book. makikita po yun sa mismong book info. salamat po ulit. God bless.Book 2 title:THE BILLIONAIRE'S MISTRESS(The Return of the Past)
SCINILAPAG ni Heart ang isang banig sa sahig na simentado. Kahit na mukhang mas matanda pa sa rito ang sahig ng bahay at medyo may mga biyak na, napakalinis nun at may floorwax pa.Inilalatag nito iyon at nilagyan ng sapin saka mga unan."Let me," pigil niya sa dalaga at parang ninenerbyos na siya sa kakakilos nito.Baka maipit ang tiyan nito at masaktan ang baby nila."Ako na, hindi ka naman nito marunong," natatawang sagot ng dalaga habang inaayos ang higaan."Baka mapagod ka. Pwede na 'yan," pilit pa ni Lux saka napakamot sa ulo.Gusto na rin talaga niyang magpahinga dahil pagod siya sa byahe kaya baka kahit na walang sapin ay humilata siya roon. May isa pa sana siyang bagay na gustong gawin kaya lang ay hindi pwede. Walang pribadong kwarto sa bahay nina Heart at baka mabulabog ang buong baranggay kapag umungol ito nang malakas at mapasigaw.Inalalayan niya itong tumayo at saka niya pinaupo sa upuang kahoy. Napasandal ito kaagad."Ayan na," sabi na nga niya dahil para na itong tina
SC 2SERYOSONG mga mukha ng mga magulang ni Heart ang dumating sa bahay. Still the same low profiled parents she had, so approachable as ever.Kaagad na nagmano si Lux nang pumasok ang dalawang matanda sa pintuan."Magandang araw po," anito at natatawa siya sa pagiging sobrang galang nito."Magandang araw din, utoy!" Sagot ni Conrado sa binata.Nang maupo ang mga magulang niya ay tinanguan niya si Lux na magsalita na. Para iyong ninenerbyos. May President/CEO pala na ninenerbyos din. Nag-umpisa nitong himasin ang mga hita at nagsalita."Alam ko pong hindi maganda ang naging umpisa namin ni Heart. Naging imoral po kami pero sa maniwala po kayo o hindi, may rason po ako kung bakit ko nagawa yun sa asawa ko. Hindi ko po alam kung paano ko kayo makukumbinsi na hindi ko yun gagawin sa anak niyo pero, nangangako po ako. Kapag hindi ko po natupad, ilayo niyo po sila sa akin ni baby."Nagkatinginan ang Nanay at Tatay niya tapos ay si Conrado ang napabuntong hininga."Kung ako, hindi ako kumpo
SC 3"BALIK na si Kapuso mo Heart Chavez!" Iyon ang sigaw ni Aiza nang pumasok si Heart sa loob ng apartment nang gabi na dumating sila sa Maynila.Dala niya ang mga pasalubong na gawang Bicol, na si Lux mismo ang namili para pasalubong.Halos isang buong van ang puno ng mga kutkutin at kung anu-ano pang souvenirs para sa lahat, at ginugol nila ang halos isang buong araw para sa pagbabalot ng mga iton.Lumingon siya sa pinto at naroon ang kanyang boyfriend, nakatayo lang at nakamasid."Wait lang," aniya na tumango naman kaagad."Hindi naman siguro tayo aabutin ng tatlong araw dito," anitong magkakrus ang mga braso sa dibdib at nakasandal sa hamba.Napahagikhik siya at parang kinilig ang mga kasama niya."Di namin alam na totoo na pala ang lahat ng biro ni Sir Lux," sabi ni Jimena."Kayo lang e, di niyo sineryoso."Nagkatawanan ang mga ito."Pasensya na kayo ha kung hindi ko sinabi. Nahihiya rin ako symepre sa naging buhay ko. Nakaswerte lang siguro ako na minahal ako ng lalaking 'yan,
SC 4Nasa smartphone si Lux, alas nueve ng gabi. Kausap niya si Vandros habang si Heart ay nagpapahinga na. Nasa balkonahe siya nakaupo lang at nakabantay sa girlfriend. Dito siya nakaharap. Sa mansyon niya sila tumuloy iba sa bahay na tinirhan nila ni Diana. Ibinibenta na niya iyon dahil ayaw na niya ng katiting man na alaala sa babaeng wala siyang ginawa kung hindi mahalin at suyuin pero itinulak lang naman siya sa paggawa ng matinding kasalanan, ang maghanap ng babae sa loob ng nakatali niyang kalayaan.But he doesn't regret it. At kung uulitin man ang pagkakataon, babalikan niya pa rin ang nangyari ngayon. This is the place he would always choose to go. Totoong kasalanan pero dito siya nagkaroon ng totoong kapayapaan. Mali sa paningin ng karamihan pero bahala na ang Diyos sa kanila. Siguro naman ay patatawarin siya ng Maykapal kapag napatunayan niyang matino naman siya.Daig pa niya ang lalaking bersyon ni Maria Magdalena. Baka ang mangyari ay Magdaleno na siya.Naiiling siya sa
EPILOGUE3 years later…THE two-year-old little boy with very curly hair ran towards Carmenzita, yelling, Babuella. Napangiti si Heart sa narinig na tawag ng anak niya sa matandang Montesalvo. Ang tawag naman nito kay Elisa ay Wowa.Kaarawan ngayon ng anak ni Katy na si Megumi. Matanda lang iyon ng tatlong buwan sa anak nila ni Lux na si Lush Miguel, kaya tatlong buwan na lang din ay magbi-birthday na si Lush.Na-late siya ng kaunti at naka-university uniform pa siya. Yes, she is back to school, 3rd year na sa kolehiyo. Gumagawa sila ngayon ng thesis kaya medyo bisi-busy-han siya. Kapag naman wala siyang pasok ay nasa restaurant siya nagka-kahera.Hindi na siya naalis sa pwesto na iyon. Iyon na ang gusto ni Lux para raw hindi na siya palakad-lakad sa gitna ng mga kalalakihan, naghahatid ng mga pagkain.Para na lang daw sa mga mata nito ang kagandahan at ka-sexyhan niya. That was so funny. Ang isang Lux ay nagseselos sa mga kalalakihan. May dapat ba itong ika-insecure? Tingin niya ay wa