Chapter 73 - LuxWATCHING the video on his phone made him cry. Kaya pala. Kaya pala hindi nawala sa puso niya ang pagmahahal sa kabila ng nakita niyang mga litrato, dahil may masamang nangyari sa babaeng mahal niya."Tang-ina mo, Franco!" Sigaw niya at pinahid niya ang luha.Pinag-replay niya ang huling parte nang tumakbo si Heart papalabas.She was safe. Ramdam niya na nakatakas iyon dahil ilang minuto pa bago nakatayo si Franco.That frog tried to rape Heart. Damn it! Magbabayad ang gago na iyon.Nagmamadali siyang tumayo at iniwan ang bahay. Sumakay siya sa sasakyan at tinawagan kaagad ang kanyang lola."Hello?" Si Siony iyon sa kabilang linya."Manang Siony, si Mama?""N-Nasa living room. Sandali at ilalapit ko ang telepono."Ilang saglit lang siyang naghintay ay nagsalita na ang matanda sa telepono."Lux.""Mama, I need connections," agaran niyang sabi."Bakit ka humihingal? Are you okay?""I'm okay, Ma. I need connections. Franco did something to Heart. He tried raping her inside
Chapter 74 - HeartPAGKATAPOS na magsumite ni Heart ng kanyang police blotter ay naglakad sila ng Nanay niya papunta sa rural health center, pero nadaanan nila ang mga kakilala nito sa may palengke."Uy, nand'yan pala ang anak mong mayaman, Lumeng!" Nakangising bati ng isang babae na may edad sa kanila."Si Juling, anak," anang ina sa kanya."Baka gusto niyong kunin ang pwesto nitong karenderiya, kasama na gamit. Malakas ito."Tiningnan ni Heart ang sinasabi nun na karenderya at mukhang maayos nga dahil nasa may pila ng mga traysikel. May instant customers na kaagad kapag nagkataon.Sa panahon ngayon na hindi na nakakapagtanim ang Tatay niya, kailangan nilang magkaroon ng side line at siya naman ay mag-a-apply ng trabaho sa mga shopping malls. Kahit bilang sales lady ay ayos na o kaya ay kahera."Magkano niyo po binibenta?" Tanong niya sa may edad na babae."Interesado siya para sa income."Bente mil pero pwede na ang desi otso lang. Wala na kayong iintindihin dito. Nagbabayad lang na
Chapter 75NAPALINGON si Heart sa bintana nang marinig niya si Mocha na kumakahol, alas otso mahigit ng gabing iyon.Si Lexus lang ang kasama niya sa bahay dahil sa karinderya raw matutulog ang Nanay niya, ang Tatay at si Lexi. Dahil bakasyon naman ay si Lexi ang kasama roon ng Nanay niya. Si Lexus naman ang tagabuhat.Napakaswerte niya rin na maaasahan ang mga kapatid niya at tulong-tulong sila.Nagbibilang siya ng pera. Si Lexus ay inutusan niya saglit na maghatid ng balabal sa Tatay niya. Walking distance lang naman ang palengke kaya walang problema, pero sabi niya ay sumakay na.Napakunot noo siya nang makakita siya ng sindi.She immediately stood up and ran to the window, shutting it.Ano ba ang umaapoy na yun? Galit na galit si Mocha. Hindi kaya may kapre? Parang dulo ng sigarilyo ang nakita niya."Heart?" Tawag ng kilalang-kilala niyang boses sabay katok.Si Lux Diyos ko! Kapre pala talaga! Ipakukulong na siya nito. Nagmamadali niyang tinakbo ang pintuan para i-lock iyon pero b
I have posted on my account whether they wanted another book for this story. Yes po ang kanilang pinili, so ako po ay hindi na muna maglalagay ng special chapter dito.Abangan niyo po ang book 2 dito lang po sa GN. Wala po nun sa ibang platform. Maraming salamat po sa inyong suporta at kita-kits po tayo sa ating susunod na story. Just keep ong checking na lang po sa library.Regalo niyo na po sa akin ang review sa book. makikita po yun sa mismong book info. salamat po ulit. God bless.Book 2 title:THE BILLIONAIRE'S MISTRESS(The Return of the Past)
SCINILAPAG ni Heart ang isang banig sa sahig na simentado. Kahit na mukhang mas matanda pa sa rito ang sahig ng bahay at medyo may mga biyak na, napakalinis nun at may floorwax pa.Inilalatag nito iyon at nilagyan ng sapin saka mga unan."Let me," pigil niya sa dalaga at parang ninenerbyos na siya sa kakakilos nito.Baka maipit ang tiyan nito at masaktan ang baby nila."Ako na, hindi ka naman nito marunong," natatawang sagot ng dalaga habang inaayos ang higaan."Baka mapagod ka. Pwede na 'yan," pilit pa ni Lux saka napakamot sa ulo.Gusto na rin talaga niyang magpahinga dahil pagod siya sa byahe kaya baka kahit na walang sapin ay humilata siya roon. May isa pa sana siyang bagay na gustong gawin kaya lang ay hindi pwede. Walang pribadong kwarto sa bahay nina Heart at baka mabulabog ang buong baranggay kapag umungol ito nang malakas at mapasigaw.Inalalayan niya itong tumayo at saka niya pinaupo sa upuang kahoy. Napasandal ito kaagad."Ayan na," sabi na nga niya dahil para na itong tina
