pahingi ngang pang-motivate jan sa pagsusulat.đź‘‹
C20SALAMAT naman at hindi nagkatotoo ang kinatatakutan niyang World War 3. Nabawi niya kaagad ang nakita niyang tabang sa mukha ni Heart kanina.Sana ay huwag na rin pumunta si Silvana sa restaurant para huwag na silang magkita pa.Nasa loob sila ngayon ng 3VP room. Gising na si Lush at kumakain ng ham."Hindi ko alam kung magkaka-grade pala ako ngayong sem, sabi ni Miss Collins sa akin," ani Heart sa kanya kaya medyo napatigil siya sa pagnguya."And why is that so?""Pero feeling ko magkaka-grade naman ako. Pinaliwanag ko naman ang side ko nang maayos. Sabi ko unfair naman kung dahil sa status ko ay ibibitin nila ang pinaghirapan ko. Labas naman kako ang pagiging estudyante ko sa sitwasyon ko sa buhay. Feeling ko na-kumbinsi ko naman siya.""Uhm," tango niya, "Dapat lang dahil baka mawalan siya ng trabaho.""Lux!" Saway nito sa kanya pero nangingiti siya."Mimi, call Daddy Bibi, not Lats. You call him Bibi," kampi sa kanya ni Lush kaya nangingiti si Heart na kinurot ang pisngi ng an
C21BUMALIK si Lux sa kanyang opisina matapos na ihatid ang kanyang mag-ina sa kanilang bahay, tulad ng kanyang sabi.Funny how a billionaire like him lives in a two storey house, not as vast as his mansions and doesn't contain fifteen rooms. Ganun lamang ang bahay na ipinagawa nila ni Heart. May indoor balcony, malawak na salas at kusina, dalawang guests rooms sa ibaba at apat na kwarto sa itaas.Ang malawak sa kanila ay ang bakuran na puno ng landscape at mga puno. Napakapresko at parang nasa probinsiya kahit na nasa Maynila sila.Walang nagbago sa buhay ni Heart kahit na nagsasama na sila. Sariling kayod ang asawa niya at bilib na bilib siya. Hindi iyon nagsa-shopping ng milyong halaga ng bags at sapatos. Minsan, may iniuuwi na halagang anim na raan na halaga ng bag.When he buys her things worth millions of pesos, she says he must've just saved it for Lush's future.Pero kapag mamahaling pabango, wala iyong imik.Heart loves perfumes. Iyon ang hilig nun na bilhin at pinag-iipunan
C22MATIIM na pinagmamasdan ni Heart si Lux habang naglalagay siya ng mga hotdogs at Kebab na inihaw sa lalagyan.She's done. Marahan siyang naglakad papunta sa may asawang nasa may di kalayuan, may kausap sa smartphone.Sa pagkaselosa niya na kahit trabaho naman ang inaatupag nito, babae pa rin ang nasa isip niya.It's not that she doesn't trust him. She's just afraid of some girls who want to catch Lux's attention. Hindi naman kasi siya bulag. Nakikita niya na nagma-magnet si Lux ng mga kababaihan kahit saan. Tanggap naman niya yun dahil magandang lalaki naman ang asawa niya. Isa pa, may respeto naman ito sa kanya na hindi tumitingin sa iba lalo na kapag magkasama silang dalawa.Subukan nito na tumingin at hahampasin niya ito sa mata.Pero ngayon ay parang malungkot ito at may dinaramdam. May resulta na kaya ang pagpapa-imbestiga nito? Hindi kaya masamang balita ang nalaman nito kaya para itong may sakit at tuliro?Kakain na sila kaya niya ito nilapitan. Kakausapin na rin niya dahil
