wait for my other acc here. there'll be more stories to read there. I'll announce if it's already visible here. it's 'winx'. 🫶
40.“KUNG ako sa iyo, pumunta ka na sa party, para wala ng masabi ang ex mo sa'yo,” aniya kay Lush habang kausap ito sa cellphone.Nasa ospital na iyon at siya ay nasa penthouse na. Gabi na at mag-isa siya. Lahat ng ilaw ay nakabukas dahil wala siyang kasama, pero hindi siya natatakot. May kasama pala siya, ang pusa. Nakakatuwa naman dahil nang hilingin niya kay Lush na kunin si Muse sa condo ay ipinakuha naman kaagad sa tauhan nun.“Damn. I really don't want to go there, sweetie.”“Saglit lang naman yun,” aniya pa rito kahit na sa loob niya ay ayaw niya itong pumunta.Pastilyas na matigas! Nagseselos siya kapag naiisip niyang makikipag-lampungan si Lush sa babae na iyon o kung kaninong babae man, pero wala siyang magawa. Gusto niyang itulak ito sa iba para kapag naghiwalay sila ay madali lang ang lahat sa kanila.Pakiramdam ni Ruth, siya ay may bomba sa ulo, may isang sakit na may taning ang buhay, na anumang sandali ay magwawakas. Habang tumatagal ang panahon ay lalo siyang napapala
41.The last minute Lush Miguel texted her was when he said he'd drive his grandmother back home. Ngayon ay alas diyes na ng umaga at tapos na ang coffee break. Nasa loob na siya ng C.R pero wala pa rin update.Hinihintay din niya iyon. isang malaking himala na hindi siya pinag-uusapan sa buong kumpanya ngayon dahil sa nangyari noong isang araw. Kahapon pa siya naghihintay na may marinig. Ikinuwento na nga niya kay Berna para di na iyon magugulat pa.So far, Montevez remained a peaceful environment for her, especially now that Dennis is no longer around.“Hoy.”Napaitlag siya at napatigil sa pagkuskos ng mop sa sahig nang maulingan si Berna.“Halika, dali. Nandiyan ang jowa mo may kasamang babae!” Paypay nito sa kanya kaya napakunot noo siya.Si Lush?Agad siyang naglakad papunta sa pinto at lumabas. Nakatipon ang mga janitors sa lobby, lahat nakatingin sa isang magandang babae. Hindi iyon matangkad pero ubod ng kinis. Chubby iyon at chinita, mahaba ang buhok na kulay blonde.Kaswal la
42.KAMPANTE pa si Lush Miguel na nakatunganga. Naka-de kwatro pa siya. Ruth was sleeping after four rounds. Nasa taas iyon at iniwan niya saglit. Bumaba siya at umiinom ng kape ngayon.Nangingiti siya dahil naaalala niya ang inis nito kanina nang ipakilala niya si Patricia sa lobby bilang supervisor.Nagseselos ito sa babae at natutuwa siya. May gusto na si Ruth sa kanya kaya lang ay ayaw umamin. Kakaibang saya ang naramdaman niya nang marinig niya na nagmamaktol ang dalaga sa banyo kanina.Ayaw niya noon ng may hahabol-habol sa kanya. Ayaw niya na may babakod-bakod pero ngayon ay proud na proud siya. To the point na hindi naman siya nito binabakuran at nagtatago nga. Buti na lang at narinig niya.Kinuha niya ang tasa ng kape at humihop, pero tumingin siya sa hagdan nang makita si Ruth na pababa.She was wearing his long sleeves and buttoning a few of the buttons.“Bakit nakatunganga ka pa?” Inaantok na tanong nito sa kanya at napamadali, walang tsinelas na suot.Nahagod niya ng ting