SC 2SERYOSONG mga mukha ng mga magulang ni Heart ang dumating sa bahay. Still the same low profiled parents she had, so approachable as ever.Kaagad na nagmano si Lux nang pumasok ang dalawang matanda sa pintuan."Magandang araw po," anito at natatawa siya sa pagiging sobrang galang nito."Magandang araw din, utoy!" Sagot ni Conrado sa binata.Nang maupo ang mga magulang niya ay tinanguan niya si Lux na magsalita na. Para iyong ninenerbyos. May President/CEO pala na ninenerbyos din. Nag-umpisa nitong himasin ang mga hita at nagsalita."Alam ko pong hindi maganda ang naging umpisa namin ni Heart. Naging imoral po kami pero sa maniwala po kayo o hindi, may rason po ako kung bakit ko nagawa yun sa asawa ko. Hindi ko po alam kung paano ko kayo makukumbinsi na hindi ko yun gagawin sa anak niyo pero, nangangako po ako. Kapag hindi ko po natupad, ilayo niyo po sila sa akin ni baby."Nagkatinginan ang Nanay at Tatay niya tapos ay si Conrado ang napabuntong hininga."Kung ako, hindi ako kumpo
SC 3"BALIK na si Kapuso mo Heart Chavez!" Iyon ang sigaw ni Aiza nang pumasok si Heart sa loob ng apartment nang gabi na dumating sila sa Maynila.Dala niya ang mga pasalubong na gawang Bicol, na si Lux mismo ang namili para pasalubong.Halos isang buong van ang puno ng mga kutkutin at kung anu-ano pang souvenirs para sa lahat, at ginugol nila ang halos isang buong araw para sa pagbabalot ng mga iton.Lumingon siya sa pinto at naroon ang kanyang boyfriend, nakatayo lang at nakamasid."Wait lang," aniya na tumango naman kaagad."Hindi naman siguro tayo aabutin ng tatlong araw dito," anitong magkakrus ang mga braso sa dibdib at nakasandal sa hamba.Napahagikhik siya at parang kinilig ang mga kasama niya."Di namin alam na totoo na pala ang lahat ng biro ni Sir Lux," sabi ni Jimena."Kayo lang e, di niyo sineryoso."Nagkatawanan ang mga ito."Pasensya na kayo ha kung hindi ko sinabi. Nahihiya rin ako symepre sa naging buhay ko. Nakaswerte lang siguro ako na minahal ako ng lalaking 'yan,
SC 4Nasa smartphone si Lux, alas nueve ng gabi. Kausap niya si Vandros habang si Heart ay nagpapahinga na. Nasa balkonahe siya nakaupo lang at nakabantay sa girlfriend. Dito siya nakaharap. Sa mansyon niya sila tumuloy iba sa bahay na tinirhan nila ni Diana. Ibinibenta na niya iyon dahil ayaw na niya ng katiting man na alaala sa babaeng wala siyang ginawa kung hindi mahalin at suyuin pero itinulak lang naman siya sa paggawa ng matinding kasalanan, ang maghanap ng babae sa loob ng nakatali niyang kalayaan.But he doesn't regret it. At kung uulitin man ang pagkakataon, babalikan niya pa rin ang nangyari ngayon. This is the place he would always choose to go. Totoong kasalanan pero dito siya nagkaroon ng totoong kapayapaan. Mali sa paningin ng karamihan pero bahala na ang Diyos sa kanila. Siguro naman ay patatawarin siya ng Maykapal kapag napatunayan niyang matino naman siya.Daig pa niya ang lalaking bersyon ni Maria Magdalena. Baka ang mangyari ay Magdaleno na siya.Naiiling siya sa
Paulit-ulit ako. hahahah.Ito po ay final story na ng sequel ng libro na ito. Nalulungkot ako, kaloka. hahha. ang story po nina Lush at Ruth ay agaran na demand lang po sa akin ni Sir. Nataranta ako kasi isang araw pinag-decide niya po ako kung tatanggpi ko na right on that very day ay uumpisahan ko ang chapter one. Wala akong idea, wala akong Title. Bigla ko na lang pong naisip na isunod sa kwento ng mga magulang ni Lush ang istorya ng buhay niya. Akala ko mawawala ako sa sarili kong libro. Sana po ay napasaya ko pa rin kayo kahit na hindi ko po napaghandaan ang kwento.Hanggang sa mga susunod pong kwento, kita-kits po tayo.Mamimiss kayo ng buong angkan ng mga Montesalvo.🫶 balikan niyo po ang kwento kapag na-miss niyo.