C23LUMABAS si Heart sa tent matapos niyang ayusin si Lush. Tulog na ang anak at ngayon ay papunta na siya sa asawa na nakaupo, nakatingin agad sa kanya. Nakailang sigarilyo na ito mula kanina at alam niya ang mga ganung kilos ni Lux.Hindi naman ito pala-sigarilyo. Minsan nga ay lumilipas ang ilang araw na hindi niya ito nakikitang humihithit ng ganun, pero mula pa kanina ay parang nakakatatlo na ito.Matindi ang nararamdaman nito. Ngumiti siya rito at ito ay ngumiti nang kaunti sa kanya.Sa halip na maupo siya sa tabi nito ay naupo siya sa mismong kandungan nito.Agad naman itong yumakap sa balakang niya."Ano na? Kaya pa ba?" Natatawang biro niya pero siya man ay natakot sa sasabihin nito.Baka huling tawa na niya iyon sa gabing iyon kung sakali.May kinuha ito sa bulsa ng suot na short, nakatiklop na papel."Open it, baby. I want you to see it," anito kaya tumango siya at nakaawang ang labi na kinuha iyon at binuksan.Ang una niyang nakita sa itaas ay pangalan ng duktor, address a
C24MALUNGKOT si Heart nang magising. Parehas sila ni Lux na walang imik buong magdamag pero nakahawak sa kanya ang asawa na para bang tatakas siya. Nakatulugan na lang niya iyon at ito naman ay ganun din. Pinakikiramdaman nila ang bawat isa.May community service sila sa araw na ito tapos ay sa Lunes at Martes. Pagkatapos nun ay bakasyon na sila.Dinampot niya ang kanyang smartphone at tumingin sa kanyang messages.Nangangamusta ang Nanay niya sa kanya at hindi na pala niya nareplayan, o mas tamang sabihin na hindi na nga niya nabasa dahil wala siya sa sarili. Binasa niya ang chat nina Lexus at Lexi sa notification panel. Semestral break na pala ng mga kapatid niya at tuwang-tuwa ang kambal.Mas tuwa siya bilang ate dahil matino na mag-aral ang mga kapatid niya. Sulit ang kanyang pagod sa trabaho.She replied her mother."Okay, Nanay. Nakatulugan ko na ang text mo, Nay kasi pagod ako sa exam. Kung tungkol Nay sa problema, nagpapa-imbestiga si Lux sa mga nagpapakalat ng mga balita tun
C25DINALA ni Lux ang anak sa isang ice cream parlor matapos nilang maglaro ng basketball. Request iyon ng bata kaya naman sinunod niya para mas lalong sumaya."Daddy, why dat Mommy keep on going to school?" Tanong ni Lush sa kanya habang pumipili sila ng ice cream sa lalagyan."Because her school isn't finished yet.""Dusto ko na kasi punta kay Owa at Owo.""We'll go there. Don't worry. Pupunta tayong tatlo nina Mommy.""Pramit?""Opo, promise ni Daddy."Nag-highfive silang mag-ama pero napukaw ang atensyon niya ng isang bata na tumakbo, at itinulak ang freezer kaya umuga."Putang…! Kaya mo bang bayaran ito kapag nabasag?" Galit na singhal ng tindero sa bata na tantya niya ay sing edad ni Lush.Nakita niya ang pagkurap nun at parang natakot sa lalaki. Si Lush ay napahawak sa short niya at natingala siya."Don't curse like that in front of the kid. Hindi ka pwedeng maging tindero sa harap ng bata, masyadong masama ang tabas ng bunganga at pagmumukha mo," aniya sa tindero na agad na tum
C26LUNCH DATE spotted.Iyon ang umagaw sa atensyon ni Lux habang siya ay nag-i-scroll sa G site. He scrolled up again when he saw a pic but passed through it, and the pic was kind of familiar to him.Galing iyon sa isang vlogger, content creator, journalist na si Trojan War. Isa iyong transgender sa pagkakaalam niya. Sikat ang bakla sa mga sites dahil magaling iyong content creator. Pinanonood iyon ng mga emplayado niya sa opisina kaya naging pamilyar din sa kanya dahil laman ng mga usapan kapag coffee break.Napakunot noo siya at inilapit ang screen sa mga mata niya. Laman ng utak niya si Silvana at ang batang si Delight hanggang sa mga sandaling iyon. Kumain sila ng ice cream, magkahiwalay ng mesa. Sa kabilang side dinala ni Silvana ang bata at sila naman ni Lush ay nasa kabila kumain. Laman iyon ng utak niya hindi dahil sa nagagandahan siya o ano pa man. He was thinking about her gesture. Ayaw nun na ilapit sa kanya ang bata, ganun kasimple.Walang humpay ang tingin sa kanya ni Del