43.NAPALUNOK si Lush ng laway. Wala siyang maapuhap na salita na pwedeng isagot kay Ricky.Maluha-luha siyang napabaling ng tingin para itago ang mga mata niya. Did she lie to him? Did she hide her real status? Her profile said she was single. Did she fail to update it?Fuck!Gusto niyang hilamusan ang mukha niya. Parang hindi siya makahinga. Seryoso siya sa kanyang nararamdaman? Bakit naman ganito siya pinaglalaruan ng tadhana? Asawa ni Baron ang babaeng minamahal niya?Tang-ina!Halos maikuyom niya ang kamao. Gusto niyang umiyak at halos masabunutan niya ang sarili.“Wait, Rick,” dali-dali niyang paalam sa kaibigan saka siya naglakad nang malalaki papunta sa mesa ng mga iba't ibang mamahalin na alak.He stood in front of it. Mangiyak-ngiyak siya. May iba pa bang Ruth Eduardo sa mundo? Sino?Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Nagagalit siya. Bakit siya niloko ni Ruth? Kung iyon man?Dinampot niya ang isang wine glass at tinungga ang alak. Hindi pa siya nasiyahan ay ki
43.1GULAT si Ruth nang bumukas ang pintuan at malaking katawan ni Lush ang sumampay sa kanya.“Susko!” Tili niya saka pilit na inalalayan ang binatang sinilip siya at nginitian.Dinutdot nito ang ilong niya Gamit ang hintuturo nito.“S-Sandali,” aniya saka isinara ang pintuan.“Hindi tayo makakapanhik,” aniya rito.Matayog ang hagdan at baka gumulong sila parehas ni Lush. Napakalaking lalaki pa naman nito at kapag nadaganan siya ay baka daig pa niya ang sinagasaan ng pison.“Dito lang tayo matutulog sa baba. Sandali, kukunin ko ang sapin. Maupo ka,” humahangos na sabi niya saka ito inalalayan na makaupo sa sofa.Umungol ito at umiling pero nagmamadali ang dalaga sa itaas, kinuha ang makakapal na comforter na nakasapin sa kama.Bumaba siyang muli matapos na kunin ang mga iyon, kasama na rin ang pamalit ni Lush. Halos humandusay ito sa sofa at hindi makagulapay. Hawak pa nito sa kamay ang ebidensya ng kalasingan, ang bote ng alak.“Akin na ‘yan,” aniya saka kinuha ang bote mula rito.Na
44.TAPOS na.Humugot siya nang malalim na hininga nang tuluyan na lumiit si Ruth sa kanyang paningin. Nakaupo siya sa kanyang sasakyan, nag-aabang na parang isang magnanakaw. He watched her as she ran away, carrying Muse's cage.Iyon lang ang kaya niyang gawin, ang tanawin ang dalaga mula sa malayo dahil kahit galit siya, nagmamahal siya nang totoo. Kahit galit siya, hindi niya kayang insultuhin iyon at pagsalitaan ng masasakit.Mataas pa rin ang respeto niya kay Ruth sa kabila ng lahat, dahil alam niya na deserving iyon sa respeto niya. Ngayon lang siya nainggit sa tanan ng kanyang buhay. Naiinggit siya kay Baron. Napakabait ng asawa nun, at sana ay makahanap din siya ng isa pang Ruth, pero hindi pa sa ngayon.Lush badly needed so much time to heal, and the process will never be easy. Yun ang kanyang nasisiguro dahil sobra siyang nasaktan sa kauna-unahang pagkakataon na siya ay umibig.Tamad na binuhay ng binata ang makina ng sasakyan. Pinaandar niya iyon pero hindi siya papasok. Uu
45RUTH is facing her head, Patricia. Nasa kamay nito ang kanyang resignation letter, na alam niyang ia-akyat nito kay Lush Miguel. Binabasa iyon ng babae.“This is an urgent registration letter, Miss Eduardo. Nakalagay mo rito ay may aasikasuhin ka at matagal ka bago makakabalik. Saan?” ngumisi ito at parang kampante na tumingin sa kanya.“Confidential, Ma'am. Bibyahe na po ako ngayon.”“Okay. Kung ‘yan ang desisyon mo, mahirap ka naman pigilan. I don't know your personal life and problems,” anito saka walang paliguy-ligoy na pinirmahan iyon.Napaawang ang kanyang bibig, “Hindi niyo na po ia-akyat sa CEO?”“Nope,” iling nito, “Lush had given me all the authority to decide as long as it’s under my supervision. In your case, under kita kaya ako na ang bahala. Besides, marami naman pwedeng pumalit sa trabaho mo. Good luck.”Napilitan siyang tumango saka ngumiti. Narito na pala ang lahat ng awtoridad. Bakit nga ba naman siya magtataka? Malamang ay si Patricia ang babaeng sinasabi ni Lush