Epilogue “DIYOS KO!” nausal ni Lush at halos maiitsa niya ang hawak na smartphone nang makita niya ang anak na si Dean, na umaakyat sa sofa. Daig pa niya ang bakla na mapapatili, at kahit na ang pagsara ng kanyang zipper ay hindi na niya nagawa. “Anak!” Hiyaw niya at iika-ika na tumakbo papunta sa anak niyang long hair. Nagpupumilit itong makasampa sa upuan kahit na hindi naman nito kaya. Ano ba ang kanyang magagawa ay takot ito sa ibang tao? Ayaw nito ng yaya kaya sakripisyo siya dahil nag-aaral na si Ruth. Kaka-birthday lang ng anak nila, ika isang taon na. Nakakalakad na itong mag-isa pero naman napakakulit. Heto nga at nakarating na sa sofa. Napakasaya pa naman niya sa ibinalita ng kanyang lawyer. Dumating na sa law firm nun ang decree ng annulment nina Ruth at Baron. Napakabilis ng proseso kaya sobrang tuwa niya, na halos nakaligtaan niya ang anak habang umiihi siya. May arinola na nga siya sa may mesa niya para mabilis siyang maka-ihi. “Lush?” Tawag sa kanya ni Attorney M
69ITO ang unang araw na muling lumabas si Ruth sa penthouse. Naroon lamang siya pagkatapos niyang maospital ng dalawang araw. On the third day, she was dismissed.Nalulungkot siyang talikuran ang kanyang bagong trabaho na pinasok. She has to keep resting more often for her baby.May history na kasi siya ng bleeding kaya kailangan na niyang mag-ingat. Mabuti na lang at hindi bumitaw ang kanyang isang buwanin na anak. Her child was strong. Lalaki itong matapang at matatag, tulad niya.Si David ay patuloy pa rin na ipinagagamot ng mga Montesalvo. Medyo maayos na ang lagay ng driver ngayon. Stable na iyon kaya laking pasasalamat din ni Ruth. Hindi niya matatanggap kung nagbuwis ng buhay si David para sa kanilang mag-ina.Ipinagbukas siya ni Lush ng pinto ng sasakyan. Papunta sila ngayon mansyon ng mga Montesalvo. Sayang daw at di niya makikilala si Love dahil nasa Australia.“Ruth sandali!”Iyon ang sigaw na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Lush. Si Baron iyon.Kitang-kita niya kung paa
68.THERE was light and it was so bright. Hindi maimulat ni Ruth ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay masakit ang kanyang buong katawan at umaalog siya. She heard noise and a loud thug. Iyon ang nagpatalsik sa kanyang hawak na cellphone.That was after David yelled.“Babangga!” Sigaw ni David, “Kapit, Ma'am. Kapit!”Iyon ang huling sigaw ni David sa kanya bago niya makita ang pader at sumalpok ang harap ng sasakyan doon.Ang cellphone niya, nasaan? Ite-text Dapat niya si Kush ng I love you pero hindi na niya naisend. Baka isipin nun ay hindi niya mahal. Napahikbi siya. Baka magtampo iyon sa kanya at isipin na mas mahal pa rin niya si Baron. There's no comparison. Wala siyang ibang mahal kung hindi ang ama ng kanyang anak.Daig pa niya ang binagsakan ng isang buong gusali sa tindi ng pagyanig. Ang seatbelt na nakayakap sa kanya ay halos parang bumaon sa kanyang mga kalamnan. Para siyang lilipad papalabas ng windshield.She cried when she felt pain but cried more when she saw David.