C27KUMUKURAP-KURAP si Lush na nakatingin sa ina. Walang humpay ang pagsubo niya ng ice cream habang umiiyak. Si Lush naman ay pahid nang pahid sa luha niya sa pisngi kaya ngumingiti siya sa effort ng kanyang anak."Don't try," anito sa kanya, "Lab itaw ni Daddy. Hindi siya lalapit sa manang.""Ano lang ginawa niya?""The bata was not well. He was like dit," anito saka parang umakto na nahihirapan sa paghinga.Tumango siya. May hika siguro ang bata at nakaramdam siya ng awa. Ayos naman siya kaya lang hindi talaga mawala sa kanya ang isipin na magkakamabutihan ang dalawa ni Silvana at Lux dahil sa anak."Madami pa ikaw di alam, anak. Baby ka pa na sobra.""Hindi tayo alis?"Umiling siya rito at natawa. Kahit na ito ay nahawa na ang pagiging matatakutin ni Lux tungkol sa pag-alis."Hindi po aalis.""Hindi natin iwan si Daddy ko?""Hindi po iiwan si Daddy. Mommy loves Daddy. May mga hindi lang kami pagkakaintindihan pero pag-uusapan namin 'yon para sa iyo, saka mahal namin ang isa't isa
Paulit-ulit ako. hahahah.Ito po ay final story na ng sequel ng libro na ito. Nalulungkot ako, kaloka. hahha. ang story po nina Lush at Ruth ay agaran na demand lang po sa akin ni Sir. Nataranta ako kasi isang araw pinag-decide niya po ako kung tatanggpi ko na right on that very day ay uumpisahan ko ang chapter one. Wala akong idea, wala akong Title. Bigla ko na lang pong naisip na isunod sa kwento ng mga magulang ni Lush ang istorya ng buhay niya. Akala ko mawawala ako sa sarili kong libro. Sana po ay napasaya ko pa rin kayo kahit na hindi ko po napaghandaan ang kwento.Hanggang sa mga susunod pong kwento, kita-kits po tayo.Mamimiss kayo ng buong angkan ng mga Montesalvo.🫶 balikan niyo po ang kwento kapag na-miss niyo.
Epilogue “DIYOS KO!” nausal ni Lush at halos maiitsa niya ang hawak na smartphone nang makita niya ang anak na si Dean, na umaakyat sa sofa. Daig pa niya ang bakla na mapapatili, at kahit na ang pagsara ng kanyang zipper ay hindi na niya nagawa. “Anak!” Hiyaw niya at iika-ika na tumakbo papunta sa anak niyang long hair. Nagpupumilit itong makasampa sa upuan kahit na hindi naman nito kaya. Ano ba ang kanyang magagawa ay takot ito sa ibang tao? Ayaw nito ng yaya kaya sakripisyo siya dahil nag-aaral na si Ruth. Kaka-birthday lang ng anak nila, ika isang taon na. Nakakalakad na itong mag-isa pero naman napakakulit. Heto nga at nakarating na sa sofa. Napakasaya pa naman niya sa ibinalita ng kanyang lawyer. Dumating na sa law firm nun ang decree ng annulment nina Ruth at Baron. Napakabilis ng proseso kaya sobrang tuwa niya, na halos nakaligtaan niya ang anak habang umiihi siya. May arinola na nga siya sa may mesa niya para mabilis siyang maka-ihi. “Lush?” Tawag sa kanya ni Attorney M