46.RUTH accepted a handshake being offered to her by the manager, Vaughn Andaya.Nasa harap siya ng lalaki, nakaupo, habang ito ay nasa swivel chair nito.Nag-apply siya sa SM bilang isang sales lady sa isang mamahalin na clothesline, na isinusuot ng mga pulitiko sa kanilang lugar. Ang isang button down shirt ay nagkakahalaga ng apat na libo.Today's her interview and she just got hired. This was a month after she got home from Manila to Camarines Sur. Nasa Naga City siya dahil naghahanap na siya ng trabaho. Ayaw na niyang mag-mukmok sa bahay.Galit na galit ang kanyang mga kamag-anak kay Baron, at sa oras daw na magpakita iyon, tatagpasin daw iyon sa leeg ng kanhang Tiyo Ernesto. Malalayong kamag-anak na lang ang mayroon sila pero naman ay di matatawaran ang relasyon nila sa bawat isa. Lalo na siya na ulilang lubos kung tutuusin. Her family is protecting her, especially now that they know the story about Baron.Iba ang mga ugali ng taga-Cam Sur. Matatapang talaga ang mga taga-rito a
Paulit-ulit ako. hahahah.Ito po ay final story na ng sequel ng libro na ito. Nalulungkot ako, kaloka. hahha. ang story po nina Lush at Ruth ay agaran na demand lang po sa akin ni Sir. Nataranta ako kasi isang araw pinag-decide niya po ako kung tatanggpi ko na right on that very day ay uumpisahan ko ang chapter one. Wala akong idea, wala akong Title. Bigla ko na lang pong naisip na isunod sa kwento ng mga magulang ni Lush ang istorya ng buhay niya. Akala ko mawawala ako sa sarili kong libro. Sana po ay napasaya ko pa rin kayo kahit na hindi ko po napaghandaan ang kwento.Hanggang sa mga susunod pong kwento, kita-kits po tayo.Mamimiss kayo ng buong angkan ng mga Montesalvo.🫶 balikan niyo po ang kwento kapag na-miss niyo.
Epilogue “DIYOS KO!” nausal ni Lush at halos maiitsa niya ang hawak na smartphone nang makita niya ang anak na si Dean, na umaakyat sa sofa. Daig pa niya ang bakla na mapapatili, at kahit na ang pagsara ng kanyang zipper ay hindi na niya nagawa. “Anak!” Hiyaw niya at iika-ika na tumakbo papunta sa anak niyang long hair. Nagpupumilit itong makasampa sa upuan kahit na hindi naman nito kaya. Ano ba ang kanyang magagawa ay takot ito sa ibang tao? Ayaw nito ng yaya kaya sakripisyo siya dahil nag-aaral na si Ruth. Kaka-birthday lang ng anak nila, ika isang taon na. Nakakalakad na itong mag-isa pero naman napakakulit. Heto nga at nakarating na sa sofa. Napakasaya pa naman niya sa ibinalita ng kanyang lawyer. Dumating na sa law firm nun ang decree ng annulment nina Ruth at Baron. Napakabilis ng proseso kaya sobrang tuwa niya, na halos nakaligtaan niya ang anak habang umiihi siya. May arinola na nga siya sa may mesa niya para mabilis siyang maka-ihi. “Lush?” Tawag sa kanya ni Attorney M