67.1LUSH felt that he couldn't bear to hear what the doctor would say after a long moment of waiting.Habang siya ay kabadong naghihintay sa resulta sa loob ng emergency room, may coordination siya sa kanyang tauhan na nasa presinto, at sa mga pulis na humahawak sa kasong ito.Nasa may tapat siya ng chapel, paroon at parito habang hindi matigil sa pagdutdot sa kanyang aparato.Umalis na rin ang kanyang ama at pupuntahan si Benito. Alam naman niyang hindi niya iyon mapipigil. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago si Lux bilang isang responsableng ama sa kanila.“Lush!”Naulinigan niya ang boses ni Delight kaya agad siyang tumingin sa likod niya.“Kuya,” aniya nang makita ang nakatatandang kapatid.“What the hell? imposible na si lola ang ipinupunta mo rito. Kagagaling ko lang sa mansyon bago ako mag-duty ngayon.”“It's Ruth, Kuya.”“Hell, no,” parang kinabahan na sabi nito sa kanya.“Nabangga ang kotse. She was bleeding. She was almost losing our baby. S-She Was almost gone…no. I
67.“BELLE!” malakas na tawag ni Lush habang papalapit siya. Hindi ito patay!“Asawa niya ako!” Ani pa niya at daig pa niya ang isang nasa palabas sa telebisyon. Gusto niyang lumabas sa scenario na iyon at bumalik sa maayos at masayang buhay.Kanina lang makausap pa sila. Paano naman nangyari na bigla ay ganito na?“Kailan namin siyang madala sa ospital. Kanina pa siya walang malay,” anang medic sa kanya at kahit na gusto niyang abutin ang kamay ni Ruth ay wala siyang magawa.“Tell me she's alive.”“May pagdurugo siya, Sir.Fuck no.“Buhay siya, diba? Buntis siya! Tang-ina, buntis siya!” Galit na sabi niya kaya parang lalong napamadali ang mga ito.Nasapo niya ang ulo gamit ang dalawang kamay, habang nakatitig sa mukha ni Ruth. Ni hindi niya matingnan ang mga binti nitong may mga dugo. Hindi niya kaya.Gusto niyang gumawa ng paraan pero ano naman ang gagawin niya? Hindi siya doktor, at mas lalong hindi siya Diyos.His baby.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango at saka siya wala s
66.WALANG reply. Tila sumama ang loob ni Lush dahil hindi nag-reply si Ruth sa kanya. He was starting to ovethink and went out of focus.Eric just informed him a while ago that Baron met Ruth at the restaurant.Pinalipas niya ang selos niya dahil nag-usap daw ang dalawa, yet, walang ibinalita sa kanya si Ruth na pumunta roon ang asawa nito.Eric didn't know what those two talked about. He was hoping that it was just some normal conversation, despite his jealousy. Hindi naman niya masisi ang kanyang sarili kung siya man ay nakakaramdam ng selos. Gusto niyang manatili sa paniniwala na hindi na siya ulit pagsisinungalingan ni Ruth.He wants a happy life with her, and he must start it with believing in her.Humugot siya ng malalim na hininga. This is the first time he ever fell in love. He was acting a bit kind of possessive. He must not.I must not. She’s mine.Ramdam naman niya ang sinasabi ni Ruth na pagmamahal sa kanya. The way how she touches him shows how much she's into him. And h
65.“SIR, your girlfriend is here.” Melo whispered almost behind Lush during his meeting.Nakaupo siya at nakikinig sa palitan ng mga opinyon ng kanyang mga kasamahan, pero pumasok si Melo para i-imporma sa kanya na narito ang girlfriend niya.“Girlfriend?”“Si Miss Mirabelle po.”Mirabelle, yes!“We'll take a break!” Agaran niyang sabi nang walang pagdadalawang-isip. Ni hindi nga siya nag-isip at basta na lang iyon lumabas sa kanyang bibig.Tumingin sa kanya ang lahat pero mabilis siyang tumayo. It's twenty minutes before twelve. Alas dose pa sana sila magbi-break pero dahil dumating si Ruth ay break time na kaagad.Wala siyang pinansin na kahit sinuman. Agad na siyang lumabas.“Take your break as well, Melo.”“Yes, sir. Miss Mirabelle is inside your office.”“Thank you,” he said and walked tersely toward his office.Walang katok na pumasok siya sa loob at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa kanyang swivel chair.She smiled sweetly while swinging his chair.“May dala akong pagkain
64.“AND who told you she'd go with you?” Lush asked as he stepped out.He was behind the car when he heard Baron. Tumingin si Ruth sa kanya, at parang gulat nang lumabas siya.He was looking at Baron's hand, extended toward Ruth. Tumingin siya rito dahil nakatitig ito sa kanya.“Don't meddle in. Masyado kang pakialamero na kahit cellphone ng asawa ko ay ikaw ang may hawak. Did you even forget who you are?” Baron said with sarcasm, “She just sold herself to you…for me…”Lush pursed his lips, “I certainly know that. I am her second man. Yun ba ang gusto mong sabihin? Why don't you ask Belle if she wants to go with you.”Tumingin siya kay Ruth.“Wala ng pangalawang pagkakataon Para sa iyo, Baron. Tinuruan mo akong gumawa ng isang bagay na ni sa hinagap ay di ko akalain na magagawa ko. Pinababa mo ako. Pinababa mo na nga ako, iniinsulto mo pa ang pagkatao ko. Wala ka ng maloloko, Baron,” Ruth spat.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero hindi nito mabuksan. Muntik siyang matawa dahil h