69ITO ang unang araw na muling lumabas si Ruth sa penthouse. Naroon lamang siya pagkatapos niyang maospital ng dalawang araw. On the third day, she was dismissed.Nalulungkot siyang talikuran ang kanyang bagong trabaho na pinasok. She has to keep resting more often for her baby.May history na kasi siya ng bleeding kaya kailangan na niyang mag-ingat. Mabuti na lang at hindi bumitaw ang kanyang isang buwanin na anak. Her child was strong. Lalaki itong matapang at matatag, tulad niya.Si David ay patuloy pa rin na ipinagagamot ng mga Montesalvo. Medyo maayos na ang lagay ng driver ngayon. Stable na iyon kaya laking pasasalamat din ni Ruth. Hindi niya matatanggap kung nagbuwis ng buhay si David para sa kanilang mag-ina.Ipinagbukas siya ni Lush ng pinto ng sasakyan. Papunta sila ngayon mansyon ng mga Montesalvo. Sayang daw at di niya makikilala si Love dahil nasa Australia.“Ruth sandali!”Iyon ang sigaw na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Lush. Si Baron iyon.Kitang-kita niya kung paa
68.THERE was light and it was so bright. Hindi maimulat ni Ruth ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay masakit ang kanyang buong katawan at umaalog siya. She heard noise and a loud thug. Iyon ang nagpatalsik sa kanyang hawak na cellphone.That was after David yelled.“Babangga!” Sigaw ni David, “Kapit, Ma'am. Kapit!”Iyon ang huling sigaw ni David sa kanya bago niya makita ang pader at sumalpok ang harap ng sasakyan doon.Ang cellphone niya, nasaan? Ite-text Dapat niya si Kush ng I love you pero hindi na niya naisend. Baka isipin nun ay hindi niya mahal. Napahikbi siya. Baka magtampo iyon sa kanya at isipin na mas mahal pa rin niya si Baron. There's no comparison. Wala siyang ibang mahal kung hindi ang ama ng kanyang anak.Daig pa niya ang binagsakan ng isang buong gusali sa tindi ng pagyanig. Ang seatbelt na nakayakap sa kanya ay halos parang bumaon sa kanyang mga kalamnan. Para siyang lilipad papalabas ng windshield.She cried when she felt pain but cried more when she saw David.
67.1LUSH felt that he couldn't bear to hear what the doctor would say after a long moment of waiting.Habang siya ay kabadong naghihintay sa resulta sa loob ng emergency room, may coordination siya sa kanyang tauhan na nasa presinto, at sa mga pulis na humahawak sa kasong ito.Nasa may tapat siya ng chapel, paroon at parito habang hindi matigil sa pagdutdot sa kanyang aparato.Umalis na rin ang kanyang ama at pupuntahan si Benito. Alam naman niyang hindi niya iyon mapipigil. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago si Lux bilang isang responsableng ama sa kanila.“Lush!”Naulinigan niya ang boses ni Delight kaya agad siyang tumingin sa likod niya.“Kuya,” aniya nang makita ang nakatatandang kapatid.“What the hell? imposible na si lola ang ipinupunta mo rito. Kagagaling ko lang sa mansyon bago ako mag-duty ngayon.”“It's Ruth, Kuya.”“Hell, no,” parang kinabahan na sabi nito sa kanya.“Nabangga ang kotse. She was bleeding. She was almost losing our baby. S-She Was almost gone…no. I
67.“BELLE!” malakas na tawag ni Lush habang papalapit siya. Hindi ito patay!“Asawa niya ako!” Ani pa niya at daig pa niya ang isang nasa palabas sa telebisyon. Gusto niyang lumabas sa scenario na iyon at bumalik sa maayos at masayang buhay.Kanina lang makausap pa sila. Paano naman nangyari na bigla ay ganito na?“Kailan namin siyang madala sa ospital. Kanina pa siya walang malay,” anang medic sa kanya at kahit na gusto niyang abutin ang kamay ni Ruth ay wala siyang magawa.“Tell me she's alive.”“May pagdurugo siya, Sir.Fuck no.“Buhay siya, diba? Buntis siya! Tang-ina, buntis siya!” Galit na sabi niya kaya parang lalong napamadali ang mga ito.Nasapo niya ang ulo gamit ang dalawang kamay, habang nakatitig sa mukha ni Ruth. Ni hindi niya matingnan ang mga binti nitong may mga dugo. Hindi niya kaya.Gusto niyang gumawa ng paraan pero ano naman ang gagawin niya? Hindi siya doktor, at mas lalong hindi siya Diyos.His baby.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango at saka siya wala s