69ITO ang unang araw na muling lumabas si Ruth sa penthouse. Naroon lamang siya pagkatapos niyang maospital ng dalawang araw. On the third day, she was dismissed.Nalulungkot siyang talikuran ang kanyang bagong trabaho na pinasok. She has to keep resting more often for her baby.May history na kasi siya ng bleeding kaya kailangan na niyang mag-ingat. Mabuti na lang at hindi bumitaw ang kanyang isang buwanin na anak. Her child was strong. Lalaki itong matapang at matatag, tulad niya.Si David ay patuloy pa rin na ipinagagamot ng mga Montesalvo. Medyo maayos na ang lagay ng driver ngayon. Stable na iyon kaya laking pasasalamat din ni Ruth. Hindi niya matatanggap kung nagbuwis ng buhay si David para sa kanilang mag-ina.Ipinagbukas siya ni Lush ng pinto ng sasakyan. Papunta sila ngayon mansyon ng mga Montesalvo. Sayang daw at di niya makikilala si Love dahil nasa Australia.“Ruth sandali!”Iyon ang sigaw na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Lush. Si Baron iyon.Kitang-kita niya kung paa
68.THERE was light and it was so bright. Hindi maimulat ni Ruth ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay masakit ang kanyang buong katawan at umaalog siya. She heard noise and a loud thug. Iyon ang nagpatalsik sa kanyang hawak na cellphone.That was after David yelled.“Babangga!” Sigaw ni David, “Kapit, Ma'am. Kapit!”Iyon ang huling sigaw ni David sa kanya bago niya makita ang pader at sumalpok ang harap ng sasakyan doon.Ang cellphone niya, nasaan? Ite-text Dapat niya si Kush ng I love you pero hindi na niya naisend. Baka isipin nun ay hindi niya mahal. Napahikbi siya. Baka magtampo iyon sa kanya at isipin na mas mahal pa rin niya si Baron. There's no comparison. Wala siyang ibang mahal kung hindi ang ama ng kanyang anak.Daig pa niya ang binagsakan ng isang buong gusali sa tindi ng pagyanig. Ang seatbelt na nakayakap sa kanya ay halos parang bumaon sa kanyang mga kalamnan. Para siyang lilipad papalabas ng windshield.She cried when she felt pain but cried more when she saw David.
67.1LUSH felt that he couldn't bear to hear what the doctor would say after a long moment of waiting.Habang siya ay kabadong naghihintay sa resulta sa loob ng emergency room, may coordination siya sa kanyang tauhan na nasa presinto, at sa mga pulis na humahawak sa kasong ito.Nasa may tapat siya ng chapel, paroon at parito habang hindi matigil sa pagdutdot sa kanyang aparato.Umalis na rin ang kanyang ama at pupuntahan si Benito. Alam naman niyang hindi niya iyon mapipigil. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago si Lux bilang isang responsableng ama sa kanila.“Lush!”Naulinigan niya ang boses ni Delight kaya agad siyang tumingin sa likod niya.“Kuya,” aniya nang makita ang nakatatandang kapatid.“What the hell? imposible na si lola ang ipinupunta mo rito. Kagagaling ko lang sa mansyon bago ako mag-duty ngayon.”“It's Ruth, Kuya.”“Hell, no,” parang kinabahan na sabi nito sa kanya.“Nabangga ang kotse. She was bleeding. She was almost losing our baby. S-She Was almost gone…no. I
67.“BELLE!” malakas na tawag ni Lush habang papalapit siya. Hindi ito patay!“Asawa niya ako!” Ani pa niya at daig pa niya ang isang nasa palabas sa telebisyon. Gusto niyang lumabas sa scenario na iyon at bumalik sa maayos at masayang buhay.Kanina lang makausap pa sila. Paano naman nangyari na bigla ay ganito na?“Kailan namin siyang madala sa ospital. Kanina pa siya walang malay,” anang medic sa kanya at kahit na gusto niyang abutin ang kamay ni Ruth ay wala siyang magawa.“Tell me she's alive.”“May pagdurugo siya, Sir.Fuck no.“Buhay siya, diba? Buntis siya! Tang-ina, buntis siya!” Galit na sabi niya kaya parang lalong napamadali ang mga ito.Nasapo niya ang ulo gamit ang dalawang kamay, habang nakatitig sa mukha ni Ruth. Ni hindi niya matingnan ang mga binti nitong may mga dugo. Hindi niya kaya.Gusto niyang gumawa ng paraan pero ano naman ang gagawin niya? Hindi siya doktor, at mas lalong hindi siya Diyos.His baby.Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango at saka siya wala s
66.WALANG reply. Tila sumama ang loob ni Lush dahil hindi nag-reply si Ruth sa kanya. He was starting to ovethink and went out of focus.Eric just informed him a while ago that Baron met Ruth at the restaurant.Pinalipas niya ang selos niya dahil nag-usap daw ang dalawa, yet, walang ibinalita sa kanya si Ruth na pumunta roon ang asawa nito.Eric didn't know what those two talked about. He was hoping that it was just some normal conversation, despite his jealousy. Hindi naman niya masisi ang kanyang sarili kung siya man ay nakakaramdam ng selos. Gusto niyang manatili sa paniniwala na hindi na siya ulit pagsisinungalingan ni Ruth.He wants a happy life with her, and he must start it with believing in her.Humugot siya ng malalim na hininga. This is the first time he ever fell in love. He was acting a bit kind of possessive. He must not.I must not. She’s mine.Ramdam naman niya ang sinasabi ni Ruth na pagmamahal sa kanya. The way how she touches him shows how much she's into him. And h
65.“SIR, your girlfriend is here.” Melo whispered almost behind Lush during his meeting.Nakaupo siya at nakikinig sa palitan ng mga opinyon ng kanyang mga kasamahan, pero pumasok si Melo para i-imporma sa kanya na narito ang girlfriend niya.“Girlfriend?”“Si Miss Mirabelle po.”Mirabelle, yes!“We'll take a break!” Agaran niyang sabi nang walang pagdadalawang-isip. Ni hindi nga siya nag-isip at basta na lang iyon lumabas sa kanyang bibig.Tumingin sa kanya ang lahat pero mabilis siyang tumayo. It's twenty minutes before twelve. Alas dose pa sana sila magbi-break pero dahil dumating si Ruth ay break time na kaagad.Wala siyang pinansin na kahit sinuman. Agad na siyang lumabas.“Take your break as well, Melo.”“Yes, sir. Miss Mirabelle is inside your office.”“Thank you,” he said and walked tersely toward his office.Walang katok na pumasok siya sa loob at nakita niya ang dalaga na nakaupo sa kanyang swivel chair.She smiled sweetly while swinging his chair.“May dala akong pagkain
64.“AND who told you she'd go with you?” Lush asked as he stepped out.He was behind the car when he heard Baron. Tumingin si Ruth sa kanya, at parang gulat nang lumabas siya.He was looking at Baron's hand, extended toward Ruth. Tumingin siya rito dahil nakatitig ito sa kanya.“Don't meddle in. Masyado kang pakialamero na kahit cellphone ng asawa ko ay ikaw ang may hawak. Did you even forget who you are?” Baron said with sarcasm, “She just sold herself to you…for me…”Lush pursed his lips, “I certainly know that. I am her second man. Yun ba ang gusto mong sabihin? Why don't you ask Belle if she wants to go with you.”Tumingin siya kay Ruth.“Wala ng pangalawang pagkakataon Para sa iyo, Baron. Tinuruan mo akong gumawa ng isang bagay na ni sa hinagap ay di ko akalain na magagawa ko. Pinababa mo ako. Pinababa mo na nga ako, iniinsulto mo pa ang pagkatao ko. Wala ka ng maloloko, Baron,” Ruth spat.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero hindi nito mabuksan. Muntik siyang matawa dahil h