66.WALANG reply. Tila sumama ang loob ni Lush dahil hindi nag-reply si Ruth sa kanya. He was starting to ovethink and went out of focus.Eric just informed him a while ago that Baron met Ruth at the restaurant.Pinalipas niya ang selos niya dahil nag-usap daw ang dalawa, yet, walang ibinalita sa kanya si Ruth na pumunta roon ang asawa nito.Eric didn't know what those two talked about. He was hoping that it was just some normal conversation, despite his jealousy. Hindi naman niya masisi ang kanyang sarili kung siya man ay nakakaramdam ng selos. Gusto niyang manatili sa paniniwala na hindi na siya ulit pagsisinungalingan ni Ruth.He wants a happy life with her, and he must start it with believing in her.Humugot siya ng malalim na hininga. This is the first time he ever fell in love. He was acting a bit kind of possessive. He must not.I must not. She’s mine.Ramdam naman niya ang sinasabi ni Ruth na pagmamahal sa kanya. The way how she touches him shows how much she's into him. And h
65.“SIR, your girlfriend is here.” Melo whispered almost behind Lush during his meeting.Nakaupo siya at nakikinig sa palitan ng mga opinyon ng kanyang mga kasamahan, pero pumasok si Melo para i-imporma sa kanya na narito ang girlfriend niya.“Girlfriend?”“Si Miss Mirabelle po.”Mirabelle, yes!“We'll take a break!” Agaran niyang sabi nang walang pagdadalawang-isip. Ni hindi nga siya nag-isip at basta na lang iyon lumabas sa kanyang bibig.Tumingin sa kanya ang lahat pero mabilis siyang tumayo. It's twenty minutes before twelve. Alas dose pa sana sila magbi-break pero dahil dumating si Ruth ay break time na kaagad.Wala siyang pinansin na kahit sinuman. Agad na siyang lumabas.“Take your break as well, Melo.”“Yes, sir. Miss Mirabelle is inside your office.”“Thank you,” he said and walked tersely toward his office.Walang katok na pumasok siya sa loob at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa kanyang swivel chair.She smiled sweetly while swinging his chair.“May dala akong pagkain
64.“AND who told you she'd go with you?” Lush asked as he stepped out.He was behind the car when he heard Baron. Tumingin si Ruth sa kanya, at parang gulat nang lumabas siya.He was looking at Baron's hand, extended toward Ruth. Tumingin siya rito dahil nakatitig ito sa kanya.“Don't meddle in. Masyado kang pakialamero na kahit cellphone ng asawa ko ay ikaw ang may hawak. Did you even forget who you are?” Baron said with sarcasm, “She just sold herself to you…for me…”Lush pursed his lips, “I certainly know that. I am her second man. Yun ba ang gusto mong sabihin? Why don't you ask Belle if she wants to go with you.”Tumingin siya kay Ruth.“Wala ng pangalawang pagkakataon Para sa iyo, Baron. Tinuruan mo akong gumawa ng isang bagay na ni sa hinagap ay di ko akalain na magagawa ko. Pinababa mo ako. Pinababa mo na nga ako, iniinsulto mo pa ang pagkatao ko. Wala ka ng maloloko, Baron,” Ruth spat.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero hindi nito mabuksan. Muntik siyang matawa dahil h